Ciel Lobregat

De JyJirah

3M 10.4K 1K

GirlxGirl | REPUBLISHING ○ MY KUYA JAY'S GIRLFRIEND ○ Ciel Lobregat ~ Star of the volleyball team. Incredibly... Mais

-0-
Capitulo Dos
Capitulo Tres
Capitulo Cuatro
Capitulo Cinco
Capitulo Seis

Capitulo Uno

103K 1.6K 229
De JyJirah

Miya’s POV

“BESPREN, ano, uuwi na ba tayo?”

Mula sa pag-aayos ng mga notebooks sa backpack ko, nilingon ko ang tumawag sa akin—si Ems, ang classmate at isa sa mga best friends ko sa Sycamore. Katatapos lang ng klase namin at oras na nang uwian namin. “Um, baka hindi ako makakasabay sa’yo ngayon, eh. May date kasi ako.”

Biglang namilog ang mga mata niya. “Owemji, bespren! As in?”

“As in! At hulaan mo kung sino—”

“Si Kuya Jay?” bulalas niya, na gaya ko ay super excited bigla.

Tumili ako, walang pakialam sa paligid. “Yup!”

Tumili na rin siya. Sandali pa ay sabay na kaming tumitili.

“Hoy, ano ba 'yan! Nagpa-falsetto ba kayo?” biglang epal ng isang talipandas naming kaklase.

Na sinagot lang din naman namin ng nagmamalditang, “Ano?”

“Kako’y wala, ituloy n’yo lang 'yan! Ang sarap sa tainga!” Iyon lang at pairap siyang nagmartsa palabas ng classroom.

“Uy, thanks!” habol pa ni Ems. “Anyway, bespren, baka magtatapat na si Kuya Jay sa’yo ngayon!”

“Ugh! Sana nga. Let’s keep our fingers crossed. I’m really in love with him!”

“Yay, finally! Magkakajowa ka na!”

Nagmamadaling isinukbit ko iyong backpack sa likod ko at sabay na kaming lumabas na naka-holding hands. “Alam mo, bespren, feel na feel kong dez ez et na talaga!”

“Kapag kayo na ni Kuya Jay, ilibre mo ako ng J.Co, ha?” ungot agad niya habang naglalakad kami.

“Ano ka ba? Hindi pa nga kami, puro palibre na naman 'yang nasa isip mo,” ingos ko. 

“Ah, basta! Mangako ka. Kung hindi, mamalasin ang love life mo ever,” banta pa niya.

Hinampas ko siya. “Bwesit ka.”

Bumungisngis lang siya.

Si Jonathan Vasquez, na mas kilala bilang ‘Jay’, ay kapitbahay namin mula pa n’ong five years old ako. Guwapo at gentleman, super bait pa. Parehong malapit ang pamilya namin sa isa’t isa. Siya ang madalas kong kalaro at tagapagtanggol noon mula sa mga salbaheng bata. Siya ang una kong ‘kilig’… ang una at kaisa-isa kong crush... ang Prince Charming sa mga fairy tales ko…

Ang forever ko. Mmn!

Sa ngayon ay kumukuha siya ng kursong Civil Engineering sa isang kilalang state university, at pagka-graduate niya, payag na agad akong magpakasal kami sa kahit saang simbahan.

Yay, ang landi ko! Pero niiice…

“'Oy, bespren, bongga ng wheels!” siko sa akin ni Ems.

Napatingin din ako sa sasakyang halos kapaparada lamang sa labas ng school gate namin. Isa iyong Honda BR-V. “Uy, pogi,” manghang komento ko. “Tara, bespren, nakawin natin 'yong side mirror at ipakilo natin.”

“Yay, gusto ko!” mabilis na sang-ayon naman niya. “Tara!”

Lalapitan na sana naming iyong sasakyan nang bumukas ang pinto sa driver’s side. At mula roon, sumungaw ang guwapong mukha ng isang lalaki. “Hi, ladies!”

“Kuya Jaaayyy!” sabay na tili namin ni Ems.


MATAPOS maihatid si Ems sa bahay nila, dumiretso na kami ni Kuya Jay sa Jupiter’s, isa iyong coffee shop na malapit lang sa subdivision namin. Ang totoo niyan, paborito naming tambayan ito noon dahil bukod sa masasarap nilang kape, the best din iyong mga cakes at mga tinapay nila.

At dito ka pa talaga magtatapat, ha?

“So, bakit mo ako dinala rito?” tanong ko agad hindi pa man umiinit ang mga puwet namin sa mga silya. Hindi ako masyadong excited, promise.

Na-sense ko iyong biglang pagkailang niya sa tanong ko. “Well, alam mo kasi… um, matagal na rin naman tayong magkaibigan, 'di ba?”

Tumango ako. “Eleven years,” nakakasigurong sagot ko. Alam ko rin iyong bilang ng mga araw at eksaktong oras. “Bakit?”

Bahagya siyang ngumiti. “Ang tagal na pala talaga, ano?”

Sunud-sunod na tumango ako. Kaya nga kailangan na nating i-level up ‘to, bebeh ko.

“May gusto sana akong—”

“Sir, Ma’am, heto na po 'yong orders n’yo,” biglang singit ng server na hindi marunong bumasa ng atmosphere. Inilapag niya sa mesa ang mga orders namin. Si Kuya Jay na ang hinayaan kong umorder kanina dahil sumaglit ako sa ladies’ room para lalo pang magpaganda. Isa pa ay kabisado naman niya ang mga gusto ko, madalas nga ay pareho pa kami ng mga gusto. Dalawang iced vanilla latte, isang Americano, dalawang slice ng black forrest cake at isang baked ensaymada ang nakita kong inilapag ng server sa mesa namin.

Americano? Ensaymada? Ba’t may gan’on?

Hindi ko na lang pinansin dahil baka gutom lang siya. Pero kailan pa siya nagkainteres sa ensaymada? Pero alam kong mahilig talaga siya sa mga cakes, muffins, tart… basta matatamis na pagkain. Oo, baka nga gutom lang talaga siya.

“So, Kuya, ano na nga uli 'yong sasabihin mo?” Sinimulan ko nang sipsipin iyong inumin ko mula sa straw. Pero curious pa rin ako kung kanino iyong order na Americano gayong gaya ko, iced vanilla latte rin ang inabot at sinimulang inumin ni Kuya.

“Ah, so… 'yon nga, may gusto sana akong sabihin sa’yo,” patuloy niya, bahagya pang tumikhim matapos muling ibalik sa mesa iyong iniinom niya.

Na ano? Na mahal mo ako? Bigla akong kinilig sa isiping iyon. “Ano nga? Sabihin mo na.” Sa totoo lang ay kahit kilig na kilig ako sa kanya ay inip na inip na rin ako!

Ngumiti siya. “Gusto ko sanang ipakilala sa’yo ang girlfriend ko—”

Hindi na niya nagawang tapusin iyon nang bigla na lamang akong mahirinan sa iniinom ko. Inihit ako ng masakit, at sunud-sunod na ubo pagkatapos.

Syet! Ano raw?!

“Miya, are you okay?” Nagmamadaling tumayo siya at pumunta sa tabi ko. “Hay, dahan-dahan lang kasi sa pag-inom at hindi ka naman mauubusan…” puno ng concern na sermon pa niya, saka humingi ng isang basong tubig sa napadaang server malapit sa mesa namin.

“H-hindi… A-ano 'yong sinabi mo, Kuya?” Nang sandaling iyon ay bigla akong nakaramdam ng matinding kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

“Tinatanong kita kung okay ka lang.” Hinaplos-haplos niya ang likod ko, alalang-alala.

“Hindi 'yon!” Bahagyang tumaas ang boses ko na halatang ipinagtaka niya. Napatingin din tuloy sa mesa namin iyong ilang mga kumakaing customers—na deadma lang din naman sa huli. “S-sorry. Pero ano ba kasi 'yong…” Lumunok ako. “May… may girlfriend ka na...?” Please lang, itanggi mo… please!

Nang tumango siya para kompirmahing totoo iyon, daig ko pa ang nakakita ng horror sa harapan ko.

“Inumin mo ‘to para guminhawa ang pakiramdam mo.” Inabot niya sa akin iyong isang baso ng tubig na isinilbi sa kanya ng server.

Parang robot na tinanggap ko na lamang iyon kasama ang ilang piraso ng tissue na inabot niya. Damang-dama ko iyong tila patalim na unti-unting humihiwa sa puso ko habang iniinom ko iyong tubig. Bigla-bigla ay pumait ang panlasa ko. Parang gusto kong maduwal. Masyado kasi akong asumera!

Kaya pala may kape at ensaymada…

Padarag na inilapag ko sa mesa iyong baso ng tubig katabi ng inumin ko.

“Okay ka na ba? Masakit pa ba?”

“Okay na ako, Kuya. Huwag mo akong intindihin. Masakit lang ‘to ngayon, mawawala rin.” Sana…

“Sabi mo, eh,” naiiling na lang siya habang nangningiti. Bumalik siya sa silya niya at naupo. “Gusto kong makilala mo nang personal ang girlfriend ko, Miya. Kaya pasensiya na kung medyo naistorbo kita ngayon. Bilang malapit na kaibigan at parang nakababatang kapatid ko na rin, gusto kong ikaw ang unang makakilala sa kanya at makaalam sa realasyon namin.”

Kay tamis ng ngiti niya, samantalang ako, gusto ko nang mag-walling.

“At tinitiyak ko sa’yo, magugustuhan mo siya,” dagdag pa niya.

Kaya pala niya ako niyayang mag-date… Ang tanga-tanga ko…

“Nag-chat siya sa’kin, nagpa-park na lang daw siya,” mayamaya ay excited na balita niya tungkol sa girlfriend niya. “Maiwan muna kita, ha? Sasaglit lang ako sa restroom.”

Nang tumango ako ay tumayo na siya at tinungo ang men’s room. Magpapapogi pa siguro. Napasimangot ako sa isiping iyon. At dahil isa akong dakilang sawi, itinuon ko na lamang sa pagkain ang kasawian ko. At least iyong pagkain, hindi ako paaasahin.

Tumunog iyong door chime—kasunod ang pagbukas ng pinto. Mula sa akmang pagsubo ng cake, nahagip ng paningin ko iyong pagpasok ng babaeng iyon mula sa glass door ng Jupiter’s. Sapat upang iyong hawak kong tinidor ay mabitin sa ere bago ko iyon dahan-dahang isinubo sa nakaawang ko na palang bibig. Habang ngumunguya ay pasimpleng sinusundan ko ng tingin iyong babae na ngayong papalapit na sa puwesto ko ay saka ko lang napansin kung gaano katangkad. Sa tantiya ko ay nasa five-eight yata.

Itim na itim ang buhok niya na halos mangasul-asul na gawa ng pagtama ng ilaw, straight pero full-bodied. Natural, halatang hindi pa nasasayaran ng pangkulay. Halata ring mestiza—makinis at maputi ang kutis pero hindi ma-freckles. Nakasuot siya ng white V-neck shirt na may kanipisan at kupasing pantalon na parehong nakatupi ang magkabilang laylayan. Wala siyang suot na belt. Pangkaraniwan lang ang porma niya pero sa paraan ng paglalakad at sa kung paano niya dalhin ang sarili ay talagang nakakahalina sa mata. Classy pero may angas. A pair of Oxford shoes completed her getup. Walang suot na alahas ang babae.

Maganda siya. Hindi artistahing ganda, hindi kabilang sa ‘cute’ na ganda, hindi senswal, kundi gandang may kasamang authority at karisma. At isiping hindi ko pa todong nasisilayan ang buong mukha niya.

“Babe, you’re late!”

Huh?

Namilog ang mga mata ko at sinaniban nang matinding selos nang biglang sumulpot si Kuya Jay at sinalubong ang papalapit na babae. Niyakap niya ito at hinagkan sa pisngi.

“Sorry, traffic,” paumanhin ng babae.

“Tara,” excited na hinila siya ni Kuya Jay patungo sa mesang kinaroroonan ko. “Babe, siya ang sweet pero suuuper kulit na neighbor at childhood friend ko, si Miya,” tatawa-tawang pakilala niya sa amin, halatang kinikilig. “Miya, this is my girlfriend, Ciel Lobregat.”

Lobregat? Ciel Lobregat… Oh, wait… Alam kong narinig ko na ang pangalang iyon pero hindi ko alam kung saan. Hindi kaya siya isang commercial model? Yeah, hindi malabo…

Napasulyap ako sa mga mata niya.

Nanlulumong napakagat-labi ako. Unfair!

Bakit kailangang ang maging karibal ko sa pag-ibig ng first love ko ay isang babaeng may golden brown na mga mata? Na may natural perfect eyebrows at mahahaba at makakapal na eyelashes? Na may ilong na nakakasuklam dahil sa tangos at pagkaaristokrata? At may mga labing… urgh!

Bakit sobrang unfair!

“Hi.” Inilahad niya sa harapan ko ang kamay. “'Happy to meet you.”

“Uhhh, 'happy to meet you, too,” pormal na saad ko at no choice na tinaggap ang pakikipagkamay sa kanya kahit ang totoo ay natutukso akong hilain at baliin iyong braso niya. Syet, makaganti man lang!

Mahigpit ngunit mainit ang pakikipagkamay niya, habang iyong sa akin ay medyo nanginginig pa—at hindi ko alam kung bakit. Marahil ay dahil sa inis o sa selos o dahil nasusuklam talaga ako sa tangos ng ilong niya. Kairita, swear!

Nagsimula nang mamangka sa kuwentuhan si Kuya Jay nang muli naming harapin iyong mga pagkain at inumin sa mesa. Nag-order pa siya ng pang-second batch. Pero wala na akong gana. Napipilitan na nga lang akong ubusin itong cake at inumin ko. Kung hindi lang kabastusan, baka kanina pa ako lumayas.

Magkatabi sa mesa iyong magjowa, kaharap nila ako. Feel na feel ko ang pagiging third wheel.

Syet na malufet!

Ang sweet ni Kuya Jay sa girlfriend niya, asikasong-asikaso talaga niya.

Napatitig ako sa magjowa. At ayoko mang aminin…

Bagay sila… huwaaahhh!

Ngunguso-nguso ako, nagdadabog sa loob-loob ko, kasabay ng pasimpleng pagsulyap sa karibal kong mukhang supermodel. Sa pagkamangha ko, nahuli ko siyang nakatingin din pala sa akin habang nakikinig sa kuwento ni Kuya Jay. Sumisimsim siya ng kape pero hindi inaalis ang mga mata sa akin. Nang ibaba niya ang tasa, unti-unti kong nasaksihan ang pagguhit ng misteryosong ngiti sa mga labi niya.

At sa hindi maipaliwanag na dahilan, feeling ko ay lumuwag iyong garter ng panty ko.

°°°

Continue lendo

Você também vai gostar

3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
1.7M 79.1K 56
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
2.5M 98.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...