"Let's go home." Sabi ko kagad kay Kuya Jude nung nakarating ako sa Parking Lot.
"Oo, tama, Pagod lang sya, Tama,pagod lang sya."
Nung maka-uwi kami, Tumakbo ako sa kwarto para humiga, Pakiramdam ko, pagod na pagod ako
Biglang nagring yung cellphone ko kaya sinagot ko.
"Bakit?" tanong ko.
[Ang taray!] Sabi nya.
"Bakit nga?" Tanong ko.
[Itatanong ko lang kung ano costume mo.] Sabi nya.
"White Lady." sagot ko, yun naman kasi yung pinakamadali!
[Talaga?]
"Hindi, sabi ko may white lady dyan." Sabi ko sakanya.
[Gagu ka Haze, wag mong takutin.]nandun pala sila. WAHAHA!
"Ayos sa mura ah!" Sabi ko.
[Joke lang!] Rinig ko pang sigaw nila :D
"Takot naman kayo! Mamaya na kayo tumawag, magaayos lang ako." Sabi ko tapos binaba ko na yung cellphone ko.
Naligo ako tapos naghanap ako ng Long White Dress, -___- Nung makita ko, sinuot ko kagad pwede na to!Kinuha ko yung Lipstick ko tapos pinahid-pahid ko sa damit ko, Binababoy ko lang sarili ko!
Bumaba na ko, nang nagring yung Telephone ko, Sinagot ko naman kagad.
Walang nagsasalita, Pero nung sinabi nya na sya si Mommy, agad kong binaba yung Telephone.
"Princess Sato, Andyan na po si Sir. Kevin." Sabi nung isang katulong na galing sa labas.
"Okay." sabi ko tapos lumabas na ko, Mukang halimaw si Kevin >3<!
Buong biyahe walang nagsasalita, Di na rina ko nagsalita, kahit gusto kong magsalita, baka kasi sabihin nya, Pagod nanaman sya!
Bumaba kagad ako sa kotse ng makarating kami sa School, nakita ko naman agad sila kaya pumunta ko sakanila.
"White Lady ka rin?" Tanong ni Kath.
"Oo, Sinabi ko nung tumawag si Tiara sakin." sabi ko sakanya.
"Eh! Wala ako kela Tiara kanina." Sabi nya.
"Ahaha magka-muka tuloy kayo pag nakatalikod." Sabi ni Kekel.
"Epal!." umupo na ko.
"Teka, Tawag ako ni Kevin." sabi ni Kath tapos umalis na sya, hinayaan na namin, Intindihin na lang -___-.
Takte! Sabi na eh! Maboboring lang ako!
"San ka pupunta?" Tanong nila.
"Maglalakad-lakad." Sagot ko. Tapos nagsimula na kong maglakad, pero may bumato kasi kaya tumigil ako, pagharap ko sa bumato sakin, bigla akong sinampal! Sht! Ito ang unang pagkakataon na nasampal ako! Sht! Nung tinignan ko kung sino!
Si Cynthia!
"WHAT DO YOU WANT?!" sigaw ko sakanya.
"I.I thought that you're kath."Nanginginig nyang sabi sakin.
"At bakit mo sya sasampalin!?" Sigaw ko sakanya.
"Because she's flirt!"
"Then you are?O Gosh Cynthia! Can you stop bugging someone?!?" Sabi ko sakanya.
"I don't want to." sabi nya.
*BOOGSH!*
*PLENG*
*PLAANG*
*PLUUK!*
*TIING!*
*SPLAAASH!*
*BOOGSH!!*
"Now! much better! :)" Sabi ko tapos tinalikutan ko na sya.
"Bakit ka ganyan sato?" napahinto ako sa paglalakad noong nagsalita na ulit sya. "bakitmo hinayaang agawin ni Katherine si Kevin sayo." Bigla nyang tanong, Napangiti na lang ako, Wala palang naka-alam na Joke Time lang yung relasyon namin ni Kevin noon.
"Ano bang alam mo?!" hinarap ko na ulit sya, nakatayo na sya ngayon. napapalibutan narin kami ng maraming estudyante.
"Ang alam ko? diba mahal mo si Kevin at mahal ka ni Kevin." Ako? mahal ni Kevin. Kalokohan! Letse!
"They were all lies."
"Sato, diba kayo ni Kevin? bakit bigla ka nyang pinalitan.. at kaibigan mo pa!"
"Shut up btch!"
"She's a flirt! btch!"
"i told you to stop it! kevin and i ...we were just pretending!ano naniwala naman kayo na may relasyon talaga kaming dalawa!ahaha! kaya hindi inagaw ni Katherine si Kevin! kaya, please! Cynthia! leave us alone!" Pagsabi ko nun, umalis na ko. Sht!
Pumunta na lang ako sa Cafeteria, Patay yung ilaw, kaya umupo na lang ako dun sa isang sulok kung saan may ilaw na galing sa moonlight. Nung umupo ako, agad kong pinunasan yung muka ko.
Nakakaboring! Wala akong dalawang sasakyan! Yung extra na damit ko nasa kotse ni Kevin! Andun pa yung cellphone ko! Anong gagawin ko dito?! tutunganga buong gabi?!
"GOSH!!" napatayo ako sa sumigaw.
"Sht!" (-.-) sila Charles pala.
"Akala ko multo na talaga" Aabi nila,tapos biglang bumukas yung ilaw.
"Tss, mga babaero at basagulero takot sa white lady." tumabi na sila sakin.
"Ikaw nga sa gagamba." sabi ni Seb.
"Eh yun naman kasi nakakatakot talaga" sabi ko sakanila.
"AHAHAHA! ano ba yan Hazelle! ahaha" pinagtatawanan ako ni Jill.
"Bakit ba?"
"AHAHAHHA"
"Tawa pa, wag kang titigil ha. >.<"
"Muka kasing tanga yang muka mo!" pinunasan ni Kekel muka ko.
"Tss, eh nasan na nga pala yung dalawa?" Tanong ko sakanila.
"Andun! sa malayong lugar! ahaha joke lang. ewan naguusap sila kanina eh." sabi ni Ybel
"Nag-uusap?"
"Hindi, nagtatakbuhan =____= kelangan paulit-ulit?" Sabi naman ni Bea.
"Tss, Beatrice!" Sigaw ko.
"Ahahaa :)) Oo nga naman kasi." sabi pa ni Tiara.
"Ano nga palang ginagawa mo dito? ang dilim dilim kanina." tanong ni Charles.
"Mananakot! ahaha hindi joke lang, wala lang trip ko :)"
"Baliw ka na girl" sabi sakin ni Jill.
"Kasi naman papatayin ako nang pagka-buryo dun! haays!"
"At sa sobrang pagka-buryo umamin ng di oras!" sabi ni ybel.
"Hehe, peace ^___^V"
"Bat mo sinabi?" Tanong ni Bea.
"Wala lang." Sagot ko.
"Bakit ka umalis?" Tanong naman ni Jill.
"Nainis ako."
"Bakit ka nainis?" Tanong naman ni Tiara.
"ANO BA TO? interview?!" Sigaw ko, nakakaewan! Sunud-sunod na tanong!
"Ahaha!"
"Gala na lang tayo! Naboboring ako dito." sabi ko.
"Magtiis ka." Sabi naman ni Ybel kaya tinitigan ko sya ng masama.
"Ahaha! Joke lang! Tara na!" Sabi ni Ybel kaya naglakad na kami paalis dun, nung malapit na kami sa Car Park.
Kinuha ko na yung gamit ko sa Kotse ni Kevin tapos sumabay na ko kela Seb, ayoko ng sumabay dun! Muka kong tanga!
Pagdating namin sa bahay ni Kekel, nagbihis kagad ako ng shorts tapos pink na blouse, tapos tumalon na ko sa Pool! Waaa! Nakakamiss mag-swimming! T__T!
"Hindi na nanghintay!" sigaw nila tapos tumalon narin sila.
"Laro tayo!" Suggest ni Bea samin.
"Anong laro?" Tanong ni Kath.
"Mataya-taya." Sagot ni Bea.
"Sabi mo yan ah!" Sabi pa ni Charles =) Kasi naman, hindi kayang lumangoy ni Bea pag sa malalim, kasi takot sya.
"Sino taya?" Tanong nila.
"Si Ybel." sabi nila.
"Lugi! Andyan si Hazelle eh." sabi pa ni Ybel.
"Kasalanan ko bang hindi nyo ko mataya? AHAHAHA:))" Sabi ko.
"Ikaw na lang kasi taya para fair sa iba" sigaw ni kekel.
"OO NA! AHAHA! Count to three ako ah!
THREE!!!!" Tapos lumangoy kagad ako! Ahaha! Ayan ang usong bilang ngayon.
Pero wala akong mataya, bakit ang bibilis nila ngayon?
"Ano Haze? ahaha :) Naturingan kang swimmer ganyan ka! " Pangaasar ni Seb.
"Leshe plan!" sigaw ko, Nakita ko si Kevin na nasa 7th Feet, Ohlala! *__*! Sexy Body! Want to touch it! JOKE! @__@!
Lumangoy ako papunta sakanya, matataya ko na sana sya kaso bigla akong pinulikat! Wrong timing! Nasa malalim ako!
Nag-sign ako na wait tapos lumublob ako para mapigilan ko yung pulikat.
Lumangoy ako, pero wrong way, napunta ko sa gitna! Nakakalunod na! Hndi ko na maabot yung pinakataas!
Naramdaman ko na lang na may humatak sakin papunta sa gilid ng pool, Tapos kinontra nya yung pulikat ko.
"Waa! Masakit na!" Sigaw ko.
"Alam ko!" Sigaw din ni Kevin sakin, Oo, Si Kevin yung nagligtas sakin kanina.
"Alam mo pala na nasasaktan ako, bakit ka pa umiiwas?" Tanong ko bigla sakanya. 0____0!
Pinagsasabi ko?!
"Ano?" Tanong nya na parang di naiintindihan yung sinabi ko.
"Wala, Sabi ko masakit na." Sabi ko ulit tapos tinuro ko yung binti ko.
"Adik ka kasi, Nasugatan ka pa nung nakaraan, di ka ba nagiingat?!" Sermon nya sakin habang tinuturo nya yung sugat ko.
Napangiti ako sa panenermon nya sakin, Ibig sabihin ba nito ayos na kami?
"Kevin , Sorr--"
"Kevin tara na!" Sigaw nila, Pwedeng pakisapak yung mga kaibigan ko? Pwede ba?!
"Oo saglit lang, ito na!" Sigaw din nya sa mga kaibigan namin.
"Kevin.." Tawag ko sakanya.
"Magpahinga ka muna dyan." Sabi nya tapos tumalon na ulit sya sa pool.
AYUN NA EH! MAKAKAPAG-SORRY NA KO EH! BAKIT BA UMEEPAL SILA?!?! T____T!
"Ako na muna taya!" Sabi ni Kevin tapos nagsimula nanaman silang maghabulan, habang naghahabulan sila, umupo ako sa gilid ng pool tapos nilagay ko yung paa ko sa tubig. Tsaka ko sila pinanood.
"Hazelle! Dive na! Pwede na yan!" Sigaw ni Kekel.
"Teka! Baka pulikatin nanaman ako." Sabi ko sakanila.
"HALA! Kevin naman eh! Bakit ako yung tinaya mo!" Sigaw ni Bea. Pero tinawanan lang sya, Kawawang Bea (>__<)!!, Tapos ganito pa usapan nila.
"Loko Kekel! Nakalunok ako ng tubig!" Sigaw ni Charles.
"Tanga! Dapat sumigaw ka ng Darna!" sabi pa ni Kekel.
"Tubig naman yun, hindi bato." Sabi ni Charles.
"Ganun na din yun." Sabi ni Seb habang lumalapit sakanila.
"O, Ito lunukin mo!" Sabi ni Ybel tapos sinubo nya kay Charles yung isang yelo na galing sa Ice Cube.
"Sigaw na!" sabi nila.
"DARNA!" Sigaw nga naman ni Charles -__-. "Walang transformation!" Reklamo ni Charles.
"ANDYAN NA SI BEA!" Sigaw ni Kath kaya lahat sila lumangoy sa malalim, kaya hindi sila mapuntahan ni Bea.
"Maduya!! (>O<) " Sigaw pa ni Bea, Ahaha! Anong tawag dun sa taya na walang mataya? Burot ba yun? (?_?)
Nakita ko naman na nagbubulungan yung mga lalaki, tapos nagsenyasan ng hindi ko malaman kung ano.
Lumangoy papunta sakin si Charles tapos tumabi sakin.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Wala." Sagot nya habang nakangiti.
"YUNG NGITI MO HA!" Sigaw ko, Paano ba naman kasi may ibang meaning yung ngiti.
"Ano nanaman! Ay, Bumalik na si Kimberly ha." Sabi nya sakin.
"Si Kim?" Tanong ko, Tapos tumango sya, Si Kim yung Ex ni Charles na minahal nya, kaso kinailangan mag-migrate sa States kaya nag-break sila, Ang alam ko, mahal na mahal ni Charles yun, Kaya ayun, Habang hinihintay nya na bumalik si Kim nililibang nya sarili nya sa pambabae, Anong kalokohan yun?
"O? Anong balak mo?" Tanong ko sakanya.
"Babalikan ko." Sagot nya tapos ngumiti sya, yung ngiti na parang iniimagine nya na sila ulit.
"Balikan ka kaya nya?" Tanong ko, agad naman nawala yung ngiti sa muka nya.
"Wala namang masama kung susubukan diba?" Tanong nya.
"Oo." Sagot ko.
"Sa tingin mo? Babalikan nya ko?" Tanong nya ulit, Pero hindi ko sinagot yung tanong nya, Ayoko ngang magsalita -__-. Sa tingin ko?Hindi na.
"Alam ko na gusto mong sabihin." Sabi nya tapos tumayo na sya kaya napatingin ako sakanya, nakita ko na may sinenyas sya. Ano nanaman yan? Ah! Basta ako, wala akong panahon makipagbiruan.
Naramdaman ko na hinawakan ako ni Charles sa kamay ko tapos si Seb bigla akong hinawakan sa paanan ko. Tumulong pa si Kekel! Hinawakan nya yung isa kong kamay! AY LESHE PLAN! Kakasabi ko lang na wala akong panahon makipagbiruan!
"One! Two! Threeeee!" Sigaw nila tapos hinagis na nila ko sa pool!
"KYAAAH!" Sigaw ko bago ako mabasa ulit! Mga siraulo talaga sila! T_T!
"Tuyo kana kasi kaya binasa ka ulit namin!" Sabi nila tapos nag-apir pa sila!
"Ugggh!" Sigaw ko, pero ngumiti lang sila sakin.
"Pero Hazelle! yung sinabi ko sayo totoo yun ah! I love you!" Sabi ni Charles tapos nag-flying kiss pa!
"Yuck ka Charlie!" Sigaw ko naman, Napatingina ko kay Bea. T_T! Ang sama ng tingin nya sakin, Hala!
"Bea! Wait, Wala naman akong..." Lumapit sya sakin tapos hinawakan ako sa braso, pero ang sama parin ng tingin nya sakin.
"Bea! Wag ka ngang tumi--"
"TAYA!" Sigaw nya.
Ha?
(?__?)7 Taya? Sino?
Ay takte!
"MADUYA KA!" Sigaw ko kay Bea.
"Ahaha! Strategy yan Haze!" Sabi ni Bea tapos tumawa na ng tumawa. T_T!
"Ahaha! Mamaya na nga yan, Pahinga muna!" Sigaw ni Jill kaya umahon na kaming lahat. WAHAHA! I'm safe! \(*O*)/!
"Teka! Pyramid muna tayo!" Sigaw ni Kekel. Pag talaga kalokohan, buhay na buhay to -__-.
"PYRAMID! we built this on a solid rock! it feels just like it's h---" Ayan, kumanta na ang loko na si Charles -__-.
"Awat na! Laro gagawin natin, hindi tayo kakanta." sabi ni Kekel ulit.
"Siraulo! Puro babae kasama natin o!" Sabi ni Kevin tapos binato pa nya si Kekel.
"Ayaw nyo nun may thrill?" sabi pa ni Kekel. -__-.
"GAME!!" sigaw naming mga babae kaya hindi na sila nakapalag. Pumunta kami sa malalim na part at sinimulan ang gusto naming gawin, kaso talaga -___- hindi namin magawa.
"CHARLES! TUMINO KA NGA!" Sigaw ni Kevin.
"Hindi ako! Si Seb yun!" Sabi ni Charles.
"Ako pa!" sabi naman ni Seb.
"Hoy! Yung boyfriend ko! Baka nalulunod na sa baba!" Sigaw ni Tiara.
"Sagot namin kabaong!" Sigaw namin ni Kath.
"Ang sasama nyo!" sigaw naman ni Tiara.
"SUKO NA KO!" Sabi ni Charles tapos nag vertical sya paalis, Gumaya naman si Kevin tapos tinulungan na nila kaming bumaba, Si Kekel nga muka ng ewan ^___^. Naubusan ata ng hininga! WAHAHA!
"Kel, Inom lang ako." sabi ko Kekel.
"Hazelle ayun oh! Daming tubig!" Sigaw ni Charles tapos tinuro nya yung Pool
"Epal!" Sigaw ko tapos pumasok na ko sa loob ng bahay nila, Nasa likuran kasi yung swimming pool nila kaya madaling makapasok sa kusina, dahil merong pintuan papasok dun.
Binuksan ko yung Ref tapos kumuha ako ng isang Beer. Pampainit lang, Lamig kasi =)).
Aalis na sana ko ng makita ko si Kevin.
"Kevin?"
"O?" Tanong nya, TIGNAN MO TO! Akala ko ba ayos na kami?! Bakit ganyan nanaman yan?!
"May problema ba?" Tanong ko sakanya.
"Kung wala, hindi ako magkakaganito!" sigaw nya.
"Kaya nga tinatanong kita eh!" Sabi ko na pinilit kong ibaba yung boses ko kahit na naiirta na ko.
"Hwag kang umasta na akala mo wala kang ginawa!" Sabi nya tapos tinabig nya ko sa dadaanan nya. Ano nanaman ba yung nagawa ko? Ano nanaman ba yung mali?!
"Kevin, sabihin mo kasi yung pr--" Hindi na nya pinatapos yung sasabihin ko.
"I think, mas maganda siguro kung
kakalimutan ko na naging bestfriend kita, para 'di natin pagsisihan sa huli."
**
t