My On-Cam Wife (Published Und...

By AnjSmykynyze

6.2M 125K 9.3K

Kailangan niya ako para sumikat... Kailangan ko siya para pang-panakip butas... Gamitan lang ba? Uso sa amin... More

Story Premise
Lights 1 - Engaged?!
Lights 2 - Getting Ahead
Lights 3 - Getting On It
Lights 4 - This Is It
Lights 5 - Coloured Kisses
Lights 6 - Sugar Coated
Lights 7 - Rhythm and Blues
Lights 8 - Mama Mia!
Lights 9 - Freak Mode On
Lights 10 - Holding Back
Lights 11 - Making Memories
Lights 12 - The Making of the Memories
Lights 13 - Why Oh Why
Lights 14 - Pre Nuptials
Lights 15 - The KaVienne Rider
Camera 1 - New Life, New Chapter
Camera 2 - What Else is New?
Camera 3 - The Temptress Queen and I
Camera 4 - Asawa o Alalay?
Camera 5 - Couple Duties
Camera 6 - Couple's Day Out (1)
Camera 7 - Couple's Day Out (2)
Camera 8 - Couple's Day Out (3)
Camera 9 - Complicated and Stupid
Camera 10 - Flirtationship
Camera 11 - Mars versus Venus
Camera 12 - Picture Perfect
Camera 13 - Code Black
Camera 14 - On the Edge
Camera 15 - Coming to Terms
Action 1 - And It Began
Action 2 - Baby Kevin
Action 3 - Songs of Our Hearts
Action 4 - Baby Love
Action 5 - Three Men and a Lady
Action 6 - Totally Spies
Action 7 - Harana
Action 8 - The Call
Action 9 - Smoocherific
Action 11 - Get It Right
Action 12 - Crazy Cupid Love
Action 13 - The Truth Revealed
Action 14 - Torn
Action 15 - The Hardest Goodbye
Action 16 - Watch Me Burn
Action 17 - Salted Wound
Action 18 - What About the Promise
Action 19 - Signed, Sealed and Delivered
Action 20 - SWAK (Sealed With A Kiss)
Epilogue - A Whole New World
Special Announcement

Action 10 - The Paparazzi

99.2K 2.1K 123
By AnjSmykynyze

Please like our FB pages

www.facebook.com/AdonisSeries

www.facebook.com/AdonisesAndTemptresses

Join us in our FBGroup

Adonises and Temptresses Official FB Group (https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/)

*Kaz's POV*

Magkahawak kamay kaming nakaupo sa likod ng sasakyan habang binabaybay namin ang daan patungo sa ospital kung saan naka-confine ang mommy ni Vivi.

"Thesis," mahina kong bulong habang inilapit ko naman ang aking mukha sa tenga niya, "may unfinished business tayo ha, huwag mo yung kalimutan."

"Loko ka talaga," natatawa niyang saad pero di naman nakawala sa paningin ko ang pamumula ng kanyang mukha.

"Huwag ka nang tumutol," pilyo kong saad.

"Kengkoy, hintayin na lang muna natin na magising si mommy," nakangiti niyang bulong.

"Bakit?" nagpout ako.

"Eh kasi," humarap siya sa akin, "gusto kong maging legal na kasal tayo bago natin yun gawin."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat ko na bang sabihin sa kanya ang totoo o hindi. Marami kasing bumabagabag sa kanya kaya baka hindi niya maintindihan ang lahat. Paano ko sasabihin sa kanya na dapat magka-baby kami para maging legal ang kasal? Paano ko ipapaliwanag sa kanya na nakikipagkasunduan ako sa kanyang ama?

"Kengkoy?" bumalik ako sa wisyo nang tawagin niya ako, "may problema ba?"

"W-wala," saad ko, "nabitin lang ako pero okay lang," nagkunwari akong nagtampo, "sino ba naman ako para pagbigyan mo."

"Kengkoy naman eh," humilig siya sa balikat ko saka pinulupot ang kamay sa braso ko. Ang sweet ng asawa ko kaya lumingon ako sa labas upang itago ang aking pagngiti.

"Okay lang," pagpapatuloy ko sa aking pagkukunwari, "alam ko namang wala lang sayo ang makita akong nahihirapan."

"Kengkoy," mahina niyang hinila ang suot kong shirt, "papayagan kita hanggang second base lang muna; huwag lang muna yung homerun."

Nagkunwari akong nadismaya sa pamamagitan ng pagbuntong hininga saka sinabing, "okay lang, titiisin ko na lang."

Ang totoo, hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko lang talagang gawing legal ang kasal namin dahil kapag nabuntis siya, otomatikong magiging legal ang kasal namin at hindi na niya kailangang malaman na nakikipagkasunduan lang ako sa kanyang ama.

"Ganito na lang," hinawakan niya ang aking kamay, "kapag magising si mommy at magiging legal na ang kasal natin, ibibigay ko ang hiningi mo kahit araw-arawin pa natin."

"Talaga?" nakangiti akong lumingon sa kanya.

"Oo, kahit three times a day pa," biro niyang saad.

"Nagbibiro ka lang naman eh," kunot noo kong saad.

"Totoo nga," natatawa niyang saad, "bakit? Takot ka bang hing mo kakayanin ang tatlong beses sa isang araw?"

"Thesis, huwag mo akong hamonin," seryoso kong saad, "hindi mo alam kung ano ang kaya ko."

Napagikgik siya saka inilapit ang bibig sa tenga ko, "basta't kasal na tayo, sasabayan kita kahit ilang beses pa sa isang araw," hinalikan niya ako sa pisngi saka sinabing, "sixteen."

Agad ko namang hinawakan ang kanyang pisngi para ipalingon siya sa akin saka siya hinalikan.

"Sixteen," bulong ko pagkatapos ng ilang minutong pakikidigma ng aking dila sa kanyang dila.

"Aherm," narinig naming tumikhim si manong driver kaya pareho kaming napaupo ng tuwid, "nasa ospital na po tayo."

Mag-isang oras kaming nasa labas ng ICU para hintayin ang pagkakataon ni Vivi na makapasok. Insakto namang tinawag na siya nang tumunog ang aking cellphone, "Thesis, sagutin ko lang 'to. Susunod lang ako sayo sa loob."

Hindi naman sumagot si Vivi bagkus tumango lang ito saka dumiretso ng pasok sa silid ng kanyang ina. Tinignan ko ang tumawag. Hindi nakaregister ang numerong tumawag pero naalala ko na dati na itong nagpadala ng mensahe sa akin. Ito ang numerong nagsasaad na, "Alam kong peke ang iyong kasal."

"Hello?" sagot ko sa tawag.

"Mr. Legaspi, maaari ba kitang makita?" sagot ng tao sa kabilang linya.

"Sino ito? Bakit mo nasabing peke ang kasal ko?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"Hindi na mahalaga kung sino ako. Kung ayaw mong mapahiya ka o yang kinikilala mong asawa, makipagkita ka sa akin," seryosong saad nito.

"Nasaan ka?" inis kong saad.

"Nasa parking lot ako ng ospital," sagot nito, "puntahan mo ako dito. May kailangan kang makita."

Hindi naman ako nag-atubiling puntahan siya sa parking lot. Nagsimula nang maging okay ang pagsasama namin ni Vivi. Mahal ko siya; mahal niya ako. Hindi ako papayag na meron pang makakapagsira sa relasyon namin.

Agad kong nasilayan ang lalaking nakasombrero sa parking lot. Nakasandal ito sa isang kotse habang kumaway sa akin. Kinakabahan man, nagsimula pa rin akong maglakad patungo sa kinaroroonan niya.

"Ano ang ipapakita mo?" hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Hindi rin naman siya nagsalita kundi agad na inabot sa akin ang isang brown envelope. Walan kibo ko itong binuksan at inilabas ang laman nito.

Napatiim bagang akong nakatingin sa mga litratong hawak ko. Si Vivi, ang asawa ko, kahalikan si Dee-lan sa loob ng isang silid. Naglalaro ngayon ang isip ko sa kung bakit may litrato silang ganito. Gusto kong isipin na hindi asawa ko 'to pero siyang siya ang nasa litrato. Hindi ko ipagkakailang nagalit ako sa nakita ko. Akala ko ba magkaibigan lang sila? Bakit may halikang nangyari? At bakit sa loob pa ng isang silid.

"Ibalik mo si Archer Bagumbayan sa trabaho niya kapalit ng digninadad ng pangalan mo at ng asawa mo," saad niya. Si Archer Bagumbayan ang host ng isang gag show na sinuntok ko. Napilitan ang network na tanggalin siya sa show niya dahil naging agresibo siya sa gusto niyang ipatanggal ako sa network. Hindi naman yun magagawa sa akin ng network dahil kalahati ng shares ng network ay pagmamay-ari ng pamilya namin.

"Totoo ba ito?" mariin kong tanong.

"Hindi naman mahalaga kung totoo ang litratong yan o hindi, diba?" sumilay ang ngiti sa kanyang bibig, "isa kayon sensational couple, tinitingala at nirerespeto. Sa tingin mo, ilang reporters kaya ang pipila upang bilhin ang detalye dulot ng litratong yan. Totoo man o hindi, magkakaroon ng bahid ang mala-perpektong imahe ng iyong asawa."

"Titignan ko kung ano ang magagawa ko," mahina kong saad.

"Bibigyan kita ng dalawang linggo," saad niya, "kung hindi siya maibalik sa trabaho sa loob ng dalawang linggo, lalabas sa lahat ng networking sites ang letratong yan."

Pumihit siya buksan ang pinto ng sasakyan ngunit bago siya pumasok ng kotse ay may sinabi siya, "Maaaring edited ang background ng litrato pero ito lang ang masasabi ko, totoong nakipaghalikan sa ibang lalaki ang iyong asawa."

Napakuyom ako nang marinig ko ang sinabi ng lalaki, 'bakit Vivi? Bakit di ka nakapaghintay?'

Tahimik akong naghintay sa kanya sa labas ng ICU. Ayokong gumawa ng eksena sa harap ng kanyang pamilya. Pilit kong itinago ang galit na nararamdaman ko habang kasama namin ang kanyang ama at mga ate. Hindi rin ako kumibo nang nasa sasakyan kami. Alam kong napansin ni Vivi ang pag-iba ko ng mood pero yun ang gusto kong mangyari. Gusto kong mapaisip siya.

Agad akong lumabas ng sasakyan pagkaparada sa tapat ng bahay. Iniwan ko si Vivi na alam kong nagmadali namang sumunod sa akin. Mabilis kong tinungo ang silid namin. Wala na akong pakialam sa halikan routine namin. Ang gusto ko, pumasok doon si Vivi at ipaliwanag sa akin kung bakit nagkaroon siya ng litrato na kahalikan si Dee-lan.

Narinig kong pumasok si Vivi kaya agad ko siyang hinarap at inabot sa kanya ang brown envelope, "ipaliwanag mo yan sa akin!"

Nakita ko ang pagkagulat ng mukha niya nang makita ang laman ng envelope, "Thesis," nahihirapan akong magsalita, "please tell me that's not you."

"K-kengkoy," tanging nasambit niya.

"IKAW BA YAN?!" hindi ko napigilan ang sigawan siya.


*Vivi's POV*

"IKAW BA YAN?!" napaigtad ako sa sigaw niya, "Sabihin mo sa akin na hindi yan nangyari! Sabihin mong kahit kailan hindi ka nahalikan ng kahit kaninong lalaki!"

"K-kengkoy," nanginginig ang tinig kong sambit.

"NANGYARI BA YAN O WALA!" napaatras ako nang biglang sumigaw si Kaz.

"N-na–"

"ANO?!" hindi ako natapos sa dapat kong sabihin dahil sumigaw siya ulit. Nanginig ako sa takot dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang laman ng litrato. Sa suot ko at sa suot ni Dee-lan, naalala kong ito ang halikang nangyari noong pumayag ako sa flirtationship namin. Yun yung time na sinundan namin Patricia dahil gusto kong kumuha ng pruweba na mahal pa niya si Stuart ngunit nagulat ako dahil magtatagpo pala sila ni Kaz sa labas.

"K-kengkoy, huhu," umiiyak kong saad, "nakita kasi kitang kasama si Ate Patricia."

"Kaya ka nakipaghalikan sa ibang lalaki dahil nakita mo kaming magkasama?" galit niyang tanong.

"N-nagpaalam kasi kayo na may iba't iba kayong lakad yun pala magtatagpo pala kayo sa labas," paliwanag ko.

"Yun lang tapos nakikipaghalikan ka na?" namaywang si Kaz.

"Bakit naman kasi kailangan niyo pang magsinungaling sa akin? Bakit niyo pa kailangan ilihim ang pagkikita niyo. Tanggap ko namang mahal mo si Ate Pat pero bakit parang pakiramdam ko nagtaksil kayo sa akin nung gabing iyon," pangatwiran ko.

"Vivi, nakikipagtagpo ako kay Patricia sa gabing iyun dahil sinusukat ko ang nararamdaman ko para sa kanya at para sayo!" napasabunot siya sa kanyang buhok, "at nung gabing iyon ko napatunayan na hindi si Patricia ang mahal kundi ikaw."

"S-sorry," humahagolhol na ako.

"Ano? Masarap ba siyang humalik? Huh!" tanong niya habang itinulak niya ako sa pader. Hindi naman ako nagkaroon ng pagkakataong magsalita dahil agad niya akong sinunggaban ng halik. Marahas at puno ng galit ang ginawa niyang halik kaya nagpumiglas ako.

"Ano?!" nagulat ako nang sinuntok niya ang pader sa gilid ng ulo ko, "naka-second base na din ba si Dee-lan?"

"K-kaz n-nasasaktan na ako," pilit ko siyang itinulak pero malakas siya. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso saka isinalampak sa kama. Nagmadali naman akong bumangon at tumakbo papasok ng banyo.

"Vivi!" sigaw niya habang kinatok ang pinto ng banyo pero natakot na ako. Mabait si Kaz. Kailanman ay hindi siya nananakit ng babae, ngayon lang. Ang sama-sama ko. Nilabas ko ang halimaw sa loob niya dahil lamang sa matinding selos ko sa kanila ni Patricia noon. Nasira ko ang isang Kaz Legaspi. Nasaktan ko siya. Ang sama-sama ko.

___________________

NOT EDITED

NOT REVIEWED

MAY CONTAIN ERRORS --- but I am open to constructive criticisms. 



Continue Reading

You'll Also Like

362K 10.6K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
44.3M 669K 73
Seven years ago... I was his stalker. Three years ago... I was his wife. Two years ago... I was his ex-wife. Simula nang hiniwalayan niya ako ay nagk...
1.9M 87.3K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...