I'm Dating an Idol

By SuperGL

45.7K 1K 64

Kinaya ni Karen ang pagiging girlfriend ng isang myembro ng boy band. Happiness, kilig, lungkot at selos laha... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (What happened?)
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 (Soulmate)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
BOOK 3 ANNOUNCEMENT
Chapter 39
Final
Jerome's
[BOOK 3]
Special Chapter

Chapter 8

921 26 0
By SuperGL

Kai's POV

Saturday ngayon kaya buong araw pineste ni Hans ang nananahimik kong buhay dito sa rehearsal room. Nasaan na ba kasi si Kris? Mas matitiis ko pa 'yun kesa sa lalaking 'to e.

Kumuha ng bottled water sa cooler si Hans at binato sa 'kin na nasalo ko naman kasi nga ang galing ko.

"Itutuloy mo pa ba yung balak mo kay Karen at Mikko?"

"Bahala na." Pinatugtog ko ulit ang music at nagsimulang sumayaw.

"Bakit sjksksokqnbaj"

In-off ko ang music dahil wala akong naintindihan sa sinabi ng asungot na 'to. "Ano?"

"Bakit hinayaan mo siyang Keith ang itawag sa 'yo?" Bakit nga ba?

Dahil ayun lang ang lumabas sa bibig ko? Dahil ayokong malaman niya na ako si Kai Angeles ng CThunder? Dahil trip ko lang talaga?

Lumapit ako sa salamin at tinignan ang sarili ko. Pakshet, ang gwapo ko.

"Wala, bakit? Masama?" I raised my eyebrows.

Nag-pout si Hans. Kadiri, mukha na ngang babae nag-pout pa. "Kilala kita Kai, hindi mo hahayang tawagin ka ng babae sa totoo mong pangalan kung hindi ka interesado sa kanya."

Kasalanan ko bang parehas kami ng taste ni Mikko?

"Maganda si Karen, mabait at higit sa lahat girlfriend siya ni Mikko. Saktong sakto sa balak ko."

Kumunot ang noo niya na para bang iniisip niyang mabuti ang ibig kong sabihin.

FLASHBACK

Grade 5 ako noon ng maging kaklase ko ang Empires. Si Sam, Jared, Kurt, Mikko at Jerome. Sa edad na 'yun kilalang kilala na sila sa buong school dahil sa talent nilang pagsayaw at pagkanta.

Habang ako? Hangang hanga sa kakayahan ng lima.

Dahil sa kanila nagaral akong sumayaw at kahit hindi kagandahan ang boses ko pinilit kong mag-improve para makasali sa grupo nila. Para maging isa kanila.

Nang magkaroon na ako ng tiwala sa sarili at lakas ng loob, nilapitan ko ang lima at kinausap sila. Halos magmakaawa na ako para lang tanggapin nila ako sa Empires. Namanhid na ang paa ko sa kasasayaw pero wala lang pala silang paki sa pinapakita ko. Parang nabaliwala lang lahat ng paghihirap ko at ang pangarap ko maging sikat sa Southmoor Elementary.

Sinayang lang ng Empires lahat. Lalong lalo na ang Mikko na yan na minaliit masyado ang kakayahan ko. Ngayong sikat na ako at magdedebut na sila, sisiguraduhin kong pagsisisihan nila ang hindi pagtanggap sa 'kin dati. Gaganti ako kay Mikko, gagantihan ko sila.

END OF FLASHBACK

"K-kai yung bote ng mineral water, nayupi mo na." Napatingin ako sa boteng hawak ko.

"Mikko Tan!" Susuntukin ko sana ang salamin nang pigilan ni Hans ang kamao ko.

"Keith Andrew, kumalma ka---"

"Aagawin ko si Karen sa kanya. Hindi ako papayag na maging masaya silang dalawa."

Karen's POV

BOGSH!

"Ay palaka!" Ang alam ko singer at dancers ang Empires hindi action star!

"Kailangan niyo ba talaga ibagsak ang pinto?" Tumawa yung lima tapos nilapag nila yung mga bag nila sa tabi ko. Sinama ako ni Mikko kung saan sila magpo-photo shoot para sa isang commercial. Hindi pa sila nagdedebut pero sunod sunod na ang advertisement na ino-offer sa kanila. May mga appearance na rin sila sa iilang music shows kaya paunti-unti nang lumalago ang fanclub ng Empires. In short, bilang na ang araw ko para makasama sila in public.

"Ayos ka lang dito?" Tanong ni Jerome. "Yup, go ahead." Nakasandal ako sa pader habang hinihintay matapos ang pictorial.

Feel na feel kong bored na bored na si Mikko sa ginagawa niya pero hindi siya makaangal dahil pinapagalitan siya ni Manager Kenneth tuwing magrereklamo siya. Si Manager Kenneth lang pala katapat ng lalaking 'to e.

"Ready, 1-2-3" Sabi ng photographer sabay click ng camera.

Umupo ako sa monobloc na kinuha ni Jerome habang kinalikot ang phone ko.

Scroll.

Like.

Scroll.

Like.

Scroll.

Natigilan ako sa post na nakita ko.

Iniindorse rin ng CThunder ang product na iniindorse ng Empires ngayon?

"Nandyan na pala sila." Napalunok ako ng laway sa sinabi ng photographer.

Isa-isang pumasok sa studio ang CThunder at nakipagkamay sa mga staffs. Napatingin ako sa Empires at mukhang kahit sila ay nagulat sa presensya ng CThunder.

Nagkatinginan kami ni Mikko sa hindi malaman na kadahilanan.

"Hi, Karen!" Nawindang ako sa paglapit ni Keith. Bakit naiilang ako sa nangyayari?

Bakit nakakaramdam ako ng tensyon sa pagitan ng Empires at CThunder?

Sa kasabugan ko, hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Jerome. Bali ganito ang settings, katabi ko si Jerome habang katapat ko naman ang CThunder. Nakakamatay ang tinginan nila, para akong shield na pipigil sa kanila pag nagsimula silang magsaksakan.

Napuno ng katahimik ang buong studio nang hilain ako ni Jerome papunta sa harap ng camera.

"She's pretty, she can also be part of this CF." Jerome said.

O____O

"Umh, she is. Stylist Park bihisan niyo siya at pagandahin niyo pa ng bonggang bongga." Mas lalo akong nagulat sa sinabi ng photographer.

Forced evacuation!

Pinalibutan ako ng mga babae at kinaladkad papasok sa dressing room. Hindi ako pumayag pero nilabas nila yung curling iron at inayos ang buhok ko. Nagtutulong-tulong sila sa hair at make-up ko pati na rin sa damit na susuotin ko na itinerno sa damit ng Empires.

Naging wavy ang buhok kong light brown at nakasuot na ako ng uniform ngayon since naka-uniform din ang Empires sa next shoot.

"Sobrang ikli naman po ng paldang 'to." Reklamo ko sa isang stylist habang tinitignan ang itsura ko sa salamin.

"Hindi ah, bagay na bagay nga sa 'yo e."

"Keri mo yan, girl." Tinulak ako ng make-up artist palabas kaya tinulak ko rin siya. Ang sakit kaya!

Ramdam kong lahat ng mata nilang nakatitig sa 'kin.

"Pwesto sa gitna ng Empires."

*GULP*

Sinunod ko ang utos ng photographer kaya napapagitnaan ako ngayon ni Mikko at Jerome.

"Smile ka lang." Bulong ni Jerome.

Sa likod ng photographer, nanunuod ang tatlong itlog at ini-scan ang buong katawan ko. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa!

CLICK!

Napapikit ako dahil sa flash na tumama sa mata ko. Sorry naman, first time ko kasi 'to. "Tss, this is all your fault, Jerome." Narinig kong bulong ni Mikko sa isa. Ngumiwe lang si Jerome at nagpose ulit. Bakit easy lang sa kanila 'tong ginagawa nila? Ang hirap pala. Sinubukan kong mag peace sign kanina pero hinampas lang ni Mikko ang kamay ko kaya hindi na ako umulit.

"Last shot."

CLICK!

Binagay ko ang best pose sa last shot para matapos na ang paghihirap ko dito.

"Nice. Okay, pwede na kayo mag break. Next is CThunder." Ganun din ang outfit ng tatlong itlog. Naka-uniform habang isa-isang hawak yung product na ini-endorse nila.

"Done---"

"Sandali." Napatingin ang lahat kay Keith. "Unfair naman kung may muse ang Empires tapos kami wala diba?"

Tumingin siya sa akin ng nakakaloko. Oh noes.

"Ice yan! Karen, join us here." Aba't kinampihan pa ng magaling na si Hans.

Tinulak ulit ako ng make-up artist kaya muntikan na ako masubsob sa harap ng CThunder. Kotang kota na 'to sa 'kin ha!

Pumagitna ulit ako gaya ng utos ng bwisit na photographer.

"Mukha kang tuod. Mag pose ka naman." Bulong ni Keith sabay hawak sa bewang ko at pwersahang sandal ng ulo ko sa balikat niya.

"Nice, nice, nice. Ang ganda ng timing mo, Kai." Sabi ng photographer habang pumapalakpak pa. Hindi ba muna nila ako tatanungin kung ayos lang sa 'kin ang pinagagawa nila? Huh! Ibang klase.

Isa pa 'tong si Keith na kaunti nalang matitiris ko na ng pinung-pino.

Tumabi ako kay Mikko pagkatapos ng nakakalokang photoshoot with these nakakalokang groups.

"Kainis, si Keith kasi e." Nag-panic ako nang tumingin siya sa 'kin habang nakakunot ang noo.

"You're calling him Keith?" Dahan-dahan akong tumango.

"Who told you to?" His forehead creased. Nag-hesitate pa akong sumagot. "S-siya."

Sinundan ng mata niya si Keith na kasalukuyang papasok sa dressing room.

"Geez, Kai Angeles."

"Mikko, saan ka pupunta?!"

Continue Reading

You'll Also Like

69.1K 1.1K 13
Makakaya mo kayang makisama habang buhay sa lalaking ubod ng sungit? Kaya mo kayang mag mahal ng babaeng sobrang slow? Read, Vote and be My Fan! Tha...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
234K 4.6K 45
~ King John Padilla × Queen Chandria Bernardo ~ Queen's POV : 3 years ago nung iniwan ko siya at sila ng walang paalam kasi may ginawa ako na mapapa...
4.3K 862 36
[Under Revision] J. B. S. A. E Series #2 Isang babaing meroon na simpleng buhay at simpleng tao, na nakatira sa probinsya ng Cavite. Anong mangyayar...