POSSESSIVE 10: Lath Coleman

By CeCeLib

48.6M 966K 191K

Lath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

CHAPTER 13

1.5M 31.3K 4.9K
By CeCeLib

CHAPTER 13

HINDI NA MABILANG ni Haze kung ilang beses na siyang inangkin ni Lath. Basta ang alam niya, maraming beses na at lahat 'yon ay wala siyang pagtutol na naramdaman.

Halos magtatatlong linggo na sila sa yate at paubos na rin ang pagkain nila. One more week, and she could finally return home.

Dapat ang inaalala niya ay kung paano pipigilan ang mas lumalalim niyang nararamdaman para kay Lath, pero hindi, iba ang inaalala niya.

Huminga siya nang malalim. She needed to know and make sure that her assumption was correct. Baka mali lang siya, baka naguguluhan lang siya. Hindi rin nakakatulong sa pag-aalala niya ang palagi niyang pagduduwal nitong nakaraang dalawang araw at wala naman siyang ganang kumain.

"Lath?" tawag niya sa pangalan ng lalaking nakahiga sa recliner na nasa tabi niya.

Dahil wala silang magawa, napagdesisyon nilang magbilad sa araw. It was just eight in the morning. Maaga kasi nilang natapos ang routine nila ni Lath sa umaga—wake up, have sex and cook. Ang nilutong nilang agahan ay nasa maliit na table na pinapagitnaan ng recliner nila ni Lath.

"Hmm?" Tinanggal nito ang sunglasses na suot, saka bumaling sa kanya.

"Ahm..." Bumaling siya rito. "Anong petsa na ngayon?"

Inabot nito ang cell phone na inilapag lang sa sahig, saka binuksan ang calendar. "It's 27th."

Umawang ang mga labi ni Haze. No! Baka hindi tama ang bilang niya. But... oh, God.

Umayos siya ng upo, saka inabot ang kape. Akmang sisimsim siya nang maramdaman ang pamilyar na paghalukay ng tiyan niya. The coffee smelled gross!

Shit! Mabilis niyang ibinalik sa mesa ang tasa, saka patakbong tinungo ang gilid ng yate at sumuka. Mabilis namang dumalo agad si Lath at hinagod ang likod niya.

"What's gotten into you?" may pag-aalalang tanong nito. "May nakain ka bang hindi maganda?"

She vomited again. "W-water."

"Wait." Mabilis na umalis sa tabi niya si Lath at nang bumalik ay may dala nang isang basong tubig. "Heto na."

Inimumog niya ang tubig, saka umupo sa sahig at napatitig kay Lath na halata ang pag-aalala sa guwapong mukha.

"Ayos ka lang?"

Pilit siyang tumango. "Yeah."

He was still worried even after she said yes. "Sigurado ka ba na ayos ka lang?"

Tumango uli si Haze. "Oo." Tumayo siya, saka bumalik sa recliner. Ganoon din ang ginawa ni Lath.

Habang nakahiga ang lalaki sa recliner, pinakatitigan niya ito nang matiim. It seemed that she was right. Noong isang araw pa niya iyon inaalala.

Hindi katulad ng ibang babae, fix ang date ng menstruation niya. At dapat dinatnan na siya noong 25th. Pero 27th na ngayon, dalawang araw na ang nakakaraan, wala pa rin. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Her menstruation never missed the exact date. Palaging eksakto ang petsa kung kailan siya dadatnan ng dalaw.

Holy shit! I can't be pregnant!

Bumuga si Haze ng malalim na hininga. Hindi pa naman siya sigurado. Haka-haka lang niya 'yon. Wakang kasiguruhan. Bakit naman kasi ang gaga niya? Bakit hindi niya naisip na gumamit ng proteksiyon?

Good God. She couldn't be pregnant!

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Kung buntis nga siya, matatanggap kaya 'yon ni Lath? Paninindigan ba nito? God! Lath was a sought-after bachelor. Beautiful women chased after him. Sino ba siya para makipagkumpetensiya sa mga kababaihang 'yon? They were more beautiful, graceful, rich and elegant than her. Ano ang laban niya ro'n?

Pero hindi naman sigurado na buntis siya.

Maghihintay pa siya ng ilang araw para makasiguro. Kapag nakauwi na sila ni Lath at hindi pa rin siya dinadatnan, magpapa-check up na siya.

Haze sighed and laid on the recliner. Nakaka-stress ang mag-isip.

"Wifey?"

Bumaling siya kay Lath na nakatingin sa kanya. "Ano?"

"Mag-agahan ka na," sabi nito.

"Ayoko."

"Gusto mo subuan kita?" naglalambing na sabi nito.

Napangiti siya. "Talaga? Susubuan mo ako?"

"Oo." Umalis ito sa kinahihigaan, saka umupo sa paanan ng recliner na inookupa niya. "Ano'ng gusto mong kainin?"

Nagkibit-balikat siya at sinabi ang unang pumasok sa isip niya na gustong kainin. "Fish."

Nag-isang linya ang kilay ni Lath. "Isda?"

"Oo." Bumangon si Haze mula sa pagkakahiga sa recliner, saka naglalambing na yumakap sa baywang ng lalaki. "Gusto ko ng sariwang isda. Can you give me that?"

"Of course," mabilis na sagot ni Lath. "Ilang isda ang gusto mo? Manghuhuli tayo."

"Ahm..." Itinaas niya ang tatlong daliri. "Three. 'Tapos prituhin mo, ha? 'Yon ang gusto kong hapunan." Nanunubig na ang mga bagang niya.

"Okay." Hinalikan siya nito sa mga labi. "Dito ka lang, mag-agahan ka na at mamimingwit ako ng isa ro'n sa lower deck. Okay?"

Nakangiti siyang tumango. "Sige. Bilisan mo, ha?"

"Yep," he said, popping "p" in the end.

Hinalikan uli siya nito sa mga labi bago umalis patungong lower deck. Samantalang siya, sa halip na mag-agahan, nahiga siya sa recliner at ipinikit ang mga mata.

She felt like sleeping, so she did.

Hindi alam ni Haze kung ilang oras siyang nakatulog, basta nang magising siya ay masakit na sa balat ang sikat ng araw. Mabilis siyang umalis sa top deck at pumasok sa sala. Dumako ang tingin niya sa orasan na nakasabit sa dingding.

Eleven o'clock.

Nagtungo siya sa kusina sa isiping nagluluto na si Lath pero ni anino nito ay hindi niya nakita.

"Nasaan kaya 'yon?" nagtatakang tanong niya sa sarili, saka pumunta sa lower deck.

Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita si Lath na madilim ang mukha habang namimingwit pa rin.

"Lath? Ayos ka lang?"

Mabilis itong bumaling sa kanya, saka napasimangot. "Dalawa pa lang ang nahuhuli ko. God! It's been three hours!" he exclaimed.

Pinigilan niya ang sarili na hindi ito tawanan. He looked crushed. And true to his word, dalawa lang ang laman ng plangganita nito.

"Okay na 'yan. Tig-isa tayo," nakangiting sabi niya para hindi ito maging grumpy. "Lutuin mo na."

"Okay." Naiinis na itinapon nito ang pamingwit, saka nakangiting bumaling sa kanya. "I'll fry it. Dito ka lang sa duyan. Let me cook it for you, para may magawa naman akong tama sa 'yo."

That melted her insides. "Aww..." She blushed. "Thanks."

He grinned at her. "Siyempre, para sa 'yo. Ikaw pa, malakas ka sa akin, eh." Kinindatan siya nito bago umalis sa lower deck para magluto.

Naiwang kinikilig si Haze. Yes, Lath was wicked, but that cunning man was also sweet.

Umupo siya sa duyan tulad ng sabi ni Lath, saka hinintay na sunduin siya nito para kumain na sila.

It took him an hour to came back to get her.

"Hey." Bigla siya nitong pinangko na ikinagulat niya at napasinghap.

"Lath!"

Tumawa lang ito. "Let's eat, wifey."

Masayang binuhat siya ni Lath patungong kusina, saka pinaupo siya sa silya. Nakahain na ang pagkain sa mesa.

"Eat up, wifey." Nilagyan nito ng kanin ang pinggan niya. "Magpakabusog ka. Niluto ko 'yan."

Natatawang tiningnan niya ang isda. "Bakit sunog?"

Nag-iwas ito ng tingin na para bang nahihiya. "Ahm, kasi, akala ko hindi pa luto, 'tapos biglang nasunog."

Mahina siyang natawa, saka humiwa ng kaunting parte ng isda at isinubo iyon. The moment she tasted the fish, her stomach churned.

Mabilis siyang tumayo, saka tumakbo patungong lababo at doon nagduduwal. At dahil nasa gilid ng lababo ang kawali na ginamit ni Lath sa pagpiprito, lalo siyang sumuka.

Nasa likod niya si Lath at hinahagod ang likod niya. "Shit, wifey, ano ba ang nangyayari sa 'yo? May sakit ka ba?"

Mabilis siyang umuling. "Ayos lang ako."

"No, you're not okay," mariing sabi ni Lath. "Uuwi na tayo."

Napanganga siyang bumaling dito. "Ano?"

"Iuuwi na kita. Hindi ko kayang makita kang ganito. I'm worried sick." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa mukha niya. "Wait here. I'll maneuvered the yacht towards the port."

Naiwan siyang nakanganga sa papalayong bulto ni Lath. Kapagkuwan ay bigla siyang napahawak sa gilid ng lababo nang maramdaman niyang gumagalaw na ang yate.

For the first time in three weeks, the yacht freaking moved.



HOURS LATER, Haze found herself in the hospital bed, Lath was on her side. Nakaukit sa mukha nito ang labis na pag-aalala. Hindi siya makapaniwalang idinaong nga nito ang yate dahil lang sa nagduduwal siya.

Kung alam lang niya na kailangan lang niyang magsuka, ginawa na niya noon pa. But she never once thought that Lath would actually return her to land just because she was sick.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Lath sa kanya habang hawak ang kamay niya.

Pinisil niya ang kamay nito. "I'm fine."

Gusto niyang mawala ang pag-aalala sa mukha nito. There was nothing to worry about.

"Are you sure?" paniniguro nito, saka hinalikan ang likod ng kamay niya. "Anyway, bakit ba tinanong ka pa ng doktor kung kailan ang menstruation mo? Sa tingin mo may sakit ka sa ovary? Do I need to call my friend who's a good doctor in New York?"

Mabilis siyang umiling. "No need. Okay lang ako. Siguro part na 'yon ng interview nila."

"Oh. Okay." Hinalikan nito ang kamay niya. "Nag-aalala lang ako sa 'yo. Fuck it. I can't risk your health just so you could be with me for a week."

Lumamlam ang mga mata ni Haze. Siya talaga ang inisip ni Lath bago ang sarili. Why was he like this? Mas madaling magalit dito noong ugaling gago ang ipinapakita sa kanya. But in these past few weeks, she saw the best side of Lath Coleman. Charming, Strong, ready to learn something new to please her, dedicated sa negosyo, maalalahanin, gagawin ang mga bagay na hindi nito gawain para sa kanya, saka mahaba ang pasensiya.

That was what she liked most of his attitude. Sinigawan at minura na niya ito para iuwi siya pero hindi ito natinag. Pero nang makita siyang sumuka at nagduwal, walang pagdadalawang-isip na idinaong nito ang yate para dalhin siya sa ospital dahil sa labis na pag-aalala.

He was not perfect but he was amazing. Lalo pang lumalim ang nararamdaman niya para dito.

"Lath?"

"Yes, wifey?"

"Puwede mo ba akong ibili ng tubig? Medyo nanunuyo ang lalamunan ko," sabi niya.

"Sure, wifey." Hinalikan muna siya nito sa noo bago umalis ng hospital room niya. Hindi naman kailangang kumuha siya ng kuwarto pero hindi niya napigilan si Lath. OA kasi 'to, eh.

Minutes later, bumukas ang pinto. Sa isiping si Lath 'yon, ngumiti siya pero agad din namang nawala ang ngiti niya nang makitang isa iyong babae na naka-nurse uniform at medyo may edad na.

"Excuse me, narito na ang result ng laboratories," sabi ng nurse.

Tumango siya. "Ano ang result?"

Hinanda na niya ang sarili sa maririnig. Mabuti na lang ay wala roon si Lath para marinig ang sasabihin ng nurse.

"Ma'am, wala ho kayong sakit katulad ng sabi ng kasama n'yo kanina. According po sa lab results, you are pregnant."

Nanatiling tikom ang bibig ni Haze sa narinig. Sabi na nga ba niya at buntis siya. Shit! Ano ang gagawin niya ngayon? Papanagutan ba iyon ni Lath?

Huminga siya nang malalim. "Thanks. Puwede bang sa ating dalawa lang muna ang resulta ng laboratory? Ayokong malaman 'to ng kasama ko."

Tumango ang nurse. "Yes, Ma'am," sabi nito, saka umalis ng kuwarto niya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi, saka sinapo ang tiyan. "God, ano'ng gagawin ko sa 'yo?"

Napaigtad bigla si Haze nang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok doon si Lath. Nakangiti ito nang malapad.

"Hey, wifey." Lumapit ito sa kanya, saka may ibinigay na mineral water. "Uminom ka na."

Pilit siyang ngumiti. "Thanks."

"Welcome."

Binuksan niya ang lalagyan ng mineral water, saka uminom, pagkatapos ay ibinalik niya ang takip. Bumaling siya kay Lath at lakas na loob na nagsalita.

"Gusto ko nang umuwi sa condo ko. Hindi mo na ako kailangan pang samahan." Kailangan niyang mag-isip. "Please, Lath, hayaan mo na ako."

Lath didn't move, he just stared at her, shocked. "W-what?" Hindi ito makapaniwala habang nakatingin sa kanya. "Haze, you're sick and—"

"Wala akong sakit. UTI lang 'yon at hindi malubha. I just want to go home and stay away from you as soon as possible."

Umawang ang mga labi nito at puno ng kaguluhan at pagtataka ang mukha. His emotion was on show on his face.

Gusto niyang manatili sa tabi nito pero kailangan niyang mag-isip nang mabuti kung ano ang tamang gawin sa sitwasyon niya. She never planned or intended to get pregnant. Mapapanindigan ba niya iyong dinadala niya?

God! Please, help me decide what to do.

Umalis siya sa kama at nagpaalam kay Lath na hindi pa rin makagalaw sa kinauupuan. He still looked shock.

"Uuwi na ako," sabi niya at pinilit na ngumiti. "Ingat ka."

Nang hindi nagsalita si Lath, naglakad siya palabas ng kuwarto.

Lath didn't stop her like she thought he would. He just sat there, looking stunned and lost.

Hanggang sa makalabas si Haze ng ospital at makasakay ng taxi na maghahatid sa kanya sa condo niya, si Lath pa rin ang laman ng isip niya.

Ano'ng gagawin ko ngayon?



PARANG ROBOT si Lath na nagbayad sa bill ni Haze sa ospital at bumalik sa yate niya. Tanging si Haze lang ang laman ng isip niya, hindi siya makapaniwalang iniwan siya nito.

He thought they have something... he really thought that she was starting to like him, that she was starting to feel something for him, pero mali pala siya. Pinapakisamahan lang ba siya nito?

Ipinatong niya ang siko sa railing ng yate at tumingin sa karagatan. The sea didn't hold the same peacefulness it had before, wala na iyong epekto sa kanya.

Bumuga siya ng marahas na hangin habang inaalala ang pinagsamahan nila ni Haze sa yate. His heart tightened in so much pain. Para iyong hinihiwa ng ilang milyong beses.

Mapakla siyang natawa nang maramdamang may dumaloy na mainit na likido sa pisngi niya. He blew a loud strangled breath.

"Fuck it!" Tinuyo niya ang nabasang pisngi. "Bakit ba mahal na mahal ko ang babaeng 'yon?"

Pinapakalma niya ang sarili nang marinig na nag-ingay ang cell phone niya. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa, saka sinagot ang tawag.

Ang kakambal niya ang tumatawag.

"Hey, brother-mine," masayang bati niya kahit parang pinipilipit sa sakit ang puso niya. "Kumusta?"

"I'm brokenhearted," sabi ni Lash at mapaklang natawa. "Hindi ko akalain na darating ang araw na sasabihin ko 'yon. Fuck, Lath, it hurts like fucking hell."

Well, you're not the only one. Pero hindi niya sasabihin iyon sa kakambal. Malaki na ang problema nito sa pag-ibig, dadagdag pa siya.

Instead, Lath sighed and offered an advice. "Love really hurt, Lash. Kung hindi 'yan masakit, hindi iyan pag-ibig." He sighed again, wala na ang saya sa boses niya. Mahirap magpanggap na masaya kung hindi naman. "Pasensiya na. Nang dahil sa akin nararanasan mo 'yan ngayon. If it wasn't for my wicked plans, you wouldn't—"

Lash had cut him off. "I wouldn't experience the best three weeks of my life."

Nagpakawala ng malalim na hininga si Lath. Yeah. Me too. "Brother-mine, just remember, if you and Nez are meant to be, God will find a way to keep you two together. Kung hindi naman kayo para sa isa't isa, hmm, lumaklak ka na lang ng alak at magpakalasing ka. At kapag hindi pa rin nawala ang sakit sa unang araw na paglalasing mo, huwag kang mag-alala, sabay nating uubusin ang alak sa cruise ship at magpapakalasing tayong dalawa."

'Yon ang gagawin niya. Magpapakalunod siya sa alak hanggang sa malasing siya at wala nang maramdaman.

Mahinang tumawa ang kakambal. "Thanks, man."

"Hey, kakambal mo ako. That's the least I could do." Mahina siyang natawa. "And you know I'll always be here for you."

"Ang sweet naman ng kakambal ko," tudyo ni Lash sa kanya.

"Oh, fuck off, Lash!" sigaw niya at pinatayan ito ng tawag.

Tamang-tama naman na tumawag si Lysander. Sinagot niya ang tawag ng kaibigan.

"Hey." Lath would pretend that he was happy—at least, hanggang sa matapos ang tawag.

"It's Lysander."

"I know, dimwit. Bakit ka napatawag?" Don't think of Haze. Pretend that you are fucking happy.

"Anyway, man, aalis na bukas si Nez. Baliw kasi iyong kakambal no. Pauwiin ba naman si Nez." Lysander tsked. "Siguradong brokenhearted 'yon bukas. Anyway, want to visit your brother tomorrow?"

"Sure," mabilis niyang pagpayag. "I'll be there. May aasikasuhin lang ako. Tawagan mo na lang ang iba nating kaibigan kung sino ang gustong sumama."

"Okay. Bye."

"Bye."

Natapos din sa wakas ang tawag at hindi na kailangang magpanggap ni Lath na masaya siya. Because every part of his body knew that he was hurting. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

58.3M 1.1M 38
All his life, Andrius Salazar only wanted three things. A peaceful life that he plans to live to the fullest, he wanted to be left alone by his famil...
112K 5.6K 41
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
7.7M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
51.4M 1M 30
She met him in the club. She liked him even before she met him. They got drunk, they dance to the rhythm of dirty music, talk some nonsense and then...