Mhorfell Academy and The Onyx...

By alerayve

4.2M 122K 23.8K

[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't e... More

Prologue
Chapter 1 - Forbidden Name
Chapter 2 : Blood Disease
Chapter 3 : The Keeper and The Wind
Chapter 4 : Sole Way
Chapter 5 : The Judge's Toy
Chapter 6 : Bad & Good News
Chapter 7 : Impossible
Chapter 8 : Afraid
Chapter 9 - His Birth
Chapter 10 : Valor
Chapter 11 : Pretty But Dangerous
Chapter 12 : No Way In Hell
Chapter 13 : Truth
Chapter 14 - Her Feelings
Chapter 15 - Who Is He?
Chapter 16 - The Council's Method
Chapter 17 - Bewildered
Chapter 18 - Edeline
Chapter 20 - The Antidote
Chapter 21 - Church
Chapter 22 - Gigantic Doors
Chapter 23 - Azalea
Chapter 24 - Samara
Chapter 25 - Pure White
Chapter 26 - Welcome Back
Chapter 27 : From Charlene
Chapter 28 : Silence
Chapter 29 : Trapped
Chapter 30 : Real One
Chapter 31 : Cold Cell
Chapter 32 : Glimpse
Chapter 33 : Duchess
Chapter 34 : Uncovered
Chapter 35 : Origin
Chapter 36 : Trojan War
Chapter 37 : Black Book
Chapter 38 : Here
Chapter 39 : Golden Arrow
Chapter 40 : Mothers and Wives
Chapter 41 : Choice
Epilogue: The Last Cry (First Part)
Epilogue: The Last Cry (Second Part)
Special Chapter #1 (Men's Talk)
Special Chapter #2 (Moonlight)
Special Chapter #3 (Tender Rain)
Epilogue: The Last Cry (Last Part)
Author's Note
[Announcement]

Chapter 19 - Behind The Painting

71.2K 2.2K 321
By alerayve


[ S P A D E ' S P O V ]




"Patay na kasintahan? Kailan pa? Not too long ago, my youngest son was saved by that woman."



"I'm sorry, mister. That is very impossible. Miss Azalea Luiciere is already dead for almost eight years. She died from a terrible bombing incident before and was dead upon arrival on the hospital. Isa pa, walang Azalea na miyembro ng Onyx Council. Isang malaking parusa ang ipapataw sa kung sinuman ang may tapang para gamitin ang pangalan na iyon sa loob ng grupo. Saka matagal ng natapos sa isyu na iyon ang judge."



"Then, where's my wife's body?"



"I don't know. May dalawang bagay lang naman ang pwedeng mangyari. Una, pwedeng hindi niya rin kinaya ang epekto ng disease sa katawan niya at maaaring naging isa na siya sa mga tuyot na bangkay ngayon. O di kaya, magagaya siya kay Samara na palihim na isinailalim sa paghahanda para maging pangunahing tauhan ng judge. Pero imposible dahil sa buong kasaysayan ng konseho, pangatlong beses pa lang nangyayari iyon. I mean Samara's case."




Nanglalata at nanghihina akong napaupo sa backseat ng kotse nang tuluyan na akong makapasok sa sasakyan. Dinaluhan naman ako ni Janice, Sean, at Marc na lumipat pa ng sasakyan para lang kamustahin ang kondisyon ko. Pero malay ko ba ngunit sadyang nasadlak ako sa malalim at malayong pag-iisip.



Una pa lang, alam ko ng masasaktan lang ako sa pinaggagagawa ko. Alam ko naman sa sarili ko na patay na talaga si Alex at hindi ako ang Diyos para ibalik siya sa pagkabuhay. Ang maliit na tiyansa na ito, ito ang siyang patuloy na nagpapalago sa katiting kong pag-asa na baka nga buhay pa siya. Wala naman kaso sa akin kahit mawalan siyang muli ng memorya. Kaya kong tiisin 'yun. Kung nakaya ko iyon noon nang mawala ang alaala niya bilang Kirsten, pwes mas kaya ko ngayon kung kailan matibay ang paninindigan ko na kaya kong ibalik ang lahat ng nawala sa kanya. Baduy o corny mang panghawakan ng lakas ng loob pero alam kong maaalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan.



Handa na ako sa lahat ng iyon. Handa rin ako na kaharapin ang punyetang konseho na iyan mabalik lang siya sa akin, sa mga anak namin, sa aming magkakaibigan, at higit sa lahat sa mga tauhan naming bukod tangi pa rin ang katapatan sa naging pamumuno ni Alexandria. Kaso bakit kung kailang naniniwala na ako at sobrang taas na ng ekspektasyon ko ay bigla na lang may darating para wasakin ito?



"Because Spade William Vantess, you are my miracle."



Muli ko na namang naalala ang sinabi ni Alex. Miracle? If I am your miracle, then maybe you are my star. I may not be able to see you or I may not have the time to bother myself about you in daytime but once the sun sets and the moon rises, you have always been there. Moreover, just like a star, you are no longer in my reach. As I look at the sky today, even the stars were already missing. I can't find you anymore. I can't see you anymore. Hindi ko alam kung kaya ko ba talaga maniwala sa miracle na sinasabi mo, Alexandria. I want to see you.



"Spade, I want to give you my apologies. Wala tayong nakuhang ibang impormasyon kung buhay nga ba ang asawa mo. I think, let's call it for the day. Tomorrow, it will be ---" Janice said with an upset and guilty look. I cutted her off along the trail of her sentence because I know what is the event for tomorrow. How could I ever forget?



"Yeah yeah, it's Valor's birthday. I know. Don't worry, may ireregalo na ako sa kanya." and I showed a bit of a smile even if it doesn't really match with the feelings I am having right now.



Ang mga anak ko ... I feel really sorry for them. Nawalan ako ng oras sa kanila at halos isantabi ko na sila ng dahil sa sobrang pagkalunod ko sa kalungkutan simula nang mamatay ang nanay nila. Hindi ko rin sila masisisi kung may galit ba sila sa akin. Ako naman talaga ang nagpabaya. Ako ang sumira sa pangako ko kay Alex na aalagaan ko ng mabuti ang mga anak namin. Itong pasakit na nararamdaman ko ngayon, balik lang siguro ito ng karma sa akin.



"Kamusta naman pala ang mga bata? Ang liliit pa yata nila noon nung huli akong bumisita. Namimiss ko na ang mga iyon. Bukod kasi sa mga pinapakita nilang abilidad, sila ang nagpapaalala sa akin kay Alex. 'Yung maldita, masungit, mataray, at bitch na nakilala ko at naging kaibigan ko." she said as she reminisces. All I can do is to smile on her.



Napabuntong hininga naman ako at napaayos na lang ng upo at pinahiling ang ulo ko sa may gilid ko para tingnan ang mga nadadaanan namin. "Maayos naman sila. 'Yung bibong bata na lagi niyong dinadaldal at nilalaro noon na si Alexei, believe it or not, he somewhat grew up just like me. Kay Alexei ko balak ipamana ang pamumuno sa mafia. Si Finn naman, he wants to pursue the company. Hindi ko naman na ipagkakait sa kanya iyon dahil alam kong mahahandle niya ng mabuti ang kumpanya kahit na ba papetiks petiks lang minsan ang batang iyon. Si Valor, ganoon pa rin. Sa kanya ko pa rin nakikita ang imahe ni Alex. Maaari ngang nakuha ni Finn ang galing sa academics at husay naman sa mga patalim kay Alexei mula kay Alex pero ... 'yung ugali, 'yung aura, 'yung itsura ni Alex, lahat ng iyon nakikita ko sa bunso." pagkekwento ko sa kanya habang pinapanood ko pa rin kung paano namin lagpasan ng mabilisan ang mga pine trees. Sobrang lalim na ng gabi. Tulog na kaya ang magkakapatid?



"Woah." the tenth head exclaimed. Napatingin naman kaagad ako sa kanya. "You actually know their personalities, abilities, and character huh. Anyway, I agree. Laging nakekwento sa akin ni Rennei ang pagkakaparehas ni Valor sa nanay niya. I mean, the real side of Alex. Not the bad ass side." natatawa pang komento ni Marc na kita pa rin ang pag-aalala sa asawang nasa ospital sa likod ng mga ngiting pinapakita niya.



"She'll get well soon, pal. Don't worry too much." nasabi ko na lang at hindi na napagkaila sa mga mata niya ang lungkot na nakikita ko sa pamamagitan ng rearview mirror.



Wala naman na siyang iba pang sinabi at bumuntong hininga na lamang. Ako naman, bumalik sa pagtingin ko sa labas. Hinayaan ko lang na lumipas ang oras habang nakatingin sa labas. Matapos naman noon ay wala naman na ding balak ang mga kasama ko na kausapin ako. Maaaring magkasama na kami ni Sean ngayon at nakakapag-usap na kami kaso alam namin sa isa't isa na may puwang pa rin sa pagitan namin. Gayunpaman, alam kong maaayos namin iyon pagdating ng tamang panahon.



Ni hindi ko na nga namalayan pa ang oras at nandirito na pala kami sa harap ng mansyon. Nauna na akong pinagbuksan ng mga tauhan naming nakaantabay sa bungad ng pintuan ng mansyon. Bumaba na rin ako pati ang mga kasama ko. Balak kasi nilang dito na magpalipas ng gabi lalo na at gusto rin nilang mabati si Valor kaagad para sa kaarawan nito bukas. Ang ilang heads naman at reapers, nagpaalam pa muna sa kanya kanya nilang mga 'komander' para manatili muna dito. Mahirap na at baka sa oras na wala pa sila ay doon may dumating na hindi kanais nais na pangyayari. Siguro naman ay magagawa naming magsalo salo bukas ng wala munang alalahanin dahil sinigurado naman na nina Jonathan ang siguridad sa kanya kanyang bahay naming lahat. Napagdesisyunan din namin kanina na dito na lang sa amin itutuloy ni Rennei ang pagpapagaling niya tutal ayon sa pagbabalita sa akin ni Dereen kanina ay mabilis ang recovery ni Rennei lalo na at may 'Escape' pa ring nananalaytay sa mga ugat niya. Muntik pa ngang magduda ng sobra ang mga doktor kung hindi lang daw nila nagawan ng paraan. Ibig sabihin, pabalik na rin dito sina Fiacre. Kaso baka mga mamaya-maya pa sila makakarating.



Pagkapasok namin sa mansyon, agad na sumilaw sa amin ang mga nakabukas pa ring mga ilaw. Agad na akong nagpaalam kina Janice na mauuna na akong umakyat sa kwarto ko. Bago pa ako humakbang ay tinawag ko muna Butler Kim para pagbilinan. Binilin ko sa kanya na magpadagdag ng ilang nakabantay at nakatagong guwardiya sa labas at sa backyard. Hindi ko rin kinalimutan na sabihin sa kanya na antabayanan ang pagdating ni Uncle Johan at siguraduhing makakapagpahinga ang lahat ng bisita. Tumango lang naman siya ng tumango hanggang sa hinayaan ko na siyang umalis para ayusin ang mga pinapautos ko sa kanya.



Dahil doon ay umakyat na rin ako sa kwarto ko. Nag-iba na ang kwarto. Nalipat na ako sa dating kwarto ng ama ko. Nang makapasok naman ako ay agad ko na ring nilock ito. Tinanggal ko ang jacket na suot ko at initsa na lang sa kung saan saan. Nang dahil na rin sa sobrang pagod ay natabig ko pa ang isang may kalakihang painting na nakasabit malapit sa may bintana ng kwartong ito. Maagap naman akong kumilos para saluhin ito mula sa pagkakahulog nang may mahagip ang paningin ko.



Napalunok kaagad ako dahil hindi ko alam kung ano 'yung nakita ko. Tuluyan ko ng tinanggal ang painting sa pagkakasabit nito. Muli kong sinuri ang bahagi na nasasakop ng larawan kapag sinasabit ito. Patuloy ko pa ring hawak sa mga kamay ko ang larawan nang mapansin ko na nakakapagtakang may hugis ng maliit na bote sa pader. Sinubukan kong hawakan ito at nalaman kong maaari ngang magkasyang ang isang maliit na bote sa nakaukit na parteng ito.



Agad naman akong napaluhod at tiningnan ang likod ng painting. At tama nga ako. Dahil may maliit na bote ngang nakadikit sa likod ng painting. Ang inukit na nasa pader ay para lamang manatiling firm at plain ang tekstura nito kapag hinawakan ng kahit na sino. Para hindi maramdaman ang umbok nito sa likod. Inilabas ko naman ang maliit na kutsilyo mula sa pantalon ko at ginamit ito para matanggal sa pagkakadikit ang bote.



Nang matanggal na ito ay dali dali ko itong tiningnan ng mabuti. Ang nakakafrustrate nga lang ay hindi ko maintindihan ang mga nakasulat sa papel na nakapalibot sa maliit na bote. Pati nga ang laman ng bote ay halos kakarampot lang. Hindi ko tuloy maiwasan na makunutan ng noo at pagsalubungin ang mga kilay ko. Pero ang may pinakamalaking letra at mas nakaemphasize sa papel ay ang mga letrang ito.





Клан света - белый Противоядие




****

A/N: Sorry kung nalate kumpara sa sinabi ko hahahaha T^T Umalis pa kasi ako kanina eh :( Anyway, heto na nga! Ang next update ay next week na po! Sinabay ko pa nga ito sa paggawa ko ng project TT_TT Kaya enjoy niyo na ito, guys! Salamat pa rin po sa lahat ng sumusubaybay sa istoryang ito! God bless you all!









Continue Reading

You'll Also Like

7.2M 432K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...
248K 5.5K 40
Nang magkaproblema si Psyche dahil sa inirereto ng mga magulang niya, i-v-in-olunteer ni Tep ang sarili nito na tulungan siya. Nag-click ang "lovetea...
60.6K 676 6
Magaling ka bang magpanggap at magtago ng nararamdaman? Mahilig ka rin bang tumanggi sa mga katotohanang tungkol sa sarili mo? Ako si Zhavia. Lahat a...
909K 38.1K 54
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang pag...