You Are My Destiny (Thiago Ja...

By RosarioTheGoddess

242K 5.8K 258

Thiago Jacques Fernandez, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, matipuno, matalino, matangkad at mayaman. Isa na la... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26: Final Chapter
Extra Chapter

Chapter 1

25.7K 368 13
By RosarioTheGoddess

"CINDY! Ano ba babangon ka ba diyan o kakaladkarin kita pababa ng hagdan?!" sigaw ng Tiyang Lupe niya.

"Andyan na po!" agad siyang bumangon at nagtali ng buhok. "Si Tiyang talaga ang aga aga nambubulahaw nanaman ng kapitbahay."

Pagkababa niya ay nakasalubong niya ang bestfriend niyang si Ferdie. "Uy, pards. Mukhang ang sarap ng tulog mo ah. May panis na laway ka pa. Mumog ka muna bago mo kausapin ang Tiyang mo. Mukhang badtrip nanaman sa mundo." natatawang binuhat na nito ang dala-dalang timba. "Una na ako. Ipipila na kita. Sigurado naman na uutusan ka nun mag-igib."

"Sige. Sunod na lang ako. Baka mag-beastmode nanaman si Tiyang. Salamat, pards."

"CINDY?!?!"

Napapikit siya sa napakatinis na boses ng Tiyang niya. "Andyan na ho!"

Pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa bahay nito ay piningot agad siya nito. "Aray ko, Tiyang! Nakakasakit ka na ah!"

"Sabi ko sa'yo dalian mo. Aayusin mo pa ang karinderya. Mag-iigib ka pa. Mamamasada ka pa ng pedicab. Umpisahan mo na at baka makalimutan kong pamangkin kita."

Napangiwi siya nang bitawan nito ang tenga niya. "Opo. Eto na nga po eh. Magsisimula na. Kalma lang, Tiyang. Papanget ka niyan lalo eh."

Binato siya nito ng basahan. "Tse! Hindi naman ako papanget ng ganito kundi dahil sa'yo. Bakit ba kasi sa akin ka pa iniwan ng magaling mong ina na si Pacing? Ang hirap na nga ng buhay ko mas lalo mo pang pinahirapan. Hala sige! Maglampaso ka na at maya maya ay darami na ang customer ko. Dalian mo at papasada ka pa." mahabang litanya nito.

"Opo!"

"Dalian mo! Aba! Hindi kita pinapalamon para maging ganyan ka kabagal. Dalian mo!" sigaw uli nito mula sa kusina ng karinderya.

Napabuntunghininga na lang siya. "Opo, Tiyang." Sinisimulan na niyang i-mop ang sahig nang biglang nagdatingan ang mga jeepney driver na parang anak na ang turing sa kanya. Sumenyas ang mga ito na sila na ang mag-aayos ng mga upuan. Nginitian niya ito at binati ng 'Magandang umaga.' Tahimik niyang tinapos ang paglilinis ng sahig habang ang mga ito naman ay isa-isang isinalansan ang mga upuan at mga la mesa. "Salamat po." mahinang bulong niya sa mga ito.

"Wala yun. Order na kami at nang makapasada na kami." ngiting sabi ni Mang Dante.

"Sige po. Kunin ko lang po yung listahan ko."

"Sige. Ayokong yung mangkukulam ang magsisilbi sa amin ah. Nasisiraan ako ng tiyan eh." wika naman ng binatang drayber na si Kardo.

Natawa siya. "Oo. Ako bahala sa inyo. Malas niyo lang kapag pinag-igi----"

"CINDY! DALIAN MO AT MAG-IGIB KA NA! MAMAMASADA KA PA!" nakakarinding sigaw nito mula sa kusina.

Iling na napakamot ang mga drayber. "Ayan na ang sumpa."

"Opo, Tiyang!"

"PSSST! Bespren! May nabalitaan akong may scholarship yung mamahaling eskwelahan dun sa may bayan. Try mo baka makapasa ka. Matalino ka naman eh." wika ng kaibigan niyang si Topher habang inaabot sa kanya ang softdrinks na nasa plastic.

"Ay naku, Tope. Kahit naman makapasa ako dun, sigurado naman ako na hindi ako papayagan ni Tiyang. Allergic yun sa katalinuhan ko." kasalukuyan silang nagpapahinga sa maghapon na nilang pamamasada.

"Sayang naman kasi yun. Kaunti na lang makakagraduate ka na rin ng kolehiyo. Ilang taon ka na nga? 19 diba? Dapat pa-graduate ka na. May diploma ka na sana. Bakit pa kasi namatay ang inay mo eh."

Malalim na napabuntunghininga siya. "Nakakaloka rin kasi si inay eh. Iniwan ba naman ako kay Tiyang. Pero di na rin masama. Nagpapasalamat na rin ako na pinag-aral pa rin ako ni Tiyang ng hanggang highschool. Kaysa naman sa kalsada ako mapadpad diba? Tiis tiis na lang siguro."

"Pero.. diba.. yung inay mo 64 na nung namatay? Ano ka menopause baby?" kunot noong tanong nito sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. "Di ko alam."

"Tas hindi mo pa kamukha inay mo. Yung totoo lang ah. Baka naman ampon ka?"

Masamang tiningnan niya ito at ibinato rito ang plastic na pinaglagyan ng softdrinks niya. "Alam mo tigil tigilan mo ako. Si inay ang nag-iisang inay ko. Siya ang totoong nanay ko."

Pinunasan nito ang mukha gamit ang bimpo na hawak nito. "Grabe ka sa akin. Oo na. Edi si Aling Sioning na ina mo. Tokwa naman ang lagkit ko na."

Natawa siya. "Tara na nga at nang makarami tayo. Dun tayo sa bayan para marami tayong masakay."

"NASAN NA BA YUN?" inis na sambit ni Thiago habang nagmamaneho. Biglang nag-ring ang cellphone niya. He pressed the button on his earpiece. "Hello?"

"Where are you? Kanina ka pa hinihintay ni Lolo Hermanto." wika ng kababata niyang si Peter na apo ng nasabing Lolo Hermanto.

"I'm fucking lost. Di ko alam kung nasaan na ako." iritadong wika niya.

"Oh. Kalma lang. Ano ba nakikita mo diyan sa paligid? Kung may mapagtatanungan ka magtanong ka na.... Hoy! Pare!---" biglang namatay ang cellphone niya.

He sighed heavily nang makitang nag-blackout na ang screen ng cellphone niya. Nasira na nga ang aircon ng kotse niya nawalan pa ngayon ng baterya ang cellphone niya. "Goddamnit!" napapalo siya sa manibela ng sasakyan niya.

Saktong pagliko niya ay may nakita siyang tindahan. Naisipan niyang makicharge kahit saglit. Itinabi niya ang sasakyan at bumaba.

"Manang, pwede ho bang maki-charge ng cellphone?" tanong niya sa Ale na busy magkutkot sa kuko nito sa paa.

"Bakit may pera ka ba? Nakicharge pa. Kapal ng mukha." malakas na sabi nito sa kanya habang patuloy na nagkukutkot ng ingron nito sa paa.

"Willing ho akong magbayad. Makikicharge lang ho." gustung gusto na niyang makarating sa mansyon nila Peter at nang makaligo na siya dahil kanina pa siya init na init. At kanina pa rin siya paikut-ikot sa naturang Sitio.

Napatingala ang ginang sa kanya at agad na tumayo. "Ay kagandang lalaki naman ire. Ay siya sige. Isaksak mo lang diyan sa may gilid." nakangiting hinawakan siya nito sa braso at iginiya sa may saksakan. Agad niyang isinaksak ang charger niya.

"Iwan ko lang ho saglit yung cellphone ko. Kukunin ko lang ho yung wallet ko sa sasakyan ko."

"Ay siya sige, pogi." ngiting ngiting wika nito.

"TOPE, sa tingin mo.. papayagan ako ni Tiyang dun sa sinasabi mo?" wika niya habang magkaagapay silang namamasada ni Topher.

"Siguro naman. Kasi iisipin nun kapag naka-graduate ka.. may pera kang dala sa kanya. Alam mo naman yun mukhang pera. Tingnan mo bilog na bilog yung mukha."

Natawa siya. "Siraulo ka talaga."

"Ay oo nga pala. Nakuha ko yung cellphone number nung isang professor dun na naupa sa bahay ng Tiyang ko. Sabi niya kontakin mo na lang raw siya. Nakuwento ko kasi na dati kang Valedictorian sa highschool kaso di nga lang nakapag-kolehiyo kasi nga kapos sa pera. Tapos sabi pa niya may allowance rin daw. Kasi mayaman yung mag-sponsor sa'yo kapag nagkataon." inabot nito sa kanya ang isang calling card. "Ayan daw yung calling card nung mag-sponsor sa'yo. Mayaman raw yan. Wala na raw yata magamitan ng pera kaya nag-sponsor ng nga estudyante rito. Kaibigan raw yan ni Mayor."

"Don Crisostomo Fernandez? Yayamanin nga, espren. Di kaya ang kapalit nito ay katawan ko?" iling na tanong niya.

"Gago ka, espren. Kapag nangyari yun muscles ko ang katapat niya." ipinakita pa nito ang payatot nitong braso.

"Talaga ba? Asan ang ilalaban mo? Wala nga ni umbok yang braso mo. Kapayat mo! Nakain ka pa ba?" biro niya rito.

"Ay nako, espren. Payat man akong tingnan kaya kitang ipaglaban! Kahit patayan.. basta ikaw ang panangga ko!" malakas na tumawa ito.

"Siraulo! Sapakin kita riyan eh. Matatats na sana akong hayop ka. Ginawa mo pa akong shield mo!" natatawang umiling siya. "Samahan mo akong magpaload kay Aling Nena. Tetext ko yung number na sinasabi mo."

"O sige. Tara na at nang makapagligpit na tayo sa karinderia. Malamang andun na si Ferdie."

TAHIMIK na umupo si Thiago sa isa sa mga upuang kahoy sa labas ng tindahan. Hinihintay niyang mapuno ang baterya ng cellphone niya bago ito gamitin.

"Pogi, may kailangan ka pa ba?" tanong sa kanya ng matandang tindera.

"Wala na ho. Salamat."

"Gusto mo ng tubig? Juice? Supdrenks? Chichirya? Chicharon? Hopia? Mani? Popcorn?" patuloy na pangungulit nito sa kanya.

"Hindi na po. Salamat."

"Hindi nga? Baka nagugutom ka na. Mayroon kaming kanin at ulam roon sa loob." tumabi pa ito sa kanya at kaagad naman siyang tumayo.

"Hindi na po talaga. Salamat po, manang." medyo iritang sabi niya.

"Sabi mo eh. Sige pasok na ako. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka, pogi." hinimas pa nito ang braso niya na agad niyang pinagpag pagkapasok nito sa tindahan.

Malalim na napabuntunghininga siya. Lumalalim na kasi ang gabi at hula niya at alas nuebe na rin ng gabi. Hindi naman kasi talaga siya susugod sa naturang Sitio kung hindi dahil sa Lolo niyang si Don Crisostomo. Hiniling nito na kitain niya ang matalik nitong kaibigan na si Don Hermanto para sa ipinahahanap nitong dalaga sa kanya na napag-alaman niyang itinakdang ikasal sa kanya.

"I want you to go to Sitio Sta. Barbara to meet Don Hermanto. He's my bestfriend. Kakausapin ka niya tungkol sa nawawala niyang apong si Venus. Si Venus ang babaeng nakatakda para ikasal sa'yo. Matagal nang kasunduan ito ng mga pamilya natin, Thiago. Sana hindi mo ako biguin. Ito na ang huling kahilingan ko, apo. Sana mahanap mo siya at nang mapayapa ang loob naming dalawa ni Hermanto."

"Seriously, Lo? Arranged marriage? Nasa 21st century na tayo, Lo. Hindi na uso yun!" inis na wika niya rito.

"Apo, alam kong uminit ang ulo mo nang narinig mong ipagkakasundo kita sa babaeng ni wala tayong alam kung buhay pa o patay na. Huwag naman sana.. pero apo.. matagal na kayong ipinagkasundo ni Venus. Anim na taong gulang ka nung nasilayan mo ang sanggol na si Venus. Alam kong maaaring hindi mo na maalala pero hinawakan mo ang maliit na mga kamay niya at ipinangakong pakakasalan mo siya dahil ang cute cute niya. Doon kami nagpasya na ipagkasundo kayo kahit medyo malaki ang agwat ng inyong edad."

"Lolo, bata lang ako nun. Anong alam ko sa pinagsasasabi ko? Bakit niyo ba ako pinapangunahan sa mga desisyon ko?"

"Apo, maiintindihan mo rin kami ng Lolo Hermanto mo sa tamang panahon. Sana tulungan mo ang Lolo Hermanto mong hanapin si Venus."

"Sino ba tong Venus na to? At bakit ko ako ang maghahanap? Mag-hire na lang sila ng Private Investigator. Anong alam ko sa paghahanap ng nga nawawalang tao?"

"Basta tulungan mo na lang si Lolo Hermanto mo. Matagal na niyang hinahanap ang apo niya. Itinakas ito ng Yaya nito noong binyag at simula noon ay hindi na nila muli nasilayan ang apo niya. Sobrang nalungkot ang ina niya na si Asuncion kaya naman nangibang bansa ito kasama ang anak nitong si Frazier. Habang ang asawa naman nitong si Fabian ay hindi magkamayaw sa paghanap sa kumidnap sa anak nito. Ngunit hanggang ngayon.. wala pa ring may alam kung nasaan si Venus. Mahigit labing siyam na taon na nang mawala ito. Hanggang ngayon umaasa pa rin sila na matagpuan ang apo nila. Tulungan mo sila apo.. tulungan mo ang pamilya ni Frazier. Pakiusap."

Napamasahe siya sa sentido niya nang magsimulang kumirot iyon. Damn. Kung alam ko lang hindi na ako umuwi rito sa Pilipinas.

"Pabili nga."

"Ng alin?"

"Ng sitsirya. Yung Tattoos."

"Ilan?"

"Isang balot."

"Oh eto."

"Gagong yun. Nakalimutan yung sukli. Isangdaan pa man din yung bayad. Bobo." wika ng tindera.

Paglingon niya sa pinagsaksakan ng cellphone niya ay wala na iyon doon. Malakas na napamura siya. Mabilis siyang tumakbo patungo sa daan na tinahak nung mama na kaninang bumibili sa tindahan.

"Hoy! Akin na yang cellphone ko!" sigaw niya sa ngayong tumatakbo nang magnanakaw.

"AY PUTA NAMAN!" malakas na daing ng lalaki nang sagasaan ito ng pedicab. Dinadaing nito ang tuhod nitong natamaan ng bakal ng sidecar.

May narinig siyang bumahing. "Langya naman, Manong! Nadaplisan niyo yung pedicab ko." reklamo ng babaeng kakababa lang ng pedicab. Hinablot nito ang cellphone sa kamay ng matandang lalaki at inihagis sa kanya. May kinuha ito sa bulsa nito at ikinabit sa kamay ng matandang lalaking nagnakaw ng cellphone niya. Nagulat siya ng makitang posas iyon. "Nako, Manong. Dahil nadaplisan mo yung pedicab ko.. isusumbong kita sa Pulis. Jusmiyo! Patay ako nito kay Tiyang! Alam mo bang baby niya tong pedicab na to dahil sa namayapa niyang asawa to? Hay.. sumalangit nawa."

"Cindy! Wag ka namang ganyan! Hindi na mauulit. Pramis!" pagmamakaawa nito sa babaeng nagngangalang Cindy.

"Ay nako. Pang-ilang beses na yan. At mukhang nakainom ka pa ah. Ang tibay mo. Patay ka nanaman kay Boss Chief Pogi niyan. Sasabihin ko sa Bartolina ka ngayong gabi. Mukhang bagong salta pa sa Sitio ang napagtripan mo. Tsk." sandaling pinasadahan siya nito ng tingin. "Mayaman ang itsura. Kaya pala ang bilis ng mata mo, Manong. Hay. Hala sakay! Dun tayo sa kulungan." pilit na isinakay nito ang matandang lalaki sa pedicab at agad na pinaandar iyon habang patuloy na nagmamakaawa ang matanda.

Naiwan siyang nakatulala sa daan na tinahak ng babaeng nagawang makuha sa magnanakaw ang cellphone niya at nagawang bitbitin ang criminal nang mag-isa. Mukhang kilala rin ito nung matandang lalaki base na rin sa pagtawag nito rito sa pangalan nito. Hindi man lang niya nagawang magpasalamat rito. Cindy..

Continue Reading

You'll Also Like

119K 6.7K 21
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
299K 5.7K 66
(Tragic Romance) Vince and Elizabeth was once a happy couple. Ngunit sa mismong araw nang proposal ay nangyari ang aksidenteng bumago sa kanilang mga...
3M 53.8K 66
Blackmail and Lies. iyan ang special flavor ng kasalang Maxene Hidalgo-Enzo Mondragon. Pero sa halip na si babae ang mamikot ay si lalaki ang gumawa...
715K 12.8K 43
It's a marriage for convenience between 19 years old ramp/commercial model Silk Benitez and 22 years old scion and Olympian Jota Jimenez. Everyone wa...