Reyna ng Kamalasan: Zylie (Co...

By forgottenglimmer

47.5M 802K 134K

[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in... More

Chapter One- Zylie (July 29, 2011)
Chapter Two- Bosom Buddies (July 29, 2011)
Chapter Three- Earshot (July 30, 2011)
Chapter Five- Ménage (July 31, 2011)
Chapter Six- Surprise Pancakes (August 02, 2011)
Chapter Seven- Pronoia (August 07, 2011)
Chapter Eight- Bygone Times (August 08, 2011)
Chapter Nine- Restitution
Chapter Ten- Reel
Chapter Eleven- Push and Pull
Chapter Twelve- Pheromones
Chapter Thirteen- Malevolence
Chapter Fourteen- In Spite Of
Chapter Fifteen- Despite Of
Chapter Sixteen- Shanghaied
Chapter Seventeen- Espoused?
Chapter Eighteen- To the Carnival
Chapter Nineteen- The Venting Place
Chapter Twenty- Wrong Person
Chapter Twenty One- Buknoy's Ode
Chapter Twenty Two- Nightmare
Chapter Twenty Three- Let's Go Out
Chapter Twenty Four- My Organ
Chapter Twenty Five- Ice Creamed
Chapter Twenty Six- Sweet Face
Chapter Twenty Seven- Friendzoned?
Chapter Twenty Eight- Her Secret
Chapter Twenty Nine- The Ice Cream Man
Chapter Thirty- Catgirl, my heroine
Chapter Thirty One- Misunderstanding
Chapter Thirty Two- One Pancake Apology
Chapter Thirty Three- Those Three Parts
Chapter Thirty Four- Basorexia
Chapter Thirty Five- Be Careful for What You Wish for
Chapter Thirty Six- Dreams and Nightmares
Chapter Thirty Seven- Friends and Lovers
Chapter Thirty Eight- Psychology,Chemistry and all the Double Meanings
Chapter Thirty Nine- Confessions
Chapter Forty- Crystal Ball
Chapter Forty One- Oranges
Chapter Forty Two- Ex Wars
Chapter Forty Three- Rage
Chapter Forty Four- Magic Words
Chapter Forty Five- Blown
Chapter Forty Six- The Obvious
Chapter Forty Seven- Misreckoning
Chapter Forty Eight- Donuts, Lockers, and Bags
Chapter Forty Nine- Rebound
Chapter Fifty- Mistletoe
Chapter Fifty One- Eros
Chapter Fifty Two- Last Night
Chapter Fifty Three- Lies
Chapter Fifty Four- Evidence
Chapter Fifty Five- Balloons
Chapter Fifty Six- Love and Hate
Chapter Fifty Seven- Debts
Chapter Fifty Eight- Raining Inside
Chapter Fifty Nine- Accusations
Chapter Sixty- A Night Together
Chapter Sixty One- Kisses
Chapter Sixty Two- Shifts
Chapter Sixty Three- More Lies
Chapter Sixty Four- Mad Fall Guy
Chapter Sixty Five- Fall for You
Chapter Sixty Six- Fight for Us
Chapter Sixty Seven- Pain
Chapter Sixty Eight- Memory and Fantasy
Chapter Sixty Nine- Big C
Chapter Seventy- Square One
Chapter Seventy One- Calm before the Storm
Chapter Seventy Two- Friends and Plans
Chapter Seventy Three- The Promise
Chapter Seventy Four- 2536
Chapter Seventy Five- Reaction Formation
Chapter Seventy Six- Silver
Chapter Seventy Seven- The Last Fight
Chapter Seventy Eight- Outset
Epilogue- Queen

Chapter Four- Metaphors (July 30, 2011)

926K 14.4K 6.7K
By forgottenglimmer

Reyna ng Kamalasan (Part 1 and Part 2) is now PUBLISHED under Summit Media- Pop Fiction
Php 195 each | Taglish | Available in bookstores, newsstands, and convenience stores nationwide!

ZYLIE's POV

Yung problema, ayaw bumukas ng pinto. Naka-lock? Trippings na naman ba ito?

Shoulders down.

Wala na... absent na ako sa second period. Eto yung rason kung bakit nagche-check ng attendance kada subject. Dahil sa mga tumatakas- cutting classes. At may mga oras na ganito eh, kapag tapos na magcheck ng attendance, locked na yung pinto. Locked out of life na kayong mga nagka-cutting classes. Sarado na ang tindahan, kumbaga. Balik ka na lang next period.

Pero hindi ko ineexpect na ganito. Locked at wala talaga silang reaksyon kahit gibain ko na yung pinto. Badtrip talaga. Badtrip na araw. Ang aga-aga pa lang, quotang-quota na ako.

Bakit ba inaabot ko ang mga ganitong kamalasan?

Magko-contemplate na sana ako at itatanong sa universe ang magic tanong na walang sagot~ WHY?! Nang may mangyari.

Biglang may humila sa akin sa braso. Bigla akong hinila ni Silver.

Luh. Si Silver na naman? Naiintindihan ko naman yung mga taong parang mushroom na bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan-saan. Pero yung mga taong bigla-bigla na lang nanghihila? Hindi ko talaga maintindihan kahit maging square man ang mundo. Kasi bigla niya na lang akong hinawakan at halos kinaladkad papunta sa mga hagdan.

Nashock na lang din ako sa sarili ko kasi hindi ako maka-angil at nagpapahila naman ako. Hawak-hawak niya ang braso ko, which is a good thing, dahil kung hindi, baka kanina pa ako nadulas at putok na ang nguso ko ngayon. Marami kasing basang parte ang sahig pati ang hagdan gawa na rin ng ulan.

Wala ba siyang klase? Cutting classes ba kami? Bakit isasama niya pa ako?

"Uy teka san ba tayo pupunta? May klase pa kaya!?" nagawa ko ring magtanong matapos ang obstacle sa hagdan. "Bakit ako ang napili mong kasama sa pagka-cutting mo?" hindi ko namalayan na nai-voice out ko na yung huli kong naisip. Nakakahiya.

"Napili?" halos matawa siya habang tinatanong niya. It almost sounded like a snort. Ano ba naman kasi yung sinabi ko? Napiling kasama sa pagka-cutting?

Mabuti na lang hindi na siya nagtanong pa nung hindi ako sumagot. Hindi rin naman siya sumagot sa tinatanong ko eh at, ako ang unang nagtanong nuh.

Nasa baba na kami at napansin kong papunta kami sa auditiorium. Tska ko narealize ang mga pangyayari. Langya kaya pala walang nagbubukas sa akin sa taas kasi nandito sila lahat sa audi. Sa aming first unique na may first come first serve na auditorium.

At syempre... wala ng upuan. Nakita ko sina Mikaela at Alyanna pero mukhang wala ng bakanteng upuan sa tabi nila. No choice. Sa likod na likod na lang kami umupo. Kami. Weird gumamit ng pronoun na hindi mo naman talaga kilala yung taong sinasama mo sa sarili mo.

Seryoso mode na naman siya kaya hindi na ako makapagtanong. Ang dami-dami pa namang questions ang tumatakbo sa isip ko. Pano niya kaya nalaman na naiwan ako sa taas? Bakit nag-abala pa siya na sunduin-slash-kaldkarin ako? Or nadaanan niya lang ba ako at naisipang isama on the way sa auditorium?

Dumating sina Bettina and friends. Late sila, as per usual. No brainer na kung bakit. Sa mga tipo nila, diretso muna sa ladies' room bawat pag-alis ng classroom. Isang kasalanan daw ang pagsusuklay sa labas ng banyo, kaya lahat ng seremonyas, sa loob. Meh. I'd say, gusto lang nilang mag make up. More time. Para namang may magpipitcure sa kanila sa loob ng audi at dibale ng mawalan ng upuan sa harap, basta makapag makeup lang.

Tumabi si Bettina kay Silver.

"Uy swerte." sabi pa nito habang papaupo. Swerte nga naman at late ka na at makakatabi mo pa si Silver sa auditorium. "Hi Silver! Bakit ka nandito sa likod?" sabi nito

Ngumiti si Silver.

Ngeeee! Seryoso? Ngumingiti? Parang ewan naman si Bettina tumahimik na, nangitian lang. Parang nainis naman ako ng kaunti. Kapag kasi si Bettinang maganda nginingitian!!!! Pero ako... Ako... Sino nga ba ako?

"Shit." nabulalas ko.

"Why?" tanong naman agad niya.

Umiling ako na parang wala ng bukas. Bakit kasi bigla na lang ako napapa-cuss ng ganun. Weird kasi ng tinatakbo ng utak ko. Namalayan ko na lang bigla na kinukwestyon ko kung bakit nginingitian niya si Bettina at ako hindi? Anong nangyayari sa'kin?

After a while, noong nakarecover na ako sa pansamantalang kabaliwan at nadiskubre kong spur of the moment lang ang naging takbo ng utak ko dahil nakatabi ko ang isang Silver eh pinagmasdan ko na lang siya ng palihim habang nakaupo kami. Peripheral vision madalas pero syempre, sulyap-sulyap. Ano bang nagustuhan sa'yo ng mga tao?

Ang napansin ko lang naman, mahaba ang pilikmata niya.

KASO BIGLA SIYANG TUMINGIN SIYA SA'KIN!!!

Binawi ko agad ang tingin ko! Pano ba naman tumingin siya sa akin kahit medyo nakatungo siya. Tinignan niya ako sa ilalim ng pilikmata niya. Nagulat naman ako na parang may ginawa akong krimen. Sobrang guilty ko naman! Nakakainis!

Naramdaman kong lumapit siya banda sa akin. Sumandal kumbaga. Medyo nilayo ko yung katawan ko. Eto kasi yung mga pose ng mga nagde-date sa sinehan diba? Halos magdikit ang katawan kahit may sari-sarili namang upuan? Nagsalita siya. Halos pabulong.

"You okay?"

"H-huh?" kahit sa simpleng huh nagstutter pa ako! WTH ZYLIE!

"Hwag kang mag-alala, di ko ipagkakalat na flat-chested ka." bulong nito.

O__O

What? Seryoso ba siya?

Nagkaroon ako ng kaunting distraction dahil... ang bango-bango ng hininga niya. Parang siya lang yung binigyan ng karapatan magsalita ng sobrang lapit sa ibang tao with that pang-commercial hininga. Pero anong sabi niya? Flat chested? Duh!!!! Anong pinagsasabi niya.

"Umngff" natatawa na siya sa gilid ko. Gusto ko kong kumuha ng camera ma-capture lang ang yung napaka-rare na pangyayaring yun. Si Silver Jeremy, tumatawa?

Pero shemay! Oo nga pala! Nakita niya akong... nakabra lang.

Ang kapal ng mukha niyaaaa! Mabuti na lang at nagdilim na naman yung ilaw at hindi niya nakita na pwede na sanang ihambing sa kamatis yung mukha ko. Pumuputok na nga sa katabaan, siguradong namumula pa dahil ramdam na ramdam ko ang init dahil sa pagakyat ng dugo ko.

Tatayo na sana ako, badtrip na talaga ako sa isang ito eh ng pinigilan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko. Intertwined fingers kami. Di ako makatayo. Ang lakas kasi niya.

Ang dilim tapos hawak ko ang kamay niya. Ano bang trip niya?

"A-ano ba?"

"Relax. I'm kind of kidding."

Kind of kidding? Ano yun?

Napapatingin si Bettina sa amin. Nagbubulungan kasi kami pero pag humaharap ito, nawawala ang usapan namin. Hindi ko alam kung nase-sense ba ni Silver ay ayaw iparinig dito, o sadyang nagkakataon lang. Feeling ko tuloy nako-confuse si Bettina kung may naririnig ba siya.

Pero hindi ko na yun inisip. Nagtataka na nga lang ako kung bakit ang lambot ng kamay niya. Prinsipe siguro siya sa bahay nila, walang ginagawa. Kakaiba sa mga kamay ni Terrence na magaspang at lalaking lalaki yung kamay.

Ang naisip ko na lang tuloy, hindi naman pinapagawa ng gawaing bahay si Terrence dahil sobrang masipag ang nanay niya, bakit ganun at magaspang pa rin ang kamay niya?

Nyaaah. Bakit ko na naman naiisip yung Terrence na yun? Nako nako Zylie, tigilan mo yan! Erase. Erase. Erase.

Mabuti na lang magkaibang-magkaiba talaga yung mga kamay nila, kaya agad ding nawala yung nasa isip ko. Parang masamang panaginip naman sa kalagitnaan ng magandang paradise.

Pagkatapos ng pinalabas clip, binitiwan niya na yung kamay ko bago pa bumukas yung ilaw. Para bang may cue at walang nakapansing kani-kanina lang ay magkahawak yung kamay namin.

"Pasmado." Bumulong na naman siya.

Konting-konti na lang talaga sasapakin ko na to eh! Yung buong akala ko misteryosong ewan, tapos, lihim na mapangasar pala! Eh anong magagawa ko kung namawis yung kamay namin. Eh halos ang tagal niya kayang hinawakan!

"Eh bakit mo kasi ako--"

Napatigil ako kasi nakapikit siya. At mas lalo pang naemphasize ang pilik mata. Hala kainggit mas mahaba pa sa eyelashes ko yung kanya. Yung mukha niya... Grabe. Yung tipong pag may ganyan kang mukha, mapapatawad ka na lang kahit malaki yung pagkakasala mo, ipakita mo lang yung mukha mo. Hindi ko alam bakit ganun yung naisip kong analogo. Pero yun mismo ang pumasok sa isip ko. Na parang naiintidihan ko na sila...

"NYAY!"

Malapit ko na sanang maintindihan kung bakit siya gusto ng marami eh. I almost have the grasp , nang bigla siyang dumilat.

Ghad! Kanina niya pa ako ginugulat. At ako naman, huling-huli nagpapagulat. Sobrang bumalikwas ako ko at--nasira ang napakagandang upuan ng magandang audi.

"Ah." pinipigilan kong umingit.

Grabe naman. Akala ko ba state of the art ang facilities dito? Bakit may siraan ng upuang nagaganap? Sadyang malas lang ba ako? Parang wala namang nakapansin. Buti na lang at hindi ako sumigaw kahit na kahit papaano eh nagulat at medyo nasaktan ang mga tagiliran ko.

Si Silver syempre yung humila sa'kin patayo. Pinaupo niya ako sa upuan niya. Bumulong muna siya sa akin.

"Masama kasi ang pagnanakaw."

"Pagnanakaw?" Anong sinasabi niya bigla? Nakaw? Ano bang ninakaw ko para makarma ako ng ganito?

"Nagnanakaw ng titig."

O_O

Tapos umalis na siya.

Kailangan ko pang pakalmahin ang sarili ko para makuha ang mabilis na pangyayari. Nangyari lahat yun? Mas mabilis pang nawala si Silver sa audi bago ko pa ma-absorb ang lahat.

"Huh? Where is Silver?" maya-maya ay tanong ni Bettina. Mukhang ngayon niya lang napansin na nawala si Silver at ako na pala ang katabi niya. Anong ginagawa niya for the past few minutes?

"Uhm, Lumabas." Sabi ko. Ang ganda talaga ni Bettina pag malapitan. Ang kinis-kinis lang. Or sadyang nakakapretty yung ilaw sa audi? Hmmm.

"Eh bakit ka diyan nakaupo?"

"Nasira. Yung upuan." Turo ko. Trying-to-be-calm face kahit nakakahiya.

"Ay ba't nagkaganyan yan?"

"Tinatanong pa ba yun. Malas kasi... Zylie's touch... Parang Midas' Touch lang. Kaso hindi nagiging ginto, nagiging malas." umextra pa tong si Carly. Hindi ko na lang pinansin. Bakit niya ba ako pinagaaksayahan ng panahon?

Natapos na lang yung career orientation na wala akong naintindihan. Pinilit ko kasing isinara ang kaliwang tenga ko sa mga pinaguusapan ng Bettina and Co., pinipilit na hindi marinig kung ako man yun o hindi... Basta hindi na lang ako nakinig at nagisip na lang ng kung ano-ano kaya wala na talaga akong naintindihan kahit na isa. Basta namalayan ko na lang naglalakad na ako palabas ng audi kasabay ang madaming tao.

"Zylie!" Lumingin ako pagkarinig sa boses ni Alyanna. Humabol sila ni Mikaela sa'kin na papalabas na rin.

"Nandito ka rin pala! San ka naman nanggaling? Saan ka umupo banda? Bakit ka natagalan?" hindi maintindihan kung umaangal o nagaalala si Mikaela.

"Ano kasi si--" naramdaman kong hinihila ni Alyanna yung jacket ko. "Uy! Ano ba?" para kasi siyang nakakita ng candy sa itsura niya habang nakatingin sa jacket. Kulang na lang yata amuyin niya.

"Oh My God. Saan ka nakabili nito Zy? Saan? Tell me!" kung may kwelyo lang ang jacket na ito, baka kanina pa nahawakan ni Yanny. "Class A ba ito o totoo? Kaparehas ito nung jacket ni Silver eh. Hindi lang ako marunong tuningin kung ito ba talaga yung original na Lazy Oaf.

Lazy Oaf? Ni hindi ko nga alam na may tatak palang ganun eh. At alam niya talaga ang brand ng jacket ni Silver? Anong sabi ng pagiging fangirl.

"Huh? Anong Lazy Oaf? Wala akong alam sa mga ganyan." Totoo naman ang sinabi ko, pero para na rin ma-divert ang attention nila at hindi nila isipin at ikonekta kay Silver. Madami pang explanation eh.

"So ano nang napili mong career? Hindi ko alam kung gusto ko bang maging dentist o mag business woman. I guess kailangan ko pang mag-isip." seryoso si Mikaela. Mukhang nakinig nga talaga sila sa career orientation.

"Ako lawyer. Lels. As if naman kaya ako pag-aralin ng law. At kung kaya man nila mama, hindi ko rin naman sigurado kung kakayanin ko ang law school eh ngayon pa nga lang highschool. Pffft." natatawa-tawa naman si Mikaela.

"Ikaw Zy?" sabi nila in chorus

"Um, Ewan ko." Sagot ko

"Ewan mo?!?!" sabay na naman sila. Kaya binatukan nila ang isa't-isa sabay "Peace!"

"Pero seryoso Zylie, dapat ngayon may naiisip ka na. 3rd year high school na tayo oh, kailangan alam na natin kung anong path ang lalakaran natin."

"Tama."

"Madami pa namang time eh, pagiisipan ko pa." sabi ko na lang with a reassuring tone.

Pero ang totoo, kinakabahan din ako. Kailangan ba talaga at this stage, sigurado ka na sa kukunin mo sa kolehiyo? Naisip ko na rin hindi pwedeng hindi ako sure sa course na kukunin ko dahil wala naman kaming ganung karaming pera para magpalipat-lipat ako at magshift ng ganun-ganun na lang kung sa sakaling alam ko na yung totoong gusto ko.

Nawala din lahat ng malalim na naiisip ko nang mapansin ko si Silver sa may bandang harap namin. Naglalakad din siya. Gusto ko sana siyang tanguan o bigyan ng kaunting nod man lang. Pero I though otherwise.

Baka kasi, hindi niya ako pansinin, ako pa ang mapahiya eh. Syempre babalik na kaming lahat sa classroom. May nakabuntot na mga babae. Grabe sa garapal ang mga babae ngayon, kababata pa. May nagbibigay pa yata ng letter.

"Hi Zylie baby!!!" nagulat ako ng may humarang sa akin.

Anak ng tokwa naman, eto na naman siya!

Bowl hair. Weird, Mabilis lumakad. Si Bernardo. Buknoy for the whole school.

"Baby your face!"

"Waaah ang cute-cute mo talaga Zylie babes!!" like I said, weird. Nagagalit ka na nga, natutuwa pa siya at trip pa yata akong kurutin.

Tawa naman ng tawa sina Mika at Yanny.

"Consistent si kuya ah! Hahaha babes daw!"

"Ang lakas talaga ng appeal mo sa mga matatanda!" nagtatawanan sila, though I know they are serious.

Matatanda.Masyado nilang pinapaalala, though subtle and discreet, si Terrence.

Friends, they are. Real friends.

Natapos ang araw na wala namang masyadong nangyaring kamalasan. Nilipad lang ng hangin yung quiz paper ko kanina pero madali lang naman nagawan ng paraan. Naging medyo maayos na ang lahat hanggang sa paglalakad ko pauwi as per usual.

Pero nakita ko na naman si Silver Jeremy Torres na naglalakad na naman.

Ayoko sanang maging feeler pero automatic na naitanong ng utak ko... Sinusundan kaya niya ako? LMAO! Bakit niya ako susundan eh kitang-kita nga na naglalakad siya sa harapan ko. So malinaw na ako nauna siya. At ako rin ang sumagot sa tanong ko. Baliw ko kasi eh.

Bakit ba kasi naglalakad to eh!

"Uy si Silver!"

"O bilis lapitan mo na!!!" Nagtutulakan yung dalawang babaeng nasa kanan.

Tumakbo sila hanggang maabutan si Silver na may natural na malalaking hakbang. Napatigil ako nung tumigil sila ilang dipa ang layo sa harap ko. Hindi ko gustong makinig. Kailangang paniwalain ko ang utak ko na hindi ko gustong makinig. Tumigil lang ako sa medyo malapit kasi.. wala lang. Wala lang diba?

"Silver are you breaking up with me? You didn't call me back!" sabi nung isang kulot na babaeng halatang umiyak ng isang oras.

"Huh?" parang abnormal naman si Silver na walang alam. Katunayan tumingin pa nga ito sa likod niya para i-check kung siya nga ang kinakausap nung babae.

At damn, nakita tuloy ako. Nakakainis. Ang masama pa, nagulat ako at nahalata sigurong nakikinig ako. Kainis, hindi na lang kasi ako umarte ng normal.

"Breaking up? Who are you?" inosenteng tanong ni Silver. Pero kung hindi man siya inosente, isa siguro siyang magaling na artista dahil bakas na bakas sa boses niya na wala nga siyang alam, at parang hindi niya nga kilala yung babae.

"Mae? I'm Mae, I can't believe you can't remember me? 2nd placer in Manila scholastic decathlon?"

"Ah, 2nd placer? One I outranked?"

Wah. Gusto kong mag-face palm. Bakit ganun siya? Hindi ba siya aware, or he's just too honest?

"Yes, yes. We were always on the bus together. We were together!"

"Sorry." umiling si Silver at naglakad na.

"Please don't break up with me!" hinawakan ng babae ang dulo ng polo ni Silver. Gusto kong magtago kasi mukhang napaparami na ang drama. Ayoko na sanang makita ito.

"I don't even know you." medyo malakas na ang boses ni Silver. Bago yun considering he's not much of talker. Siguro dahil ayaw niya yung paghawak sa polo niya like a baby clinging on her mother.

"We're always on the bus together! I was pushing my boobies on you! You are not even reacting! You liked it, that's why we're always beside each other. You liked it!"

O___O

Anong pinagsasabi ni ate!?? Ako ang nahihiya para sa kanya. Boobies. Omg pwede bang gumulong sa basang kalsada? Why can't I just walk and walk away and never look back. Hindi magawa ng paa kong umalis. Na takpan ang tenga at hindi makinig. Gusto kong mawitness. Epic. Kulang na lang ay camera.

"I don't like like it. Your... jellies."

OMG. What is happening to the world!

"I hate you!" umiyak na yung babae at umalis. Sumunod yung kasama niya.

Si Silver naman parang casual lang. Nakakagigil na ganun lang siya habang umiiyak yung babae. Pero may parte sa akin na gustong tumawa. Ano ba yung mga nangyari?

Nung nakita kong naglalakad na siya paalis, tska ako natauhan na kailangan ko ring maglakad. Bumalik yung asar ko sa kanya kaya tumakbo ako papunta sa kanya. He needs some beating. Natatawa man ako sa babae kanina, dapat malaman niya pa rin na hindi magandang magpaiyak ng babae.

"Pancake." bigla siyang nagsalita nung lumapit ako.

"Ha?!" syempre sumagot ako.

"Ikaw, pancake.."

"Ako?" tumingin ako sa paligid, Tinignan ko rin baka may iba siyang kausap, sa phone o kung may nakatagong earphone. Pero wala eh. Wala talaga. Oh crap, nakita niya nga pala akong nasa likod niya kanina. "Anong pancake pinagsasasabi mo?"

"Oo... Ikaw... Kasing flat kaya ng pancake yung *toot* mo!"

Bago ko pa ma-realize, ako na pala yun. Silver and his boobs metaphor. Nakita niya rin pala yung akin kanina habang nilalagyan niya ng ice pack yung natapunan ng kape.

"Sinadya mo yun? It was intentional, isn't it? ISN'T IT?!" I demanded.

"Uhm..." nagkibit-balikat siya na nagpataas na naman ng dugo ko.

"Bastos!! Bastos ka, sumosobra ka na ha!" Sinugod ko na naman siya. Pero bago ko pa siya naabutan. Natapilok ako.

I twisted my damn ankle. Badly.

Napakasakit. Di pa ako nga bumabagsak, dumadaloy na ang kirot. Lalo na nung napaupo na ako. Gusto ko na ring humiga eh. Hindi ko alam na pwede palang maging ganun kasakit ang pagkatapilok.

Tapos naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin.

"Okay. Breathe."

"Masakit." nung sinabi niyang breathe, parang mas lalong hindi ako makahinga.

"Take it easy pancake."

Grabe. Pancake na naman! Pancake pa rin.

Naiinis ako pero ang sakit talaga ng kanang paa ko. Malay ko bang may lubog dun sa daanan na yun, natapilok tuloy ako. Yun yata yung mismong lubog kung saan dumaan si Bettina kaya ako natalsikan ng tubig.

Is that my lucky hole?

Pumara siya ng taxi. So magtataxi kami? Ang galing lang kamo ni Silver mag-para ng cab. Buhat-buhat niya pa ako ng pinara niya ang maganda-gandang unit ng metered-taxi na maswerteng napadaan doon.

Sa sobrang traffic, Inabot pa ng 200 pesos yung charge sa metro ng taxi. Binayaran niya yun at bumaba kami sa magandang ospital (na hindi ko pa narealize na ospital pala talaga kung hindi lang dahil sa caduceus symbol sa labas.) Para kasi itong 5 star hotel lalo na yung facade at yung lobby.

"Hi sir!"

"Good afternoon sir!"

Gusto kong humanga dahil ang courteous lang ng mga tao dito. Konti na lang mapapagkamalan mo ng fastfood sa dami ng bumabati. Come again sir! See us again ma'am sir sasabayan ko sila mamaya pag lalabas na kami.

Pero mali pala ang aking akala. Katulad ng lahat ng akala sa mundo.

"Good day po Sir Silver!! Sabi nung nasa front desk. Kilala siya dito.

"Mom... is one of the.... hospital's managing partners." sabi ni Silver na parang nababasa niya ang utak ko.

"Partner? Eh 'diba parang may-ari na rin yung mga ganun? Yaman naman! Nakakaintimidate. Ang yaman ng bumubuhat sa akin ngayon. Nakakahiya.

"Sir!" sumalubong ang isang lalaking nurse at umakmang kukunin niya ako mula kay Silver.

"I can manage. I just need her fast. Thank you. If you'll excuse us."

Ang taray. At ang haba ng sinabi niya nakakapanibago. Hindi na lang ako nagsalita dahil baka ano, baka mali pala ang napapagaralan namin tungkol sa puberty, baka nagkakaroon din ng bwanang dalaw ang mga lalaki, and and maybe this is Silver's time of the month. Hahaha. Ewan.

Pumasok kami sa isang room. Nakalagay sa door. Dr. Marriane Torres.

Torres. Obviously...

"Mom"

Ang humarap sa akin ang pinakamagandang doktorang nakita ko sa balat ng mga ospital, day care center at medical missions na naganap sa buong buhay ko. Swear. Siya na.

"Oh Silver! Oh hi!" bati niya din sa akin

"Ah hi po."

Ang awkward naman! Nagha-hi ako habang nakakapit ako sa leeg ni Silver. Nakakaloka.

"I see you've been listening to me."

"Mom. Don't start." angal ni Silver.

Hindi ko alam ang puno't dulo ng usapan nila at mga ibig sabihin nito kaya hinayaan ko na lang at dapat lang naman na sa mga ganito, hindi ka nagtatanong. Hinayaan ko na lang silang magkaroon ng awkward silence, hanggang sa nagsalita na si Dra. Torres.

"Anong nangyari?" tanong ng nanay ni Silver

"She twisted her ankle" seryosong sabi ni Silver habang inupo ako sa isang upuan.

"How does it feel?" sabi ng nanay nito. Wala ng paki-pakilala eh nuh? Basta, I'm the girl with the twisted ankle. End of story.

Natitigan ko ng maigi yung nanay niya. Waaah ang haba din ng pilik mata niya! Alam na pala, it runs in their genes.

Marahan at ekspertong sinuri ni Dra. Torres ang paa ko.

Ang sakit. sa loob loob ko. Hindi ko lang magawang sumigaw kasi, nakakahiya naman sa magaganda at superior genes sa harap ko kung ganun.

"Okay lang magreact Zylie" sabi ni Silver

Zylie? Kilala niya ako? @_@ Hahaha. Teka bakit ba ako natutuwa? Eh ano naman kung kilala niya ako hahaha. Syempre kilala niya ako, sikat ako. Ako si Ms Malas. Zylie malas. Nagtaka pa ako eh hindi naman milliones ang laman ng school namin para hindi niya pa ako makilala.

"Oo nga iha, sabihin mo kung masakit" sabi ng nanay nito.

"Ah opo masakit po! Sobra." napapangiwi na ako. "Kapag ganyan... opo...:

Hindi naman kasi sa sa ayokong mag-react. Hindi rin sa wala talaga akong reaksyon. Kumpara sa mga sinasabi nila, hindi sa akin nagsimula ang konsepto ng NR. Natutunan ko na lang na wala naman magagawa yun. Kung palagi na lang akong aangal, sisigaw o kung ano man, eh di forever na akong agit? Araw-araw at minu-minuto kaya akong minamalas eh. Nakakasawa rin.

"Wait lang pretty girl ah! I'll check the x-ray room kung available." masiglang sabi ng nanay ni Silver

Umalis ito. Tska ko kinausap si Silver.

"Huy! Wala akong pera." pag-amin ko. Yun talaga ang agad kong naisip nakita ko pa lang yung napakagandang lobby. Eh sabit nga lang ako minsan sa health card ng kuya ko eh kaya hindi namin kakayanin yung ganitong presyuhan ng pagamutan.

Nakataglid ito sa akin. Pero tinignan niya ako. Pa-side yung tingin niya na parang ayaw niyang lumingon.

"Huy!!!" sigaw ko kasi hindi pa rin siya sumasagot.

"Bakit pancake?" sabi niya while sneering.

Tae naman! Pancake na naman kasi.

"Alam mo... Nang dahil sa kaka-pancake mo nasprain ako!!" sabi ko.

"Why blame me? Ikaw ang tumakbo, tska parang pancake naman talaga yun---"

"Aaaaaah!!! Bastos ka talaga, ganon?"

"Wala naman akong nakita eh...."

"Wala naman pala eh!"

"Wala naman kasi talagang makikita." mahina niyang sabi.

HAH

Wala ng point ang usapang ito. Nagtititigan kami ni Silver ng masama ng pumasok yung nanay niya. Nabitin tuloy sa ere ang inis ko. Ang hirap. Madaya. May nanay siyang kakampi. Unfair.

Dinala na nila ako sa X-ray room. Buhat-buhat pa rin ako ni Silver dahil pabulong na sabi niya, baka daw masira ko ang wheelchair.

Natapos ang lahat at lumapit sa akin yung nanay ni Silver.

"Call me tita Marianne."

"Uhm opo. Tita... Marianne." ang hirap sabihin. Lalo na at doktor siya at hindi ko naman siya kaano-kaano. Wala pang isang oras kaming nagkakasama.

"Thank you ha? For being with my son."

"A-ano po?" weird lang! Anong sinasabi ng nanay niya? I was never there for her son. Sa katunayan, si Silver pa nga ang nandiyan buong araw para sa akin.

Oh no. Did I just say that? Naisip ko talaga yun? Ganun ba talaga ang nangyari? Na nandiyan si Silver para sa akin?

"Di ko naman alam, my son does have a cute taste."

Taste?

Ano?!!?!?! Di ko agad na-digest yun ah. Ako? Ako ba yun? So cute ako? Anong ibig sabihin nun!?Taste ng anak niya?! Pero di naman kami ng anak niya.

"Tita hindi po--"

"You don't have to explain." putol niya sa akin.

"P-po?"

"Naku alam mo naman yan, hindi ko nga alam at maraming bumubuntot-buntot. Babae rin nga ang dahilan kung bakit nasira yung windshield ng kotse na gamit niya. Ayan, wala tuloy siyang magamit ngayon. Tinanong ko si Silver di niya naman daw sinagot yung babaeng yun. Ooops!" napatakip pa ng kamay sa mga labi ang mom ni Silver na parang sinasabing naparami ang nasabi niya.

Di naman daw sinagot? Nice ah! So siya na pala niligawan ngayon? At normal lang kay mommy ang mga ganung bagay? At kaya pala naglalakad siya today dahil may nangyari sa kotse niya? Ohh and daming discovery ngayong araw?

"Pero t-tita, magkano po ba yung x-ray at yung consultation?"

"Don't worry. It's alright. Anything for Silver's girl. I must thank you instead."

Silver's girl? Anung gagawin ko. Free daw dahil gf ako eh, sasabihin ko ba? Baka bawiin yung free eh. Huhu. Wala talaga kaming pambayad. Tanong ko ba kung pwedeng utang? Installment mga ganun?

"Um, Thank you po." Waha yun na lang ang nasabi ko. Maka-libre lang eh bago pumasok si Silver na may dalang something. Bumili pala siya ng bandage sa pharmacy sa baba.

Binilhan niya ako ng bandage. Binilhan niya ako ng bandage na pwede ko ng ibenta sa sulit.com sa mga fangirls niya sa school at sasabihin ko na siya mismo ang bumili nun. Meh.

"Wala namang fracture, may mga gaps lang sa ligaments. You just have to have it bandaged like this..." itinuro niya sa akin ang tamang pag-benda ng paa. "And then, rice."

"Rice? Rise?"

"Rest, Ice Compress, Elevate" Mababawasan ang sakit niyan if you elevate it. So do it later tonight okay? Hwag naman sobra sa ice ha, mga 15 minutes lang baka kasi mafrostbite ka eh."

Ah kala ko kung anong kinalaman ng Rice. Noted.

"Ingatan siya, Silver" weird ng feeling. Ingatan daw ako? Sounds double-entendre to me.

Ginamit namin yung kotse ng nanay ni Silver. Natawa talaga ako na pink ang kulay nito. Girly pala talaga ang nanay niya.

"Silver."

"Yes pancake." sabi nito habang nagmamaneobra paalis ng parking space ng ospital.

"Pancake ka diyan. Napagkamalan ng nanay mo na girlfriend mo ako"

"That's alright. Mom's cool with everything, pancake."

"Pancake ka ng pancake ah! Hindi naman pancake eh!"

"Ayaw mo pancake? Sige pimple na lang!"

Ay potek! Pimple? Mas lumiit pa?!!!!

"PIMPLE?! HINDI YUN PIMPLE!!" di ko napigilang sumigaw.

"Okay... Baka butlig pala?" sabi nito na medyo nakangiti na.

This is it. Sabog na ang Silver-meter ko. Hindi butlig ang boobs ko. Totoo pala yung feeling na parang umuusok na yung ilong mo sa galit. Di ko tuloy namalayan, kinuha ko na pala ang kanang kamay niya mula sa manibela at nilagay ko sa PANCAKE ko.

You and your boobs metaphor.

Take that.

Grr.

*later*

Reyna ng Kamalasan (Part 1 and Part 2) is now PUBLISHED under Summit Media- Pop Fiction
Php 195 each | Taglish | Available in bookstores, newsstands, and convenience stores nationwide!


Continue Reading

You'll Also Like

563K 20.6K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
35.2M 768K 56
Naghahanap ka ba ng perfect boyfriend? Paano kung sabihin ko sa'yong meron at pwede mo siyang rentahan sa loob ng tatlong buwan? BOYFRIEND CORP Choo...
23.3M 463K 56
PUBLISHED UNDER POP FICTION BOOKS "I'm breaking up with you, Gab." Tapos na ang kontrata. Hindi na boyfriend ni Gab si Gatorade at ni Dominique...
27.9K 640 23
Let's follow and get to know the musical love story and drama brought by Charlene Alfonso, the rich girl cutie and kikay who loves to sing. The girl...