Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XXXVII

1.6K 79 37
By mugixcha

Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko at liwanag ang bumungad sa aking harapan.

Umaga na pala.

Napapikit uli ako dahil sa antok.

5 minutes pa, please. Ayoko pang bumangon. Hindi pa naman tumutunog yung alarm e. Ay, onga pala, Yung usapan namin-- kailangan ko pang manalo. Miho, wake up, kailangan mo na bumangon!

Nang dahil sa competitiveness, pinilit kong idilat ang mga mata ko at liwanag pa rin ang nakita ko- at ulap. May araw at ulap? 

Teka, ano to? Nasaan yung kisame?

Nakakabulag ang sinag ng araw kaya hinarang ko agad ang mata ko ng kaliwang kamay bago ako biglang nabahing. Sinilip ko uli ang nasa harapan ko at napansin ang alikabok na nanggagaling sa kung saan na humaharang sa view ng asul na kalangitan.

Tangina, dine-demolish na ba yun apartment? Anong panaginip to?

"Fuego!"

Nagulat ako sa malakas na boses at bigla nalang sumunod ang tunog ng putukan. Sa sobrang taranta, napa-upo ako at nakita ang iilang kawal na naka-uniporme na busy sa pakikipagpalitan ng putok. Lumuhod ako at nakaramdam ng matinding kirot- na-realize kong may sugat ang kaliwa kong binti. Leche, saan naman to galing? Tinakpan ko ang tenga ko habang sinisilip kung ano nga bang nangyayari at nagkakagulo sa paligid. Napansin kong nasa mataas na lugar ako at nakita kong sumesenyas ang ilang lalake sa baba sa kausap nila sa taas.

Sino kausap nila?

Napalingon ako at nakita ang pamilyar na lalakeng naka-suot ng khaki uniform.

--Ang Heneral!

Nasa Tirad ako! Anong ginagawa ko rito?

Tinawag ko siya sa pamamagitan ng pagsigaw ng pangalan niya. Napalingon siya, isang mabilis na lingon. Nakita ba niya ako? Tinignan ko ang mga kasama niya na nakatingin din sa ibang kawal na sumesenyas. Ang senyales ba na yuon ay ang nagsasabing nasa harapan na nila ang mga kalaban?

Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakaluhod para lapitan siya pero nabigo ako. Nabaling ang tingin ko sa umaagos na dugo mula sa sugat ko bago ko narinig ang pasigaw na boses ni Goyong.

"Itigil ang putukan!" Ang utos niya, na siya namang sinunod agad ng mga kawal. Natahimik bigla ang paligid at nag-concentrate siya sa pagmanman.

Lumingon siya ulit sa kung nasaan ako, gulat ang mukha at nakita kong ibinigkas niya ang pangalang "Paulita".

Paulita? Bakit si Poleng? Napatingin ako sa kaliwa't kanan- wala naman akong katabi na babae. Gusto kong isigaw na nagkamali siya ng pangalang binigkas pero hindi ito importante sa mga oras na to kung hindi ang buhay niya.

"Bumaba ka, Heneral!" Sumigaw ako sa abot ng aking makakaya at umasa akong narinig niya.

Isang mabilis pero isang makahulugang tingin na nagsasabing "Umalis ka!" o di kaya "Anong ginagawa mo dito?" ang siyang nakita ko sa kanya at pagkatapos,  humarap siya uli kung saan niya inoobserbahan ang cogon.

Mamamatay siya! Putangina!

Sa sobrang panic, sinubukan kong makatakbo, pero sa kasamaang palad, hindi ko pa rin nagawa- nakatayo ako at nakalakad pero napaluhod uli sa lupa. Kailangan kong umabot kahit anong mangyari! Gumapang akong palapit kung nasaan sila ng hindi na iniinda ang sakit ng tuhod na nagagasgas sa mabatong lupa habang sumisigaw ng paulit-ulit na parang sirang plaka ng "Bumaba ka!".

Hindi niya ako naririnig! Putangina, bakit?

Habang tutok na tutok si Goyong, napansin ko ang isang kasama niyang mukhang Espanyol na inaabot sa kanya ang hawak na karbin at kinakausap siya.

Malapit na ako Heneral, konting-konti na lang!

Bigla na lang ako nakarinig ng putok na ikinagulat ng lahat ng naroon, kasama ako.

At ang kinatakot kong mangyari ay nangyari na.

Nakita kong bumagsak si Goyong na takip ang kanyang mukha ng dalawa niyang kamay at napahiga. Sa oras na yun ay di ako nakahinga na parang tumigil ang mundo at lahat ay naging in slow-motion. Narinig kong may sumigaw ng: "Pasasabugin ko ang utak ng kung sino man ang unang tatakbo!" at bumalik ang tunog ng barilan.

Pagkarating sa tabi ng nakahandusay niyang katawan, tinignan ko ang kanyang mukha- nakatitig sa kawalan ang kanyang kulay-kapeng mga mata at ang labi niya ay slightly parted na parang may gusto pa siyang sabihin. Ang dugo ay patuloy lang umaagos mula sa kanyang leeg kung saan siya tinamaan ng bala.

"Goyong!"

Tinawag ko uli siya, pero nanatili siyang tahimik.

"Wag mo kong lokohin! Ano to joke? May usapan pa tayo!"

Niyugyog ko ang balikat niya pero wala siyang imik.

Hinanap ko ang kanyang pulso. Umasang parang tanga kahit alam ko na ang dilat niyang mga mata ay nagsasabi sakin na wala na siyang buhay.

"Papanalunin na kita, wag mo lang ako biruin ng ganito, please!"

Dinikit ko ang mukha ko sa kanyang dibdib, wala ng tibok na nanggaling sa kanyang puso.

Hindi ko na napigilang maiyak ng ipinikit ko ang kanyang mga mata. Ganun-ganun lang at nabawian na ng buhay ang isang taong kagabi lang ay punung-puno ng buhay na nagkkwento tungkol sa mga plano para sa hinaharap. Hinawakan ko ang leeg niyang madugo at pinagmasdan ang pula na dumikit sa kamay ko na para bang ito ang paraan para paniwalaan ko ang realidad na nasa aking harapan. Biglang lumapit ang dalawang lalake at hinatak nila ang katawan ng Heneral para dalin kung saan.

"Saan niyo po siya dadalin? Sasama ako!" Narinig ko ang malakas kong boses na nanginginig pero hindi nila ko pinansin.

Nakita kong nadulas ang kamay ng bangkay na hinahawakan ng isa at nakita kong may tinanggal ito sa kamay ng Heneral- isang diamond ring na madalas kong nakikitang suot niya.

"Colonel!" Nilakasan ko pa ang boses ko na halos pasigaw na. Hindi ako pwedeng magkamali na siya si Colonel Vicente, pero unfortunately, parang wala siyang narinig.

Nilamon na ako ng matinding frustration dala ng pang-de-deadma nila, pero pinunas ko ang mga luha na namumuo sa mga mata ko at nagpasyang sumunod na lang kung saan sila pupunta.

Hindi nawawalan ng pag-asa, sinubukan ko uling tumayo- at ng magawa ko, pinagpag ko ang mga tuhod ko at dumikit sa aking mga palad ang dugo at mga buhangin. Finally, nagawa kong makalakad ng mas matagal- dahan-dahan akong humakbang pero maya't maya natitigil dahil sa sakit. Hatak ko sa paglakad ang kaliwang binti ko na siyang hadlang para makausad ako ng mabilis sa nilalakaran at dagdag pa ang mga bagong gasgas sa tuhod. Sinubukan kong sumunod kung nasaan sila at naniguradong hindi sila mawawala sa paningin ko. Hindi rin ganuon kabilis ang paglipat nila ng lugar dahil dala nila si Goyong at hinahatak nila ito sa pataas na lugar.

"Tutulungan ko kayong magbuhat! Sandali lang!" Pero wala pa ring sagot. Hapong-hapo na ang itsura nila, tumatagtak ang pawis na nakita ko sa kanilang mukha. Hindi ko alam kung saan sila papunta pero bigla nalang silang tumigil, nilapag ang bangkay ng Heneral sa lupa at nagmadaling lumakad palayo.

"Huy! Teka! Saan kayo pupunta? Wag niyo siyang iwan! Colonel!" Naghuhuramentado ako na wala man lang nakakarinig o nakakakita sakin.

Diyos ko, anong gagawin ko? Umalis na sila!

Napabuntong-hininga ako.

Oo nga naman, delikado rito at pwede silang abutan ng mga Amerikanong kalaban. Mabigat ang katawan ng isang patay na tao, pano nila to magagawang madala kahit saan? Putangina, ano gagawin ko?  Kaya kong tiisin ang sakit ng mga sugat at ang init pero ang problema ay nanghihina ang binti ko na siya namang nakaapekto na sa buo kong katawan. Napaupo ako at mukhang wala na akong lakas para tumayo pa uli. Pinunit ko ang paldang suot ko at inikot ang tela sa malalim na sugat atsaka itinali. Pumikit ako saglit - dinama ang naghalong init, uhaw, sakit at kawalan ng pag-asa bago naramdaman na tuluyan na akong nanghina at bumagsak sa lupa.

---

Sa muling pagdilat, dali-daling hinanap ng mga mata ko kung nasaan na ang Heneral. Naalala ko na naiwan siyang mag-isa at mabilis ko siyang natunton sa mismong lugar kung saan siya iniwan ng kanyang mga kasamahan. Siya nga ba yon? Oo, wala ng iba- at ang kinatakot kong makita ang siya ding naalala ko na nabasa ko sa libro ilang taon na ang nakalipas.

Gumapang ako kung nasaan siya at tumambad sa mga mata ko ang isang hubad na katawan na pambaba lang ang suot- wala ang long-sleeved uniform, wala ring pantalon pati botas. Sa history class, na-imagine ko na mismo ang itsura ng patay na Heneral- pero na-realize ko na hindi talaga mapapantayan ng imahinasyon ang katotohanan pag nasa harapan mo na to mismo. Ang dating iniisip na kalunuslunos na kinahinatnan ay nasa kalahati lang ng nakita ko sa ngayon. May kinalaman man ito sa isang quote na sinabi ni Genghis Khan o sadyang isang common practice ng nagwaging kampo sa panahon ng gyera ang pagkuha ng mga gamit sa mga namatay na kalaban-- kahit saang anggulo mo pang tignan ay hindi parin katanggap-tanggap para sa mga taong nawalan ng minamahal ang makitang naka-bilad ang bangkay ng mahal nila na wala ng halos saplot sa katawan.

Hinawakan ko ang dibdib niya at naramdaman ang napakalamig niyang balat. Niyakap ko siya ng mahigpit at nilabas ang lahat ng sakit na nasa loob. Hinimas ko ang braso niya pati ang pisngi at hinanap ang dating init na nanggagaling rito- pero wala na. Nangulila ako sa kanyang yakap at sa mga halik na puno ng simbuyo na alam kong kailanman ay hindi ko na uli mararamdaman kapag hindi ako nagising sa masamang panaginip na ito. Hinalikan ko ang kanyang labi na napansin kong malamig na rin at tuyo at nakita ang mga luha kong bumagsak sa pisngi niyang may halong dugo at alikabok. Pinagpag ko ang napansing mga maliliit na bato na dumikit sa kanyang buhok at sa kanyang mga braso.

Iniwan mo na ba talaga ako?

Naalala ko ang nakasulat sa kanyang talaarawan-- na alam niya na malulupig siya at ang kanyang mga tao sa laban na ito, pero mamamatay raw siyang masaya para sa mahal niyang bayan. Alam niya na mahirap ang obligasyon niya at ang kailangan niyang gawin pero para sa kanya, ito ang pinaka-maluwalhating sandali sa kanyang buhay.

Tanggap niya ang kanyang tadhana dito sa Tirad, pero ako- paano? Paano ko ngayon magagawang matanggap ang nangyari?  Parang masamang biro lang ang lahat at ayokong paniwalaan ang mga nakikita ko.

Dahan-dahan akong tumayo, hinawakan ang kamay niya at hinatak. Nagawa ko siyang maigalaw ng kaunti pero ng inulit ko uli ay napaupo ako sa lupa. Imposibleng mahatak ko ang katawan niya papunta sa mas maayos na lugar. Tinabihan ko nalang uli ang bangkay niya- humiga sa kanyang dibdib at nagsabi ng mabilis na dasal na hangad ang ikatatahimik ng kanyang kaluluwa. Pagod na pagod ako na parang lahat ng natira kong lakas ay nagamit ko na sa pagsubok na hatakin ang bangkay niya para sana mabigyan siya ng tamang libing sa mas maayos na lugar.

Pagtingin ko sa harapan, naruon ang isang Amerikanong nakatayo. Nakikita niya ba ako? Kung ganon, bakit yung iba hindi? Ngumisi siya at tinutok sa noo ko ang hawak niyang karbin.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Goyong at nilapit sa dibdib ko.

"Hindi kita iiwan dito mag-isa." Ang bulong ko sa kanya.

Hindi nanaig sa loob ko ang takot at kagustuhang makatakas, ng makita kong itutuloy na niyang paputukin ang nakatutok sakin na karbin. Natabunan na siguro ito ng pangungulila na gusto ko na agad matapos.

Magkita na tayo agad ngayon mismo, at kung nananaginip lang talaga ako- sana magising na. Hahanapin kita agad sa susunod kong pagdilat.

Pinikit ko ang mga mata ko at ang huling narinig ay ang napakalakas na malapitang putok.











Continue Reading

You'll Also Like

221K 5.6K 44
HIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?
27.4K 1.9K 39
[ UNEDITED ] Isang antique collector si Yuan Clemonte sa edad na dalawampu't dalawa. Nag-aaral ng Fine Arts sa St. Vincent College of Fine Arts. Mala...
3.9K 229 32
"Pag-ibig sa bayan" o "Pag-ibig sa taong iyong pinakamamahal"?.Minsan naghihintay tayo sa isang tao na may higit na tungkulin sa bayan kesa sa atin.A...
21.6K 765 109
❝love is game where gambling is required and there are few ways to win the game.❞ morpheus series: the sequel nct dream ff english-tagalog date star...