A Whisper of the Heart - COMP...

By kristiannevivien

1M 14K 2K

He was wide awake but right at that moment he knew he was standing in front of his worst and biggest nightmar... More

A Whisper of the Heart- A/N
A Whisper of the Heart - Synopsis
Chapter 1: The Best First
Chapter 2: Something called Destiny
Chapter 3: Last Shot
Chapter 4: Hezekiah
Chapter 6: Perfectly Unperfect
Chapter 8: The Grant of Time
Chapter 9: Only for her
Chapter 10: A Glimpse of Heaven
Chapter 11: How it's said.
Chapter 12: The art of breaking him (part 1)
LOVE LETTER FROM ME TO YOU. =)
Chapter 13: The art of breaking him (part 2)
Chapter 14: Keeping a promise
Chapter 15: Something Old, Something New
Chapter 16: Within a divided heart
Chapter 17: Laws of cause and effect
Chapter 18: Three of a Perfect Pair (PART 1)
Chapter 19: Three of a Perfect Pair (PART 2)
Chapter 20: Day and Night
Chapter 21: Your hand in mine
Chapter 22: A moment in a day, A lifetime in my heart
Chapter 23: A Gap in Time
Chapter 24: Wings
Chapter 25: A Eulogy for Venice
Chapter 26: Watch and Wait
Chapter 27: Sadder than Sadness
Chapter 28: Venice's Whisper
Chapter 29: Miracles and Happy Endings
Chapter 30: A Whisper of the Heart - END
AWOTH SPECIAL 1: A Whisper to His Heart
AWOTH SPECIAL 2: A Whisper to His Heart
AWOTH SPECIAL 3: A Whisper to his Heart
AWOTH SPECIAL 4: A WHISPER TO HIS HEART ENDING
A Whisper Of the Heart: UNTIL YOU

Chapter 5: A Moment to Remember

24.8K 374 27
By kristiannevivien

     “Heath.”

 

 

     Nilingon ni Heath ang pinanggalingan ng boses.

 

 

     Si Lizbeth Soberano, ang kaloveteam niya magmula noong nawala si Venice. Hindi niya kayang magtrabaho kasama ito noon pero natutunan din niyang makisama dito. He was too preoccupied then with loneliness when Venice went on her own way. Lizbeth waited for him patiently.

 

 

     Nawala ang milyong solidong fan base nila ni Venice at napalitan iyon ng fanbase nila ni Lizbeth. Naramdaman din siguro ng milyong fans ni Venice na iniwan sila sa ere ng idolo ng walang sapat na dahilan kaya madaling nakalimot ang mga ito. May mangilan ngilan ding natira ngunit halos burado na sa alaala nila na minsan may isang Venice Manuel silang inidolo at minahal.

 

 

     Lizbeth now held the crown that Venice once owned.

 

 

      “Liz.”

 

 

      “Buti ka pa nakabakasyon.” Pangaasar nito. Tinutukoy nito ang bakasyon niya sa Barcelona.

 

 

     Napangiti lang si Heath. Patuloy niyang binasa ang script niya habang sinamahan siya nitong umupo sa isang tabi ng set nila. They were doing their latest project together, isang teleserye. They were about to film a scene together that day. Si Lizbeth ay gumaganap bilang isang nawawalang tagapagmana at si Heath ang magiging personal bodyguard na naghahanap dito. Eventually the characters were to fall for each other.

 

 

 

      “Sabihin mo nga. Sino ba yung kasama mo sa Barcelona?”

 

 

 

     Ilang milyon din ang nagastos nila ng manager niya para lang gawing blur ang muhka ni Venice sa mga tabloid na nagkalat noong nakaraang linggo. Halos hindi mamatay ang isyu pero naisip ng manager niya na gumawa pa ng isang isyu para matakpan ang balitang may kasama siya sa Barcelona. He dated Lizbeth with her consent. All the media swarmed over the news like flies. Ilang beses siyang humingi ng paumanhin sa mabait na si Lizbeth dahil ginamit niya ito para matakpan ang isyu na kinasangkutan niya sa Barcelona. She complied without any complains and like a professional actress she acted normal and happy during the whole date.

 

 

      “Hmm… Dapat hindi ka na naglilihim sa akin. We are dating diba?” pilyang biro nito ng hindi siya sumagot. He smiled back at her.

 

 

      “Maybe next time I’ll tell you who she is.”

 

 

      “Next time ha?!!” babala nito.

 

 

 

     Maya-maya tinawag na si Lizbeth ng director at naiwan siya doon na mag-isa. Bored he took out his tablet and browsed the internet tutal mamaya pa naman siya magta-tape.. Gusto niyang tignan kung may natitira pang balita tungkol sa pagbabakasyon niya sa Barcelona. Pero imbes na iyon ang masilayan niya iba ang bumungad at gumulat sa kanya.

 

 

     He saw dozen of pictures of Venice on the internet.

 

 

     Kung hindi siya nagkakamali ang mga litratong iyon ay ka-po-post lang. The pictures were all over the internet. Posted and reposted.

 

 

     Kuha iyon sa airport. He saw a glimpse of Venice’s mother on several of the pictures. Halatang kinuyog sila ng mga tao at halatang hirap na hirap na umiiwas si Venice habang may iniiwas ito sa mga tao.

 

 

     He browsed some more and saw Venice clearly in one of the pictures. The picture was in HD that he didn’t need to zoom. He was about to browse some more but his fingers froze above the screen…

 

 

     It was during that moment that finally… he saw him.

 

 

 

___________________________

 

      “Ma’am sabihin niyo lang po kung ano po ang kailangan niyo. Our staff will tend to your needs. We are sorry for detaining you for the meantime. This is for your own safety also.”

 

     Mahinang tumango si Venice sa lalakeng nagpakilala bilang staff ng airport na iyon. Pansamantalang inilagay sila sa isa sa mga pribadong waiting room para sa mga VIP noon. Sila ang tumulong sa kanila para makalayo sa mga taong kumuyog sa kanila. Sabi nila na-i-post na daw ang mga litrato nila  sa internet kaya lalong dumami ang tao at dumagdag pa ang media na nag-aabang sa labas ng airport.

 

 

      “Salamat Sir. Sobra na pong tulong ito.” Sabi ng Mama ni Venice.

 

 

      “Parating nap o ba iyong sundo niyo?” tinutukoy nito ang sasakyan nila para makaalis doon.

 

 

     Isang iling lang ang naisagot niya. Paano ba niya sasabihin dito na aantayin na lang nila na umalis ang mga tao dahil wala naman silang sundo? Plano sana niyang mag-taxi noon at pumunta sa isang mumurahing hotel noon para mangupahan pansamantala hangang sa ma-contact nila si Heath. Pagkatapos niyang ibigay dito ang anak niya aalis din sila ng Mama niya pabalik sa Barcelona o kaya naman kung saan wala ng makakakita sa kanila.

 

 

     Tahimik na iniwan sila ng staff para mapag-isa sila.

 

 

      “Anong plano mo ngayon anak?”

 

 

      “Hindi ko din alam Ma.” Paano na sila ngayon?

 

 

     Humigpit ang hawak ni Venice kay Hezekiah na nakapatong sa kandungan niya ng mga oras na iyon. Tahimik lang ito habang binubuklat nito ang magazine na ibinigay ng staff sa kanila kung sakaling mainip sila sa loob ng kwartong iyon.

 

 

 

     Kung hindi niya siguro ito nabuhat kanina malamang napisa na ang anak niya sa dami ng nagtutulakan para lang makakuha ng litrato. Nagkapasa agad ang braso niyang sumalag sa mga taong nagtutulakan noon pati na rin ang mga taong pilit na inaabot siya para mahawakan.

 

 

 

     She was thankful that nothing happened to him. Hindi niya ginustong ipakilala si Hezekiah kay Heath sa ganoong paraan… na parang hantarang inilalahad niya sa publiko si Hezekiah pero nangyari na ang nangyari.

 

 

 

     Sa ngayon pinilit na lang niyang inihahanda ang sarili dahil baka pagkatapos ng ilang linggo o baka araw o baka oras hindi na niya makikita ang anak. Ang aksidenteng pagkikita nila ani Heath sa Barcelona ay nagsilbing senyales ni Venice na kailangan na niyang ibigay ang anak nila dito.

 

 

     She was hurting at the mere thought that she was about to leave her son anytime soon.

 

     Hezekiah was the only spark of life left for her. Without him she was as good as dead.

 

      “Sabihin na lang natin doon sa staff Mama na kumuha ng taxi. Gabi na. Pagod na si Hezekiah sa biahe.”

 

 

     Panaka-nakang humihikab ang anak ni Venice habang pilit nilalabanan ang antok.

 

 

     Hindi nagdaan ang isang minute ng dumating ulit ang staff ng airport.

 

 

      “Ma’am nandito nap o ang sundo niyo.” Nakangiting sabi nito. Takang napatayo si Venice sa kinauupuan. Sumiksik naman si Hezekiah sa kanyang tagiliran.

 

 

     Mula sa kung saan sumulpot ang isang pamilyar na pigura.

 

 

     His tall well built frame displayed his simple but elegant taste in clothes. His muscles were taut and rigid like he was trying to suppress something. Parang lumiit ang malaking VIP room na iyon ng pumasok siya.

 

     His long dark brows were drawn together  just like Hezekiah when he was into some serious thinking. She stepped back a little when she saw a muscle twitch along his determined and foreboding jaws. His deep seated eyes unmoving while he threw her a questioning look.

 

 

      “Heath.” anas ni Venice. Suddenly hs presence was intimidating.

 

 

     Heath took a step forward and stopped short in front of them.

 

 

     Slowly he lifted his gaze away from her and settled unsurely at the small man beside her whose large doe eyes looked up with curiosity.

 

 

      Heath now stood in front of a small man who unmistakably looked exactly like him.

 

 

 

 

 ........

June 11,2013

 

Continue Reading

You'll Also Like

271K 7.3K 53
"I fell in love the way you fell asleep: Slowly, and then all at once." #TNCwp
7.1K 425 25
a story of two person having a different lifestyle and an opposite characteristics. Would they bare each other's flaw despite of being so opposite i...
38.5K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
25.6K 2.3K 33
~•~•~ Mistake Duology: Book 1 Cutiee Series X ~•~•~ A normal freshman, Kristine Abella, wanted nothing but to keep her peaceful life and have Chad's...