Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Thirty Two

50.6K 747 91
By cursingfaeri

_____________________________________________________

From Ray: 

Idol, pwede bang tumawag? Hehe. :)

To Ray: 

No.

From Ray: 

Ay. Sorry ha? Nakakaistorbo yata ako. :'(

Ang drama naman nito. Sapatusin kita eh hahaha.

To Ray: 

De joke lang. Ano ba sasabihin mo na hindi kaya sa text? :)

From Ray: 

Ano kasi. Gusto ko lang marinig boses mo. :)

To Ray: 

Wala akong boses ngayon. Kakatapos lang kasi ng concert namin kanina. Naubos na. :P

Sa ayoko tumanggap ng tawag, bakit ba. Hehe.

From Ray: 

Hala? Concert saan? Ba't di ko alam yon? Ay ganun ba? Sige, text text na lang tayo. :)

To Ray: 

Sa banyo. Hahaha. Ok. :)

Mga isang linggo na din kaming magkatext ni Ray. Ewan ko ba bakit natutuwa ako sa isang 'to. Sobrang bait kasi. Tos itsura niya pa lang natatawa na ako. Pag magkatext kami, napapangiti na agad ako kasi naiimagine ko yung itsura niya habang nagtetext.

Parang... hehe.

Sabihin niyo masama ako eh.

Basta kasi, parang... Don't judge me basta ha?

Parang ano.. Parang ang gullible niya.

Sige na nga. Utu-uto sa tagalog. Hehehe. Peaaace!

Kahit kasi ano ang sabihin ko pinaniniwalaan niya, kahit ano ang papagawa ko gagawin din niya. So ano tawag mo dun di ba? O baka sadyang mabait lang talaga siya? Ewan.

Pero promise nag-eenjoy akong kasama si Ray. Wala naman dapat akong balak sumama sa kanya beside texting kung hindi lang busy minsan si Chan-Chan sa pagiging officer sa student council. Bakit kasi naging Vice pa yan. Tos eto namang si Charlie, ewan ko bakit biglang nag-iinarte. Isang linggo ba naman akong hindi sinasama maglunch? Iniiwasan ba niya ako? Problema nun?!

Nakakainis. Tuwing aayain kong maglunch, lagi si Mason ang reason niya. Pag napuno na talaga ako kakausapin ko yang kapatid niya. Ba't niya inuutusan si Charlie?! Di ba may mga officers siya?! Tsaka... dapat kasi. Isali niya din ako para masaya. Hehehe. Naiiwan tuloy akong mag-isa. Nakaka-BV.

"Magkabarkada pala kayo ni Mason?" Tanong ko kay Ray ng minsang samahan niya akong maglunch. Hindi kasi ako masamahan ni Chang nun kasi may meeting daw. Puro meeting, kainis na meeting yan.

Dinala ko si Ray sa lilim ng puno ng akasya na madalas naming tambayan nina Chan-Chan at Charlie. Tyempong napadaan kasi ito sa classroom nina Charlie at napansin niyang wala akong kasamang kumain kaya sinamahan niya ako. Mabuti pa si Ray.

Tila nagulat ito sa tanong ko. "Hindi mo pala alam?"

"Hindi. Si Nile lang ang nakikita kong kasama niya lagi."

Nakita ko kasi sila ng isang araw ng mapadaan ako sa gym para kumuha ng gamit sa locker. Naglalaro sila ng basketball. Hindi din siguro ako napansin ng apat dahil nagmamadali din ako nun.

"Baka hindi mo lang ako napansin sa dami ng tagahanga mo hehe. Apat kami talaga. Si Aaron di ba nakilala mo na? Yung kasama ko last time."

Tumango ako at hindi pinansin ang naunang sinabi niya. "Ba't hindi mo na siya kasama ngayon? Si Aaron, I mean."

"Ah. Ano, may pinuntahan lang yon hehe," paiwas na sagot nito.

"Hmmm..." tumango-tango na lang ako. Okay nga yon kung nandito din kaibigan niya eh. Mas marami mas masaya. Kesa naman isipin ko yung pang-iiwas ni Charlie. Baka nga pati si Chan-Chan ganun din eh. Style style lang yang officer chu-chu niya. Nakakaparanoid. Hayst.

"Ngapala Louie. Y-Yung... Yung sinabi sayo ni Aaron. Totoo yon."

Napalingon ako dito. "Alin don?"

"Y-Yung... Matagal na kitang crush hehe."

Hindi ako kumibo kaya halatang kinabahan ito.

"Galit ka ba?" Tanong ni Ray.

Nakita ko sa kilid ng mga mata si Aidan sa malayuan. Kasama nito si Kuya J na kakalabas ng gym. Tanaw kasi mula sa pwesto namin ang college gym. Pinakiramdaman ko ang sarili saka napabuntong-hininga. Mawawala din 'to. Tiwala lang.

"Ano ka ba, okay lang yon. Normal lang naman ang admiration. And I'm happy to be your friend Ray. Piece of advice. Always remember the rules when liking or loving someone: Don't expect. Don't assume. 'Cause it will just ruin everything," malungkot kong saad dito.

Ayoko matulad ka sakin Ray. So get a grip of your heart, nais ko pa sanang sabihin.

Nakita kong napalingon ito sa hanay ng dinaanan nina Aidan. Malamang kilala nito iyon dahil sikat naman talaga si Aidan sa school.

Humarap ito sakin at ngumiti. "Change topic. Anong plano mo sa prom?"

"Prom?"

"Third year ka na. May prom na kayo. Tapos andun din ang fourth year syempre hehehe," sabi nitong tila na-e-excite na naman.

Kinikilig ba 'to? Hahahaha.

"Wala akong plano. Hindi ako a-attend. Hindi ko feel mga ganun hahaha," natatawang sagot ko dito. Bigla namang nalungkot ang anyo nito.

"Sayang naman," napalabing sabi nito.

"Bakit naman?" Nakakunot-noong tanong ko.

"Hehehehe. Wala lang... Louie..."

"Hmm?"

Huminga muna ito ng malalim na tila humuhugot ng lakas kung saan. "Liligawan kita," alanganing nakangiti pero seryosong sabi nito.

Bakit tila matatawa ako? Ang hirap magpigil potek. Hahahaha. Pinilit ko na lang supilin kaya kinagat-kagat ko yung labi ko.

"Tigilan mo na nga yang kakadroga mo Ray hahahaha."

Natawa lang ito sa sinabi ko. "Liligawan kita," ulit nito at kumindat pa. Hindi ko na lang pinansin. High na yata 'to. Hahaha.

Friday.

Pang-isang linggo ng iwas ni Charlie sakin pagnagkataon pero susubukan ko pa ring ayain dahil bespren ko pa rin siya. At isa pa, wala din si Chan-Chan. Meeting na naman daw. Bakit ba ako tila iniiwasan ng mga besprends ko? Hays.

Nakita ko agad na palabas si Charlie ng classroom nila. Timing.

"Charlie! Sabay na tayong kumai--"

"Ah, ano! May ano... ahh... May pinapagawa pa sakin si Mason eh. Sorry talaga bespren ah, nestaym na lang ulit," tila natatarantang sagot nito.

"Ganun ba?" Malungkot kong sagot.

Napakagat-labi na lang ako sa pagpipigil ng inis. Bakit siya ganun? Ano bang problema? Nakakatampo talaga. Wala naman akong natandaang ginawa ko eh.

"Idol! Idol!"

Napangisi agad ako ng malingunan ko si Ray. Eto na naman po. Si Boy-Droga. Hahaha. Hindi yata talaga nito mawala sa sistema ang pagtawag ng idol. Nakakatawa talaga 'tong lalaking 'to. I mean, nagda-drugs ba to? Hyper lagi eh. "Ang ingay mo. Ba't ka nandito?"

"Ah hehehe.." Nakadrugs nga yata. Hindi din matino ang sagot. Nilingon ko muna si Charlie na tila nagulat na kausap ko si Ray. Kasalanan mo. Di mo na ako sinasama sa lakad mo eh.

"Ah Ray, SAMAHAN MO NAMAN AKONG MAGFISHBALL," inemphasize ko pa talaga ang fishball para marinig niya. Bahala kang mainggit. Iniiwasan mo na ko ngayon. Hmp.

"Oo ba! Oo ba!" Sagot naman ni Ray.

"Bespren sige ha? Puntahan ko lang si Mason," sabi ni Charlie at tumakbo na.

Kainis. Nainggit kaya yon? Sana. Miss ko na siya eh. Miss ko na bespren ko. Hays. Malungkot kong nilingon si Ray at inaya palabas ng school. Nawalan na ako ng ganang kumain ng kanin.

"Ray patawanin mo nga ako," sabi ko dito habang naglalakad.

Kumamot naman ito sa batok. "Ehh... Ano ba gusto mong gawin ko?"

Hindi ko alam ano'ng problema sa lalaking 'to. Kasi lagi lang siyang nakangiti. Parang alam mo yon? Walang sisira sa araw niya? Nakakainggit ang pagiging masayahin niya.

"Uhm... Tumawa ka. Labas lahat ng ngipin," utos ko dito.

Nagulat ako ng sinunod agad nito ang sinabi ko. Napahagalpak tuloy ako. Nagmake-face pa ito ng kung anu-ano kaya sapu-sapo ko na ang tiyan. "Tigilan mo na yan. Baliw ka talaga hahahaha."

Tila namamalikmata naman itong nakangiti habang pinapanood akong tumatawa. Sige lang pre, katol pa! Hahahaha.

Habang kumakain ng fishball ay nakita ko sampung metro mula samin sina Charlie at Mason. Kakain lang pala sila, ba't hindi ako pwede sumama? Hindi naman ako magpapalibre ah. Ang gulo din ni Charlie minsan eh. Sarap gupitan ng bangs. Tuloy mas napapadalas ang palitan namin ng text ni Ray nung weekend. Hindi ko na din naman kasi katext si... Aidan. Kamusta na kaya siya? Hays.

Tapos, tapos...

Hindi din naman nagtetext si... Ano... hehehe. Ayun.

From Ray:

Idol hello good evening. :)

Ako: 

Tigilan mo nga ako sa kaka-idol mo. -_-

Ray: 

Hehe. Sorry Louie. May tanong ako.

Ako: 

Ano?

Ray: 

Ano favorite fruit mo?

Ano na namang pauso 'to?

Ako: 

Bakit, bibigyan mo ko? Winter Melon.

Ray: 

Di ba nilalagay sa milktea yun? Eh favorite vegetable?

Ako: 

Oo. Kaya nga naging favorite ko kasi nasa milktea. 

Winter Melon. ;)

Ray: 

Huh? Favorite vegetable mo din yung Winter Melon? Akala ko fruit na yon??

Ako: 

Winter Melon is a vine with growing large fruit but eaten as vegetable when mature.

Ray: 

Wow naman!

Ako: 

Bakit hindi mo alam yon? Nandito lang sa Pilipinas yon ah? Chinese name lang yong winter melon.

Ray: 

Wow again. Hindi ko talaga alam. Hehehe. Galing naman! Thanks sa info idol, grabe! Hehehe.

Napangiti ako. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng lalaking 'to.Tsk.

Ako: 

Ang OA mo.

Nasa bahay kubo haha.

Ray: 

Talaga?!

Ako: 

Yung KUNDOL? Ewan ko sayo. I-research mo kaya. Hahaha.

Pagkalipas ng halos isang oras...

Ray: 

Idol! Idol! Gising ka pa ba! Ang galing! Kundol nga! Grabe ka talaga!

Ako: 

Nagmumura talaga ang exclaimation? Hahaha.

Ray: 

Wala lang natutuwa lang ako sa bago kong nalaman. Hehehe.

Ako: 

At habang natutuwa ka dyan, ako'y matutulog na. Goodnight Ray. Thank you sa time. :)

Ray:

My ibibigay ako sayo sa Monday. Sana Tanggapin mo. Goodnight Louie. <3

Hindi na ako nagreply. In-off ko na ang cellphone at pumuwesto sa pagtulog.

Talagang ni-research niya din ha? Hmmm. Ano kaya ang ibibigay niya? Baka Winter Melon. HAHAHAHA.

Remind niyo nga ako na kailangan ko ng i-edit ang pangalan niya sa contacts bukas. Ano'ng maganda? Gullible Ray o Boy Droga? Hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 35.5K 51
STB book 2 " You may try every second of your life, but you will never kill me. There will be no other boss than me. I am THE BOSS. Remember that" A...
174K 4.1K 53
Mean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa k...
63K 2.6K 51
*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...