Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 21

85.6K 2.1K 87
By sweet_aria

Chapter 21

Phoenix:

Where are you? Answer my calls!

Oria:

Millicent, sagutin mo ang tawag! Makakapatay na si Phoenix dito!

Asia:

Hey, nag-aalala kami. Millie, nasaan ka?!

Pinatay ko ang cellphone pagkatapos kong basahin ang texts nila. Umupo ako sa kama at niyakap ang mga tuhod ko. Kinagat ko ang ibabang labi para pigilin ang aking luha pero sa huli talo pa din ako. It poured down my cheeks irrepressibly.

Nanginig ang aking balikat. Malungkot ang kumawalang ngiti sa aking labi nang lumarawan sa isip ko ang nadatnan kanina.

Why Phoenix? Why did you need to go there? Iniwan mo ako sa bar para kay Monica?

Ilang sandali ay narinig ko ang paulit-ulit na pagkatok mula sa pinto. Mariin akong napapikit. Kumabog ang dibdib ko nang marinig ko ang boses.

"Nymph, Neo, Nay! Nandito ho ba si Millicent?"

Pinunasan ko ang aking luha. Nagbukas-sara ang pinto sa kabilang kwarto. Sa kwarto ng nanay natulog ang dalawa kaya hindi ko alam kung sino ang nagising.

"Kuya Phoenix?" Boses iyon ni Nymph.

"Bakit mo hinahanap si ate? Nawawala ba siya?" Sa boses pa lang ni Neo ay ramdam ko na ang galit dito.

"Neo, I can't see her. Kasama siya ng mga kaibigan niya pero nang balikan ko siya ay wala na siya dun. Tell me, is she already here? Please, sabihin niyo sa akin kung nandito na ang ate niyo."

"Kuya hindi pa siya dumadating-"

"Bullshit!" Hindi na pinatapos ni Phoenix ang pagsasalita ni Nymph. Dinig ko ang pagstart ng makina at ang pagharurot ng kanyang kotse.

Bumukas ang pinto ng aking kwarto. Nanlaki ang mga mata ng kapatid ko nang makita ako.

"Ate..." Tumakbo si Neo at yumakap sa akin.

Mariin akong napakagat sa labi.

"Hinahanap ka ni kuya Phoenix. Bakit ate? Sinaktan ka ba niya? Bakit ka umiiyak?" Sunud-sunod na tanong ni Neo.

I shook my head. Lumapit sa amin si Nymph dahilan para humiwalay si Neo. Wala nang mababakas na luha sa aking pisngi pero alam kong namumula ang aking mga mata kaya iyon nasabi ni Neo.

"Ate, anong nangyari? Nandito ka na pala pero hindi mo man lang nilabas si kuya Phoenix."

Niyakap ko ang dalawa. Ramdam ko ang matinding pag-aalala nila. Parehas ko silang hinalikan sa kanilang ulo. Masyado pa silang bata at ang mga ganitong bagay ay dapat sinasarili na lang.

"Wala ito. Mayroon lang kaming hindi pagkakaintindihan ng kuya Phoenix niyo. Magiging maayos din si ate." Pinakawalan ko sila. "Matulog na kayo. Inaantok na din ako. Kailangan ko nang magpahinga dahil may trabaho pa ako bukas. May pasok pa kayo."

Hindi na kumibo si Nymph. Sa kanilang dalawa ni Neo ay siya ang mabilis makaintindi. Siguro ay dahil pareho kami ng ugali.

Hinintay ko silang makalabas. Ngunit bago pa ako tuluyang mapag-isa ay tumigil sa paglalakad si Neo at hinarap ako.

"Kapag inulit niya 'to, hinding-hindi ko na siya mapapatawad. Ayaw na ayaw kong may nanakit sayo ate." Sabi niya at sinara ang pinto.

Ilang sandali pa ay naisipan ko nang humiga. Bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Daucus. Napayakap ako sa aking unan. Pinikit ko ang aking mga mata kasabay nang pagtulong muli ng aking luha.

"Millicent!" Sigaw ni Oria pagdating ko sa Caress. "Saan ka galing? Alam mo bang wala pa kaming tulog kahahanap sa'yo?!"

I couldn't look at them in the eyes.

"Hindi na sana kayo nag-abalang hanapin ako-"

"Are you kidding us, Millicent?" Lumapit sa akin si Marian at ang tray na hawak ay pabagsak na inilapag sa glass table.

Napilitan na akong tignan siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Bigla kang nawala pagkatapos ay ganyan ang sasabihin mo sa amin?" Asia intervened. "Kaibigan ka namin Millicent!"

Nagsimulang lumabo ang aking mga mata. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hinding-hindi ko na iiyakan ang nakita ko kagabi pero heto at kinakain ko lang ang sinabi ko. Hindi ko akalaing mas masakit pa pala ang madatnan sa ganung senaryo si Phoenix at Monica kesa sa pagtataksil na ginawa ni Nigel. Now, I knew how Phoenix succeeded to get into my life. How he was able to hurt me so bad, even by just seeing him with her!

"Pasensya na kayo... S-sumama kasi ang pakiramdam-" I was cut off by my sob.

Mabilis na lumapit si Oria sa akin at niyakap ako. I covered my mouth with my hand.

"M-mamaya niyo baliktarin ang signage." Pumunta sa harap ko si Asia at pinunasan ang luha ko gamit ang kanyang panyo.

Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil sa ginagawa nila.

"Here's the water." Dinig ko ang paglapag ni Marian ng baso sa glass table. "Let her sit, Oria."

Umupo kaming apat. Kinuha ni Asia ang tubig sa harapan ko at inabot ito sa akin. Uminom ako ngunit kaunti lang ang nabawas dito. Ibinaba ko ang baso at isa-isa silang tinignan.

Worry was discernible on their faces. They were waiting for me to spill it out, so I did. Sa pagkekwento ko ay hindi ko mapigilan ang pagpasok ng kung anu-ano sa aking isip.

"Nakakainis na talaga 'yang Monica na 'yan!" Umirap si Oria at ininom ang tubig na natira ko. "What's with her? Was she his ex?"

Hindi ko alam ang sagot. Sa kwento ni Phoenix sa akin at sa pagkakaalam ko ay wala siyang ibang niligawan noong highschool.

Napalunok ako. Paano kung itinago niya lang iyon? Paano kung noong mga panahong hindi ko siya pinapansin ay pinormahan niya pala si Monica? Paano kung hanggang ngayon, kaya kapag kailangan siya nito ay hindi siya makatanggi ay dahil naging sila-

No! Mabilis kong iwinaksi ang nasa isip.

"Millicent..."

Nilingon ko si Asia na nasa kanan ko. Si Oria ay nasa kaliwa at si Marian naman ay nasa tapat namin.

"Sa tingin mo ba ay may something ang dalawa?"

Iniwas ko ang tingin. "I... don't know."

Marian sighed. "Talk to him, Millie." Pinilit niyang ngumiti. "Ayokong dagdagan ang bigat na nararamdaman mo ngayon. You just need to clear things out. Minsan kasi 'yang mga ganyang bagay ang nakakasira sa relasyon."

Magsasalita na ako ngunit napigil ako ng pagtunog ng aking cellphone. Napatingin kami dito at nakitang siya ang tumatawag.

"Aren't you gonna answer that?" Nag-aalalang tanong ni Marian.

Umiling ako at tumayo para baliktarin ang signage sa pinto. Iniwan ko sila sa kinauupuan nila at nagsimulang magtrabaho. Itinuon ko ang oras ko dito.

"Millicent, may nagpapabigay sa'yo."

Alanganin ang pag-aabot sa akin ni Marian ng kulay blue na papel ilang minuto ang nakalipas pagkatapos ko sa pangalawa kong customer. Nilapitan ko siya at kinuha ito.

Smile, Millicent. You shouldn't be crying for someone like him. - D

My forehead creased after reading the note. Nag-igting din ang panga ko. Inilagay ko ito sa aking bulsa at hinarap ang sunod kong customer. My whole day was dreary. Kahit anong gawin ko ay bumabalik ang sakit na nararamdaman ko.

"Good evening, ladies."

Kalalabas ko pa lamang ng massage room nang marinig ko ang boses na iyon. Dumapo ang tingin ko sa makisig na lalaking nilapitan ng mga kaibigan ko. Nagtama ang aming mga mata.

Patalikod na ako nang magsalita siya, "How are you?"

Hindi ako nagsalita.

"You look drained."

Tuluyan ko na siyang hinarap. Nagsitalikod ang mga kaibigan ko at iniwan kami.

"Bakit ka nandito?" Walang gana kong tanong. "Are you waiting for me to thank you for last night? If yes, well then thank you." Nilapitan ko siya. Inilabas ko ang blue'ng note na ibinigay sa akin ni Marian.

Walang emosyon ang kanyang mukha nang ilagay ko ito sa kanyang kamay.

"Sayo din galing 'yan?" Umigting ang aking panga. "Salamat pero hindi mo kailangang bantayan ako." I didn't want to sound rude but that was what happened. Ayokong pinapakialaman ako ng taong wala namang kinalaman sa buhay ko.

"Did you eat already?" He asked out of the blue.

Kumuyom ang palad ko. Lumapit siya sa akin at ganun na lang ang gulat ko nang hawakan niya ang kanang kamay ko at hinaplos ito.

"Marian said you skipped lunch."

Binawi ko ito. The comfort of his unexpected action put me in muddle. Ang mga mata niya ay maamong nakatitig sa akin.

"S-sino ka bang talaga?"

Umupo siya sa sofa at nginitian ako. Para bang ineexpect na niya ang tanong kong ito.

"Am I really easy to be forgotten?"

"Sino ka?" I repeated. My voice was low but demanding. I needed to know who he was!

"DC." Tipid niyang sabi.

Ilang sandali akong nakatitig lang sa kanya, hanggang sa magsink-in sa akin ang sinabi niyang pangalan.

Napatakip ako sa bibig kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Nanginig ang mga kamay ko. Ilang sandali pa ay parang may sariling isip ang mga paa ko. Nakita ko na lang ang sarili na nakalapit na sa kanya.

Mahigpit niya akong kinulong sa yakap. Ganun din ang ginawa ko. Hindi ako makapaniwalang siya na ito!

"DC!" Isiniksik ko ang ulo ko sa kanyang dibdib. "Hindi ka kaagad nagpakilala!"

"I thought you're gonna recognize me without even saying my name." Hinaplos niya ang buhok ko. "Don't worry, naenjoy ko naman ang masungitan ng isang Millicent Harienda Cortejos." He chuckled.

Lumayo ako. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at hindi ko napigilan ang muling humanga sa kanya. Noon pa man ay kita ko na kung gaano siya kagandang lalaki pero iba na ngayon. The nerdy glasses were gone, the pimples didn't even leave a single mark, and the skinny old self was now a stud-muffin.

"I'm sorry Daucus. Hindi ko alam na si DC ka." Bumuntong-hininga ako. "Kasi naman 'yun lang ang pakilala mo sa akin nung highschool tayo diba?"

Iniwas niya ang tingin at umiling-iling. "Your sorry would be accepted if you're gonna accept eating dinner with me tonight." He rose from his seat and offered me his hand.

Hindi na ako nagdalawang-isip at inilagay dito ang aking kamay. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko at kinuha na din ang gamit ko sa locker room. Halata sa mukha nila ang pagtataka nang makita ang pagsama ko kay Daucus. Bukas ko na lang sila kukwentuhan tungkol sa aming dalawa.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Naiiling ako habang siya ay hindi napigilan ang mahinang paghalakhak.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko sa kanya.

Isinara niya ang pinto sa driver seat at binalingan ako. "Anywhere. As long as we can have time together."

Inalis niya ang tingin sa akin at nagsimulang paandarin ang sasakyan. His features were accentuated now. Napakagwapo niya na aakalain mong artista at modelo dahil na rin sa tindig at ganda ng katawan.

Ilang sandali pa ay nakarating kami sa isang restaurant. It was a posh place. Halata iyon sa mga taong naglalabas-masok dito.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Thank you."

Ngumiti siya. Kinagat ko ang labi. Kung ibang babae lang siguro ako ay nanghina na ang tuhod ko dahil sa ngiting iyon.

Pumasok kami at umupo sa may tabi ng glass window. Lumapit sa amin ang waiter na may dalang tubig. Umorder na din siya ng para sa aming dalawa.

"Hindi talaga kita nakilala. Ang gwapo mo."

Nag-iwas siya ng tingin at ngumisi.

"F uck that, Millicent."

"And now you know how to cuss huh?" Natatawa kong sabi.

Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Kung kasing ganda mo ba naman ang nasa harap ko, sinong hindi mapapamura?"

Nag-init ang aking pisngi. He stared at my eyes. Ngumiti siya pero may kung ano sa kanyang mga mata na hindi ko mawari kung ano. Was it sadness or worry?

"Why did you fall for him? Anong meron siya?" Sumeryoso ang kanyang boses. "Kayang-kaya ka niyang saktan."

"Let's not talk about him now." Pag-iiba ko ng usapan.

May mga bagay akong gustong itanong tungkol sa sinabi niya kagabi na madalas si Phoenix sa unit ni Monica pero hindi muna ngayon. Ayokong sirain ang pagkikita naming muli. I had already done that. Ilang beses na din simula noong makita ko siya sa bar. Now, I wanted to know what happened in his life.

Nagkwento siya at buong atensyon akong nakinig. Kahit dumating na ang pagkain ay hindi kami nagpaawat.

"So kadadating mo lang galing Greece?" Tanong ko. "Kelan pa?"

"Last month."

Uminom ako sa aking baso. Pagkababa ko nito ay naiiling niyang inilapit sa akin ang isang handkerchief. Pinunasan niya ang gilid ng labi ko nang bigla na lang may sumugod sa kanya.

My eyes widened in shock. Galit na galit ang mukha ng lalaki habang nakatitig sa tumalsik sa sahig na si Daucus.

"Phoenix..."

Tumingin siya sa akin. The sudden change of his expression got me. He looked pained, confused and betrayed. Napalunok ako. Muli niyang tinignan si Daucus. Umigting ding muli ang kanyang panga at dinuro ito.

"What the f uck are you doing?!"

"Wiping the smear of sauce on the side of her lips?" Dahan-dahang tumayo si Daucus. Ngumisi siya. "Hindi ka naman siguro bulag."

"F uck you!"

Mabuti na lang at dumating na ang dalawang guard bago pa muling suntukin ni Phoenix si Daucus. Ramdam ko ang mga matang nanonood sa amin. Lumapit ako kay Phoenix at hinawakan ang kanyang braso.

"Daucus I'm sorry." Hinigit ko si Phoenix palabas ng restaurant.

Nang makarating kami sa parking lot ay siya na mismo ang nag-alis ng kamay ko sa kanyang braso.

"What are you doing with that guy Millicent?" Mariin niyang tanong.

Lumapit siya sa kotse at napapikit ako nang sipain niya ang gulong nito.

"Answer me! Why were you going out with other guy?!"

Nanginig ang mga kamay ko. Hinarap ko siya at imbes na matakot sa galit niya ay mas nakuha ako ng lungkot na bumabalot sa kanyang mga mata.

"Alam mo bang ilang oras na akong naghahanap sayo?" Tumingala siya at umiling-iling. "Ilang oras na akong naghahanap sayo, pero kasama ka lang pala ng lalaking 'yun na kumakain sa labas! F uck binibini, what did I do?"

"Don't ask me that! Ask yourself!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw. "Ano sa tingin mo ang kasalanan mo at sumama ako sa iba ha, Phoenix?!" Nilapitan ko siya at hindi na napigilan ang sarili na hampasin siya sa dibdib. "You were with Monica again!" I hit him once more. Hanggang sa magpaulit-ulit ako at sumakit ang mga kamay ko.

"B-binibini..."

"Ilang beses pa kitang makikitang pupunta-punta sa unit niya ha?! Ilang beses mo siyang kailangan yakapin?! Ilang beses mong kailangang punasan ang luha niya?! Phoenix... ilang beses pa?"

Pinigil niya ang mga kamao ko. Halos madurog ang puso ko sa sunod niyang ginawa. Idinikit niya ang mga ito sa labi niya at hinalikan.

"Phoenix nasasaktan ako..."

Niyakap niya ako. Isinubsob niya ang mukha sa aking leeg. Hindi pa siya nagpapaliwanag pero ang puso ko lumalambot na agad. Hindi ko pa naririnig ang mga dahilan niya pero yakap niya pa lang nagagawa na akong pakalmahin.

"I'm hurting too." Hinalikan niya ang leeg ko. "Please don't get mad. I'll explain. Please, binibini."

Akmang kakawala ako ngunit mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Hinalikan niyang muli ang leeg ko.

"Let's go home, binibini."

Humikbi ako.

"Walang namamagitan sa amin ng bestfriend mo. Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang. No one can f ucking replace you."

Continue Reading

You'll Also Like

44K 1.6K 37
Playing game is fun not until you played with someone's and it turns out that you will hurt that person Maxine Huxley need to make the play girl Aga...
73.6K 5.3K 18
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
824K 35.2K 50
El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows that loving someone like Gaston, who's bey...
706K 19.3K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...