Mhorfell Academy and The Onyx...

By alerayve

4.2M 122K 23.8K

[MAOG Book 2] Do you think you've been toyed enough by the ride called life? Then, you're wrong. It doesn't e... More

Prologue
Chapter 1 - Forbidden Name
Chapter 2 : Blood Disease
Chapter 3 : The Keeper and The Wind
Chapter 4 : Sole Way
Chapter 5 : The Judge's Toy
Chapter 6 : Bad & Good News
Chapter 7 : Impossible
Chapter 8 : Afraid
Chapter 9 - His Birth
Chapter 10 : Valor
Chapter 11 : Pretty But Dangerous
Chapter 12 : No Way In Hell
Chapter 13 : Truth
Chapter 14 - Her Feelings
Chapter 15 - Who Is He?
Chapter 16 - The Council's Method
Chapter 17 - Bewildered
Chapter 19 - Behind The Painting
Chapter 20 - The Antidote
Chapter 21 - Church
Chapter 22 - Gigantic Doors
Chapter 23 - Azalea
Chapter 24 - Samara
Chapter 25 - Pure White
Chapter 26 - Welcome Back
Chapter 27 : From Charlene
Chapter 28 : Silence
Chapter 29 : Trapped
Chapter 30 : Real One
Chapter 31 : Cold Cell
Chapter 32 : Glimpse
Chapter 33 : Duchess
Chapter 34 : Uncovered
Chapter 35 : Origin
Chapter 36 : Trojan War
Chapter 37 : Black Book
Chapter 38 : Here
Chapter 39 : Golden Arrow
Chapter 40 : Mothers and Wives
Chapter 41 : Choice
Epilogue: The Last Cry (First Part)
Epilogue: The Last Cry (Second Part)
Special Chapter #1 (Men's Talk)
Special Chapter #2 (Moonlight)
Special Chapter #3 (Tender Rain)
Epilogue: The Last Cry (Last Part)
Author's Note
[Announcement]

Chapter 18 - Edeline

71.7K 2.2K 235
By alerayve


[ M A R C ' S P O V ]




"Ibig sabihin, buhay nga si Alex?!" nabulalas ko na lang.



Oh God. Alex's body is missing! And if Janice's knowledge about the council's method is right, then there's a huge possibility that she is alive and is under the council's care! But if she is really alive and is living under the council's rule, then she ... she might be one of their superhuman soldiers now.



"Hindi pa natin masasabi 'yan. Ang sabi sa akin ni Edeline noon, hindi lahat ng babaeng na-iinfect ay nagagawang makasurvive sa lakas ng epekto ng disease sa katawan nila. May ilan na talagang natuyot na ang buong katawan ng dahil sa hindi nila kinaya ang pagdaloy ng nilalaman ng disease sa bawat ugat nila." Janice answered.



Gayunpaman, alam kong may pag-asa na buhay nga si Alex. Hindi lang naman ako di ba?



Sa kabilang banda, hindi ko maiwasan ang pakiramdam na matakot sa kayang gawin ng Onyx Council. Narinig na namin ang tungkol sa kanila noon pero hindi namin alam na ganito pala sila kalakas at makapangyarihan. Pero napakawalang puso nila upang gumawa ng ganitong karamdaman. Masyadong malupit na ang mismong karamdaman ay ang siyang maaaring magdesisyon kung nararapat ka pa bang mabuhay o hindi. Isang kapalaran na hindi dapat nahulog sa mga palad ng mga namumuno ng konsehong iyon.



"We're here." the driver informed us. Daglian naman kaming nagsilabasan sa kotse at tumingin sa lugar kung saan kami napadpad. Napatingin din ako sa isa pa naming kasunod na kotse kung saan lulan nito sina Collen, Sky, Alexis, at Spade.



Binalot kami ng malamig na simoy ng hangin at nakakabingi ang wasiwas at pagpapatangay ng mga matataas na damo sa hanging dumaraan. The place looks totally abandoned and hunted. There are only about five houses in this area. What's worse is that, the houses look like they were burned. You can't find any kid playing outside. Wala ni anong bakas na tao. Iilan lang din ang makikita mong mga puno. Tapos makulimlim pa. It's as if this whole place is set for a horror movie. Napansin namin na medyo lumalakas na ang pag-ambon kaya naman sinenyasan ko na sina Spade na humanap ng masisilungan.



Ngunit nang sa hindi namin namalayan na pagkakataon ay nabigla na lamang kami sa tunog na likha ng pagbagsak ng isang tao. Agad naman kaming naalerto at nagsilabasan kami ng mga dala namin baril, shuriken, at iba pang sandata. Nilapitan naman namin kaagad si Janice na tumawag sa amin at tinuro ang kung ano sa may malapit sa kanya.



"Holy shit." nasambit na lamang ni Sky at ibinaba ang hawak niyang baril. Nanlumo kami sa itsura ng driver namin. Sa paglakas ng patak ng mga tubig na nagmumula sa kalangitan ay sumasabay sa lumalabas na sariwang dugo ng lalaki sa pag-agos ng tubig. May direktang tama ng shuriken sa kanyang ulo na siyang halos pumunit sa balat nito sa noo.



Abang nakatingin lang kami sa kaawa-awang kinahatnatan ng lalaki. Napaluhod naman ako ng kakaunti at lumapit sa may lalaki para isarado na ang kanyang mga mata. Nakakaawang tingnan ang pares ng mga mata na nananatiling nakabukas dahil sa biglaang kamatayan. Naglakas loob din ako na hugutin ang patalim na nakabaon sa bungo nito. Sinuri ko ang buong tekstura at itsura nito. Sukat napakunot kaagad ang aking noo nang masilayan ko ito.



This is very different compared to the shurikens that we used to handle. Mas matalim ito at mas matibay ang pagkakagawa. Hindi lamang ito basta basta gawa sa kahit anong plated metal. Sa ilang taon naming pagtatrabaho dito sa underground society, hindi pa kami nakaka-encounter ng ganitong klaseng sandata. Imposible naman na may napuslit na bagong gawang shuriken na hindi namin nalalaman.



"Edeline." narinig kong banggit ni Janice nakatayo sa harapan ko. Edeline? The girl she mentioned who has connections with the council? Binitawan ko ang patalim at mabilis na tumayo ng maayos upang makita ang taong iyon.



At pagkakita ko roon sa babaeng iyon ay wala akong ibang naramdaman kundi ang paninindig balahibo. She is wearing a maroon colored cloak hood with black outlines while her hair is curly and long. I admit, she is undoubtedly gorgeous especially with the elegant circlet that she is wearing on her head. But even though she is stunning, she is also intimidating. Lalo na kapag tiningnan mo ang mga mata niya na sobrang iba ang kulay kumpara sa kahit na sinong tao. She has orange eyes, folks!



"Janice, we meet again." she greeted with her cold and calm voice. She then looks at the man lying on the floor. "He is someone who is not related to the issue, am I right? Therefore, he is no longer needed." That Edeline said. I was somewhat surprised for how cold-hearted she is. Hindi man lang niya binigyan ng pagkakataon ang lalaki na mabuhay. Bagkus mas inuna niya ang katotohanan na wala itong kinalaman sa kahit anong pakay namin kung kaya't pinatay niya ito.



"Mas lumalakas na ang ulan. Pumasok na muna tayo at sumilong." bigkas niya at tinalikuran na niya kaming lahat. Nagkatinginan naman kaming lahat dahil sa mga hindi maintindihang aksyon ng babae. Napakamisteryosa niya. Tila ba sa sobrang lamig ng boses at ng kalooban niya ay siya ang nagdala ng ulan na ito.



Wala naman na din kaming nagawa kundi sundan ang mga hakbang ng babae sa pangunguna ni Janice na siyang nakakakilala sa kanya ng higit. Pumasok kami sa pinakamalapit na bahay na natagpuan ng babaeng iyon. Kahit ano ngang tingin namin sa mga nadadaanan namin, talagang parang napag-iwanan na ng panahon ang lugar na ito.



Pagkapasok namin ay nadatnan namin si Edeline at Janice na nagtutulungan para magsindi ng ilang kandila. Tumulong naman sina Sky sa pagsara ng mga maiingay na bintana na nagbubukas sara ng dahil sa lakas ng hangin. Kami naman na natira ay nilikom ang mga nakakalat at nakatumbang upuan para maupuan namin mamaya kapag nagsimula na ang usapan.



Nang maayos na ang lahat at naisarado na rin namin ang pintuan ay sinimula na naming magtipon tipong sa parte na pinaglagyan namin ng mga upuan. Lahat kami nakikipagpakiramdaman dahil talagang iba ang aura ng babaeng na katapat namin. Sa ngayon ay naitanggal na niya ang cloak hood niya at mas nakita namin ang kabuuan niya. She is wearing a leather bodysuit that really emphasizes her body's shape and figure.



"So, how did you know that I am here?" Edeline started.


"Dito kita unang nakilala. Hindi ko lang aakalain na magiging ganito na ang lugar na minsan kong tinuring na tahanan." Janice told her.



Alright. Kami namang mga lalaki ang na out of place dito di ba?



"Ah! I forgot to introduce to you. These are my friends." pagpapakilala naman sa amin ni Janice. Lahat naman kami ay nagsabi ng 'nice to meet you' na may kasama pang pagyuko ng bahadya. Ngunit abang tiningnan lamang kami ng misteyosong babae.



Pagkatapos noon ay bigla na namang tumahimik ang paligid. Oh well excluding the noise from the heavy rain and the strong winds. Kaya naman ako na ang nagpaunang salita para maumpisahan na ang pakay namin. "First of all, I just want to ask what really happened to this place." nag-aalangan kong tanong na siyang kumuha ng atensyon nilang lahat.



Nabakas naman namin ang tila pagkalumbay ng ekspresyon ni Edeline nang mabanggit ko ang ukol sa lugar na ito. "This is my home." Edeline revealed, that surprised us. "This place used to be a happy and wonderful community. Pero nang malaman ng Onyx Council na dito nagtatago ang ilang miyembro ng Clan of Light, sinunog nila ang buong komunidad hanggang palibutan na kami ng mga malalamig na bangkay at sunog na mga kagamitan. Dinukot nila ang mga bata para ibenta ang mga lamang loob nito at binenta ang mga lalaki naming kasamahan. Samantalang kinuha nila ang mga babae para pag-eksperementuhan." puno ng sakit niyang pagkekwento habang inaalala ang mga masalimuot na pangyayari.



"Clan of Light?" biglang singit naman ni Sky.



"Sinasabing ito ay isang grupo ng mga tagapagmana ng mga namatay na mga nangungunang pinuno ng underground society noon. They are the Onyx Council's worst enemies. Sila ang rason kung bakit limitado lamang ang hawak ng konseho sa buong society. Moreover, it is rumored that they made a special elixir to cure the Onyx Blood Disease but no one was able to confirm it. Wala ng nakakaalam kung may natitira pang miyembro nito o kung nagawa nga ba nila ang gamot." sagot ni Edeline.



"'Yun nga ang ipinunta namin dito ngayon, Edeline. Please help us. My friend is infected by that disease. Kanina lang, nalaman namin na nawawala ang katawan niya. Her name is Alexandria. Her friends told me that they got ambushed by a group of men due to the judge's orders."



This is it. It is really a relief that Janice knows someone related to the council.



Somehow, Edeline lost her composure when she heard what Janice told her. "What?! If you mean Alexandria, are you talking about the woman in a huge mausoleum? That blonde?" she asked. Wala pa sa alas-kwatrong halos mapatayo kami nang tumama ang paglalarawan niya kay Alex.



"I'm sorry but I never saw her face. Therefore, I don't know if she's already one of us. Pero ang pagkakarinig ko sa usapan ng judge at ng mga tauhan niya, si Alexandria ay isang alas na dapat nilang makuha upang tuluyan na makuha ang pamumuno sa underground. He even mentioned how great she was in academics, combats, and how beautiful she is with her blonde hair. Naging interesado ng sobra ang konseho sa kanya. Pero sinasabi ko na sa inyo, kung sakali ngang nabuhay siyang muli at isa na sa amin, huwag na kayong aasa na maibabalik niyo pa siya sa inyo. Dahil siguradong ibang iba na siya kapag nakita niyo siya." pagpapauna niya sa amin na siyang ipinagtaka namin at ikinakaba. Si Alex? Magiging ibang iba na sa nakilala naming Alex? No way ... hindi! Hindi pwedeng mangyari 'yun!



"May tanong ako. M-may kakilala ka b-ba sa council na nagngangalang Azalea?" garalgal na pagtatanong ni Spade sa babae. Kahit kami ay nag-aabang ng sagot mula sa kanya. Gusto namin malaman kung totoo nga na tinuro ni Valor ang picture ni Alexandria nang tinanong siya kung sino ang tumulong sa kanya. Nai-kwento ito sa akin ni Rennei. Nakakangilabot isipin pero gusto namin malaman ang totoo!







"Azalea? Sa pagkakaalam ko, iyon ang pangalan ng namatay na kasintahan ng kasalukuyang judge noong kabataan niya. Paano niyo nalaman ang pangalan ni Azalea?"



What?! Kung ganoon nasaan na ang katawan ni Alexandria?! Nasaan na siya?!




****

A/N: Natagalan ako kasi biglang nakalimutan ko 'yung dapat na ilalagay ko T^T Don't worry nakasurvive naman! Waaaaah malapit na talaga. Binitin ko kasi nga yeah, nakalimutan ko 'yung dapat na ilalagay ko bali sa next chapter na lang ulit! Marami pong salamat sa inyo! God bless! :)



Continue Reading

You'll Also Like

7M 365K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
403K 13K 22
Demigoddess Trilogy - 2/3 ♒ Mortals have pizza party, we have seaweed party. I'm a teenage demigod — too sassy for the gods, too sassy for the demigo...
44.1K 2.8K 48
⚠️TW: Violence, Sexual Harassment Just the opposite of its meaning, the Scarper House won't let us run away.
208K 12.4K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...