Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XXX

1.7K 80 47
By mugixcha

"Hindi siya ang nag-amok! Naalala mo ba yun sinabi ko dati na ang alam ko, may boyfriend si Dolly sa States?"

"Oo, bakit? Siya?"

"Oo, girl! Dumating siya, sinugod si Heneral sa coffee shop at nag-amok duon! Diyos ko! Hinanap raw muna asan si Greg, e di naman alam ni Micha na gulo ang hanap ni Xander, so itinuro niya. Ayun, sinapak bigla ang Heneral nung nakita at sinubukan namin silang pigilan. Muntik pa ako matadyakan ng gago! Girl, kung nakita mo lang siya! Wala kaming panama sa muscles niya!"

"Ano naman problema nun?"

"Hindi pa pala sila break ni Dolly! Jusme! Pinaratangan tuloy na mang-aagaw si Goyong kaya sinapak! Sabi niya mag-DNA test raw para malaman kung siya talaga yung ama!"

"Paano naman natunton nung Xander si Goyong?"

"Hmm.. nalaman niya siguro kay Tito Enrique na buntis si Dolly at balak na ipakasal kay Goyong? Ewan ko rin, hay nako! Ngayon naman DNA test! Ano ba to!"

"Si Goyong, ano ng nangyari sa kanya? Saan siya nasugatan? Ok na ba siya?"

"Dumugo yung labi niya kanina at may sugat siya sa may bandang kilay. Feel ko masakit rin katawan nun eh, bugbugin ba naman ng maskuladong lalake! Inalalayan namin siya para makatayo at makalakad. Buti malakas-lakas si Lawrence at si Manong kaya nagawa nilang awatin si Xander kung hindi.. nako! Sabi ko nga kay Heneral, punta kaming ospital pero ayaw niya, ok lang raw siya!"

"Nagsisinungaling yan! Pau, sa tingin mo, ayos lang ba talaga siya? Di ba hindi?"

"Hoy Girl! E pumunta ka nalang kaya dito at tignan mo?"

Natahimik ako.

"Huy! Anyare?"

"Aah, Hindi na, Pau. Sige, mauna na ako. Pakiingatan nalang ang Heneral."

"Hindi naman ako ang kailangan ng Heneral eh, kung hindi ikaw."

"Sorry, Pau."

"Ba't ba kayo nag-s-sorry sakin? Leche naman, mag sorry kayo sa isa't isa no!" At narinig kong natawa siya.

"Kasi--"

"Kasi ano? Miho naman! Wag mo sabihing naka-get over ka na, girl?"

"Hindi.."

"Eh hindi naman pala eh!"

"Pau, please, ingatan mo siya, ha?"

"May pake ako kay Heneral pero ano ba Miho, kahit anong alaga ko sa kanya, hindi nga bading ang kailangan niya!"

"Malapit na rin ako umalis."

"Wala ng makakapigil sayo?"

"Kailangan ko tong gawin."

"Alam kong kailangan mo yan, pero sigurado ka bang lalayo ka alang-alang sa pag-aaral o tinatakbuhan mo lang yung problema mo? Yung totoo?"

"Para sa pag-aaral." Kalahating katotohanan ang sinabi ko,

At biglang limang segundo ng katahimikan.

"Pau? Huy, nandyan ka pa? Hello?"

"Miho?" At biglang boses ng ibang tao na ang narinig ko.

"Heneral?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Kinakabahan ako dahil ba narinig ko ang boses niya o dahil hindi ko alam kung pano ako magpapanggap na walang pakealam?

"Ikaw ay pupuntahan ko, maaari ba?"

"Baliw ka ba? Di ba kagagaling mo lang sa-"

"Binibini, matagal mo ng pinagkakait na siyang makipagkita muli sa akin ng matagal. Hayaan mo akong makalapit sa iyong muli bago ka man lamang umalis!"

"Sorry, Heneral.."

Binabaan ko siya. Kaya ko to, kaya kong magpigil!

Napadungaw ako sa bintana at tinignan ang langit. Sorry, Heneral. Gusto ko sana pumunta kela Pau at makita ka, kaso hindi talaga pwede. Papalungkutin ko lang lalo ang sarili ko at baka kung anong kabaliwan na naman ang magawa ko. Sana maintindihan mo. Hindi lang ikaw ang hirap, ako rin. Paghinayaan ko ang gusto ko ang mangibabaw, yari na naman ako. Tumigil na ang mundo ko kaya naghahanap ako ngayon ng paraan para makabalik sa dati. Ito lang ang naiisip kong paraan. Baka masyadong maliit ang utak ko kaya wala na akong maisip na mas effective na paraan kaya pananagutan ko nalang itong ka-isa-isang idea na naumpisahan ko na.

Bumalik ako sa box na walang susi. Paano to? Kumuha ako ng pin at sinubukan tong ipasok sa lock- Wala, ayaw. Naghanap ako ng mga maliliit na susi ng luma kong mga diary- Walang nag-fit. Eh tawagan ko na lang kaya si Tita? Hindi na pala, makakaabala lang ako. Di kami close, nakakahiya. Nag-give up na ako at itinabi muna ito sa loob ng cabinet. Na-stress ako ng todo kanina kaya wala na kong extrang lakas para problemahin kung paano ko bubuksan ang box na ito. Humiga nalang ako sa kama para magpahinga pero hindi tinantanan ng mga katanungan ang isip ko.

So niloko ni Dolly si Goyong? Hindi pa siya hiwalay sa boyfriend niya? O baka naman itong Xander ay sinungaling rin? Ewan, mahirap paniwalaan ang mga tao. Karamihan mahilig gumawa ng storya na hindi mo alam sino paniniwalaan unless may evidence. Paano mo magagawang magtiwala sa salita ng mga tao lalo sa panahon ngayon?

---

Kinabukasan, nabigla ako ng makita ang Heneral na nasa coffee shop dahil akala ko day-off niya (o baka naman kasi nag-iba na ang schedule niya ng hindi ko nalalaman? Oo kasi naman, kelan na nga ba kami huling nag-usap tungkol sa mga ganyang bagay?)

"Miho, maaari ba tayong magusap?"

Mukhang wala na akong kawala.

"Umm, sige. Tapusin ko lang to."

"Maghihintay na lamang ako sa labas."

Matapos lagyan ng whipped cream sa ibabaw ang green tea latte, nilapitan ako ni Lawrence.

"Ako na bahalang mag-serve, kausapin mo muna si Greg." At kinindatan niya ako.

"Baliw, ba't ka kumikindat?"

"Wala! Gusto ko lang! Bawal? Dali, sige na. Puntahan mo na siya. Pumasok talaga yan para sayo."

"Ha?"

"Day-off nga niya diba? O wag mo sabihing nalimot mo na, samantalang dati memorize mo sched niya. Hala, nag-iba ka na talaga!"

"Ewan ko sayo." At lumakad akong palayo sa kanya.

Paglabas, naruon at nakita ko ang Heneral na nakatayo at nakatingin sa langit. Huminga ako ng malalim dahil ibang role na naman ang gagawin ko- kunwari, wala lang. Kunwari, hindi awkward. Kunwari, ano-- hindi ko siya binabaan kagabi.

Oo nga pala, binabaan ko siya. Shet, ang sama ko talaga. Naisip kong dumukot ng yosi sa bulsa ko, pero na-realize kong naiwan ko nga pala sa locker.

"Heneral! Nabalitaan ko yung kay Xander.. ayos ka lang ba talaga?" Nakita ko yung mga sugat na sinasabi ni Pau. Buti na lang di ito kasing lala gaya ng kay Pacquiao kada tapos ng boxing match niya.

"Mas masakit na ako ay tuluyan mo ng nilimot." Bakas sa mukha niya ang lungkot.

"Ako ay umasa na bagama't nagkaroon ng unos ay hindi ka susuko. Nagsimula ito sa pagdating ng iyong ina at ang dala niyang balita mula kay Dolores-- magtatapos na lamang ba talaga ito ng ako'y di mabigyan ng pagkakataon na maiwasto ang lahat?"

"Kailangan mo ng katahimikan, mapapagod ka lang--"

"Ngunit ang katahimikan ko ay nasa iyo. Mas nanaisin ko pa na mamrublema sa kung pano iaayos itong lahat kaysa ika'y tuluyan ng mawala. Hindi kita pipigilan sapagkat alam kong makabubuti ito sa iyong buhay ngunit iyo bang masasabi kung kailan ang iyong pagbalik?"

"Hindi ko sigurado, siguro mga ilang taon pa."

Huminga siya ng malalim.

"Kung ganuon.. ako ay maghihintay na lamang sa iyong pagbalik." Ngumiti siya- isang malungkot na ngiti. Nalungkot ako ng sobra at gusto kong umiyak kaya napatingala ako ng kaunti para hindi tumulo ang mga luha- Technique! Badtrip, ilang minuto pa akong titingala?

"Seryoso ka ba?"

"Hindi biro ang aking sinabi. Miho, kunin mo na lamang ito at itago."

Tinignan ko ang inaabot niya at naramdaman kong dumaloy ang mga luha galing sa mata ko. Leche, dahil hindi na ako nakatingala!

Kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa palad ko ang isang antique na gold pendant watch.

"Itago mo ito bilang alaala. Tumatakbo ang oras at hindi natin ito mapipigilan. Walang nakakaalam ng ukol sa ating kinabukasan ngunit mananatili akong nariyan at maghihintay kahit gaano pa katagal abutin."

"Heneral, di ko to matatanggap atsaka yung binigay mong singsing ay--"

"Kung ang mga ito'y hindi mo nais ay siyang itago na lamang sana." Nakaramdam ako ng pagtatampo mula rin sa tono ng kanyang boses.

Natalo na ako ng emosyon at napaiyak na ako ng tuluyan sa harap niya. Niyakap niya ako ng mahigpit at narinig ang mahina niyang paghinga na parang nagpapahayag ng bigat ng damdamin.

"Kung ikaw ay nagbalik ngunit ang pag-ibig mo ay hindi na maihandog sa akin-- ang poot sa iyo'y hindi ko mararamdaman at mananatili lamang ang puso kung saan siya'y iyong naiwan."

Hinayaan ko siyang halikan ako sa huling pagkakataon bago ko sabihing kailangan na naming bumalik at magtrabaho.

---

Sa gabi ng November 13, mag-isa akong bumyahe papuntang airport. Dala ko ang hindi kalakihang trolly (balak ko tong i-hand-carry dahil pwede naman) na naglalaman ng mga damit ko at ang box na galing kay Tita Marylin, samantalang sa loob naman ng backpack ay naruon ang ilang libro at mga importanteng documents. Inagahan ko na, mamaya sobrang traffic na naman. Kasalukuyan ding nasa Japan ang nanay ko at ang mga kapatid ko ay nasa Amerika, yun ang huling balita ko. Babalik raw sila Dolly matapos ang isang buwan, hindi ko alam kung saang ospital nila siyang balak dalhin kapag nanganak siya- kung sa Pilipinas o sa Amerika. Pero hindi ko na rin iyon masyadong pinroblema dahil mas iniisip ko kung:

1. Ma-l-late kayo ako sa flight ko? Punyeta, ba't ang traffic padin ng ganitong oras? Di pa ako nasanay. Tss.

2. Ano kaya ang kapalaran na naghihintay sakin sa Nagoya?

3. Mapapasa ko kaya ang JLPT Level 1 kapag duon ako nag-aral? O dapat itinuloy ko nalang sa Pilipinas ang pag-aaral? Mukhang mas masasanay ako duon. Ok, no regrets.

4. November. Malamig-lamig sa Japan at isang coat lang ang dala ko. Wow. Wala ata sa lugar ang travel light ko! Pero ang balak ko talaga, mabuhay sa konting damit at kapag kinailangan, duon na lang ako bibili.

At bigla kong naalala- birthday nga din pala ng Heneral maya-maya. Wala akong balak tawagan siya o ano, baka mamaya gumulo pa ang isip ko lalo pag narinig ko yung boses niya tapos mag-emo na naman ako. Baka pag nakarating nalang ako ng Japan, duon nalang. Oo, tama. Tatawag nalang ako pag andun na ako o wag na lang- Mamaya ko na yun iisipin.

Biglang tumunog ang cellphone ko sa gitna ng pagmumuni-muni. Si Pau ang tumatawag. Pababa na ako ng taxi, kaya hindi ko na muna siya sinagot. Pumasok na ako sa loob at nag-submit sa security measures sa loob ng airport. Hindi tumigil kakatunog ang cellphone ko, kaya sinagot ko na matapos ipa-check ang bagahe ko.

"Miho! Nasaan ka? Kanina pa kita tinatawagan! Lintik ka!"

"Anong problema, Pau? Andito ako sa airport. Bakit?"

"Fuckshit, ano oras flight mo uli?"

"12:05. Anong meron bakit natataranta ka?"

"Miho, may kailangan akong sabihin, please hintayin mo ko!"

"Ha? E bakit kailangan sa personal pa? Sabihin mo na rito! Nakikinig ako."

"Teka, mamaya na, nag-d-drive ako. Wag kang aalis, di kita papatawarin pag di mo ko inantay!"

"Ha? pero-"

Binabaan niya ako.

Bakit naman kailangan niya pang sabihin sakin ng personal? Sabagay maaga pa naman, mahihintay ko pa siya siguro.

---

Nauna na sa airport si Francis. Parehas kami ng flight dahil nagkataon ang parents niya ay pinapapunta raw siya sa Nagoya. Dindeny niya na hindi raw sadya ang lahat at fate na parehas kami ng flight pero di ako naniniwala dahil tinanong niya sakin kung kelan at anong oras ang flight ko bago siya mag-book. Hindi naman din big deal sakin na magkatabi ang pinareserve naming seat sa eroplano. Wala akong lakas mag-inarte at mag-GGSS mode o kung ano pa.

"Kanina ka pa, Francis?"

"Medyo. Maaga-aga pa naman. Pasok na ba tayo?"

Tumawag uli si Pau.

"Miho, nandyan ka pa? Asaan ka mismo?"

Sinabi ko kung nasaan ako at dahil pala-travel si Pau, alam na niya ang pasikut-sikot sa loob ng airport kaya alam ko madali niya akong matutunton.

"Pau, alam kong ma-mi-miss mo ko, pero bakit ba kasing kailangan sa personal?"

Binabaan niya ba ako ng telepono o naputol ang linya?

"Si Pau yuon? Bakit raw? Pupunta ba siya?"

"Oo, pero late na rin eh."

"Try natin hintayin siya."

11:30 PM. Wala pa rin si Pau. Ano ba to? Joke? Kailangan ko ng pumasok baka mamaya mahuli pa ako. Baliw talaga siya, di nalang nakipagkita sakin kahapon!

Nagpasya na lang ako pumasok sa loob at mag-sorry nalang sa kanya kapag nakarating na ako sa Japan dahil late na. Ang totoong kaibigan ay marunong magpatawad. Sorry, Pau.

---

Tinulungan ako ni Francis na ilagay ang maleta ko sa itaas bago kami maupo.

"Excited ka na?"

"Ayos lang." Sa totoo lang hindi.

"Miho, oo nga pala. Nagkausap pala kami ni Greg kamakailan." Bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig sa pangalan ng Heneral.

"Nagkausap? O ano naman pinagusapan niyo? Hindi ka naman nang-away diba?"

"Of course not! Actually, nilapitan niya ako at sabi niya may kailangan raw siyang sabihin sa akin."

"O tapos?"

"Sinapak niya ako at nagsapakan kami! He's kinda funny. Kung nagkakilala kami sa ibang circumstance, I think he'll be a nice friend."

"Bakit funny? Nagsapakan kayo diba? Anong nakakatawa duon?"

"He's too confident na nakakainis. But that day, nung kinausap niya ako pagkatapos naming magsapakan, naisip ko, he's really in love with you! Nalaman raw niya kay Pau na sabay tayong aalis. He said, ingatan raw kita parati. Minsan raw hindi ka makatulog kakaisip ng mga bagay-bagay at kailangan ko raw pagtiyagaan minsan ang pag-s-sleep talk mo! Wag raw kitang pasuotin ng heels kasi you're so clumsy. Mag-ingat raw ako pag-lasing ako dahil baka drawingan mo raw ako ng bigote habang tulog. Sabi niya rin palakpakan kita pag tumugtog ka kasi ang galing mo raw. Pag kumain ka naman, dapat may extra-rice na ititira sayo at kung wala, mag-saing raw ako. Akala ba niya ikakasal ako sayo? Sabi niya sundin ko raw yung mga sinabi niya kung hindi, pag nagkita raw uli kami, kukunin raw niya ang baril niya at alam ko na daw ano mangyayari. Baliw lang diba? Kung umasta at magsalita kala mo kataas-taasan! He's not even the President of the Philippines! At di ko ma-imagine kung naging ganun siya. Anyway, ayon, he's in love with you, yun lang ang conclusion ko." Natatawa siya habang sinasabi niya to lahat sakin.

Uminit ang pakiramdam ko at para bang ang mga salita ni Francis ay bulong sa aking tenga na nagsasabing gumawa ako ng isang kahibangan.

"So, saang school ka na pala papasok, Miho?"

Napatayo ako sa kinauupuan ko at dali-daling kinuha ang maleta sa itaas.

"Teka, where are you going?"

"May nakalimutan ako!"

Tumakbo akong palabas ng eroplano at bumalik sa departure area. Hinanap ko kung dumating na si Pau pero hindi ko siya makita. Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan siyang tawagan- pero walang sagot. Nalaman kaya niyang di ko na siya hinintay kaya nagtampo siya at umalis na? Tinignan kong isa-isa ang mga tao. Kung wala siya, anong gagawin ko? Kukuha nalang ako ng taxi at uuwi? Napatingin ako sa relo ko. Ano nga bang ginagawa ko? Natawa ako na parang baliw, binatukan ang sarili at nag-desisyong maglakad pabalik.






















Continue Reading

You'll Also Like

165K 7.6K 36
•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliMeTangere #1 PhilippineHistory #1...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
417K 8.5K 40
Everyone believes that you don't give up on someone you love, yes it is partly true but what if that 'someone' doesn't even care about losing you? Wh...
49.3K 1.9K 33
Si Mayumi Sakay ay isang transferee at sa pagtungtung niya ng 3rd year college ay nakuha niya ang Rizal subject. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay...