Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XXXI

1.9K 89 60
By mugixcha

"Miho!" Isang malakas at pamilyar na boses ang narinig ko sa likuran. Napatigil ako sa paglakad at lumingon. Naruon siya, hingal na hingal at naka-suot ng sky blue shirt, khaki shorts at top-siders.

"Pau!" Tumakbo ako papunta sa kanya na hatak-hatak ang maleta ko.

"Lintik na.. traffic! Teka, diba dapat.. paalis ka na?"

"Umm.. Oo, pero-- Ano na nga pala? ano yung sasabihin mo sakin, Pau?"

"Si Goyong!" Sa pagbanggit niya sa pangalan ng Heneral na may panic na kasama, parang nalaglag ang puso ko.

"Si Heneral? Ano nangyari sa kanya?" Kulang nalang mapunit ko yun damit ni Pau sa kakahatak dito.

"Hindi siya ang tatay!"

Natahimik ako saglit at napa-face palm.

"Dios Mio! Ba't di mo nalang din yan sinabi sa phone kanina?"

"Eh kasi.. ang totoo niyan, girl..kasi.."

Tinuro niya ang lalaking nasa malayo na naka-dungaw sa labas na parang nakatitig sa langit.

"Ayan, akala nga niya nakaalis ka na oh. Nagmamadali ako kaninang damputin yan at dalin rito kaya ako nagppanic kanina pa! Hindi ko kasi mahagilap nung una! Nung mahanap ko, aayaw-ayaw pang sumama kasi ayaw na raw niya makagulo muna sayo, e leche lang, sumama rin naman pala sa huli! Sus! Pakipot pa nung una!" Yung puso ko parang sasabog. Gusto kong tadyakan si Pau dahil sa kaba na binigay niya, pero gusto ko rin siyang yakapin bilang pasalamat.

"Teka, girl, naiwan ka na ata ng eroplano!"

"Sayo muna to!"

"Ha?"

Iniwan ko ang mga gamit ko kay Pau at tumakbo papunta kung nasaan si Goyong. Niyakap ko siya ng biglaan mula sa likuran ng hindi umiimik at napalingon siya agad. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya na parang nakakita siya ng multo.

Napatingin siya saglit sa kanyang relo pero di nawala ang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha.

"Binibini! Bakit ka naririto? Hindi ba ang eroplano na kakalipad lamang ay--"

Napatigil siya magsalita at parang naunawaan ang lahat. Bigla niya ako niyakap ng mahigpit at nanatili kaming ganito ng ilang segundo. Ang mga kamay niya na nakahawak sa likod ko, ang faint smell ng musk perfume, ang boses niya na binigkas ng mahina ang ngalan ko, ang ngayong malamig-lamig na pisngi niya na idinikit niya sa akin- Ito ang malinaw na gusto at kailangan ko mismo ngayon.

Parang isang sampal sa mukha na pampagising ang mga sinabi ni Francis at sa biglang bumugsong damdamin, aminado na akong isang tanga pero hindi ko pala talaga kayang mawalay ng matagal sa Heneral. May mga taong ganito kagulo ang isip, yung tipong sa huli na lang gagawa ng biglaang desisyon at sasabihin sa sariling 'Bahala na!'- Isa na ako duon.

Bakit nga ba lagi ko nalang tinatakbuhan ang lahat? Bakit hindi ko kayang ipaglaban kung ano talaga ang gusto ko?  Bakit nga ba ako duwag? Pero hindi na, hindi na dapat.

---

"Ano nga ba ang nangyari? Paalis na kami dapat kanina dahil hindi na kita ma-contact pero itong si Goyong, hihintayin nalang raw niya yun eroplano na sinakyan mo na lumipad!"

"Ah-- naiwan ko kasi yung passport ko." Nagsinungaling ako.

"Seryoso ka ba? Girl, anong tawag sayo?"

"Oo na, tanga na. Okay lang, Pau. Buti nga naabutan ko kayo. So, ano uli yun tungkol sa sinasabi mo sakin kanina?"

"Lumabas ang resulta ng DNA test na hindi kay Heneral ang bata kundi kay Xander! Nakakaloka talaga ang mga pasabog!"

"Nagsinungaling ba si Dolly o hindi rin niya talaga yun alam?"

"Nako, girl! Ewan ko talaga. Hindi ko alam! Teka, so kelan ka na aalis uli? Bukas? Next week?"

"Hindi ko alam, Pau."

"Teka, bibili lang ako ng something na maiinom. Nauuhaw ako! May ipapabili kayo?"

Sabay kaming umiling at iniwan na muna kami ni Pau.

"Oo nga pala, Maligayang karaawan, Heneral!" Sinubukan ko siyang batiin sa pinaka-cheerful na tono ng boses ko.

"Iyong naalala!"

Napangiti siya- ngayon ko lang nakita uli ang ngiti na yon na parang walang bahid ng lungkot.

"Maraming salamat, Miho! Ikaw ay dumungaw sa labas, samahan akong magsabi ng taimtim na dasal at humiling sa kalangitan."

Wala man siyang birthday cake na may kandilang hihipan, sabay naman kaming nanahimik at humiling sa itaas.

"Ano ang hiniling mo, Binibini?"

"Sana suotin mo yung uniporme mo uli, asa akin pa pala yun!" Natawa siya dahil siguro dapat ang sinabi ko ay dasal para sa may birthday at hindi special request kagaya nun.

"Walang problema ngunit ano ang kadahilanan?"

"Nagbibiro lang ako no! Ikaw ba anong hiling mo?" Half-meant yung joke ko. Naisip ko tuloy baka fetishist ako.

"Ako ay humiling na kanina at siya namang natupad na. Narito ka na muli sa aking tabi."

"Hindi ka parin talaga nagbabago sa mga hirit mo, Heneral?" Ang natatawa kong pag-tanong.

"At kailanman ay pinaparatangan mo ako na sinungaling at nagbibiro, Binibini."

"O sige kung yun talaga, e anong gusto mong regalo?"

"Sapat ka na bilang isang regalo."

"Yun totoo! Sige na, kahit isa lang!" Seryoso ako na sisimulan ko ng makabawi sa kanya.

Natahimik siya na parang napaisip.

"Dahil ika'y mapilit-- Kung sakaling may oras ka pa bago muli ang iyong pag-alis, maaari bang ako'y tugtugan ng kundiman?"

"Oo ba! Anong kanta?"

"Mayroon akong paboritong awitin- ang "Sa Dakong Sikatan". Alam mo ba ang kundiman na ito?"

"Hindi ko pa naririnig, pero sige! Akong bahala." Ang confident ko lang, pero napaisip ako- teka para nga pala yang Jocelynang Baliwag! Medyo fail pa naman ako sa kundiman.

"Kung gayon, aking aasahan! Ibabalik ko lamang sa kaninang katanungan- ano ba talaga ang iyong ipinagdasal?"

"Sana maging masaya ka lang sa buhay mo sa kasalukuyan. Maging maayos lang buhay mo, tahimik- ganon. Ano na nga pala nangyari dun sa kasal?"

"Nuong mga panahon na pinakakasal ako ni Ginoong Enrique sa kaniyang anak ay hindi kailanman akong pumayag. Nanumpa akong pananagutan ang bata ngunit hindi ko kayang pakasalan si Dolores. Sinabi ko sa ama niya na kung siya man ay matatali sa akin ng dahil lamang sa kanyang pangalan at mukha pati na rin ang bata, hindi iyon magiging patas para sa kanya."

"Paano na nga pala yan na hindi raw ikaw ang tatay?"

"Humingi ng tulong ang iyong ina upang kausapin si Dolores dahil nais raw niyang ipalaglag ang bata. Sinubukan namin siyang kumbinsihin ni Paulo ngunit binabaan kami at siya'y hindi ko pa nakakausap muli. Hindi raw niya nais buhayin ang bata dahil hindi raw niya ito matatanggap. Sa totoo lamang ay nag-aalala ako ukol sa bagay na iyon."

"Susubukan ko siyang kausapin, kahit alam ko hindi naman siya makikinig sakin! Kawawa naman ang pamangkin ko! Wala siyang kasalanan." Mapapatawad ko si Dolly sa kasalanan niya sakin pero hindi ko siya mapapatawad kung may gagawin siyang masama sa bata.

"Kailan ka ng aalis muli? Hindi mo pa ba talaga nalalaman?"

"Hindi pa, Heneral. Tanga ko no? Dahil sa pasaporte ko." Antanga ko ata na tinapon ko lahat ng preparation at ginastos ko para sa pagpuntang Japan. Kung katangahan nga itong matuturing- ito lang ang katangahan na wala akong pagsisisihan.

"Sana ako'y iyong tinawagan at aking dinala ang iyong nalimutang bagay. Marahil ay malaki ang iyong pagsisisi."

"Hmm, oo nga eh! May susunod na pagkakataon pa naman."

"I'm back, t-back!" Lumitaw si Pau, sabay higop sa kape na binili niya.

"Paulo, ano ang iyong sinabi? Tibak?"

"Gusto mo makita? Suot ko ngayon! Anyway, next time, papakita sayo ni Miho!"

"Bastos mo!" Napaisip ako, never pa akong nakagamit nun ah, di ba yun uncomfortable suotin? Naisip kong tanungin si Pau pero pinigilan ko ang sarili ko. Next time na lang.

"Bakit? Papakita mo, meaning- pupunta kayo sa shop at papakita mo, ganun! Bakit? E Jusme, andumi naman pala ng isip mo eh!"

Siniko ko siya.

"Sige, hihintayin ko na lamang ipakita ni Miho." Napansin kong confused na inosente ang itsura ng Heneral.

"O, anong balak niyo? Aalis na ba ko? Taga-drive lang talaga ako ni Goyong dito. Driver niya! Sayang T-back ko ngayong gabi, may panggagamitan sana ako! So, ano na? Wait, check ko nga lang yung Grindr ko."

Oo nga naman, pagkatapos ko magpasya ng biglaan na hindi na ako matutuloy sa Japan, ano na nga bang dapat kong gawin?

Hindi na raw siya sinagot ng kausap niya sa Grindr kaya nag-decide nalang kami na dumiretso sa bahay nila Pau (Pinilit niya ako, napa-payag din ako- ano nga bang bago?) at duon na raw ako magpalipas muna ng gabi. Wala rin daw ang mga kamag-anak niya, mga halos dalawang araw na silang nasa probinsya. Habang nag-yo-yosi sa labas, nagsabi siya sa amin tungkol sa mga plano niyang bakasyon. Dinawit na niya ako dahil nakukutuban niya na matagal pa akong aalis ulit. In short, in-assume niya na may oras talaga akong magbakasyon at sumama.

"Candon! Tapos bili tayo ng Kalamay uli."

Nagtinginan kaming dalawa ng Heneral. Di ko sure kung parehas ba kami ng iniisip, pero ako, naalala ko na naman yung first time na nagkita kami. Naalala ko yung haggardous exotica niyang itsura at ang matapang niyang pagsabi ng "Punyeta" nuong araw na nailigtas niya kami. 

"Seryoso ka ba, Pau?"

"Girl, balita ko may Gregorio Del Pilar na lugar sa may Ilocos Sur! Feel ko nadaanan na yun ni Goyong nung naglakbay siya hanggang narating yun Candon!"

"Kung gayon, ako'y iyong isasama duon, Paulo?"

"Oo naman no! Para naman mas malibot mo ng maayos yung lugar na ipinangalan sayo!"

"Ano raw meron dun?" Ang tanong ko, dahil ineexpect ko nagresearch itong si Pau.

"Maraming babae, kaya tinawag na Gregorio Del Pilar."

Bilang mababaw na tao, ako lang ang natawa sa joke niya at tinignan lang siya ng seryoso ni Goyong.

"Teka, ayoko na magjoke baka saktan ako ng Heneral! Anyway, ayon. Punta tayo kung san-san! Bataan, Laguna, Cavite, Bulacan-- lahat na ng makasaysayang lugar! Field trip lang ang peg!"

"Hmm, osige. Kung may pera at oras." Sinilip ko ang reaksyon ng Heneral- mukang interesado siya nuong narinig yung salitang 'makasaysayang lugar'. Oo nga pala, yun pangako ko na dadalin ko siya sa Bulacan, di ko pa natutupad!

"Oo naman no, di naman agad-agad! Mag-schedule tayo. Diba exciting? Diba ang saya?"

"Ako'y sumasang-ayon sayo, Paulo. Hindi man ako sobrang nagmamadali upang libutin ang makabagong Pilipinas, para sa akin ay magandang oportunidad ito upang makita kung ano pa ang nangyari sa ibang mga bayan."

"Odiba? Kaya game ka na rin dapat Miho! Well, kung di ka pa aalis! Pero feel ko di pa yan, so tara magplano na tayo! Yayayain ko rin sila Micha at Lawrence kung gusto rin nila. Kailangan rin natin magbakasyon kagaya nung sa Tagaytay dati!"

"Oo sige na, Pau. Game na rin ho ako."

"Very good!" Napa-palakpak siya sa saya. "So pagganun, share-share nalang tayo sa kwarto. Kayong dalawa ni Heneral sa isa, si Micha at si Mimi... tapos kami ni Lawrence!" Ramdam ko ang kilig sa boses niya.

"Alam ko na plano mo! Kaya naman pala excited ka pati naka-assign sa kwarto, nakahanda na."

"Payag ako sa iyong plano, Paulo."

"Aba! Kita mo, Miho! Buti pa itong si Heneral, supportive!" Niyakap ni Pau si Goyong.

"Oo na, sige na. Sa susunod na taon!" Ramdam ko ang excitement ni Pau at naisip ko ng maghanda para sa sunud-sunod na peer pressure.

"Ang panahon ay napaka-bilis." Biglang sinabi ng Heneral habang nakatitig siya sa langit.

"Totoo! Kaya kailangan natin mabuhay ng masaya at gawin ang gusto natin hangga't may oras pa! Kaya kayong dalawa, alam niyo na! Maiksi lang ang oras."

Humithit si Pau ng ikalawang sigarilyo niya. Kumuha ako ng ikatlo ko, pero inagaw ito ni Goyong at pinagsabihan ako.

"Tama na muna iyan, Binibini."

Hindi na ako nag-react pero sa loob ko, ninerbyos ako bigla dahil sa sinabi ni Pau na 'Maiksi lang ang oras'. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba na parang uminom ako ng mga limang basong kape. Palpitation to the highest level. Hindi ko alam kung bakit-- baka nag-o-overthink na naman ako.

---

Pwede naman akong matulog sa kwarto ng kapatid ni Pau, pero nagpumilit ako na duon na lang sa kwarto niya. Nahihiya kasi akong gumamit ng kwarto ng may kwarto lalo na wala duon yung may-ari, kaya naman mas ok para sakin kahit duon nalang ako sa sahig, basta't makapagpaalam lang sa may-ari.

"Gaga! Sa sahig! Ano kala mo sakin? Diyan nalang kayo, tabi kayo! Kasya kayo, promise. Parehas naman kayong sexy!"

Pinalo ko sa braso si Pau at tinignan ng masama.

"Diyan na lang ako sa tabi mo, mas malaki yung kama mo." Nahihiya ako makisiksik sa tabi ng Heneral dahil maliit lang yung kama.

"Kadiri ka, girl! Ayoko nga! Baka rape-in mo pa ako! Atsaka magsselos pa ang Heneral! Friend, wag ka ngang pa-virgin! Tandaan mo, yang Bataan at Tirad ay--" Tinakpan ko ang bibig niya para di na makapagsalita pa.

"Oo na.. Sige na.." 

"Paulo, duon na lamang ako sa labas matutulog. Binibini, duon ka na sa higaan matulog." Paglingon, andun si Goyong na hawak-hawak ang unan niya at ready ng lumabas.

"Ha? Ay hindi! wag, ano ka ba! Dito ka na!" Hinatak ko siya papunta sa higaan.

"Ginagawa ko ito bilang isang lalake. Huwag ng mahiya pa, Miho."

"Hindi kailangan, Heneral! Di ako babae! Atsaka kaarawan mo tapos--"

"Tangina naman, friends, ano ba? Ang aarte niyo ha! O sige, ganito nalang, ako na lalabas! Diyan kayong dalawa, good-bye!" Pinaghahampas kami ni Pau ng unan bago siya naglakad palabas ng kwarto habang tumatawa. Wala na kaming nagawa kundi sumunod sa isa sa may-ari ng bahay.

"Matulog ka ng mahimbing."

"Ikaw rin, Heneral."

Yuon lang ang mga salitang sinabi namin bago kami natulog.

Wala kaming halos ginawa sa araw ng birthday ni Goyong dahil ayaw niya raw gumala o kung ano, kahit pa niyaya ko siya na mag-Bulacan kami para makita sana kung ano ang ginagawa ng mga taga-doon tuwing birthday niya. Wala na siyang ibang special request pero binilan na lang namin siya ng isang chocolate cake (Kakanin dapat ang bibilin namin kaso wala kaming mahanap sa malapit) na siya rin naming kinain matapos ang brunch. Okay na raw sa kanya ang isang tahimik at simpleng araw na kasama kami ni Pau- walang inuman o kung ano, puro usap lang. Umuwi na rin ako pagpatak ng mga 8 PM at hinatid nila ako sa apartment.

---

Nalaman ng nanay ko na hindi ako natuloy pero wala na siyang nagawa. Mas pinproblema niya ang isa pa niyang anak kaya siguro wala na rin siyang energy na pagalitan ako o kwestyunin. Sinubukan kong kausapin si Dolly pero as expected, hindi niya ako ginustong kausapin at wala na akong magawa kundi magdasal para sa pamangkin ko.

Nang dahil sa spur-of-the-moment decision, biglang halos bumalik ang dati ng hindi ko inaasahan. Tinuloy kong muli ang pagttrabaho sa coffee shop ni Pau bilang part-time employee at maswerte ako na wala pang nakukuhang kapalit ko nung umalis ako. Ikinatuwa ito ni Micha at Lawrence na akalang natuloy na ako sa pag-aaral ko sa Japan. Huminto na rin muna ako sa pag-aaral sa ekwelahan pero tinuloy kong mag-review sa bahay pagkatapos ng trabaho. Minsan ay sumama ako sa mga yaya nila ng inuman, minsan naman mas pinipili kong mag-isa sa bahay. Kahit na matagal akong nangulila sa Heneral, hindi ko nabanggit sa kanya na lumipat uli na kasama ko dahil lang sa kadahilanang nahihiya ako. Binibisita rin niya ako minsan at hinihatid sa apartment kagaya ng dati. Para lang kaming magkapatid muli at walang nag-open topic ng tungkol sa pagpasok sa isang mas malalim na relasyon. Ginusto ko na rin na ganito na lang muna pagkatapos ng lahat ng magulong nangyari. Mas optimistic naman na ako ngayon kahit pa may mga oras na nakakaramdam ako ng takot at kaba tungkol sa hinaharap.




Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 765 109
❝love is game where gambling is required and there are few ways to win the game.❞ morpheus series: the sequel nct dream ff english-tagalog date star...
2.1M 69.7K 62
When saving lives is just one click of a mouse.
49.7K 1.1K 32
Highest Rank: #19 in Historical Fiction (04/09/18) #1 in Kasaysayan #7 in History #1 in History(08/12/19) #5 philippines (10/16/21) Paano kung ang is...
3.9K 229 32
"Pag-ibig sa bayan" o "Pag-ibig sa taong iyong pinakamamahal"?.Minsan naghihintay tayo sa isang tao na may higit na tungkulin sa bayan kesa sa atin.A...