How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 41: The Real Mission Part 1

13K 400 26
By xxxRavenJadexxx

"Our spare time is finally over. Now, let's get ready for the real thing!"

Ten looks stunning with her white sleeveless shirt and well-fit Maong pants. Parang nagpapa-impress, at alam ko kung kanino at bakit. I can thoroughly read her mind with her actions and that pahapyaw na tingin kay Mick. It made me cringe but I can't even describe it well.

We're here sa isang secluded area na malapit lang naman sa hidden location ng treasure. Nalililiman kami ng malaking puno ng Mangga, nakaupo kami na parang mga boy scouts while paying attention sa teacher namin for that day na si Ten. We formed an awkwardly one straight line. I'm sitting in the middle katabi sa kaliwa si Joaquin, the goodlooking one, and the other Joaquin and Franz is on his left. Sa kanan ko naman si Alex at nasa kanan naman niya yung Tiyuhin niya.

"This is the FINAL and MOST CRITICAL MISSION that we will be doing.  I hope you pay attention closely because this might MAKE or BREAK everything that we fought for!" Ten said in a very serious tone. Malaki talaga ang resonance niya kay MAMA when it comes to being serious. Talo pa niya ang Principal sa isang iskwelahan with her sweet yet intimidating actions. At napaka glaring ng American Accent niya.

She unrolled the white cartolina that was placed at the back of the tree at ikinabit niya ito sa body ng punong Mangga. We saw a drawing of an islet that is triangular in shape.

"This is the islet that we're in," she stated. "It will only take thirty minutes to circle around the area. This is an unnamed place. And still part of the Philippine Archipelago," she described.

Biglang napataas ng kamay si Joaquin, yung di kaaya-aya ang hitsura interrupting my sister.

"Yes, sir?"

Biglang napakamot ng ulo ang loko. "Ah eh," nauutal niyang bigkas. "Ten..... diba nagtatagalog ka naman?"

"Huh? Oo naman," Ten awkwardly responded.

"Ano kase.... wala kaseng Ospital dito. Baka mamaya dumugo ilong ko sayo eh?"

Napangisi akong bigla sa sinabi ni Joaquin. Ten also got chuckled.

"I'm sorry.... I forgot I'm here in the Philippines. Oh, pasensya na"

And as usual, the sarcastic Alexandra got into the picture. "Asus... Napaka basic english lang hindi pa maintindihan? Nakakaloka!" and her eyes rolled.

"I'm sorry. Pwede taglish? Or you can throw stones at me if I forget to speak," Ten trying to explain but still unintentionally speaking English. "Ooppss.... Pasensya."

"Okay lang yan TEN," Alex called her out. "Hindi mo na kasalanan kung hirap umintindi ang isa dito...."

And Joaquin fires back. "Hay naku, may isang patpat na sabat ng sabat," sarkastikong parinig niya. "Papansin... Hindi naman maganda!"

Bigla ko namang napansing medyo nainis si Alex na akto pa sanang tatayo, at since katabi ko lang siya e agad ko naman siyang napigilan.

"Relax," pagpapakalma ko sa kanya.

"Naku pigilan niyo 'ko baka malitson ko ng hindi oras ang pangit na yan'" nagtitimpi sa galit niyang sabi.

"Ikaw naman kase Alex, tumigil ka na rin. Di ka nga naman kinakausap pero pag inasar ka naman ambilis mong mapikon!" pabulong naman na bulyaw ni Mick sa pamangkin.

That's just a short commotion, bigla na rin namang natigil ang dalawa sa non sense na sumbatan nila.

"Okay, ipagpatuloy na natin," Ten proceeded. "Sa nakikita niyong larawan, there are three sides sa islang ito. At sa mga sulok na 'yun, 'dun tayo magsisimula."

Ten is starting to create a mind blowing plan. I know and I believe na that this whole thing will never be easy for all of us.

Napatayo si Franz na nakaupo sa dulo. "Triangle island? Parang Bermuda triangle or Illuminati? Wala bang sa demonyo ang islang ito?" Franz scratching his head.

"I know right," Ten said confidently. "That brings us back kung bakit ayoko kayong bahaginan ng ni-isang pilak o ginto na nakaimbak sa islang ito."

Bigla ring napatayo yung pangit na Joaquin. Basta kayamanan, alam mong mabilis pa ang galaw niya sa kabayo. "Ows di nga? Ano bang meron Ten bakit isang sako lang ng ginto ayaw mo kaming bigyan? Ang dami dami naman nun, hindi naman yun mauubos. Tutulungan naman namin kayo diba?"

Yung katabi ko rito'y nagsesecond emotion na naman, sinisiko ko na lang siya para hindi na sumabat. "Once a mukhang pera, always a mukhang pera. Mga palaka naman talaga.... tsk tsk tsk" komento ni Alex na mabuti nama'y hindi narinig nung isa.

"May pabuya naman kayo 'wag kayong mag-alala," assurance ni Ten sa loko. "Wag niyo nang ipilit ang hindi pwede. Amin 'to, pero hindi ito amin, at mas lalong hindi inyo. Para siyang paraisong pwede mong bisitahin pero hindi ka pwedeng tumira. Parang perang pag-aari mo pero hindi mo pwendeng ipambili."

I saw Mick raised his hand.

"Yes Mick?"

"Pwede ba namin malaman kung bakit? Siguro, ito na yung oras para malaman namin ang lahat tungkol sa kayamanan niyo..."

Ten responded with a sweet smile at kitang kita mo yung kilig kahit medyo seryoso siya nung time na'yun.

"And that leads me there," Ten took a deep breath while getting closer to Mick. She glanced on his way and went back and fourth from right to left.

"The MYTH is true. There's a treasure. And it's been here for four centuries. Nakailang salinlahi na rin but this forbidden paradise is still a Myth and should be a Myth to all Saavedra Clan, except for the people who witnessed it."

"This place is not what it looked like," Ten narrated in a serious stone nang may biglang naghagis ng bato sa may paanan niya. Yun ay walang iba kundi si Joaquin, at alam ko na kung bakit, dahil sa paingles ingles niya. Hindi na nagpaabala si Ten at nagpatuloy.

"Sinumpa ang lugar na ito, sinumpa ang kayamanan. During the Spanish rulership here sa PINAS lahat ito nangyari. Maraming namatay sa kayamanang iyan. Maraming nabaliw. Diyan nagpatayan ang mga ninuno namin. Na halos umubos sa kanila."

"Pag-aari ang kayamanang ito ng isang mapanganib na pirata. Which turned out to be involved in a sorcery. Dinakip sila ng mga equally abusive Spaniards dahil sa unauthorized na paghahanap ng kayamanan dito sa Pinas. At before pa maisagawa ng mga kastila ang mapangahas nilang plano sa mga pirata, nagkaroon kaagad ng digmaan sa dalawang panig. Namatay ang Pirata sa pamamagitan ng panang may lason, pero bago pa 'yun..... May binitiwan siyang salita na hango sa wikang kastila na ang ibig sabihi'y. "I AM MY TREASURE. I WILL BE BURIED IN MY PARADISE WITH THEM. I PROCLAIM THAT WHOEVER USES IT SHALL DIE WITH MY NAME."

Napatindig ang balahibo ko sa salaysay ni Ten. It's like I'm reading a Pirates of the Carribean slash Harry Potter kind of book.

"Parang ang hirap paniwalaan," out of the blue ay nagbigay ng pahayag si Joaquin, yung may hitsura. "So, paano o sino naman ang makakapag testify na yun nga talaga yung sinabi ng pirata? Unless merong isang tao na nandun mismo sa lugar ng pangyayari?"

"That is logically true Mr. Handsome," she weirdly named Joaquin. "Nandun sa digmaan na 'yun ang isa sa mga kaninu-ninuan ng Saavedra, yun ay walang iba kundi si Don Silvestre Saavedra."

"Siya ang nakakita at nakarinig ng lahat dahil isa siya sa mga kawal ng Kastila. Kabilang siya sa isang grupo ng mga mandirigma noon. Isang partikular na grupo na pumuksa sa pinakamapanganib na pirata nung mga panahong iyon."

"Matapos mapatay ang mga pirata, sinamsam nila ang lahat ng kayamanang taglay ng barko. Ngunit, at dahil na rin sa takot sa narinig niyang huling sinabi ng pirata, hindi siya nagtangkang kumuha ni-isang ginto."

Ten continued. "Hindi pa sila nakuntento, pinuntahan nila ang islang kinatatayuan niyo ngayon para kunin ang lahat ng pagmamay-ari ng mga pirata. Pero sa kasawiang palad..... Lahat maliban kay Don Silvestre ay mga naglaho na lang ng parang bula."

Bigla akong napatanong. "Kasama si Don Silvestre nang pumunta dito sa isla tapos bigla na lang nawala ang mga kasamahan niya, ganun?"

"Ganun na nga Jace. Bigla siyang nakatulog at pagkatapos ay biglang nawala lahat ng mga kasamahan niya sa islang ito. Naparatangan pa siyang pumatay sa mga ito ngunit wala namang naging ebidensya ang gobyerno noon kaya't napawalang sala siya. And the rest is history.... naging tagapagbantay si Don Silvestre bilang tagapangalaga ng lugar na ito, at bilang respeto na rin sa tunay na may ari ng kayamanan. Ni isang ginto'y hindi siya nagtangkang magpuslit dahil alam na niya ang sasapitin kung mangyari man iyon."

"So, ano nga palang nangyari  TEN sa mga sumunod na tagapangalaga? Diba sabi mo halos magpatayan ang mga ninuno niyo dahil sa kayamanang 'yan?" tanong ni Mick.

"Pang-anim si Mama sa mga naging tagapangalaga. Bali nangyari ang kamalasan sa ikaapat na tagapangalaga.... Si Donya Louisa. Siya yung naging ganid sa kayamanan at hindi pinaniwalaan ang alamat, na akala niya'y hindi yun totoo. Kumuha sila sa kayamanang naririto, ngunit ibang kamalasan ang bumalot sa kanila. Nagpatayan silang magkakapatid dahil sa salapi. Isang tao lang sa magkakapatid ang nabuhay noon, na hindi nagpasilaw sa kayamanan at ang naging ikalimang tagapangalaga ay si Enrico Saavedra, ang LOLO ni MAMA, at ng mga Aunties namin."

Napakahirap paniwalaan pero mukhang ito ang tunay na naganap. Ang lugar, maging ang kayamanan ang magpapatunay na tunay ngang naganap ang lahat.

"Ang hidwaan ng mga magkakapatid ay dahil lamang sa isang istorya ng inggit. Si Auntie Jacky talaga ang tunay na pang-anim na tagapangalaga dahil siya ang nakikitaan ni Don Enrico ng potensyal, ngunit nangyari ang pagbawi nang bigla niya itong sabihin sa kapatid niyang si Auntie Minerva, maging sa ibang pinsan nila ang tungkol sa kayamanan."

"Nang malaman ito ni Don Enrico, bigla niyang binawi kay Auntie Jacky ang matagal na niyang plano para sa kanya. Gumawa na lang ng storya ang matanda na lahat ng mga sinabi niya kay Auntie ay pawang kathang isip lamang. Pero hindi dun naniwala si Auntie Jacky dahil buo na sa puso't isip niya na totoo ang kayamanan ng angkan ng saavedra."

"Saavedra's Treasure, O ang natatagong kayamanan ng mga SAAVEDRA. Ang totoo niya'y ang mga salitang iyo'y kathang isip lamang na pilit pinaniwalaan ng mga Aunties, maging ang nag-iisang Tiyuhin namin. Totoo ang kayamanan, pinamana ang sikretong ito pero hindi pa rin ito amin."

Lahat kami'y hindi makapaniwala sa ikinuwento ni Ten. Nabubuo na rin sa isip ko kung bakit matagal nang may hidwaan ang magkakapatid patungkol sa kayamanan.

"Pero teka Ten,... So ibig mo bang sabihin, nag-away away sina Mama dahil ang napili nang ikaanim na tagapangalaga is yung... Si Mama hindi na si Ate Jacky?" tanong kong di sigurado.

"Tama ka Jace. Dun na nag-ugat nang si Mama na ang tunay na pinagsabihan. Kaya until now, pilit pa ring hinaharap ng mga Aunties natin ang kayamanan. Where in fact, kamalasan lang ang hinahanap nila.... Hindi kayamanan..."

"Kaya medyo kritikal ang misyong ito. 2 to 3 days ang expected time ng pagdating ng mga alagad ng tiyahin namin dito sa isla. Kaya kailangan ko ang tulong niyo para hindi sila magtagumpay...."

itutuloy.....












Continue Reading

You'll Also Like

618K 2.3K 5
Tunghayan at subaybayan ang pagpasok ni Kyle Angelo Dela Vega sa isang paaralang puro kalalakihan lamang ang nag-aaral at makikilala ang isang Warren...
82.1K 3.3K 31
Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past na nagbabalik, si ex! As in ex-boyfriend...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
112K 9.4K 46
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...