Training To Love (Published u...

By jonaxx

62.8M 1.4M 480K

Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng... More

Training To Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Notes

Special Chapter - Troy's POV

1.4M 25.5K 7K
By jonaxx

You may not read this. Wala naman dito yung susunod na mangyayari... just a special chapter for those who want Troy's POV. Nicut ko sobrang haba kasi... Sorry kung madidisappoint ko kayo dito. 

I LOVE YOU READERS...

---------------------------------------------------------------------------------------------

Special Chapter

Lahat ng nangyari, nagflashback sakin. Madilim nung una pero biglang lumiwanag kasi nakita ko ang mga mata niya.

At first, I thought it’s funny. This game is really funny. This girl is really funny. In love siya sa manager ng hotel namin. She’s really straightforward. Niyaya niya ang manager na makipag dinner, pero tinanggihan siya. Of course, that was freaking scary. Who would want to date her anyway? Well, let’s face it, maganda siya pero di lang marunong mag ayos. Hilaw pa ang katawan niya. She doesn’t look nineteen. Late bloomer. Wala pa nga siyang boobs, parang kaka high school lang.

Umiling ako, why am I stressing over her problems? I don’t care... And she’s just using me anyway…

"TROY! Pagamit naman ng CR! Please!" Isang gabi sinabi niya sakin ‘to, natatae yata.

Pwede namang umuwi na lang siya at mag taxi, bakit ang kapal ng mukha niyang makigamit sa CR ko? Hindi ba siya nahihiya sakin? This girl is really crazy. Natural sa mga babaeng nahihiya sa mga ganyang bagay pero itong isang ‘to, walang hiya. Lalo na sakin.

"Troy, Pahatid naman sa amin oh?"

Pagkatapos niya akong iblackmail, tumae sa CR ko, ngayon naman kinapalan pa lalo ang mukha para maihatid ko sa bahay nila. Grabe! What a girl!

Para siyang linta, hindi siya maalis-alis sa sistema ko. Syempre, hawak niya ako sa leeg dahil sa sex tape na yan. Pero ginawa ko na naman ang sinabi niya diba? Pinapasok ko siya sa Le Marcelle para makapag On the Job Training. Tama na sana yun. Okay na sana ang lahat. Pero ginawa kong kumplikado ang lahat…

"I have an offer for you, Trisha."

Hindi siya marunong kung paano maobsess ang mga tao sa kanya. She’s too clingy and straightforward. Kailangan niyang mag paka mysterious para makuha niya ang atensyon ng Jayden na yun. Well, I’m not helping Jayden here. I dislike him… Kaya nga tinutulungan ko si Trisha. I dislike them both, kung magkatuluyan sila, edi good for them. Bagay naman sila… Mga panira sa buhay ko.

Damn! I knew she's pretty but I didn’t think she could be this pretty. Pagkatapos ng make over, umaliwalas ang mukha niya. Ganun parin naman pero may nadagdag, hindi ko alam kung ano pero alam kong meron.

 This is the story of how I fell in love… She taught me how to love… and I broke her heart….

"What the hell happened, Trisha?" Sigaw ko sa kanya habang tinitignan ang mga luha niya.

Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ako. I suddenly have that burning passion to kill someone! Masakit sa puso. Dinig na dinig ko yung bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay siyang magsalita.

"Anong ginawa ni Jayden sa'yo?" I prompted.

Hindi parin siya nagsasalita. I need to calm down. Hinila ko siya papasok sa 7eleven para makainom siya ng hot chocolate.

"Sana nagpaiwan na lang ako sa kotse mo. Baka may makakita pa sating dalawa. Hinahawakan mo pa yung kamay ko." Aniya.

Ang tagal niyang di nagsalita tapos ito pa ang inaalala niya? What a girl!

"Pagkatapos mong manahimik, ito yung sasabihin mo sakin? What the hell happened? Bakit basa ka? At wa'g kang mag-alala, wala naman si Jayden sa paligid kaya di ka masisira sa kanya." Matabang kong sinabi.

"Stop crying." Kinaladkad ko siya palabas ng 7eleven.

Nagdrive ako papunta sa paborito kong lugar. I need to wait for her to talk. Gusto kong malaman kung bakit basa siya, bakit umiiyak siya, anong ginawa ni Jayden sa kanya? Nag dinner sila diba? Bakit ganito ang kinahinatnan ng lahat?

"May girlfriend na siya, Troy."

Hindi ko alam kung bakit kinurot ang puso ko nung sinabi niya yun. Of course, I’m not affected for Jayden! Kung may girlfriend siya, wala akong pakealam! Pero bakit nakikipag date siya kay Trisha? Nasaktan tuloy si Trisha! Bakit siya basa? Don’t tell me may nangyari sa restaurant?

"Binuhusan ako ng tubig nung girlfriend niya."

Fvck! Yan na nga ba ang sinasabi ko! Wala akong ibang nagawa kundi ang maging frustrated para kay Trisha. Ginulo ko na lang ang buhok ko. Gusto kong suntukin si Jayden ngayon.  Ang kapal ng mukha niyang mag two time! Hindi ako nagmamalinis. I’m not ethical either, but Trisha is. Kung gusto niya, gusto niya talaga. Dapat siya lang. She deserves to be the only one.

"Stop crying. He's not worth your tears, Trisha." Sabi ko.

"Then who's worth the tears, Troy? I think I...I love him.” Pumikit siya.

Para bang nasasaktan siya habang sinasabi niya yun. Nasasaktan siya kasi mahal niya pero niloko siya. Pero hindi ko alam kung bakit pati ako ay nasasaktan dito. Not because I can feel her pain, but because she declared her love for him! Naiinis ako kasi in love siya sa lalaking yun. It’s not worth it! Sana di ko siya tinuruan ng Art of Seduction, hindi sana siya napasubo ng ganito.

"That's impossible!-"

"May love, Troy! Totoo yan. Dahil kung wala... ano tong nararamdaman ko ngayon? Bakit ako nasasaktan?"

Pumikit ako… Pumikit ako dahil damang dama ko yung sakit. It is real. Nasasaktan talaga ako. Not just because she is hurting right now… but because she’s in love. And I hate that she’s in love… She’s in love with another man and not with me!

FVCK!

"Damn! Damn! Damn! Damn!"

"I can't be just attracted to him. Right? Kasi nasasaktan ako. Umiiyak ako ngayon. At diba ikaw na rin ang nagsabi na you fell for someone? You must be in love then... At hindi ka niya magustuhan diba? You're broken, too. I'm broken, too."

Kailangan pa ba yung explanation, Trisha? HA? Tama na yung inamin mo saking mahal mo siya! Di ko na kailangang marinig ang mga detalye ng pagkaka hulog mo sa tao, o hayop na lang kasi mas bagay!

"Stop it, Trisha! Just stop it."

STOP TELLING ME HOW MUCH YOU FREAKING LOVE SOMEONE! COZ I THINK I’M IN LOVE WITH YOU AND I’M HURTING BECAUSE YOU ARE IN LOVE WITH SOMEBODY ELSE!

"Stop crying, aryt? It's gonna be okay. Lagi akong nandito. Kahit anong mangyari. I know its cheezy but I think I won't be able to leave your life anymore, Trisha."

YES, FVCK! Ano ngayon kung mahal ko siya samantalang may mahal siyang iba?

"Stop thinking about him. Stop hurting..."

STOP HURTING ME! Mukha akong seryoso at okay pero ang totoo, naghuhuramentado na ako deep inside! Bullsh1t! I cannot be in love… This can’t be happening! Sa kanya pa!?

"Hindi, Troy. Di yun ganun ka dali... Kung sana ganun ka daling di masaktan edi pinigilan ko na ang sarili ko."

"Yeah. I-I guess you're right. Hindi nga ganun ka daling 'di' masaktan." I get it. Hindi ko siya kayang pasayahin. Hindi ko siya kayang pakalmahin dahil si Jayden ang sagot sa mga sakit na nararamdaman niya.

Pero damn, paano ako? Siya ang sagot sa nararamdaman ko?

“Troy, you okay, dude?” Tanong ni Nash sakin.

Umiling ako at tumango.

“Huh?” Kumunot ang noo niya.

Sinulo ko na lang ang buhok ko. Nandito pala kami sa school at kanina pa ako di kumikibo sa kanila.

Hindi ko sinagot si Nash. Kinuha ko na lang ang cellphone ko. May naramdaman akong kamay sa leeg ko.

“Hey, Troy, you game tonight?” Tanong ni Irene habang gumuguhit ng kung ano sa dibdib ko.

Nag concentrate ako sa pag ti-text:

Mag absent ka today. Akong bahala sayo. Don't worry, aryt?

Para kay Trisha.

“Trisha Roncesvalles?”

Napatalon ako sa boses ni Nash.

“What the fvck, dude? Ever heard of privacy? ”

Tumaas ang kilay ni Nash, “Kelan ka pa ba nagdadamot sa mga babae mo?” Tanong niya.

Tinanggal ko ang kamay ni Irene sa dibdib ko. Tumayo ako kaya napatingin silang lahat sakin.

“None of your fvcking business.” Umirap ako at umalis.

“Not just another girl, huh?” Dinig ko ang halakhak ni Nash galing sa inuupuan ko kanina.

Nagpunta ako sa Le Marcelle para harapin si Jayden pero naabutan kong nag da-dramahan sila ni Trisha.

"Makinig ka muna, Trisha. Hindi ko girlfriend si Olivia. She's my jealous ex! Ganun siya palagi..."

Kitang kita ko na ayaw nang makipag usap ni Trisha sa kanya. Umiiyak pa si Trisha. Nasasaktan na naman!

Tinapik ko ang likod ni Jayden, "I think ayaw niyang makipag usap sayo, Jayden." Sabi ko.

"Wa'g kang manggulo dito. This is none of your business, Troy." Tinanggal niya ang kamay ko sa likod niya.

Sinuntok ko agad ang panga niya.

Damn! Yan ang bagay sayo!

"Troy!" Sinigaw ni Trisha ang pangalan ko pero si Jayden ang dinaluhan niya.

Umamba ulit ako ng suntok kay Jayden habang nasa sahig pa siya.

"Ayaw mo na, diba? Bakit ka nasa tabi niya?" Sigaw ko kay Trisha.

"TROY! Wa'g!" Umiyak siya. "Troy! Please... wa'g na..."

Damn, her tears are killing me. Why shed so many tears for the same jerk?

“AHHHH! Pathetic!”

Gusto kong sipain si Jayden pero di ko ginawa. Sinipa ko na lang ang gutter at ginulo ang buhok ko habang tinatalikuran ko sila. Pareho silang pathetic! Nakakainis!

Tapos sa gabing iyon isang message lang yung natanggap ko sa kanya:

Troy, are u mad at me?

I will not reply. You frustrate me, Trisha. I’ll frustrate you, too.

"Troy!" Sa sumunod na araw ay nakita ko siyang na biglang hinahampas ang sasakyan ko.

Bakit siya nandito? Hinanap niya ba ako? Miss me? NO! FVCK! She’s in love with someone else!

"Anong kailangan mo?" Salubong ko sa kanya.

"Troy naman! Sorry na! Pero sinuntok mo si Jayden. Nag eskandalo ka na kahapon eh. Masisira ka niyan." Tumawa siya.

Natigilan ako sa tawa niya. Masaya ba siya?

"Nag eskandalo ako para sayo." Seryoso kong sinabi.

Napabuntong hininga ako habang tinitignan siyang nabigla sa sinabi ko, "Get in." Iminuwestra ko ang loob ng sasakyan ko sa kanya.

"Diba hinihintay mo naman ako lagi? Bakit maaga kang umuwi ngayon?" Tanong ko sa kanya nang nakapasok na siya sa loob.

"Gusto ko sanang maghintay pero akala ko di ka darating."

“Talagang di ako darating. Wala akong planong pumunta ng Le Marcelle ngayon."

"Anong gagawin mo? Magpaparty na naman? Bakit di ka pa umalis sa sasakyan mo?"

"May iniisip lang ako." Ikaw ang iniisip ko, stupid girl! Kainis! Di parin niya napapansin na sobra ako kung makareact pag siya ang pinag uusapan. Sobrang manhid!

"Anong iniisip mo?"

"Wala. Akin na lang yun." Hindi ako aamin sayo!

"Ang daya nito. Sinasabi ko naman ang problema ko sayo. Tapos ikaw, ayaw mong sabihin sakin?"

"Tara na nga! Ihatid na lang kita sa bahay niyo. Tapos ka ng mag sorry. Pinapatawad na kita."

Yes, ganun ka dali. Ni hindi ko alam kung bakit nung nakita ko siya biglang napawi ang galit ko sa ginawa niyang pagkampi kay Jayden eh.

“Uhmmmm…”

Lumapit siyang bigla sakin. Napaatras ako kasi dinig na dinig ko ang kaba sa puso ko. Pinagpapawisan ako dahil sa ginagawa niyang paglapit at pagbulong eh.

"Troy... kasi...-" Lumapit pa siya lalo.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya. Ang lambot ng labi niya. Nangingiti ako habang iniisip na hindi pa siya marunong humalik. Nakapirmi lang ang bibig niya at nanigas lang siya na parang istatwa habang sinisiil ko siya ng maiinit na halik.

"Open your mouth..." Bulong ko.

And she did! I knew it! May hidden desire siya sakin. Damn! Ang saya ko! Lalo ko pang pinag igihan ang paghalik ko. Sanay ako na ang babae yung naghahabol ng hininga sa mga halik ko. Sanay ako na ang mga babae ang kinakabahan sa halik ko pero lintik bakit ako itong naghahabol ng hininga sa sobrang kaba ngayon?

"Troy..."

Yung malambing at lasing na pagtawag niya sa pangalan ko ang mas lalong nagpainit sakin. NO WAY! I can’t be this turned on! Naghahalikan pa lang kami, sasabog na ako sa kawalan… Ni hindi ko pa nga siya nahahawakan. Wala pa nga siyang ginagawa! DAMN!

She kissed me back!

WOOOOOOOOW!

Kinuyom ko ang kamay ko para pigilan ang sarili kong hubaran siya. DAMN FREAKING SH1T!

And in between her hot and steamy kisses she told me, “Troy, kami na.”

Nagpatuloy ako sa paghalik hanggang sa nag sink in sakin ang lahat. Tinulak ko siya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sobrang bilis pa ng paghinga ko. Ang sarap na nun eh! Muntik ko nang ma prove sa sarili ko na hindi lang ako yung may gusto sa kanya… that we’re even… that I can still save her from him!

Pero ngayong sila na? What does she mean about that? Sila na? Naghalikan na sila? Ano pa?

"K-Kami na-" Sagot niya sa tanong ko.

"I TOLD YOU TO PLAY HARD TO GET!" Sigaw ko sa sobrang bigla ko sa sinabi niya.

"Troy, hindi na naman siguro kailangan. Gusto niya na ako. Tagumpay na to.. Nagtagumpay na tayong dalawa-"

"Nag tagumpay ka!" Sigaw ko.

"Ano bang problema mo? Diba ito naman talaga yung goal natin?"

"You are so damn dense!" Hinampas ko ang manibela sa sobrang frustration at inis sa kanya.

Napainom ako ng tubig. Tumingin ako sa labas. Hindi ko siya kayang tignan. Alam kong isang tingin niya lang, bibigay ulit ako, okay na ulit lahat… na okay lang na sila na… ang importante andito rin siya sakin.

"T-Troy, bakit di ka masaya? Magkaibigan tayo, dapat masaya ka dahil-"

"We... we're never friends..." Sinubukan kong tumingin sa kanya.

And I regret it! Sabi na nga ba… Hindi ko talaga siya matiis. But I need to be really firm on her.

"Troy, magkaibigan tayo-"  Namuo ang mga luha sa mata niya.

"We we're never friends, Trisha."

Binibisita na naman ako ng pagsisisi. Hindi ko kayang ganito. I want her… I want her in any way possible. Pero baka dahil firm ako sa kanya, marerealize niyang gusto niya rin ako kaya I need to sacrifice.

"A-Alam kong ayaw mong aminin na kaibigan mo ako d-dahil sa mga kaibigan mo Troy, pero-"

"Shut it!"

Damn! Wa’g mo akong dramahan tungkol sa mga kaibigan ko dahil kung alam mo lang! TRISHA, kung alam mo lang! Kung akin ka sana ngayon edi pinakilala na kita ng mabuti!

Napahikbi siya sa sigaw ko.

"B-Bakit ka umiiyak?" Tinignan ko siyang mabuti.

Barado na rin ang sarili kong lalamunan. Maiiyak na yata ako. PAKSHET NA BUHAY! May ganito pala talaga?

"Why are you crying for me? Tell me! Ano ang nararamdaman mo para sakin? At bakit ganyan ka kung makaiyak?" Sigaw ko.

I can almost hear her say it… Say you love me, Trisha. Say it!

"Troy, magkaibigan tayo, diba? Diba? Bakit ayaw mong kaibigan ako? Alam k-kong... Alam kong... nagsimula tayo sa mali... pe-pero aminin mo... magkaibigan tayo! D-Dahil lang ba hindi ko sinunod yung isa sa mga payo mo, itatakwil mo na agad ako? You care for me! You cared! Why can't you see that? And I care for you, too."

DID SHE JUST DUMP ME? Na friendzone ba ako? REALLY? No freaking way! I know she loves me! Bakit iba ang pinapakita niya sa sinasabi niya? Stop confusing me, Trisha!

"Damn! Damn! Fvck! Damn! Bullsh1t! Fvck this! Fvck! Fvck it!" Patuloy ang pag mumura at paghahampas ko sa manibela.

I get it… She dumped me. Kumuha ako ng tissue at binigay sa kanya.

"Wipe your own tears cuz I quit on you."

 DAW!? Anong sinabi ko kay Trisha?

Ilang araw ko lang siyang di nakikita pero parang tagtuyot na sa buhay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya lang laman ng isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bukambibig ko siya minsan pag si Nash at Theo ang kasama ko.

Nagpakalunod na lang ako sa alak at sa mga babae.

“Wa’g na isali si Troy sa beerpong! Lagi yan nananalo.” Sabi ni Mike.

Tumawa si Theo, “Sige.”

Nagkibit-balikat ako at ininom yung shot na Jack Daniels sa mesa.

Naka ilang death stick na rin ako. Hindi ko maiwasang di manigarilyo… Lagi kong naiisip yung sarap ng halik ni Trisha. Mas lalo yata akong maaadik sa sigarilyo dahil sa kanya.

“Troy, didn’t know you’re a chain smoker.” Tumawa si Hanna at umupo sa tabi ko.

Ilang araw ko nang ginagawa ‘to. Consecutive ah? This is really bad but it’s my only way to forget her!

Nagpunta akong bathroom. Lasing na lasing na ako. My world is spinning. Natatawa ako kasi para akong baliw. Umiinom para kalimutan ang isang babae? Huh? This is new!

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang number niya. Sana dinelete ko na lang ito. Ilang weeks na naman ang nakalipas mula nung nagkita kami eh. Para tuluyan ko na siyang makalimutan, idedelete ko na ito.

“DELETE…”

Pero di ko nagawa.

O sige, last call. I’m gonna call her and hear her voice just to make sure she’s okay.

“Damn, I miss you.” Sabi ko sa kanya nang nakapikit pagkatapos kong narinig ang boses at hininga niya sa kabilang linya.

Stupid life! Of course she doesn’t care about me! She’s happy with her freaking life! Why would I beg for her love?

Pinatay ko ang cellphone ko at pinasaya ang sarili sa pamamagitan ng pag inom at mga babae.

“TROY!”

Natauhan ang buong sistema ko nang narinig ko ang boses ni Trisha. Sinugod niya ako kaya napatayo ako. Sobrang kaba ko… Please, don’t leave me… I’m not cheating on you, Trisha… I wanted to forget you… But I couldn’t… Ginamit ko lang sila… Please don’t be mad at me… Please, don’t leave me… Please, I love you.

"Na Wrong number ka ba kanina  o para sa akin talaga yung sinabi mo?" Sigaw niya sakin.

Wait!? What? She’s here, of course, because I called her. Ano ba yung mga inisip ko kanina. Bakit pakiramdam ko girlfriend ko siya… Bakit naisip kong ginawa ko lahat ng ito dahil gusto kong gumanti sa kanya… for cheating on me with Jayden… tapos bigla siyang sumulpot at nahuli ako with other girls… kaya agad akong kinabahan at nag explain... This is madness!

"You're going HOME with me!" Kinaladkad ko siya palabas ng Tribe Lounge.

I think I’m crazy! And high as fvck with her!

Nagdrive ako papuntang Le Marcelle kasama siya. Lasing na lasing ako. I can’t barely remember anything.

"Stay for tonight, please... If you really are my friend, you'll stay." And in the end, I still begged her to stay.

But she did. She stayed… Kahit ano na basta, stay, Trisha. Kahit anong kondisyon, payag ako, just stay with me.

Sa sobrang kalasingan ko, dumugo pa yung noo ko sa pagkakadapa ko.

Nakita ko siyang nagluluto ng pagkain para sakin. Hindi ko matanggap na kinikilig ako habang tinitignan siyang nakatalikod sa kitchen ko. DAMN!

Niyakap ko siya galing sa likuran.

"Mend me, Trisha..." Bulong ko sa tainga niya.

Hinalikan ko ang leeg niya. Damn, my drugs…

"Troy, tumigil ka ah... Wa'g mo nga akong halikan kung saan-saan! Hindi mo naman ako girlfriend..."

Binitiwan ko siya. Of course, di mo ako boyfriend kasi may iba ka.

"I never thought this day would even come, Trisha." Sabi ko habang niyayakap siya.

Hindi ko alam kung dahil ba lasing ako o dahil ito talaga ang gusto ko… no… hindi ito ang gusto ko. Sasabihin ko ito dahil wala na akong choice.

"Kahit konting atensyon, kahit minsan, kahit tuwing gabi lang, kahit tuwing wala si Jayden, pahingi naman..." Nabasag ang boses ko simula gitna.

Hinarap niya ako. Bakit yung mga mata niya nagsasabing ako ang mahal niya pero ang lahat ng lumalabas sa bibig niya ay iba?

"Troy, you're drunk-"

"I'm so drunk on you..."

I want to kiss her… Nag tooth brush na ako para mahalikan siya.

Pero tinalikuran niya ako, "Kumain ka muna... Para matigil na yang kabaliwan mo..."

Hobby niya yata ang i-frustrate ako! Damn! Andyan na eh! Klarong-klaro na yung gusto niya sakin. Ayaw niya lang aminin!

Ginamot niya ang sugat ko dahil pinilit ko siya. Gusto kong makasama siya. God, I’m addicted. So addicted.

"T-Troy, sige na, umalis ka na..." Nag iwas siya ng tingin.

"You can't look at me straight..." Sabi ko.

Hinalikan ko na agad siya. Dahan-dahan. Gusto kong iparamdam sa kanya kung ano man yung pinaparamdam niya sakin. Maiinit ang mga halik ko kaya di niya mapigilang di humalik sakin. She kissed me back again! Talagang may gusto siya sakin! Talagang may pag-asa pa ako!

"Troy~" She moaned.

Fvck! I’m so turned on. Tinulak ko ang magkabilang paa niya at pinahiga siya sa kama. Nasa likuran niya na ang kamay ko at ang isa ay nasa dibdib. Hinalikan ko pa siya ng mas malalim.

I want you, Trisha. I love you… I can’t get enough of you… I’m seriously addicted and frustrated. No one frustrates Troy Ezekiel Salazar.

So I will frustrate you. Dahan-dahan kong pinagapang ang kamay ko sa loob ng dress niya… I want her so bad pero dadahan-dahanin ko. Uunti-untiin ko para di niya ako makalimutan.

Hinawakan ko yung dibdib niya. Bakit… Bakit parang ako yata yung naapektuhan? Nag init ang buong sistema ko. My plan failed! Dapat siya yung naghuhuramentado sa sarap ng ginagawa ko pero bakit ako yung nababaliw sa kanya?

Hinalikan ko ang leeg niya pero tinulak niya ako, "Troy... Tama na..."

"May boyfriend na ako!" Inayos niya ang damit niya.

I know and I get it! It’s not as simple as, ‘Yes, I like you, Yes I love you’… You have a boyfriend and you love him so much. And I’m just the freaking extra villain. But I’ll lose my mind if you dump me…

"Cheat on him, Trisha... Cheat with me..."

Alam kong masakit ito pero kakayanin ko. Nanlaki ang mga mata niya.

Please, I’m begging! Sin with me, Trisha! Cheat! Cheat with me!

"No! I'm not that kind of girl, Troy! Bakit mo ginagawa sakin 'to?" Namuo ang luha sa mga mata niya.

Hinawakan ko ang wrist niya.

"Troy, hindi pwede tong ginagawa natin." Aniya habang pinapaypayan ang sarili.

I can feel her fast and loud pulse. She is in love with me… She’s nervous. She’s freaking in love with me!

"You're so nervous, Trisha. You're freakin in love with me!" I accused her.

Binawi niya ang kamay niya.

"I can't be in love with you! You manwhore! Pinaglalaruan mo ako!" Lumayo siya sakin.

Damn! Ang sakit! I know I’ve been such a jerk. I don’t know how to explain it… Hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko na siya… na nagmamahal na ako… na gusto ko siya… na mahal ko siya… na hindi ko kayang mawala siya… na payag akong may kahati basta nandyan lang siya… na hindi ko kayang iwan niya ako… na maghihintay ako… hindi ko alam paano.

"Why can't you see that? Break up with him, Trisha! Break up with, Jayden! Dahil alam mong gusto mo ako pero pinipigilan mo ang sarili mo! Break up with him and stay with me!"

Nalaglag ang panga niya at umiyak pa siya lalo sa sinabi ko. See, you’re crying! You are in love with me! You are just guilty because you love me so much and you can’t just leave him!

"And if you can't..." Napalunok ako.  "If you are in love with him, too, cheat with me... Coz I know you're in love with me! And I can compromise for you! Kahit gusto kong ako lang... Kahit alam kong para sakin, ikaw lang... Kahit na masakit pag may kahati... I can compromise! Kaya kong tumanggap ng tira-tira... kung yun lang ang kaya mong ibigay."

Tumunganga siya. I can’t believe it. Hindi parin siya makapagsalita. Alam kong gusto niya rin ako… Anong problema sa offer ko. I know it’s unethical… I know it’s really evil. Pero pwede niya namang iwan si Jayden kung ayaw niya sa masamang daan diba? She can choose to leave him. Just leave him, please?

"Kung hindi kita makukuha through seduction, Trisha... Then I'm going straight to your heart... Cuz you fvckin have mine! Let's get even!" Tinalikuran ko siya.

Humanda ka Trisha… I’m aiming for your heart, this time.

Ilang beses ko siyang pinagmamasdan habang kasama niya si Jayden. She’s really happy with him. Nag bu-blush siya tuwing may sweet gestures si Jayden. Nangingiti siya tuwing may sinasabi ni Jayden. Nag hoholding hands sila at nagyayakapan.

I want to feel her hands, too. I want to be the one to hold them when she’s happy or sad. I want to make her happy. I want to put that smile on her face.

“Troy, Trisha na naman ba, tol?” Tanong ni Nash.

“Stop it, Nash, you’re not helping.”

“May boyfriend yung tao.”

“Sinasabi mo pa eh alam ko na naman yun. Isn’t it obvious?”

“Why don’t you just screw her… you don’t care with ‘the’ boyfriends right?”

Tinitigan ko siya, “Iiwan niya ako kung gagawin ko yan. I’m not aiming for a one night stand, Nash…”

Nalaglag ang panga niya. “You’re serious?”

Hindi ko na siya sinagot.

I dated her. Nung wala si Jayden, pinagsamantalahan ko ang pagkakataon. We held hands, ate together, pretend she’s my girlfriend, bought things for her and sleep with her. Sleep. Just sleep. Because I want her comfort… I want her for my self. I love her and I can’t get enough of her. But my love isn’t enough… hindi niya parin ako pinipili.

“Sabihin mo sa kanya ang tungkol satin. Ayoko rin naman sa arrangement natin, Trisha. Dahil kung ako si Jayden, hindi ko kayang ganito ang gawin mo sakin. At first, oo, wala akong pakealam. Pero ngayong naiisip ko na magiging tayo in the future, ayokong gawin mo 'to sakin.  Just for this, Trisha. Just once... Isang beses lang na pagkakamali... Para mangyari tayong dalawa. Yan lang ang hinihingi ko." Sabi ko sa kanya nang gabing iyon.

“Oo. Sasabihin ko sa kanya.” Aniya.

I held on to her words. Kinaumagahan, dumating si Jayden nang di inaasahan.

"Use the elevator, hanggang 2nd floor. Bumaba ka sa stairs at dumaan sa likuran ng Le Marcelle. You have to trick him, right? Kailangan mong dumaan sa usual na dinadaanan mo para di siya magduda." I can’t believe I’m asking her to pretend she was not with me last night.

"Just remember to choose me... The earlier, the better. Kung mahal mo ako, mahal mo ako. Walang pag aalinlangan." Sabi ko. "I'll let you go... But you have to choose me..."

Tumango siya. I held on to her words. I held on to her actions… I held on to her love.

But she failed me. She didn’t choose me. So I walked away.

Sa lahat ng nagawa ko, ito na siguro ang pinaka heroic. Pagkatapos niya akong saktan ng mabuti ay nagawa ko paring mahalin siya. Sinampal niya ako… yung klase ng sampal na nanunoot sa balat mo at tumatagos sa puso. Yung puno ng galit at poot. Yung parang di na ako matatanggap pa ulit. Tutal sinaktan niya naman ako ng ganito, sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Wala akong pakealam kung sinong makarinig at kung magmukha man akong tanga sa harap ng maraming tao.

Then I let her go…

Siya parin ang umuukupa sa puso at isip ko buong oras na nasa Monaco ako. Lintek na babae! Ganun ba ka lakas yung sampal niya? Shit! I still can’t forget her!

'I hate you so much. Sana umalis ka na sa buhay ko. Pinagsisihan ko ang araw na nakilala pa kita.'

Bakit ganun lang kadali para sa kanya na saktan ako? Ni hindi ko nga maisipang sasaktan ko siya! DAMN!

"I'm not your freakin boytoy! I am not an option, Trisha! Kung mahal mo ako, ako lang dapat! Mahal kita, ikaw lang mag isa! Pagod na akong makihati! Ilang beses kang nangako na pipiliin mo ako! Pero nakakafrustrate ka na! Hindi ko na kaya dahil alam kong ikaw lang talaga ang gusto ko... at hindi lang ako ang gusto mo! Ano, Trisha? Ako pwedeng maghirap? Okay lang? Kasi secret naman ako... Wala namang nakakaalam sa paghihirap ko kasi wala namang nakakaalam sakin. Kasi… Kabit lang ako?"

DAMN! Inaamin ko. Ako yung nag alok sa kanya na maging kabit niya ako. Ginusto ko yun dahil wala na akong magagawa. Pero pinaasa niya ako. Sana humingi siya ng panahon para di ako umasa at masaktan ng ganito. Kaya ko namang maghintay pero siya mismo ang nagsabi saking sasabihin niya na kay Jayden pero di niya nagawa!

"Wipe you're own tears, cuz this time, I'm really quiting on you."

Parang sirang plaka… it kept playing over and over again.

I’m done with her. That’s enough. I should move on. Yung ang sabi ko sa sarili ko nang nakita ko siyang nabangga ni Nash sa cafeteria. Kitang kita ko ang nerbyos sa mga mata niya.

Tinulungan siya ni Nash. Tinignan ko silang dalawa.

DAMN! Dapat ako yung bumangga eh. Dapat ako yung nandyan sa kalagayan ni Nash. Dapat sakin yung atensyon niya. Dapat SIYA YUNG PINAPASELOS KO PERO BAKIT GANTO? Ako yung nagseselos!? Bakit ako palagi yung nabubwiset? Bakit laging ako ang nasasaktan?

I changed my car so I can forget all of the memories with her. Pero bakit ngayon, gusto ko ulit bahiran ng bagong alaala yung bagong sasakyan ko. Bakit gusto ko na ulit makipaglaro sa kanya? Bakit madaling tanggapin? Bakit madaling magpatawad? Ni hindi pa nga siya nag sosorry, namamagnet na ako pabalik sa kanya? This is not happening.

Everything is just futile because I love her. And all I wanna do right now, again, is to get even.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 136 12
Dana and Kingston set out on a quest to find an ancient potion that could potentially extend Dana's life. While finding the elixir of immortality, t...
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
288K 20.3K 91
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
111M 2.3M 65
It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niy...