Training To Love (Published u...

By jonaxx

62.8M 1.4M 480K

Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng... More

Training To Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Special Chapter - Troy's POV
Wakas
Notes

Kabanata 50

1.1M 22.7K 5.8K
By jonaxx

Kabanata 50

Hinagis Sa Ere

Nanginginig pa ang mga kamay ko habang tinitignang mabuti ang binigay ni Troy. Nakahawak ang isang kamay niya sa manibela habang ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa kamay ko.

"Do we really need to do this?" Tanong niya sakin.

"Troy, mga kaibigan mo sila. Karapatan din nilang malaman kung ano talaga ang nangyari."

"I already told them you're not cheating on me." Lumunok siya.

"Oo tapos inaway mo sila dahil sa pagdududa nila sakin? Of course magdududa sila kasi may history akong nag cheat. Tsaka di nila ako kilala, Troy... Ang akala ng mga kaibigan mo ginagamit lang kita."

Tumango siya at patuloy na nag drive.

"Tatanggapin nila ang desisyon natin kung  totoong kaibigan mo sila."

Pumasok na sa gate ng school ang sasakyan niya. Napapalingon talaga ang mga estudyante sa sasakyan niya. Syempre dahil sa mga oras na ito, walang estudyante dito sa school namin ang hindi nakakaalam sa buing istorya ng pagtataksil ko di umano kay Troy.

Ang akala ko noon, kung magkakaboyfriend ako, tahimik lang at hindi iniintriga tulad ng sa amin ni Jayden noon. Pero ngayong kay Troy ako nahulog at siya na ang naging boyfriend ko, nawala nang parang bula ang mga inakala ko. Hindi kailanman matatahimik ang buhay dahil maraming nakakakilala sa kanya. Maraming may gusto sa kanya kaya malabong maubusan ako ng karibal. Maraming mas lalo pang sisira sa pagkatao ko. Maraming makikiusyuso sa pribado naming buhay.

"I'm kinda uncomfortable." Sabi ko nang lumabas kami sa sasakyan niya.

Marami na kasing nakaabang sa paglabas niya. Ang akala siguro nila ay mag isa lang siya dahil nagsilakihan ang mga mata nila nang nakita akong lumabas. Kinuha agad ni Troy ang kamay kong may engagement ring.

Nilagpasan naming dalawa ang mga nakiusyuso. Ni hindi ko na kayang tignan ang mga mukha nila dahil alam kong puno lang yun ng galit para sakin. Naiinis sila dahil akala nila napaikot ko na naman si Troy kahit may ebidensya na sa pagtataksil ko.

Napatingin ako kay Troy na diretso lang ang tingin sa daanan namin. He's still so cool even when he's beside me. Kahit na pangit ang image ko dito sa school, hindi ko siya kayang hatakin pababa. Ganun ka tayog ang tingin ng mga tao sa kanya. Gwapo, matipuno, mayaman, suplado pero puno parin ng charisma... kaya mahal siya ng mga tao. Mahal siya ng mga tao kaya kinakamunhian naman ako.

"Sino kaya yung nag video?" Tanong ko sa kay Troy habang naglalakad kami papunta sa mga kaibigan niya.

Napatingin siya sakin, "Wa'g mo ng alamin."

"Ha? Kilala mo ba? Sino?"

Umiling siya.

Napaisip tuloy ako.

"Si Abbie?"

Hindi siya umimik. Malakas ang pakiramdam ko na hindi si Abbie yung nag video. Isa lang ang pinaghinalaan kong talaga. Dahil nagawa niya nang mag video samin noon, kaya niya ulit akong siraan para lang makuha si Troy. I think she's obsessed.

"Si Jane bah?" Tanong ko.

Napalingon siya sakin. Hindi siya umimik pero alam ko na agad na tama ako.

"Sinasabi ko na nga ba!"

Tahimik lang siya habang naglalakad kami.

"Wait!!!" Tumigil ako sa paglalakad. "May inalok na naman siya sayo ano? Ano yun, Troy? Diba nung huling pagvideo niya satin, binlackmail ka niya? One night stand or ipapakalat niya ang video? Inulit niya na naman ba yun?"

Suminghap siya.

"Seriously???" Nag init ang ulo ko kahit wala siyang kinukumpirma.

"Hayaan mo na, Trisha. This isn't the first time anyway. Marami nang nangblackmail sakin noon pa pero hinahayaan ko na lang. Hayaan na natin."

"Hayaan na natin? Naka ilang ulit na siya nito, ah? She'll do it again!" Sabi ko.

Suminghap siya, "We'll stay strong. We'll last, right?"

Ewan ko pero hindi ko kayang may ganoong mga klaseng babae ang nakaaligid sa kanya.

"Nakakaadik ka ba talagang ka ano? Bakit ganyan sila sayo?" Seryosong tanong ko.

Tumawa siya, "Why don't you try it, then? Pag naadik ka sakin, we're even!"

Kumunot ang noo ko at binatukan siya.

"Ouch! Naman! Bakit? Subukan mo na lang kaya?"

Binatukan ko ulit.

Humagalpak siya sa tawa, "Wa'g mo naman akong sinasaktan! Haha! Why don't you try it, Trisha? You know, making smoking hot love?"

Binatukan ko siya sa pangatlong beses dahil umiinit na naman ang pisngi ko.

Iniwan ko na siya sa kinatatayuan niya. Sinundan niya ako habang tumatawa. Natigil lang yung tawa niya nang nakita namin ang mga kaibigan niya sa tapat ng building nila.

Nakatoon ang buong atensyon nila samin ni Troy. Para akong nakalunok ng limampung durian habang papunta sa kanila. Halatang galit parin sila sa akin. At halata din kay Troy ang tensyon.

Naglaglagan na lang ang mga panga nila nang hinawakan ulit ni Troy ang kamay ko sa harapan nila. Itinaas niya ito para ibalandra ang engagement ring na ibinigay niya kanina.

"Nothing... no one will tear us apart." Salubong niya sa mga kaibigan niya.

Tahimik silang lahat. Maging ang mga usisera at usiserong sa likuran ay tahimik.

"Sorry kong napagbuntungan ko kayo kanina. Mainit ang ulo ko. Totoo. Nabigla ako sa video. Nasaktan ako. Hindi ko alam na may ganung nangyari. Nabigla lang din siya sa nangyari."

Napayuko ako sa sinabi ni Troy.

"Nasaktan ako kasi mahal ko siya. Ayokong nakikitang may ganung nangyayari. I have doubts... but my love for her is greater."

Tahimik parin sila.

"Corny pero totoo. Alam kong akala niyo di ako ma iinlove. Akala ko rin eh... Let's all erase the doubts. We've learned from our mistakes... We won't do it again. Marami akong nasaktan." Sumulyap siya kay Abbie. "Marami akong ginamit... I'm sorry." Aniya.

"I'm sorry din." Sabi ko. "I'm sorry kung nasaktan ko si Troy-"

"How sure are you, Troy? Gaano ka kasiguradong di ka niya ipagpapalit?" Pinutol ako ni Abbie.

Nilunok ko na lang lahat ng gusto kong sabihin. May karapatan siyang magtanong ng ganun. Nagamit siya ni Troy, isa siya sa nasaktan, casualty sa gyera namin ni Troy.

"She loves me, too. At gaya ng sabi ko, we've learned from our mistakes." Sabi ni Troy.

Nagbulung-bulungan ang mga kaibigan niya. Nakita kong umiyak na sa gilid si Irene habang tinatahan ng mga kaibigan niyang models. Si Abbie naman ay umiiling habang kinakausap si Andrei. Si Theo at Nash ang unang tumapik sa likuran ni Troy at naglahad ng kamay.

"Congrats, Troy! Nagbago ka na!" Sabay tawa ni Nash.

Tinanggap ni Troy ang kamay niya at nagtawanan silang tatlo.

Sarap sa pakiramdam na naging okay na sila ng mga kaibigan niya. Hindi baling may ayaw parin saming dalawa. Ang importante ay nasabi niya ang mga importanteng bagay... ang mga katotohanan.

Habang nagkakatuwaan sila ay may napansin akong isang babaeng nakatingin sakin. Nabigla ako sa nakita ko!

"Troy, uhm, iwan ko lang kayo sandali... May pupuntahan lang ako." Sabi ko.

Mabilis na umalis si Jane nang nalaman niyang nakita ko siya.

"Ha? Saan ka-"

Hindi ko na pinatapos si Troy. Mabilis kong sinundan si Jane. Palabas siya ng school. Tumakbo na ako para maabutan ko siya. Pero sadyang maraming nakaharang na mga estudyante kaya hindi ko siya naabutan.

"JANE!" Sigaw ko.

Nang nasa kabilang kalsada na siya sa labas ng school, tumigil siya sa paglalakad at tinignan ulit ako. Nakita ko ang malulungkot niyang mga mata.

Nahirapan pa akong tumawid sa kalsadang puno ng dumadaang sasakyan. Nang nagkalapit na kami, kinabog agad ang puso ko sa sobrang galit, inis at pagtataka.

"Bakit mo ginagawa samin 'to?" Tanong ko.

Hindi siya nagsalita.

"Jane! Halos dalawang buwan tayo sa 30th floor. Wala ka bang konsiderasyon sakin? I cannot believe you!" Sabi ko.

"Anong alam mo? I love him, Trisha!"

Ikinabigla ko ang pagsasalita niya. Pero mas lalo kong ikinabigla ang laman ng salita niya.

"No, you don't love him, Jane! Lust lang ang nararamdaman mo sa kanya."

Umiling siya, "Nagmamalinis ka? Bakit ikaw? Lust din yan, Trisha! Alam mo akala ko noon, ikaw yung tipong di niya mabibilog kaya hinayaan kitang maglinis sa kwarto niyang puno lagi ng iba-ibang babae!"

Nagseselos o naiinggit siguro siya noon kaya hindi niya maatim na maglinis sa kwarto ni Troy.

"Nakita kita... Kasama siya habang kayo ni Jayden! How dare you do that to Troy! Oo!" Nakita kong lumandas ang luha sa mga mata niya. "Oo! Nagpagamit ako sa kanya noon. Matagal na yun pero mula noon minahal ko na siya. Pero di niya tinanggap. Wala siyang tinanggap. Kaya di maaring nainlove siya sa isang babaeng tulad mo! Ginamit mo lang siya! Hindi siya pwedeng second option, Trisha! Napaka..." Suminghap siya. "Napaka walang hiya mo! Napakalandi mo! Naiinis ako sayo!"

Nanggigigil siyang sumugod sakin para sampalin o sabunutan ako. Nanlaban ako! Hinila niya ang buhok ko. Hinila ko rin ang buhok niya. Tinulak ko siya palayo sakin.

"Stop this, Jane! Magkaiba tayo! Kung sana hindi ka naging ganito ka kitid, baka nagustuhan ka na niya. Patahimikin mo na lang kami! Stop this! Kung mahal mo talaga siya, hahayaan mo kami! Kung patuloy kang ganito, ibig sabihin obsessed ka lang sa kanya. Lust lang ang lahat ng iyan!"

Nanlaki at nanlisik ang mga mata niya. Sinugod niya ulit ako. Ang akala ko ay hihilain niya ulit ang buhok ko kaya pinigilan ko siya. Pero imbes na hilain niya ang buhok ko, ang engagement ring ang hinila niya sa daliri ko.

Hinagis niya ito sa ere.

"You don't deserve that!" Tumakbo siya palayo habang umiiyak.

Imbes na habulin ko siya, mas pinagkaabalahan ko ang paghahanap sa engagement ring. Buti agad ko itong nakita dahil masyado itong makinang.

Nilapitan ko agad at dinampot. Ang akala ko ay mawawala ko na ito. Gustong gusto ko ang naging proposal ni Troy kahit di niya ako tinanong. Hindi niya na naman ako kailangang tanungin.

*PEEEEEEEEEEP*

"TRISHA!" Narinig ko ang desperadong boses ni Troy kung saan.

Napalingon ako sa gilid at nakita ang isang van na babangga sakin.

I'm gonna die! Gusto kong tumakbo kahit alam kong huli na ang lahat. May tumulak sakin kaya tumilapon ako sa gitna ng lane.

Nabagok ng konti ang ulo ko. Napapikit ako sa sakit. Nang narinig ko ang malakas na tunog ng banggaan ay agad kong dinilat ang mga mata ko.

Nakahiga pa ako sa gitna ng kalsada habang nakita ko si Troy na nabangga ng van. Sa sobrang lakas ng collision, nakahiga siya ilang metro pa mula sa van.

Naramdaman ko ang pag-alis ng dugo at kaluluwa ko sa katawan. Tumayo agad ako kahit sobrang sakit pa ng ulo ko.

Tumigil ang mga sasakyan at marami nang papunta kay Troy. Hindi ako makagalaw. Gusto kong gumalaw pero ayaw sumunod ng mga paa ko.

Nakita kong dumudugo ang ulo niya. I think he’s also unconscious. Nakapikit lang siya at nakahiga.

Umapaw agad ang luha ko. Pinalibutan na siya ng mga tao. Nandoon din ang mga sakay ng van. I can’t freaking move. THIS IS JUST A DREAM!

"Tabi! Tabi!" Sabi nung isa sa mga usisero.

"Excuse me!! Excuse me!" Sigaw ko sa mga usisero habang tinutulak sila palayo nang natauhan na ako. "TROOOY!" Sigaw ko.

Gumalaw siya ng konti. Dumapo agad ang kamay ko sa bibig ko nang nakita ko siyang umubo at may lumabas na maraming dugo sa kanyang bibig.

Nanghina ang mga tuhod ko. Am I dreaming? Nakapikit parin ang mga mata niya habang pinagtutulungan siyang buhatin sa loob ng van.

"TRROOOY!" Humagulhol ako at sinundan ang mga taong nagbuhat sa kanya.

Dumaan sila sa harapan ko. Nakita ko ng malapitan si Troy na walang malay at duguan.

"Troy! Oh my God!" Sinundan ko sila papasok sa van.

"Sa pinaka malapit na ospital." Sabi ng isang tao.

Pinaharurot ng driver ang van habang sumusuka parin ng dugo si Troy.

I feel so damn helpless. Nakatunganga ako sa harapan niya habang nanginginig ang mga tuhod ko. Gusto kong pigilan ang mga dugong lumalabas sa katawan niya. Gusto kong gisingin siya! Gusto kong pilitin siyang idilat ang mga mata niya at aminin niya saking binibiro niya lang ako!

"Troy, wa'g mo naman akong biruin ng ganito..." Humagulhol ako.

"Miss, kilala mo ba siya?" Nagpapanic na tanong nung tao.

Tumango ako.

"Kaano-ano? Langya! Sana maagapan pa 'to! Langya!" Hinilamos nang tao ang kanyang kamay. Halatang kinakabahan at nagpapanic na.

"BILISAN NIYO MANONG! Please! Bilisan niyo!" Sabi ko.

Hindi na gumalaw ulit si Troy. Natigil na ang pag ubo at pag suka niya ng dugo.

Nanghihina ako habang tinitignan siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas para hawakan pa ang kamay niya. Sa ngayon, kamay ko na lang talaga ang may lakas. Humagulhol na lang ako sa pag iyak. Tunog nang tunog ang cellphone ko pero di ko sinasagot. Kay Troy lang ang buong atensyon ko. I swear to God, kaya kong i-give up lahat lahat sa buhay ko maging maayos nlang ulit siya. Kaya kong magsakripisyo nang kahit ilang beses, maging okay lang siya.

Please! Hindi na ako makahinga ng mabuti sa kaba! Hindi pa nag si-sink in sakin ang lahat. Hindi ko alam kung magwawala ba ako o sasabunutan ko na lang ang sarili ko. Please, let him be okay! He's my damn life!

Dumating kami sa ospital. Emergency room. Puro naka puti ang mga tao. Si Troy lang ang nababalot ng dugo. May dugo rin ako sa damit pero wala akong pakealam.

"Miss, bawal ka dito. Hintay ka na lang sa labas." Sabi ng doktor.

Ni check ang vital signs niya habang nag di-dress ng sugat ang mga nurse. Yung iba naman ay kinakabitan siya ng mga iba’t-ibang tubo sa dibdib.

Nakita kong umiling ang doktor habang kinukuha ang defibrilator sa kamay ng nurse. Yun ang huling nakita ko bago sinarado ang pinto sa Emergency Room.

Continue Reading

You'll Also Like

373K 12.3K 48
31 Days. 31 entries. 31 Wattpad Filipino writers. For the whole month of August, tayo ay magse-celebrate araw-araw! Handa ka na ba? #TWFBP2015
26.2K 907 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story ๐Ÿ˜˜ ALL EVENTS AND...
12.2K 363 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
56.5K 718 6
Sino ang SamanTop readers dito? Well then, you need to read this. If not, mamimissed niyo ang kalahati ng kaluluwa niyo. Haha. Kidding. Fanfic only.