POSSESSIVE 10: Lath Coleman

By CeCeLib

48.8M 968K 191K

Lath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

CHAPTER 3

1.7M 36.4K 12.2K
By CeCeLib

CHAPTER 3

SINUKLAY NI HAZE ang mahabang buhok na nakalugay gamit ang mga daliri niya, saka ininom ang in-order na tequila. Halos dalawang oras na siya sa loob ng Bachelor's Bar at umiinom. Hindi nakasama sa kanya si Thalia dahil kaarawan ng nanay nito.

"Shit, naman, o." Napasabunot siya sa sariling buhok.

Alam niyang lasing na siya pero gusto pa niyang uminom. Maybe because Lath remained on her mind like a permanent freaking glue.

Kahit anong pagtutulak niya sa lalaki para mawala sa isip niya, bumabalik pa rin ito. And she thought liquor could help her forget the insolent playboy, pero mali siya.

Shit talaga! Shit!

Bakit ba kailangan niya iyong gawin? Bakit kailangan niyang uminom?

She had to keep her job, that was why! Kung hindi lang ang mismong boss ang nagsabi sa kanya na pumunta sa bar na iyon, nuncang lalabas siya sa apartment niya.

Argh! Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdamang umiikot na ang paligid. She was drunk and alone! How dangerous could this be?

Siguro naman okay na na umuwi siya. Ang rason lang naman kaya pumunta siya roon ay dahil ayaw niyang masesante sa trabaho. Kaya nga hindi niya maiwan-iwan ang trabaho niya dahil malaki ang sahod at masaya siya sa ginagawa.

"Hey," bulong ng isang pamilyar na boses sa tainga niya.

Mabilis siyang napalingon at lalong sumakit ang ulo niya nang makita si Lath.

Ihinilamos ni Haze ang kamay sa mukha at pinukol ang lalaki ng masamang tingin. "Please, not now. Leave me alone. Ayokong makita iyang pagmumukha mo."

Umiikot ang paningin niya at naroon pa si Lath. Walang patutunguhang maganda ang kombinasyon na 'yon.

Siyempre, hindi na nakakagulat na hindi ito nakinig sa kanya. Umupo ito sa stool na katabi niya at um-order ng whiskey.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong nito sa kanya na nakangiti.

Inirapan niya ang lalaki. "Fuck off, Lath. Huwag mo akong kausapin."

Lath blew a loud breath. "Bakit ba galit na galit ka sa akin? Alam kong hindi maganda ang ginawa ko eight years ago pero matagal na 'yon. Matanda na tayong dalawa. Don't I deserve a second chance?"

At dahil sa pagdating ni Lath, um-order uli siya ng isang shot ng mojito naman at mabilis na ininom iyon.

Mahina siyang tunawa at bumaling dito. "Second chance?" Inungusan niya ito. "Giving you second chance is like a suicide, Lath. Ikaw 'yong uri ng tao na hindi binibigyan ng ikalawang pagkakataon." Dinuro niya ang dibdib nito. "You fooled me once, that's shame on me. But you are not fooling me the second time, hindi kita hahayaan."

"But, Hazey-baby, kasal na ang offer ko," mariing sabi ng lalaki. "At hindi kita lolokohin."

Mapakla siyang tumawa. "Wait, narinig ko na 'yan, eh." Umakto siyang nag-iisip. "Yeah, that's right. I heard it from you, asshole."

Lath sighed loudly. "Eight years ago, hindi mo kayang magmura. Eight years later, you perfected the art of cursing."

Nginisihan niya ito. "Hindi naman ako palamura. You just bring out the worst in me."

Lumamlam ang mga mata nito, parang nagpapaawa. "Ano ba ang magagawa ko para mapatawad mo ako? It's been eight years. Akala ko nakalimutan mo na 'yon."

Umirap siya sa hangin. "Puwede ba, Lath, maghanap ka ng ibang babaeng maloloko? Ayoko sa 'yo. Hindi kita gusto. Ano ba ang hindi mo maintindihan do'n?"

"I understand every word, Hazey-baby." Nagkibit-balikat ito. "I just don't care."

Itinirik ni Haze ang mga mata. "Pakialam ko naman kung wala kang pakialam."

And then she ordered a mojito again and again and again until she couldn't lift her arms anymore to drink. Wala siyang pakialam kay Lath na sinusubukan siyang pigilan.

Bullshit! Kailangan niyang uminom para wala siyang naramdaman. Seeing Lath again brought back painful memories. She couldn't believe that after all these years, may epekto pa rin sa kanya ang hinayupak. Gusto niya itong tirisin at ilibing nang buhay sa sobrang inis. Pero bukas na kasi lasing na siya.

And a problem hit her. Paano siya ngayon makakauwi nang lasing siya? Ang gaga talaga niya. Hindi nag-iisip.

"Argh!" Ginulo niya ang buhok at sinubukang ibukas ang mga mata pero hindi niya kaya.

Her eyelids felt heavy. She was sleepy and she felt weak. Bakit ba kasi siya uminom nang uminom? Gaga talaga siya. Gaga!

"Hazey-baby—"

"Please, Lath," pigil niya sa sasabihin nito sa lasing na boses. "Ayokong marinig uli na gusto mong magpakasal tayo. It's getting into my nerves." Bumuga siya ng marahas na hangin at tumayo. "I'm leaving."

Humakbang si Haze at pakiramdam niya ay umikot ang buong paligid. Naghanap siya ng mahahawakan at nakahinga nang maluwag nang may mahawakan siya para hindi sumubsob sa sahig.

"Careful." Lath's voice was soft.

Haze hissed at him. Nang makitang ang matitipunong braso pala nito ang nahawakan niya, agad siyang bumitaw dahilan para mapasubsob na siya sa sahig.

"Fuck!" Lath cursed and picked her up like she was the lightest thing on earth. "This is a very bad idea."

Gusto niyang magpumiglas pero wala siyang lakas. And even if she hated Lath, she knew she was physically safe with him. Alam niyang wala itong gagawing masama sa kanya.

And it was better that it was Lath Coleman than someone who would take advantage of her drunken state.

Bakit ba kasi uli siya naglasing?

Oh. That was right. Kasi iyon ang sabi ng may saltik niyang boss. At dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho, sumunod naman siya. Ngayon, habang karga-karga siya ng lalaking kinaiinisan niya, nakapag-isip-isip siya.

Napaka-weird talaga ng boss niya. Sino ang boss na nasa tamang pag-iisip na papupuntahin ang empleyado nito sa isang bar dahil bonus nito iyon sa magandang trabaho? Puwede namang i-congratulate lang siya.

Pero ano ba ang aasahan niya kay Sir Valerian Volkzki? May saltik ang boss niyang 'yon.

Ihinilig niya ang ulo sa matitipunong dibdib ni Lath. "Hoy, hudyo," sabi niya sa lasing na boses.

"Yes, Hazey-baby?" Napakalamyos ng boses nito, para bang hinehele siya o baka naman guni-guni lang niya dahil sa sobrang kalasingan.

Mahinan siyang natawa dahil sumagot ito. "So, inaamin mo talaga na hudyo ka?"

"Yeah." Mahina itong tumawa. "Sa binabalak ko sa 'yo, siguradong kapag namatay ako, front seat ako patungong impyerno."

Umingos siya, saka pilit na ibinubukas ang mga mata pero napakabigat ng mga talukap niya.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Suminok siya. "Lashing na yata akow, eh."

Tumawa si Lath. Naramdaman niyang tumigil ito sa paglalakad at narinig niyang may bumukas na pinto. And then she felt him depositing her in a seat. Basi sa amoy, nasa loob siya ng sasakyan nito.

Hinilot ni Haze ang sentido at sinubukang imulat uli ang mga mata pero bigo siya.

Shit! Hindi lang mga mata niya ang may depekto, parang minamartilyo ang ulo niya sa sakit at nasusuka siya.

Narinig niyang may bumukas uli na pinto, and then the car shook a little. Siguro ay sumakay na si Lath.

Isinandal niya ang likod sa sasakyan. "Lath?"

"Hmm..."

"Take me home and leave me alone."

Lath just chuckled. "Sige, iuuwi kita sa bahay sa isang kondisyon."

Bumaling siya sa direksiyon na pinanggagalingan ng boses nito pero hindi niya iminulat ang mga mata. "Ano naman?"

"Sign this."

Pilit niyang iminulat ang mga mata pero wala talaga. Kapag pinipilit niya ay lalo siyang nasusuka.

Haze groaned. "Letse ka talagang lalaki ka. Lasing na nga ako at lahat, papipirmahin mo pa ako." Inilahad niya ang kamay. "Give it to me." She badly wanted to get home.

Mabilis na ibinigay sa kanya ni Lath ang papel na pipirmahan. At dahil sa kalasingan, hindi na siya nagtanong kung para saan 'yon. Basta nang igiya nito ang kamay niya sa kung saan siya pipirma, mabilis niyang pinirmahan iyon at ibinalik ang papel sa lalaki.

"Iuwi mo na ako." Humilig siya sa bintana nang maramdamang inaantok siya. "Shit..." Her voice slurred. "Siguruhin mo lang na hudyo ka na iuwi mo ako sa bahay nang walang ano mang galos, kundi kakatayin kita."

Lath tsked. "Lasing na nga, matapang pa rin." Mahina itong tumawa. "Kaya gusto kita, eh."

Haze snorted. "Sinungaling."

"I'm not."

"Yeah, and hell is full of rainbows," she said in sarcasm and yawned. "Iuwi mo ako at please lang, huwag ka nang magpapakita sa akin."

"Can't do that, Hazey-baby. Not after you signed the contract."

Masyado na siyang inaantok para itanong kung ano ang ibig sabihin nito. She was already dozing off to dreamland.



SA HALIP NA SA SB Condominium magtungo kung saan nakatira si Haze, tinahak ni Lath ang daan papunta sa bahay ni Knight Velazquez. Napailing-iling siya sa pinaggagagawa niya para lang makuha ang gusto.

His plan was bound to get disastrous. Nararamdaman niya iyon pero sige pa rin siya nang sige.

Ipinarada ni Lath ang sasakyan sa labas ng malapalasyong bahay ni Knight sa Bachelor's Village. Nasa labas na ang kaibigan niya at hinihintay siya.

Inilahad nito ang palad. "Akin na. Bukas ko aasikasuhin." Ngumiti ito. "I might need the help of Evren Yilmaz to pull some strings."

Evren Yilmaz was Dark's friend. Naging kaibigan na rin nila ang lalaki na isang magaling na abogado.

"Sure." Inilagay niya ang marriage certificate sa nakabuka nitong kamay at ngumisi. "I need a copy of that tomorrow before lunch." Itinuro niya ang sasakyan. "Kasama ko si Haze. Sa tingin ko late siyang magigising bukas."

Mahinang natawa si Knight at napailing-iling. "You are a cunning man, my friend." Tinapik nito ang balikat niya. "Hindi ka sana masunog sa apoy na nilalaro mo."

Nagkibit-balikat lang siya. "So what if I got burned? Kasal na kami simula bukas ng umaga. Wala siyang pera pampa-annul at hindi ko siya hahayaan."

Mataman siya nitong tinitigan. "Mahal mo siya?"

Mabilis siyang umiling kasabay ng mabilis na pagpintig ng puso niya. "Nope. It's just a promise that I have to keep."

Knight rolled his eyes. "Whatever, Coleman Number Two." Halatang hindi ito naniniwala sa kanya.

Nagpaalam na si Lath sa kaibigan at bumalik sa kotse niya. He drove to Cali's Port. Doon nakadaong ang Black Pearl Yacht na pag-aari nila ng kakambal niyang si Lash.

Speaking of his twin, kumusta na kaya ito ngayon? Dapat magsaya ito dahil kasama nito ang babaeng pinakamamahal sa Baguio. Of course it was thanks to him why they were secretly together now.

Itinigil niya ang kotse, saka nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan. Umikot siya sa passenger's seat at binuksan iyon. Binuhat niya si Haze at maingat na tinahak niya ang daan papasok sa Black Pearl Yacht.

Natatawa na si Lath sa magiging reaksiyon nito bukas pagkagising. Siguradong magaganap bukas ang World War III. And he intended to win.

When he entered his yacht, he instantly went to his room. Ihiniga niya ang babae sa kama, saka hinubad ang lahat ng saplot nito sa katawan. He tried to act like her sexy hot body did not affect him at all. Gumagana ang pagpapanggap niya—pero natigilan siya sa ginagawa nang ang panty na nito ang huhubarin niya.

Seeing her breasts was bearable to his growing lust. Pero ang makita ang pagkababae nito, baka mahibang siya. Seeing was not enough. He had to touch it, feel it—Okay. Stop! Focus, Lath! Focus! Get your head in her pussy—holy fuck! Get you head in the task, not in her pussy! Fuck it!

This is a plain torture.

Wala sa sariling bumuka ang mga hita ni Haze.

Torture, I tell you!

Biglang nanubig ang mga bagang niya. Shit! Why the hell am I sweating in cold?

He should close his eyes as he pulled down her undies, but he didn't. Dilat na dilat ang mga mata niya habang hinuhubad ang panty ng babae. He even studied her pubic hair. Mukhang bagong shave.

Lath couldn't stop himself from leaning close to Haze's womanhood and smelling it.

Damn. Smells like peach.

Napalunok siya, saka mabilis na kinumutan ang babae. He had to stop his saliva from drooling. Fuck this! I don't drool over gorgeous women.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga, saka hinubad ang lahat ng damit sa katawan at nagtungo sa gilid ng yate. At mula sa kinatatayuan, tumalon siya sa dagat.

He needed a swim and a quick masturbation.

Fuck it!



MAAGANG NAGISING si Lath at maganang nagtungo sa kusina. And because he couldn't even cook to save his life, um-order siya ng agahan sa Délicieux Restaurant ni Thorn Calderon.

Thorn was his distant cousin on his mother side.

Habang hinihintay ang in-order ay nagkape siya. Ilang minuto ang lumipas, habang sumisimsim ng kape, narinig niya ang pag-iingay ng cell phone niya.

Inilapag niya ang tasa sa counter island at sinagot ang tawag.

"Yow," sabi niya na nakangiti nang makitang si Thorn ang tumatawag.

"Yow-hin mo 'yang mukha mo," Thorn growled. "Dapat may extra pay ako nito. What the fuck are you doing in the middle of a freaking ocean?"

Mahina siyang natawa. "May mata ka naman kaya alam kong hindi ako nasa gitna ng karagatan."

"Well, to me, you are."

"I'm just two hundred or three hundred meters away from Sudalga's Port... I think."

Last night before he slept, he maneuvered the yacht away from the port. Baka makatakas pa si Haze.

"Yeah, yeah. I'll be there in a minute." Pagkasabi niyon ay nawala ang kausap sa kabilang linya.

Inubos ni Lath ang tinimplang kape, saka nagtungo sa lower deck ng yate para salubungin si Thorn.

Mahinang natawa at napailing-iling siya nang makarinig ng ingay na papalapit sa kinaroroonan niya. Tinanggal niya ang suot na sunglasses nang makita ang paparating na speedboat.

Lath grinned when the speedboat stopped meters away from his yacht.

Ngumiti si Thorn nang makita siya, saka may itinaas na paper bag. "Heto na ang order mo."

Ibinuka niya ang mga kamay. "Ihagis mo sa akin ang lubid para mahila kita palapit."

Agad namang sumunod si Thorn at inihagis ang lubid sa kanya. Gamit ang lahat ng lakas, hinila niya palapit ang speedboat, saka inabot ang hawak na paper bag ni Thorn.

Ibinuka ni Thorn ang kamay. "Bayad mo."

Napakamot si Lath sa batok. "Wala akong dalang pera."

"Marami ka nang utang sa restaurant ko. Ang haba na ng listahan mo." Pinandilatan siya nito, saka itinuro ang limang malalaking box na nakalulan sa speedboat.

"Ano'ng mga 'yan?" tanong niya.

"Pagkain at damit daw para sa kinidnap mo." Thorn rolled his eyes. "Ipinapabigay ni Lysander. Nasisiguro daw niyang damit mo lang ang dala mo."

Malakas siyang natawa. "He... is right."

Paisa-isang iniabot sa kanya ni Thorn ang malalaking box. "And here." May iniabot ito sa kanyang folder. "Ipinapabigay daw ni Knight Velazquez."

Napangisi siya nang maisip kung ano ang laman ng folder. Hmm... looks like I'm now married.

"I owe you, man," sabi niya.

Itinirik ni Thorn ang mga mata. "Mahaba na ang listahan mo sa restaurant ko. May tubo na iyon ng ten percent kapag binayaran mo. Kapag nagtagal, dagdag twenty percent."

Lath just rolled his eyes.

"I'm leaving." Pinaandar ni Thorn ang speedboat at umalis na ito.

Lath sighed and left the boxes in the lower deck. Mamaya na niya iyon bubuhatin patungo sa kusina. Tanging ang agahan lang na in-order niya at folder ang dala habang umaakyat sa hagdan patungo sa top deck.

As he emerged from the stairs, Haze's angry voice filled his ear. Natigilan siya.

"Nasaan ako?! Saan mo ako dinalang hinayupak ka?!"

Bumaling siya sa direksiyon na pinanggalingan ng boses at humugot ng isang malalim na hininga nang makita ang bagong gising na si Haze. Sabog pa ang mahaba nitong buhok at nakatapi lang ng kumot.

Nanlilisik ang mga mata nito habang nag-aakusang nakatingin sa kanya.

Yes. World War III is about to start. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

87.3M 1.6M 43
LUSTING over Grace Oquendo was not good for Valerian Volkzki's health. He should be working his ass off and firing his employees who go against his w...
5.6M 160K 79
Love obliterates fear. Jergen Carbonell Camince isn't your typical SSG President. She's far from perfect, and she isn't afraid to expose her imperfec...
2.8M 102K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

108K 2.8K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]