Sacrifice (JulNiel)

By peterpan26

65.4K 1K 261

Anong kaya mong isakripisyo para lamang sa pag-ibig? More

Sacrifice (JulNiel)
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
NOTE
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabing-dalawang Kabanata
Ikalabing-tatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabing-limang Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabing-pitong Kabanata
Ikalabing-walong Kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ikadalawangpong Kabanata
Ikadalawangpu't-isang Kabanata
Ikadalawangpu't-dalawang Kabanata
Ikadalawangpu't-tatlong Kabanata
Ikadalawangpu't-apat na Kabanata
Ikadalawangpu't-limang Kabanata
Ikadalawangpu't-anim na Kabanata
Ikadalawangpu't-pitong Kabanata
Ikadalawangpu't-walong Kabanata
Ikadalawangpu't-siyam na Kabanata
Ikatatlongpu't-isang Kabanata
Ikatatlongpu't-dalawang Kabanata
Ikatatlongpu't-tatlong Kabanata
Ikatatlongpu't-apat na Kabanata
Ikatatlongpu't-limang Kabanata
Ikatatlongpu't-anim na Kabanata
Ikatatlongpu't-pitong Kabanata
Ikatatlongpu't-walang Kabanata

Ikatatlongpong Kabanata

992 16 1
By peterpan26

PAT’S POV

Hirap naman pala ang loner. Kahit papano namimiss ko nadin si Gerald. Kasi kahit makulit siya, atleast may nakakasama padin ako. Atleast may tumatanggap padin sakin kahit ganito ang ugali ko.

“Hey, Patricia right?”

Biglang tumabi sakin si Yaelle. Yung bagong loveteam ko.

Tumango nalang ako.

Cute naman siya but just not my type.

Mukhang mayabang pa’t maangas. Kabaliktaran ng mukha niyang parang angel. Angelic face.

“Mahal mo si Giann no?”

Tanong niya sakin.

Napatingin ako sakanya and gave him a ‘what-are-you-saying’ look.

“Suss. Wag ka na magkaila. Ramdam ko. Pansin ko. Wagas ka makatitig sakanya eh. tsaka every scene niyo naman nagiging heart na yang mata mo. Hahahaha.”

Napatawa naman ako sa sinabi niya.

“Heart? Baliw ka ba?”

Natatawa kong tanong sakanya.

“Eh totoo naman eh. Hahahaha. So ano, may gusto ka nga?”

Tanong niya ulit.

“Mali ka.”

Sabi ko sakanya.

“Huh? Di pa kaya ako nagkakamali sa mga ganyan. Ramdam ko talaga eh.”

Di makapaniwalang sabi niya.

Napatawa nalang ulit ako.

“Hindi ko siya gusto. Kasi, mahal ko siya.”

Sabi ko.

“Yun oh. Lakas ng tama mo sakanya ha. Tsaka parang naging totoo na ang Mara Clara sainyo ni Francel. Si Christian si Giann. Naman.”

“Oo nga no. Halos pareho lang pala. Hahaha. Pero syempre, hindi magiging ClarTian sa huli kasi MarTian ang loveteam eh.”

 

“Eh paano naman ako? Paano si Hans?”

Hans ang name ni Yaelle sa Mara Clara.

“Eh kayo nalang kasi ni Mara. Kayo nalang ni Francel. Bagay naman kayo eh. YaNcel.”

Sagot ko.

“YaNcel? Di bagay. Mas magandang pakinggan ang PatElle.”

Sabay kindat niya sakin.

Infairness, gwapo! Hihihi.

“Tigilan mo nga ako. Suss, if I know, crush mo na pala ako.”

Tsaka ako nagsmirk sakanya.

“Ikaw? Crush ko? Suss. Impossible. Baka ikaw niya dyan eh. Pusong lito na kasi hindi mo alam kung sino na talaga samin ni Giann ang gusto mo or should I say mahal mo.”

Cool niyang sabi.

Aba, pusong lito? Baliw talaga eh. Ang epal. Hahaha.

“Kapal mo din po. Hahahaha. Sige na. Uwi na ako.”

Sabi ko. Anong oras na din kasi.

“Hatid na kita.”

Pag-ooffer naman niya.

“Wag na.”

Pagtatanggi ko sa alok niya.

“Naku. Wag mo na akong tanggihan. Sakit ka sa ego. First rejection ko yun. Sakit.”

Sabay arte niyang hawak sa puso effect.

Napatawa nalang ulit ako.

“Baliw ka. Sige na nga. Kasalanan ko pa kung sakaling maheart attack ka pa.”

Inakbayan naman niya ako tsaka kami nagtungo sa kotse niya.

Nakarating kami sa bahay.

“Thank you ha?”

“No problem.”

“Ingat ka.”

“Ikaw din. Lalong lalo na yang puso mo, ingatan mo.”

Sabay kindat na naman niya sakin.

“Whatever Yaelle. Bye!”

At pinaharurot na niya ang kanyang kotse.

“Good evening Mommy.”

Masayang bati ko kay Mommy.

Ewan ko ba. Good mood ako ngayon eh. Basta ang saya ko. Sobra.

“Mukhang masaya ka ngayon ha.”

Tanong ni Mommy sakin.

“Opo. Sige po. Pasok na ako sa kwarto ko.”

Pagpapaalam ko.

“Patricia.”

Pigil sakin ni Mommy.

Liningon ko naman siya.

“Po?”

“Sana ganyan ka nalang palagi. Palaging masaya.”

Isang ngiti naman ang itinugon ko kay Mommy tsaka ako tuluyang nagpunta sa kwarto ko.

Sa totoo lang, ewan ko.

Ngayon nalang ulit ako tumawa ng ganun.

Ngayon nalang ulit ako naging masaya.

Dahil ba to kay Yaelle?

Siguro nga. Iba din kasi siya. Galing magpatawa. Galing pang maggdougie. Oh diba? Bongga.

KINAUMAGAHAN

Actually, yung kahapon, yun ay nung tapos na ang presscon.

Humiwalay kasi si Giann at Francel eh. Ewan ko kung saan sila nagpunta. Nagdate? Sila na kaya? Sana hindi pa.

“Pat, may bisita ka.”

Tawag sakin ni Mommy.

Nag-ayos naman ako ng konti.

Sino naman kaya yun?

Sa pagkakaalam ko naman kasi wala na akong kaibigan. Matapos ng mga ginawa ko kay Francel.

Bumaba na ako.

Nakatalikod yung bisita.

Lalake.

Maputi.

Matangkad.

Pinagmamasdan ko lang ang likod niya habang bumababa ako.

Infairness, likod palang, ulam na! Hihihihi. Kelan pa ako naging ganito kalandi mag-isip? Haha.

Paglingon ni guy sakin.

Slowmo.

“AAAHHHHHHH!”

“PAT!”

“Aray.”

Napahawak nalang ako sa may bandang pwet ko.

Ang sakit. Ang sakit sakit.

Kung bakit naman kasi may slowmo effect pa daw itong si Yaelle paglingon niya sakin. Yun tuloy, di ko nakita yung pinagbababaan ko. Nahulog tuloy ako sa hagdanan. Wa poise! Bawas ganda points.

Eh? Para saan ang ‘ganda points’? As if naman nagpapaimpress ako sakanya no.

Binuhat ako ni Yaelle papuntang couch namin.

Bridal style. Oh diba?

Feel na feel ko naman daw. Hihihi.

“Sa susunod kasi mag-iingat ka.”

Sabi ni Yaelle sakin habang binababa ako.

“Ikaw kasi, lumingon ka eh.”

Pabulong ko naman sabi.

“Patricia nakuu. Mag-iingat ka. Ngayon ka lang nahulog sa hagdanan natin. Dito muna kayo. Tatawagan ko muna si Manang sa likod para mahilot ka.”

“Ahh Tita.”

Pigil naman ni Yaelle.

“Ako po. Magaling po akong manghilot. Ako naman po.”

Pagprepresinta nito.

Infairness, mabait. Plus one point! Hihihi.

“Ganun ba. Oh sige. Kunin ko lang yung oil sa taas.”

Sabi ni Mommy bago tuluyang umalis.

“Bakit nung lumingon ako?”

Tanong naman sakin ni Yaelle nung kaming dalawa nalang.

Patay. Narinig niya pala. Matalas ang pandinig. Tss.

“N-nagulat ako kaya ayun, nahulog ako.”

Pagsisinungaling ko.

“Nahulog o namesmerize ka sa kagwapuhan ko.”

Lapit mukha at kindat.

Teka. Mali yata ang naging reaction ko. Ako? Nagblush? ASA.

Teka seryoso. Kinabahan ako nung nilapit ni Yaelle ang mukha niya sakin. Mas lalo kong narealize na ang gwapo niya pala sa malapitan. Hihihihi.

Ewan ko din kung kinabahan ang right term dun. Basta naramdaman ko nalang na bumilis ang tibok ng puso ko which is weird. Really weird.

“Eto na.”

Nakabalik na pala si Mommy.

Kinuha ni Yaelle kay Mommy yung oil tsaka siya pumwesto.

“Ar-aray naman. Dahan dahan. Masakit eh.”

Angal ko.

Ang sakit naman kasi talaga.

“Pasensya. Masakit pala talaga.”

This time, mas soft na pero tamang lakas lang.

After ng hilot session nagmeryenda na kami.

“Sige po. Mauna na po ako.”

Pagpapaalam ni Yaelle.

“Sige hijo, mag-iingat ka. Tsaka salamat na din sa pagdalaw.”

Sabi ni Mommy.

Suss. Sakin nagpapaalam eh. Makasagot naman daw si Mommy.

“Sige Yaelle. Bye. Ingat.”

Sabi ko din naman.

Ngumiti si Yaelle tsaka umalis na.

“Patricia ha, pinagpalit mo na ba si Giann?”

Tanong ni Mommy sakin.

“Mommy naman. Taas na po ako.”

Sabi ko naman. Tatakas lang sa mga susunod na tanong ni Mommy. Hahahaha.

Nung nakarating na ako sa kwarto ko, naglaptop na muna ako. Magchecheck lang sa Facebook at Twitter ko.

Bigla namang may kumatok.

“Pasok!”

Sabi ko.

Narinig kong nagbukas ang pinto. Hindi ko nilingon kasi nakita kong finollow pala ako ni Yaelle. Hihihi.

Dahil sa wala naman akong naririnig na nagsasalita, nilingon ko na.

“FRANCEL?”

Gulat na gulat ako. Bakit? Anong ginagawa niya dito?

Nilibot niya ang tingin niya sa buong kwarto ko. Napansin kong napatitig siya ng matagal sa desk malapit sa kama ko kung saan nandun dati ang picture naming dalawa.

Actually, tinago ko yun.

Alam niyo na. Sa sobrang sama ng mga pinaggagagawa ko kay Francel, hindi na ako worth na maging bestfriend pa niya.

“Anong ginagawa mo dito?”

Tanong ko. Binalik ko ulit ang tingin ko sa laptop.

“Pat, totoo ba? Totoo bang tinago mo yung bracelet na bigay sakin ni Giann para magalit siya sakin?”

Napapikit ako. Alam na pala niya.

Sinara ko ang laptop tsaka ako tumingin sakanya.

“A-anong pinagsasabi mo d-dyan. A-anong akala mo sakin? D-desperada?”

Pagtatanggi ko. Hindi ako makatingin sakanya. Hiyang-hiya ako.

“Pat, kilala kita pag nagsasabi ka ng totoo at sa nakikita ko, nagsisinungaling ka lang. Pat, sabihin mo sakin yung totoo.”

Lumapit siya sakin.

“Francel, w-wala akong alam sa mga p-pinagsasabi mo. Oo. Mahal ko si Giann pero hindi ko naman gagawin yun.”

Still, hindi ako makatingin sakanya.

“At eto pa. Siniraan mo pa pala ako kay Giann. Sinabi mo pang sinangla ko yung bracelet kasi may sakit si Lola.”

Iyak siya ng iyak. Ako nga eh maiiyak na din.

“G-grabe naman yata kung g-gagawin ko y-yun sayo. Bestfriend nga kita diba?”

“Eh bakit hindi ka makatingin sakin? Pat, tignan mo ako sa mga mata. Ginawa mo ba talaga ang mga yun?”

This time tinignan ko na siya.

Namumuo na ang luha sa side ng mata ko.

“Francel, bestfriend kita pero mahal ko si Giann at alam mo yun!“

“Pat, bestfriend? Yun nga eh. bestfriend kita. Hindi ko lubos inakala na magagawa mo sakin ang mga yun. Sobra na yun Pat. Sobrang sobra.”

Naiyak na talaga ko. Hindi ko na nakayanan.

“Francel, sorry. Alam mo naman diba? Gusto ko si Giann. Mahal ko siya.”

“Oo Pat. Alam ko. Pero sapat na ba talagang rason yun para magawa mo yun sakin?”

“Hindi ka pa kasi nagmamahal Francel. Hindi mo alam. Kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat para makuha lang sila. Ganun ko kamahal si Giann, Francel.”

“Francel, best, sorry. Sorry sa mga nagawa ko. Alam kong mali. Sana maintindihan mo ang ang rason kung bakit ko yun nagawa. Sana magawa mo akong patawarin.”

Dagdag ko pa. Yinakap ko na siya ngayon.

“Hindi ko alam Pat. Hindi ko alam. Ewan ko. Pero sa ngayon, hindi ko muna kayang tanggapin ang sorry mo.”

Tinulak niya ako.

Umalis na siya.

Naiwan akong umiiyak.

Naiintindihan ko naman siya eh. Alam ko. Ang hirap patawarin ng mga ginawa ko sakanya to say na bestfriend pa naman niya ako.

I’m hopeless.

Kelangan ko ng kausap.

Kelangan ko ng kaibigan.

Kelangan ko ng taongmasasandalan.

Pero wala eh.

Continue Reading