All I Wanted (Bachelorette Se...

Od ailyween

708K 13.7K 475

Book Three of Bachelorette Series ✔️ Completed (As of 11/01/19 #1 in #fixedmarriage) How do I make him love m... Více

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Bonus Chapter

Chapter 4

23.9K 549 15
Od ailyween

Chapter Four

"Where are you?" Bungad niya kay Blake na kausap niya sa cellphone.

"Who is this?" He said in his baritone voice.

Napataas siya ng kilay, as if makikita ng binata ang pagtataray niya. "I'm hurt. You don't recognize my ever so lovely voice?" Saad niya na parang nasasaktan.

"Cut the crap Ianna." Mariin nitong saad.

Napangisi siya. Just a few words and he's already irritated with her. Talent niya na ata talaga ang mang-inis ng tao. Mali, ang inisin ang isang Blake Arcega.
Tumikhim siya. "Anyway, pinapatanong ng mommy mo kung nasaan ka na at anong oras ka raw dadating?"

Natahimik ito ng ilang segundo. "I can't make it. Busy ako dito sa school."

"Oh." Napatango siya at pinanood ang mommy niya at ang mommy nito na abala sa pag-uusap. Siguro ay para sa kasal. Nasa showroom sila ng napiling wedding organizer ng kanilang mga magulang para magdecide ng motif at theme ng kasal etcetera, etcetera.
"Well, ikaw ang bahala pag nagtampo ang mommy mo."

"Look...." Natigilan ito ng may nagsalita sa background.
Babe, let's go? I can't wait to see the movie.

Napataas siya ng kilay, kung kanina naaaliw siya sa pang-iinis dito ngayon ay gusto na niyang magbeast mode sa narinig. She chuckled dryly. "Wow, just wow. Ipagpapalit mo ang wedding preparations para lang manood ng movie? Ang busy mo  ngang tao! Nakakahiya naman sa'yo! Baka next time kailangan ko na ring magpa-set ng appointment sa pagtawag ko sa'yo. Nakakahiya naman, busy ka kasi masyado sa school. Hindi ako na-inform na may movie house rin sa school mo? Ang galing 'no?" She asked full of sarcasm.

"Wala kang pakialam." Suplado nito.

"My ego is hurt. Hindi pa man tayo kasal nangbabae ka na."

"She's my girlfriend." He said dryly.

Napataas ulit ang kilay niya, baka umabot na sa anit niya iyon. She rolled her eyed, she wish he can see her right now. "And I'm your soon to be wife. Legally speaking, ako ang papanigan ng mga tao. Girlfriend mo lang siya." She said stressing the word 'lang'. "Ako, magiging asawa mo na, in a few months time."

Nagsimula siyang maglakad papunta sa mga ginang na kasama niya.

"But she's the one I love." Katwiran nito.

Tsss! Sisiw, hindi siya iyong basta-bastang nasasaktan. She is born a warrior. Pakiramdam niya nga ay nasobrahan na siya sa pagkamanhid. "Oh the hell with love, hindi mo yan magagamit sa korte. It's still legality over love my dear Blake." Napangiti siya, pakiramdam niya ay nasaniban siya ni Lj, my korte at legality na siyang nalalaman!

"I really hate you and your guts. You are so full of yourself. You're a cruel bitch......."

"Tita, hindi raw po makakarating si Blake." Putol niya sa sinasabi ni Blake sa phone, nagkunwari pa siyang malungkot at nanghihinayang habang umuupo sa harap ng mommy niya at ni Tita Mercy.

"Bakit naman daw? Ang sabi niya kagabi dadating siya?" Medyo inis na ang mommy nito dahil kanina pa sila naghihintay.

"Ay kasi tita mas mahalaga daw iyong lakad niya ngayon. Mas mahalaga kesa sa wedding preparations namin." Sumbong niya. Lihim siyang napangisi sa kanyang utak.

Akala ng Blake na ito ha?!

"Anong lakad naman daw?" Nagtatakang tanong ni Tita Mercy.

"May movie date daw po with......."

"Don't you dare say that Ianna!" She heard Blake boomed on the other line.

"But that's what you told me." She said innocently talking to him. "Magsasabi lang naman ako ng totoo kay Tita. I don't want to lie just to cover up your movie date with your girlfriend." She blurted. Wala ng pasakalye, talagang binuking na niya ito. Ganti lang yun sa pagpaparamdam nito na sa kanya na mahal na mahal nito ang girlfriend nito at na wala siyang pag-asa sa binata. Pati nari ng pagtawag nito sa kanya ng iba~ibang pangalan.

She is the living proof of the word 'karma'. Mess with her and expect your karma, sooner than you expected because dear, she is karma itself.

"You didn't just blurted that to my mother." Galit nitong saad. Halatang galit na talaga ito.

"What?!" Sigaw ni Tita Mercy ng maproseso ang sinabi niya. "He's out on a movie date with that girlfriend of him?!"

Hala, mas galit na ang nanay nito.

"Mare, akala ko ba nakipaghiwalay na ang anak mo sa girlfriend niya? Ayaw ko namang magmukhang third party ang anak ko." Saad naman ng mommy niya.

"Hindi, hindi. Nag-usap na kami ng batang iyan. Give me the phone Ianna, I'll talk with that hard headed man."

Inabot niya agad ang cellphone niya. Takot lang niyang siya ang mapagbuntunan nito ng galit. She have never seen her Tita Mercy this angry.

"Blake." She said dangerously. "Napag-usapan na natin ito hindi ba? Now, you came here or I'll tell your dad about this." Iyon lang at ito na mismo ang nag-end ng call. Inabot nito ang phone sa kanya.
"Pasensya na kayo, mare at Ianna. Maybe he's starting to break up with the girl."

Hindi na siya nagkumento pa. She knew better. Sa mga sinabi ni Blake kanina mukhang malayong mangyari ang sinasabi ng kanyang Tita.

After fifteen minutes, humahangos na dumating si Blake. Naupo ito sa tabi niya dahil wala naman ng iba pang bakante. Kaharap nila ang kani-kaniyang ina at sa one seater naman ang isang bading na sa tingin niya ay ang wedding planner.

"Okay, the future groom is here so let's start. I'm Leo but of course I prefer you calling me Lia." Pakilala ng bading na siyang ikinatawa ng mga ginang.

"Nice to meet you Lia." Bati ng dalawa.

Nginitian lang niya ito samantalang si Blake ay tinanguan lang ito.

"Magsisimula muna tayo sa pinaka-importante, ano po ang gusto ninyong kasal. Is it a church wedding, garden, beach?"

Nagtinginan ang mga nanay nila. "I think we should go with the traditional one." Pahayag ng mommy niya.

"Ay naku mommy, baka masunog ako sa simbahan! You know the whole set-up, baka magtampo po
ang Diyos sa atin." She make it sound lightly kaya napangiti tuloy ang dalawang kaharap niya.
Ewan ko lang kung hindi rin masunog 'tong katabi ko sa sama ng ugali niya. She said to herself.
"Isa pa, I'm no saint mom. Baka pagpasok ko pa lang ng simbahan sunog na agad ako." She kidded which made them chuckle, except Blake of course.

"Garden wedding?" Suggest ni Tita Mercy.

"Nag-garden wedding na po iyong kaibigan ko last year Tita, ayaw ko namang masapawan ang kasal niya." Saad niya na ang tinutukoy ay ang kasal ni Leian.

"Why don't we ask the groom?" Saad ni Lia.

"Anything will do." Tipid nitong saad.

She rolled her eyes, wala na siyang pake kung makita pa iyon ng mommy ng binata.
"Bakit hindi na lang sa isang function room? Para minsanan ang venue, hindi hassle. After ng wedding, kainan na agad, nakaupo na agad sila sa kanilang mga upuan and ready to eat. Hindi na mahahassle ang mga bisita at makakatipid pa tayo sa oras." Saad niya.

Tumango-tango sila.

"You have a point hija."

"Thank you Tita." She said smiling to Blake's mom.

"Naku! Quit calling me Tita, mabuti pa sanayin mo ng tawagin akong mommy."

Ang bait talaga ng parents ni Blake sa kanya. She can say that they like her kahit nga ganun ang ugali niya. Mataray, matapang at napaka-straightforward. "Sige po Ti.... I mean m-mommy."
She give her a genuine smile. Atleast mabait ang magiging mother-in-law niya diba? Iyong iba nga namomroblema sa mga in-laws nila. Pero siya, sa mismong mapapangasawa niya namomroblema. Hanep!

"Madaming function rooms na available, mamili lang kayo ng hotel at kami na ang bahalang makipag-contact sa kanila." Lia said while writing something on his/her planner.

"Pilihin mo iyong pinaka-sikat na hotel dito sa bansa Lia, don't mind the price. Madami kaming bigating mga bisita, so we want the best." Saad ng mommy niya.

"Noted madam. I'll set an appointment para macheck natin iyong mga venue. I'll narrow down the choices into three, is it okay?" Tanong nito at tumango sila bilang tugon. "Ngayon naman, sa mga detalye na tayo ng kasal. Unahin natin ang motif, mixture of three colors tayo and white is the third one kaya dalawa na lang ang pipiliin ninyo." Itinuro nito ang parang album sa coffe table na nasa harapan nila. "We have samples there."

"No need." She said. Napag-isipan na kasi niya ang gusto niyang mga kulay. "I want red, peach and white."
Gusto niya kasi na sa motif pa lang, Ianna na ang dating. Red is a fierce color and it's her color, hinaluan niya lang ng peach para mabalance ang combination at dahil bagay talaga silang magkakasama.

"Very nice hija. It describes your personality well." Saad ng mommy niya. "Blake, is it okay with you?"

Nag-angat ito ng tingin at tipid na ngumiti. "It's okay, Tita."

"So it's set. Sa cake naman po tayo. May mga designs din kami, mamili na lang po kayo." Saad ni Lia na inaabot sa kanya ang isang album.

Inabot niya iyon at lumapit kay Blake upang makita din nito ang mga cakes. Malay niya ba kung metikoloso ito sa mga pagkain. Nakatatlong buklat na siya pero wala parin siyang mapili. Kung hindi masyadong simple, masyado namang bongga. Gusto niya iyong simple at the same time elegante.

"It's just a cake, kahit ano na lang diyan." Saad ni Blake na naiirita na ata sa kanya.

She glared at him. "It's not just a cake Blake, it's my wedding cake! At isang beses lang ako ikakasal sa tanang buhay ko."

Nagsukatan sila ng tingin, huh! Nunca siyang magpapatalo. Magaling ata siya sa titigan.

Sabay silang napalingon sa kanilang mga nanay ng makarinig ng shutter sound.

"Ay! Naka-on pala ang shutter sound ng camera ko!" Gulantang na saad ng kanyang ina.

"Naku mare, nabuking tuloy tayo." Sang-ayon ni Tita Mercy.

"Mom!" Saway niya sa dalawa.

Her mom just smiled sheepishly at her. "Ang cute niyo kasing tignan anak. Bagay na bagay!"

Tumikhim si Blake kaya dito naman siya napatingin. Sinamaan niya ito ng tingin.

"Just choose a cake Ianna."

Inirapan niya muna ito bago binalik ang pansin sa mga cake. Sa huli ay nakapili din siya ng three layer cake na combination ng red at peach ang icing.

"How about the wedding gown? Pati narin ang susuotin ng mga abay, maid of honor and best man?" Tanong uli ni Lia.

"Iyong wedding gown ko, hindi na problema. I have a designer friend, siya na ang bahala. Sa entourage, we'll have it figured out kapag na-finalize na ang listahan." Sagot niya, habang gumagawa ng mental note na kailangan na niyang kumpletuhin ang entourage niya mamaya.

"Hijo, why don't you go out with Ianna? Kumpletuhin niyo na iyong listahan ng entourage niyo para masimulan na ang paggawa ng wedding invitations." Saad ni Tita Mercy habang palabas sila ng building.

"I have work mom." Tanggi nito pero pinanlakihan ito ng mata ng sarili nitong ina.

"No more excuses, I insist!" Mariing saad ng ginang.

"Tamang-tama walang dalang sasakyan itong si Ianna dahil dinaanan ko lang siya kanina sa condo niya." Saad naman ng mommy niya na hindi maitago ang tuwa.

Guess their mother's playing a matchmaker now.
Halatang ipinu-push silang dalawa para magkaroon sila ng bonding moment eh. Not that she mind though. She mentally winked.

"Fine." Blake muttered under his breath.

She shrugged and followed him as he walks to his car at ang damuho hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto! Napaka-ungentleman talaga nito pagdating sa kanya.
Pabagsak siyang naupo at isinara ang pinto pero hindi nito iyon pinansin. Pinaandar nito ang makina, ibinaba niya ang salamin ng bintana at kumaway sa dalawang ginang na pinapanood sila.

Before she can start a conversation, her phone started ringing.

"Hello?" She said answering the call of her assistant.

Ma'am nasaan na po kayo? May photoshoot ka ngayon para sa isang lipstick brand.

Napahilot siya sa kanyang sentido. "Ngayon ba iyon? Akala ko mamayang five pm pa iyon?" She ask in frustration. Minsan na nga lang niya masolo si Blake may ganito pang mangyayari.

Nagtext po ako sa inyo Miss Ianna.

Napatingin siya sa kanyang phone at may text message nga. It must've been her assistant. "Yeah. May pinuntahan kasi ako. Anyway, hindi ba pwedeng i-cancel ang photoshoot? Like, move it tomorrow perhaps?" She asked hopefully.

Napatingin sa rear view mirror si Blake at nagtapo ang kanilang tingin pero sandali lang iyon dahil nga nagdadrive ito.

Hindi talaga pwede ma'am. Inihahabol na kasi ang print ad na ito.

She sighed. "Okay. I'll be there in ten minutes." Paalam niya bago in-end ang call.
Natigilan siya ng may naisip na magandang ideya. She grinned to herself.

She moved to face Blake na kunot ang noo sa pagdadrive. "Sa H and L building tayo." Saad niya.

"Why?"

"You need to accompany me to my photoshoot." She said cheerfully.

"I won't do that." Mariing tanggi nito.

"Oh yes you will. Kung hindi ayos lang naman, pero hindi na kita matutulungan pag nagalit ang mommy sa'yo kasi hindi mo ako sinamahan at iniwan mo ako." Pangba-blackmail niya.

"Blackmailing me now huh? It won't work you know." Mayabang nitong saad.

Ah, hindi pala ha.
Inilabas niya ang kanyang phone at idinial ang numero ng mommy nito. Inilagay niya pa sa speaker phone  para siguradong rinig ng binata.
"Hello Tita? I mean, mommy?" Saad niya ng sumagot ito.

Oh hija, kakaalis niyo lang ha? May problema ba?

"Actually mom, meron po. Meron pala akong photoshoot ngayon pero saglit lang naman siya. I just wanna ask if Blake can come with me?"

Of course hija! Blake would love that.

Huminto ito sa red light at sinamaan siya ng tingin. Nginisihan niya lang ito, nang-aasar.

"Pero po may mga pending works pa daw siya sa school eh." She tried her best to sound disappointed.

Ako na ang tatawag sa sekretarya niya para i-cancel ang appointments niya. Can I talk to him?

"Go ahead mom, you're on speaker phone." Hindi na niya mapigilan ang malapad na ngiti. Isa nanamang tagumpay para sa kanya.
Inilapit niya dito ang phone.

Blake, samahan mo si Ianna okay? Pambawi sa ginawa mo ngayong araw na hindi ko nagustuhan. Ngayon, kung ayaw mong madagdagan ang makakarating sa dad mo, samahan mo si Ianna. No more buts.

"See?" She mouthed  to him na mas lalong nakapagpairita kay Blake.

"Yes mom." He answered defeatedly.

In-end niya ang tawag at nakangising binalingan ito. "Pano ba yan?" Mayabang niyang tanong.

"Tsss." He said pissed and drove to their destination.

Umangkla siya sa braso ng binata nang papasok na sila ng building.
"I know you hate me, wait no. You probably despise me but please act civil infront of my co-workers." Saad niya dito.

"At ngayon nakikiusap ka naman sa akin." He said amused.

"Oo dahil nirerespeto ako ng mga tao sa pupuntahan nating lugar. Act as my real boyfriend, don't worry may kapalit naman." She bargained.

"At ano naman iyon?" He asked as they enter the elevator.

Pinindot niya ang floor na pupuntahan nila. Mabuti na lang at walang tao maliban sa kanilang dalawa. Lumapit siya dito at bumulong.
"One hell of a kiss from me."

"I'm not interested." Walang kagatol-gatol na saad nito.

"Really? Just so you know, I'm a good kisser. We'll see about that later." She said winking at him.

Umiling lang ito.

Napangisi siya ng may magandang naisip. "Tsss. Ang sabihin mo weak ka lang talaga. Ni hindi mo nga kayang magpanggap na boyfriend ko. I bet if you can do that. Sa pagpapatakbo ng school ka lang naman magaling." She huffed.

"Hinahamon mo ba ako?" Kunot-noong tanong nito.

She raised her eyebrows. "Well, what if I am?" She challenged.

Hindi ito sumagot.

Tsss! Akala pa naman niya mahahamon niya ito. "Nah. Forget it. Sadyang hindi mo lang siguro kaya iyon, akala ko pa naman magaling ka. Maybe you're that coward to act like a loving boyfriend to me." This is her last resort, kung hindi pa ito kumagat sa bitag niya, wala na.

The elevator dinged and the door opened. Naramdaman niya ang paghapit nito sa bewang niya.

"Let me show you how good I am, as a boyfriend." He said stressing every word out.

Napangisi siya sa kanyang sarili, feeling excited on how things will turn out.

Napaka-persuasive mo talagang tao  Ianna!!

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

102K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
689K 14.2K 22
Book One of Bachelorette Series ✔️COMPLETED Sanay ako na ako ang hinahabol ng mga babae, pero bakit pagdating sayo ganito? Hindi ko matanggap na ako...
443K 6.2K 24
Dice and Madisson
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...