Training To Love (Published u...

By jonaxx

62.8M 1.4M 481K

Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng... More

Training To Love
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 50
Special Chapter - Troy's POV
Wakas
Notes

Kabanata 49

992K 27.8K 6.5K
By jonaxx

Kabanata 49

It's Marry Me or Marry Me

Pumasok ako sa klase kahit di ako mapakali. Gusto kong itext si Troy at balaan siya sa mga rumors. Nag sisi din ako kung bakit di ko sinabi sa kanya yung nangyari. Natatakot akong mahusgahan. Alam kong may kasalanan ako at ito na siguro ang naging karma ko. Patuloy na manghuhusga sakin ang mga tao dahil nagawa ko na ito dati.

Nag type ako ng message sa cellphone ko para kay Troy:

Troy, may mga video siguro na kaka-

"Miss Roncesvalles?" Untag ng professor ko.

"P-Po?" Napatalon ako sabay tingin sa kanya.

"Kanina pa kita napapansing tuliro! Yun pala, nag titext ka diyan!" Lumapit siya sakin. "I will confiscate your cellphone... Kunin mo 'to sa office mamaya."

Naglahad siya ng kamay. Tinignan ko lang ito. Pinagpawisan ako ng malamig habang nagkakatinginan kami ng professor ko.

"Give me your cellphone, Ms. Roncesvalles"

Gusto kong magmura sa inis, sa galit, sa munhi at sa lahat ng emosyong nararamdaman ko. Dahan-dahan kong binigay sa professor ang cellphone ko. Napapikit ako nang nagpatuloy na siya sa leksyon namin.

DAMN SHEEET! Bakit kailangan pang ma confiscate yun ngayon?

Mabagal ang oras habang tinitignan ko ang cellphone ko sa mesa ng professor ko. Walang pumapasok sa utak ko kundi yung video na sinasabi ni Abbie!

I need magic right now! Sana habang tinitignan ko ang cellphone ko ay lilipad siya patungo sakin!

Isang oras ang nakalipas ay nag ring na ang bell at nag dismiss na ang professor ko.

Habang nagliligpit ako ng gamit ay mabilis siyang naglakad paalis. Hindi ko na alam kung saan ko naipasok yung mga ballpen ko ang importante ay nailigpit ko lang lahat sa loob ng bag ko.

Masyado pang maraming estudyante sa corridor kaya nawala sa paningin ko si Prof. Linsyak na buhay.

"Trisha!" Dinig ko ang sigaw ni Earl sa malayo.

Liningon ko siya at nakita kong nagmamadali din siya papunta sakin.

"B-Bakit?" Kinabog ang dibdib ko.

"Si Troy!" Sigaw niya.

WHAAAAAT? Sinasabi ko na nga ba! Wala pa ngang sinasabi si Earl, alam ko na agad ang nangyayari.

Hiningal siya nang nakalapit na sakin.

"Bakit? Anong nangyari?" Tinanong ko parin kahit alam ko na.

"Kasi may video ka raw na nakipaghalikan kay Jayden."

Nanlaki ang mga mata ko.

Alam kong inasahan ko 'to pero di ko alam na ganito kabilis.

"T-Tapos?"

"Tapos?" Tumaas ang kilay niya. "Totoo yung video na yun?"

Ibig bang sabihin nito ay di niya pa nakikita ang video? "Tapos? Anong nangyari?"

"Nasa cellphone kasi ng mga kaibigan niya. Tapos pinakita sa kanya. Galit na galit siya umalis. Pinaharurot yung sasakyan niya palabas ng campus pagkatapos niyang tignan yun! Buti na nga lang di kinalat ang video sa buong campus pero syempre alam nila ang nangyari."

Parang may nagbara sa lalamunan ko habang tinitignan si Earl na nagtitext sa cellphone niya.

"Tinitext ko sina Emma." Aniya.

"Earl, asan yung mga kaibigan ni Troy?"

Napatingin siya sakin nang nakakunot ang noo, "Nasa building yata nila? B-Bakit?"

Gusto kong sumugod sa mga kaibigan ni Troy.

Naglakad na agad ako papuntang building nila pero pinigilan ako ni Earl.

"Bakit?" Galit ko siyang tinanong.

"Wrong move, Trisha. I guess you need to find Troy first."

Napalunok ako sa narinig ko sa kanya.

Ilang sandali ko pa bago naiproseso ang sinabi niya. Una sa lahat, kukunin ko muna ang confiscated cellphone ko.

Tumakbo ako papuntang faculty room habang naliligo ng mga bash!

"Ang landi talaga ni Trisha!"

"Kapal! Nainlove lang si Troy sa kanya may karapatan ng mag two time?"

"Two timer! Akala ko si Troy magtataksil, yun naman pala siya! Syempre! Nagtaksil nga siya sa ex niya eh."

"Trisha, cheat with me na rin oh!"

May mga galit. May mga pinagtawanan ako. Marami. Iba-iba ang naging pananaw ng mga tao. Gusto kong isaksak sa kokote nila ang totoong nangyari pero tama si Earl, si Troy ang importante sa ngayon. Wala akong pakealam ano ang tingin ng sambayanan, ang importante ay tama ang tingin ni Troy.

"Ma'am, may I get my phone back?" Hinihingal pa ako habang sinasabi ko iyon.

"No, Ms Roncesvalles. Buti nagpunta ka dito... You should first do these tasks..."

Gumuho ang mundo ko. Sasabog na ako at magmumura sa harapan niya pero nilunok ko ang lahat ng galit at inis ko. Galit na galit ako sa sitwasyon. Inis na inis ako sa mga ginagawa ng mga taong nakapaligid sakin.

"Tapos na po..." Pagkatapos kong i-file lahat ng mga walang kwentang records niya sa cabinet.

"Okay, Thank you... here you go..."

Hinablot ko agad ang cellphone ko na nakita kong lowbat naman.

Mura ako nang mura sa utak ko. Hindi ko na kaya ito. Sasabog na ako sa galit at frustration.

"Trisha Roncesvalles, two timer since forever!" May mga ganitong chant akong naririnig kung saan.

Promise! Kukutusan ko sila isa-isa pag okay na kami ni Troy.

Nakaraos ako at nakaabot sa gate ng buhay na buhay pa rin. Naligo nga lang ako ng mura at bash galing sa mga tao pero worth it kung magkita na kami ni Troy!

"Le Marcelle, manong." Sabi ko sa taxi driver.

Hindi na ako nag isip pa kung nasaan si Troy. Alam na alam kong sa Le Marcelle siya matatagpuan. Hindi sa bahay nila... hindi kahit saan.

"Paki bilisan po. Importante lang." First time kong mag request ng ganito sa driver.

Nagbayad ako at halos tumakbo papasok ng Le Marcelle.

"Trisha?" Sabi nung nasa front desk na regular dito.

"Nandito ba si Troy?" Tanong ko.

"Uhmmm... Oo-"

Di ko na hinintay ang idadagdag niya. Agad na akong nag elevator. Pabalik-balik kong pinindot ang button number '30' hanggang sa nakarating na ako.

Naisip kong wala nga pala akong keys sa suite niya. Swerte ko talaga ngayong araw na ito!

Agad kong sinugod ang pumalit kay Jane para sabihing kailangan kong pumasok sa loob ng kwarto ni Troy.

"Hindi pwede, miss."

"Intern ako dito noon. Please naman!" Sabi ko.

"Hindi talaga pwede..." Aniya.

"B0llsht!" Inagaw ko agad ang mga susing nakabalandra lang sa harapan ko at tumakbo.

"Miss! Miss! Guard!" Sigaw ng babae.

Wala akong pakealam kung ipapatapon ako dito basta ang importante ay mabuksan ko.

Pero nang nabuksan ko na... agad akong kinabahan. Paano kung may kasama siyang iba? Yun lang ang pabalik-balik kong naisip...

Tahimik sa loob. Pero may naririnig ako sa kwarto niya. Hindi ko nga lang alam kung ano yun.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

Nakita ko siya... Si Troy... Mag isa... Nakahubad siya ng t-shirt at nakapikit. Madiin ang pagkakapikit ng mga mata niya habang nakahiga siya sa kama. Para bang may malalim siyang iniisip.

Napalunok ako habang tinitignan sa harap niya ang isang flatscreen na TV. Doon ay pabalik-balik na nakaplay ang video ng paghahalikan namin ni Jayden. Malayo ang nag video nito dahil hindi naririnig ang pinag usapan namin.

Basta pinakita lang doon na naghalikan kami. Nakita din doon na bahagya ko siyang tinulak pero agad pinutol. Pabalik-balik ang pagplay nito. Nagsimula sa pagkikita namin bigla. Sumunod ang pagyakap niya sakin. Kasunod doon ang halik. Naputol at nag play ulit.

"Troy..." Untag ko habang tinitignan siya.

Nakita kong bahagyang nag relax ang mga mata niya nang narinig ako.

Pinatay ko agad ang TV.

"Troy, you should stop watching it..." Nabasag ang boses ko.

Kinuha niya ang unan nang nakapikit at nilagay sa mukha niya.

"Troy..." Tinanggal ko yung unan.

Yung kumot naman ang kinuha niya at nilagay sa mukha niya.

"Troy... kausapin mo ako." I said desperately.

Narinig ko siyang suminghap. Dahan-dahan kong kinuha ang kumot sa mukha niya. Umupo ako sa tabi niya.

"Troy, sorry... Di ko sinabi sayong nagkita kami ni Jayden sa gabing iyon. Aksidente lang naman eh. Tsaka bigla niya akong hinalikan."

Nakita kong may mga luha sa pisngi niya. Pinunasan niya agad kahit nakapikit parin siya.

"Troy, please, maniwala ka sakin. Ikaw ang mahal ko noon pa lang... Hindi ko magagawang magtaksil sayo..."

"I never thought I'd be this crazy for a girl." Basag ang boses niya nang sinabi niya yun.

Hindi ko alam kung magandang pangitain ba yun o hindi.

"UGGHHHH! HAAAAAAAAY!" Ginulo niya ang buhok niya at umupo sa kama nang dilat na ang mata.

Bloodshot eyes. Umiling siya. He looked tired yet still perfect!

"You know, aksidente lang din yung paghalik ni Abbie sakin. You didn't want me to kiss you that time kaya pinag toothbrush mo ako. Pero yun naman pala... ikaw din pala." Natawa siya.

That leering laugh. I didn't like it. Kinabahan ako. Nagbara ang lalamunan ko habang nakikita kong lumalayo siya sakin habang lumalapit ako sa kanya.

"Troy, alam mong nagsasabi ako ng totoo, diba? Hindi ko kayang mag cheat sayo... No!" Sabi ko.

Tumango siya sa kawalan, "Do you still have feelings for him?" Tanong niya.

Umiling ako, "I... I'm just sorry for us... Pero ikaw na ang mahal ko ngayon. Hindi ko magagawang magcheat kung hindi ikaw..."

Napatingin siya sakin.

He's still that same beautiful overconfident boy. Bakit pagdating sakin ay wala siyang confidence? Parang anytime pwede akong mawala sa kanya?

"Diba sabi mo sakin  noon na ayaw mo sakin? Pero ngayon, gusto mo na ako. Natatakot ako na ngayon, sinasabi mong ayaw mo sa kanya, pero baka sa susunod na araw magustuhan mo na." Matabang na sinabi niya sakin.

Umiling ako, "Iba na ito, Troy. I've grown! Kung ikaw ang mahal ko, I'm going to commit... I'm going to be really faithful and loyal to you."

"Trisha, I know I've been such a jerk before. Alam kong marami na akong naging ka fling at pwede mo rin akong husgahan gamit ang mga iyon pero wala akong minahal sa kanila! Minahal mo si Jayden.. May chance bang..." Napalunok siya.

I can almost see his soul through his sad eyes.

"May chance bang magkabalikan kayo ulit? May chance bang mahalin mo siya ulit?"

Hindi niya pa tinatapos ang tanong niya ay umiiling na ako at lumalapit sa kanya.

Para siyang natatakot sa paglapit ko. Unti-unti siyang umaatras.

"Wala... Ikaw lang ang gusto ko. Please, believe me."

"First time kong mainlove. First time kong maging baliw ng ganito at tingin ko di na ulit to mauulit. I think you're my karma..."

Hinaplos ko ang pisngi niya. Napapikit siya sa haplos ko.

"But if you really are my karma, okay lang kahit karmahin ako paulit-ulit."

Napalunok ako sa sinabi niya. Nanginig agad ako nang dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

"Kahit na saktan mo ako. Okay lang. Sige saktan mo lang ako. Ikaw naman yung nanakit eh. Ikaw lang ang gusto ko. Sa kahit anong paraan."

Hinalikan niya ang kamay ko.

"Ang sakit kasi sa gabing iyon akala ko ako lang talaga ang nahalikan mo. That was my freaking birthday." Mariin ulit siyang pumikit. "Inaamin kong nasaktan na rin kita kaya di kita masumbatan... but god damnit it hurts so much, Trisha! It hurts so much!"

Lusaw na lusaw ang puso ko habang tinitignan siya. Half naked at malungkot sa harapan ko.

"Troy, I'm in love with you... Hindi ko yun magagawa sayo. I'm different now... I'm all yours. There is nothing to worry about."

Tumango siya at dinilat ang mga mata niya.

Pinunasan niya ang mga luha ko at niyakap ng mahigpit. Sobrang higpit na halos maramdaman ko na kung gaano siya ka frustrated saming dalawa.

"I want you for my self alone... I love you so much at ayoko ng kahati. Ayokong may iba kang kahalikan. Ayokong may maaksidenteng makaagaw ng mga halik mo. Ayokong may pumorma sayo. Ayokong may ibang kahalikan... ayokong may ibang tignan. Ni hindi na ako makapag isip ng kahit ano kundi ikaw... Trisha! If I keep you in my life, I might lose my freaking self..."

Napalunok ako sa sinabi niya.

Unti-unti niyang kinalas ang pagkakayakap sakin.

"But letting you go will really kill me..." Bulong niya sa tainga ko.

Hindi ko alam kung ano pang masasabi ko. Wala na akong gustong gawin kundi ang iparamdam sa kanya kung paano ako kasaya.

"So I'm keeping you... I don't care if I lose myself... At... wala akong pakealam kung sino pang hahadlang satin. Handa akong harapin sila. Let's prove them wrong, Trisha. We'll last. Really last-"

Pinutol ko ang pagsasalita niya at hinalikan na agad siya. Hindi ako makapaniwala sa laki ng pinagbago niya. Ibang-iba na siya noon. Ang akala ko'y self centered siya. Well, siguro self-centered siya nung nakilala ko. Ngayon, ibang iba na siya.

Agresibo at mainit ang sinukli niyang mga halik. Napahawak ako sa dibdib niyang wala nga palang saplot. Idiniin niya ang sarili niya sakin. Naiiyak ako sa mga halik niya. Naiiyak ako s asobrang saya. Ganito pala talaga ang feeling. Masaya ka at kinakabahan. Malakas ang pintig ng puso ko habang hinahalikan niya ako.

Pinatong niya ulit ang hita ko sa hita niya at nagpatuloy sa paghalik pababa sa leeg ko.

"You are mine, Trisha. Only mine... Forever."

Niyakap ko siya habang hinahalikan ako sa leeg.

"Sana di kita tinuruan sa art of seduction. I regret that day." Sabi niya in between his kisses.

Napapikit ako sa kiliti ng mga halik niya.

Tumigil siya at bumulong sa tainga ko.

"Don't apply it to anyone else but me... I'm willing to be frustrated, Trisha. I don't care if you frustrate me so much everyday. As long as I can have you every night. As long as I have you forever."

It sent shivers down my spine.

Hinalikan niya ang leeg ko habang kinukuha ang kamay ko. Naramdaman ko na lang na may malamig siyang nilagay sa isang daliri ko.

Nung una akala ko guni-guni lang yun pero sinulyapan ko parin ang daliri ko.

Nabigla ako sa nakita ko. Isang gold-plated diamond ring na may naka sulat sa magkabilang gilid. Patuloy siya sa paghahalik.

"Troy, ano to?"

Inilapit ko ang kamay ko habang tinitignan ang singsing sa kamay ko.

"No chance of saying no to me, Trisha... There's no chance." Bulong niya sakin at nagpatloy sa paghalik.

Napapikit ako sa mga halik niya pero DAMN SHET hindi ito ang oras para bumigay sa makamundong pagnanasa. I think he slipped an engagement ring on my finger!!!

Nilapit ko sa mga mata ko ang daliri ko at nabasa ang encarved italic words sa gilid.

"Semper Fidelis."

Tumigil siya sa paghalik.

"Always faithful... Let's stay that way... Coz I will always, Trisha." Aniya.

Sa kabilang side naman ng singsing ay initials: TR at isang TR pa na pabaliktad ang pagkakasulat.

"Don't worry, may pinagawa ako kaninang wedding rings na nasa likuran na ang dalawang TR at Semper fidelis."

"WEDDING RINGS!?"

Napaluha ako sa kaba at saya sa sinabi niya.

"K-Kanina mo pinagawa?" Nabasag ang boses ko.

"Yes, Trisha. Sa sobrang galit ko sa halikan ninyo, hindi ko na kayang magpaliguy-ligoy pa sayo. It's marry me or marry me, this time."

Continue Reading

You'll Also Like

111M 2.3M 65
It was wrong to be near her. No. He shouldn't be near her. Nilalabanan ni Brandon ang kanyang sarili dahil useless ang attraction na nararamdaman niy...
11.6M 296K 33
Breaking the Bad Boy prequel/sequel Written by blue_maiden Start: September 15, 2016 End:
120M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
638K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...