"6O Seconds I Fell In Love"

By yanthponzey

16.1K 351 81

If only I can turn back the hands of time. I will fall for you a hundred times a day... More

6O Seconds, I Fell In Love
Chapter 1 "The Unknown Guy"
Chapter 2 "60 seconds"
Chapter 3 "I will make you fall in love"
Chapter 4 "600 years to forget him"
Chapter 5 "Who's the lucky girl?"
Chapter 6 "First move"
Chapter 7 "Sleeping with someone else"
Chapter 8 "CAMPUS CRUSH"
Chapter 9 "In my dreams"
Chapter 10 "Missing You"
Chapter 11 "When you're gone"
NOTE
Chapter 12 "XoXo"
Chapter 13 "Janine's Mission"
Chapter 14 "Mission Accomplished"
Chapter 15 "The truth revealed"
Chapter 16 "Teen Edition"
Chapter 16 (part 2)
Chapter 17 "Willing to wait"
Chapter 18 "Blood related"
Chapter 19 "say YES say YES"
Chapter 20 "Heart Breakers"
Chapter 21 "RELATIONSHIP GOALS"
Chapter 22 "Me against the world"
Chapter 23 "Days Without YOU"
Chapter 24"The Secret REVENGE"
Chapter 26"When I see you again"
PART 2

Chapter 25 "I'm afraid"

151 2 2
By yanthponzey


Chapter 25

"I'm afraid to lose you"

- I'm afraid that if there's someone else catches your attention more, you'll forget about me, then ignore me and the worst is replace me.

Sheena's POV

"only know you love him when you let him go"

It's too late to realize that I'm in love with my best friend. Yes I am.

Pinigilan ko naman, umiwas, nagtago, at pinilit na mawala yung nararamdaman ko. Pero parang multo yung feelings bigla nalang sumusulpot, ginugulat ka at tinatakot pero hindi mo malabanan kasi hindi mo mahawakan.

Gusto kong piliin kung san kami mas magtatagal.

Pero tila nagkamali ako, hindi ko rin alam na mag iiwasan kami na parang hindi kami nagkasama ng ilang taon.

Lagi kong iniisip na mas ok na to kesa naman ilabas ko yung tunay kong nararamdaman para sa kanya at sa huli ako rin yung talo pag umiwas sya.

Hindi ko alam yung rason kung bakit kami hindi nag uusap.

Dahil ba na fall na sya?

Or dahil ba may Boyfriend na ko na pwedeng magalit kapag nanatili kaming close.

Sana na fall nalang sya kaso napaka imposible. Kapatid na kasi ang turing nya sakin.

Minsan gusto ko magsisi na sinagot ko si Raver. Kasi mas napatunayan ko lang na MAHAL ko si Charles nung lumayo na sya sakin.

Araw-araw akong pinapatay ng luha sa mga mata ko sa tuwing naiisip ko na wala na sya. Wala na yung taong nagiging sandigan ko.

Ang hirap palang mabuhay na wala na yung mga nakasanayan mo.

Pano ko magiging masaya sa piling ng iba kung may taong patuloy na tumatakbo sa isip ko.

Sa tuwing nakikita ko sya na may kasamang iba parang gusto kong mawala sa sitwasyon, parang gusto kong tumakbo at magpakalayo-layo. Pero patuloy akong hinahabol nang katotohanang masaya na sya na wala ako. Na kailangan ko naring maging masaya para sakanya.

--

*beep*

Message from Raver:

"Where are you?"

Hindi na ko nagreply at natulog na lang. Napaka unfair ko sakanya, pero hindi ko alam pano aamining wala na talaga kong nararamdaman para sakanya.

Mag kaiba pala yung MAHAL mo sa CRUSH mo lang.

Crush ko si Raver, totoo. Akala ko talaga sya yung gusto ko makasama pagtanda ko. Pero bakit nung mawala si Charles sakin mas napatunayan ko na mas kailangan ko sya, na sya talaga yung MAHAL ko.

Ngayon pa na wala na sya sakin, ngayon pa na may mahal na sya.

Binitiwan ko yung taong nagbibigay lakas loob sakin kapag gusto ko ng sumuko sa pagsubok ng buhay.

Napaka TANGA ko nga siguro.

Pano ko bibitaw kay Raver, pano ko sasaktan yung taong walang ibang ginawa kundi pasayahin ako :'(

...


Yana Charmaine Dizon's POV

Nasa hapag kainan kami, at tahimik ang lahat. Pinipilit ko ang sarili ko na lunukin ang pagkain para hindi ako mapagalitan ni Dad.

"Charles"

Pagbasag ni dad sa katahimikan.

"Yes po?"

"Gusto ng Uncle mo na kunin ka at sa America mo na daw ipagpatuloy ang pag-aaral"

Natigilan kami sa pagkain.

Lumingon si Dad kay Mommy.

"Eto ay kung gusto mo lang naman anak"

Sabat ni Mommy.

"Pag-iisipan ko po"

"May 2months ka pa naman anak, para mag desisyon"

Tumango lang si Charles.

Pumayag kaya sya, hindi ba mahirap mamuhay sa malayong lugar na hindi mo naman nakasanayan.

--

Pumasok ako sa room ko at nagbasa nalang ng libro, ng biglang may kumatok sa pinto.

"tuloy"

Ilang saglit pa ay bumukas ito at pumasok si Charles.

"Ate"

"Yes?"

Naupo sya sa tabi ko at tila nag-isip ng sasabihin.

"kapag ba may ginawa akong kasalanan sayo mapapatawad mo pa ko?"

"Oo naman kapatid kita e, mas mahalaga ka kesa sa kahit ano pa mang bagay"

"Gusto kong pumayag sa offer ni Uncle, gusto kong pumunta sa America at doon na mag-aral"

"Gaano ka kasigurado sa desisyon mo?"

"Gusto kong takasan yung problema ko dito ate. Gusto kong magpakalayo-layo. Baka kung sakaling lumayo ako makalimutan ko sya"

Bakas ang lungkot sa muka nya pero pinipigilan nyang umiyak sa harap ko.

"Sino si Sheena?"

Hindi sya tumugon pero nakasisigurado akong tama ang hinala ko na may lihim syang pagtingin sa bestfriend nya.

"Ate sorry ang dami kong kasalanan sayo"

Niyakap ko sya.

"Kahit ano pa yun, pinapatawad na kita. I love you bro"

At hindi na nya pigilang mapaiyak.

--

Anton Rico Pueblo's POV

Ilang araw na ang lumilipas pero hindi ko padin sya nakakausap :(

Sobrang miss ko na sya.

-

*ring*

"Sir may bisita po kayo"

"Sino?"

"Si Sir Ariel po, importante daw po"

"Papasukin mo"

Mabilis na bumukas ang pinto.

"pre may sasabihin ako importante to"

Sinara ko yung laptop ko.

"Go ahead"

"wala daw nangyari sainyo"

Napakunot yung noo ko sa sinabi nya.

"Kasi ganito yan pre, tinawagan ko yung babae na naka one night stand mo"

"Fuck you!"

"Teka lang, so ayun na nga, wala naman daw nangyari kasi tinulak mo daw sya matapos ka nyang hubaran. Paulit-ulit mo daw sinasabi na may Girlfriend ka at mahal na mahal mo to kaya wala daw syang nagawa kundi tigilan ang paghalik sayo. In short nahubaran ka nya at nakapaghubad sya pero walang nangyaring iba"

Napangiti ako sa sinabi nya.

Hindi pa pala lubusang nababoy yung pagkatao ko. VIRGIN padin ako. Efffft!

Na bato ko sya ng maliit na bola na display sa mesa ko.

"Sige na, lumayas ka na dito!"

"wow ha, wala manlang thank you?"

"gago! Layas na"

Lumabas na sya ng office kaya tinawagan ko si Yana.

Naka ilang tawag ako pero hindi nya sinasagot. Galit nga siguro sya sakin.

Naisipan kong puntahan nalang sa bahay after ng work ko.

--

Nag doorbell ako at lumabas naman si Charles.

"Nandyan ate mo?"

"Yes Kuya, tuloy ka"

Pinapasok naman nya ko at tinawag ang ate nya.

Hindi ko nakita ang Mom and Dad nya.

"what are you doing here?"

May katarayang sabi nya.

Niyakap ko sya habang humihingi ng sorry pero hindi sya gumaganti sa yakap ko.

"Please forgive me"

"Bakit break na ba kayo ng bago mo?"

Nagtaka ko sa sinabi nya.

"Makikipaglandian ka nalang sa public place pa! Sana naisip mo na pwede kang makita ng ibang tao! O mas inuna mo sanang makipag break sakin bago ka lumandi sa iba"

Umagos na ang luha sa mga mata nya na mabilis kong tinangkang punasan pero tinutulak nya ko.

"Ate"

Mahinahong sambit ni Charles.

"Charles, pumasok ka na muna sa loob. Iwan mo muna kami"

"Pero ate, kasalanan ko kung bakit kayo nagkakaganyan"

"what did you mean?"

"Ako yung may kagagawan ng pagyakap sayo ni Leo, sinasadya ko na i-upload ang picture namin ni Camille na nasa likod si Kuya Anton at may kasamang kliyente"

"Pero Charles pano mo nagawa to?"

"Dahil ayoko sya para sayo. Dahil yung kapatid nya na si ANGELO RAVER ang dahilan kung bakit nawala sakin si Sheena ate"

"Pero mabait yung kapatid ko"

Pag depensa ko.

"Mabait din tong kapatid ko"

Lumapit si Sheena kay Charles.

"Pero hindi nya dapat ginawa to para pagsirain tayo"

"Dahil nasaktan lang sya Anton."

"Sorry ate. Wag na kayo mag-away kasalanan ko lahat"

Niyakap ni Yana yung kapatid nya at napayuko nalang ako.

"Ok lang bro, ok lang"

--

Umuwi ako na medyo ok na kami ni Yana.

Kailangan din nya munang ma absorb lahat ng nangyari.

Naabutan ko si Raver na tumutugtog ng piano.

... 'Cause all of me
Loves all of you

Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you

You're my end and my beginning

Even when I lose I'm winning

'Cause I give you all of me
And you give me all of you

I give you all of me
And you give me all of you, oh oh .........

*clap*clap*

"Mana ka talaga sakin"

"Kuya"

Ngumiti ako sakanya...

"May GF ka na pala bakit hindi mo sinasabi sakin"

"Pano mo nalaman?"

"sa isang kaibigan"

"Oo kuya, maganda sya, mabait, simple, mahal na mahal ko sya"

"Kaya pala"

"bakit kuya?"

Umupo ako sa tabi nya sinimulang tumugtog ng piano

... Where did I go wrong? I lost a friend

Somewhere along in the bitterness

And I would have stayed up with you all night

Had I known how to save a life ....

"Pano kung may nasasaktan kang iba dahil nagmamahal ka. Lalaban ka padin ba?"

"Kung mahal ako ng taong mahal ko, lalaban ako"

"Pano kung hindi"

"Bibitawan ko sya kahit masakit kasi gusto ko syang makitang maging masaya"

Ginulo ko yung buhok nya.

"isa kang tunay na lalaki. Nandito lang si Kuya kapag may problema ka"

Umakyat na ko sa taas at nagpalit ng damit.

Proud ako sa kapatid ko kasi alam nya kung pano magmahal ng totoo at pano sumuko para sa taong minamahal mo.

Napaka swerte ng taong makakasama nya habang buhay kasi alam kong hindi nya ito lolokohin at hinding-hindi nya sasaktan.

--

Maaga ko gumising para pumasok sa opisina. Madami akong pinirmahan na papers at may mga meeting din na dinaluhan. Inuwi ko nalang iba kong trabaho para masundo ko si Yana sa school.

Ok naman kami at mukang maayos na ang lahat.

"Kumusta si Charles?"

"aalis na sya next week"

"Sigurado na ba sya sa desisyon nya? Ang bilis naman yata"

"Mas madali daw sya makakalimot kung lalayo sya"

Itinigil ko ang sasakyan.

"Sorry Yana, hindi ko alam kung pano tutulungan si Charles kasi wala namang kasalanan yung kapatid ko, nagmamahal lang sya"

"parehas lang silang nagmahal. Hindi naman ako galit sa kapatid mo sa katunayan ako pa yung nagpayo sakanya dati na ipaglaban nya yung taong mahal nya without knowing na yung kapatid ko pala ang kalaban nya"

"Basta satin Yana, walang bibitaw, walang susuko"

Hinawakan ko yung kamay nya.

Nakatingin kami sa isa't-isa at naglapat ang mga labi namin.

--

Raver's POV

"May problema ba tayo? May nagawa ba ko?"

Nasa park kami at nakaupo ni Sheena pero tila napakalawak ng iniisip nya, hindi ko maabot ang tinutungo ng kanyang mata.

"Kung iiwan kita mapapatawad mo ba ko?"

Napalunok ako sa narinig ko.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Kung ito ang magpapasaya sayo, hinding-hindi ako magagalit sayo"

"Raver, sorry"

Hindi na nya napigilang umiyak.

Kaya't kumawala na rin ang luha sa mga mata ko.

"Tahan na, alam ko namang hindi ako ang mahal mo. Tanggap ko na lahat Sheena, alam kong si Charles ang gusto mo"

Niyakap nya ko at patuloy ang paghingi nya ng tawad.

"Wag kang humingi ng tawad, para mo naring sinabing dapat ako mag SORRY na minahal ko ang isang tulad mo. Masaya ko sa sandali na nakasama kita, minahal kita ng sobra-sobra pero nung makita ko na umiyak ka na makitang may kasama si Charles na iba, alam ko kaylangan ko ng tanggapin na darating ang araw na to. Ang araw na iiwan mo ko"

"Minahal kita Raver pero hindi ko naisip na mas mahal ko pala sya"

Patuloy ang paghikbi nya.

Ngumiti ako at hinalikan sya sa ulo.

Pwede bang wag mo muna kong hiwalayan kahit isang linggo lang?

Gusto ko munang i-enjoy ang ilang araw kasama ka.

Tumango naman sya at niyakap ko sya.

-

****After 2 days*****

"Nag-aaya si Charles mag videoke sa mall, sama ka?"

Tanong ni Sheena sakin.

"Gusto mo ba kong kasama?"

Tanong ko.

"Oo naman. Tsaka diba 5 araw nalang wala na tayo at nag promise ako na ibibigay ko ang oras ko sa isang linggong hinihingi mo. Kaya sumama ka na please."

"Sige, sunduin nalang kita mamaya"

-

Mahigit 10 kami sa booth. Pang 15 persons naman yung kinuha naming booth.

Ngayon ko lang nakasama si Charles kaya hindi ako masyadong kumikibo. Pumili na ng songs ang lahat, wala akong masyadong kilala maliban kay Sheena, puro kasi barkada nila at classmates ang nandun.

Hindi padin sila masyadong nag-uusap ni Charles pero madalas nilang pagmasdan ang isa't-isa ng palihim.

Ibang-iba sya tignan ni Sheena, never ko syang nakitang pinagmasdana ako ng ganun. Nakakadurog ng puso pero wala naman akong magagawa hindi ko naman kontrolado ang nararamdaman nya.

"Paunahin natin yung boyfriend ni Sheena"

Inabot nila sakin yung mike kaya wala na kong nagawa kundi tanggapin ang hamon nila.

...If you're not the one then why does my soul feel glad today?

If you're not the one then why does my hand fit yours this way?
If you are not mine then why does your heart return my call
If you are not mine would I have the strength to stand at all

I'll never know what the future brings
But I know you're here with me now
We'll make it through
And I hope you are the one I share my life with

Nakatingin lang si Sheena sakin. Ngumiti ako sakanya.

... I don't want to run away but I can't take it, I don't understand

If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I can stay in your arms?

"Yehey!"

"Syempre ang next yung bestfriend ni Sheena Ang nanlibre ng kasiyahang ito"

"Go Charles"

.... Been thinking about all the days you were
Right by my side
Been thinking about how you never
Left me behind
And all of the things that you said to
Help me ease my mind
And I don't know where I'd be
Without you in my life

Now I just
Wanna tell you how much
I appreciate your love

So I'll be there when you call
Pick you up when you fall
And if you ever get lonely
I'll be there in a heartbeat

Inaasar sila sa harap ko pero wala akong magawa kundi ngumit nalang. Bagay na bagay nga sila. Sila nga siguro ang para sa isa't-isa.

...This song is for you

For everything we've been through
It's been so long overdue
I just wanna say
Thank You

Been trav'ling this road for so long
We're still going strong
Cuz without you here I'd be nothing
Nothing at all
Even when times were bad you believed in me
And now I'm standing tall
And I just wanna thank you
For sticking through it all

Kailangan ko yung tanggapin. Wala akong ibang choice...

... Now I just

Wanna show you how much
I appreciate your love

I know it's not easy
but you were there from the start

Masaya silang lahat, hiyawan, asaran, sayawan. Hindi naman OP pero alam ko na kailangan kong umalis para mas ma enjoy ng babaeng MAHAL ko yung Party.

...I'll take the kindness you've shown me

share the love, and the strength
(Pay it forward) Be all we can be

--

"Uwi na ko"

Bulong ko sakanya.

"pero, sabay na tayo"

"No. Maiwan ka na para mas maka bonding mo pa sila"

"Are you sure?"

"Yes" pinilit kong ngumiti.

"Hatid na kita sa labas."

Nagpaalam ako sa lahat maging kay Charles.

"Pare una na ko, salamat sa pag invite"

"Sige pre, ingat. Ingatan mo sya"

Mahina nyang tugon.

Binatak na ko ni Sheena kaya hindi na ko na ka sagot.

"Bye guys"

"hatid ko lang sya"

Pagpapaalam ni Sheena sakanila.

--

Bago ko sumakay ng kotse ko, nilapitan ko sya at hinagkan sa huling pagkakataon.

"Pinapalaya na kita. MAHAL NA MAHAL kita SHEENA"

Niyakap nya ko ng mas mahigpit.

"Salamat sa lahat RAVER"

Sumakay na ko ng kotse ko.

--

Charles Dizon's POV

Kasunod ng pagbalik ni Sheena sa booth ay ang pagdating naman ni Cams. Nagbeso ako sakanya at ipinakilala sya sa lahat.

Tahimik lang si Sheena at hindi tumitingin samin.

Kumanta si Camille, kaya naman tinutukso kami sa isa't-isa. Ngumingiti lang ako ganun din si Sheena.

"It's your time to shine SHEENA!" sigaw ni Chel ang luka-luka naming classmate.

Nag select ng kanta.

...Jealous of the one who'se arms are around you

If she's keeping you satisfied
Jealous of the one who finally found you
Made your sun and your stars collide
La la la la la la la
She's a very very lucky girl

Napatingin ako sakanya habang buong puso nya itong kinakanta.

... Jealous of the one who won your heart

They say it's a perfect match
She's gonna get to be where you are
And I don't get better than that
She'll say you're fine
Whisper words I wish were mine
And they might have been
If I had been there

Gusto kong isipin na para sakin yon, dahil nandun si Camille.

Sumasabay naman ang barkada sa kanta.

... You know I'd fight the good fight
If I thought I'd change your mind
But if she makes you happy
I would leave that dream behind
Man, she better treat you right
And give you everything
Cause at the moment she doesn't
I'll be waiting in the wings

Marami pang sumunod na kumanta pero iniisip ko padin yung meaning ng kinanta ni Sheena.

Paulit-ulit ko syang naririnig sa tenga ko.

-

8PM na ng lumabas kami ng mall.

Nagsi uwian na lahat at kami nalang ni Sheena ang natira dahil same kami ng way pag uwi.

"Tara na?"

Pag aaya ko sakanya. Tumango naman sya at sumakay nang jeep. Mula sa kanto ay naglakad nalang kami tungo sa bahay nila.

Naupo kami sa garden at naglabas sya ng maiinom.

"pwede bang mag request ng San Mig?"

"Iinom ka?"

"yes isang bote lang"

Pumasok na sya ng kusina at kumuha ng dalawang bote ng alak.

"iinom ka din?"

Tanong ko.

"Isang bote lang"

Naupo sya sa tabi ko.

Nag usap kami ng mga bagay na kami lang ang nakakaintindi tulad ng mga libro o pelikulang napanuod na namin.

"Kung matagal mo kong hindi makikita ano yung ibibigay mo sakin para maalala kita?"

May ka kornihan kong tanong.

"Book"

"Anong libro naman?"

"Love, Rosie"

"Ibigay mo na sya sakin ngayon"

"Bakit? Aalis ka na ba?"

"Oo. Mamaya uuwi na ko sa bahay"

Tumawa ko para maasar sya.

Binatukan nya naman ako at kinurot.

Hindi ko alam na babalik kami sa dati kahit sandali lang.

Naubos namin yung tig isang bote, alam ko na may tama na kami dahil parehas naman kaming hindi umiinom kaya mabilis malasing.

Iniwan nya ko sandali at may kukunin lang daw sya.

Ilang saglit pa ay bumalik na sya hawak ang isang libro.

"Ano yan?"

"Love, Rossie"

"Wala bang Love, Sheena?"

Tumawa sya.

"Baliw ka talaga"

Sumandal sya sa balikat ko habang binabasa ko ang unang kabanata ng libro.

Napangiti ako sa nilalaman nito at kung san patungkol ang kwento.

"sheena?"

"Uhmm"

"Pwede ba kitang maging Girlfriend kahit animnapung segundo lang?"

Tinignan ko sya at ngumiti ako sakanya.

"Gusto ko lang maging masaya kahit sandali lang"

tumango sya na patuloy paring nakasandal sa balikat ko.

tinignan ako ang oras sa relo ko.

11:11:11PM

"Sheena, mga bata pa lang tayo mahal na kita, ikaw na yung pinapangarap ko na makasama habang buhay. Iniisip ko na kahit madaming dumating sa buhay natin hindi mo ko iiwan. Pero masyado pa kong bata non. Hindi ko pa alam na hindi pala permanente ang mga bagay sa mundo, na mawawala ka din sa buhay ko"

lumingon ako sakanya pero tulog na pala sya.

"SALAMAT sa ANIMNAPUNG SEGUNDO na naging akin ka, hanggang dito nalang siguro. Pinapalaya na kita. MAHAL NA MAHAL KITA BESTFRIEND sana maging masaya ka sakanya"

... So kiss me and smile for me

Tell me that you'll wait for me

Hold me like you'll never let me go

'Cause I'm leavin' on a jet plane

Don't know when I'll be back again

Oh babe, I hate to go

hinalikan ko sya sa ulo, at tuloy-tuloy ang agos ng luha sa mga mata ko.

Darating ang araw na mawawala din lahat ng sakit, maghihilom din ang sugat dito, pero pangako hindi mawawala yung PAG-IBIG ko para sayo, marahil matatanggap ko nalamang ito sa pagdaan ng mga panahon.

Inalis ko yung ulo nya sa balikat ko at dahan-dahan ko syang binuhat para dalin sa loob ng bahay nila.

Umuwi na ko para ayusin ang ilan ko pang mga gamit.

--

7:03 AM

"Ma, alis na po ako"

"mag-iingat ka dun anak"

"Opo, mag email po ako palagi at makikipag skype sainyo"

"Magpakabait ka dun bunso. Wag ka munang mag-aasawa ha, mag aral kang mabuti"

Ngumiti lang ako kay Ate.

Niyakap ko sila at sumakay na ng TAXI.

SALAMAT sa napakagandang ala-ala sa bansang ito kung saan nakilala ko sya. Sana pagbalik ko dito totoo na ang bawat ngiti ko.

-

AUTHOR's POV

"Mamimis ko si bunso"

inakbayan ni Yana ang Mommy nya at sinandal ang ulo nya sa balikat nito.

"Good Morning po"

"Oh Sheena, sayang naman at hindi mo inabutan si Charles"

"po?"

may pag aalinlangang tugon nya.

"Nakaalis na sya, hindi ba nya nabanggit sayo na sa America na sya mag aaral"

sagot ng Mommy ni Charles.

wala itong naging tugon. Parang gustong pumatak ng luha sa mga mata nya pero pinipigil nya dahil narin siguro nahihiya sya na makita ng pamilya ni Charles.

"halika muna sa loob iha, kumain ka"

pag anyaya nito sakanya.

"hindi na po tita. Nagmamadali din po kasi ako. Salamat po"

at tumalikod na sya kasabay ng pagpatak ng luha sa mata nya.

Hindi nya alam kung san sya dadalin ng mga paa nya hanggang sa tumigil ito malapit sa isang ilog sa liblib na lugar kung saan palagi silang nakaupo at masayang nagkukulitan at pinag uusapan ang bawat pangarap nila sa buhay. Mga araw na ang mahalaga lang ay materyal na bagay at hindi pa nila naiintindihan kung ano ang tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa.

*flashback*

"Charles kapag malaki na tayo sana ganito parin tayo"

"oo naman kahit may girlfriend na ko, ikaw padin ang bestfriend ko"

"Ako din kahit may asawa na ko"

"asawa agad? ang bata mo pa"

"pag laki nga natin diba"

"dadaan muna sakin ang mapapangasawa ng bestfriend ko"

at tumawa sila pareho habang naghahabulan paikot sa puno.

END of flashback***

napahagulgol si Yana sa sobrang sakit na maalala ang lahat. Unti-unti syang sinasampal ng realidad na wala na si Charles, na iniwan na sya nito dahil narin s sarili nyang kamalian, at pagtatago ng tunay na nararamdaman.

"kung sinabi ko kaya sayo na mahal kita noon pa lang pero mas iniingatan ko yung FRIEDNSHIP na meron tayo, masaya kaya tayo ngayon? Iiwan mo parin kaya ako"

tinatanong nalang nya ang hangin kasabay ng bawat patak ng luha.

Wala na ang taong noo'y lagi nandyan para sakanya, na ayaw na nakikita syang nasasaktan, na mas inuuna sya kesa sa kahit na sino pa man.

kumuha sya ng kahoy at sumulat sa lupa.

"MAHAL KITA, BAKIT MO KO INIWAN"

tapos ay binura nya ito at pinagsisipa ang lupa at gigil na tinutusok rito ang kahoy na hawak nya, nang may lumitaw na papel na madilaw na sa katagalan sa ilalim nito.

Sa pag angat nya rito ay kasabay ng bilis ng tibok ng puso nya.

-----------------------

Sheena,

"LIHIM NA PAG-IBIG"

Iniibig kita na walang pakiwari sinta

kahit alam kong ako'y kaibigan nga lang pala

Huwag mawawaglit sa iyong isip aking kataga

Na sa bawat segundo ng buhay MINAMAHAL kita

Kay lawak ng mundo, kay sikip nitong puso ko

Bakit ang isang tulad mo'y hindi magkagusto

sa lalaking araw-araw nandyan sa tabi mo

Pinapangarap ka na makasama buong buhay ko

Kung maaari ko lang dali daling alisin ang pagtingin

Sa babaeng kahit kailan hindi na magiging sakin

Kahit dulot nito'y pagkasawi akin paring hahamakin

Makita ko lang na masaya ka sa kanyang piling

Hindi iiyak sa harap mo kahit bigong-bigo na ko

Sa pagkasawi sa pag ibig na alay lamang sayo

Ikaw ang una't huling babae dito sa buhay ko

Wala ng iba pa sinta na maaring pumalit sayo

"Ikaw ang tunay at nag-iisa na minahal ko ng ganito

Kahit gunawin pa 'tong mundo"

Love,

CHARLES

-----

para syag binuhusan ng malamig na tubig sa mga nabasa nya.

"totoo pala ang mga sinabi nya kagabi"

wala ng nagawa itong sulat na hawak nya kundi ubusin ang luha sa kanyang mga mata.

--

A/N: VOTE AND COMMENT

Isang chapter nalang po! :D END na! XoXo

Continue Reading

You'll Also Like

393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
740K 25.9K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...