Bizarre Love Square

By waynesandkisses

526K 6.9K 2K

Find out how did Aicel, Sage, Patch and Lewis experience their wild and crazy love square story and how did t... More

ANNOUNCEMENT
Bizarre Love Square Teaser
Bizarre Love Square Prologue
[01] Falling for you, Dropping so quickly.
[02] I can't forget the hour, that moment with you.
[03] So Close, yet So Distant.
[04] Taking my Breath Away
[05] And I'll be gone gone today.
[06] So I'm hiding what I'm feeling.
[07] But I'm tired of holding this inside my head.
[08] Nothing can come between You and I.
[09] When I look at you, I see him staring through.
[10] But in my world, there is only you.
[11] I Got your Love this Christmas.
[12] My One and Only You
[13] Your Love is a Lie
[14] Would you come back to me?
[15] The more I talk to you, I fall in love with everything you do.
[16] Nothing will ever change this Never Changing Love.
[17] I would do anything for you.
[18] And this is the part when we say we're in love.
[19] Can't fight this feeling.
[20] Forever yours, Here I stand.
[21] And fan the flames so hot it melts our hearts.
[22] I wanna love you but I don't know if I can.
[23] So hold me close and say three words.
[24] I've never felt this way. To be so in love.
[25] Don't worry, there'll be days like this.
[26] We're all in this together.
[27] There's more to life when we listen to our hearts.
[28] It feels so right to be here with you.
[29] I'd give away a thousand days, Just to have another one with you.
[30] Promise you, for you I will.
[31] Just the thought of you can drive me wild.
[32] And I can't let you go even though it's over.
[33] And I'm only me when I'm with you.
[34] Make me remember you, like you remember me.
[35] I want the world to see, what you mean to me.
[36] And there's nothing I can do, I just gravitate towards you.
[37] Because maybe, you're gonna be the one that saves me.
[38] I can't explain this feeling that I'm feeling.
[39] Tonight, I've fallen. And I can't get up.
[40] I think I love you better, now.
[41] Something just ain't right.
[42] I swear my heart is never giving up.
[43] Got my heart beating fast. It's cardiac arrest.
[44] When the walls come down, I'm here to stay.
[45] Feeling stupid cause I know it ain't you and me.
[46] Cause it'll never be over, until you tell me it's over.
[47] That's why you're in a locker, full of hurt.
[48] I run this game. Just play your role.
[49] I'm no angel, I'm just me. But I will love you, endlessly.
[50] I reach out trying to love but I feel nothing.
[52] But I'm trying to hope with nothing to hold.
[53] Then it goes away, but I don't really wanna give up.
[54] I could stop the world with only just your kiss.
[55] And with a word, all my love came rushing out.
[56] If this is love, please don't break me.
[57] If you give me a chance I can love you right.
[58] Just when I think that I can't love you anymore than I do, I do.
[59] Through the push and the pull, I still drown in your love.
[60] I don't want to use you just to have somebody by my side.
[61] It's the same old feeling back again.
[62] I feel something so right, by doing the wrong thing.
[63] And my heart says, It must be you.
[64] With you, I'm gonna do quite a few things that I never thought I would do.
[65] Baby, why can't we just start over again? Get it back to the way it was.
[66] It takes me all the way. I want you to stay.
[67] Your in my arms here next to me, forever.
[68] But your eyes say everything, without a single word.
[69] You're my end and my beginning. Even when I lose I'm winning.
[70] I gotta get it through your head, that you belong with me instead.
[71] You would still have my heart until the end of time.
[72] Hold me like you'll never let me go.
[73] And out of all these things I've done, I think I love you better now.
[74] Cause love comes slow and it goes so fast.
[75] Cause all of me, loves all of you.
Bizarre Love Square Epilogue

[51] It's bad when you know it's your heart you can't trust.

5.9K 76 29
By waynesandkisses


Chapter Fifty One

NORMAL POV 

“Sunduin mo na lang ako dito mamaya, ha.” Yan ang huling bilin ni Aicel kay Lewis bago siya tuluyang umalis ng classroom nito.

Wala pang klase si Lewis nang maisipan niyang tumambay na lang muna sa Student Council Office. Papasok na sana siya sa loob ng room nang mapansin niyang may tao pala sa loob. Hindi na siya tumuloy sa pagpasok at nagtago na lamang siya sa may gilid upang pagmasdan ang dalaga na mukang busy sa  ginagawa nito.

Malamang nagpapaka-pagod na naman ito sa trabaho lalo na’t after ng basketball competition, ay School Fair naman ang aasikasuhin nila. Yan naman ang gawain ni Patch e, ang student council ang inaatupag nito kapag walang klase. Minsan nga ay nakakalimutan na niyang kumain at magpahinga kapag sinimulan na ang trabaho sa Student Council.

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Lewis si Patch sa loob. He can’t help his self from smiling. Makita niya lang ito, ay okay na siya. Kung pwede nga lang yakapin ang babaeng ito, gagawin niya. Kaso naalala niya, ni-let go na nga pala niya ang babaeng mahal niya. Sumuko na siya para hindi na sila mahirapang dalawa. Alam niyang kapag nawala na ito sa buhay ni Patch, magiging okay na sila ni Sage. Tutal muka namang may namumuong maganda sa pagitan nila.

Diba ganon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao? You’re willing to let her go so she could fill her heart with happiness and desire. At sa sitwasyon nila Lewis at Patch, hindi siya ang makakapagbigay ng saya dito. Puro sakit lang ang dulot niya kay Patch.

“Samuel! Halika muna dito.” Tawag ni Lewis sa kaklase niyang si Samuel. Napadaan kasi ito sa Student Council Office.

“Bakit, pre?” Nagtatakang tanong ni Samuel.

“Mmm. Pwede mo bang tanungin si Patch kung kumain na siya?” Lewis pleaded. Napataas naman ang kilay ni Samuel. Bakit naman niya susundin ito?

Nahalata iyon ni Lewis kaya ipinagsalikop niya ang dalawang kamay at nagmakaawa na ito. “Please? Wag mo lang sasabihin na ako ang nagpapatanong.”

Samuel sighed. Tatanungin lang naman niya. Edi sige. Pumasok ito sa loob ng Office habang nakasilip lang si Lewis sa kanila at nakikinig.

“Hi Patch! Ang busy mo ah.” Bati ni Samuel dito.

Nagtataka nitong tinignan si Samuel. Hindi naman kasi sila ganoong ka-close. “Tinatapos ko lang. Para wala ng gagawin after ng basketball game. Napadaan ka?”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Lewis pagkarinig sa boses ng dalaga. Ohhh. God knows how much he missed her voice.

Nahalata ni Samuel na nawe-weirduhan sa kanya si Patch kaya naging tensyonado ito. “Oo e. Kumain ka na ba? Baka naman nalilipasan ka na?”

Patch smiled lightly. “Mamaya na lang ako kakain.  Tatapusin ko lang to.”

“Ganon ba? Osige, huwag mong kalimutang kumain ha. Baka magkasakit ka pa. Alam mo namang marami ang mag-aalala sayo.” Samuel is pertaining Lewis.

Ngumiti ito sa sinabi ni Samuel. “Salamat.”

“Sige, mauna na ako sayo.” Nagpaalam na si Samuel kay Patch. Tumango lang ito bilang sagot saka lumabas ng tuluyan sa silid.

Okay. That’s weird. Hindi naman kasi sila ganoong nag-uusap ni Samuel kaya naman nakakapagtakang nagtanong ito kung kumain na siya. Haay. Nevermind.

Lalo lang niyang namimiss si alam niyo na. Kapag nalaman nitong nagi-skip siya ng lunch, papagalitan siya nun. But nah, She’s sure na mas concerned na ito kay Aicel ngayon.

Naabutan ni Samuel ang nakakunot-noong si Lewis. Halatang naiinis ito at nagagalit.

“Oh pre, hindi pa daw siya kumakain.” Sabi ni Samuel kay Lewis.

“Ano ba siya! Napaka-tigas talaga ng ulo! Mas inuuna pa niya ang trabaho dito na pwede namang gawin ng ibang officers. Tapos, magpapalipas siya ng gutom? Hindi ba niya iniisip na baka magka-sakit siya sa ginagawa niya? Ugh! Hindi man lang niya naisip na may mga taong mag-aalala. Tss.” Lewis bursted out with annoyance (more on anger). Nagulat na lang si Samuel dito dahil bigla kasi siyang napagbuntungan ng inis nito.

Samuel raised his both hands like surrending. “Oh pare, chill ka lang diyan. Hindi ako si Patch. Kung gusto mong pagsabihan, pumasok ka sa loob at wag kang tumanaw dito.”

Natigilan si Lewis nang mapantanto niyan OA na pala siya. Ngumiti ito ng tipid kay Samuel at tinapik ito sa balikat. “Sorry pre. Salamat na lang.”

Natatawa siyang iniwan ni Samuel ngunit may pahabol pa ito. “Tanga ka kung hindi mo siya ipaglalaban. Mahal mo pa siya. Huwag mong lokohin ang sarili mo.”

Tanga na kung tanga. Pero mahal ko nga siya e. Kaya gagawin ko ang lahat, maging masaya lang siya. Kahit na makita siya sa piling ng iba.

Hindi na nagpa-ligoy ligoy si Lewis. Umalis na siya at nagtungo sa canteen.

xxx

PATCH 

*Tok. Tok. Tok.*

Napatingin ako sa pintuan nang makarinig ako ng katok. Hinihintay ko kung sino ang papasok, pero wala namang tao. Sigurado naman akong may kumatok talaga.

Teka, hindi kaya may nanti-trip lang sa akin? (-___-’)

Tumayo ako upang tignan kung sino ang kumatok. Baka naman naghihintay siya sa labas? I slowly opened the door at tinignan ang magkabilang side ko kung may tao ba. Mukang nantitrip nga lang! Tss. Isasara ko na ulit sana ang pinto nang may mapansin akong isang paper bag sa gilid ng pinto. Ano to? (o.o)

Hindi naman siguro bomba to, diba?

Tss. Mga pinag-iisip ko talaga. Kinuha ko ang paper bag at bumalik na ako sa table. Nilabas ko ang nasa loob ng paper bag and to my surprise, isa iyong lunch box. May note ding nakadikit dito. Kinuha ko ang sticky note na kulay dilaw at binasa iyon.

‘Wag kang magpapalipas ng gutom.’ 

Automatic akong napangiti after mabasa ang note na yon. Kanino kaya ito galing? Hehe. Kay Sage? May klase yun e. Kay Lewis kaya? Ehhh. Imposible! Kay Carlo? Edi sana nagpakita sa akin yon. Baka naman kay Samuel? Diba’t tinanong niya ako kanina? Pero bakit naman niya ako bibigyan ng ganito? Ay, ewan! Wag ka na lang mag-assume, Patch. Tsk!

Tumingin ako sa may pintuan. If ever na nandiyan siya pero nagtatago lang, gusto ko pa ring mag-thank you. “Kung sino ka man, salamat.” (^.^)

xxx

“PATCH!” Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sigaw na iyon. Parang kilala ko ang boses na iyon ah. Nagmamadali siyang pumasok ng office, at tama nga ang hinala ko. Si Zion. Mukang kakagaling lang niya sa Fun Run.

“Oh, anong nangyari sayo?” Nagtataka kong tanong sa kanya. Basang basa kasi siya ng pawis at habol habol nito ang paghinga.

Napahawak ito sa ulo niya. “Hindi ko na kaya! Sasabog na ang utak ko kakaisip!”

“Ha? Ano bang iniisip mo?” Napailing na lang ako sa kanya. “Kung nag-iisip ka kung paano mo liligawan si Reese, pwede ba wag kang torpe.”

“Huh?” He suddenly blushed. Ow, cute. “That’s not it!”

Natawa ako sa reaction niya. Namumula ang pisngi nito. “What is it?”

“Si Sage at Lewis kasi e!” Halata ang irita sa tono nito.

“Anong meron kay Sage at Lewis?” Nagtataka kong tanong dito.

“Bakit ba sila nag-aaway? May alam ka ba? Nag-research ako, nag-interbyu at survey na rin. Pero tae! Wala akong makalap na sagot!”

(o.o) ANO DAW? Magka-away si Lewis at Sage? Parang wala namang nababanggit sa akin si Sage na magka-away sila ni Lewis ah!

“Magka-away sila?” Gulat kong tanong.

Wala talagang nasasabi sa akin si Sage tungkol dito. Pero pansin ko na medyo ilang sila sa isa’t-isa at hindi masyadong nagpapansinan. Hindi ko nga ineexpect na capable pala na mag-away ang dalawang yon. Bromance sila e. Like seriously?

“Hindi mo rin alam?” Zion sighed out of frustration. “Alam mo bang naloloka na ako! Kapag may practice kami, sobrang tense sa court! Hindi mo ba nakakausap si Lewis?”

Umiling ako. “Hindi ko pa nakakausap e. Tsaka, tumigil na rin siya sa panliligaw.”

“HAAAA? SERYOSO BA YAN?!” (O___O )

“Oo nga. Gulat na gulat ka naman.” I smiled bitterly at him.

“P-Pero—Imposible e. Baliw na baliw sayo ang kumag na yon. Paanong—”

I cut him. “May mga bagay talaga na kahit imposible, pwedeng mangyari.”

“Y-Yung PaWis Heart ko!” Napahawak siya sa dibdib niya at humihikbi ito na parang timang.

“Anong pawis ang pinagsa-sasabi mo diyan? Haha!”

“PaWis! Patch-Lewis loveteam. Solid fan kaya ako. Kaya hindi niyo ako masisisi kung mahu-hurt ako ng ganito. Si Lewis kaya ang idol ko pagdating sa kakornihan!”

Natawa ako pero oo nga, sayang. I tapped his back. “Ganun talaga e. Hindi natin pwedeng ipilit ang wala na. Pero, tulungan mo na lang ako.”

“Tulungan saan? Nako! Kung Math yan, NO.”

“Hindi ah! Haha. It’s about Sage and Aicel. Gusto ko na kasing umamin si Sage kay Aicel bago pa mahuli ang lahat. I’ve learned my lesson. Say it before it’s too late.”

“Uy ha! Tulay ka na ngayon?” Sinundot sundot pa niya ako sa tagiliran. “Alam mo ba usually, yung tulay at yung tinutulungan niya ang nagkakatuluyan sa huli.”

*Pok!* Binatukan ko nga. “Aray ko ha!”

“Kung anu-ano kasi ang sinasabi mo e. Basta tulungan mo ako ha. Kung hindi, sisiraan kita kay Reese and you’re dead meat.”

Zion gulped. “Woah. Sige na, tutulong na ako. As if I have a choice. Ano ba ang plano, ha?”

I smirked at him.

Sage, I am doing this for you and I hope you’ll thank me for this. Ayokong magaya ka sa naging sitwasyon ko. Gusto ko sanang sabihin mo na kay Aicel ang nararamdaman mo bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko alam kung gusto ka rin niya, pero hindi naman yon mahalaga. Telling someone you love them, does not require an answer.

Aicel, hindi ko alam kung gusto mo na si Lewis ngayon. Wala naman akong magagawa para pigilan ka na mahalin siya. Pero sana, bigyan mo ng chance si Sage na sabihin sayo ang totoo. Masakit masaktan, pero mahirap magsisi sa huli. At least kapag nasaktan ka, alam mo sa sarili mong ginawa mo ang lahat para mapatunayang mahal mo siya.

xxx

NORMAL POV

Nagtext si Patch kay Aicel na may importante itong sasabihin sa kanya kaya pinapunta siya nito sa Student Council Office. Pagkabasa ng text nito, agad na sinabi ni Aicel kay Lewis na wag na siyang sunduin sa classroom dahil may gagawin pa ito.

Aicel grabbed the doorknob and she slowly opened the door. Pumasok siya sa loob at inilibot ang paningin sa paligid. Teka, akala ba niya’t andito si Patch? Parang wala namang tao sa loob. Ah, baka siguro nag-cr lang ito sagli—”

*BOOOOGSH!*

“OHMYGOD!” Napasigaw ito sa sobrang gulat. Bigla na lang kasing nagsara ang pintuang kanina lang ay pinasukan niya. Hindi kaya may nagmumulto dito at kinuha nila si Patc—

“ANO YON?” Shit shit. That’s a familiar voice!

Hindi siya maaaring magkamali. Sigurado siya na pagmamay-ari ni Sage ang tinig na iyon. Paano ba naman, biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya ng lingonin niya ito. Nagmamadali si Sage na lumabas sa isang silid na konektado sa Student Council Office. Extended Student Council Office ang tawag dito.

Sa sobrang pagkagulat ni Aicel pagkakita kay Sage, naisipan na lang niya na umalis sa loob ng silid. Hindi na maganda ang kundisyon ng puso niya. Naghi-hysterical ito nang makita si Sage. Kung hindi siya makakalabas dito, baka bigla na lang niyang yakapin si Sage.

Lalabas na lang siya. And that’s what she did. Binuksan niya ang doorknob kaso parang may mali ata? Inulit niyang buksan ito pero ayaw talaga iyong magbukas.

“Anong problema?” Tanong ni Sage dito mula sa likuran nang mapansing hindi pa binubuksan ni Aicel ang pintuan para lumabas.

Humarap ito kay Sage. “We’re locked.”

xxx

“Ano? Ayos na ba? Na-locked mo na?” Excited na tanong ni Patch kay Zion.

“Oo. Mission Accomplished. Na-lock ko na yung dalawa. Sana mag-work ang plano mo. Alam ko rin kasi kung gaano ka-inlove si Padilla kay Aicel e.”

Ngumiti si Patch dito. “Sana nga.”

Patch feels excited and nervous at the same time. Sana sabihin na ni Sage ang totoo niyang nararamdaman. Kung hindi man niya makuha ang love story na gusto niya, sana man lang si Sage at Aicel, diba?

Patch totally forgot about Lewis’ feelings for Aicel. I’m sure maaapektuhan ito kapag nalaman niyang tulay siya para kay Sage at Aicel. But it’s payback time. Si Sage muna ang iisipin niya ngayon.  

xxx

AICEL

“We’re locked.” Sabi ko pagka-harap ko kay Sage.

Hindi ko kasi mabuksan ang pinto at tsaka isa pa, sumara ito kanina ng kusa. Is this some kind of a prank? Kasi sa totoo lang, hindi nakakatawa. My heart is beating like crazy right now! Baka anytime sumabog na ito. Ayokong makita si Sage. Ayoko. Naghi-hysterical ang puso ko.

“Kumalma ka diyan. Hintayin na lang natin na may magbukas.” Sabi ni Sage sa akin.

Somehow nawala ang takot ko. Pero ang mabilis na pagtibok ng puso ko, consistent pa rin. (-.-’)

“Umupo ka muna dito.” Saka niya tinuro ang seat na katabi niya. Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Ang tahimik.

Nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Ni isa walang balak magsalita. Ang awkward. Nakakailang pero at the same time, kinikilig ako kasi katabi ko ngayon ang lalaking mahal ko. Haay. Ngayon alam ko na kung bakit kahit magkatabi lang kayo ng taong mahal mo, masaya ka na. Kasi ganong-ganon ang feeling ko ngayon. Kuntento na ako.

Sitting next to him, doing absolutely nothing means absolutely everything to me.

“Sage.” I’ve decided to break the silence. Kilala niyo ako. Hindi ako tahimik na tao.

“Mmm?” Naramdaman ko ang pagtingin niya sa akin. Shit. Nakikita ko sa peripheral vision ko ang mga titig niya sa akin. Shems! Kumalma ka muna, Aicel. Wag ka munang mamula ngayon.

“Sorry ha.” I almost gasped.

“Para saan?” Napatingin ako sa kanya. Nakangiti lang ito. Asar ha!

Talagang naitanong pa niya yan? Obvious naman kung bakit ako nagso-sorry, diba? Nakakainis! Nakakahiya kayang ulit-ulitin ang maling ginawa mo. (-___-’)

“Alam mo na yun.” I rolled eyes on him.

“Alam ko ang alin?” Maang-maangan niya.

Tumingin ulit ako sa kanya only to find out that he’s still staring at me. Nagkatitigan kami ng ilang segundo pero agad rin akong umiwas. Pwede na ba akong matunaw. Ugh!

“Tss. Sage naman e!” Namumula na ako sa sobrang hiya dito, oh.

“Haha. Ang alin nga?” Nang-iinis ba talaga siya? Pero infairness, ang ganda sa tenga ng tawa niya. Nawawala pa ako sa sarili ko nang bigla niya akong sikuhin. “Sabihin mo na.”

“Tss. Yung kagabi. Hindi ko naman sinasadya yon.” (-___-’)

“Ahh.” He paused for about three seconds. “Okay lang yon.”

“Hindi ka ba galit sa akin?” (o.o)

“Hindi. Bakit naman ako magagalit sayo? Besides, it’s just a kiss. I know you can’t resist my lips—Aw!” Hinampas ko siya sa balikat niya. Kung anu-ano kasing sinasabi e.

“Ano ba! Nakakainis ka. Kita mong nahihiya na nga ako dito e.” (-__-’)

“Oo nga. Halata dahil sobrang pula ng muka mo.” He chuckled. “Ganito ba talaga ang epekto ko sayo? Ikaw ha. Kinikilig ka—Aw!”

“Isa pa. Sasakalin na talaga kita!” Banta ko dito.

Tumawa siya sa sinabi ko. “Sorry. Hindi lang ako sanay na seryoso tayong mag-usap.”

“Eh, anong gusto mo? Sigawan kita? Sapakin kita?”

“Oo.” Sumeryoso ito. “Mas gusto kong ganun tayo.”

(o///o) “M-May tayo?

“H-Ha?” He looks uncomfortable. “I mean, yung usual na ginagawa natin kapag nag-uusap. Yung nag-aasaran, nag-aaway. Mas okay yun.”

“Ah. A-Akala ko naman.” (-___-’)

#MedyoAssuming ka Aicel. T_T

“Tss. Imposible namang magkaroon ng tayo diba? Kasi hindi mo ako gusto, diba? Tsaka nililigawan ka rin ni Lewis. Si Lewis na matagal mo ng gusto.”

Hindi kita gusto, Sage. Kasi mahal kita. I want to tell you how much I love you, how much I miss you and how much I need you, but I’m afraid you don’t feel the same.

“Ha? Oo ata.” Aba, malay ko ba dun sa lalaking yon. Alam ko namang hindi siya seryoso e.

“Sasagutin mo ba siya?” Bakit ganito ang tono ni Sage? Parang malungkot? O ako lang yon?

Natigilan ako sa tanong niya. “Ewan. Hindi ko alam.”

“Bagay naman kayo e.” Dagdag pa niya.

Yung nga lang—Mas bagay tayo, Sage!

“Eh ikaw?” Sige, Aicel. Itanong mo na sa kanya ang isa pang gumugulo sa isip mo.

“Anong ako?” He asked, confused.

“Nililigawan mo ba si Patch?” I looked at him. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya pero alam kong pinag-iisipan niyang mabuti ang isasagot. “K-Kasi ano, pansin ko—”

“No. But, I like her.”

Loading. Loading. Loading.


But, I like her.  


I like her.


Like her.


Her.


Patch.

Feeling ko nadaganan ako ng langit at lupa sa narinig ko. Sage just admitted right in front of my face na gusto niya si Patch. I like her. Yun. Yun na ang hinihintay mong sagot, Aicel. Diba’t hindi ka pa sigurado noon kung sino ba talaga ang gusto ni Sage. Edi ayan, alam mo na!

Sana hindi ko na lang tinanong. Sana hindi ko na lang nalaman. Kasi parang ang—sakit. Knowing na bestfriend ko ang babaeng gusto niya. Expected ko naman to. Syempre, obvious naman na gusto niya si Patch. Lagi kaya siyang andiyan para kay Patch. Pero mas masakit pala lalo na’t alam mo na talaga at sinabi niya pa sa muka mo, no?

“Ahh.” I managed to say. Nangingilid na ang luha sa mata ko. Shit. Wag ngayon, please.

“Gusto ko siyang protektahan. Gusto kong malaman niya na lagi lang akong andito para sa kanya lalo na’t kailangan niya ng masasandalan. Ayokong nakikita siyang nasasaktan. Kasi mas nasasaktan ako.” 

Pwede bang awat na, Sage? Ayoko na. Nasasaktan na ako ng sobra.   

“Yeah.” Hold your tears, Aicel. Wag kang bibigay ngayon. Be tough. Kahit sa harap lang ni Sage. “Salamat kasi lagi kang andiyan para sa kanya lalo na’t pag wala ako.”

“You’re welcome. Gusto ko rin naman ang ginagawa ko.”

Shit.

Ayoko na. Gusto ko ng umalis dito. Natatakot ako na baka bigla na lang bumagsak ang mga luha na kanina pa gustong kumawala sa mata ko. Natatakot ako na makita niya akong ganito.

Biglang bumukas ang pinto. Si Zion pala.

“Zion! Buti dumating ka na. Kanina pa kami andito.”

“Ahh. Bakit kayo andito?” Zion grinned. Pero hindi ko na iyong pinansin.

Agad akong lumabas ng Student Council Office at tumakbo papunta ng CR. I just can’t handle this anymore. It fuckin’ hurts like hell.

xxx

SAGE 

“Anong nangyari dun?” Nagtatakang tanong ni Zion sa akin pagka-labas ni Aicel ng silid.

I shrugged. Nakasunod pa rin ang tingin ko sa pintuang nilabasan niya.

Aicel..

Ang sakit magpanggap. Mahal kita, Aicel. God knows how much I miss you. I’m longing for you. Pero may magagawa ba ako lalo na’t hindi naman ako ang laman niyang puso mo.

“Ano bro, kamusta?” Zion tapped my back and grinned. “Anong pinag-usapan niyo?”

Umiling ako. “Wala naman.”

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Hindi mo ba sinabi sa kanya na mahal mo siya? O kayo na?”

Binatukan ko nga. “Pinlano mo ba to?”

“Hoy. Hindi ako ang nagplano pero kasali ako sa operasyon na to.” Natawa ito sa sarili niya. Baliw. “Si Patch ang nang-blackmail sa akin. She’s good on it, swear.”

“Baliw talaga yun. Haha.” Napailing na lang ako. Alam ko namang gusto niya lang ako na maging masaya at mabunutan ng tinik kung aamin ako kay Aicel.

Pero tulad nga ng sinasabi ko sa sarili ko, hindi iyon ganung kadali. Iba na ang sitwasyon ngayon.

“Hindi ka pa ba umaamin?” Hindi ako sumagot. “Grabe ha! Sayang effort namin. Alam mo bang nahirapan pa akong kunin ang susi ng office na to sa guard kanina.”

“Isipin mo na ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon. Kasama mo si Reese dito at gusto mong sabihin sa kanyang mahal mo siya kahit na may gusto siyang iba. Sa tingin mo ba hindi ka mahihirapan?” Seryoso kong sabi dito.

“Sabagay, mahirap nga iyon. Si Reese nga, wala akong nababalitaan na crush niya pero nahihirapan na akong umamin e. Paano pa kaya yung sayo?”

“Baka nga kapag umamin ako, pagtatawanan lang ako nun.”

 “Nakakainis!” Napa-padyak pa ito ng paa. “Wala na ngang PaWis, wala na ding CelSa. Ayoko talaga sa PaGe at WisCel e.” (-____-’)

“Baliw.” Binatukan ko muna to. “Aalis na ako.”

Hindi ko na siya hinintay. Tumayo na ako at lumabas ng SC Office. Iniwan ko na dun si Zion.

Sinungaling ka Sage..sinungaling.

xxx


A/N:
 Afraid sila sa REJECTION kaya hindi nila masabi ang totoong nararamdaman nila. Haaaay. Sage and Aicel, wala na ba talaga? 

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...