Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

126K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XXVI

2.5K 107 137
By mugixcha

<Warning: NSFW>

Hindi kami nakapagusap habang nasa loob ng taxi. Masyado akong lutang at mukhang marami din iniisip si Goyong. Ansakit ng dibdib ko na parang gusto kong magwala at mag-drama pero sinusubukan kong pigilan ang sarili ko. Idinugtong ko ang mga bagay-bagay para magkaroon ng sense- Kaya ba naging busy ang nanay ko dahil may inaasikaso siyang iba? Yun ba yun 'pakikipagbalikan'? Si Dolly bakit siya nandito sa Pilipinas? Nung kinwento niya sakin ang tungkol sa nanay at half-sister niya, sadya niya ba yun at alam na niya dati pa? Ibig sabihin, wala akong kaalam-alam na may ibang pamilya ang nanay ko. Baka ako lang talaga ang walang alam! Oo, ganun nga, pinagmukha akong tanga.

Pagkarating ng apartment, hindi ko na napigilan at napaiyak ako habang naglalakad papasok. Sinubukan kong umiyak ng walang  tunog at pinunasan agad ang mga lumalabas na luha. Naisip ko agad na pumuntang banyo para duon magtago pero paghakbang ko sa may pintuan, bigla akong niyakap ng Heneral mula sa  likod. Hindi siya nagsalita at naramdaman ko lalong sumakit ang puso ko  at napaiyak na ako ng mas malakas. Hinigpitan lang niya ang pagyakap at  bigla niya akong iniharap sa kanya. Hinawakan niya ang aking pisngi kung saan patuloy lang na dumadaloy ang luha at hinalikan ang noo ko. Parang nasasakal ako pag sinusubukan kong buksan  ang bibig ko para magsalita. Parang may pumipigil para ilabas lahat ng gusto kong sabihin o baka dahil ang totoo, hindi ko lang talaga alam kung  saan ako maguumpisa.

Dinala ako ni Goyong sa harap ng kama habang umiikot sa  isip ko lahat ng mga nangyari. Bakit ang komplikado isipin kahit kasing dali lang ito ng 1+1=2?

"Baka ikaw ay magkasakit." Ang sabi niya pagkatapos niyang hawakan ang damit ko na basa pa rin.

Hindi ako sumagot, hindi rin ako gumalaw. Dahan-dahan niyang tinanggal ang butones ng damit ko. Nakaramdam ako ng konting lamig- ang klase na hindi  mapapantayan ang nararamdaman ko sa loob.  Kinuha niya sa cabinet ang isang button down cami dress na naalala kong regalo sa akin ng nanay ko na galing Japan at isinuot niya sa akin -nagmistulan siyang isang ina na dinadamitan ang anak na papasok sa eskwelahan. Ang patuyo kong  buhok ay hinawakan rin niya at siya ring inayos. Tinignan ko ang mukha niya na nasa harap ko pero kasing labo ng may suot na salaming mali ang grado ang paningin ko. Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa pisngi ko, kelan  ba ako matatapos umiyak?

Hindi pa rin ako gumalaw sa pwesto ko at naglakbay ang isip ko sa nakaraan kung saan kasama ko pa ang nanay ko. Nagpatuloy lang kami na mabuhay kahit namatay na ang tatay ko. Nagkaroon ng isang Chinese-style funeral para sa kanya (kahit pa may halong dugong Espanyol siya, mas nanaig pa rin ang kulturang Tsino sa kanilang pamilya) at naruon kami at umiiyak kasama ng iba pang kamag-anak ng tatay ko. Hindi kami masyadong tanggap ng mga kapatid ng tatay ko, dahil hindi Chinese ang nanay ko at maypagka-traditional ang pamilya nila. Sinubukan kong idugtong ang sinabi ni Dolly na babalikan raw ng nanay ko ang dad niya. Ibig sabihin, si Dolores ang mas naunang anak at yung isa sa mga lasing, kapatid ko rin siya. Bakit hindi ko man lang to nalaman ng mas maaga? Alam kaya to ng tatay ko? Diyos ko! Paano kung hindi niya rin nalaman bago man lang siya mamatay?

Nagising ang diwa ko-- luminaw ang paningin at nakita ang nakatitig na kulay-kapeng mga mata sa akin. Na-realize ko na nakahiga na pala ako sa kama dahil napansin ko ang nakakasilaw na ilaw galing sa nakasinding bombilya sa kisame. Ilang minuto na akong nasa higaan? Hindi ko pala napansin sa lalim ng iniisip ko! Tinabihan ako ng Heneral at niyakap mula sa gilid. Naramdaman kong ang ilong niya na tumatama sa aking balikat at ang kamay niya ay hinahawakan ang baywang ko. Maingat at dahan-dahan niya akong iniharap sa kanya na parang isang babasaging blue-and-white porcelain ang hawak niya.

Matapos ang napakahabang katahimikan, bigla siyang nagsalita kaya sinubukan kong inintindihin ang bawat salita at iniwasan itong ihalo kasama ng magulo kong mga iniisip.

"Ipikit mo na ang iyong mga mata at huwag na muna mag-isip ng lahat ng iyong pinproblema."

Hinigpitan niya ang pagyakap at sumunod ako sa pinagagawa niya. Pinikit ko ang aking mga mata pero sa sobrang bigat ng pakiramdam, napahagulgol ako at hinawakan ang damit niya. Lumabas lahat ng emosyon na tinatago ko matapos siyang magsalita. Sa pagmudmod ng mukha ko sa dibdib niya, umasa akong maitatago ang kalahati ng kinahihiya kong kahinaan. Naghalo na ang mainit na luha at malamig na tubig ng basang damit niya kasabay ng pagsiklab ng kaninang giniginaw kong puso. Galit ako dahil nagmukha akong tanga at hindi ko rin matanggap na sa dami-dami ng tao, si Dolores pa ang kapatid ko-- Pero ano pa nga ba ang magagawa ng inis na nararamdaman ko sa loob?

"Aking alam na napakaraming gumugulo sa iyong isipan ngayon ngunit nararapat mong pilitin na maging matatag. Ating aalamin ang lahat-lahat at ang mga bagay ay magiging malinaw rin. Iyan ay aking ipinapangako sa iyo."

Hinalikan niya ang aking pisngi. Sa mga oras na iyon na tuliro ang isip ko sa mga bagay-bagay, bigla lang na may nangibabaw sa nararamdaman ko. Gusto kong yakapin lang ako ng Heneral, kagaya nito. Isang selfish na klase ng pagnanais na hindi ko maitatanggi sa loob ko. Kailangan ko siya ngayon, pero kailangan din kaya niya ako? Siguro ganito rin ang pakiramdam ng isang babaeng naglalakad sa mundo ng mag-isa- uhaw sa pag-ibig at atat makaramdam na may tao pang makakapiling.

Pumaibabaw siya at hinalikan ako sa labi-- kagaya ng nangyari dati, hindi ako muling nakatanggi at ginantihan ito ng kaparehas ng sidhi. Nasaan na nga ba ang tama kong pag-iisip? Hindi ba niya ako pinaglloko lang at pinaglalaruan? Si Dolly ang orihinal na mahal niya, bakit pa ba ako nagpapadala sa feelings ko masyado? Tama bang makipagtalik sa lalaking kakasabi lang sa girlfriend niya na magbreak na sila? Mali siguro ang lahat, pero bakit ang maliit na nararamdaman ko na nagsasabing wag kong pigilan ang sarili ko ay ang siyang nangibabaw ngayon? Wala na akong pakealam. Tama, dapat wala na akong pakealam sa iba. Wala rin naman silang pakealam sa feelings ko. Kung may pake sila, hindi nila to gagawin sakin!

Naghubad siya ng pang-itaas bago inangat ang suot kong damit. Pinilit kong ayusin agad dahil sa hiya pero tinanggal niya rin ang kamay ko na naka-harang. Hinalikan niya ang aking leeg at napa-kagat labi nalang ako para hindi niya marinig kung ano man ang nagtatangkang lumabas mula sa bibig ko. Mas gusto kong manatiling tahimik dahil nahihiya ako. Hinalikan niya pati ang dibdib ko at hinaplos rin ang tiyan na siyang lalong nagpakaba sakin. Saglit akong nakiliti at napa-piglas pero hinawakan niyang bigla ang mga kamay ko na parang sinasabing huwag ako maglikot, kung hindi lagot ako. Pagkatapos ay hinubad ang natitira, kaya bigla akong nataranta at sinubukan kong bumangon pero inihiga niya rin akong muli at wala na akong nagawa- ang Heneral pa din ang masusunod. Pumikit nalang ako habang naghihintay sa kinatatakot kong mangyari. Narinig niya ang mahina kong reaksyon at napatigil siya sa paggalaw.

"Ito'y unang beses?"

Napatango ako at napangiti siya- kung ano man ibig sabihin nuon ay hindi ko masigurado.

"Hagkan mo lamang ako, Binibini." Sumunod naman ako at niyakap siya ng mahigpit. Patuloy lang ang nerbyos ko sa loob habang iniisip na nababaliw na talaga ako para pumayag sa bagay na ito.

Nilapit pa niya ang katawan niya at hinalikan muli ang aking leeg hanggang sa may bandang tenga at nagsimula uling gumalaw ng mas mabilis. Hindi ko na maramdaman ang kiliti dahil sa ibang bagay na nakatuon ang atensyon ko at mas nabalot ng takot ang aking loob. Kontrolado niya ang katawan ko at hinayaan ko lang siyang gawin ang kanyang gusto. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinawakan ng mahigpit ang kanyang likod habang napansin ko na unti-unting nabawas ang sakit. Maya-maya ay narinig ko ang pangalan ko na ibinulong niya sa aking kaliwang tenga at naramdaman ko hindi ko na rin kaya pang magpumigil. Napatigil siya at napahawak ng mahigpit sa braso ko. Sumuko na ako at hinayaan na mabalot ang katawan ng kakaibang laya kahit sa panandalian lamang na oras at naramdaman ko na hindi na rin siya nagpapigil. Hiningal ang Heneral at ihiniga ang pisngi niya sa aking dibdib. Hinaplos ko ang kanyang buhok habang ramdam ang balat niya na basa ng pawis kagaya ng sakin. Bumangon si Goyong at hinalikan akong muli sa labi pero sa pagkakataon na ito- dahan-dahan, maingat at parang nilalasap lang niya ang pagkakataon na hindi ko din alam kung kailan mauulit.

"Mamaya ay matulog ng mahimbing at ang pag-iisip ng kung ano ay siyang iwasan. Kung kinakailangang maglakbay ang isipan, dalhin ito sa alaala nating dalawa."

Ibinalik niya ang damit ko sa ayos at niyakap uli ako ng mahigpit.

"Sa iyong tiwala na inihandog ay lubos na pasasalamat." Kung mali man na magtiwala at biktima ako ng isa sa mga laro niya, sige, talo na ako. Pero sa simula palang hindi ba, talo na ako agad?

Sa gabi na isinuko ko na ang lahat ay hindi na siya umalis sa tabi ko sa higaan. Hinalikan niya ang kamay ko at inilagay malapit sa kanyang pisngi bago siya tuluyang nakatulog.

---

Kinabukasang pagdilat ng mata at pagbangon, nakita kong naka-bihis na ng uniform si Goyong.
Sinilip ko ang orasan at na-realize mahuhuli na ako kaya napatalon ako sa higaan.

"Heneral, ba't di mo ko ginising?"

"Huwag ka ng pumasok, Binibini. Hindi ba't kailangan mo pang makausap ang iyong inay? Ang telepono mo ay iyong tignan, mukhang siya ay naka-ilan ng tawag mula pa kagabi."

"Mamaya ko na yan aasikasuhin. Sige, mauna ka na, baka mahuli ka sa pag time-in, hahabol ako."

Tinignan ko ang cellphone ko. Tumambad ang listahan ng missed calls mula sa nanay ko at kay Pau.

Nilapitan niya ako at inayos ang bed head ko.

"Ika'y hihintayin ko na. Sabay na lamang tayong umalis."

---

Pagdating sa coffee shop, naghuramentado si Pau.

"Mga gaga kayo! Kagabi pa ako mamamatay sa kaba! Nabalitaan ko ang nangyari kagabi sa bahay nila Dolly! Diyos ko po, hindi ko na alam! Nataranta ako at nag-alala! Hindi ko na kayo nahagilap! Pupunta dapat ako sa apartment kaso kinailangan ko pang maghatid ng lasing kagabi! Hay nako! Leche lang! Tapos di niyo sinasagot ang mga tawag ko, halos mapudpod kaya mga daliri ko!" Pinalo-palo niya ang balikat ng Heneral at hinatak ang buhok ko.

"Patawad Paulo. Ang iyong kaibigan ay tuliro kagabi. Siya'y sinamahan ko na makauwi agad at kami ay hindi na nakapagpaalam."

"Ano ba kasing nangyari talaga? Totoo ba ang sinabi ni Dolly?"

"Sorry, Pau.."

"Sige, pag-usapan natin yan mamaya, Miho."

Isinuot ko na ang apron, inayos na rin ni Goyong ang kanyang necktie at nagtrabaho na kami ng normal.

---

Matapos ang shift, binalikan ako ni Pau para usisain ang ilang mga bagay. Humingi ako ng isang stick ng sigarilyo sa kanya bago kami mag-umpisang mag-usap. Tumayo lang si Goyong sa tabi ko at nakatingin sa kawalan.

"Girl, tama ba talaga, si Tita ay mama rin ni Dolly?"

"Sa pagkakarinig ko." Hindi pa din ata nag sink-in lahat-lahat ng pinagdugtung-dugtong ko na mga detalye.

"Pano naman nangyari yun?"

"Hindi ko nga rin alam eh.. Ako lang ata ang walang alam."

"Sumakit ulo ko, friend! Huy, Goyong, hiniwalayan mo si Dolly? Umiiyak siya sakin kahapon, anong ginawa mo?"

"Sinabi niya kay Miho na sabihin raw sa akin na lumipat na lamang ng bahay dahil malalaman rin ito ng kanyang inay. Mukhang nagagalit rin siya dahil ang makinig sa kanyang mga mungkahi dati pa ay hindi ko ginawa. Lahat ng iyon ay kanyang sinabi habang tila wala na sa sarili si Miho kahapon. Kinailangan kong--"

"Wait, ano? Dahil dun kaya mo siya hiniwalayan?"

"Hindi ko nais na pasunurin niya ang ibang tao dahil sa sarili niyang kagustuhan. Hindi ko yuon matatanggap at.." Natahimik siya. "Hindi ko nais na humiwalay kay Miho. Aking nalalaman na ang susunod na mangyayari at kinakailangan na panagutan ko na ang aking mga salita at galaw. Mauuwi rin lamang ang lahat sa ganito, kaya ako'y nagpasya na magsalita upang hindi na tumagal pa ang mga nararapat iparating. Muntikan na rin palang si Miho ay mamatay sa pagkalunod dahil sa kapatid niyang si Tristan, ang sira ulong iyon! Kaya ako'y nagmadaling iuwi siya sapagkat basa na rin ang kanyang damit kagabi. Pasensya ka na Paulo at ang masabihan ka ay hindi na naming nagawa."

"Ha? Lasing na naman si Tristan? Diyos ko! Hayyy, o sige na, pinapatawad ko na kayo. Pero anong sinasabi mong pananagutan mo ang mga salita at galaw mo? Mabalik ako sa kanina, naka-silent ba mga phone niyo kagabi at tulog na kayo? Nag-alala lang talaga ako gusto ko na talagang sumugod sa apartment, kaloka! Hindi rin nag sink-in ang sinabi sakin ni Dolly e!"

Nagtinginan kami ni Goyong at nanahimik.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 80.2K 22
Ang Ikalawang Serye. Si Aurora Lacamiento ay mayroong malubhang karamdaman mula pagkabata. Sa loob ng ilang taon ay naging sandigan niya ang pagbabas...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.2M 73.2K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.4M 81.1K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...