How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

Chapter 40: Threesome

13.8K 469 68
By xxxRavenJadexxx

Isa sa mga pinakamahabang araw ang araw na ito. Napakalaking adjustment ang kailangan kong gawin.... from being an adventurer to being the protector of the treasure in a literal sense. Hindi pa rin ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. I always thought na parang pelikula lang ang bawat araw na nagdadaan sa 'kin. Wherein anytime 'pag sinabi ng direktor na CUT ay babalik na ako sa tunay kong buhay. But this is REAL LIFE, na wala akong kailangang gawin kundi makisabay sa agos nito. Sadyang ganito talaga ang kapalaran ko na kailangan ko na lang bukas-loob na tanggapin.

It's already 12 midnight and I'm here sa baybayin while watching the bright moon na halos takpan na ng makakapal na ulap. Pinili ko munang mapag-isa dahil baka mapaghalataan na kami ng mga kasama ko na the whole day ay si Mick lang ang kasama ko. And speaking of Zanmiks..... Hayyyy, inhale then exhale. Nababaliw na kaming dalawa in a very awkward way. Mabuti na lang hindi siya masyadong impulsive dahil baka mahuli kami sa bawat maling maikilos namin. Isang malaking krimen ang mabuking kami at hinding hindi ko yun hahayaang mangyari. Kahit nga ako, kung makakalabas lang ang kaluluwa ko para pagmasdan ang ginagawa ng katawang tao namin ni Mick, baka masapak ko ang sarili ko. Nakakadiri is just an understatement, pero that's the right word to describe. I'm not a fan of same sex relationship but I'm involving to such horrendous act. Ganun ba talaga 'pag bawal? 'Pag natikman mo na hindi mo na mapigilang hanap hanapin pa? Kahit sarili ko, inooppose ko sa kawirduhang 'to. Aba matinde!

"Psssst...."

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa gulat sa taong sumitsit na 'yun. Lumingon ako at nakita ko si Alex na papalapit sa 'kin...

"What are you doing there Mister Handsome?"

Hindi ako sumagot at ibinaling muli ang tingin sa bilog na bilog na buwan. Tinabihan ako ni Alex sa pagkakatayo at ginaya ang posisyon ko na naka cross arm.

"Nagkakakwentuhan na ng mga Ghost Stories dun. Hindi naman nakakatakot. Atsaka nung turn na nung palakang magkwento, nagwalk out na 'ko,"

Medyo napangiti ako sa himutok ni Alex. 'Till now hindi pa rin matapos tapos ang bangayan nila nung Joaquin na 'yun.

"So, ba't ka pumunta dito?" tanong ko sa kanya.

"Hmmmm... Wala lang! Bakit masama?"

Iginawi ko ang tingin sa kanya nang paseryoso. Alam ko na, kahit hindi niya pa sabihin, ang rason kaya bakit niya gustong makasama ako.

"Oo Alex! Masama talaga, at ayoko munang makipag-usap kaninu-man."

Bigla niya akong tinapik sa may bandang braso. "Suplado nito! Arte mo Jace ha, hindi bagay!"

"Hay naku Alex, alam ko na kung bakit ka pumunta dito.... Para makausap ako.."

"Natural! Alangan namang magtitigan tayo dito? Umayos ayos ka nga Jace. Naiimbyerna na ang beauty ko sayo!"

Ano raw? Medyo nagulat ako sa inasta niya. Parang ngayon lang niya ako tinarayan ng ganun. Palaban siya pero ayoko talagang makipag-usap sa kanya specially kung ang topic ay patungkol sa Tiyuhin niya.

Nabalot ng katahimikan nang panandalian ang lugar hanggang sa muli niya akong kausapin.

"Hindi ka ba masaya Jace? Nakita niyo na ang kayamanan? At more than expectation pa! Akala ko kase ibang klaseng kayamanan ang tinutukoy ng nanay mo. Kahit sino namang kamag-anak niyo e talagang magahahabol diyan."

Ayoko sanang magbitiw ng kahit anong salita sa kanya dahil maging ako'y hindi pa kunkreto sa isipan ko kung bakit nangyayari ang lahat. Since hindi naman tungkol kay Mick ang tanong niya e sinagot ko na rin siya.

"Hindi naman kayamanan ang magpapasaya sa tao, alam mo yan," medyo pangaral ko sa kanya. "At matagal nang sa amin 'to. So, pinoprotektahan lang namin ang dapat ay amin," sagot ko. "Don't tell me wala pang sinasabi sayo si Ten?"

"Hmmmm.... Nung magising ako, nagkwento naman siya kahit papaano. Nag apologize din siya sa 'kin nang BONGGANG BONGGA to the HIGHEST LEVEL! Sorry daw dahil nainvolve kami ng Kuya ko and so on. Kaso medyo nahurt din yung brain ko kase parang... Ano 'to? Naghahanap pala tayo sa wala? I mean, nagkanda loka loka na ako na ako raw yung susi, hindi ko na malaman kung anong padlock ang bubuksan ko tapos.... BOOM! Nakaplano na pala ang lahat. Tsk tsk tsk..."

Pareho lang kami ng saloobin ni Alex. 'Di malaman kung saang parte ng paglalakbay ang kailangang paniwalaan.

"Bakit pala nandito yung dalawang kaibigan ni...." pagputol ko. Ayoko talagang ibring up ang pangalan ni Mick dahil baka kung saan makarating ang usapan. Malakas ang kutob ko na inoobserbahan kami ng lukaret na pamangkin nitong si Mick. "NG TIYUHIN MO," dugtong ko.

"Ewan ko ba, ano bang pumasok sa utak ng kapatid mo para humingi ng tulong sa dalawang extortionist na yun? Sabi lang kase ni Ten kailangan ng MANPOWER. Pucha manpower daw e mga hayop yung mga yun! Isang unggoy at isang palakang kamukha ni chocolate," batid niya nang pagalit.

Para sa 'kin, hindi na rin kailangan ang serbisyo ng dalawa. Parang Ten is adding INSULT to the injury. Only selective people should know the whereabouts of this treasure, hindi ng mga outsider lang. Siguro may pinaplano si Ten na hindi ko pa alam patukoy sa dalawa.

"Hindi ko pa masyadong nakakausap si Ten except nung magkamalay tao ako. Tell me what's the plan?"

Tumingin sa 'kin si Alex na ang mga mata'y parang nangungutya.

"O bakit ganyan ka makatingin?" nawiwirduhan kong sabi sa kanya.

"Ikaw kase! Buong araw kayo lang ni Kuya ang magkasama... ASUS! Umamin ka nga JACE....."

Biglang nagtayuang muli ang mga balahibo ko hindi sa takot, kundi sa awkwardness na nararamdaman ko. Para akong nakarinig ng kaluskos ng pusa sa bubungan ng bahay. Sinasabi ko na nga't it's a bad idea na makipag-usap sa babaeng ito dahil gagawa't gagawa siya ng paraan para ikonekta ang usapan sa Tiyuhin niya.

".... And that's the reason why ayaw na ayaw kitang makausap," prangka ko sa kanya na may halong inis.

"Teka nga sandali.... Ang gusto ko lang sabihin, e.... Bati na kayo! All is well na between the two of you... Ikaw talaga kung anu-anong iniisip mo..."

Gusto kong pektusan sa singit ang babaeng ito nang madala. One of the biggest mistakes that I've done in my entire life was nung umamin ako sa kanya about sa real score sa 'min ni Mick. Ang bobo ko nung mga time na 'yun. And now, yung kabobohan na yun e nagrereflect sa katauhan ni Alex na ang personality e sobrang beyond of what a normal girl should act.

"Tssssss....."

"Oh well Papa Jace. Whether believe it or not, nirerespeto kita. Kung tingin mo hindi ako karesperespeto... Well, I earned it naman dahil sinira ko ang tiwala mo. Kung naging okay na kayo ni Kuya, sana okay na rin tayo. Peace na tayo please."

Hindi naman sa galit na galit ako sa kanya. Kung tutuusin e napatawad ko na siya matagal na, ayoko lang is makialam siya sa kung anumang gusto ko sa buhay ko with her eyes and ears off. Hindi lang ako kumportable sa kanya dahil sa tuwing makikita ko siya'y parang may naka monitor sa aking CCTV kahit saan ako magpunta.

Parang pulubing nagmamakaawa si Alex sa 'kin. Hindi ko alam ang sasagutin sa kanya dahil hindi na niya kailangang humingi pa ng tawad.

"Tumigil ka Alex, para kang tanga...." sabi ko, at itinigil na niya ang pagme-make face niya na talo pa ang pulubi kung mamalimos.

******

Pinabalik ko na si Alex sa lungga niya para mapag-isa muli ako. Para siyang naging commercial break sa pagmumuni-muni ko.

Umabante ako papuntang dagat para maramdaman ang tubig sa mga paa ko. High Tide nang mga oras na 'yun at ramdam ko yung medyo maligamgam na tubig.

"Mukhang masarap magswimming," bulong ko sa sarili ko.

Perfect! Mabuti na lang at hindi malamig ang tubig. Tumingin tingin ako sa paligid upang tingnan kung may tao. Maghuhubo't hubad kase ako at kailanga'y walang makakita sa 'kin.

Hinubad ko ang T-shirt ko at pagkatapos ay ang aking pantalon. Nagdadalawang isip ako kung maghuhubad pa ako ng underwear, at since ako lang naman ang nanduon e hinubad ko na rin.

Maliwanag ang buwan nuon at wala ng mga ulap na humaharang dito, kaya nasasalaminan ng katubigan ang buong katawan ko.

Ang ganda pa rin ng hubog ng buong katawan ko kahit ilang linggo nang walang GYM. At ang pagkalalaki ko'y.... ayun, isa ito talaga sa maipagmamalaki ko.

Nang matapos magmuni-muni panandalian ay dumako na ko sa medyo may kalalimang parte ng dagat. Wala akong ginawa kundi sumisid na parang isang MERMAN. Ang sarap damahin ng tubig habang sumisisid sa kailaliman ng dagat. Naalala ko tuloy nung Highschool ako, favorite ko ang swimming at nanalo na rin ako as 3rd Place sa isang kumpetisyon. Nang tumanda'y duon na lang ako nawalan ng hilig sa pagswimming.

Nakaramdam ako ng pagod sa paglangoy at nakaramdam ako ng pamumulikat kaya minabuti ko nang sumaka at magpahinga na.

Kukunin ko na sana ang mga damit ko nang biglang....

"O? Dito ko lang nilagay yun ah?"

Pucha, nawala lahat ng damit ko. Halos umikot na ang paningin ko kakahanap sa mga damit ko pero hindi ko ito makita. Mukhang may nantitrip sa 'kin sa ganitong disoras ng gabi...

"Alex..... Alex.... Ilabas mo na yan...."

Si Alex lang naman ang pwedeng pagtripan ako ng ganito. Takip takip ng dalawang kamay ko ang putotoy ko habang hinahanap ang mga damit ko. Baka mamaya niyan e binobosohan na ako ni Alex na nagtatago lang sa mga puno sa tabi-tabi. May pagkapilya pa naman ang babaeng 'yun.

Mahigit dalawampung minuto na akong naghahanap, sa sobrang pagkadismaya'y napaupo na lang ako sa may buhangin...

"Aaaargggghhhhh!!!!" para akong asong naulul sa pagtahol.




"Eto ba hinahanap mo?"




Gulat na gulat ako sa nagsalita. Lumingon ako sa tila pamilyar na boses at iyo'y walang iba kundi si Mick.


"Siraulo ka talaga!"- ako.


Nakangiti pa siya na parang matsing na akala niya'y natutuwa ako sa ginawa niya. Tumayo ako at pinagpag ang mga buhanging kumapit sa may bandang pwetan ko. Akto kong kukunin ang damit sa kanya ngunit tinapon niya lang ito sa may bandang likuran niya.

Bigla siyang naghubad ng pang itaas at nagmamadaling hubarin ang pantalon hanggang sa matira na lang ang kulay itim niyang underwear.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Bakit, ikaw lang ba may karapatang magswimming?"

Mukhang nainggit ang loko at naghubad na rin hanggang sa maubos ang kanyang saplot. Bibilib ka rin sa pangangatawan ng mokong na 'to. Amputi puti lang niya na wala kang makikitang galos sa buong katawan. Flawless! May maipagmamalaki rin ang isang 'to sa manhood department. Pero naisip isip ko, ilang kweba na ang napasok ng gagong ito? Siya lang naman ang kilabot na playboy na biglang tiklop sa babaeng ka officemate niya.

"Tara samahan mo ko..." hinablot niya ang kamay ko papuntang dagat na halos ikadapa ko.

"Uy teka lang tapos na 'ko."

Wala akong nagawa kundi samahan siyang maligo. Nakakatuwa lang dahil para siyang bata kung magtampisaw sa tubig. Masyado siyang maligalig na parang isang dekada ng hindi nakakaranas pumunta sa dagat.

Wagas din siya kung makasisid at may nalalaman pang pahila-hila ng paa ko sa ilalim ng tubig. Sinakyan ko na lang ang trip ng gunggong na 'to.

"Woooohooo.. Sarap maligo!" bulalas niya. "O ikaw Jace? Di pa nababasa ang buhok mo..."

"Tapos na ako, nilalamig na ako.. Ikaw na lang..."

"Pucha dami mong arte...."

Bigla niya akong inambahan sa likod at pilit akong inilulubog sa tubig.

"Tarantado ka talaga Mick ang bigat mo gago..."

"Hehehe..."

Inilubog ko na ang sarili sa tubig para makaiwas sa bigat ng katawan niya.

Nagpaligsahan pa kami sa languyan kinalaunan at walang humpay ang tawanan namin na parang mga bata. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng tunay na saya? Ang saya saya ko with Mick. Masaya naman ako sa mga naging karelasyon ko before pero iba yung dulot na ligaya ang ibinibigay sa 'kin ng lalaking ito. Hanggang ngayo'y hindi ko maipaliwanag.

Huminto kami sa paglangoy at magkaharap. Hanggang dibdib ang lalim ng dagat kung saan naroon kami.

"Ang sarap ng tubig Jace..."

"Oo nga e," tugon ko naman.

"Parang ikaw....."

Napasimangot ako habang napangisi sa kapilyuhan niya.

"Baduy ka talaga Mick. Wag ngayon....."

"Anong 'wag ngayon?"

"Basta wag ngayon. Baka biglang lumamig ang tubig!

"Sira ka talaga Jace. Paanong lalamig ang tubig e tinitingnan pa lang kita nang-iinit na 'ko..."

Napatawa akong bigla at napamura sa kakornihan niya. "Pakyu ka talaga Mick, ang libog mo gago."

"Hehehe"

Benta sa 'kin ang mga hirit niya pero hindi ako sanay. Kinikilabutan ako sa pinaghalong kilig at pagka-awkward lalo na't sa lalaki nanggagaling ang mga salitang iyon.

"Jace...."

"Bakit?!"

"Sorry nga pala..."

"Anong drama yan Mick?"

"Basta sorry kase..... magpapaalam sana ako sayo na... Magnanakaw sana ako sa iyo kahit isa lang.."

"Tanginamo Mick lalo akong nilalamig sa kabaduyan mo!"

"Hahahaha"

Maya-maya'y bigla na lang niya akong ninakawan ng halik sa pisngi.

"Tarantado ka talaga Mick. Baka mamaya may makakita sa 'tin e.."

"Relax ka lang Pre. Tulog na silang lahat hehe.."

Para kaming sina B1 at B2 na alam na kaagad ang tinatakbo ng bawat iniisip. Lalong naging mainit ang pakiramdam ko nang bigla niya ulit akong halikan. E pag naghalikan pa naman kami ng isang to wagas. Kulang na lang e masuffocate kami because of lack of oxygen. At ayun nga, nag-sanib pwersa nanaman sina Goku at Superman.

Ang sarap nang naging halikan namin. Parang bumalik dati nung first time naming gawin ito. It tasted bad pero nung mga sumunod, e bigla kaming naadik. Parang isang potahe na di masarap sa unang tikim ngunit nang tumagal e nakakaadik pala sa sarap.

Habang punong abala kami sa pakikipaghalikan ay biglang sumigaw sa 'min.

"HOY!!!!!!

Nagulantang kami ni Jace at awtomatikong kumawala kami sa pagkakahalik sa isa't isa.

Narinig naming dalawa ang sigaw ng pangit na Joaquin.

"Sali ako" sigaw pa niya.

"Ano raw? Sali raw siya?" patanong ko.

"Payag ka Jace?"

"Ulol" usal ko.

Medyo maliit tingnan si Joaquin dahil medyo may kalayuan rin kung saan kami ngayon ni Mick. Hindi naman mapaghahalataan kung anuman ang ginagawa namin since may kadiliman na rin kaya't safe to say na walang nakita ang dugyot na yun.

"Matulog ka na!" pasigaw ko.

Hindi naman napigil ang loko at naghubo't hubad at lumangoy patungo sa 'min.

Pang-agaw ng moment? Pero okay lang dahil naangkin naman namin ni Mick ang isa't isa kahit papano.

Continue Reading

You'll Also Like

16.3K 841 22
Sabi nila, 'love is blind and one of a kind'. Kakayanin niyong dalawa ang mga pagsubok na darating sa inyong buhay dahil sa may pinanghahawakan kayo...
10.8K 370 5
Age doesn't matter. Baby, JUST LOVE ME RIGHT!
4.5M 166K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
103K 3.3K 74
"You're a Part of me, and I'm a Part of You. We're Best Friends... like Brothers. But I Love You More than that." ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~...