Ikaw na ang Huli (slow minor...

Galing kay mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... Higit pa

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XXV

2K 96 36
Galing kay mugixcha

Sa totoo lang, wala akong balak um-attend ng birthday party ni Dolores dahil:

1. Ang awkward, matapos lahat ng nangyari dun sa sing-sing, nakakawalang gana lalo magpunta sa isang salu-salo para sa kanya.

2. Inuusig ako ng konsensya ko simula ng gabi na iyon. Paano ko siya haharapin ng matino kung sabi ng boyfriend niya sakin ay "Ikaw ay akin lamang"?

Pero ng dahil sa may sasabihin raw siya sa akin at siguraduhin ko raw na pumunta- ang curiousity ko ang tanging nagtulak sakin para sumama. Hindi naman raw kalakihan ang party dahil close friends from college lang ni Dolly ang dadalo at ang ilang kamag-anak niya na nandito sa Pilipinas. Nabawasan ang kaba ko sa balitang yon dahil ayoko ng masyadong malaking salu-salo na punung-puno ng mga tao. Ang balak kong gawin ay mabilisan ring umuwi matapos siyang batiin ng 'happy birthday' at makausap siya tungkol sa sasabihin niya. Iiwan ko na sila Goyong at Pau duon dahil panigurado, hindi rin naman sila maagang uuwi.

Hinihintay kong sabihin ni Goyong na ayaw niya o kaya nahihiya siya pumunta dahil may kasalanan siya kay Dolly, pero mukhang hindi man lang niya ito nabanggit sakin. Parang desedido siyang pumunta at ayaw ko namang magsalita tungkol duon dahil baka mas lalo maging awkward. Tungkol sa nangyari, napakarami pang tanong ang gusto kong sagutin niya pero nanatili akong tahimik na para bang binaon ko na lang muna sa limot ang mga ito pansamantala. Ayoko na ata maging unfair kay Dolores at ayaw ko magpumilit kay Goyong na mamili na agad kung sino ba sa amin ang talagang gusto niya. Kung sa ibang babae, sigurado ako na maghuhuramentado sila at magpapapili dahil ang hirap isipin kung dalawa kayo sa buhay ng lalakeng parehas niyong gusto. Sa kaso ko, hindi ako naduduwag na gawin ang bagay na iyon pero mas pinili ko muna na lumipas ang mga araw at makita kung ano nga ba ang mga susunod pang mangyayari. Ayokong pangunahan lahat ng bagay at ayokong umasa sa kahit ano. Mahirap umasa.

---

Sa araw ng party, hindi ko isinuot ang damit na bigay ni Dolly. Hindi ko alam kung anong iisipin niya rito, pero matapos ang mga nangyari mas gusto ko lalong ibalik lahat ng mga ibinigay niya. Hindi lang naman dahil sa maliit na hidwaan na mayroon kami, pero dahil ayoko na gumastos siya para sa akin kahit pa malinis o may hidden agenda ang kaniyang ginawa. Nagsuot lang ako ng isang pula at itim na plaid dress at nag-Chucks, hindi ko rin kinalimutang mag-suklay ng buhok dahil may konting hiya pa naman akong natira para sa okasyon na ito. Si Goyong naman ay naka-denim collared button down shirt sa labas ng isang plain white tee at olive pants- tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Kahit bagay sa kanya, dumaan sa isip ko na gusto ko uli makita ang Heneral na naka-khaki uniform na una kong nakita sa Candon. Sa bihis niya ngayon, walang bahid ng kalumaan ang itsura niya pero sa totoo lang, sa loob ko, binabalikan ko parati ang itsura niya nuong unang beses na iyon.

"Ikaw na lang pumunta sa girlfriend mo!"

"Hindi kita hahayaang tumakas, Binibini."

"Bakit?"

"Hindi ba iyong sinabi na may importante siyang sasabihin sa iyo?"

"Sana ipasabi nalang niya sayo!" Humiga ako sa kama na naglulupasay.

"Ako rin ay may sasabihin kay Dolores."

"Ano?"

"Miho." Napaupo ako sa higaan.

"Oh?"

"Nais ko lang sabihin sa iyo na hindi biro ang lahat."

"Lahat?"

"Ng aking mga sinabi."

"Wala ako sasabihin kay Dolly para di ka masira sa kanya."

"Ako na ang siyang bahala sa bagay na iyon."

"Nahihibang ka talaga, no?"

"Marahil. Marahil ako ay nahihibang na. Ito'y aayusin ko sa lalo't madaling panahon."

"Wala kang dapat isipin kung hindi kayong dalawa muna." Nauna si Dolly- hindi ako nagpapakamartyr.

"Nagsusumigaw ang kalungkutan at pagka-gulo ng isipan sa iyong mga mata. Nakikita at nararamdaman ko lahat ng iyon."

Biglang tumunog ang cellphone. Si Pau.

"Miho, I'm here. Ready na kayo?"

"Sige, lalabas na si Goyong."

"Eh ikaw?"

"Kayo na lang."

"Baliw! Kakaladkarin kita palabas diyan!"

---

Totoo ngang mayaman si Dolores. Malaki ang kanilang bahay at may class ang dating. Nakakamangha din ang interior ng kanilang bahay at feel ko nag-hire pa sila ng isang magaling na designer para maging ganito ang itsura. Sa loob ay nagkalat ang mga tao. Akala ko ba hindi masyado marami ang tao? Mukhang marami ang close friends ni Dolly nung college at ang iba sa kanila ay kilala ni Pau. Matapos namin siyang batiin ng ''Happy Birthday", pinakilala kami ni Dolly sa kanyang mga kaibigan at ang iba naman, si Pau ang gumawa. Kagaya ng normal, naka-red mini-dress si Dolly at heels, may make-up at may magarang relo.

Dumating ang isang middle-aged man na nakasuot ng polo shirt at khaki pants at lumapit sa amin.

"Hey Pau! how's your dad?" Ang tanong ng lalaki.

"Ok naman po siya, kayo po? Lalo ata kayong gumwapo, Tito!" Totoo ang sinabi ni Pau, may edad na ang lalaking ito pero makikita mo na may itsura siya at malakas ang charisma.

"Bolero ka pa din talaga, hijo! Ayos naman, ito sobrang busy nga lang sa business." At humalakhak siya bago napatingin kay Goyong na katabi ni Pau.

"Mr. Gregorio Sempio?"

"Ako nga po, Ginoo. Kinagagalak ko po na kayo ay aking makilala."

"Lagi ko naririnig kay Dolores ang pangalan mo, hijo."

"By the way dad, this is Miho."

Ngumiti ako at kinamayan ang tatay ni Dolly.

"Miho? Miho Huang?"

"Kilala niyo po ako?"

Sumabat bigla si Dolly na para siyang nagmamadali.

"Dad, tara, papakilala ko pa si Greg sa iba nating relatives. Let's go. Miho, see you later!"

Bakit niya alam ang apelyido ko? Ah, baka alam ni Dolly ang apelyido ko at binanggit sa kanya.

Niyaya niya si Goyong na ipakilala pa sa ibang mga kamag-anak at si Pau naman ay kausap ang mga college acquaintances niya.

Dahil hindi ako mahilig makipag-socialize, matapos rin mapakilala sa ibang mga tao, naglakad akong mag-isa at medyo napa-libot. Nakita ko na mayroon silang dalawang kotse sa garahe, swimming pool at may garden area kung saang may koi pond at maraming klase ng mga bulaklak. Siya nga kaya talaga si Dolores, ang Dagupan heiress? Mukhang mapapaniwala na ako dahil sa mala-mansion niyang bahay.

Sa may swimming pool area, nakita ko na may dalawang taong nag-iinuman. Mukhang kanina pa sila rito dahil ilang empty bottles ng beer ang nakita ko sa mesa. Tinawag ako ng isang lalaki at may sinasabi siya. Hindi ko marinig ang boses niya kaya lumapit ako para mas marinig ng mabuti.

"Miss.. I assume, you are Dolly's friend? Sino..ka?"

"Umm.." Hindi ako makasagot. (dahil hindi naman talaga ako friend ni Dolly)

"Oo naman! alangan gate-crasher siya!" Sabi ng kasama niya. "Halika, sali ka samin. Mukhang kanina ka pa naglalakad mag-isa dyan eh." At inalok niya ako ng beer. Na-realize ko sa boses nila na lasing na sila. Nakaamoy ako ng peligro kaya naisip kong bumalik nalang sa loob.

"Ay, hindi, ok lang ako. Thanks. Sige, babalik na ako. Bye."

Bigla akong sinunggaban ng isa at nagsimula akong pumiglas.

"Teka! Ano ba!"

"Ako.. ang anak.. ng may-ari ng bahay na ito.. Sino ka? Magnanakaw.. ka ba? Di kita.. kilala!"

"Hindi ako magnanakaw!"

Sinubukan kong tumakbo kahit hawak-hawak niya ako sa baywang at yung kasama niyang isa ay tinatawag ang pangalan niya.

"Tristan! Huy! Gago!"

Pa-suray-suray siya kaya pati ako ganuon na rin dahil malakas ang pagkakakapit niya. Dahil sa pagpipiglas ko, hindi ko namalayan agad na malapit na pala ako sa may pool. Bumitaw ang lalakeng nagngangalang Tristan at tuluyan akong nahulog mag-isa sa tubig.

Sinubukan kong umahon, pero napansin ko hindi tumatama ang paanan ko sa ibaba. Tangina, ilang feet to? Ang totoo niyan, hindi talaga ako marunong mag-swimming. Sinubukan ko umahon ng paulit-ulit at tinawag ang atensyon ng dalawang lalakeng lasing. Narinig ko sabi ng isa:

"Uy! Nalulunod yun isda, tangina sagipin mo!"

"Isda nga.. paano malulunod? Gago.. Teka.. tatawagin ko ang guard. Nahuli.. ko na yung magnanakaw!" Sabi ng Tristan na nakita kong biglang nahiga dahil sa kalasingan.

Naka-inom na ako ng tubig pero hindi ko na ito ininda at sinubukan lang umahon para makahinga hanggang sa naramdaman ko nag-cramps ang kaliwang binti ko. Wow, ito ba ikakamatay ko? Gusto ko magmura pero hindi ako makasalita sa ilalim ng tubig. Sumuko na ako, ipinikit na lang ang mga mata ko at nagdasal sa lahat ng santo na naaalala ko. Maya-maya ay naramdaman kong may nag-angat sa akin. Kinuha na ba ako ng anghel mula sa langit? Naniniwala na ako sa milagro, Diyos ko!

"Miho!" Ang Heneral pala!

Binuhat niya akong palabas ng pool at iniupo. Naubo ako- leche lang at feeling ko isang litro ng tubig ang nainom ko kanina!

"Anong nangyari, Ikaw ba ay ayos lamang?"

"Wala, ano kasi- katangahan lang."

"Hey! Ang naglaglag sa kanya ay yun gagong yun oh!" Sabi ng isa sa lasing sabay turo kay Tristan.

"Ang sinabi niya ba ay katotohanan?" Inalog ni Goyong ang balikat ko.

"Mamaya ko na lang ikkwento sayo. Uuwi na muna ako."

"Ipapakuha na lamang kita ng damit kay Dolores."

"Wag na, Goyong. Teka, basa ka na rin! Ikaw ang kailangang magpalit! Aalis na ako."

"Sandali lamang."

Tumayo siya at nilapitan si Tristan na ngayon ay nakaluhod at pinipilit tumayo. Sinunggaban bigla ni Goyong ang kwelyo niya at sinabing "Ikaw ba ang siyang may sala? Sumagot ka! Punyeta!"

"Magnanakaw.. siya! Hinuhuli ko.. lang! Sino ka? Kasabwat..ka ba?"

"Sagutin mo ako! Ikaw ba ang siyang may sala?" Galit na galit si Goyong, nangamba ako kung dala niya ang baril niya pero mukhang hindi naman.

"Hu-huwag mo ko.. saktan!"

"At ikaw naman!" Sabay turo sa isa pang lasing "Bakit hindi ka man lamang sumigaw ng tulong! Siya'y muntikan ng mamatay! Hijo de Puta!"

Tumayo ako at sinubukang pigilan si Goyong at baka kung anong magawa niya pero nagmatigas siya at susuntukin na ang lalake ng biglang may sumigaw.

"Anong nangyayari rito? Tristan, anak! Diyos ko!" Isang boses na pamilyar ang narinig ko at napalingon ako. Napatingin sa akin ang babaeng nagsalita at tinitigan ko rin ang mukha niya.

"Miho?"

"Ma?"

Natahimik ang mga lasing. Si Goyong ay para bang nagulat rin sa narinig niya at bigla niyang binitawan si Tristan.

Dumating si Dolly at patakbong lumapit sa amin.

"Ma? What's happening? Tristan? Lasing ka na naman?" Napatingin siya kay Goyong at sa akin. "Oh my God! Bakit kayo basa? Anong nangyari?"

Tama ba ang narinig ko? 'Ma'?

Nanlamig ako. Sa sobrang gulo ng isip ko, tumakbo ako ng palayo para takasan kung ano ang nasa harapan ko.

"Dyan muna kayo. I'll talk to Miho!" Narinig ko sinabi ni Dolly habang hinahabol niya ako.

Nakarating ako sa garden at duon, nahabol niya ako at hinatak ang braso ko.

"Miho, mag-usap tayo!"

"Ito ba yung sinasabi mong kaya dapat akong pumunta? Ito ba?" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Natahimik siya at nag-isip.

"Ito ba? Sagutin mo ako! Ito ba yung surprise na sinasabi mo?" Gusto ko siyang sampalin at sabunutan pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Actually, oo. Pero mamaya na natin pag-usapan."

"Ano?" Na-blanko ang utak ko.

"Miho, may favor sana ako."

Hinawakan niya uli ang braso ko ng mas mahigpit kesa kanina.

"About kay Greg-- kailangan ko lang sabihin sayo. Oras na siguro para lumipat siya ng bahay. Alam na ba ni ma ang tungkol sa nakatira kayo sa iisang bubong? Malalaman niya rin, so I suggest, sabihin mo kay Greg na umalis na duon. Well, sinabi ko na ito sa kanya dati pero ayaw niyang makinig sakin eh. Concerned lang naman din ako sayo and since may girlfriend din naman siya , I don't think maganda kung magtatagal pa na ganun."

Naramdaman kong tumulo ang luha ko dala ng matinding confusion. Hindi ko naiintindihan ano ang nangyayari. Ma? Ano ang ibig sabihin? Magkapatid kami ni Dolly? Paano nangyari? Kelan pa niyang alam? Bakit ako, hindi ko alam? Bakit sinisingit pa niya ang tungkol kay Goyong ngayon at ang pagtira namin ng magkasama?

"Dolores!"

"Greg? Greg, basang basa ka, ikukuha kita ng damit. Wait lang."

"Anong ang iyong sinabi kay Miho?"

"Umm, It's because--"

"Wala kang karapatan upang pasunurin si Miho sa iyong kagustuhan!" Galit na galit na sinabi ni Goyong.

"Bakit Greg? bakit mo yan sinasabi sa akin? Anong ibig mong sabihin? Hindi ba ako ang girlfriend mo? Wala ka bang pakealam sa feelings ko? Pano mo yan nasasabi sakin? At ano ngayon ang gagawin mo dahil nandyan na ang mama niya? Hindi niya alam na may kasamang lalake ang anak niya habang wala siya! At ang lalake na yun ay boyfriend ng isa niya pang anak!" Natawa si Dolly na parang may nakakatawa sa mga pinagsasabi niya.

"Patawarin mo ako, Dolores. Hindi ko sinasadyang sirain ang masaya sanang okasyon na ito, ngunit ako'y lalo mong pinipilit na maghayag ngayon ng aking tunay na damdamin! Magpapaliwanag ako sa nanay ni Miho kaya kung maaari sana, huwag mo muna lalo guluhin ang magulo na niyang nararamdaman!"

"Tunay na damdamin? What do you mean?"

"Tayo'y mahiwalay na muna, Dolores. Ito ang mas makabubuti para sa atin."

"What? Bakit yan ang sinasabi mo sakin ngayon? Hindi pwede!" Inalog ni Dolly ang balikat ng Heneral at umiyak na rin siya.

"Tayo'y mag-usap sa susunod kapag maayos-ayos na ang lahat. Bakit ito'y hindi mo kaagad sinabi? Ito ba ay pinlano mong lahat?" Pagalit niya itong tinanong pero hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Dolores. Hinawakan ni Goyong ang kamay ko at dinala palabas ng bahay.

"Heneral, bakit? Bumalik ka na duon!" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak.

"Umuwi na tayo, Binibini. Masyadong magulo ang lahat para sa iyo."

"Pero--"

"Wala ng pero-pero!"

At tinawag niya ang taxi na parating.
















Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

6.8K 586 46
Limang minuto. Limang minuto niya lang nakausap ang binatang iyon na biglang naglaho na parang bula. Ngunit sa limang minutong iyon ay doon nagsimula...
11.1K 350 43
Si Alfonso Alessandro ay ang pang-apat sa limang anak ng isa sa mga kilala, pinakamayaman, at pinakamaimpluwensyang angkan sa Pueblo Buenavista. Haba...
3.4K 67 12
a recommendation book for readers of the historical fiction genre. you can also promote your stories here! Started: August 23, 2019 (uploaded on Nove...
43.1K 1.8K 73
❝prince nga, pangit naman ugali.❞  ▬▬▬▬▬  stray kids' hwang hyunjin  © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]