UNDONE (Time Traveler)

By MazyMei

53.8K 2.5K 488

The girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat... More

The Wedding Day
The Wedding Singer
The Message
Picture 1.2: Battle of the Band
Picture 2.1: Intramurals
Picture 2.2: Intramurals
Picture 3.1: Chocolate
Picture 3.2: Chocolate
Picture 4.1: College Life
Picture 4.2: College Life
Picture 5.1: The Band
Picture 5.2: The Band
Picture 6.1: Wedding Proposal
Picture 6.2: Wedding Proposal
Picture 7: Wedding Preparation
2nd sa Last: STAY
FINAL: The Message
Bonus: ReiNer ♥

Picture 1.1: Battle of the Band

3.2K 160 41
By MazyMei

Picture 1.1: Battle of the Band

Bakit ganito? Bakit parang ayaw kong malungkot siya sa picture na 'yon? Bakit gusto ko na maging masaya siya noong araw na 'yon? Gusto ko makita siyang nakangiti... Pero paano?

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may makapa ako sa bulsa ko. 'Yong bote na may lamang green liquid! Kinuha ko ito at tinitigang mabuti. Para saan kaya ito?

After asking that to myself, everything stopped. Tinignan ko si Mama sa tabi ko, masaya siyang nakatitig sa cellphone ng hindi humihinga. 'Yong bartender sa harapan ko ay nanatiling nakalutang sa ere ang hinahagis na bote. Sina Risha, Reign at Ryner ay mga nakanganga pa at halata naman talagang nagtatawanan sila.

Mula dito sa kinauupuan ko ay natatanaw ko si Zacharias na ngiting-ngiti kay Janica. Lahat sila ay hindi gumagalaw maliban sa 'kin. Anong nangyari? Hindi kaya dahil ito sa hawak kong bote na 'to?

"Oo, Riley." Napatili ako ng todo ng biglang may magsalita sa likuran ko. Shemay, nalaglag 'yong puso ko sa sahig. Pupulutin ko lang.

Nilingon ko 'yong nagsalita at nagulat ako ng makita ko 'yong magandang babaeng nakasalubong ko kanina. Anong ginagawa niyan dito? Hindi kaya siya ang may kagagawan ng lahat ng ito?

"No, I'm not. You did all of this. Your regrets are the reason why the time stopped."

Naguguluhan ako. "Regrets? What do you mean?"

"During the wedding, I heard everything from you. How you wanted to stop the wedding, how you regret those things that you did from the past, and how you truly love your best friend even though he's already married. But you know what, it's not too late to change the past."

"Paano mo nalaman ang mga 'yan? At sino ka ba? Ba't bigla ka na lang sumulpot at sasabihing hindi pa huli ang lahat kahit kasal na sila ngayon? At 'wag mo sabihing isa kang mind reader?"

"Not really. I'm the fairy of this church. The fairy who can change the past in just one snap. Just call me Pixie."

Natahimik ako. Totoo kaya ang pinagsasasabi ng babaeng ito? Hindi kaya baliw siya? O baka ako na ang nababaliw at hallucination lang ang lahat ng ito? Baka naman nananaginip lang ako? O baka nga totoong fairy siya kasi alam niya ang pangalan ko?

"Do you believe in time travel?" Tanong niya na nagpawala sa lahat ng iniisip ko.

"Syempre hindi. Baliw lang ang maniniwala do'n." Sabi ko dahil hindi naman talaga iyon totoo.

Nginitian niya ako. 'Yong ngiting nakakainggit dahil ang ganda ng mga ngiti niya. "Look closer d'yan sa boteng hawak mo."

Tinitigan ko nga ito ng mabuti. "Gayuma ba 'to?"

"No. That's an elixir. An elixir that can bring you back in the past. All you have to do is to drink it and that's it!"

"For real?"

"Yep! Why don't you try it?"

Sinuri ko ulit ng mabuti 'yong bote. Mukhang kinatas lang naman 'yong laman nito sa kung anong ligaw na halaman. "Hindi ba ako malalason dito?" Naninigurado kong tanong.

"Of course not! Don't you trust me?"

"Meron akong tiwala sa 'yo pero sa english mo wala. Pero sige, susubukan ko. Pag ako nagmukhang tanga lang dito, lagot ka sa 'kin."

"Sige na, dali! Basta don't forget to utter your wish as you drink that elixir." At para siyang batang excited habang pinapanuod ako.

Tinanggal ko ang takip ng maliit na bote at inamoy muna ang laman nito. Ang bango! Pinikit ko ang mata ko at dahan-dahang ininom ang likido. Sana makabalik ako sa nakaraan para mapangiti ko si Zacharias. Pagmulat ko ay nandito pa rin ako sa reception area. Sabi ko na nga ba uto-uto ako, eh.

"Pixie! Sabi ko na nga ba pinaglololoko mo lang ako---" Napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ko na parang umiikot ang paligid. Mali, hindi pala ang paligid ang umiikot kundi ako. Nahihilo na ako. Pagtingin ko sa wristwatch ko ay umiikot din ito ng pabaligtad. Pabilis ng pabilis pati ang pag-ikot ko.

Nakita kong nagsasalita pa si Pixie pero hindi ko na siya naririnig hanggang sa unti-unti na siyang nawawala sa paningin ko. Pakiramdam ko ay nasa ibang dimensyon na ako.

Huminto na ako sa pag-ikot at bumagsak ang katawan ko sa isang malaking orasan. Ang orasan na dahan-dahang lumalamon sa 'kin hanggang sa magdilim na ang buong paligid.

"Ms. Rome, what is your problem? Why are you sleeping in my class?"

Napadilat ako ng may marinig akong pamilyar na boses. Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ito. "Ma'am Car?!" At may matching pa akong pagtayo.

"Yes, it's me. Okay ka lang ba?" Tanong pa rin ng old version na Ma'am Car. Tinignan ko si ma'am mula ulo hanggang paa. May suot siyang malaking nerd glass, may makapal na kilay, may braces, may suot na long sleeve na bulaklakin at paldang pagkahaba-haba.

Napilitang tumango ako sa tinanong niya. Pinipilit kong intindihin ang nangyayari sa 'kin. Kailangan kong masagot ang malaking tanong ko sa sarili ko na 'nasaan ba ako?'. Dahan-dahan akong napaupo. Ang sakit pala sa ulong alalahanin ang lahat.

Inilibot ko ang paningin ko. Pamilyar itong lugar na 'to. Mga pamilyar din ang pagmumukha ng mga kasama ko dito. At sa tabi ko ay nakaupo ang 12 year old version ni Zacharias. Kunot noo rin niya akong tinignan. Pero hindi ako sure kung siya nga ba si Zacharias dahil biglang naging bata ang hitsura niya.

"Z-zach-charias?" Alanganin ko pang tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot at lumingon sa ibang direksyon. "Nasaan ako? At ilang taon na ako?!" Nabigla kong tanong. Napalingon siya sa 'kin at tumayo. Kinotongan niya ako.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?! Nandito tayo sa classroom! At tinatanong mo kung ilang taon ka na, you're already 12 years old Riley! Nababaliw ka na ba?" Pagkatapos niya akong sigawan ng bongga ay bumalik na siya sa pagkakaupo ng beast mode ang hitsura.

12 years old? Meaning first year high school pa lang ako ngayon. Anong-? Pano-?

Napatayo ako ulit bigla dahilan para pagtinginan ako ng lahat ng nasa loob ng classroom. "Anong date ngayon?" Tanong ko kay Zacharias.

Saglit siyang nag-isip bago ako sinagot. "February 16, 2006. Bakit?"

February 16, 2006? February 16, 2006... Feb- Aha! Alam ko na! Ngayon ang battle of the band namin! I'm the lead vocalist. Si Zacharias ang magiging second lead at isa rin siyang guitarist kasama si Ryner, si Reign ang pianist at si Risha ang drummer.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Miss Car na ngayon ay naguguluhan sa 'kin. Kahit ako rin naman ay naguguluhan din sa nangyayari.

"So, what's the matter Ms. Rome? May sakit ka ba? Nag-aalala na ako sa 'yo."

"W-wala po ito. Okay lang po talaga ako." Napatingin naman ako ngayon sa sarili ko. Ganito pa rin naman ang kulay ng balat ko. Hindi na doll shoes ang suot ko kung 'di black shoes at naka-knee sock pa. May suot na maikling palda at blouse na puti. Napahawak ako sa dibdib ko. Ako ulit ang Riley na flat chested.

"Mr. Agustin, napainom mo na ba ng gamot 'yang kaibigan mo? Mukhang wala na naman sa sarili." Nakangiti si Ma'am noong sinabi 'yan. Sinusubukan niyang mag-joke.

"Ex-"

"Tama na. Maupo ka na." Napalingon ako sa nagsalita. Si Zacharias. Hinila niya ako paupo sa katabi niyang upuan. "Manahimik ka na d'yan." Dugtong pa niya kasabay ng pagsalpak sa kanang tainga ko ng earplug nito.

Napatigil ako. Ang tugtog kasi ay Dreaming Alone. Tinitigan ko siya. Nakatingin siya sa white board with blank expression.

Kahit medyo bangag pa ako ay dinampot ko ang bag na sa tingin ko ay akin at naghanap dito ng salamin. Gusto ko lang manigurado na wala ako sa Wow Mali. Nang makita ko ang reflection ko sa salamin ay namangha ko. Bata na nga ulit ako at kagaya nga ng sinabi ko kanina, ako na ulit ang flat chested na Riley. So, totoo nga si Pixie!

Hindi ko mapigilang mapangiti. Ibinalik ko ang tingin ko kay Zacharias.

"Bakit ka nakangiti?"

Inalis ko ang ngiti ko ng mag-salita siya. Nakita niya pala ako. "Galit ka?"

"Why would I?"

"Wala, wala."

Inalis ko ang earplug sa tainga naming dalawa at seryoso siyang tinitigan. Ganun din siya sa 'kin.

"Maniniwala ka ba sa 'kin kapag sinabi kong galing ako sa future at bumalik lang ako dito sa nakaraan?"

"Sira ka ba?" Kinalog niya 'yong ulo ko. "Naalog na naman utak mo 'no?"

"Hindi ah! Tinatanong lang naman kita kung maniniwala---"

"Hindi." Simpleng sagot niya at sinolo na lang niya ng earplug. Napangiti na lang ako. Maraming salamat talaga dahil binigyan ulit ako ng pagkakataon na makasama siyang muli.

"Okay class, I'm going to leave you now. Si Kara na ang bahala sa inyo." Pagkasabi niyan ay umalis na si Ma'am at siya namang pagpunta ni Kara sa harapan. Sa pagkakatanda ko ay siya ang class president namin.

"So guys, 'yon na nga. Mamaya na 'yong battle of the band. Tayong mga walang gagawin, susuportahan natin sina Riley, Zacharias, Risha, Ryner at Reign. Gagawa kayo ng tig-isang banner kahit saan gawa basta nababasa. Para 'to sa final exam natin. Kapag nanalo sila, wala na tayong written exam. Kaya naman gawin natin lahat para sa kanila. Got it?"

"Oo naman!" Sigaw ng mga kaklase namin.

"Ngayon, Riley, ikaw na ang bahala sa banda niyo. Just ask me na lang if may kailangan kayo. Okay?"

"Ha? Ako?! S-sige." Nagulat ako. Seryoso.

Umalis na siya sa harapan kaya ako naman ang pumunta dito. Shocks, di ko alam ang gagawin ko.

"Zacharias, Risha, Reign at Ryner, lumapit kayo sa 'kin. Dali."

Si Zacharias ay lumapit ng may pagka-bored sa mukha, lagi naman siyang ganiyan, si Ryner na medyo namumula, oo nga pala may gusto siya sa 'kin noong time na 'to kaya laging nahihiya, si Reign na nakataas ang kilay, mataray siya dati, at si Risha na nakayuko, mahiyain talaga.

"Sandali, paano ko ba ito sisimulan?" Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Gulat pa rin ako sa mga nangyayari. Para akong timang na nakatingin lang sa kanilang apat. Wala akong masabi.

"Magsasalita ka ba o tutunganga na lang sa harap namin?" Tanong ni Reign na halata namang naiinis na.

"S-sorry." Napayuko na lang ako.

"5pm dapat nasa gym na tayong lahat. Walang male-late." Pagsalo sa 'kin ni Zacharias.

"Sige." Sabay na sagot ni Ryner at Risha ng nakayuko.

"Of course! Siguraduhin lang din ni Riley na hindi siya ang male-late mamaya. Or else..." Masungit na sagot ni Reign. Edi ako na madalas ma-late dati.

"I'll go ahead." Paalam ni Zacharias. Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Zacharias. Parang biglang gusto kong umiyak. Dahil totoo namang malalayo na siya sa 'kin.

Pagkakuha ko ng bag ko sa upuan ko ay lumabas na ako ng room. Tahimik akong naglalakad palabas ng school nang biglang may nag-sink in sa utak ko. Napahinto ako. Naalala ko na kung bakit natalo kami sa laban noon dahilan kaya sobrang lungkot ni Zacharias. Damn it!

Continue Reading

You'll Also Like

19.4K 1.2K 23
Who would've thought na magtatagpo tayong dalawa? Sa tamang panahon at sa tamang oras, and now all I feel is EUPHORIA
442K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee
21.9K 807 30
Psychological Thriller Story. Truth. Lies. Savior. Killer. Love. Obssession. Sino nga ba ang dapat mong pagkatiwalaan ? Sino sa mga taong nakapaligid...
6.1K 606 65
One day, Monique found an unconscious strange cat. She went closer to check the cat. It's wounded and barely moving. She decided to take it. She took...