UNDONE (Time Traveler)

By MazyMei

53.8K 2.5K 488

The girl who's willing to change the past just to make smile the guy she loved most. At para na rin ipagtapat... More

The Wedding Day
The Message
Picture 1.1: Battle of the Band
Picture 1.2: Battle of the Band
Picture 2.1: Intramurals
Picture 2.2: Intramurals
Picture 3.1: Chocolate
Picture 3.2: Chocolate
Picture 4.1: College Life
Picture 4.2: College Life
Picture 5.1: The Band
Picture 5.2: The Band
Picture 6.1: Wedding Proposal
Picture 6.2: Wedding Proposal
Picture 7: Wedding Preparation
2nd sa Last: STAY
FINAL: The Message
Bonus: ReiNer ♥

The Wedding Singer

3.8K 187 49
By MazyMei

The Wedding Singer

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mic. Nandito ako sa left part ng simbahan, nakaharap sa may pintuan. Tanaw ko rin mula dito sa pwesto ko si Zacharias na nakangiting nakatingin sa may pintuan habang naghihintay sa pagpasok ni Janica.

Naiinis ako sa nakikita ko ngayon. Kung gaano kaliwanag ang pagmumukha niya at kung gaano kasaya ang mga mata niya. Gusto ko maging masaya para sa kaniya kaso 'di ko magawa. I'm so bitter and I hate this feeling.

Napalingon ako sa umakbay sa 'kin. Si Risha. Malungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa may pintuan. She's the wedding coordinator kaya kasama ko siya dito ngayon.

"Start singing, Riley. I know it's hard to see them, but you have to do it. Don't worry, we're always here by your side."

Napayuko ako sa sinabi niya. Alam niya ang pinagdadaanan ko ngayon. Gano'n din si Reign pero ano pa nga ba ang magagawa namin, wala. Gusto kong umiyak kaso ayoko naman magmukang timang dito.

"Salamat." I whispered. At umalis na siya sa tabi ko at kinausap ang iba pang staff.

Pagtingala ko ay nagsimula ng tugtugin ang intro ng kantang "A Thousand Years".

"Heart beats fast" Nang bigkasin ko ang linyang ito ay agad akong napatingin kay Zacharias. He's also looking at me with his brown eyes, which made him more attractive. Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating sa 'kin kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkanta at iniwas sa kaniya ang tingin ko.

"Colors and promises" Nilingon ko siya ulit. Akala ko nakatingin pa rin siya sa 'kin, hindi na pala. Nag-expect na naman ako.

"How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow"

Amazingly enough, I don't want to cry. Malapit ng matapos ang kanta at malapit na rin si Janica kay Zacharias. Once na tumulo ang luha ko, maapektuhan ang boses ko. I will never let it happen. Not in my best friend's wedding.

"One step closer
one step closer"

Pagkakanta ko nito ay siya namang paghawak ni Zacharias sa kamay ni Janica. Nakakainis, nagiging blured na ang paningin ko. I promised to myself na hindi ako iiyak sa araw na ito. Pero bakit parang... 'di ko matutupad ang pangakong iyon.

Kahit gusto ko ng umiyak ng todo ay ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkanta sa chorus part habang patuloy na naglalakad ang dalawa palapit sa altar.

"I have died every day waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more "

Napayuko ako kasabay ng pasimpleng pagpunas ng namuong luha sa mga mata ko. Buti na lang hindi ako pumiyok kanina.

"Good job." Bulong ni Risha na 'di ko namalayang nasa tabi ko na pala.

Hindi na ako nagsalita pa at niyakap na siya bigla. Tahimik na umiyak ako sa mga balikat niya. Damn, I'm really stupid.

"Tahan na, makakalimutan mo rin siya." Sabi nito habang hinahagod ang likod ko.

Sinabi ko na rin 'yan dati pero hanggang ngayon 'di ko pa rin siya makalimutan.

Matagal din akong nakayakap sa kaniya. Nang mangawit na ako ay saka lang ako lumayo sa kaniya at wala na rin akong naiintindihan sa pinagsasasabi ni Father. Pinunasan ko ang mukha ko at pasimpleng suminga sa baon kong panyo. Bawal maingay, eh.

Paglingon ko kay Reign ay malungkot din itong nakatingin sa 'kin. Ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng mga kaibigan na tulad nila. Oo nga pala, Reign is the maid of honor. At yung bestman ay hindi ko kilala.

Pagtingin ko naman kay Ryner ay masaya itong nagpi-picture sa dalawang ikinakasal. Isa siya sa mga kaibigan ko. Since high school ay mga kaibigan ko na sila. Lima kaming lahat sa grupo. Sina Ryner, Reign at Risha ay nakilala namin ni Zacharias noong  first year high school at until now ay mga kaibigan pa rin namin.

It's almost 8 years since we have graduated from college, but look at us now, we're still close. Kahit na hindi kami madalas nagkakasama-sama ay walang distanyang namagitan sa amin. Sa iisang university lang kami pumasok pero iba-iba naman kami ng course.

At si Zacharias naman.. classmate ko na siya since grade 1 kaya naman close na close kami. Sa magkaibang village kami nakatira at sa school lang madalas magkita. Pero kahit gano'n, hindi iyon naging hadlang para---

"Is there anyone who opposes this marriage?" Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Father. Gusto ko nga bang tumutol sa kasal nila? Of course, I want to but, I do want Zacharias to become happy and that is to be married with Janica.

"May the blessings of life, the joy of love, the peace of truth, and the wisdom and strength of the Spirit, be your constant companion, now and always, as husband and wife. You may seal this union with a kiss."

Napapikit ako nang oras na hahalikan na ni Zacharias si Janica. Hindi ko maatim na tignan sila sa ganoong sitwasyon. Napadilat ako ng magpalakpakan ang mga tao at biglang nagkagulo ang lahat. Paulit-ulit na 'congratulations' ang nadidinig ko na sa totoo lang ay nakakainis na. May bitter kaya dito. Mayroong hindi masaya sa kasalang ito!

Nagpapa-picture na halos lahat sa bagong kasal samantalang ako ay nakaupo lang sa may hagdan paakyat ng altar. Hindi pa ko sira para saksakin ang sarili ko—emotionally.

"Why don't you join them?" Napalingon ako sa nagsalita. Siya 'yong bestman na hindi ko kilala.

Tinitigan ko lang siya at hindi kumibo. Mayroon siyang magagandang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi. Anyway, bakit ko nga ba siya dini-describe? He's not really my type. He looks like a playboy. Pero parang... he reminds me of someone?

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at pinanuod ang mga nagpapapicture. Ako kaya, kailan ikakasal?

"You know what, maganda ka sana kaya lang ang suplada mo." Napabalik ako ng tingin sa kaniya ng nakataas pa ang isang kilay.

"Who the hell are you to say that to me?" 'Pag ganitong bad trip ako huwag na huwag mo akong lolokohin.

"Woah! Just kidding!" Inirapan ko siya. "I'm Hommer." Sabi niya habang nakalahad ang kamay sa harap ko.

I rolled my eyes. "Riley." Sabi ko ng hindi pinansin ang kamay niya.

"Nice name."

"I know."

"Hey Riley, pa-picture tayong lima." Sigaw ni Ryner. Thanks for saving me Ryner!

Hindi na ako nagpaalam pa kay Hommer at lumapit na sa apat. Masakit man sa matang tignan na masaya na si Zacharias ay wala na akong magagawa pa.

Itinabi ako ni Reign sa tabi ni Zacharias. Bale ang naging pwesto namin simula kaliwa ay—si Risha muna, sumunod si Ryner, ako ang gitna, sa tabi ko si Zacharias at katabi nito si Reign. Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Zacharias. Pagtingin ko sa kaniya ay binigyan lang niya ako ng okay sign habang nakangiti ng sobrang lapad. Damn. Gusto ko ng maiyak. Buti pa siya masaya na.

"One, two, tree, say happy!"

"Happy!" Sagot naming lima habang ako ay pinilit na ngumiti. Sana hindi ako nagmukhang ewan sa picture.

Nag-congrats silang tatlo kay Zacharias samantalang ako ay nauna ng lumabas ng simbahan. Ilang saglit lang ay lumabas na rin sila. At ang pinakahuli ay ang bagong kasal. May hawak silang white dove at sabay nila itong pinakawalan. Sinundan ko ng tanaw ang paglipad ng dalawang kalapati.

Ang saya ng lahat. Ako lang yata ang hindi. Ayoko ng maging bitter!

"Kay Riley mo na lang ibigay 'yang flower, bitter 'yan ngayon!" Napalingon ako sa nagsalita which is si Ryner. Pinanlakihan ko siya ng mga mata habang minumura siya sa isip ko.

Pagharap ko naman kay Zacharias ay nakakunot ang noo nito kaya naman paulit-ulit akong umiling habang nakangiti. Bad trip talaga 'to si Ryner! Papatayin kita pagkatapos nito!

Pagkatapos ihagis ni Janica ang bulaklak sa kung saan ay nagkaroon ulit ng picture taking. Ito na 'yong huli na kung saan lahat kami ay kasama. Nasa harap ko ang dalawa kaya naman pansin na pansin ko ang magkahawak nilang mga kamay. Bakit ba dito ako pumwesto sa likuran nila? Ayoko na talaga! Savage!

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 77 38
Trust and promises are meant to be broken. A woman who can't move on and a man who still holds on. As their paths cross again after six years their s...
80.9K 1.7K 42
Latifah Pacura was deprived of the truth about her life. What if one day it will come to the point that she will know everything? Will she still acce...
229K 5.7K 47
[Taglish] [SaRoGranDi Series Book 1] Published under Pink & Purple | This story revolves around a lot of secrecy. The main girls' past is a mystery...
49.3K 2.4K 39
Obsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to...