The Love Project: Make Her Sm...

By WhenSheIsAMonster

1.4K 21 3

She is one hell of a lawyer with a dumb ass jerk of an ex-boyfriend. He is a champion car racer who also happ... More

The Love Project: Make her smile.
Chapter One.
Chapter Two.
Chapter Three.
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven

Chapter Ten

65 0 0
By WhenSheIsAMonster

“MUKANG EXCITED KA NA TALAGANG UMUWI AH. You finished it fast. Yan ang gusto ko sayo Lunariss, you are very good at your job.” Tuwang-tuwa ang senior lawyer ni Lunariss sa kanya dahil nareview niya na agad ang kaso at nakapagbigay ng magandang report tungkol dito. Tinapos niya ito kaninang maga paggising niya.

“Parang ganun na nga po, sinasabon na po ako ng kuya ko eh.” Pag-amin niya sa head niya.

“Well, why are you still here? Umuwi ka na, but be sure to come back after you’re allowed leave.” Nakangiting paalala nito.

“Yes ma’am.” She immediately fixed her things at pumunta sa parking lot. Good thing nakapaghanda na siya at nasa kotse na niya ang dadalhin niya pauwing Tagaytay. Konte lang naman ang dala niyang damit, marami siyang damit doon sa kanila. Dumaan pa siya sa mall para bilhan ng kung anu-ano ang mga pamangkin niya. Pati pang suhol sa mga kuya niya at sa mga magulang niya bumili siya.

Naisipan muna niyang daanan ang kaibigan niya sa event center ng mall na iyon. Doon talaga niya naisipang mamili para makadaan siya kay Hevn at makapagpaalam.

“Mag-ingat ka sa pagmamaneho ha!” paalala pa nito.

“I will. Ikaw rin magingat ka pagbiyahe mo.” Susunod ito sa kanya after two days. Sobrang close rin kasi ito sa mga magulang niya. O mas tamang sabihin na naging close ang pamilya nila dahil sa kanilang dalawa.

“Xiara!” tawag niya sa pamangkin ni Enzo na nakikipaglaro sa ibang bata. Lumapit naman ito agad sa kanya at niyakap siya. “Hi Tita Looey!” masigla niyang bati.

“Where’s your mom?”

“She’s in the comfort room-Oh! There she is! Mommy, Tita Looey’s here!”

“Hi Lunariss, bakit ngayon ka lang?” tanong pa ni Xiarina sa kanya.

“Medyo may tinapos pa kasi eh, actually hindi ako magtatagal, kailangan ko pa kasing bumiyahe.” Nagkakwentuhan ng kaunti. Inimbitahan pa niyang dumalo ang mga ito sa anniversary party ng mga magulang niya.

Magaalas tres na nang makaalis siya sa mall. Nagpafull tank muna siya ng sasakyan niya at saka bumiyahe papuntang south. Palabas na siya ng Manila ng makatanggap siya ng tawag mula kay Enzo. Nagtataka pa siya kung bakit pero sinagot na rin niya.

“Hello?”

“Remember last time when I told you na sisinglin kita some other time? Sa palagay ko ngayon na yun.”

“What are you talking about?”

“Can you drive me to Tagaytay? Na kay ate pa rin yung sasakyan ko kasi nasa pagawaan pa yung kotse niya. I think it’s your responsibility to take me their since ikaw yung dahilan kung bakit wala sa akin ang sasakyan ko ngayon. So pick me up.”

Seryoso ba siya? Driver? Ako?

“A-are you serious?”

“Dead serious. So get here fast para makarating na tayo sa Tagaytay.” Sinabe nito kung saan ito maghihintay at tinapos na ang tawag bago pa siya makapag-react. She took the U-turn at pinuntahan ito. Hindi niya alam kung bakit siya bumalik but she felt responsible about his situation. But she did not like the way he acted like a boss.

If only he was a little polite, pero hindi eh! Nakakainis siya!

Nakadagdag sa inis niya na sa back seat talaga ito umupo. Tinignan lang niya ito ng masama.

“What?” painosente pa nitong tanong pero na-gets din agad ang ibig sabihin ng tingin niya, “your stuff is their so how do you think will I sit there and feel comftable the whole drive?”

Hindi na lang niya ito pinansin at nagmaneho na. The whole drive was quiet. No one dared to start a conversation. Parang wala rin siya sa mood magsalita. Gumising siya ng maaga para matapos na ang pinapagawa sa kanya. May nauna naman ng imbestigasyon tungkol sa kaso, hindi lang natapos kasi nagkaroon ng emergency. Nanganak kasi yung misis nung lawyer na naunang na-assign sa kaso. She is tired and the silence in the car made her a little relaxed. She was busy driving and Enzo was busy sleeping.

Nang makakita siya ng gas station, itinabi muna niya ang sasakyan. Naiihi na siya. Napatingin siya sa lalaking kasama niya. He was comftably leaning and his eyes were shut close. His sleeves were curled up to his elbow and his tie was loosened. His coat was folded, and he used it as a pillow.

Mababa siguro para sa kanya yng sandalan. Sabagay ang tangkad niya kasi.

“How’s the inspection? Gwapo ba?” she was a bit shocked ng magsalita ito.

Gising pala ang hudyo!

“Woah, you even stopped the car just to focus on admiring my handsome face. Sabagay baka nga naman maaksidente tayo kung hindi ka tatabi.” He was grinning from ear to ear. She matched his grin and flashed her oh-so-sarcastic smile.

“Don’t flatter yourself too much. I need to use the toilet. Bantayan mo ang sasakyan ko.”

“Don’t worry, you’re safe with me.”

Did I hear it right? I just give him a mocking look.

“I mean your car. Your car is safe with me.” Another mischievous grin was flashed in his lips. She just ignored it and went to the comfort room.

“ANO NA NAMAN BANG KALOKOHAN TO?” para siyang lola ko na handa akong paluin dahil sa kakulitan ko. Napansin kong pagod ang mga mata niya. Her eyes looks like it haven’t had a proper sleep. Nagkaroon ako ng pagkakataon ng magpaalam siyang gagamit ng banyo. I took all her stuff at the back seat. Umupo na rin ako sa driver’s seat para hindi na siya maka-alma.

Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawagan at basta na lang nagpasundo. Uuwi sana ako sa bahay kanina para kumuha ng sasakyan, pero mas may magandang kalokohan ang pumasok sa isip ko. I took my phone and called her.

“Just get inside.” Wala na siyang nagawa kundi sumakay. I can feel her cold stare so I decided to explain. “Ang bagal mo magmaneho. Aabutin tayo ng siyam-siyam sayo.” When I looked at her, she was murmuring.

“Whatever! Edi ikaw na mabilis magmaneho. Kala mo naman champion car racer. Pilingero lang naman.”

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Hindi ba niya ko kilala?

I’m a professional car racer!

“Saang tribo ka nakatira? Hindi ba abot ng kahit anong istasyon ang lugar niyo?” Minamaliit ako ng babaeng to. Well, papakitaan ko siya. “Wag kang lalabas ng sasakyan mo. Wag ka ring lilipat sa kahit saang pwesto. One wrong move and I’ll leave you here.”

I checked the tires, pinadagdagan ko ng hangin. Mukang kaka-full tank lang ng kotse niya. Ch-in-eck up ko ang sasakyan niya ng madalian. Parang namiss kong magmaneho.

“What’s with you?” tanong niya pagsakay ko.

“Papaliparin ko yung sasakyan mo.” Napanganga pa siya ng kindatan ko siya. “At magpapakilala rin ako sayo.”  

PARA KONG IPINAGHEHELE. Hindi man lang ako nakakaramdam ng kahit anong kaba. Pero pumapalo ng 220 ang takbo namin. Juskes! Kung kasama namin si Bes, malamang naghihisterya na yun.

His driving skills are just so grand. Pakiramdam ko nakikipagkarera kami at kumakain na ng alikabok ang mga kalaban namin kahit nakasarado ang mga bintana nila at aspalto ang kalsada. Ang nakakaloko pa, pakanta-kanta pa siya. Walang bahid ng takot yung mukha niya. Wala man lang kahit anong kaba na mababakas sa mga mata niya. He’s driving so fast, like it was just a piece of cake. He’s even tapping his fingers on the steering wheel. Excitement and thrill is evident in his eyes. Sa sobrang confident niya magmaneho, wala kong nararamdamang takot.

“Are you some kind of a professional driver?” hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong. Hindi siya sumagot. He looked at me for a moment and just smiled. “I knew it, you’re a driver in your past life?” hindi parin ito nagkomento. I was just trying to start a conversation, kung ayaw niya. Edi wag. I took the box of cupcake na binigay ni Bes kanina para sa akin. Itinabi niya ang para kina mama, kasi baka raw maubos ko.

I started eating and never mind the guy beside me. Bahala siya sa buhay niya. Nakakaubos na ako ng tatlo ng magsalita siya.

“Hindi mo man lang ba ako aalukin?” hindi ako nagsalita at kumagat sa pang apat na cupcake. “Hey, gutom na rin ako, pakagat naman.” Hindi pa rin ako nagsalita at pa-hum-hum pa habang kumakain.

Gantihan lang!

“Hindi ka ba naaawa sakin? Hindi pa ko nanananghalian.” Inaabot na niya yung box na pinaglalagyan ng dalawang natitirang cupcake pero inilayo ko ito sa kanya. “Ayaw mo talaga? I’m warning you, bibitawan ko ang manibela.” Hindi pa rin ako nagsalita kasi alam kong hindi niya gagawin yun. Maaaksidente kami pagginawa niya yun.

He won’t do it. He’s just bluffing to have a piece of my cupcakes.

“Okay. Don’t blame me, I warned you.” I didn’t expect that he would do it. He let go of the wheels at ginawa pang unan ang mga braso niya.

“What the hell! Are you trying to kill us both? You’re insane!” bigla akong napahawak sa manibela na binitawan ng mga kamay niya. “Just because of a cupcake?!!!!” tuloy tuloy pa rin ang takbo ng sasakyan ko kaya ako na mismo ang umapak sa preno.

“I warned you.” He said that sarcastically na para bang ako pa yung may kasalanan.

“Ay pasensiya ka na ha! Ako pa pala ngayon ang may kasalanan. Baliw ka pala eh, pano kung maaksidente tayo dahil diyan sa pagkaisip bata mo?”

“Look, sorry that I scared you. But in case you didn’t notice, we are at the safe side of the road and I had the signal lights on. Sorry.” He was looking directly in my eyes. I saw how sincere he was. And yes, nasa gilid ang sasakyan at medyo mabagal lang ang takbo.

Pero kahit na. Napakachildish ng ginawa niya kanina. Sarap niya batukan.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, dumapo na ang kamay ko sa noo niya.

Mas madaling manampal ng noo kaysa, manghampas ng batok. Hindi ko abot. Hehe!

“Hey, what was that for?” nakakunot na yung noo niya at halos magdikit na ang mga kilay niya. He looked, adorable. Next thing I knew, I was laughing so hard, I even have my hands on my tummy.

“Woman. Sometimes you’re really hard to understand. One moment she’s angry, the next she’s laughing like an evil witch.”

He started driving once again. Nakonsensiya naman ako kasi sabi niya gutom na raw siya. I took one of the cupcakes and offered it to him.

“Have a bite. I’m sorry. Ikaw kasi eh, hindi mo sinagot yung tanong ko, nainis tuloy ako. O, kagat na.”

Tinignan muna niya ako at ang cupcake na nasa kamay ko. May naisip nanaman akong kalokohan. He was about to have a bite nang idikit ko ang icing sa ilong niya. Hindi niya natuloy ang pagkagat niya at isang matalim na tingin ang ibinigay sa akin.

Natawa nanaman ako sa itsura niya. A very handsome face na may pink na icing sa ilong. Cute.

Wait, did I just say, very handsome? I even added the word cute. I’m crazy.

Itinabi uli niya ang sasakyan at basta na lang kinuha ang natitirang cupcake sa box. “Yan pala ang gusto mo ah, game!” Yeah! The next thing he did was obvious. He took revenge. The icing is all over my face. Hindi pa siya nakuntento, he split the cupcake into half and wiped the fillings in my face.

“Who has the cleanest face now?” Now it’s his turn to laugh.

I TOOK MY SPARE TOWEL AND WIPED OFF THE MESS IN HER FACE. Masyado siyang maganda, na kahit ang dungis na niya ang ganda pa rin niya. I was very gentle, baka kasi masaktan ko siya. I was holding her chin to have a clearer view of her face. Napatitig na lang ako sa mga mata niya.

Iba talaga yung mga mata niya! May dating eh! Naninipa.

Napangiti ako ng sumimangot siya. Parang batang inagawan ng lollipop.

“I hate you. Ang lagkit na tuloy ng mukha ko. Tas may icing pa yung buhok ko.” Pagrereklamo niya na mas nakapagpangiti sakin. “Anong nginingiti ngiti mo dyan? Batukan kita dyan eh. Bilisan mo na ng makarating na tayo sa bahay.” She took the towel from my hand and cleaned her face herself.

“We can stop at some restaurants to clean up, you know?” I started driving.

“No need, kanina pa ako hinihintay sa bahay. At ikaw may importante ka pang lalakarin ngayon. Dalian mo na Enzo.” She looked at me. I can see in her face that she also felt weird saying my name. I don’t know but she had a weird way of saying it. Parang ang sweet. I didn’t mind it and just continued driving.

“Okay.”

It’s almost dinner ng makarating kami. Ang gulo kasi niya magsabi ng direksyon. Nang maiparada ko na ang sasakyan, dali-dali siyang lumabas. Parang walang kasama. Lumabas na rin ako ng sasakyan niya. Nakakailang hakbang pa lang ako, parang gusto ko nang bumalik sa loob ng sasakyan at magmaneho pabalik ng Manila. Dalawang lalaki ang nakatingin sakin ng masama. Kamukha nila si Lunariss. Para nila kong piniprito ng walang mantika sa tingin nila.

Wew! Is this their way of welcoming a guest?

Another pair of eyes was giving me a killing stare. A man maybe on his mid-50’s came out of the house. He walked towards me and eyed me from head to foot.

“What’s your name young man?” tanong niya sakin.

“Sergienzo Santillan, Sir.” Para kong mabubulol sa kaba, para kong nasa isang game show at nasa jackpot question na. Pakiramdam ko pinagpapawisan ako kahit mahangin ang lugar. I motioned my hand for a hand shake, he accepted it.

“Welcome to the family. Take care of my daughter.”

What did he just say?

SA WAKAS NAKARATING DIN KAMI. Ang hina kasi niya makapick-up ng instructions, nagkaligaw-ligaw tuloy kami. I saw my niece and nephew kaya bumaba agad ako pagka-park niya ng sasakyan. They were playing but they immediately run towards me when they saw me.

“Tati!!!!” they both shouted. I gave them a tight hug. I missed them so much.

“How are my babies? Did you miss Tati?” I asked them.

“Yeah we miss you so much Tati!” sagot nilang dalawa. Binuhat ko si Tania. Bumigat na siya. At ang cute-cute na niya.

“Tati, who’s that guy?” napatingin ako sa tinuturo ni Brix. It was Enzo. Kuya Pete and Pat so with dad was giving him a death glare.

Tss, don’t they know how to welcome people properly?

I heard dad saying, “Welcome to the family. Take care of my daughter.”

Yun naman pala eh, lakas trip talaga nito nila Daddy. Teka nga! Take care of my daughter? San galing yun???

Nagmadali akong lumapit sa kanila. They were thinking that Enzo was the guy I would marry. Nawala na sa isip ko yung about dun. Hindi ko alam na talagang inaabangan nila yun.

“Wait, Dad mali ka nang iniisip. It’s not him I mean, we’re not together. He is-”

“Let’s get inside, hayaan niyo na sila Minda ang kumuha ng gamit niyo.” Ini-snob lang ako ni daddy. He lead Enzo inside the house, but before he took a step he gave me a questioning look, I mouthed, “I’ll explain later.” naiwan kami sa labas nila kuya at ng mga pamangkin ko.

“What happened to Apollo?” tanong ni Kuya Patrick, “Nagbreak na pala kayo? Kelan pa?”

“Tama lang na nakipaghiwalay ka na sa lalaking yun. Puro porma lang naman yun eh. But this guy, sigurado ka na ba sa kanya? Sa bagay, mukang matino tong lalaking to.” Pagkomento ni Kuya Peter.

“Teka mga kuya, mali yung asa isip niyo, ni hind ko nga boyfriend yang taong yan eh, nakisabay lang siya sa pagpunta ko rito kasi may aasikasuhin siya rito. Hindi siya yung sinasabi kong pakakasalan ko, at hindi pa ako magpapakasal.”

“Yeah, whatever Bunso.” Kuya Pat pinched my cheecks lightly.

“Teka nga, Sergienzo Santillan, parang narinig ko na yung pangalang yun, I don’t know if I heard it, or read it some where, but it sounds familiar.” Napatingin ako kay kuya Peter.

“Oo nga, parang nabasa ko na ang pangalan niya” Pagsang-ayon rin ni Kuya Pat.

“Tigilan niyo nga akong dalawa, tara na mga babies, pumasok na tayo sa loob, maraming pasalubong si Tati sa inyo.” Tuwang-tuwa silang dalawa kaya nagmadali na silang pumasok sa loob.

“Careful, baka madapa kayo.”

I went to the dinning area ng hindi ko makita sina dad sa sala.

“Lunariss, my baby!” niyakap ko agad si mommy at nagmano, “miss na miss na kita. I saw your knew bofriend anak, ang gwapo, magalang, at mas matino sa Apollo nayun. Buti at nakipaghiwalay ka na sa kanya. Boto ako kay Enzo, payag na akong magpakasal kayo.”

“Ma, it’s not what you think, hindi ko siya boyfriend, kaibigan ko lang yun, okay? We are not getting married.”

“Ganun ba? Sayang naman, bagay pa man din kayo anak. Nanliligaw ba? Sagutin mo na.” Ito talagang si mommy, tuwang-tuwa siyang ireto ako, gusto na raw niya na magasawa ko. Kahit nung naging kami ni Apollo, tuloy pa rin siya sa pagreto sakin sa mga anak ng kumare niya, okaya sa mga kababata ko. Hindi niya sinasabing ayaw niya si Apollo para sa akin, pinapakita niya. Pero kahit kalian hindi siya naging bastos kapag dumadalaw ito sa bahay namin sa Manila, sila ni Daddy. Noong una, ayos naman sila kay Apollo, pero nung nalaman nila ang pambababae nito, naging aloof na sila rito.

“Ma, kaibigan ko lang siya. Hindi siya nanliligaw. Tsaka ayaw ko na sa mga gwapo. Sabi nga ni Andrew E., humanap ng panget.”

“Naku anak, hindi lahat ng mga lalaki pare-pareho, tignan mo ang Daddy mo, kahit kailan hindi yan nang babae, ang mga kuya mo, hindi sila nanloloko ng mga babae, kaya ikaw, don’t judge every guy who comes close to you.”

“Tama, hindi lahat ng gwapo manloloko. Tignan mo ang kuya mong gwapo.” Napatingin kami ni mama sa nagsalita, it was Kuya Patrick, comftably leaning on the wall, hands on his pocket. Model si Kuya sa France. But he is also a professional soccer player and he also joins car racing competitions. He already won several trophies for being the fastest car racer, though he stopped racing because he is enjoying the runway and pictorials. He was once a model of Cassie Valdemoro’s fashion show. I and Bes instanly flew to France just to watch the show. Kuya Pat introduced us to Cassie Valdemoro, sobrang na starstruck kami sa ganda niya.

“Whatever kuya, if I know, kabi-kabila ang mga babaeng idini-date mo sa France.” I just eyed him and went to my favorite spot in the dinning table, sa tabi ni mama.

“Kayo talagang dalawa, magsiupo na kayo. Tatawagin ko na sila” mommy smiled at us and went to call the others. Pero ayaw pa rin paawat ni Kuya.

“Hey, that’s not true. Loyal ako, and besides, that’s just a date, we are getting to know each other more so that before we enter into a relationship, we already know the dos and don’ts.” Pagkontra pa niya at umupo sa tabi ko. “Dito ako uupo, namiss kita eh!” he hugged me, pinched my cheeks and winked at me.

“Doon ka magexplain sa mga chix mo, wag sakin. Puro ka kalokohan kuya. Kurot ka pa ng kurot, masakit na ah!” I also pinched his cheek, which only made him laugh. Natawa na lang rin ako sa pagkukulitan namin. Sobrang namiss ko siya, sila ni kuya Peter.

“Nga pala bunso, okay si Enzo, pero wag muna kayong magpakasal ha, baka hindi na ako makapag-asawa eh, ako muna ha!” hinampas ko ang braso niya sa kakaasar niya.

Hindi ko na lang pala sila namiss!

------------

Update uli, nagsisipag na ko, magpapasukan na eh. magiging busy nanaman ako :) Enjoy reading!

READ.VOTE.COMMENT.

whensheisamonster.

Continue Reading