Chapter Seven

75 1 2
                                    

“PARE, ASAN KA NGAYON?” tanong ni Lean sa kabilang linya. Kinuha ko ang tasa ng mainit na kape na inorder ko at sumimsim doon.

Perfect.

“Andito ako sa…..” ano nga bang pangalan nito? Napatingin ako sa name plate ng isa sa waitress na dumaan sa may pwesto ko, “Coffee Kisses.”

“Ha? San banda yan? May bago ka ng tambayan ngayon? Ang bakla ng pangalan tsong.” Pangaalaska niya.

“E masarap yung kape rito eh. Paki mo ba?” Tinawanan lang niya ako at tinanong kung paano pumunta rito.

“Dumeretso ka tapos kumanan ka sa pang-apat na kanto na nasa kaliwa, dead-end yun kaya bumalik ka. Sa pang-limang kanto, may footbridge wag mo pansinin, dumeretso ka lang. Tapos pag may poste kang makita banggain mo. Tapos-”

“Tol, sabihin mo nga, may chiks ka ba dyan na ayaw mong makita namin.”

“Heck! Wala noh!” I immediately instructed him kung paano pumunta rito at tinapos na ang tawag.

“Those stupid jerks are really a headache.” Alam ko na ang pakiramdam ni Leo tuwing naaabala namin siya. Tumayo ako at pumila sa counter. Napansin kong napatingin sa akin yung mga babae na nakapila sa unahan ko. Nagsimula silang magbulungan.

“Ang gwapo naman niya. Hawig niya si Sam Milby.”

“Ang tangkad pa.”

“Para siyang model.”

Hinayaan ko lang sila. Sam Milby? E mas gwapo pa ko dun eh. Napansin ko ang babaeng kalalabas lang sa pintuan sa kabilang side ng counter. Parang kilala ko siya.

“Good afternoon ma’am.” The cashier addressed her.

“Sige na Fel, mag break ka muna, hindi ka pa raw kumakain. Ako na muna dyan.”

“Thank you po ma’am.” Napatingin ako sa babaeng pumalit ngayon sa tinawag niyang Fel.

She really looks familiar.

“Good afternoon Sir.” She was already looking at me, giving me an I-think-I-know-you-look. Then I realized she looks exactly the same lady who apologized for a lady who accidentally bumped me at the bar.

“What’s your best selling sweets?” I politely asked, not minding the idea. “Oh, something that isn’t so sweet.”

Is there such a thing? Sweets those aren’t so sweet? Whatever.

“One of our best seller, Sir, is our original butter glazed doughnuts. Another is-”

“I’ll have that one. Pakihatid na lang sa table ko. Over there.” Itinuro ko ang pwesto ko, payed for the doughnuts and went back to my place.

I was reading some reports nang lumapit sa akin ang babae kanina sa cashier at inilapag ang order ko sa mesa.

“Here’s your change sir.” Napatanga ko ng ang inilapag niya sa mesa ay puro barya. “Enjoy your doughnuts.” She sarcastically said and gaved me a sarcastic smile to match. She was about to walk away ng parang may naalala siya. “Oh, and the next time someone apologized to you, please be kind enough to respond, or even react.”

She is definitely talking about the incident back at the bar.

“Sure.” Yun lang ang sinabe ko pero para siyang bulkan na sasabog dahil sa kunot sa noo niya. Naisipan kong dagdagan pa ang pang-aasar. “I can’t enjoy these doughnuts if someone is watching me eat them. If you know what I mean.” I uttered emphasizing “Enjoy” like how she stated it a while ago. She immediately went back at the other side of the counter.

The Love Project: Make Her SmileOn viuen les histories. Descobreix ara