Chapter Eleven

94 2 0
                                    

“HIJO TIKMAN MO ITONG SINAMPALUKANG MANOK, paborito yan ng dalaga ko.” Iniabot ni mommy kay Enzo ang niluto niya. “Pero ayaw niya ng buto kaya minsan nagpapahimay pa yan. Ewan ko ba rito sa dalaga ko, ayaw na ayaw ng buto pero gustong gusto ng manok.” Pagdagdag pa ni mommy.

Napatingin si Enzo sakin, mukhang aliw na aliw ito sa pamilya ko. From the moment they started their dinner, nakangiti na ito. He was sitting in front of me sa tabi ni kuya Peter. Kung anu-ano na ang napaguusapan nilang lahat, pero ako tahimik lang. I was just listening to their conversation. Namiss ko yung ganito, kasabay ko silang kumaen, nagtatawanan, nagku-kwentuhan.

“You said your name is Sergienzo Santillan, right?” kuya Patrick asked. Napatingin ako sa kanya. Bakit kaya?

Baka may record sa France, at nabalitaan ni kuya Pat?

“Yeah, Sergienzo Nathaniel Almañares Santillan.” He was looking at me when he said his name. parang may gusto sabihin yung mga tingin niya. Ewan ko kung ano, nakinig na lang ako sa usapan nila.

“Are you the racer who won in the last years Australian Cup?”

“Yeah, were you their?”

Huwaaat? Hindi nga? Joke ba ito? Asan ang camera? Totoong nakikipagkarera siya? Kung anu-ano pa man din ang pinagsasabi ko kanina. Nakakahiya!

Nagpatuloy lang sila sa paguusap, pati si Daddy sumali sa usapan at aliw na aliw magkomento si mommy. Napagalaman kong, limang taon na siyang nananalo sa lahat ng racing competitions na sinalihan niya. Baguhan pa lang raw siya pero sumabak siya sa isang nationwide racing cup dito sa Pilipinas. And he won, kaya nagpatuloy na siya. Mahilig ako sa sasakyan, mahilig rin akong manuod ng mga racing competitions, kung pwede nga lang sumali na ako, pero ayaw nila kuya at mas lalong ayaw ni Mommy, payag na sana si Daddy kaya lang natakot na baka ma-outside the kulambo siya.

Hindi ko na siguro napanuod ang pagsikat niya, naging busy na kasi ako sa pangangarir sa Saligang Batas ng Pilipinas. Mas lalong nawala sa isip ko ang car racing nung nanligaw sakin si Apollo, he courted me for a year and a half, kaya pakiramdam ko, parang siya na talaga, kaya lang hindi eh.

Apollo na naman? Nakakaumay na.

Napatingin ako kay Kuya Peter, may sinasabi kasi siya sakin. Something about a surprise. Ano naman kaya yun? Pati kasi sina Daddy at Mommy na-excite, ang lapad naman ng ngiti ni Kuya Pat. Ano kaya yun?

“Don’t be too excited wala pa kasi siya eh, baka sa makalawa, dumating na siya.” Sabi pa ni Kuya Pat.

“Ha? Sino? Si Bes? I know that she’ll be here within this week. That’s a very lame surprise Kuya.” I just continued eating.

“Haha, lame? Let’s see kung lame talaga.” Saad ni kuya Pat at nag-apir pa silang dalawa ni kuya Peter.

“Alam mo Hijo, itong dalaga namin napakahilig sa mga sasakyan, yung mga vintage cars ng daddy niya, siya ang may pakana kung bakit tumatakbo uli, may pagkamekaniko tong anak kong ito eh.” Pagiiba ni mommy sa usapan.

“Mahilig po siya sa vintage cars? E bakit po yung kotseng pagong ko?” tanong ni Enzo na halatang may pinatatamaan.

“Ha? Bakit anong ginawa niya sa sasakyan mo?” tanong ni daddy.

Ako na ang sumagot, inunahan ko siya “Wala Dad, wala po akong ginawa.” They all gave me nosy stares. Ngumiti na lang ako ng bonggang-bongga. But Enzo didn’t shut up.

“Nilait niya po. Haha.” Mas lalong na-focus sa akin ang mga mata nila mommy at daddy. And I know what those means. They both think that I did something wrong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Love Project: Make Her SmileWhere stories live. Discover now