Substitute Bride (Editing)

By ohrenren

1.7M 12.7K 625

{Substitute Series # 1} Troy Mcintyre and Samantha dela Vega He lost the will to live for he has lost the... More

Substitute Bride
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33

Chapter 8

30.7K 434 0
By ohrenren

Chapter 8

Mabilis ang mga sumunod na araw. Ilang araw ng hindi nagparamdam sa'kin si Troy matapos ang naging pag-uusap namin sa sasakyan niya. Tahimik siyang umalis 'nun. Hindi ko gustong sabihin ang mga salitang nabitawan ko, pero kailangan niyang maging matatag. Hindi natatapos sa break up nila ang buhay niya.

He has to move on and let that experience make him better.

I still hate the girl. I still can't believe how she cheated behind Troy's back. I hope someday she'll realize how dumb she is for leaving him.

Hindi mukhang nagseseryoso ang lalaking ipinalit niya kay Troy. I did some research and the guy is known for being a womanizer. Too bad isa ang ex-fiancé ni Troy sa mga naging subject ng pagiging babaero ng lalaking 'yun.

I hate cheaters.

I believe people like them should go to hell and back.

Bukod sa pagiging tahimik ni Troy nitong mga nakaraang araw, iniisip ko rin ang magiging kahinatnan ng grade ko sa presentation ko last week. Itinuloy ko lang ang kantang ginawa ni Chrome at sabi naman ng professor ko ay nagustuhan niya 'yun.

Hindi ko nga lang alam kung nagandahan ba talaga siya dahil lahat naman kami ay binigyan niya ng papuri nung araw na 'yun. Ang layunin naman daw kasi ng activity na 'yun ay ang maipahayag namin ang sarili. Maipakita sa buong klase kung ano ba kami bukod sa pagiging estudyante.

Malaki ang utang na loob ko kay Chrome dahil kung wala siya, wala rin ako sanang naiperform sa harap nila.

Kaya naman nang magkita kami ng hapun na 'yun ay agad akong nagpasalamat. Gusto ko lang naman ipaalam sa'kanya na naging malaki ang tulong niya sa naging performance ko.

Nakatipon kaming lima sa ilalim ng isang malaking puno. Nakahiga si Chrome at Ivan sa damuhan at sa tabi ko naman ay sina Rox at Mandy na kanina pa nag-uusap tungkol sa hindi ko maintindihan na bagay. Minsan talaga ay may sarili silang mundo.

Hinugot ko mula sa bag ko 'yung papel na pinagsulatan ko nung tapos na kanta. Naupo sa gilid ni Chrome at ibinaba ko sa tiyan niya 'yung papel. KAya lang napalakas yata dahil napamura siya.

"What the hell?"

Napaupo siya at masama akong tiningnan. "Problema mo?" galit na sabi niya. Natawa si Ivan sa naging reaksyon niya. Para kasi s'yang manununtok sa sobrang pagkainis.

"Nagustuhan ni Miss 'yung kantang inumpisahan mo." Balewala ko sa galit niya.

Suminghal pa rin siya. PAdabog niyang tiningnan ang papel na inabot ko. Binasa niya 'yun habang kami naman ni Ivan ang nag-uusap. Nasa kaligitnaan kami ng pag-uusap ni Ivan ng napansin kong tinupi ni Chrome 'yung papel at pasimpleng binulsa sa polo niya.

Nagkatinginan kami ni Ivan. Alam kong nakita rin niya ang nakita ko pero hindi siya nagsalita. Hinayaan namin siyang gawin ang gusto niya.

Papalubog na ang araw ng mag-aya silang umuwi. Wala kaming tugtog sa bar pero may shift ako sa café. Nagpaalam na ko sa'kanila pero dahil pare-parehong ayaw pa nilang umuwi ay naisipan nilang sumama sa'kin.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako tinatanggal ng may-ari kahit pa madalas akong wala ay dahil sa'kanila. Panigurado kasi pag andun ako ay may instant 4 orders na agad at kadalasan ay maghapon pa silang nakatambay.

Nawiwili tuloy 'yung may-ari.

"Sam, ihatid mo na sa mga kaibigan mo 'yung orders nila." Utos sa'kin.

Kinuha ko ang tray at naglakad papunta sa kinaroroonan nilang apat. Dinig na dinig ko ang boses ni Mandy na kinukulit 'yung tatlo. Inilapag ko isa-isa 'yung inumin nila.

"Sam diba may binili kang bracelet sa Baguio? Nasaan na?" tanong ni Mandy.

Tumango ako. Noong nasa Baguio kasi kami ay bumili ako ng souvenir para sa tatlong naiwan. Dahil hindi naman gaano kalaki 'yung baon kong pera hanggan bracelet lang ang kaya ng budget ko.

"Nakakalimutan ko lagi sa apartment kaya hindi ko pa naibibigay. Pero mura lang naman 'yun."

"Kahit na! Bigay mo sa'min idadagdag ko sa collections ko." Pangungulit ni Roxanne.

Ngumiti ako habang napapailing. "Sumama kayo mamaya pauwi. Iaabot ko na lang sainyo."

Pabalik ako ng counter nang tumawag 'yung isang customer. Lumapit naman ako kaagad.

"Good evening, Sir! Ano po order niyo?"

Sinimulan kong kunin ang orders nila. Nang matapos ako'y inulit ko 'yun para makasigurado. "One Mocha Frappe for Xavier, One Caramel Macchiato for John and One green tea frappe for Sera. Is that all, Mam and Sirs?"

Ngumiti 'yung Xavier. "Yes, Miss. Thank you!"

Tumalikod ako at ibinigay sa counter ang orders nila. Sinunod ko naman ang paglilinis ng lamesa na binakante ng kalalabas lang na customer. Pupulutin ko sana 'yung nagkalat na table napkin sa lapag ng makita ko ang putting wallet ssa gilid ng couch.

Kinuha ko agad 'yun. Iginal ko ang mga mata ko sa paligid ng café para mahanap ang kalalabas lang na customer. Nang hindi ko siya nakita ay tumakbo ako palabas at tamang-tama dahil papasakay palang ng kotse 'yung babae kanina.

"Mam!" sigaw ko.

Nagpasalamat ako ng lumingon siya. Tumakbo ako palipat sa kabilang kalsada at hinihingal na inabot sa'kanya yung wallet. "Naiwan niyo po sa couch."

Nagpasalamat siya sa'kin. At tuluyan na silang umalis.

Nagpunas ako ng pawis. Nakakapagod tumakbo. Pabalik na ko sa café ng saktong makita ko si Troy na prenteng nakatayo sa tapat ng pintuan. Nakatingin siya sa'kin habang nakakunot ang noo niya.

Nakakaintimidate talaga ang tangkad niya. Lumapit ako. "Anong ginagawa mo dito?" bigla kong nakita ang mga binti niya. "Natanggal na pala 'yung cast mo."

Tumango siya. "Obviously." Sarkastikong sabi niya.

Tingnan mo 'tong taong 'to. Parang hindi siya 'yung lalaking pumunta sa apartment ko na broken hearted dahil sa iniwan siya ng fiance niya.

"Pumasok ka na nga lang kung oorder ka. Tss." Inirapan ko siya at nagmartsa na ko papasok ng café.

Sumunod siya at naupo sa katabing couch seat nina Mandy. Hindi nila napapansin si Troy. Marahil ay abala sila sa pagkwekwentuhan at baka hindi nila nakikila ito. Nakasimpleng blue jeans at checkered polo lang si Troy. Hindi mo aakalaing sikat siya at makapangyarihan ang pamilya.

Nakatingin siya sa'kin at humingi ng menu. Lumapit ako at iniabot sa'kanya 'yun.

"What's your specialty?" pormal na tanong niya.

Natawa ko nang bahagya. Base kasi sa pagkakatanong niya ay para kaming fine dining restaurant. Samantalang, isang simpleng café lang naman kami.

"What's funny?" masungit na tanong niya.

"Troy, simpleng stall lang kami pero kung makapagtanong ka akala mo naman nasa mamahaling restaurant ka."

Napangiti siya nang alanganin at napahawak sa batok na parang nahihiya. "I don't know what to order. Tulungan mo na lang kaya ako?"

Ngumisi ako bago sinabi ang best seller namin. Tumango siya at sinabing 'yun na lang ang oorderin niya. "10 minutes waiting time, Sir." Kumunot noo niya pero hindi na nagsalita.

Napadaan ako sa table nina Mandy. Bigla akong niyakag ni Mandy sa braso at hinila pababa. "Si Troy 'yun diba? Your Troy? The Troy of the world?" bulong niya.

"Oo siya 'yun pero wag kang maingay kasi baka may makakilala. Okay?"

Ngumisi siya. "Hindi mo tinanggi na Troy mo siya."

Nanglaki ang mata ko at tinampal ang braso niya. "Magtigil ka nga! Gumagawa ka na naman ng issue."

Nakisali pa sa tuksuhan si Roxanne. Si Chrome at Ivan naman ay seryosong nakatingin lang. Inismiran ko 'yung dalawa. "Heh! Bahala kayo diyan. Nagtratrabaho 'yung tao, e. Inaabala niyo ko."

Nilayasan ko sila pero narinig ko ang bulong ni Roxanne. "Namumula si Sam." Humagikgik pa talaga sila. Tsk

Agad na napahawak ako sa aking pisngi na nag-iinit. Ngumuso ako bago iniabot ang bagong order. Hindi talaga sila makaget over.

Mabilis na lumipas ang oras. Hindi ko namalayan na halos pasado alas-onse na at ilang minuto na lang ay kailangan na naming magsarado.

Sinimulan na naming ligpitin ang ilang bakanteng lamesa.

Pagkatapos ko sa isang grupo ay napatingin ako sa gawi nina Mandy. Andun pa rin silang apat at nasa hindi kalayuan pa rin si Troy. Nahuli kong nakatingin sa'kin si Chrome at sinundan niya ng tingin ang tinititigan ko.

At kahit malayo ako ay kitang-kita ko ang pag-igting ng kaniyang panga. Napailing na lamang ako at binali ang tinginan naming dalawa. Kumalabog ang puso ko sa mga oras na 'yun.

"Sige na, Sam. Hayaan mo na sila ang tumapos diyan." Sabi ni Ate Grace.

Nagpasalamat ako at mabilis na nagpalit ng damit pang-uwi.

Agad ako ng nagpaalam at tinungo ang kinauupuan nila.

Nakadukmo na sa lamesa si Ivan habang si Roxanne ay nakasandal na sa balikat ni Mandy. Si Chrome naman ay prenteng nakasandal sa couch at mariing nakatitig sa'kin habang papalapit ako.

"Tara na?" aya ko sa'kanila habang inaayos ang strap ng bag ko sa aking balikat.

Tumayo na silang lahat at sabay-sabay na nag-ayos. Talagang nagpagabi sila para lang sa mga bracelets na ibibigay ko. Nang dadaan sa gilid ko si Chrome ay pilit kong iniwasan na magkadikit kami. Naging matagumpay naman 'yun dahil hinatak siya ni Ivan na nagrereklamong antok na antok na.

"Sam, halika na!" sambit ni Roxanne.

Sumenyas akong saglit lang at pinuntahan naman si Troy na namumungay na rin ang mga mata. Nakamasid lang siya sa'min at hindi umimik.

"Hindi ka pa ba uuwi? Masyado ng gabi at magsasarado na kami."

Tumayo siya. "I need someone to talk to." Aniya. Nakuha ko naman agad ang gusto niyang mangyari. Nagiging hobby na talaga niya ang pag oopen up sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

Ikinabigla ko ang paghawak niya sa kamay ko. Pinigilan kong magpakita ng kaunting emosyon dahil baka kung ano ang isipin niya.

Pagkalabas namin ay agad kong natanaw ang mga kaibigan ko. Nakatayo sila sa harap ng sasakyan ni Chrome at pare-parehong nanonood sa bawat hakbang namin. Bigla kong naalala na may ibibigay ako sa'kanila.

"Troy sa apartment na lang tayo mag-usap. Okay lang?"

Nagkibit-balikat siya. "No problem. Ride with me then." Tumango ako at sabay kaming nagtungo sa katabing sasakyan ng kay Chrome.

Sumulyap ako sa'kanila. "Sa apartment na lang tayo magkita. Kay Troy na ko sasabay."

Hindi sila nagsalita. Naalala kong hindi pa pala sila pormal na magkakakilala. Umikot ako sa driver's side at iniharap si Troy sa'kanila.

"Okay, guys this is Troy." Nagtaas siya ng kamay bilang pagbati.

"Troy they're my friends. Mandy, Roxanne, Ivan and Chrome. Kasama ko sila sa university."

Nilingon ko ang mga kaibigan ko. Tanging ang dalawang babae lang ang nakangiti. Habang si Ivan ay alanganin na nakamasid lang. Si Chrome ay halatang hindi nagugustuhan ang nangyayare.

"Sasabay ako kay Troy para mauna na kami sa apartment. Para pagdating niyo dun maiabot ko na 'yung bracelets."

Tumango sila. Pakiramdam ko'y tensyonado ang naging pagkikita nila. Masyado na yata akong nag-iinom ng kape dahil nasosobrahan na ko sa kaba.

Tahimik namin na binaybay ang kalsada. Ilang kanto lang ang pagitan kaya mabilis rin kaming nakarating sa apartment.

"Papasok ka o dito na lang ulit tayo?"

"I like it here. Just get whatever you need and I'll wait you here."

Kinalas ko ang seatbelt. Mabilis ko naman nakuha yung mga bracelet. Dinampot ko na rin 'yung bonnet na binili ko para kay Troy.

Pagbaba ko ay nasa labas na ng sasakyan si Troy. Nakasandal siya sa hood ng kotse habang naninigarilyo. Napailing ako.

Sunod kong nakita ang nakaparada na sasakyan ni Chrome. Lumapit ako at kumatok doon.

"Nasa plastics na 'yung bracelets niyo at may mga pangalan naman 'yan."

Kinuha ni Roxanne ang kaniya at ipinasa ang plastic sa'kanila. "Sige na. Umuwi na kayo."

Hindi ko na nahintay ang sagot nila. Patakakbo akong bumalik sa sasakyan ni Troy. Tinapon niya ang sigarilyo pagkalapit ko. Hindi ko na 'yun pinansin kahit pa ayoko sa mga lalaking naninigarilyo.

"Oh."

Nagtaas siya ng kilay sa iniaabot kong bonnet. Cute naman 'yun. Kulay asul at bagay naman sa'kanya. "Huwag ka ng maarte. Mura lang 'yan pero 'yan lang kasi afford ko ka--"

Hindi na ko natapos dahil hinablot na niya at isinuot yung bonnet.

Napamaang ako habang inaayos niya ang takas niyang buhok na magulong nakadapa sa gilid ng tenga niya. Ilang hawi pa ang ginawa niya bago siya tumigil at humarap sa'kin.

"Happy?"

Tumango ako habang napapangiti. "Mukha kang bata!"

Sumimangot siya. Akmang huhubarin niya 'yun pero agad ko siyang hinawakan sa magkabilang braso. "Huwag! Bagay naman e."

"Tsk you called me a child and you expect me to be cool with it?"

Tumawa ako ng malakas. "Ang pikon pikon mo. Binibiro lang naman kita pero bagay nga talaga kasi sayo."

Ngumisi siya habang naiiling. "Inuuto mo ko. Tss."

"Sa likod na nga tayo mag-usap. Ayoko sa loob ng kotse mo at lalong mas gusto ko maupo kaysa tumayo sa harap ng hood mo."

May space naman sa likod ng sasakyan niya at mas masarap maupo 'dun dahil sa malamig na simoy ng hangin. "I'll get some blankets." Umikot ulit siya sa likod at kumuha ng ilang tela.

Papaikot na sana ako papunta sa likod ng may humablot sa braso ko.

"Ouch!" daing ko sa higpit at pagkabigla na naramdaman ko. Agad kong nilingon ang may hawak sa'kin. Nagulat ako nang makita ko ang namumulang mukha ni Chrome. Nanlilisik ang mga mata niya.

"Chrome!" tili ni Mandy sa likod niya.

Hindi pa pala sila umaalis. Buong akala ko'y pagkatapos kong iabot ang bracelet ay umalis na sila. Hindi siya nagsalita. Sa halip ay hinatak niya ko patungo sa kanilang sasakyan. Napaigik ako sa sobrang pagdadabog niya sa paghatak sakin.

"Chrome, ano ba? Nasasaktan ako!" hiyaw ko sa sobrang paghigpit ng kapit niya.

"Hey!" nakita ko ang nakunot na noo ni Troy. 'Tila ba nagtataka siya sa nangyayare sa'ming dalawa. "Saan mo siya dadalhin?" aniya.

Nakatitig si Troy sa braso kong hawak ni Chrome. "It's none of your fucking business." Hiyaw ni Chrome.

Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng mga pintuan. Sa isang iglap ay katabi na ni Chrome si Ivan at pilit niyang pinipigilan ang kaibigan. "Stop this madness, bro. Don't push your luck tonight."

"Shut up!"

Kinagat ko ang aking labi. Tahimik na nakatayo sa kaliwa ko si Troy, habang nagngangalit naman na nakatindig si Chrome sa kabila.

"Let her go! You're fucking bruising her arm!" sigaw ni Troy na napansin ang pamumula ng braso ko.

Napapasong napabitaw si Chrome. Hinatak ako ni Troy palapit sa dibdib niya na labis kong ikinagulat. Agad niyang tiningnan ang braso ko. Pero hindi pa man siya nakakapagsalita ay nakita ko na lang siyang nakahandusay sa sahig.

Napatili kaming mga babae.

At lalo akong napahiyaw ng may umagos na dugo sa ilong ni Troy habang pinipilit niyang makatayo.

Damn it.


Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 71.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
24.7M 558K 157
This is not a love story. This is a story about LOVE.
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
28.3M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...