Substitute Bride (Editing)

By ohrenren

1.7M 12.7K 625

{Substitute Series # 1} Troy Mcintyre and Samantha dela Vega He lost the will to live for he has lost the... More

Substitute Bride
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33

Chapter 7

37.1K 479 8
By ohrenren

CHAPTER 7:

The three day conference was blissful. Pagdating namin sa site ay hindi na kami nakapagpahinga. Tuloy-tuloy ang naging activities at tanging sa gabi lang ang nagiging pahinga namin.

Ni hindi kami nakapaglibot dahil puno ang schedule.

At least I got to see the famous lion head. Pero bukod 'dun ay wala na kong nakitang attraction sa Baguio.

Kaya nang makauwi kami Lunes ng gabi ay halos hilahin ko na ang katawan ko sa sobrang kaantukan.

"Are you coming with me, Sam? Sa condo ka na lang ulit matulog." Paanyaya ni Mandy.

She looked tired as well. Hindi ko nga namalayan na nakasunod na pala siya sa'kin.

Umiling ako. "Dito na lang ako. I'm too tired to travel. Mas malapit sa apartment ko."

Hindi naman s'ya nakipagtalo. Nagpaalam na ako at gayun din siya.

Papaliko na ko sa kanto ng apartment nang maaninag ko ang kulay puting kotse na nakaparada sa harap nito. Karamihan sa nakatira sa apartment na tinitirhan ko'y tulad ko ring mahirap.

Bihira magkaroon ng ganitong kagarbong sasakyan dito sa lugar namin. Lumapit ako sa sasakyan at kumunot ang noo ko nang makita ang plaka. Hindi ako pwedeng magkamali. Pagmamay-ari ito ng pamilya ni Troy.

Anong ginagawa nito dito?

At sino ang nasa loob ng sasakyan?

Bumukas ang pintuan sa bandang likod ng sasakyan. Nakita ko sa loob si Troy na prenteng nakaupo. He's in his jogging pants and white v-neck shirt. May cast pa rin siya paa kaya nakuha kong hindi siya ang nagdrive patungo rito.

Ngumiti siya sa'kin.

Kahit gulat ako'y binati ko rin siya. "Anong ginagawi mo dito ng ganitong oras?" nagtatakang tanong ko.

Pumasok ako sa sasakyan dala ang gamit ko. Nawala ang antok ko sa sobrang kuryosidad na namumuo sa ulo ko.

"I just want someone to talk to." Maikling sagot niya.

"Hinintay mo ko para lang may makausap ka? Paano kung hindi pala ko dito umuwi ngayon? Maghihintay ka magdamag sa wala."

Ngumisi lamang siya.

Bumuntong hininga ako. Isinandal ko sa head rest ang ulo ko at patagilid siyang tiningnan. Pinagmamasdan niya lang ako kaya naman nakuha kong mailang sa klase ng titig na ibinibigay niya.

"Ano gusto mong pag-usapan?"

Pumihit siya sa gawi ko. Iniabot niya sa'kin ang kaniyang telepono. "Look at this." Sambit niya.

Binuksan ko namana ng lock screen at bumungad sa'kin ang larawan ng dalawang tao na magkahawak-kamay na naglalakad sa tabing dagat.

Nakangiti ang babae habang pinagmamasdan ang lalaking kahawak-kamay niya. Habang ang lalaki'y mukhang Masaya rin.

"Swipe it."

Isinunod ko ang ikalawang larawan. Halos mapugto ang hininga ko ng makita ang parehong mga tao, pero sa pagkakataong ito'y nasa loob sila ng isang kwarto at naghahalikan. Ibinalik k okay Troy ang telepono.

"Balak mo ba kong papanuorin ng porn?" gulat na sambit ko.

Umiling siya. "Ituloy mo. I'll explain afterwards."

Kahit nalilito ako sa gusto niyang mangyari ay pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga larawan. Karamihan sa mga ito'y nasa loob ng isang kwarto. Mga private moments ng dalawang taong nagmamahalan.

I can't believe I'm seeing this.

Hindi ako komportable pero dahil hinihintay ni Troy na matapos ako, minadali ko na lang ang pagtingin dito.

I saw pictures of people, who I assumed is a couple, in their most intimate moments. When I say intimate it includes being naked and kissing.

"I don't know.... Uhm... What's the point of this, Troy. It's making me uncomfortable."

Nalilito na ko sa mga nakikita ko. The only thing I could do is swipe endlessly. Nilingon ko si Troy na hindi naman nakatingin sa ginagawa ko. Nakatingin siya sa labas ng sasakyan. He had this confused look on his face.

"The next one is the last one. Just see it 'til the end." Untag niya habang nakamasid sa kalsada.

Pinagbigyan ko siya. I swiped once more. At halos malaglag ang telepono sa kamay ko nang makita ko ang sunod na larawan. Biglang nagflashback sa'kin ang mga larawang nakita ko kanina.

Napatitig ako sa larawang kasalukuyang nasa screen ng telepono niya. It was a picture of the same woman, but this time she's with Troy. Nakangiti sa camera ang babae habang si Troy ay nakatitig sa'kanya na para bang siya ang tanging babae na nakikita nito.

Napasinghap ako. Ibinaba ko ang telepono sa upuan ng sasakyan. Umusog ako papalapit kay Troy. I held his hand and he started drawing circles with his thumb. Sumasakit ang puso ko para sa'kanya.

Bakit kailangan niyang masaktan ng ganito?

He let out an exasperated sigh. Tumingin siya sa'kin. Ngumiti siya—isang malungkot na ngiti.

"She loves him. She's madly in love with him." Aniya.

Lalong humigpit ang hawak ko sa kamay niya. Hindi ko siya kayang pakawalan. Hindi ko kayang bitawan ang kamay niya. Dahil pakiramdam ko'y pag ginawa ko 'yun ay bibigay siya. Babagsak ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"How sure are you, Troy? You have to talk to her. Or at least try giving her the benefit of the doubt. Baka naman may misunderstanding lang kayo. For all we know, the guy's just some random man."

Hindi ako naniniwala sa sinasabi ko. Nakita ko kung gaano sila kasaya sa mga larawan. I can only see how happy they both are. Gusto ko lang pagaanin ang loob ni Troy. And I'm doing a bad job at that.

Troy sighed repeatedly. He's calming himself with every deep sigh he takes. Yumuko siya at sunod-sunod na umiling. He's still holding my hand and I'm glad to give him some comfort.

"Her eyes..She's looking at him the way I look at her. That's why I'm sure she loves him." Patapos na sabi niya.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na mahanap ang tamang salita para sagutin ang sinabi niya. Nakita ko ang tinutukoy niya. Nakita ko kung paano tumingin si Cheska sa lalaking kasama niya.

At tulad ng sabi ni Troy, I also saw the same love in her eyes. Kung gaano tingnan ni Troy si Cheska sa huling picture ay ganun rin ang intensidad ng mga tingin ni Cheska para sa hindi ko kilalang lalaki.

"Minahal ko lang naman s'ya." Halos hindi ko na marinig na bulong ni Troy.

Hindi siya umiiyak. Pero dama ko sa boses niya ang sakit na nararamdaman niya. Tumingin siya sa'kin at nakita ko kung paano magtubig ang kaniyang mata.

He's trying to hold it back. "Sam, why am I hurting like hell?"

Isang simpleng tanong, pero hindi simple ang sagot. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa'kanya. Mahirap ipaintindi sa taong nagmamahal na hindi siya ang mahal ng taong mahal niya.

Paano nga ba?

Ano nga ba ang sagot sa tanong niya?

Bigla siyang ngumiti ng pilit. "I'm sorry for asking you a stupid question." Panaka-naka siyang tumawa bago sumandal. "I'll be a pathetic asshole for the rest of my damn life. What a beauty to live a life like mine." He sighed.

Bumitaw na siya sa paghawak sa kamay ko at pilit niyang binura ang pait sa mga salitang binibitawan.

"Damn it!"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niyang ibalikbag ang telepono palabas ng bintana ng kotse. Sa sobrang pagkabigla ko ay napahawak ako sa dibdib ko at bahagyang napaatras sa aking kinauupuan.

"Troy, stop it!" sigaw ko na dahilan upang ikalingon niya.

"Stop making your life miserable. You're hurting, I know. Pero huwag mong hayaan ng dahil sa'kanya masisira buhay mo. Mahal mo siya pero sana mas mahalin mo naman ang sarili mo."

Nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. "She's happy. Don't let her ruin your own happiness."  

Continue Reading

You'll Also Like

176K 3.3K 74
She's Floricel Valencia Tahimik na buhay lang ang tanging gusto nya kaya nag paka layo layo sya sa pamilya nya. Pero talagang mapag laro ang tadhana...
24.4K 1.3K 27
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...