Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XXIV

2.2K 126 118
By mugixcha

Napatingin ako kay Goyong na parang nasa mukha niya ang dapat kong isagot. Pero wala, hindi ko alam ano sasabihin ko.

"Babalik nalang ako sa mas specific-- Third-party ka ba, Miho?"

Parang sampal sa mukha ko ang sinabi niya. Third-party nga ba ako? Bigla kong naisip na akma nga ata para sakin ang salitang yuon.

"Mr. Sempio, papakasalan mo rin naman si Dolly in the future di ba? Kung ganun, kung ako sayo, lumipat ka na ng bahay. Don't live with Miho!"

"Punyeta." Napa-iling si Goyong at nakita ko na nanlilisik na ang mga mata ni Francis. Diyos ko! Gulo na naman ba to?

"Bakit nga ba iyong hindi magawang tanggapin na lamang ang pagkatalo? Ang lahat nga ba ay hindi pa malinaw sa iyo?" Natawa si Heneral sa kanyang sinabi.

"Ginoo, matapos na iyong iwanan si Miho, ngayon naman ay iyong ipinapakita na siya ang tunay mong iniirog? Isang kasinungalingan! Paano naman na iyong maipapangako sa kanya ang lahat kung sa unang beses pa lamang ay namangka ka na sa kabilang ilog?"

"You don't have the right na mag-comment sa past namin, dahil wala ka naman nung nangyari yun!"

"Ngunit ako'y naririto na ngayon sa buhay niya. Kung nais na siya'y mapasaiyong muli, iyong subukan na ako'y kumbinsihin!"

"Huy! Nandyan lang pala kayo!" Dumating si Pau pero hindi pinansin ng dalawa ang sinabi niya at ako rin ay masyadong tutok sa eksena sa harap.

Nangyari na nga ang pinag-aalala ko-- Nawalan na ng pasensya si Francis kaya bigla siyang sumugod at sinapak ang Heneral. Sinubukan ko siyang pigilan pero lalo pa naghamon si Goyong na siya namang hinawakan ng mahigpit ni Pau.

"OMG! Teka, Kalma! Wag kayo magkagulo rito, please! Utang na loob!" Ang pagsusumamo ni Pau habang ako naman ay matinding umeffort sa paghatak kay Francis na palayo sa kanyang kalaban. Nagantihan na rin siya ng isang suntok ng Heneral at ikinatakot na namin ang susunod pang pwedeng mangyari.

"Francis, umalis ka muna, please! Nakakahiya naman kay Pau! Sige na, please!" Tinanggal ni Francis ang braso ko na mahigpit na nakayakap sa baywang niya.

"Di pa tayo tapos!" Tinignan niya ng masama ang Heneral  at lumakad siyang palayo.

Napatakbo ako kay Goyong at kumuha ng panyo mula sa bulsa ng palda ko at pinahid sa dugong nasa kanyang labi na hindi niya pinansin mula pa kanina.

"Tinakot niyo ko! Hay nako! Kala ko dadanak na ang dugo, Diyos ko po!" Pinalo ni Pau ang braso ng Heneral.

"Pasensya ka na, Paulo. Sinubukan ko lamang na siya'y gisingin sa katotohanan. Mali ba ang aking mga sinabi, Binibini?"

"Hindi sa ganun, pero kasi, tignan mo, napaaway ka pa."

"Hay Greggy boy, wag mo kasi patulan at asarin si Tisoy, pikon yun eh, lalo lang kayo magkakagulo! Halika na nga! Kayo talagang mga lalake ang hilig sa gulo! Buti nalang di ako lalake. Hay nako!" Hinatak niya ang braso ng Heneral papasok ng coffee shop,  at sumunod akong maglakad sa likuran nila. Kung ang laban sa Tirad ay hindi nga niya inatrasan, yung ganito pa kaya? Salamat sa Diyos at wala siyang revolver na dala.

---

Hinintay ni Goyong na matapos ang shift ko sa araw na yuon at sumabay sa akin na umuwi. Habang naglalakad, bigla ko siyang tinanong.

"Paano kung hindi pala talaga si Dolly yung babae sa nakaraan mong si Dolores?" Inaalala ko yung sinabi kanina ni Dolly.

"Iisipin ko na ang tadhana ay niloko lamang ako. Hindi nga malayo na biro lamang ang lahat at pinaasa lamang ako ng isang pagkakataon."

Mapagbiro nga rin minsan talaga ang tadhana dahil kahit ako, biktima din niya.

"Kung ako ay bumalik na sa nakaraan at mawala na sa kasalukuyan, ano ang iyong gagawin?"

"Bakit mo tinatanong yan ngayon, Goyong?"

"Bigla ko lamang naisip. Ikaw ba ay malulungkot?"

"Hindi no! Ba't naman ako malulungkot?"

"Kung gayon ay tunay na hindi mo kailangan ang isang tulad ko sapagkat nariyan naman ang isang lalakeng naghihintay lamang sa isa pang pagkakataon para sa iyong pag-ibig."

"Baliw, nagbibiro lang ako no! Masyado kang seryoso!"

"Sa katunayan ay hindi ko nais pa ang bumalik, kung ako lamang ay tatanungin."

"Natuwa ka na bang mabuhay sa kasalukuyan kahit ang banggit mo dati, hindi ka masyadong natuwa sa mga pagbabago na nakita mo lalo na sa naging ugali ng karamihan ng mga Pilipino?"

"Akin ng sinubukan na tanggapin ang lahat. Ang siyang importante ay walang digmaan kagaya nuon. Nawa'y magtuloy lamang ang kapayapaan upang hindi na maulit ang pagdanak ng dugo sa paglaban para sa bayan. Kahit ilang beses pa na ako'y mamatay at mabuhay walang magbabago sa aking pag-ibig para sa Pilipinas. Ako'y hinding-hindi manghihinayang na ibuwis muli ang aking ikalawang buhay sa kaparehas na kadahilanan ngunit sa ngayon ay--"

Silence. Napa-isip si Heneral. Parang nakalimutan niya yung sasabihin niya.

"Ngayon ay?"

---

Paguwi, biglang bumuhos ang malakas na ulan sa labas. Dumungaw kami sa bintana at tinitigan namin ang pagtulo ng malaking mga patak mula sa langit.

"Ano na nga ba yun sinasabi mo kanina? 'Ngayon ay--' ano?"

"Miho, Ako ba ay talagang hindi ang kadahilanan kung bakit ayaw mo bigyan ng pagkakataong muli si Francis?"

"Ayoko na talaga sa kanya. Yun lang." Ayoko na magsinungaling, Diyos ko. Pwede ko bang aminin ang feelings ko na wala akong masasagasaan na relasyon?

"Tunay ba na ika'y wala ng nararamdaman para sa kanya?"

"Oo, wala na. Hindi ba yun halata?" Natawa ako.

"Ngunit ang paghalik niya kanina ay iyong hinayaan na para bang ito'y iyong nais parin!"

Teka, pumalag naman ako ah? Medyo na-late lang ng konti. Natahimik ako at nag-isip kung paano magpapaliwanag. Nag-o-overthink ba siya?

"Bakit ika'y lumalabas pa rin na siya'y kasama? Ano ang dahilan kung bakit kailangan pa rin niya na ika'y minsan samahang pauwi? Bakit pumapayag ka sa lahat ng mga bagay na ito na mangyari, Miho? hindi ka man lamang ba tatakbo palayo at sa kanya'y iiwas ng tuluyan?"

"Wala kasi akong magawa, magkaklase kami tapos--"

Bigla niyang inalog ang balikat ko.

"Panginoong Diyos! Hindi ba't isa lamang yang walang kwentang dahilan? Oo nga't magkaklase kayo ngunit nararapat ba na magtagal pa siya na iyong kasama matapos ninyo gawin ang mga takdang aralin? Mas binibigyan mo lamang ng pagkakataon na ang iyong damdamin ay maaaring mahulog muli sa kanya!"

Teka, naguluhan ako. Ang init ng ulo ni Goyong na para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Ediba ilang ulit ko ng sinabi na wala na nga akong feelings? Pakiramdam ko nga dapat ako pa umalog sa balikat niya dahil mukhang siya pa dyaan ang magulo ang isipan.

"Uhh, Heneral. Ganito kasi, hinayaan ko na lang na magkaibigan kami para wala na lang gulo at--"

"Ito ba ang iyong planong paghihiganti? Mas nais kong marinig mula sa iyong bibig na ito nga ang tunay na dahilan kaysa sa malaman na sa loob mo'y mayroon pang nararamdaman na itinatago!"

"Heneral, wala akong tinatago kung hindi-- kung hindi-- wala. Wala pala talaga." Oo may tinatago ako na di mo na dapat malaman.

Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya.

"Patawarin mo ako." Napahawak siya sa kanyang noo na parang sumakit ang ulo niya sa paglabas ng galit kanina.

"Dahil?" Gusto ko marinig kung ano ang realization niya tungkol sa mga pinagsasabi niya.

Nanahimik siya at hindi ako pinansin. Dahil umuulan, tinawag na naman ako ng gitara na nakatayo sa tabi ng kama. Kinuha ko ito at naupo sa sahig. Kung ayaw niyang magsalita, pwes, tutugtog nalang ako.  Sinimulan kong itono ang gitara pero bigla niya tong kinuha mula sa mga kamay ko at nilapag sa sahig. Anong problema niya?

"Teka, umay ka na ba sa boses ko?" Natawa ako at tinignan niya ako ng seryoso. Sandali lang, galit parin ba talaga siya? Ano bang kasalanan ko?

"Ang iyong boses ay siyang anghel na panandaliang nakakapagdala sa akin sa langit ngunit hindi iyan ang aking kailangan sa ngayon."

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at naramdaman ko na dumampi ang kanyang labi sa leeg ko. DIYOS KO! Ano to? Mamamatay ako sa kiliti kaya sinubukan kong pumalag bago pa ako maihi sa kinauupuan ko.

"Teka, Heneral!"

At tumigil siya sa awa ng Diyos. Napatayo ako at napaupo sa sofa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang di na naman ako makahinga. Anong nangyayari?

Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang mga braso ko ng mahigpit.

"Tigilan mo ko! Susumbong kita kay Dolly!" Sa sobrang taranta, naisip ko nalang siyang pagbantaan.

"Malaya ka na gawin ito at ika'y hindi ko pipigilan."

Hinalikan niya ako sa labi- isang dahan-dahang klase ng halik na feeling ko parang walang curfew sa bagal. Hindi ako makaimik kaya lumayo ako at nagsalita para ulit hikayatin siyang tumigil.

"Baliw ka ba at--"

Pero di na niya ako pinasalita pa dahil ang mga sumunod na mga halik ay puno ng simbuyo ng damdamin na nilunod na ako ng tuluyan. Yung feeling na nag-swimming ka tapos biglang may malaking alon na kinain ka na at hindi ka na maka-ahon pa. Sa isang iglap, parang nawalan ng lakas ang katawan at utak ko para gawin ang tama. Inihiga niya ako sa sofa, hawak-hawak niya ng mahigpit ang mga kamay ko at tinuloy lang ang paghalik-- sa leeg, sa pisngi at sa labi. Sinubukan kong magpumiglas kapag dumadaan ang konsensya sa isipan ko. Dapat na ba akong magdasal at mangumpisal?

"Heneral!" At nakakuha ako ng tyempo para tawagin ang atensyon niya.

"Ang iyong tunay na nararamdaman sa akin ay iyo ng sabihin. Nais kong marinig." Ang bulong niya sa tenga ko.

"Ha?"

Bumangon siya at niluwagan ang ribbon sa kwelyo ko bago tanggalin ng paisa-isa ang butones ng aking uniform. Wait! Sisigaw na ba ako ng rape? Pero hindi-- hindi ata dapat. Sinubukan ko uli siyang pigilan pero wala rin akong nagawa. Hindi ako napasigaw, hindi na rin ako nanlaban pagkatapos. Malakas siya at mahina ako dahil pati na rin ang damdamin ko ay tuluyan ng nanghina. Parang tinaas ko na ang invisible white flag at hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang mangyari. Hinalikan niya uli ako mula sa leeg, pababa hanggang sa dibdib, pagkatapos ay paakyat uli hanggang sa aking pisngi habang sinusubukan niyang tanggalin ng tuluyan ang pang-itaas na suot ko. Hindi ako makahinga at sinubukan ko sa bibig nalang sumagap ng hangin. Hindi ko na napigilan at bigla akong naiyak. Naiyak ba ko dahil naguluhan ako? Nakonsensya? Masaya ba ako? Hindi ko din masiguro. Oo, baka nga naguluhan na ako o nabaliw na ng tuluyan. Natigil siyang bigla dahil siguro ay naramdaman niya ang mga luha ko na tumutulo kung saan naroon ang kanyang mga labi.

"Miho?"

Tinulungan niya akong makabangon, pinunasan ang mga luha ko at sinubukan uli akong yakapin pero tinulak ko siyang palayo.

"Bakit mo ba to ginagawa? Nababaliw ka na ba? Alam mo naman ang tama sa mali diba?"

"Kalimutan muna natin ang siyang wasto. Ngunit ano nga ba ang wasto sa hindi?"

"Heneral, bakit--"

Kinuha niya ang kanang kamay ko at ipinatong sa dibdib niya (na para bang pinararamdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya) bago ko narinig ang isang pag-amin.

"Kung tunay na kasalanan ang umibig sa iba habang ang kalahati ng puso'y nakatali pa sa isang nakaraang hindi malimutan, ako ay aaming isang makasalanan."

At ang sumunod na mga halik niya ay hindi ko na napigilang sagutin. Gusto kong sapakin ang sarili ko, pero mamaya na. Hinawakan ko siya ng mahigpit, at inilapit rin niya ang  katawan niya sa akin. Ito ba talaga ang gusto niyang mangyari? Ito rin ba talaga ang gusto ko?

Tumigil ako at dahan-dahan siyang inilayo. Iniayos niya ang buhok ko at nginitian.

"Maaari ba kitang makatabi sa iyong pagtulog mamaya? Kahit ngayong gabi lamang, ako nawa'y mapagbigyan."

Hindi ko natanggihan ang hiling niya. Narealize ko na siya pala ay isa sa mga pinakamatinding weaknesses ko. Gusto ko umpugin ang ulo ko ng mga limang beses, pero hindi muna ngayon. Hindi muna.

---

Nagtabi lang kaming dalawa kagaya ng minsan naming ginagawa pag nag-uusap at ang kaibahan lang ay ang maya't mayang paghawak niya ng kamay ko at pagyakap ng paulit-ulit. Hindi na rin ako nakakapalag na para bang napaka-natural lang ng ginagawa namin at walang ibang taong nasasagasaan. Hindi ko alam kung ano ang totoong nararamdaman ng Heneral para sakin dahil alam kong hindi basta-bastang pwede i-judge ang pagka-mapusok ng isang lalake. Marami akong pagdududa at pakiramdam ko hindi ito ang pinakatamang gawin sa ngayon, lalo na malabo pa ang lahat sa kanila ni Dolly.  Alam ko na ang dapat kong gawin ay itulak siyang palayo at tadyakang palabas ng kama, pero hindi ko nagawa dahil rin siguro napaisip ako sa mga tanong at ibang mga sinabi niya. Paano nga kung bigla siyang bumalik sa nakaraan? Kinabahan ako dahil mamaya isa na naman yan sa mga premonitions o kaya senyales na may masamang mangyayari kagaya nalang dati. Naglaro tuloy sa isip ko ang ilang mga bagay na patungkol duon:

1. Isang gabi sa Cervantes, hindi siya nakatulog dahil nakarinig raw sila ng malakas na tunog na para daw may nalaglag na mabigat na bagay sa sahig. Pag-ilaw ng lampara, wala naman daw nangyaring kakaiba at pati ang mga kabayo ay nagpapahinga lang at nananahimik.

2. Ang puting kabayo na pinahiram sa kanya ni Aguinaldo ay di mapakali.

3. At yung sinabi niya sa kapatid na si Pablo na malakas at marami ang kanilang kalaban kaya hindi na niya in-e-expect pa na magtatagal kaya pinapasabi niya sa kanyang pamilya na ituring na siyang patay.

Pinagbigyan ko ang sarili kong matakot sa mga naalala ko. Naisip ko rin na kung may hangganan nga lang talaga ang oras namin na magkasama ay tititigan ko nalang ang mukha niya na nasisilayan ng ilaw galing sa kabilugan ng buwan ngayong gabi. Malapit na ang birthday party ni Dolly- Anong balak mong gawin, Heneral? Ikakasal ka na ba? Kung oo, ano tong ginagawa natin?

"Heneral, naglolokohan lang tayo. Aminin mo." Hindi ko na napigilan pang subuking kumpirmahin ang naiisip ko.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap at hinalikan ang noo ko.

"Ika'y nagkakamali."

"Isusumbong talaga kita kay Dolly. Di ako nagbibiro." At naisip ko talaga na totohanin ang bantang ito.

"Ako pa mismo ang siyang magsasabi sa kanya." Joke ba to? Mapapanagutan ba niya ang mga pinagsasabi niya?

"Heneral, huli na to. Ipangako mo! Kalimutan na natin pagkatapos dahil--"

"Ipagpaumanhin mo, ngunit ang mapagbigyan ang iyong kahilingan ay hindi ko magagawa."

"Bakit?"

"Dahil ikaw ay akin lamang." Kinilabutan ako sa seryosong tono ng boses niya at dahil sa ngiti na nakita ko sa kanyang labi. At sa oras na yuon, na-realize ko na nakakulong na rin ako sa sarili kong damdamin at hindi na ako makakatakas pa. Tuluyan na akong makikihati sa pag-ibig niya, dahil siya mismo ay dinamay ako sa kasalanang ito.


























Continue Reading

You'll Also Like

43.1K 1.8K 73
❝prince nga, pangit naman ugali.❞  ▬▬▬▬▬  stray kids' hwang hyunjin  © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]
49.7K 1.1K 32
Highest Rank: #19 in Historical Fiction (04/09/18) #1 in Kasaysayan #7 in History #1 in History(08/12/19) #5 philippines (10/16/21) Paano kung ang is...
1.7M 90.4K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
27.5K 1.9K 39
[ UNEDITED ] Isang antique collector si Yuan Clemonte sa edad na dalawampu't dalawa. Nag-aaral ng Fine Arts sa St. Vincent College of Fine Arts. Mala...