Loving A Stranger

By xianrandal

1.1M 25.1K 919

"Where am I taking you?" Dylan asked Sandy who is drunk. "Shama ako sayo honey." He needs to be patient. "Add... More

I
II
III
IV
V
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
simple ending :)

VI

44.2K 877 17
By xianrandal

Pavote naman po dear readers or pacomment naman po if what is in your mind right now. pangit ba yung story? paramdam naman po....

Lucas Dylan's POV

Kanina pa kulit ng kulit sa kanya si Kaira. Darating raw ang bestfriend nito from Manila. Ito yung ipapakilala sana ng pinsan sa kanya nung pumunta siya sa Manila pero ilang beses ng naudlot.

Maya maya pa ay may narinig siyang kotseng paparating. Alam niyang kay Alwin ito. Siya dapat ang sumundo sa bisita ng pinsan pero dahil sa may kliyente siyang kinausap kaya si Alwin ang napakiusapan ni Kaira.

Sumilip siya mula sa bintana.

Mula rito ay malinaw niyang nakita ang mga dumating. Si Alwin na ang lapad ng ngiti. Natatakpan nito ang bagong dating. Mukhang may bagong object of attention na naman ang pinsan.

Kumunot ang mga kilay niya ng makita ang bestfriend ni Kaira. Hindi siya pwedeng magkamali. It was her!

"Damn!" agad siyang bumaba.para harapin ang bisita. Kailangan niyang makatiyak.

Mula sa likod ay tanaw niya si Sandy. Ang mga mata nito na parang mga pusa. Ang nunal sa tungki ng ilong. At mahabang buhok at balingkinitang katawan.

"Finally, I've meet the maid-of-honor!"

Kitang-kita niya kung paano lumaki ang mga mata ng dalaga habang ipinakikilala ito ni Kaira sa kanya. Bahagyang tinakasan ng kulay ang mga mukha nito.

Iniabot niya ang mga kamay upang makipagkamay. Napakalamig ng mga kamay ni Sandy.

then she fainted!

Mabilis na sinalo ito ni Alwin.

Hindi ba dapat siya dapat ang gagawa nun? Hindi si Alwin. Walang ibang dapat humawak sa dalaga kundi siya.

Pero wala na,buhat buhat na ito ng pinsan habang ipinasok sa guest room.

.......................................................

Sandy opened her eyes. Hindi pamilyar ang silid. Ano ba ang nangyari?

Tumingin siya sa paligid.

Si Kaira. Nag-aalala ang mukha nito.

"Sandy,Best. Are you alright?"

Oo nga pala, naalala na niya ang nagyari. Si stranger! pinsan ni Kaira. Bigla siyang napabangon.

"Careful, Sand." Si Alwin.

Inilibot niya ang mga mata sa silid. Wala si stranger. Ano nga ba ang pangalan niya? Lucas Dylan.

Siya na nga.

Bigla niyang naalala.

Dylan nga ang sinabi ng kasama niya nung gabing yun. Lucas Dylan.

Sumakit ang ulo niya.

"Best, gusto mo ipatawag ko si Dr. Rustico. Siya yung family doctor namin."

"Hindi na Best. Sorry ha, napagod siguro ako sa biyahe."

" Yun nga ang sabi ni Lucas. Mukhang napagod ka sa biyahe."

Kumabog ang dibdib niya ng marinig ang pangalan ng binata. Mabuti na lang at wala ito sa silid.

"Best, pwedeng matulog muna ako? Sumasakit kasi yung ulo ko."

"Sure Bestie, mamaya ka na lang lumipat ng kuwarto. Dun kasi sa kabila yung room mo. Actually, katabi lang nito. Kay Lucas kasi ito, kaya yung mga gamit mo andun sa room mo."

"Ha. Lipat na lang ako dun Best." Nag-aalala kasi siya na baka biglang pumasok ang binata. Hindi niya alam ang sasabihin rito.

"Wag nga matigas ang ulo, ma'am. Mamaya ka na lumipat. Sasamahan pa kita kung gusto mo, for the mean time. Magpahinga ka muna. I'm sure Lucas would not mind na dito ka muna." Nagbibiro pero puno ng pag-aalalang sabi.ni Alwin.

Iniwan na siya ng mga ito. Siya naman dahil sa bilis ng pangyayari ay talagang sumakit ang ulo at nakatulog.

Madilim ang paligid ng muli siyang magising. Tanging ilaw sa lampshade lamang ang meron. Tama nga pala kina Kaira na siya. Naku naman Sandy, amnesia agad.

Naramdaman niyang parang hindi siya nag-iisa. Nanlaki ang mga mata niya. Si Dylan!

Immediate reaction ay bumangon siya. Sisigaw siya pero bigla siya nitong siniil ng halik. Rough kiss. Itinulak niya ang binata. Gusto niyang lumaban pero bakit ganun. Literally nangatog yung tuhodi niya. Yung sinasabi nilang melted by a kiss! Maya't maya lang ang umiba ang timpla ng halik nito, from rough to sweet passionate kiss. Ikinabit niya yung mga kamay niya sa leeg ng binata. Bigla itong bumitaw at tumigil sa paghalik.

Bitin! Nakakahiya ka Sandy.

Madilim pa rin ang mga mukha nito.

"It was really you.....Shimmer." anas nito.

Awang pa rin ang nga labi niya. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Ugali mo ba talagang umalis matapos makipag sex sa isang lalaki?"

Dun natauhan si Sandy.

Akmang sasampalin niya ito ng mahuli nito ang kamay niya.

"Easy, my dear Shimmer...or I should say Sandy?"

"Paano ka nakapasok rito?" Yun na lang ang nakuha niyang sabihin.

Natawa ang binata.

Inilapit niya ang mukha sa dalaga. Amoy na amoy nito abg masculine scent nito.

"This my room when I stay here. Yours is next to this room. Unless na lang gusto mong magshare tayo ng room....at ng bed....." mapanuksong sabi nito subalit salubong pa rin ang makakapal nitong mga kilay.

"Bastos!" Sinampal niya ang binata.

Nakita niya ng nagdilim ang mukha nito.

He pinned him down in bed and passionately kissed her again. Habol ang hininga ng bitiwan siya nito.

"Shimmer, I like you more when your drunk. You are so submissive. Pero pag malalasing ka ulit sisiguraduhin mong ako ang kasama mo."

"Hindi ako ganun Dylan."

He smirked.

May biglang kumatok sa pinto.

Nataranta si Sandy. Pero ang hayop na Dylan na to nakayakap sa kanya.

"Sandy, are you awake?"

" ha? Yes." Natataranta siya, paano ba naman ang mga labi ni Dylan ay nasa leeg niya. Giving her small kisses.

Itinulak niya si Dylan pero mas lalo yatang humigpit ang yakap nito.

"Sand, please get ready, dinner will be in 30 minutes." Si Alwin ulit. Naku pag pumasok ito at abutan sila sa ganong ayos mapapatay niya talaga si Dylan.

"Ha...Ok, bababa na ako Alwin."

Nakahinga siya ng maluwag ng narinig niya ang mga yabag ni Alwin palayo.

Pilyong ngiti naman ang sumalubong sa kanya ng tignan niya si Dylan.

"Nakakainis ka!" Nanggigigil si Sandy.

"Bakit?" Patay malisyang tanong ng binata.

Bumangon si Sandy.

"Umalis ka na nga."

"Ayoko nga." parang bata nitong sabi. "Kwarto ko kaya to, pero sabi ko nga sayo, pwede tayong mag share."

Oo nga pala. Naalala niya ang sinabi ni Kaira, sa kabilang kwarto ang sa kanya, nakitulog lang siya sandali dito sa kwarto bg hinayupak na Dylan na to.

Nagmarcha siya palabas! Nakakapikon talaga.

............ 

Lucas Dylan's Pov

Tawa ng tawa si Dylan sa reaction ni Sandy. Ang sarap nitong asarin.

Kanina pa actually siya sa kwarto at pinagmamasdan ang dalaga. Hindi siya makapaniwala na yung babaeng hinahanap niya almost 2 years ay kaharap na niya ngayon. Na walang iba kundi ang bestfriend ng pinsan niya.

Kaya pala kahit yung pinakamagaling niyang investigator ay hindi malocate ang dalaga kasi Sandy ang gamit nitong pangalan.

He likes Shimmer than Sandy. Sandira Shimmer...Sandy for short.

Hindi naman.niya planong halikan ang dalaga kanina. In fact, nung pumasok siya sa silid niya akala.niya ay wala na dun ang dalaga. Umalis siya saglit kanina ng matiyak na ok na ito. Hindi niya kayang makita na si Alwin ang nag-aasikaso rito.

Kaya nung akmang sisigaw ang dalaga kanina, immediate reaction niya ay halikan ito. He missed those lips! Ang dami na niyang nahalikan but nothing compares to her!

Yung parang nanantiya pa paano humalik. Yung hindi sanay sa frech kiss! Shit, it turns him on.

Gusto niyang isipin na hindi talaga sanay ang dalaga pero tuwing maisip niyang marami ng sumunod after sa kanya parang gusto niyang pumatay ng tao.

Mukhang overacting yata siya.

What do you expect. Hindi porke virgin ito eh wala ng sumunod sa kanya.

Then he clearly remembers everything two years ago. Kung paano maglambing ang dalaga. Hindi katulad ng kaharap niya kanina na parang tigre. Ang tapang.

Pero ang ganda pa rin niya.

Ngayon pinagsisihan niya tuloy kung bakit si Alwin ang sumundo at hindi siya. Kahit kailan may mga bagay na hindi nila pagkakasunduan ni Alwin pero nevertheless, isa ito sa mga paborito niyang tao sa mundo.

...........

Samantala, bihis na si Sandy. Hirap mag move on sa nangyari few minutes ago or she should say mula pa nung nakita niya si Dylan. Ang malaking rason kaya siya lumipat ng Davao ay para maiwasan ang lalaki, ngayon sa malas ay dito pa sila magkikita, pinsan pa talaga ni Kaira.

Sinuklay na niya ang mahabang buhok. She just simply wore a floral dress. put some powder and a lipgloss. Hindi siya sanay mag make up. Kahit pa nga sa unibersidad na pinapasukan niya kailangang may light make up.

Sinipat niya ang sarili sa salamin. Tiniyak na maayos ang sarili.

Nakarinig siya ng mga katok sa silid.

"Sand?" Si Alwin.

Isang malalim na buntong hininga para sa muli nilang pagkikita ni stranger at lumabas na siya.

Napakunot noo na naman si Dylan ng makita si Sandy at Alwin.

Kailangan ba tuwing makita niya si Alwin eh kasama ang dalaga.

"Best, pinasundo na kita kay Alwin, para sabay -sabay na tayong magdinner."

"Tabi na tayo." Si Alwin.

So ang nangyari, kaharap niya si Dylan na busy sa kanyang cellphone.

Bumaba n rin ang mga magulang ni Kaira, nakilala niya rin ang lola at lolo nito. Napakabait ng buong pamilya sa kanya.

Wala na sanang problema....Si Dylan na lang.

.....................

Kinabukasan, maagang nagising si Sandy, sanay kasi siyang ganoon lalo na sa naging trabaho niya. Kailangang maagang pumasok sa school.

Gising na ang mga kasambahay ng lumabas siya ng silid.

"Magandang umaga po Manang Rose." bati niya sa pinakamatagal na kasambahay ng pamilya.

Nakilala niya rin ito kagabi.

"Magandang umaga naman iha, ang aga mo yatang nagising."

"Nasanay po kasi ako Manang. Ok lang po ba kung maglalakad lakad muna ako sa labas?"

"Oo naman, safe rito iha. Baka nga makasalubong mo si Dylan. Maaga.ring nag jogging yun."

"Sige po Manang."

Sana hindi ko makasalubong ang stranger na yun.

Hangang hanga siya sa paligid. Mula sa napakalaki at napakagandang mansiyon hangang sa pagkakalandscape ng paligid nito. Sabi ni Manang kahit lumabas pa siya ng mansiyon ay safe pa rin pero sa laki ng area, mukhang tatanghaliin na siya sa paglalakad eh pag-aari pa rin ng mga Montes ang makikita niya.

Gandang ganda siya sa paligid kaya hindi niya namalayan na makakasalubong na niya si Dylan.

"What the hell are you doing here?"

"Ha?" Nagulat pa siya ng biglang sumulpot si Dylan sa harap niya. Tanging jogging pants lamang ang suot nito kaya kitang-kita niya ang mga naglalaking muscles ika nga. Ang abs teh! makalaglag panga!

Kailangan yatang masanay na siya sa presensiya nito. Dapat hindi siya mukhang laging affected.

"Namamasyal ako."

Ayun na naman ang salubong kilay ni stranger. Hindi na ng pala siya stranger.

"Namasyal? ng ganito kaaga?" Mag-aalas singko pa lang ah.

"Maliwanag na no. Saka sabi ni Manang Rose safe raw mamasyal." Iniwas niya ang tingin sa katawan ng binata.

Naman! Hindi ba to nahiyang makipag-usap sa kanya ng ganoong ayos.

"Hindi mo alam ang panahon Shimmer."

"Sandy" pagtatama niya.

" Sandira Shimmer. I like Shimmer than Sandy, saka yun yung binigay mong pangalan sa akin almost threr years ago. Remember?"

Nakakainis talaga siya. Kailangan talagang ipaalala? Paano ba siya mag move on kung ganito na ipapaalala pa sa kanya ng kaharap.

"Dylan, pakiusap, yung nangyari sa atin walang nakakaalam. Even my bestfriend. Please, wag mo ng banggitin. Kalimutan na natin yun please.

Dylan looks at her intently. Nakakatakot at nakakakaba talaga siyang tumingin.

.........................

Wala lang ba talaga sa babaeng ito yung nangyari sa kanila. She was a virgin that time.

When he woke up that morning, two years ago at hindi niya naabutan si Shimmer halos mabaliw siya sa kakaisip rito. He was so frustrated dahil kailangan niya na ring bumalik sa States kung saan kailangan rin siya sa trabaho.niya.nung panahong yun.

Feeling niya kasi he was responsible of what had happened. Siya na hindi lasing at sa tamang pag-iisip at that time, siya pa ang hindi nakapag control.

Tapos sasabihin lang niya ng kalimutan na nila ang nagyari.

He then grabbed her arms. Ang lapit-lapit na naman ng mukha ng binata sa kanya.

Oh my gulay n fresh! Hihimatayin yata ako ulit.

"Tell me, Shimmer, how many men had passed after me?" May galit ba yung boses niya?

Sandy felt a sudden pain on her chest. Ganun ba ang tingin ng kaharap sa kanya. An easy lay? Sabagay, ano ba ang nagyari sa kanila? Di ba binigay niya yung sarili niya sa kaharap two years ago. To a stranger like him.

Ouch! Sakit ah!

Pero kailangan na niyang mag move on. Yun yung ginawa niyang promise kagabi. Kailangan niyang gawin or forever niyang tatakbuhan yung nangayari.

"Does it matter ba if there were dozens of them after you?" Ganti niya sa kaharap.

"Damn you! Then I should say, not in my territory. Bumalik ka na sa mansion, maaga pa for you to have a catch." Patuyang sabi nito before jogging towards na mansion.

Naiwang tulala ang dalaga.

Napabuntung-hininga na naman siya. Mali yata yung nangyari. Mali ang mga nasabi niya kaya mali rin ang naisagot ni Dylan.

Mukhang hindi magiging maganda ang stay niya sa Davao.

Bumalik na lang kaya siya ng Manila. Pero magtataka sila sister, nakapag paalam na siya ng maayos. Magtataka at malulungkot rin si Bestie niya.

Kaya mo yan gurl!

Si Dylan, kaya naman kaya niyang ihandle?

Bumalik na lang siya sa mansion. Mukhang napakaaga pa nga niya para mamasyal.

Mula sa bintana ay tanaw pa rin ni Dylan si Sandy. Tila tuwang -tuwa ito sa garden ng lola niya. Napakasimple nitong tignan sa hello kitty t-shirt nito at khaki shorts. Litaw tuloy ang maganda nitong mga hita. Almost 3 years ago he had touch those!

Shit! Namamaniac na ba siya? Sa simpleng legs lang natuturn on na siya.

He knows he was saying words that were below the belt kanina.

Napabuntung-hininga siya. Kailangan niyang maging mabait or civil man lang kay Shimmer, the fact na bestfriend ito ni Kaira at magiging partner niya pa sa kasal.

Di nga ba at walang pakiaalam ang dalaga sa nangyari sa kanila. Siya lang yata itong sobrang affected.

Nakita niyang ngumiti ang dalaga. Ang ganda talaga ng smile niya. Biglang sumulpot si Alwin kung saan.

Umalis siya ng bintana. Nabwisit kay Alwin.

...........

"Good morning Sandy, ang aga mo raw nagising sabi ni Manang."

"Yup, nasanay na yung body clock ko. Magjojogging sana ako kaso di ko kabisado ang lugar."

"Nagsabi ka sana kagabi at nang nasamahan kita, if not, kay Lucas kasi araw araw nagjojogging yun."

Lucas? nge, baka di niya keri!

"Naku, ok lang. Yung simpleng paglalakad at pamamasyal eh exercise na rin."

Narinig nilang tumatawag na si Kaira para sa almusal.

Ayun na naman at kaharap na naman niya si Dylan. Naka t-shirt na ito.

"Siyangapala, kailangan nating pumunta sa kina Miss Ching ngayon for the gown fitting Best. Nagpromise kasi ako na tayo ang pupunta sa shop niya para agad agad if may changes eh maaasikaso agad."

"Sure Best."

"Iha, tell Ms. Ching sila na lang ang bumisita rito ha. Medyo inaatake ng arthritis ang Papa mo kaya hindi kami makakasama."

"Yes Mama. Alwin, yung promise mo ha, sunduin mo ang mga bulilit. Close yung shop para sa atin ngayon kaya kailangan na matapos lahat ng pag fifit. Mauna na lang kayo sa shop at ng hindi magulo. Tinext ko na rin lahat ng aking mga bridesmaid." Excited talaga si Kaira.

"Lucas?"

Tumingin lamang ang binata.

"Siguro naman ngyon wala ka ng client ha."

"Yup,so?"

"Pasabay ko naman sayo si Bestie ko, di pwede si Alwin eh."

Halos mabulunan si Sandy.

poker face naman ang binata.

"Ok lang Best. Give me the direction, ako ng pumunta."

"Iha, sumabay ka na kay Lucas, walang problema sa batang yan." Si Mr. Fred Montes, ang papa ni Kaira.

"Oo nga naman, ayaw mo bang sumabay sa akin?" Si Dylan. Hawak nito ang tasa ng kape.

"Naku, hindi naman, baka lang kasi busy ka." Nakakainis. ayaw niyang mag solo sila ng binata.

"Ok na, set na tayo ha. Alwin ang nga bata,wag nang makipagharutan sa kanila. Then si Bestie kay Lucas sasabay. Si Gerard naman dadaanan ako."

"Teka Lucas, kailan ba ang dating si Venice?"

Natahimik ang lahat. Kasama na si Alwin.

"Ah, sa makalawa. Tutuloy raw siya agad rito."

Apologetic na napatingin si Kaira kay Alwin.

Mukhang dinedma naman ng binata ang nasabi ng bestfriend niya pero alam niyang there's tension going on. Between Alwin ba and Dylan.

Teka

Sino si Venice? Ang alam niya lang, isa ito sa mga bridesmaids.

...................

Tension is on the air.

Sakay siya nun ng kotse ni Dylan.

Wala yatang gustong magsalita sa kanila. Pero, they need to end this.

"Yung nangyari....

Sabay pa sila.

Awkward....

"Sige, ikaw na muna....

Anak ng! Sabay na naman!

Napangiti silang pareho. That breaks the ice.

"Ikaw na." Si Dylan.

"Yung nangyari sa atin. I mean, can we...ah..

Nagstammer siya.

"Ok, gusto mong hindi ko mabanggit sa pinsan ko. Fine. As long as you will not do anything na ikasasama ng loob niya."

"Ikasasama?"

"Yah." Pinigilan ni Dylan ang sasabihin. Ayaw na naman niyang makasakit siya ng loob.

"So, are you really staying for good na sa Davao?" he changed the topic.

"Oo, sana kung papalarin."

"Well, ang daming schools na pwedeng pag aplayan rito. If not, the position in my company as my personal secretary is still open."

naku! Sa kanya pala yung company na sinasabi ni Kaira. You better teach Sandy!

Wala namang naging hassle sa buong biyahe nila. Yun nga lang parang ang seryoso ni Dylan. Naiilang pa rin siya sa mga tingin nito. Actually sa presence nito.

Pagdating sa shop ay silang apat na lang ang nandun. Si Alwin na hinihintay raw siya. Si Kaira at ang mapapangasawa nito na si Gerard at si Sandy.

Hindi pwedeng sukatin ang wedding gown ni Kaira, pero since magkasingkatawan sila ni Sandy eh sa kanya ito napakiusapang isukat ni Kaira. Super excited na kasi ang soon to be bride.

Napasipol si Alwin ng lumabas si Sandy sa dressing room suot ang gown nito as maid of honor.

As usual, poker face naman si Dylan.

Sumunod na isinukat nito ang wedding gown.

"Bestie, ang ganda mo! Bagay yung gown." Kinikilig si Kaira habang tinitignan si Sandy.

Hiyang-hiya naman ang dalaga. Paano kasi, mukhang hindi kumukurap si Dylan. Nakatitig lamang ito sa kanya. Si Alwin naman napaka vocal sa paghanga sa kagandahan niya.

Kainis naman si Dylan. Siya kaya ang gusto niyang mag react.

"Hoy,Dylan." Panggugulat pa ni Kaira.

"Ano ulit yung tanong mo?"

Natawa si Gerard. "Pare, walang tanong, tulala ka na kasi jan."

"Ah, nagtext kasi si .Venice." palusot nito. Ayaw niyang aminin na natulala siya sa ganda ng kaharap. Wala pang make-up yan ha.

"Talaga? Sabihin mo nag fifit kami ng gown. Kailangan na talaga niyang umuwi." Si Kaira.

Si Venice kasi ang nagpatahi ng gown niya. Ini email lang ni Kaira ang design sa kaibigan.

Nakita na naman niya yung reaction ng mukha ni Alwin. Tama ba siya na she had seen hurt in Alwin's eyes?

Continue Reading

You'll Also Like

10.4K 4.1K 32
(Unedited) Tumingin ako sa paligid. Dito sa madilim na lugar na 'to, nag iisa ako. Pamilya ko ang mas importante sa lahat. Sila lamang ang lagi ko na...
4.3K 113 42
minsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
386K 15K 41
Dear Sexylove, Kailan kita makikita? Sana ay bukas na. Naghihintay, Blaze De Silva Disclaimer: No intended copyright infringement on cover.