Surrender

sweet_aria által

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... Több

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 16

100K 2.1K 44
sweet_aria által

Chapter 16

"What?!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Phoenix. Kinusot ko ang aking mga mata at tumingin sa wall clock dito sa dingding ng aking kwarto.

Phoenix was only with his boxer shorts. Basa pa ang kanyang buhok at tumutulo ang butil ng tubig sa kanyang katawan. Hindi siya nakauwi kagabi dahil sa akin. Nag-aalala siya dahil sa nangyari.

Mabilis siyang kumilos at nagbihis ng damit. Lumingon siya sa gawi ko, nag-iwas ako ng tingin.

"What are you doing there, Hiro?" Lumapit siya sa akin at hinalikan ang aking noo. "Good morning binibini. Sorry to wake you up. Sila Hiro, nasa bahay."

"Okay lang. Wala ka bang pasok?"

"Meron, pero pwede naman akong hindi pumasok. I'm the boss, remember?" Tumikhim siya at binalingan muli ang kanyang cellphone. "Sige papunta na kami dyan."

Ibinaba niya ito at tumingin sa akin. Itinayo niya ako mula sa pagkakaupo sa aking higaan. Hindi ko matagalan ang titig niya. Naaalala ko ang pinagsasabi at ikinilos ko kagabi.

"Get dressed."

Sinunod ko ang kanyang sinabi at ilang sandali lang ay umalis na kami. Nagpaalam ako sa nanay. Mabuti na lang at kahit papaano ay umaayos na ang lagay niya.

"You're too hushed."

Hindi ko man siya tignan ay ramdam ko ang kanyang pag-aalala.

"Gusto mo bang ibalik kita sa bahay niyo? Kahit pinayagan ka ng nanay ay mukhang wala ka sa sarili."

I didn't open my mouth until we were already in his house. Mabuti na lang at hindi niya ako iniuwi. Pagkabukas niya ng pinto ay ang nakangiting mukha ni Geneva ang sumalubong sa amin.

Niyakap niya ako. Napangiti ako at akmang kakalas ngunit hindi siya bumitaw. Naramdaman ko ang paglapit ng kanyang bibig sa bandang tainga ko.

"We need to talk, Millie. You have a lot of explaining to do." Lumayo siya sa akin at humalik sa pisngi ni Phoenix. "Morning, P."

Sa sala ay nakaupo at nag-uusap sina Hiro at Cassia. Sumilay ang matamis na ngiti ni Cassia nang makita ako at hinalikan rin ako sa pisngi tulad ng ginawa ni Geneva.

"Morning lovey dovey!" Ngumisi siya.

"We're not-"

"Lie again, Millicent Cortejos." Seryosong singit ni Geneva. "You can't fool us."

Nilagpasan niya ako at umupo sa single sofa. Binuksan niya ang TV at umirap.

"Ipapahanda ko ang umagahan." Singit ni Phoenix. "Binibini, what do you want for breakfast?"

Kinagat ko ang ibabang labi. Ramdam ko ang muling paglalaan ni Geneva at Cassia sa akin ng kanilang atensyon.

"K-kahit ano." Wala sa sarili kong sabi.

Dumiretso si Phoenix sa kusina. Sandali lang ay bumalik siyang muli at umupo sa kamay ng sofa na kinauupuan ko.

Mahinang tumawa si Cassia. Tumingin ako sa direksyon nila ni Hiro.

"What brought you here Hiro, ladies?" Lumapat ang kamay niya sa kanang balikat ko.

Napatingin ako dito at ang halakhak naman ni Geneva ang nanuot sa tenga ko. Inalis ko ang kamay ni Phoenix dito.

"Too rude, Millie. Tayo-tayo lang ang nandito. Wala si Monica. 'Wag mong ipahiya si Phoenix sa harap namin." Hinaplos ni Hiro ang kanyang buhok. "You know it's his ego that you're hurting the most."

"Shut up, Hiro!" Pigil ni Phoenix bago pa madugtungan ng pinsan ang sinasabi.

"P, I'm just stating the fact." Umiling siya. "'Wag mong sabihing hindi ka nasasaktan-"

"I said shut up!"

Pumailanlang ang katahimikan sa amin. Ang tanging maririnig lang ay ang ingay na nanggagaling sa TV. Tumayo ako at hahakbang na sana nang hawakan niya ang aking baywang.

"Don't mind him."

Hinarap ko siya. Worry's palpable on his face. Hinaplos niya ang pisngi ko bago ako pakawalan.

Lumabas ako ng bahay at dumiretso sa pool area. Hinubad ko ang aking sandals bago maglublob ng mga paa sa tubig.

"He's unmistakably damned in love until now. You should feel blessed, Millicent."

Umupo sa aking tabi si Geneva. I saw this coming. Kaya hindi na ako nagulat sa kanyang pagsunod. Nilingon ko siya. Her face was dead serious.

"You know Hiro's right. You're hurting Phoenix big time."

"Geneva, hindi ko siya sinasaktan." Pumikit ako. I couldn't make myself certain about this.

"Guys would hide their true feelings, Millie. 'Pag nasasaktan ang mga 'yan, tumatahimik, ngumingiti, o minsan nagkukunwaring walang pakialam. In your case, nginingitian lang niya ang ginagawa mo."

Inilapat niya ang kanyang kamay sa kamay kong nakatungkod sa aking tabi. Pinisil niya ito.

"Kagabi sa harap namin na mga kaibigan niyo at pinsan niya, sinabi mong katulong ka lang niya." She shook her head and smiled faintly. "Iyon pa lang ang ginawa mo Millicent, pero yung lungkot sa mga mata niya kitang-kita ko. Nasasaktan siya."

My eyes started to burn.

"G-ginawa ko lang naman 'yon dahil kay Monica."

She hugged me. Hinaplos niya ang aking likod. Pinigil ko ang pagtulo ng aking luha.

"You're always thinking about others. You're too kind that I always believed you're worthy to get Phoenix's love than Monica."

"Geneva, hindi ko sinasadyang saktan siya. Seeing him hurt pains me too."

Kumalas siya. She gave me a consoling smile.

"I know... because you've already fallen in love with him." Tumayo siya at inilahad sa akin ang kamay para itayo ako.

Napagitnaan kami ng katahimikan kahit hanggang sa makabalik na kami sa loob ng bahay.

Pasado alas nueve ng gabi ay hindi pa rin sila umuuwi. Umiinom ang magpinsan at pinag-uusapan ang tungkol kay Sebastian. Kami nila Geneva ay nagkukwentuhan din tungkol sa mga nangyari nitong mga nakaraang taon. Dahil napili kong lumayo sa kanila ay madami kaming pinatsihang butas. Catching up with them was a good thing.

"Nigel deserves what's happening now." Umirap na sabi ni Geneva. "Palugi ang negosyo nila. Karma siguro dahil sa pambabae niya." Inikot niya ang barbeque at pinasadahan ito ng cooking oil.

"You better stay away from him if ever he comes back. Hindi malabong mangyari iyon." Naiiling si Cassia.

"Phoenix won't let that sleazeball." Ang mga naluto ay sinimulan ni Geneva na ilagay sa plate. "I bet he still loves you, Millie."

"Ginusto niya yung ginawa niya tapos sasabihin mong mahal niya pa din ako? Nagbibiro ka ba?" Nginisihan ko sila at tumalikod para kunin ang barbeque.

Lumapit ako kila Phoenix at nilapag ito sa table. Pahakbang na ako palayo para balikan ang mga kaibigan ko nang higitin niya ako.

Nakita ko ang pagngisi ni Hiro. Tumayo siya at mabilis na umalalay si Cassia. Hindi ko namalayang iniwan niya din pala si Geneva.

"Phoenix-"

"Sit on my lap, binibini."

Nanlaki ang aking mga mata at napaharap sa kanya. Mapungay ang kanya pero halatang hindi siya ganoon kalasing tulad ni Hiro.

"Cassia, you can drive him home, right?" Nilingon niya si Geneva. "Gen, sumabay ka na din. Gabi na at para-"

"Para masolo mo si Millie." Ngumisi siya at pinanood sina Cassia at Hiro na hindi tumino sa paglakad. "Okay. Bye. Enjoy the night, both of you." Kumindat siya at tuluyan na kaming napag-isa.

Hinigit niya ako paupo sa kanyang kandungan at hinalikan ako sa tainga. I had goose bumps everywhere but it was the kind of feeling that's favorable.

Napapikit ako nang mariin at marahang napakagat sa labi dahil na rin sa mainit niyang hininga sa leeg at batok ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinalikan ito.

"Pain and happiness are linked together. Ganito talaga 'pag sobrang mahal mo, masaktan ka man kaya mo pa ding magkunwaring hindi."

"Phoenix..."

"Ayos lang na masaktan ako, wag lang ikaw, binibini."

Naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa dibdib ko. Geneva's right. She's definitely right.

Akmang haharap ako sa kanya nang tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya ito sa table at hindi inaasahang nabasa ko ang pangalan sa screen nito.

Lumunok ako at hindi maipaliwanag ang kabang tumama sa akin. Nilingon ko siya at nakita sa mga mata niya ang paghingi ng permiso.

"Answer her." Pinilit kong ngumiti.

Tumango siya.

"Hello, Monica." Kumunot ang kanyang noo. "Are you drunk? Monica... I can't go there."

What did he mean by that?

Nanlaki ang kanyang mga mata. "You're voice's trembling. Okay... wait for me alright?" Natataranta niyang sabi.

Tumayo ako at ganoon din siya. Matapos ang pakikipag-usap ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Mataas ang lagnat ni Monica, Millicent." Pumikit siya. "At ayaw niyang magpadala sa hospital."

"Tara." Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na hinintay na makapagsalita siyang muli at dumiretso sa kanyang Chrysler.

Nang makasakay kami ay muli niyang hinawakan ang kamay ko. He kissed it again. Halo ang nararamdaman ko. Magkahalong sakit at pangamba. Ngayon ay alam ko na kung bakit mas lalong nahulog si Monica sa kanya. Did he always do this whenever she got sick?

Isipin pa lamang ay nasasaktan na ako. Suminghap ako at tumingin sa bintana. Binitawan niya ang kamay ko. Mapait akong ngumiti nang maramdaman ang pagkirot sa aking dibdib.

Tumigil ang sasakyan at pinark niya ito. Bumaba kami at saka ko lang napagtanto na nasa isang sikat na building kami.

Naglakad kami papunta sa elevator at pinindot niya ang numero ng unit ni Monica. May kung ano na namang kumurot sa dibdib ko pero binalewala ko ito.

Nakita ko ang ekspresyon niya sa gilid ng aking mga mata. Seryosong-seryoso ito na kung hindi lang siguro kami magkakilala ay matatakot ako sa kanya.

"Tigas talaga ng ulo niyang best friend mo."

Hindi ako nagsalita. Tumunog ang elevator at lumabas kami. Lumiko kami at nag door bell. Di nagtagal ay bumukas ang pinto at isang mainit na yakap ang sumalubong kay Phoenix.

Humakbang ako ng dalawang beses paatras. Napalunok ako sa nakita.

"I'm sorry last night. I didn't mean to-"

Hindi na natapos ang pagsasalita ni Monica dahil bumagsak na lang ito sa bisig ni Phoenix. Akmang hahakbang ulit ako paatras nang maramdaman ko ang tingin niya sa akin.

"Help me with her."

Alangan akong humakbang palapit sa kanila. Binuhat niya si Monica at dinala ito sa kama. Nang maihiga niya ito ay may binuksan siyang drawer.

"Wala na siyang stock na gamot sa lagnat."

"Ako... na lang ang bibili."

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"No. It's late. You stay here and look for her. Sandali lang ako."

Hindi ako kumibo hanggang sa marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Tinignan ko si Monica at pinakiramdaman ang kanyang noo. Sobrang init niya.

"Anong ginagawa mo Monica? Bakit ka nagpakalasing?" Bulong ko.

Umungol siya. Tumayo ako at pumunta sa kusina para maghanda ng basin at tubig. Ilang sandali pa ay pinupunasan ko na ang katawan niya. Hindi rin nagtagal ay dumating si Phoenix.

"Ako na diyan." Aniya.

Tumayo ako at ibinaba ang towel sa basin. Umupo ako sa paanan ng kama at pinanood ang ginagawa niya.

Habang tumatagal ay hindi ko na ito makayanan.

"Phoenix..." Ungol ni Monica. "I'm sorry..." Her voice was weak and trembling. "I'm sorry if I love you this much."

Naramdaman ko ang paglipat ng atensyon sa akin ni Phoenix. Nagtama ang mga mata namin. Nagpilit ako ng isang ngiti pero ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko.

"Mahal na mahal ka niya."

Hindi siya kumibo. Wala na din akong nagawa kundi ang tumahimik. Pinanood ko na lang siyang muli hanggang sa dalawin ako ng antok.

Nagising ako na wala si Phoenix. Si Monica ay mahimbing ang pagtulog. Tumingin ako sa aking cellphone at nakitang alas dos na ng madaling-araw.

Lumabas ako ng unit nang marinig ko ang boses ni Phoenix.

"She's fine tita. You don't need to worry."

Hindi ko man marinig ang boses ng kausap niya ay alam ko na kung sino ito, ang mommy ni Monica.

"I'm not gonna leave her." Bumuntong-hininga siya. Umikot siya, nagtago ako para hindi niya ako makita.

Mabilis akong tumungo papunta sa elevator. Nasa ground floor na ako nang bigla akong mapatigil. Mabilis kong pinindot muli ang numero ng unit ni Monica.

Hindi ko dapat iniwan si Phoenix. Hindi dapat ako magselos. Alam ko na hindi ko ito masusupil pero hindi dapat ako magpaapekto.

Pinihit ko ang seradura ng pinto. Dahil hindi ko ito inilock nang lumabas ako at dahil mukhang hindi rin inilock ni Phoenix ay mabillis akong nakapasok. Dumiretso ako sa kwarto.

Tatawagin ko sana siya ngunit walang lumabas na salita sa bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Namanhid ang aking mga kamay.

"Phoenix?"

Napatingin siya sa gawi ko. Ngayon ay siya naman ang nanlaki ang mga mata. Mabilis siyang humiwalay sa nakahigang si Monica.

Dali-dali akong tumalikod hanggang sa muli kong marating ang pinto.

"Binibini..."

Hindi ko siya sinagot. Hindi ko kaya dahil kahit sa aking lalamunan ay may nagbabara na din.

"Millicent mali ang iniisip mo!" Taranta niyang sigaw.

Nakapasok ako sa elevator at mabilis itong pinindot para sumara. Muntik na siyang maipit nang pilitin niyang pumasok pero huli na.

Nang makababa ay agad akong pumara ng taxi. Humahangos siya at pinagkakatok ang bintana ng sinasakyan ko. Malungkot ko siyang nginitian.

"Miss, saan po tayo?"

"Sa pinakamalapit na bar."

Tumango ang driver. Nakita ko pa ang bigong ekspresyon ni Phoenix. Dahil nasa basement ng building ang kanyang kotse ay hindi na niya ako mahahabol.

Mabilis kong dinial ang numero ni Geneva. Ipinagpasalamat ko na mayroon pa akong load para tawagan siya.

"Hello..." Halata sa boses niya na kagigising pa lang.

"N-naistorbo ba kita?"

"Millicent?"

"Ako nga." Mapakla akong ngumiti.

Kanina habang nagkekwentuhan kami ay binigay niya sa akin ang numero nila ni Cassia. Para daw kapag may emergency ay mabilis ko silang macontact.

"Millie..." Bumakas sa boses niya ang pag-aalala. "What happened?"

"Punta ako sa bar. I'll wait for you there."

Pinatay ko ang tawag at nang makarating sa isang bar ay agad kong itinext sa kanya ang pangalan nito.

My get-up was too plain for this place. Ngunit kahit ganoon ay wala akong pakialam sa mga matang nag-iinspeksyon sa akin. Dumiretso ako sa counter.

"Pwede mo ba akong bigyan nung pinaka-malakas ang tama?" Wala sa sarili kong sabi.

Nginitian ako ng bartender.

"Got it."

Ngumisi siya at iniready ang aking inumin. Nang tignan ko ang inilapag niya sa akin ay sumimangot ako.

"Ano ito-"

"It would be unsafe if I let you drink what you wanted." Putol niya sa akin.

Umikot siya at may binulungan na isa pang bartender. Nagulat ako nang tumabi siya sa akin.

"Who cheated now?" Bigla niyang tanong.

Kumunot ang noo ko at ngumiti siya. Seryosong ngiti na nagpataas ng mga balahibo ko.

"You or your boyfriend?"

"H-he's not my boyfriend." Iniwas ko ang tingin at bumuntong-hininga.

Kung bakit mas lalong lumala ang nararamdaman ko nang dahil sa lumabas sa aking bibig.

"Suitor I might say."

Muli ko siyang tinignan. Pinanonood niya ang dagat ng mga taong nagkakasiyahan. Nagkaroon ako ng pagkakataong pagmasdan siya. Saka ko lang napagtanto na hindi siya mukhang bartender dahil sa kanyang tindig at suot. He's actually good-looking too.

Ilang sandali pa ay naubos ko na ang ibinigay niyang inumin. Dahil hindi na siya ang nasa counter ay napagbigyan ako ng taong nandito at nakakailang lagok pa lamang ako sa panibago kong inumin ay tinamaan na ako ng hilo. Ngunit pinilit ko itong ubusin at humingi pa ng isang baso hanggang sa makalima ako.

"I'm Daucus Rustan."

Nilingon ko ang makisig na lalaki. Ang buhok niyang magulo ay mas lalong nagpapungay sa aking mga mata.

"I believed you already figured out that I'm not a bartender."

"Sa pangalan at tindig mo pa lang ay-"

"Daucus Chester Rustan." Naramdaman ko ang paghawak sa akin ng isang kamay.

Nang tignan ko ang may-ari nito ay nanginig ang labi ko.

"Phoenix..."

At bago ko pa madugtungan ang sinasabi ay nagdilim na ang paningin ko.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

706K 19.3K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...
9.7K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...
6.8M 137K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
1M 29.2K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...