Blood and the Seven Vampires

By xtinepasman

7.9K 167 41

Mirror, mirror on the wall. Who's the fairest of them all? Snow White? Fairy tale? Kathang-isip lamang na hin... More

All Rights Reserved.
PROLOGUE
PANGALAWANG KABANATA
PANGATLONG KABANATA

UNANG KABANATA

1.5K 34 7
By xtinepasman

"Vivyan, bumangon ka na, andito na si Don."

Gising na ako kanina pa pero dahil ayaw pang makipaghiwalay ng higaan ko sa akin, kaya ito naabotan na ni Lola kong makulit na gumugulong pa.

"Anong oras na po ba, 'la?" inaantok kong tanong.

"Mag-aalas singko na. Tumayo ka na dyan. Tutulungan ko pa lolo mo sa labas." at lumabas na ng kwarto ko.

Si Lola Castella o Lola Tella ang nakagisnan kong magulang. Hindi nila ako kadugo ni Lolo Alco o Lolo Iko. Sabi nila baka di na daw ako kayang buhayin ng mga tunay kong mga magulang dahil iniwan lang nila ako habang tulog sa talahiban ni Lolo isang gabi. Pero nang magising na ako nun, wala akong maalala. Kung sino yung mga magulang ko, kung bakit andun ako sa talahiban, at kung sino ako. Walang-wala talaga ako ng mga panahong yun kaya naisipan na lang nila Lolo at Lola na kupkupin ako hanggang sa bumalik ang alaala ko. Pero lumipas na lang ang panahon, wala pa ring alaalang bumabalik sa akin.

Di kami mayaman pero sagana kami sa mga pananim na ibinibenta. Yung mga bumibenta ng mga gulay at prutas sa palengke, dito sa amin kumukuha ng supply kaya medyo malaki-laki rin ang kinikita namin, tama lang sa pangtustos ng pangangailangan namin sa pang-araw-araw.

Nasa kolehiyo na kami ng kababata kong si Don. Pero sa taong ito, lumipat kami ni Don sa isang unibersidad na medyo may kalayuan dito sa bukirin namin. Ang dating kolehiyong pinag-aaralan kasi namin ay ipinasara na dahil naghihirap na ito. Mura lang kasi matrikula namin dun kaya di na siguro kinaya ng paaralan. Mas malapit sana yun kaysa sa bago naming paaralan ngayon pero kelangan naming makatapos kaya tiis-tiis na lang. Isa pa, nakakuha din kami pareho ni Don ng libreng eskolarship doon. Gayun pa man, kelangan pa rin namin ng sapat na pera para sa iba pang pangangailangan sa unibersidad. Kaya doble kayud na rin kami nina Lolo at Lola sa pagbebenta. Mukhang mayayaman kasi ang mga nag-aaral dun kaya baka mahal ang mga pangangailangan dun.

Sino si Don? Don Verden, ang baliw kong kababata na sunod ng sunod kung saan man ako nililipad. Sya ang nakagisnan kong kaibigan dahil wala din akong alaala kung may mga kaibigan ba ako. Sya lang ang naglalakas loob na kulitin ako dahil lumalayo ang ibang mga bata sa akin noon. At sya lang ang nagtitiis na kausapin ako kahit hindi pa ako nun nagsasalita. Dahil sa baliw na yan, natuto akong magsalita muli at ngumiti.

Pero kahit napalapit na kami sa isa't-isa, hindi pa rin ako nakakapunta sa bahay nya hanggang ngayon. Pati mga magulang nya ay di ko pa rin nakikilala sa labing-siyam naming paglalakad sa mundong puno na ng polusyon. Nasa ibang bansa kasi daw ang mga ito at mabibilang lang ang mga buwang umuuwi ang mga ito na isang linggo lang din naman ang itinatagal kaya hinabilin na lang sya sa mga kasam-bahay nila.

Nasa ika-tatlong baitang na kami ngayon sa Business Management at di pa rin nya ako pinapapunta sa kanila. Mahirap at delikado daw ang papunta sa kanila lalo pa daw dahil babae ako. Baka daw gawin syang nilaga ni Lola kapag may masamang mangyari sa akin. Ilang beses ko na rin syang pinilit na sasama ako sa kanila sa twing umuuwi na sya kahit isang beses lang, pero palagi syang may dahilan. Sabi nga ng mga daga sa palayan namin, pag ayaw, maraming dahilan. Pero biro lang yun, di ako kumakausap ng mga daga. Ano ako, si Cinderella?

Maliban pa dun, ilang beses ko na rin syang sinubukang sundan pauwi sa kanila pero sa di malamang-lamang kadahilanan ay lagi pa din nya akong nahuhuli.

"Vivyaaaaaaaaaaan!" ayun na ang mala-Regine na sigaw ni Lola.

"Andyan na po! Hinay-hinay sa pagsigaw, yung puso nyo po baka lumabas na sa lalamunan nyo!"

Inayos ko muna yung higaan ko bago lumabas. Sa paglabas ko ng kwarto ay nakita ko kaagad ang lumalamong Don sa hapag-kainan. Kahit kelan talaga, walang kahihiyan ito sa katawan. Sayang ang inosente nyang kagwapohan. Pero dahil pangalawang bahay nya na rin ito kaya hinahayaan ko na lang. Pero dati ayaw pa nyang kumain sa twing niyayaya namin sya.

Di masyadong kalakihan ang bahay namin. Gawa lang ito sa kahoy at magkakatabi lang ang mga kwarto namin ni Lola at Lolo. Sa harapan nga ng kwarto ko ay ang hapag-kainan na namin tapos sa harapan naman ng kwarto nina Lola ay ang iisang banyo at pasilyo namin. Pinagawa agad ni Lolo itong bahay ng mapangasawa na nya si Lola. Di na rin sila nagkaanak kasi mahina ang kalusugan ni Lola at ayaw ni Lolo na mahirapan si Lola sa pagbubuntis nya. Masaya naman sila kahit silang dalawa lang dahil ang importante daw sa kanila ay mahal nila ang isa't-isa. Pero sa awa daw ng Diyos ay ibinigay Niya ako sa kanila. Kaya ayoko ng hanapin ang tunay kong mga magulang dahil sapat na sa akin sina Lolo at Lola.

"Oh, Leo, gandang umaga. Maliligo na ako kaya dyan ka lang. Pagkatapos kong maligo, matulog ka na agad ha. Wag magpupuyat, pasikat na yung araw." sabi ko sa alaga kong alakdan pagkatapos ko syang kunin sa balagat ko tsaka inilagay sa isang lagayan ng sabon na para lang talaga sa kanya.

Mahilig tumambay si Leo sa paligid ng leeg ko. Minsan napagkakamalan pa syang tattoo ko dahil sa kaitiman nya. Nakita ko lang sya sa maisan namin noong 4th year high school ako. Maliit pa sya nun kaya ang cute nya. Ngayon? Cute pa rin naman. Nangangagat ba sya? Hindi naman. Sobrang bait ng kaibigan kong ito. Mas mabait pa kay Don. Minsan nga pakiramdam ko, mas naiintindihan pa nya ako kaysa sa baliw kong kababata na yun kahit na sing laki lang sya ng hinlalaki ko sa kamay.

"Walangya, anlamig!" sigaw ko sa unang buhos ko ng tubig mula sa tabo.

Napansin ko din na lumipat ng pwesto si Leo sa kabilang bahagi ng lagayan kung saan ay malayo sa talsik. Minsan napapaisip na lang ako kung may pagka-isip tao ba tong si Leo. Kahit sa pagtulog ay nagtataka din ako noon na hindi ko sya nadadaganan kahit malaya lang syang nakakalibot sa higaan ko. Tapos pag nagigising ako, lagi ko naman syang nakikita sa parte kung saan makikita ko sya agad tulad ng sa dulo ng hinihigaan kong unan o di kaya nasa ulunan ng kama ko.

Kung tutuusin, marami na kong nararanasang kakaiba sa naging buhay ko dito na kalaunan ay nakasanayan ko na din. Wala naman kasing napapahamak kaya wala din akong rasong matakot.

"Ano, handa ka na?" tanong ni Don pagkatapos kong kumain.

"Naman. Lika na." yaya ko.

"Oh, ito pamasahe at baon mo. Magpakabait ka dun ha. Wag papasobra sa kapilyuhan." habilin ni Lola sa akin na hinihintay kami sa labas kasama si Lolo.

"Grabe naman kayo sakin, pero salamat po. Mag-ingat din kayo ni Lolo dito." sagot ko na may ngiti.

"Don, ingatan mo yan. Wag mong iwawala sa paningin mo." yan naman habilin ni Lolo kay Don.

"Wag po kayong mag-alala, 'lo. Talagang di ko aalisin tingin ko sa babaeng yan, mahirap na baka masira pa nya ang buong unibersidad." pang-aasar ng napakabait kong kaibigan.

"Oh, sya sya, alis na. Mag-iingat kayo." pamamaalam ni Lola sa amin.

"Alis na po kami." sabay na pamamaalam din namin ni Don.

"Isasama mo pa din ba si Leo? Ibang lugar na dun, di na tulad ng dati nating pinapasukan. Baka di ka papasukin o di kaya magiging sanhi pa ng gulo." naglalakad na kami ni Don papuntang baryo. Dun lang kasi kami makakasakay ng trysikel palabas sa highway kung saan kami maghihintay ng bus.

"Tingin mo ba?" pinakita ko sa kanya ang pwesto ni Leo. Nakapwesto sya sa may ibaba ng kaliwang bahagi ng leeg ko.

Pinaliit nya ang mga mata nya at medyo inilayo pa yung mukha nya.

"Magbibilang na ba ako kung ilan magsisigaw?" biro nya kaya kinaltukan ko sya.

"'Gat di sya gagalaw dyan, walang makakaalam. Gabi lang naman sya gising eh, kaya parang tattoo lang sya dyan." pinakita ko ulit sa kanya ang leeg ko.

Wala na syang nagawa kaya umiwas na lang sya ng tingin at hinayaan na lang.

Nakasakay naman kami kaagad ng trysikel dahil marami namang nakaparada kaya di kami masyadong natagalan papunta dito sa hintayan ng bus.

Habang naghihintay kami ng bus, di ko maiwasang mapansin ang iilang mga taong dumadaan na may kadena sa pulsohan tulad ng kay Don. Isa ito sa mga pinakakaiba at pinakamahiwaga sa mga nararanasan ko hanggang ngayon. Ang mga kadena sa pulsohan ng ilang mga tao na tanging ako lang ang nakakakita.

Una kong nakita ang mga kadenang yun sa pulsohan ni Don ng mga bata pa kami. Di ko sinabi sa kanya tungkol sa mga kadenang nakikita ko sa kanya. Tinanong ko si Lola nun kung may nakikita ba syang nakasabit sa pulsohan ni Don pero wala ang isinagot nya sa akin. Di ko alam kung bakit pero mukhang ako lang talaga ang nakakakita sa mga kadenang yun.

Nang may bus nang huminto sa harapan namin, sumakay na agad kami pero halos puno na sa loob kaya ito isa kami sa mga standing. Tiningnan ko ang sarili ko sa bintana ng bus. Ang isa pang kakaiba na nakikita ko, walang repleksyon si Don. Dun ko napagtanto na yung mga taong may mga kadena ay wala ding mga repleksyon. Hindi alam ni Don ang tungkol sa mga nakikita ko dahil pinili kong isarili na lang ang mga to. Ayoko kasing mawala si Don sa akin dahil sya lang ang tangi kong kaibigan. May nakakausap naman akong ibang tao pero hindi tulad ni Don na palaging andyan para sakin, kelangan ko man sya o hindi.

Bakit ako takot mawala si Don? Dahil sa sinabi ni Lola.

Naitanong ko kay Lola noon kung may tao bang walang repleksyon. Nagulat sya nun at napakuros bago sinabi sa akin na kung may makikita man akong taong walang repleksyon ay dapat lumayo na kaagad ako dito dahil hindi daw sila tao at hatid nila ay kapahamakan at malas.

Matagal ko nang kasakasama si Don at wala namang nangyayaring masama sa akin. Importante si Don sa akin kahit baliw sya kaya kung may pagkakataon na may salamin sa paligid, agad kong tinatakpan si Don. At sa bus nato, maraming tao at may kadena man o wala, walang makakapansin.

Pagkatapos ng kalahating oras ay nakarating na rin kami sa harapan ng unibersidad. Bababa na sana kami ng may isang matandang babae akong nakasalubong na bigla na lang pumagitna sa amin ni Don. Parang ayaw pa akong padaanin ni lola.

"Ah lola, makikiraan po. Bababa na po kasi ako dito."

"Mag-iingat ka sa lalaking kasama mo." nagulat ako sa sinabi ni lola. Napansin nya kaya na walang repleksyon si Don?

"P-po? B-Bakit naman po? Magkakilala na po kami simula pagkabata." pinilit ko na lang ngumiti.

"Hindi sya isang tao. Isa na lang syang katawang walang kaluluwa." hindi na ako nakapagsalita dahil sa gulat sa sinabi ni lola.

Katawang walang kaluluwa? Si Don?

"Ooooooooooh, Amspec University! Wala na bang bababa?" napabalik ako sa sarili sa sigaw ni manong konduktor.

"Ah, bababa po ako." malakas kong sagot tapos ibinalik ang atensyon ko kay lola.

"Pasensya na po talaga kayo pero kelangan ko na po talagang bumaba. Male-late na po kasi kami." mukhang wala nang nagawa si lola kundi ang tumabi na lang at pinadaan na ako nang tuluyan.

"Matagal nang nakakulong ang kaluluwa nya at hindi na kahit kelan mapapalaya pa." pahabol nya kahit na nakababa na ko ng bus. Kahit ang ibang mga pasahero ay napalingon na lang din sa kanya dahil sa sinabi nya.

Sumara na ang pinto ng bus pero hindi pa din natatanggal ang titig nya sa akin hanggang sa umalis na ang bus. Sinundan ko pa ng tingin ang bus habang iniisip ang sinabi ni lola.

Anong ibig sabihin nun? Na wala nang kaluluwa si Don?

Sa ilang taong pinagsamahan namin. . .ano sya?

"Hoy. . ." nagulat pa ko nang tinapik nya ang balikat ko.

"Anyare?" parang sinusuri ng mga mata nya ang mga mata ko. Dito magaling si Don. Kung hindi ko iingatan ang ekspresyon ko ay malalaman nya agad na may problema o may mabigat akong iniisip.

Kahit hindi pa nawawala sa isipan ko ang mga tanong ko ay pinilit ko na lang pakalmahin ang mukha ko at ngumiti na lang.

"W-Wala. . .tara na." at hinila ko na sya para sabay na kaming maglakad.

"Wag mo nang isipin yung sinabi ni lola." napahinto ako at napatingin sa kanya na patuloy pa rin sa paglalakad.

Narinig nya pa yun?

Dahil nga sa hinarangan ako ni lola kanina, mas nauna natong si Don sa akin. Kahit pagbaba ko ng bus, nakita ko na syang nasa campus canopy na nag-aantay kaya panu nya pa narinig yung sinabi ni lola sa loob ng bus?

"Minsan mas ligtas tayo kung wala tayong alam." nakatitig lang ako sa kanya ng ilang segundo at ganun din naman ang ginawa nya.

Pawang mga kaluskos ng mga dahon at malalayong usapan na lamang ang bumabalot sa amin.

"Late na tayo, Cia." pag-aaya na nya habang may maliit na ngiti sa kanyang labi na para bang sinasabi nitong hayaan ko na lang kung ano mang narinig ko.

Kung. . .Kung hindi nga isang ordinaryong tao si Don. . .

Bahala na. Ayokong mawalan ng kaibigan. Kung sakali mang dumating ang panahon na may gagawin syang masama sa amin, tsaka ko na yun iisipin. Sa ngayon, kaibigan ko sya na parati akong pinagtatanggol at sinasamahan. Sa ngayon. . .sya ang Don na kilala ko.

***

Anlalaki ng mga gusali sa loob. Mapapatingala ka talaga sa taas at laki ng mga ito. Tapos ang lawak at ang linis pa ng paligid. Hindi mo aakalaing unibersidad ito. Parang isang buong syudad na nga ito eh.

Habang hinahanap namin ni Don yung magiging classroom namin, may mga bulungan akong naririnig mula sa mga taong nakatingin sa amin.

"Oh my gosh, she's that girl, right? That scorpion girl from far away civilization."

"I don't believe it. She really exist in flesh."

"She's here at AU, and she also brought that boy who's always seen with her."

"Look at that scorpion on her neck, my god, so creepy."

"Her henchman is a hot and gorgeous guy though."

Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Mga ganyang usap-usapan naman talaga ang palaging naririnig ko kapag dadaan ako sa mga mata ng mga tao kaya nasasanay na akong makarinig ng ganitong mga bulungan. Ang mga usap-usapan na yan rin ang dahilan kung bakit walang masyadong lumalapit sa akin. Pero mas mabuti na rin yun. Tahimik ang buhay ko at walang gulo. Di ko naman sinisisi si Leo kasi para sa akin, hinuhusgahan nila agad si Leo kahit mabait naman sya sa mga tao. Isnabero pa nga tapos kung anu-anong mga hakahaka pa ang pinagkakalat nila tungkol sa kanya.

Biglang tumigil sa paglalakad si Don sa tabi ko kaya liningon ko sya. Nakatingin sya sa likod kaya sinundan ko din kung saan sya nakatingin. Yung mga estudyanteng nakatayo at namumukol ng mga mapanghusgang tingin sa amin ay naglalakad na ngayon sa iba't-ibang direksyon.

Nabigla ako ng hinawakan ni Don ang kamay ko sabay hila.

"Bilisin na natin. Malapit ng mag-8:30. First subject natin Economics." nakatingin lang ako sa kamay nyang nakahawak sa pulsohan ko at pagkatapos sa mga kadenang gumagalaw din sa bawat pagkilos nya.

Dahil medyo nauuna sya sa akin, sa konting lingon ko sa kanya, nakita ko agad ang inis at irita sa kanyang mga mata. Ngayon ko lang nakita ang ganito katinding emosyon mula sa kanya. Mula pagkabata kasi sa twing ipinagtatanggol nya ako, napaka-kalmado lang ng mukha nya na kung minsan yung ibang tao na ang naiinis at naiirita dahil parang walang epekto yung ibinabato nila kay Don.

"C-301, ito na yun." nabalik ako sa kasalukuyan nang nasa tapat na pala kami ng magiging classroom namin sa unang subject.

Binitawan na nya ako at  binuksan ang pinto tsaka pinauna na ako sa pagpasok. Unang sumalubong sa akin ay ang lamig ng classroom. Gawa sa puting pinta ang lahat na nakaugnay sa classroom. Pwera lang sa lamesa at upuan dahil gawa ang mga ito sa binarnisang kahoy at bakal na pinintahan ng itim.

Habang dahan-dahan kaming naglalakad, naghahanap ng mauupuan, biglang napatigil ang lahat sa mga ginagawa nila. Nakapako ang mga mata nila sa amin, lalong-lalo na sa akin at kay Leo. Dapat bang iniwan ko na lang si Leo? Nasa syudad nga naman ako at hindi sanay ang mga tao dito na makakita ng alakdan. Pero kung wala din si Leo parang may kulang din sa katawan ko. Isa pa, malulungkot si Leo dun mag-isa sa bahay.

"Dito ka na, ako na lang dun sa likuran." alok ni Don sa upuan sa may gitna.

Tumango ako at umupo na dun sa upuan.

"Magandang umaga!" masaya kong bati sa babaeng katabi ko sa kaliwa.

Lumingon naman sya at ngumiti, pero agad nya namang ibinalik yung tingin nya sa kwaderno nyang ginuguhitan. Babati na din sana ako sa babae sa kanan ko, pero bigla itong tumayo at naghanap ng malilipatang upuan. May nilapitan syang isang lalaki pero tumanggi itong makipagpalit sa kanya kaya sumubok na lang ulit sya sa iba.

Humalumbaba ako sa mesa ko at lumingon sa likod papunta kay Don.

Bago pa man mapadako ang tingin ko kay Don, napahinto ito sa lalaking katabi nya sa kaliwa na nakapatong ang mukha kanyang kamay.

Mga kamay na katulad kay Don.


tbc

Continue Reading

You'll Also Like

1M 77.5K 53
Iris Evangeline Daverionne is a white werewolf who hates vampires. She vowed to herself that she would never be entangled with them or that's what sh...
2M 135K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
3M 123K 50
(Bloodstone Legacy #2) "Sometimes, it takes a pure and innocent beauty to tame the beast of a demon." Every girl wishes to be a princess. To live in...
14.3M 622K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...