When Mr. Gorgeous is Jealous

By winry_elrick

5.9M 101K 4.8K

When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved More

All Rights Reserved
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 44

59.2K 1.4K 21
By winry_elrick

Jennifer

Papunta na ako ngayon sa susunod at huli kong klase para sa araw na ito nang matigilan ako dahil sa mga nagkukumpulang mga estudyante sa may lobby.

"Anong may'ron at ang daming tao?" Tanong ko sa aking sarili habang nagtatakang nakatingin sa mga kababaihang tila may kung anong pinagkakaguluhan.  Lumapit ako para alamin kung anong nangyayari at nalaglag ang panga ko sa aking nakita.

"Dustin?"  Tawag ko sa aking boyfriend na abala sa pagtingin ng bulletin board.

"Hi!"  Bati niya sabay lapit sa akin at halik sa aking pisngi.  Nagulat naman ako at hindi mapakali dahil pinagtitinginan na kami ngayon ng mga estudyante.

"Bakit ka nandito?"  Tanong ko matapos hilahin si Dustin sa bandang likod ng school kung saan walang mga tao. 

"Sinusundo ka."

"Bakit ang aga, may klase pa ako."

"Okay lang, hihintayin na lang kita."  Nakangiting sabi niya saka luminga-linga sa paligid.  "Parang walang pinagbago dito ah."

Pinagmasdan ko rin ang paligid na ika nga ni Dustin ay walang ipinagbago.  Ito lang naman ang lugar kung saan ako pinag-tripang kalbuhin nina Faith noon at dito rin mismo sa lugar na ito unang nagtapat si Dustin ng pag-ibig niya para sa akin.

Dumiretso na ako sa aking klase habang si Dustin naman daw ay maglilibut-libot muna dito sa Campus.  After one hour ay nagkita kami uli sa lobby kung saan madami na namang mga babaeng nagkukumpulan.

"Tapos ka na?  Akin na 'yang mga gamit mo, ako na ang magdala."  Sabi ni Dustin saka kinuha ang malaking bag na dala ko.  Maya-maya pa ay bigla naming narinig si Pris.

"Hi Kuya!"  Bati ni Pris sa Kuya Dustin niya sabay halik sa pisngi nito.  "Kaya pala ang daming tao dito, kasi may pogi."

"Bolero ka talaga."  Pabirong sabi ni Dustin saka ginulo-gulo ang buhok ng kapatid.  At ngayon ko lang na-realize na siya pala ang pinagkakaguluhan ng mga babaeng estudyante dito.  Palibhasa, gorgeous eh.  "Hindi ka pa ba uuwi? Sumabay ka na sa'min."

"Susunduin ako ni Kuya Charles eh, kaya mauna na kayo."

"Sige, umuwi ka agad ah."  Bilin ni Dustin kay Pris.

"Okay."  Sagot ni Pris sabay baling sa akin.  "Ate Jen, huwag kang kabahan ah.  Mukha lang nakakatakot si Daddy pero mabait 'yon.  Si Mommy naman, may pagkamasungit 'yon pero sa tingin ko naman, hindi ka no'n susungitan kaya huwag kang mag-alala."

Napangiti na lang ako sa mga sinabi ni Pris at maya-maya pa ay lumakad na kami ni Dustin.

Dumiretso muna kami ni Dustin sa salon para makapagpalit ako ng damit at makapag-ayos.  Saktong alas siyete ng gabi nang makarating kami sa bahay nila kung saan sinalubong kami ni Neri.

"Hi Jen, kumusta?"

"Mabuti naman 'te.  Nga pala, balita ko ikakasal na kayo ni Kuya Charles.  Congrats po ah.

"Salamat.  Sana, makapunta kayong dalawa ni Sir."

"Oo pupunta kami."  Sabi ko saka tiningnan si Dustin na sumang-ayon naman.

"Hi Ate!"  Si Pris iyon na agad lumapit at nag-beso sa akin.  "Ang ganda mo ah."

"Thanks."  Sagot ko at agad na bumati sa Mommy ni Pris.  "Good evening po sa inyo Madam."

"Just call me Tita Erlie hija."  Nakangiting sambit niya kaya ngumiti rin ako.  "Junnie is in his office, puntahan niyo muna."

---

"Come in."

Pagkarinig namin no'n ay binuksan na ni Dustin ang pinto at pumasok na kami sa loob ng opisina. 

"Dad anong nangyari diyan?"  Bungad na tanong ni Dustin sa ama.

"Ililipat ko sana ng puwesto, kaso biglang kumalat.  Inaayos ko nga pero isang oras na 'ko dito hindi ko pa rin nabubuo."  Sagot ni Tito Junnie habang nakatuon ang pansin sa Mona Lisa jigsaw puzzle na nakakalat sa sahig.

"Tulungan ko na po kayong mag-ayos." Sambit ko at dito na nag-angat ng ulo si Tito Junnie. 

"Ikaw pala hija."

"Good evening po."  Bati ko saka nag-beso sa kaniya.  Napatingin naman ako uli sa nagulong puzzle.  "Tito, ako na pong bahala dito, aayusin ko po ito."

"Mahirap 'yan"

"Don't worry Dad, kayang-kaya niya 'yan."  Ani Dustin sabay kindat pa.  After ten minutes ay nabuo ko na ang puzzle kaya namangha ng husto si Tito.  Matapos mai-display ang puzzle ay naupo na kaming tatlo sa receiving area at nag-usap. 

Una ay humingi ng dispensa si Tito Junnie tungkol sa pagpapalabas niya ng utos sa mga school na huwag akong i-hire.  Pinagsisisihan na raw niya ang ginawang iyon sabay sabing tanggap na niya ang relasyon namin ng kaniyang anak. 

Napagtanto ko nang tama si Pris, mukha lang nakakatakot ang Daddy nila pero mabait pala.

Sa kalagitnaan ng pag-uusap ay may biglang tumawag sa cellphone ni Dustin.  Tawag iyon tungkol sa trabaho kaya nag-excuse muna siya sa amin saka lumabas para doon sagutin ang tawag.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Tito Junnie ang nandito sa opisina.  Ito na ang pagkakataon ko.

"Tito, may'ron po pala akong gustong ibalik sa inyo."  Kalmado kong sinabi sabay lapag sa lamesa ng isang brown envelop.

"What is that?"

"'Yan po 'yong ibinigay niyo sa'kin no'ng dinala niyo ako noon sa Tagaytay.  Ibinabalik ko na po."  Ang envelop na 'yon ay naglalaman ng cheke at titulo ng isang resort sa Tagaytay na nais noong ibigay sa akin ni Tito Junnie bilang kapalit ng pakikipaghiwalay kay Dustin.  Matagal ko na rin itong hawak at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong ibalik ito.

"I also want to apologize about that.  Pasensya ka na kung nagawa kitang suhulan.  Huwag mo na 'yang ibalik, regalo ko na 'yan sa'yo."

"Salamat na lang po pero hindi ko po 'yan matatanggap.  Ang pagpayag niyo sa relasyon namin ni Dustin ay sobra-sobrang regalo na.  Salamat po ah.  Alam kong hindi ako ang babaeng gusto niyo sana para sa inyong anak.  Hindi po ako mayaman, gayunman ay itinaguyod ako ng aking mga magulang para magkaroon ng magandang kinabukasan.  Kaya po mahal na mahal ko sila.  Kayo rin po, mahal na mahal po kayo ng anak niyong Dustin.  Malaki rin po ang pasasalamat niya at pumayag na kayo sa relasyon namin.  Kaya maraming-marami salamat po."  Natutuwa ako dahil nasabi ko ang lahat nang iyon ng hindi nauutal.  Ibig sabihin lang nito ay palagay na ang loob kong makipag-usap kay Tito Junnie.

"Salamat din at minahal mo ang anak ko.  At sorry uli sa lahat ng nagawa ko hija."

Maya-maya pa ay dumating na si Kuya Derek na kasama ang isang babae na agad kong nakilala.  Hindi ako maaring magkamali, si Ate Peachy iyon na employee ng Grande Hotel.  Na meet ko na ito no'ng high school pa lang ako.  Nangyari iyon no'ng first monthasary namin noon ni Dustin kung saan na-late ito ng tatlong oras.  Si Ate Peachy 'yong naghatid sa'kin sa isang room para makapag-palit ako ng damit dahil nabuhusan ako noon ng juice. 

Ibig sabihin, dati pa lang ay may relasyon na sina Kuya Derek at Ate Peachy pero hindi sila nagkatuluyan dahil nagpakasal si Kuya Derek sa babaeng pinili ng Daddy niya para sa kaniya.

Annuled na ang kasal ni Kuya Derek sa dati nitong asawa kaya malaya na siyang mahalin uli si Ate Peachy na tulad ko ay mukhang tanggap na rin ni Tito Junnie.  Masaya ako para sa kanila.

Lumabas na muna ako para sila naman ang makapag-usap.  Pagkalabas ko nang opisina ay biglang nag-ring ang cellphone ko.  Pumunta ako sa isang sulok at doon sinagot ang tawag.

"Hello Philip, kumusta, nakauwi ka na pala."

[Oo, kani-kanina lang.  Nandito ako ngayon sa Rico's puwede ka bang pumunta dito, dala ko 'yong pasalubong mo.]

Nasa bar pala ngayon si Philip, kaya naman pala maingay ang background niya.

"'Di ba sabi ko sa'yo, huwag mo na 'kong bilhan ng pasalubong.  At saka, hindi ako puwedeng pumunta diyan.  Actually, nagkabalikan na kami ni Dustin at nandito ako sa bahay nila ngayon para mag-dinner."

[Alam ko, kaya nga kita pinapapunta dito eh.]

Matigas ang boses niya habang sinasabi iyon.

"Ano?"

[Wala, ang sabi ko pumunta ka dito.  Ngayon na, pumunta ka na dito.]

"Philip, ano bang pinagsasabi mo diyan? Anong problema mo?"

[Anong problema ko?  Hindi ko kasi maintindihan eh.  Why did you have to comfort me that day?  Bakit mo ipinarinig sa akin ang kantang 'yon?  Bakit mo ako hinikayat na dapat kong tuparin ang pangarap ko.  Why did you convince me na dapat kong gawin ang bagay na nakakapag-pasaya sa'kin.  Bakit mo ako ipinagluto ng mga handa no'ng birthday ko?  Bakit ang bait mo sa'kin?  Bakit kahit alam mong g*go ako ay tinaggap mo pa rin ako bilang kaibigan.  At higit sa lahat, bakit ka nakipag-break kay Dustin kung bandang huli makikipagbalikan ka rin pala sa kanya!  'Yon ang problema ko! Kung paano ko iintindihin ang lahat ng 'yon!  At ngayong nagkabalikan na kayo ni Dustin, paano na 'ko?!]

Sobrang lakas ng boses ni Philip na halos ikabingi ko.  Maya-maya pa ay narinig ko na siyang humikbi at tumaas ang mga balahibo ko sa mga sumunod niyang sinabi.

[Jen mahal kita eh.  Mahal na kita.  Ang balak ko, liligawan na kita pagbalik ko.  Pero ano pala ang aabutan ko?  Na kayo na pala uli ni Dustin!]

Napasandal na lang ako sa dingding habang ang kamay ko'y nakatakip sa aking bibig.  Kaya pala gano'n ang mga tanong sa akin ni Philip.  Hindi ko sinasadyang gawin ang lahat ng iyon, hindi ko sinasadyang mahalin niya ako.

[Jen, please pumunta ka dito.  I want to see you, please.]

Sabi pa niya habang iyak ng iyak sa kabilang linya.

"I'm sorry Philip, I'm really sorry.  Hindi ko sinasadya."  Sabi ko saka tuluyang tinapos ang tawag.
 
Nagsisimula na kaming mag-dinner ng mag-ring uli ang cellphone ko.  Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Philip na naman ang tumatawag. 

"Sagutin mo muna hija, baka importante." Sabi ni Tito Junnie.

"Mamaya na lang po." Sagot ko at saka pinatay ang aking cellphone.

Pagkatapos kumain ng dinner ay pumunta naman kami sa kanilang entertaiment room para manood ng movie.  Kahit comedy film ang pinapanood namin ay hindi ko pa rin magawang tumawa dahil naiisip ko si Philip.  Tiyak na nagpapakalunod na 'yon sa alak dahil sa sama ng loob.  Sana naman ay makauwi siya ng ligtas sa condo niya.

"Beh, okay ka lang?  Pinagpapawisan ka." Sabi ni Dustin sabay pahid ng pawis sa noo ko.  "Mahina ba 'yong aircon? Gusto mo, laksan ko?"

"Hindi, okay lang naman siya."  Sumandal ako sa balikat ni Dustin at pinagpatuloy na lang ang panonood.

"What?"  Utas bigla ni Tita Erlie kaya nagulat kaming lahat.

"What happened Hon?" Tanong ni Tito Junnie sa asawa.

"Naaksidente daw si Philip." 

Continue Reading

You'll Also Like

15.5M 320K 43
The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additional spice from their naughty cutie daugh...
2.7M 59.9K 37
May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT POP FICTION.
11.7K 186 38
Every summer has a beautiful story. But not every story has a happy ending. (Inspired by true events)
22.5M 355K 85
Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya?