Ikaw na ang Huli (slow minor...

Da mugixcha

125K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... Altro

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XXII

2.1K 109 89
Da mugixcha

Hindi kami umimik ni Goyong pabalik at mukhang parehas kaming lunod sa mga iniisip namin. Nang makarating sa shop, tumila na ang ulan. Wala na rin si Dolly at naruon na lang si Pau na nag-y-yosi sa labas.

"Miho, sira ulo ka! Ba't ka umamin? Alam ko namang hindi mo yun magagawa eh! Medyo kailangan lang kasing intindihin ang ugali ni Dolly. Pagpasensyahan niyo na siya."

Nanahimik lang ako at tinignan ang damit ng Heneral na basang-basa.

"Goyong, ano balak mo?" Ang pag-aalalang tanong ni Pau.

"Marahil ay kausapin na lamang siya ukol sa bagay na ito." Ang seryoso at kalmadong sagot ng Heneral.

"Sorry sa gulong idinulot ko. Gumulo tuloy sa shop tas nagka-LQ pa."

"Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin. Siya'y kakausapin ko at sisiguraduhing aayusin."

"Ako na lang, Heneral. Mas ayos siguro kung ako, dahil ako naman ang may kinalaman duon sa singsing na yun."

"Huy, teka, basang-basa kayo! May damit ba kayong dala?"

Nagtinginan kami ni Goyong.

"Dali! Umuwi na kayo, Diyos ko! Lalamigin kayo niyan!"

---

Nang nakauwi at natapos ng maligo, nanatili kaming tahimik hanggang sa tinabihan niya ako sa kama at nagsimulang magsalita tungkol sa nangyari.

"Alam ko kung ano ang tumatakbo sa iyong isipan-- na marahil ay isa talaga akong masamang nilalang upang gawin iyon. Kung iyong inaakalang ikaw ay pinaglalaruan ko lamang, ika'y nagkakamali."

"Walang magbabago satin kung yuon lang ang inaalala mo, Heneral. Hindi rin ako galit sayo. Wag ka magalala, hindi rin kita isusumbong kay Dolly."

"Ang lagi mong inuuna ay ang ibang tao at--"

"Ang importante ngayon ay yung tungkol kay Dolly. Aayusin ko na muna yun, ayusin mo rin yung sa inyo."

Natahimik ang Heneral na parang nag-isip ng malalim.

---

Lumipas ang ilan araw, naging normal padin ang pakikitungo namin sa isa't isa ng Heneral. Pinilit ko na hindi makaramdam ng awkwardness at mukhang ganuon din ang ginawa niya. Hindi namin iniwasan ang isa't isa kahit sa loob ko, minsan ay kinakabahan ako tuwing nakikita siya. Matapos ang isang linggo, bumalik ulit si Dolly sa coffee shop. Isang linggo din silang hindi nakapag-usap ni Goyong. Sinusubukan daw siyang tawagan ng Heneral pero hindi siya sinasagot. Ngayon na napadalaw siya, ano naman kaya ang gagawin niya? Ipapahuli na ba niya ako sa mga pulis dahil sa pagnanakaw? Sinilip ko sa bintana at mukhang wala naman siyang ibang kasama. Naka-floral dress si Dolly at ang kanyang mahabang buhok ngayon ay naka-ponytail. Dala-dala pa rin niya ang usual air of confidence at classiness sa kanyang paglalakad. Pagpasok niya sa shop, nilapitan niya agad si Pau at bineso-beso ito.

Habang tinatapos kong asikasuhin ang frappe ng isang customer, nilapitan at binulungan ako ni Pau.

"Girl, after mo niyan, pwede ba kayo makapag-usap raw ni Dolly? Si Goyong muna papa-asikasuhin ko diyan."

"Sige." Hindi ko na pala siya kailangang hagilapin pa at mag-first move.

"Binibini, ayos ka lamang ba?" Hinawakan ni Goyong ang braso ko.

"Oo, ayos lang ako, Goyong." Pinilit kong ngumiti at pumunta na ako sa office kung saan raw ako hinihintay ni Dolly.

---

"Take a seat, Miho."

"Pinatawag mo raw ako. Regarding ito sa singsing, di ba?"

"Yes, gusto kitang makausap."

"I'm sorry kung--"

"Pinatawad na kita." Ano raw? So talagang sa isip niya ako talaga ang gumawa. Di na ko humirit, baka lumaki lang lalo ang gulo. Karma nalang kung set-up ang nangyari.

"Let's forget about it. Ang importante naman ay nasa akin na yun." May topak ba si Dolly? Hindi ko ma-gets ano na naman ang meron at ngayon naman ay napakamahinahon niyang sinabi na kalimutan na namin ang nangyari.

"Ayokong mag-suffer ang relationship namin ni Greg, just because of you." Madiin ang pagkakasabi niya ng salitang 'you'. Ah, so yun pala kung bakit siya nakikipagayos!

"Tinatawagan ka ni Greg nung nakaraan, di ka raw sumasagot?"

"Yup. Alam mo na siguro kung bakit, diba? Actually, nagtatampo pa rin talaga ako dahil kinampihan ka niya kesa sakin." Ang awkard marinig ng pinagsasabi ni Dolly.

"But it's okay, kasi nga ikaw raw ang beloved sister niya. I'm sure you know how much Greg loves you as his sister, diba?" In-emphasize niya ang salitang 'sister' na parang may gigil na kasama.

"Ah, oo.." Dumaan sa isip ko bigla ang nangyaring paghalik at naramdaman kong uminit ang pakiramdam ko.

"So, kung pakakasalan niya ako sa future, kailangan okay tayo."

"Pakakasalan?" Nabigla ako sa sinabi niya. Seryoso ba talaga siya kay Heneral? Kung ganuon, tama ang sinabi ni Francis? Sabagay, di na pala ko dapat magulat dahil napagusapan na rin namin ni Goyong ang pag-pa-pamilya.

"Sabi niya sakin naudlot raw ang kasal namin dati, so ayon. Though actually, wala naman talaga akong maalala sa mga pinagsasasabi niya sa past na yan eh!" Natawa siya. Anong nakakatawa? Natatawa ba siya dahil laging dinudugtong sa kanya ni Goyong ang last love niyang si Dolores?

"Pero siyempre, natural lang na isipin ngayon pa lang ang mga bagay-bagay na family-related. Wag kang mag-alala, hindi kita ipakukulong dahil sa nangyari. You should thank Greg."

Tumango nalang ako. Wala akong masabi kahit gusto kong magmura dahil na-feel ko na may wala-akong-pake-duon-sa-past-na-sinasabi-niya-basta-gusto-niya-ako-ok-fine-he's-mine na tono sa pananalita niya.

"And speaking of family-related, I still want you to come sa birthday party ko. Okay?"

"Pagiisipan ko." Ayokong pumunta. Baliw ba siya? So feeling niya, ok lang ako sa nangyari?

"Wag mo ng pag-isipan. You should come. Makikipag-ayos na rin ako kay Greg mamaya, kung yun ang pinag-w-worry mo."

Ano namang meron sa lintik na birthday party na yan at kailangan pa akong isali? Unang una, hindi ako interesado sa mga party at ikalawa, hindi ba sapat ang nangyari sa amin para maka-feel ako ng awkwardness na maki-celebrate pa ng birthday niya?

"And.. don't forget to wear the pretty dress na binigay ko sa iyo. VIP ka sa party na yun, so be sure to come." Ngumiti siya- isang inosenteng ngiti pagkatapos ng pilyang tono ng kanyang pananalita. Kinabahan ako bigla. VIP? Ano na naman ito?

"I'll tell you a secret."

"Ano yun?"

"Sa party na lang. Kaya I want to make sure na makakapunta ka. May surprise ako."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Secret? Tapos sa party pa? Ilang linggo pa ba akong di makakatulog sa pag-iisip kung anong secret na yun? Ikakasal na ba sila ng hindi man lang binabanggit sakin ni Goyong?

"O-okay, sige."

"Good. Thanks, Miho. Pwede mo bang tawagin si Greg? Pakisabi puntahan ako dito." Yung paraan ng pananalita niya ay parang siya ang may ari ng shop at yung oras namin ay parang kami ay mga empleyado niya na anytime ay pwede lang niya tawagin.

"Sige, kung wala ka ng sasabihin babalik na rin ako sa trabaho."

At duon nagtapos ang usapan namin. Lumabas na ako ng office at sinabi kay Pau na kakausapin raw ni Dolly si Heneral.

"Oo sige, nabanggit niya nga sakin. Pasensya ka na ha?"

"Bakit?"

"Meron siya talagang what-Dolly-wants-Dolly-gets attitude kaya kung mapapansin mo, gusto niyang pati ang oras ng iba hawak niya. Sanay na ako e, hinahayaan ko na lang. Di na yan magbabago."

Bumuntong hininga ako at nilapitan si Goyong.

"Tawag ka ng pinakamamahal mo sa opisina. Puntahan mo raw siya, lumuhod ka, mag-alay ng sampaguita at halikan ang kamay ng Diyosa."

"Pilya." At kinurot ako sa pisngi ng Heneral.

---

Nakita ko si Dolly at Goyong na lumabas. Hinalikan ng babae ang lalake sa labi, pero un lalake parang medyo umiwas. Minsan nahahalata padin ang pagiging conservative niya, minsan naman nakikita ko na na-adapt na niya ang ilang modern na galaw. Niyakap siya ni Dolly at tumingin bigla sa loob-- particularly, sa akin. Ano to? Ba't sakin? Pinagsselos ba niya ako? Tinanggal ko ang pagtitig ko sa kanila at tinuloy ang paglilinis ng mesa.

Pagpasok ni Goyong, biniro ko siya.

"So ano, tapos na ang panandaliang away?"

"Marahil."

"Arte mo! Marahil ka pa dyan eh!" At siniko ko siya sa tagiliran niya. Sa likod ng pag-bibiro ko, bigla akong nakaramdam ng sakit sa loob dahil lalo kong naramdaman na hindi seryoso ang halik na yun. Pero dahil ayoko ng mag-umpisa ng panibago nanamang gulo, nagpasya akong itago nalang ang feeling na na-gago ako at magkukunwari na lang na walang nangyari sa maulang hapon na yuon.

"Ngunit alam ko na hindi pa rin ikaw ang kumuha ng singsing na iyon. Siya'y hindi ko paniniwalaan sa kanyang mga kasinungalingan."

---

Isang hapon, hinatid ako ni Francis hanggang sa may gate ng apartment. Mukhang dahil sa mga kinakailangan ihanda sa klase, naging mas tahimik ang relasyon namin. Kumalma na ako at nasanay na kausap siya ng hindi masyadong iniisip ang past namin. Wala naman ngang mangyayari kung affected pa ako sa nakaraan at kung lagi akong inis, baka mas lalo niyang isipin na di pa ako nakakaget-over. Pagdating ng gabi, bigla na namang umulan. Sa ganitong panahon, para itong hudyat na tumugtog ako. Habang si Goyong ay nasa tapat ng bintana at nakatingin sa kawalan, kinuha ko ang gitara at naupo sa kama. Sa mga maulan na mga gabi, napaka-sarap tumugtog habang pinakikinggan ang subtle sound ng pagbuhos ng ulan habang namamangha sa kaluwalhatian ng taong nasa harapan mo (kasabay ang kirot sa puso na naruon dahil hindi mo siya maintindihan sa ngayon). Pinikit ko ang mga mata ko at nag-alay ng kanta para sa kanya at sa sariling bayan. Sa school dati, araw-araw namin itong kinakanta pag flag ceremony. Nahalata ko nuon na pilit lang at walang damdamin ang lumabas sa mga himig ng mga kabataang kasama ko. Kung may digmaan kaya ngayon at bigla itong ipinakanta, mag-aalab kaya ang kanilang pagbigkas ng bawat salita mula sa kantang ito?

Ang bayan kong Pilipinas

Lupain ng ginto't bulaklak

Pag-ibig na sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko, binihag ka

Nasadlak sa dusa

Dumilat ako nuong naramdamang tumabi siya at nakita ko ang kulay-kapeng mga mata ay nakatitig sa akin. Natigil ako saglit pero itinuloy ko rin matapos huminga ng malalim.

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal-dilag

Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha at dalita

Aking adhika

Makita kang sakdal laya

Ang Spanish version nito ay orihinal na isinulat ni Heneral Jose Alejandrino at na-translate (ngunit mayroon pa ding pagkakaiba sa orihinal) sa ngayong pamilyar na version na alam ng halos lahat ng mga Pilipino.

"Paano nga kaya kung hindi natuluyang sakupin ng mga dayuhan ang Pilipinas?" Mukhang napa-isip si Heneral matapos akong pakinggan.

Na-imagine ko na nakabahag lahat ng tao sa Pilipinas at nasa bundok, nangangaso-- pero hindi ako nagsalita. Nahiga siya sa kama at ipinikit ang mga mata niya.

"Sa Bulacan ba, ika'y nakapunta na?"

"Isang beses lang pero matagal na. Hindi ko na maalala yung lugar pero pwede kita tulungan. Kelan ba kayo pupunta ni Dolly?" Madali lang siguro i-plot ang destination. Mukhang alam ko na kung saan dun na dapat silang magpunta.

"Maaari mo ba akong samahan?"

"Anlaki niyo na ni Dolly, kaya niyo na mga sarili niyo!"

"Kung ika'y papayag ay nais ko sanang ikaw lamang ang sumama sa akin. Huwag mo sanang masamain. Si Dolores ay may pagkamaselan, pakiramdam ko ay mas mainam kung ikaw ang aking isasama."

"Hmm.." Napaisip ako. Ayoko naman umayaw sa pag-yaya niya sa akin, baka isipin niyang iniiwasan ko siya.

"Basta pag naligaw tayo wag mo ko sisihin."

"Kahit man tayo'y maligaw, hindi iindahin ang problema na iyon sapagkat ikaw naman ay nariyan sa aking tabi."

"Tigilan mo ko! Kayo nalang pumunta! " Bawat banat niya ay parang lyrics sa isang cheesy na Tagalog song na makaluma. Hindi ko na magawang seryosohin ang sinasabi niya.

Tinawanan niya ko at naupo. Hinawakan niya ang buhok ko ng dahan-dahan na parang kung paano ginagawa  ng mga nanay ang pag-aayos ng buhok sa kanilang mga anak. Kinilabutan ako at naalala ko na naman ang halik niya.

"Heneral, gusto mo bang mabasa ang mga nasusulat tungkol sayo? Halimbawa, kung ano nangyari sayo pagkatapos mong mamatay.. ganun."

"Kung ikaw ba, nais mo bang malaman ang kinahinatnan ng patay mong katawan?"

"Baka hindi. Matatakot ata akong malaman."

"Kahit na sa loob ko ay nais kong malaman, ako'y nag-desisyon na huwag munang alamin pa ang nangyari at ang mga nasusulat ukol sa akin."

"Sa bagay.."

May point din na huwag niyang alamin kung ano ang mga nakalagay tungkol sa kanya. Iniisip ko na lang na halimbawa, parang artista si Goyong. Sa social media, merong nagmamahal sa kanyang mga fans at may mga haters din. Naka-highlight din ang mga maganda niyang nagawa pero hindi maikakaila na meron pa rin ibang mga kumkwestyon kung deserving ba talaga siya na ituring na bayani o hindi. Iniiwasan kaya ni Goyong na makita ang iba't ibang opinyon sa kanya ng mga tao? Kung ako siya, baka ma-tempt akong silipin ang mga tungkol sa akin, kahit papaano. Medyo creepy lang alamin kung ano ang nangyari sa bangkay mo pagkatapos mong mamatay lalo na sa case ni Goyong, na naiwan raw na almost naked. Matapos ang ilang araw ng kanyang pagkamatay, duon lang raw siya nailibing. Parang ayoko sabihin sa kanya na ganun nga ang kinahinatnan ng katawan niya pagkatapos niyang mabaril sa leeg dahil sa pagiging careless. Maraming versions ng kanyang pagkamatay ang nabasa ko dati habang nag-r-research ako para sa Philippine History class-- at hindi ko pa rin alam alin duon ang totoo. Kahit ano pa man ang sanhi o kung paano siya namatay- nakasakay man sa kabayo o pinagmasdan ang cogon grass, para sakin worthy pa rin siya para tawagin na bayani sa gitna ng lahat na nabasa kong negatibo tungkol sa kanya. Sipsip raw siya kay Aguinaldo, berdugo man siya o isa siyang dakilang heart-breaker at paasa, ang respeto ko ay mananatili-- kahit pa sa ngayon na ang gusto ko lang talagang gawin ay alugin ang balikat niya at humingi ng maayos na paliwanag patungkol sa magulo niyang inaasal.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

49.7K 1.1K 32
Highest Rank: #19 in Historical Fiction (04/09/18) #1 in Kasaysayan #7 in History #1 in History(08/12/19) #5 philippines (10/16/21) Paano kung ang is...
165K 7.6K 36
•Highest Ranks• #13 Historical Fiction #1 Rizal #1 Ibarra #1 StarCrossed #4 History #1 NoliMeTangere #1 PhilippineHistory #1...
221K 5.6K 44
HIGHEST RANKING: #1 IN HISTORICAL FICTION Paano kung ang ating pambansang bayani sa nakaraan ay ma-inlove sa isang artista sa hinaharap?
85K 3.5K 33
An accident that will bring her back to her past life. Credits to Bb Mariya for the cover ✨ Started: May 12, 2020 Ended: November 28, 2020 Highest Ra...