Prince of Speed (Published un...

By Whroxie

8M 141K 9.4K

Si Aiken Jimenez ay kilala bilang mahusay na race car driver. He known as "Prince of Speed", but he opted... More

Synopsis
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Chapter 4
Restricted
CHAPTER 5
Chapter 6
CHAPTER 7
My Bastard Ex
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
CHAPTER 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
Book Released

Chapter 20

183K 4K 328
By Whroxie

PINAUWI na muna ni Preyh si Aiken dahil gusto niyang magkasarilinan sila ng sariling anak. Iyak ito nang iyak at ayaw lumabas ng kwarto. Ginamit na lang niya ang susi para buksan ang silid. Marahan siyang pumasok at nakita nga niya ang bata na umiiyak habang yakap ang isang medium size pink teddy bear.

Umupo si Preyh sa gilid ng kama at akmang hahawakan si Izzy pero mabilis itong umiwas.

"Izzy, please, let me explain," nagsusumamo ang boses niya. Ayaw niya talagang magagalit ang anak niya sa kanya.

"You're liar, mommy! You're always lying to me!" Sumbat nito habang umiiyak at sinubsob ang mukha sa stuffed toy na hawak. Tumayo si Preyh at umikot papunta sa kabilang gilid ng kama. Umupo siya at pilit na itinaas ang mukha ni Izzy.

"Baby, listen to me. Ang daddy mo hindi na siya babalik. Please baby, give Tito Aiken a cha—" Hindi na niya natapos ang sasabihin ng tabigin ni Izzy ang kamay niya at sumigaw.

"No! No! I want my daddy! He will not come back anymore kasi pinagpalit mo na siya!" Sigaw nito na halos magwala talaga. Izzy looks betrayed. Ngayon lang niya ito nakitang nagkaganito. Nungka itong sumigaw at magwala, kung umiyak man ito ay nakikinig ito sa paliwanag niya.

"Baby please!" Muli lang tinabig ni Izzy ang kamay niya hindi pa man niya ito nahahawakan.

"Just leave me alone mommy! You don't love me! I hate you mommy! You lied to me! I hate you!" Napahawak si Preyh sa kanyang bibig at hindi na napigilan ang maiyak.

Galit ang sarili niyang anak sa kanya at masama ang tingin nito sa kanya. Ang sakit na marinig ang gan'ong mga salita mula sa sariling anak niya. Parang itinarak sa puso niya ang isang napakatulis at napakatalim na punyal.

Ito ang araw-araw niyang ipinagdarasal na 'wag sanang mangyari. Ang dumating ang panahon na magalit ang anak niya sa kanya. Kaya lahat ng bagay ay ibinibigay niya dito at ang buo niyang atensyon sa tuwing magkakasama sila para kahit paano ay mapunan niya ang kanyang pagkukulang.

Alam niyang hindi niya mapupunan ang mga pagkukulang at mga panahon na dapat sana ay magkasama sila. Ang laki ng kasalanan niya sa anak niya at tama lang na tawagin siyang masamang ina.

"Izzy, please!" Napahagulgol na rin siya nang tuluyan. Pero bigla siyang niyakap ni Izzy at agad niya itong niyakap nang mahigpit at halos sabay silang nag-iyakan.

"Mommy... please... where's.. my.. daddy? 'Wag mo siyang ipagpalit... please!"

Putol-putol nitong pakiusap dahil sa sobrang pag-iyak. Inilayo niya ito at ikinulong ang munting mukhang basa ng sariling luha.

"Hindi mo ba gusto si Tito Aiken? He's a good man, baby."

"I.. know.. He's very kind. I was happy when I thougth that he was my daddy, but mommy, he isn't! I want my real daddy!" Muli itong yumakap sa kanya.

"I'll be a good girl, mommy! I'll do everything whatever you want. Just promise me na hindi mo ipagpapalit si daddy. Ayaw ko ng broken family like Ashlee has. She's not happy, mas mahal ng stepfather niya ang iba niyang kapatid. At hindi na siya importante sa mommy niya." Patuloy ito sa pag-iyak.

Mahigpit niya itong niyakap at hinaplos ang likod. Hindi niya akalain na aware na ang anak niya sa broken family. Hinalikan niya ang ulo nito. Gusto niyang ipadama dito ang pagmamahal niya. Na ito ang pinaka-importante sa kanya. Napalingon siya sa tawag ng kanyang pinsan. Pinakita nito ang kanyang cellphone.

"Ang daddy mo." Bahagya niyang inilayo ang anak niya.

"Tama nang iyak. Mahal na mahal ka ni mommy at hinding-hindi ka ni mommy ipagpapalit na sa kahit na kanino. 'Yan ang tatandaan mo ah?"

"Promise that?" Tumango si Preyh at kinintalan ng halik ang bata sa noo bago tumayo. Kinuha niya ang cellphone kay Hanilyn at agad na sinagot ang tawag.

"Where are you, Precious?" bungad ng kanyang ama.

"Nasa condo lang dad, Saturday ngayon, hindi mo naman siguro ako kailangan ngayon," she said with full of sarcasm.

"Naninigurado lang ako na hindi ka nagtungo ng Hong Kong. Sino 'yang umiiyak?" nilingon niya ang anak na patuloy pa rin sa paghikbi.

"My friend's daughter," matabang niyang sagot.

Pinaalalahan na siya ng kanyang daddy na 'wag aalis ngayon. Alam nitong kaarawan ng kanyang anak pero kailangan daw siya bukas sa pagtitipong gaganapin para sa ika-walongpung kaarawan ni Senior Maximo. Saka na lang daw niya puntahan ang kanyang anak pagkatapos ng pagtitipon. Hindi na siya nakipagtalo pa dahil nandito naman si Izzy. Ang kanyang ina naman ay gustuhin man dumalo sa kaarawan ng kanyang anak ay hindi ito pinapayagan ng kanyang daddy noon pa man dahil kaarawan din ng kanyang lolo kinabukasan.

Simula nang ipanganak niya si Izzy ay madalang na siyang um-attend sa pagtitipong ginaganap para sa kaarawan ng kanyang abuelo. Kapag kinakailangan talaga niyang um-attend ang ginagawa na lang niya ay pagkatapos ng party ni Izzy ay agad siyang lilipad pauwi ng Pilipinas para lang makadalo sa kaarawan ng abuelo niya. Ang nakakainis ay dahil lang naman 'yon sa family picture kaya kailangan ang presensiya niya. At sigurado siyang 'yon lang ang dahilan ng kanyang lolo ngayon. Akala mo kung anong importante

"I need you tomorrow. It's your grandfather's birthday. He has an announcement to make and you have to be there, kabilinbilinan 'yan ng lolo mo na kailangan nandoon ka. Understand , Precious?"

"Okay," tipid at halos pabulong niyang sagot. 80th birthday ng kanyang lolo.

Pagkatapos makipag-usap sa ama ay binalingan niya uli ang anak. Naaawa talaga siya dito. An innocent kid shouldn't have to carry the burdens. Pero bakit ang anak niya parang pasan na nito ang kalungkutan at problemang siya mismo ang may gawa. Inilahad niya ang kanyang mga kamay para sa anak. Agad naman itong tumayo at lumapit sa kanya.

Mahigpit niya itong niyakap. "I'm sorry," she whispered.

NAKAMASID si Preyh sa mga taong pumapasok sa nakabukas na malaking gate ng mansiyon ng kanyang lolo. Sa lolo naman talaga niya ang bahay na 'to, pero dito na talaga sila nakatira mula pa man noon. Siya naman ay pinayagan ng kanyang amang bumukod noong twenty-three years old na siya.

Buo na ang kanyang desisyon, ipapaalam na niya sa kanyang ama na ipapakilala na niya si Izzy bilang kanyang anak sa lahat. Tinignan niya ang kanyang sarili sa rear view mirror bago umibis ng sasakyan.

She covered her shapely curves with a simple yet elegant mini-dress that hugged to her figure neatly, revealing her slender legs. Adding some height to her frame, she donned a pair of red high heels. Nakataas ang kanyang mahabang buhok, isang manipis na white gold necklace at isang pulang purse ang kanyang aksesorya.

Tinungo niya ang gate kung saan may dalawang usherettes na nag-a-assist ng mga guests na pumapasok.

"Ate!" Nakita niya agad si Alaissa at bagamat patakbong lumapit sa kanya ay poise pa rin.

"My God! Kanina ka pa hinihintay ni lolo, kanina pa nagsisimula ang party!" May pagkaaligagang wika ng kanyang kapatid.

"Wow! Talaga? Kailan pa ako naging importante sa kaarawan niya? Made-deado na ba si lolo at gusto nang makipag-bonding sa 'kin? Sakto pala ang suot ko e." Aniya habang naglalakad sila patungo sa hardin kung saan ginaganap ang party.

"Ate talaga!" Syempre nagbibiro lang siya, kahit naman saksakan ng sungit ang lolo niya ay hindi naman niya gustong may masamang mangyari dito. Saka isa pa, may kasabihan ngang 'Ang masamang damo, matagal mamatay.'

"E ikaw, bakit ganyan ang suot mo? Ikaw ba ang may kaarawan at pulang-pula ka," puna niya sa kapatid dahil isang red cocktail dress ang suot nito. Mabining tumawa lang ang kapatid niya.

"Nag-speech na ba si lolo?" she asked?

"Not yet," Alaissa answered.

"Nag-pa-late na nga ako para hindi ko na abutan ang mala prayer meeting na speech ni Senior Maximo eh, aabutan ko pa rin pala." Muli lang natawa si Alaissa sa tinuran niya.

Nang marating nila ang hardin ay agad silang nagtungo sa mesa kung saan nakaupo ang pamilya Roux/Hernandez at pamilya niya.

"Happy birthday, lolo," ubod ng galang niyang bati kay Senior Maximo.

"You look so innocent and polite, ate," Alaissa said in a whisper and chuckled inwardly.

"Bagay ba?" bulong niya naman sa kapatid.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ng lolo niya.

"Sorry po lolo, traffic po," sagot niya saka umupo.

Kalating oras ang lumipas ay ito siya ngayon sa isang stone-bench nakaupo at umiinom mag-isa ng wine. Nakikinig sa speech ng kanyang lolo. Ayaw na ayaw niya talaga sa mga ganitong pagtitipon ng pamilya, nakakaantok at nakakabagot. Wala naman siyang ka-close dito, maliban sa mga kapatid niya. Most of their relatives were hypocrites.

"Hey, precious." Hindi na niya pinagkaabalahang sulyapan ang bumati na 'yon sa kanya. Kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon— si Carina.

"Did you like the photograph that I sent you?"

"Umalis-alis ka dito Carina, baka hindi ako makapagpigil at gutay-gutayin kita d'yan!" She shoot her a dagger stare. Inirapan lang siya nito saka siya iniwan.

Takot lang nito sa kanya dahil kapag sinabi niya ay talagang tututuhanin niya. Hindi niya ito nakompronta tungkol doon sa larawan nila ni Aiken. Ngayon lang din kasi niya ito nakita, inaamin naman niyang talagang nagselos siya ng mga panahon na 'yon. Parang gusto na nga niyang sumugod sa bar noon pero syempre nanaig pa rin ang pride niya.

"Hi," she looked up at the person who spoke.

"Hendrix. Hi," bati niya sa binata. Umupo ito sa tabi niya.

"Bakit nandito ka?"

"Masyado kasing expose ang beauty ko doon," aniya at nginuso ang bahagi ng hardin kung nasaan ang mga bisita. Natawa nang mahina si Hendrix sa biro niyang 'yon.

Tahimik ang dalawa habang nakatingin kay Senior Maximo na hindi pa rin tapos sa speech, pero wala naman ang utak niya sa sinasabi ng matanda. Kanina pa niya iniisip kong paano niya sisimulang kausapin kanyang ama tungkol kay Izzy. Pero kailangan na talagang niyang gawin iyon. Hindi na niya patatapusin ang gabing ito na hindi niya nasasabi sa kanyang ama ang kanyang balak.

"Sorry," she heard Hendrix mumbled that made her head snapped towards him. She was about to ask him but Senior Maximo's announcement stopped her.

"This event is not just about me. It gives me the greatest pleasure tonight to announce the engagement of my granddaughter, Precious to Hendrix Roux Hernandez."

Gulong-gulong tumingin si Preyh kay Hendrix. Is this the reason why Hendrix apologized to her?

"Pumayag ka!?" she asked in furious. Hindi nakapagsalita si Hendrix na tila ba naguguluhan din.

Hindi makapaniwala si Preyh sa narinig mula sa kanyang lolo. Ito ba ang sinasabi ng daddy niya na announcement na gagawin ni Senior Maximo. Bakit ga'on na lang kadaling magdesisyon ng mga ito para sa kanya? They made a decision without informing her. It couldn't be! Kilala niya ang lolo niya na kapag nakapagdesisiyon na ay wala nang makakabali pa. Pero hinding-hindi siya papayag dahil buhay at kaligayahan niya na ang nakasalaylay dito. Kailangan niyang gumawa ng paraan at isa lang naiisip niya ngayon. Si Hendrix mismo ang tatanggi sa kasalan na ito kung malalaman nito ang nangyari sa kanya. Hindi naman siguro ito papayag makasal sa isang babaeng rape victim at may anak pa. Inilapag niya ang kompitang hawak niya sa kanyang kinauupuan at hinarap si Hendrix.

"You can't marry me, Hendrix. Hindi mo gugustuhin makasal sa isang katulad ko. Kung ano man ang naging kasunduan niyo ng lolo ko, better to back-out!"

"Precious—"

"Hindi ako malinis na babae. I..." she paused and swallowed the lumps in her throat, taking a very deep breath.

"I was a rape victim. I am a single mother," pilit niyang tinatagan ang boses niya. Mababalana ang gulat sa mukha ni Hendrix sa huli niyang sinabi.

"M-may anak ka?" his voice was barely whisper.

She lightly nodded, "yeah," she then answered.

"Nagbunga ang ginawang kahayupan ng mga demonyong 'yon." Muli ay parang umalsa ang galit niya. Ayaw na ayaw na talaga niyang binabalikan ang kanyang madilim na nakaraan.

"A..asan ang bata?" katulad niya ay mababakas ang panginig ng boses ni Hendrix.

"Tinago ko siya sa mahabang panahon sa kagustuhan ni dad. Tiniis kong malayo sa kanya, at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya maipakilala sa lahat. Alam mo ba kung gaano kasakit na araw-araw ko siyang tinatawagan at tatanungin niya ako kung kailan ulit kami magkikita. Sa tuwing tatanungin niya ako kung kailan niya makikita ang kanyang ama. Awang-awa ako sa anak ko sa tuwing umiiyak siya at sasabihin sa aking bi-nu-bully siya dahil wala siyang tatay. She really wanted his father, pero paano ko sasabihing wala siyang ama. 'Yon ang dumudurog sa puso ko."

Bigla na lang niyang ipinahayag dito ang kinikimkim niyang bigat. Nilingon niya si Hendrix na matamang nakatitig sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang expression ng mukha nito.

"Sa oras na makasal ako sa 'yo, Hendrix.. Lalo lang siyang ipapatago sa 'kin ni dad. Dahil sigurado akong hindi gugustuhin ni daddy na malaman ng pamilya mo ang tungkol sa kanya. Maawa ka naman, ikaw na ang tumanggi sa kasal na 'to. Para sa anak ko." Hinawakan niya si Hendrix sa braso. Nakatulala lang ang binata na tili ba shock na shock sa rebelasiyon niya.

"I'm sorry, I'm so sorry! Hindi ko sinasadya, Precious, hindi ko sinasadya!" Napahilamos ito sa sariling mukha at biglang tumayo.

"Ugh! Dammit! God knows hindi ko sinasadya! Dammit!" Naguguluhan naman si Preyh sa naging reaksiyon nito. Para bang apektadong apektado ito sa ipinagtapat niya. Tumayo siya at muli itong humarap sa kanya. Regret is visible in his face. Pero bakit?

"Hindi ko sinasadyang sirain at maghirap ang buhay mo Precious! Maniwala ka hindi ko sinasadya. I was drunk and... I'm sorry!"

Natutop ni Preyh kanyang bibig ng kanyang palad. Sa tono at pangungusap pa lang nito ay parang alam na niya ang ibig sabihin nito. Ito ba ang lalaking 'yon? Their first encountered flashed on her all of sudden. She could still remember the sudden shock on his face, his ashen face na akala mo ay nakakita ng kagilagilas na bagay.

"Oh no! Ikaw?!"

"Patawarin mo ako!"

"Ikaw 'yon," parang hanging lumabas mula sa bibig niya ang mga salita. Her eyes landed on his right arm. Napakuyom siya ng palad nang maalala ang lalaking may hugis crescent na pilat sa braso at posibleng ang lalaking nasa harapan niya ngayon ang nagtataglay n'on.

Umiling-iling si Preyh at mas nanaisin niyang hindi ito ang lalaking iyon dahil hindi na niya nanaisin pang makatagpo pa ang hayop na 'yon. Pero nais niya makumpirma.

"Take off your suit," he commanded in her low and firm voice. Her eyes glued on his right arm. Hindi pa niya nakita man lang na naka-t-shirt ang binata dahil madalas ay office suit ang suot nito lagi.

"I. Said. Take off your suit!" Her jaw clenched, her voice was shaking with anger. Hindi kumilos si Hendrix.

"Sabi ko tanggalin mo ang suit mo!"

Pinilit niyang hubaran ito. Bakas ang pagkalito sa mukha ni Hendrix pero nagpatianod na lang ito Nang maalis niya ang amerikana nito at isalya sa kung saan ay pinilit naman niyang itinaas ang manggas ng puting polo nito. Halos mapaawang ang bibig niya nang makita ang bagay na halos ilang taong nakikita niya nang paulit-ulit sa panaginip niya — cresent scar. She took a step back and tears are rolling down her cheeks.

"Ikaw. Ikaw 'yon!" Napaatras si Preyh. Parang naninikip ang kanyang dibdib. Hendrix took a step but she held up her hands to stop him.

"Preyh, I'm sorry." Doon na sumabog ang kanyang kinikimkim na halo-halong emosyon. Napahagulgol siya nang tuluyan. Agad siyang nilapitan ni Hendrix pero itinulak niya 'to.

"Sinira mo ang buhay ko! Alam mo ba 'yon!" Umalsa na ang boses niya.

"Preyh, I'm so sorry. Hindi ko sinasadya—" natigalgal ito nang tapusin niya ang pangungusap nito ng isang malakas na sampal.

"Hindi mo sinasadya! Binaboy niyo ako! Ikaw at ang mga kaibigan mo!" Malakas niyang sigaw. Hindi na niya ininda pa kung marinig siya ng maraming tao.

"Preyh, hindi, hindi.. Ako lang, ako lang, ako lang 'yon. I'm sorry!" Punong-puno ng pagsisisi ang tinig ni Hendrix. Pinahid niya ang mga luhang patuloy sa pag-agos at buong tapang na tinitigan si Hendrix.

"Pagbabayaran mo 'to! Ang hayop mo! Hindi lang buhay ko ang sinira mo!" Buong lakas niyang sigaw. Nagpupuyos sa galit ang kalooban niya na parang walang kahit na ano mang bagay na makakapagpahupa n'on.

"Anong nangyayari dito?" narinig niyang tanong ng kanyang ama, at kasunod ang lahat na takang-taka sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa ni Hendrix.

Walang paalam na umalis si Preyh. Ni Hindi na niya pinansin pa ang tawag ng kanyang ina at mga kapatid. Lumabas siya at nagtungo sa kanyang sasakyan at agad na lumulan. Binuhay niya ang makina at agad na pinaharurot na halos paliparin niya ang sasakyan.

Gulong-gulo ang utak niya. Si Hendrix ang hayop na iyon. Ang nagbigay ng inuming may drugs. Ang gumahasa sa kanya. "Preyh, hindi, hindi.. Ako lang, ako lang, ako lang 'yon. I'm sorry!" Iyon ang umuukilkil sa utak niya. Si Hendrix ang humalay sa kanya. Ito ang ama ng anak niya. Parang hindi niya mapaniwalaan ang mga natuklasan.

Continue Reading

You'll Also Like

490K 10.2K 82
FORGIVE AND FORGET! ang daling sabihin lalo na kung hindi ikaw yong nasaktan. Ngunit paano nga ba magpatawad at makalimot sa sakit na gawa ng taong p...
6.4M 147K 38
To Mayor Wilson Eliseo dela Fuente, it wasn't a huge surprise that it was his turn to get dragged to the sacrificial altar for the sake of his family...
244K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
1M 19.4K 13
Teaser: What will you do if the person you love the most hurt you? What will you do if the person you loathe the most came back? What will you do if...