CHAPTER 3

353K 6.4K 318
                                    


Alaissa and Clarisse.. Andito na kayo...

__________________________

PINAGMAMASDAN ni Aiken, ang himbing na himbing na si Preyh. Tanging isang comforter lang ang takip ng hubad nilang katawan. With his fingers he tenderly caressed her angelic face. Ang mga malalantik nitong mga pilikmata na siyang nagpapapungay sa may kalakihan nitong mga mata na tinataglay ng isang manika. Ang maninipis nitong labi na natural ang pagiging mapula na talagang nakakaakit hagkan. Ang matangos nitong ilong na perpekto ang pagkakalilok. Hindi niya akalain na hahabol-habulin niya ang babaeng ito.

They know each other for a long time, 4 years to be exact. Unang pagkikita nila ay sa isang ospital nang dalhin niya ang matalik na kaibigan na si Andra nang paanakin niya ito sa tabi ng daan noon. Hindi siya doctor at lalong hindi hilot. Isang maulang araw iyon at nadaanan niya ang isang babaeng buntis na namimilipit sa sakit at mukhang manganganak na. At ayon nga, nanganak iyon mismo sa tabi ng daan at siya mismo ang nagpaanak.

Mula noon ay naging kaibigan niya na si Andra. Maaari siyang umalis at iwan ito pagkatapos dalhin ng ospital, pero natagpuan na lang niya ang sarili niyang nagpabalik-balik para dalawin ang mag-ina. Lalo na nang malaman niyang wala pala itong asawa at itinakwil ng magulang. Pakiramdam niya kailangan siya nito at ng anak nito. Papa Aiken ang tawag sa kanya ng bata dahil nang unang magsalita ito ay sinambit nito ang salitang papa habang kinakawkaw siya.

Iyon ang unang pagkikita nila ni Preyh. He could admit na napa-second look siya ng babaeng 'to noon. She was very attractive and she looked innocent. His gaze fixed on her for a moment until she had spoken. And Jesus! That was his first time had encountered a girl with pottymouth. Lagpas pa yata sa pottymouth ang tamang description sa bunganga nito.

Her mouth is abundant of curses and hilarious words that he couldn't imagine that he heard those from a woman with an angelic face.

"God, Andra! Ano ba naman ang pinag-gagawa mo sa buhay mo? Anak ka ng ina mo! Ang katangahan hindi kina-career. Alam mo nang galit ang putang-ina tatay mo, pupunta-punta ka pa!"

Iyan ang unang mga salitang narinig niya sa babaeng ito at sinundan pa ng mga kung ano-ano at nauwi sa mga kahalayang salita nang dumating naman ang isa pang kaibigan nitong si Reghie. He was immediately turned off.

Napangiti na lang si Aiken nang maalala niya ang unang pagkikita nila nito. Marahang kumilos si Preyh at dinilat nang bahagya ang mata.

"What time is it na?" tanong nito sa inaantok na diwa. Kinuha ni Aiken ang alarm clock sa stand table sa tabi ng kama at pinakita kay Preyh.

"Six am," muli itong pumikit at tinalikuran siya.

"Gisingin mo ako ng eight ha. Kailangan kong makauwi before lunch time." Ibiinalik niya ang alarm clock at siniksik ang sarili sa dalaga. Niyakap niya ito habang ang mukha ay inilibing sa batok nito.

"Bakit pala gising ka na agad? Nanghihipo o nangboboso ka na naman?" tanong ng dalaga.

A little chuckle came out of his mouth at lalo niyang siniksik ang sarili dito. Pasaway din ang babaeng 'to may masabi lang, higit na nga sa hipo at boso ang ginawa niya dito. Hinigpitan niya ang yakap at sinapo niya ang kabilang dibdib nito saka marahang pinisil. Bahagya ring natawa si Preyh sa ginawa niya.

Prince of Speed (Published under Red Room)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz