When Mr. Gorgeous is Jealous

By winry_elrick

5.9M 101K 4.8K

When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved More

All Rights Reserved
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 41

58.8K 1.5K 9
By winry_elrick

Jennifer

Pagkagaling sa puntod ng yumaong Lola ni bestfriend ay dumaan kami sa beach dahil na rin sa request ni Ashely.

Tumambay lang kaming tatlo sa may tabing dagat habang nagkukuwentuhan at dinadama ang malamig na hangin sa paligid. 

Tanghaling tapat pero makulimlim ang langit.  Walang gaanong tao rito ngayon at kapansin-pansin rin ang medyo malakas na alon ng dagat. 

"Jen, nakaka-miss dito 'no?  No'ng mga bata pa tayo ay madalas tayong mag-swimming dito kapag summer.  'Tapos naghahabulan pa tayo ng naka-hubo't hubad."  Kuwento ng aking bestfriend na ikinatawa namin ni Ashley.

"Kami naman ni bes ay doon sa resort nila sa Subic madalas magbakasyon kapag summer. Naghahabulan din kami doon ng naka-hubo't hubad."  Si Ashley naman ang nag-kuwento at natawa naman kami sa kaniya ni bestfriend.  "Ano kaya kung bukas na tayo umuwi, tutal Sabado naman bukas eh."

"Pero hindi ako puwedeng mag-stay dahil bukas na ang balik ni Dustin."  Pagtanggi ko.  Maganda nga sana kung mag-stay muna kami dito at bukas na umuwi pero mas gusto kong nasa Manila ako pagbalik ni Dustin para kung maisipan niya akong puntahan sa bahay ay maabutan niya 'ko roon.

"Uy, miss na niya si Beh."  Panunukso ni Ashley habang todo ngiti.

"Okay lang 'yon Jen, puwede naman kayo mag-usap sa Linggo o sa ibang araw eh." Sabi naman ng bestfriend ko.  At dahil sa pangungulit nilang dalawa ay wala na akong nagawa.  Maya-maya ay tumayo siya.  "Diyan lang kayo at bibili lang ako ng drinks."

"Sama 'ko Babe."  Ani Ashley sabay tayo na rin.  "Jen, dito ka lang muna ah, babalik kami agad."

"O sige, bilisan niyo ah."  Sabi ko at ilang saglit pa ay iniwan na nila akong mag-isa rito habang nakatayo sa buhanginan at nakamasid sa dagat. 

Nakita ko ang isang babaeng tila nahihirapang lumangoy, agad naman siyang nilapitan no'ng kasama niyang lalaki saka siya inakay palayo sa tubig.

Habang pinagmamasdan ko ang lalaki na dinadaluhan ang pinulikat niyang kasama ay bigla kong naalala ang mga panahong na-stranded kami ni Dustin sa isang Isla sa Palawan.  Pinulikat din ang paa ko no'n at agad din itong lumapit sa'kin upang sumaklolo.

Dahil sa mga alaalang iyon ay hindi ko na naman mapigilang mangulila kay Dustin.  Gusto ko na talaga siyang makita, makausap at mayakap.  Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang mga brasong biglang pumulupot sa aking baywang.  Naamoy ko agad ang pamilyar niyang pabango na kahit hindi ko siya kaharap ay malalaman ko kung sino siya.

"Did you miss me?"  Sambit niya sa mahinahong tono.  Habang ako nama'y natahimik at hindi nakapagsalita.  Pinakiramdaman kong maigi kung totoo bang nandito na siya ngayon at nakayakap sa'kin o baka isa lang itong panaginip.

"Akala ko bukas ka pa?"  Tanong ko.  Ang buong akala ko kasi ay bukas pa ang balik niya. 

"Miss na kasi kita kaya inagahan ko ang pag-uwi."  Tugon niya saka hinigpitan ang pagyakap sa akin. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko.  Did you miss me?"

"Hindi."  Sartastic kong sinabi.

"Gano'n?"  Halata namang dismayado siya sa narinig at pagkatapos ay hinarap niya ako.  "Uulitin ko ang tanong, na-miss mo ba 'ko?"

"Hindi."  Sabi ng bibig ko na kabaligtaran sa sinasabi ng aking puso at isipan. 

"Hindi ka talaga marunong magsinungaling alam mo ba 'yon.  Miss mo naman ako eh, ayaw pa aminin."

"Ang kulit mo rin 'no, sabing hindi kita na‐miss eh."

"Sinungaling."  Aniya sabay hawak sa dalawa kong pisngin.  "Look at me, and now tell me na hindi mo ako na-miss.  Ako kasi miss na miss kita eh."

"Sorry pero, hindi talaga kita na-miss."  Ewan ko ba, parang trip ko siyang asarin ngayon.

"Sige magsinungaling ka pa, kundi hahalikan kita."  Banat pa niya at mukhang hindi siya nagbibiro.  "Isa pang tanong, na-miss mo ba 'ko?"

Natahimik na naman ako hanggang sa sinagot ko rin ang tanong ng buong katotohanan.  "Okay fine, oo na!  Na-miss na kita. Hindi lang miss kundi miss na miss kita!" 

Pagkatapos kong magsalita ay bigla akong hinalikan ni Dustin sa lips pero agad ko rin siyang itinulak palayo.

"Ang daya mo, nagsabi na nga ako ng totoo,  bakit hinalikan mo—"  At dito ko na-realize na naisahan ako.

"Eh 'di umamin ka rin."  Aniya sabay pakawala ng ngiting tagumpay.  Nakahalik na, napaamin pa niya ako na na-miss ko siya.  At dahil nandito na rin lang siya ay agad na rin siyang nagpaliwanag ng tungkol kay Kara.

"I'm really sorry, no'ng mga panahong 'yon ay nagkaroon din talaga ako ng kagustuhan na tulungan si Kara na makabangon mula sa pagkabigo para hindi na niya maisipan ang magpakamatay.  All I want is to help her, pero hindi ko akalain na mapapasama tayo nang dahil sa pagtulong ko sa kaniya." Serysoso niyang pagpapaliwanag sabay hawak sa dalawa kong kamay.  "Gayunman, alam kong mali pa rin ang ginawa kong pakikipagrelasyon kay Kara kahit na para lang tulungan siya.  Promise, I won't do it again."

"Tama ka, mali talaga ang ginawa mo.  Whatever your reason is, hindi no'n mababago ang katotohanang niloko mo ako kaya galit pa rin ako sa'yo."

"Gano'n ba, so ibig sabihin nito ay hindi mo talaga ako kayang patawarin?"

"Hindi."  Pagkasabi ko no'n ay bigla siyang naglakad papunta sa dagat.

"Kapag hindi mo ako pinatawad, magpapakalunod na lang ako!"  Sigaw niya habang patuloy na lumulusong sa tubig.

"Eh 'di magkapalunod ka!"  Sigaw ko rin kahit ang totoo ay pinapatawad ko na siya.

"Oo, mas gugustuhin ko pang magpakalunod na lang kaysa ang iwan mo 'ko!"  This time ay sobrang layo na ni Dustin at unti-unti na siyang nilalamon ng dagat.

"Dustin!"  Kulang na lang ay maubusan ako ng boses sa pagsigaw habang nakalusong na rin sa dagat.  "Dustin ano ba?  Umahon ka na diyan!  Pinapatawad na kita!  Mahal kita Dustin please umahon ka na!" 

"Talaga?"  Sabi ng boses sa likuran ko.

"Beh naman eh!"  Maktol ko saka siya hinampas-hampas.  Natakot ako ng husto kanina, ang akala ko talaga ay nalunod na siya.

"May sinasabi ka kanina, ano 'yon?"  Kung gayon narinig pala niya.

"Ang sabi ko pinapatawad na kita.  Okay na Beh, okay na tayo.  I love you."  Sabi ko saka siya niyakap ng mahigpit.

"I love you too Beh."  Tugon niya.  Maya-maya ay may narinig kaming sumigaw.

"Hoy!  Tama na 'yan!  Laro tayo!"  Si Ashley pala ang sumigaw at laking gulat ko nang makitang kasama niya ang buong tropa.

"Boys versus girls, ang matatalo ay magka-cartwheel."  Panimula ni Elisa habang hawak ang bola ng beeach volley ball.

"Parang nangyari na 'to." Hirit ni Exel.

"I know right, ginawa na natin ito sa Palawan no'ng high school pa tayo.  Kayo pa ngang mga boys ang talo no'n 'di ba?"  Sabi naman ni Eunice.

"Pinagbigyan lang namin kayo no'n."  Sabat ni Kyle.

"Eh, 'di pagbigyan niyo uli kami ngayon."  Request ni Maureen.

"Sa'kin, okay lang."  Ang bestfriend ko naman ito.  "Ewan ko sa kanila."

"Sorry pero hindi naman kayo pagbibigyan ngayon."  Si Dustin na kasalukuyan nang nagtatanggal ng suot na damit.  Nalalaglag na lang ang panga ko nang tuluyan na siyang mag-topless.

"Jen, bakit namumula ka, na-miss mo 'yong abs?"  Pagbibiro ni Ashley.  Napahawak naman ako sa pisngi kong mainit na ngayon.  At bago pa nila akong tuksuhing lahat ay pinasimulan ko na ang laro naming beach volley ball.  Luckily ay kaming mga girls uli ang nanalo kaya ang mga boys uli ang nag-cartwheel.

Matagal-tagal na rin no'n huli kaming ma-kompleto kaya nilubos-lubos na namin.  Pagsapit ng gabi ay tumambay uli kami sa tabing dagat habang kumakain, umiinom at nakapalibot sa bonfire na nasa gitna.

"By the way, congrats nga pala sa engagement niyo ah."  Bati ni Ashley sa mga kaibigan naming na-engaged na.

"Kyle, kumusta naman kayo ng Daddy ni Elisa?" Tanong ni bestfriend na siya ring  gusto kong malaman.

"Okay na kami ng Daddy niya, tanggap na niya 'ko."

"Wala na kasi siyang choice." Natatawang sinabi ni Elisa.

"Eh kayo dalawang Dustin, kailan niyo balak mag-propose?"  Tanong ni Exel habang nagtinginan lang ang dalawang Dustin.  Maging kaming dalawa ni Ashley ay nagkatinginan din. 

"Darating din tayo diyan."  Sabay na sabay kung sumagot ang magkatukayo.

"By the way, Elisa, Eunice and Mau.  Puwede ba kayong kuning ramp model ng mga ginawa kong wedding dress para sa nalalapit kong fashion show?"  Tanong ni Ashley sa tatlo na kaagad namang pumayag.

"Bakit sila lang?  Si Jen, hindi mo isasali?"  Sabi ni boyfriend sabay inom.

"Sorry bes, tatlo na lang kasi 'yong bakante eh.  And besides, bagay 'yon kina Elisa dahil ikakasal na sila."

"I can't wait to see you wearing a wedding dress, Heart." Malambing na sinabi ni Exel sa girlfriend na si Maureen.

"Tiyak na ang gaganda niyong tatlo." Sabi ko naman at nagpatuloy pa kami sa pagkukuwentuhan hanggang sa lumalim ang gabi. 

"You know what guys, naisip ko lang, sana maging magkakaibigan rin ang mga magiging anak natin na parang tayo."  Wika ni Exel.

"I'm thinking the same thing pare."  Si James.  Kahit matagal pa 'yon ay masaya ngang isipin na balang araw ay magiging matalik na magkakaibigan din ang mga magiging anak namin.

---

Lahat kami ay nagpasiyng magpalipas ng gabi sa bahay nina Dustin Melendez dito sa Batangas.  Nakatulog na sila sa kanilang mga kuwarto habang kami naman ni Dustin ay narito sa veranda at nag-uusap.  Pareho kasi kaming hindi makatulog.

"Beh, I want you to be ready, 'cause I will formally introduce you to my Dad."  Seryosong sinabi ni Dustin habang nakatigin sa mga mata ko.  "Sinasabi ko na agad sa'yo para makapaghanda ka.  Para hindi ka kabahan tulad no'ng last time.  Just tell me when you're ready." 

Huminga ako nang malalim.  "Puwede bang after na lang ng fashion show ni Ash?"

"Okay."

Continue Reading

You'll Also Like

22.5M 355K 85
Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya?
White Wall By anemoia

General Fiction

1.5K 421 44
Sa event hall ng kanilang Junior's Ball, may mga antigong kanta na pinatutugtog, sa dagat na kulay ng cocktail dress at fuschia niyang labi ay nakati...
15.5M 320K 43
The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additional spice from their naughty cutie daugh...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...