When Mr. Gorgeous is Jealous

By winry_elrick

5.9M 101K 4.8K

When Miss Genius Gone Mad Book 2 Copyright 2015 All Rights Reserved More

All Rights Reserved
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53 (Final Chapter)
Author's Note

Chapter 39

58K 1.5K 135
By winry_elrick

Kyle

"Sigurado ka na ba diyan 'tol, si Sang Sang talaga ang gusto mong iharap sa altar.  May oras pa para magbago ng isip."  Sabi ni Kuya Ericson na kasama ko rito sa isang cafe.  Halos maibuga ko naman ang iniinom kong tubig.  Sa totoo lang ay hindi pa rin ako sanay na marinig na tinatawag niyang Sang Sang si Elisa.  Everytime na maririnig ko ang nickname na 'yon ay natatawa 'ko.

"Unfortunately Kuya, hindi na magbabago ang isip ko.  Kahit mas matapang pa siya sa'kin, kahit pa ngayon pa lang ay nakikita ko na magiging nagger wife siya, siya pa rin ang gusto kong maging asawa.  Mahal na mahal ko ang kapatid mo Kuya, kaya sana matulungan mo ako sa plano kong pagpo-propose sa kaniya."  Pakiusap ko kay Kuya na kung papalarin ay magiging bayaw ko na.

"All I have to do is to bring our Mom and Dad to that resto bar right?  Walang problema, akong bahala.  Pero sure na sure ka na ba talaga diyan sa plano mo, baka nabibigla ka lang."  Biro pa uli ni Kuya.  "Joke lang 'tol, baka isipin mo, ang sama akong kapatid para ilaglag si Sang Sang.  Kahit gano'n ang kapatid ko na 'yon, mabait naman 'yon eh.  And you have all of my support, ang problema lang ay si erpat.  Anong gagawin mo para mapapayag siyang palasakan mo si Sang Sang?"

---

"Kyle, magtanan na tayo."  Utas ni Elisa na kasama kong kumakain ng lunch dito sa restaurant na malapit sa office ko.

Halos mahirinan ako.  "What?" 

"Ang sabi ko, magtanan na tayo.  Alam mo naman na ayaw ni Daddy sa'yo 'di ba.  Nag-aalala lang ako na tutulan talaga ni Papa ang relasyon natin.  At para wala na siyang magawa ay magtanan na lang tayo."

"That is not the soultion to our problem."  Sabay iling ko.  "Lalo akong hindi matatanggap ng Papa mo kung itatanan kita."

"Kung hindi 'yon ang solusyon, ano?"

"Ewan."

"Anong ewan?"

"Basta ewan.  Mag-isip na lang tayo ng ibang solusyon, huwag lang 'yan."  Giit ko.

"Kung ayaw mo akong itanan, eh 'di pakasalan mo na lang ako.  Sabihin mo nga Kyle, ano bang plano mo sa'kin?  Si James at Exel ay  nagpropose kina Eunice at Maureen.  Ikaw, kailan ka magpopropose ha?"

Mamayang gabi!

"Eh 'di ba ayaw sa'kin ng Papa mo?"  Patay malisya kong sinabi.

"Kaya nga,ang sabi ko, magtanan na tayo!"

"At sinabi ko rin na hindi 'yan ang solusyon sa problema natin.  You know what, I think---"

"I think ano?"  Pagsabat niya.  "Huwag mong sabihing ayaw mo na, porke ayaw sa'yo ni Papa?  Kaya ba hindi ka pa nagpo-propose ay dahil nagbago na ang isip mo at ayaw mo na sa'kin?  Grabe ka, hindi mo man lang ba 'ko kayang ipaglaban kay Papa!  Anong klaseng lalaki ka ba!"  Pagtataas niya ng boses at tila ba naiiyak na siya.

"Elisa makinig ka---"

"Hay nako, ewan ko sa'yo Kyle!  Diyan ka na nga."  Beastmode siyang tumayo sabay walk out.  Sasabihin ko na sanang mag-propose sa kaniya mamayang gabi pero okay na rin 'yong hindi niya alam para surprise, haha!



Elisa

"Sang Sang, engaged na pala sina Maureen at Eunice sa mga boyfriend nila."  Bungad ni Kuya Ericson umagang-umaga.  Hindi na nakakapagtakang malaman niya 'yon sapagkat uploaded ang video no'n sa social media.

Nag-propose si James kay Eunice sa harap ng isang buong barangay sa Ilocos, si Exel naman ay sa mismong concert ni Bruno Mars sa L.A. nag-propose kay Maureen.

Masaya ako para sa mga kaibigan ko pero hindi ko maitatanggi na naiinggit din ako.  Ako kaya, kailan mae-engaged kay Kyle?

"Ikaw, kailan ka yayayain pakasal ni Kyle?"  Si Kuya na hindi ko alam kung nagtatanong ba o nang-aasar.

"Paanong magyayaya ng kasal 'yon kung palaging inaaway ni Papa."  Hinaing ko at lahat kaming nandito sa dining area para mag-almusal ay napatingin kay Papa.

"May relasyon ka pa rin ba sa anak ni Ivan?  Hindi ba sinabihan na kitang hiwalayan 'yon.  Hindi ako makapapayag na maging balae ang hudas na Ivan na 'yon."  Si Papa talaga, year kopong-kopong pa no'ng onsehen siya ng Daddy ni Kyle sa negosyo pero hanggang ngayon ay bitter pa rin siya.

"Iniisip mo pa rin ba 'yan Ivan?  'Di ba, gusto naman niyang bayaran ang lahat ng perang nakuha niya noon sa'yo, ayaw mo lang tanggapin dahil nagmamatigas ka."  Singit ni Mama sa usapan.

"Oo nga, 'tapos pati ako nadadamay.  Papa, kalimutan niyo na kasi ang nangyari.  Past is past.  At saka, nakabawi na naman kayo 'di ba at naging successful naman ang kompanya niyo.  Nagsisisi na po talaga si Tito Ivan sa nagawa niya, sa katunayan ay marami siyang charity institution na tinutulungan.  At isa pa, baka nakakalimutan niyong si Kyle ang nagligtas sa'kin no'ng na-kidnap ako, kung hindi dahil kay Kyle, baka patay na 'ko ngayon."  Sumbat ko pa kay Papa gamit ang malakas kong boses.

"Ah basta, kahit anong mangyari, hindi ako makapapayag na magkatuluyan kayo ng anak ng traydor na 'yon, naiintindihan mo?" 

Dahil sa sinabing iyon ni Papa ay nagpasiya akong kausapin si Kyle at yayain itong makipagtanan.  Kaso nga lang ay tinaggihan nito ang beauty ko sabay sabing hindi raw iyon ang solusyon sa problema namin.

No'ng tinanong ko naman si Kyle kung kailan niya balak mag-propose ay hindi siya sumagot.  Hanggang sa mainis na lang ako at mag-walk out.

Kinagabihan ay pumunta ang buong pamilya sa isang resto bar dahil sa paanyaya ni Kuya Ric Ric na gusto raw ipakilala sa amin ang girlfriend niya.  Ngunit sa halip na girlfriend niya ay ang Mommy at Daddy ni Kyle ang siyang nadatnan namin pagdating.

"Anong ibig sabihin nito Ric Ric?"  Galit na tanong ni Papa kay Kuya Ericson.

"Kumusta na Eli."  Bati ni Tito Ivan na Daddy ni Kyle sa Papa ko.  "Puwede ba tayong mag-usap?"

"Wala tayong pag-uusapan Ivan."

"Wait lang po ah, puwede po bang mamaya na kayo mag-usap."  Sabat ni Kuya.

"Ric Ric, ang akala ko ba'y ipapakilala mo sa'min ang nobya mo.  Nasaan na siya?"

"Joke lang 'yon Pa, wala po akong girlfriend.  Kaya ko po kayo pinapunta dito ay dahil sa pakiusap ni Kyle.  Balak na niya kasing mag-propose ng kasal kay Sang Sang eh."

"What, magpo-propose na sa akin si Kyle?"  Gulat na gulat kong tanong.

"Oo sis, congratulation—  Aray!"  Daing niya dahil binatukan ko siya.

"Magpo-propose pala siya, bakit mo sinabi?  'Di ba dapat surprise 'yon?  Wala na!  Binasag mo na 'yong excitment."  Reklamo ko sa Kuya kong panira ng moment.  Tama bang ibulgar niya agad ang plano ni Kyle?  Pero sige na nga, choosy pa ba 'ko?  At least magpo-propose na 'di ba? 

Ilang saglit pa ay lumabas na si Kyle at nagpakita sa stage.  Ang pogi niya ngayon ah!

"Good evening ladies and gentlemen.  I'm here para mag-propose sa aking pinakamamahal na babae.  Elisa Baby can you come over."  Walang keme naman akong pumunta sa kaniya doon sa may stage.  "Baby, una sa lahat ay gusto kong mag-sorry dahil ganito lang ang proposal ko sa'yo.  Hindi marami ang tao rito kumpara no'ng kina James at Eunice.  Wala ring international singer na guest dito tulad naman no'ng kina Exel at Maureen.  Isa lang 'tong simpleng proposal na kaharap ang pamilya ko at ang pamilya mo.  Sana okay lang sa'yo." 

Tumango lang ako habang hindi mapigilan ang  maluha.  Sobrang saya ko dahil matagal ko lang namang inasam na gawin 'to ni Kyle.

"Anyway Elisa, alam mo may kulang sa pangalan mo?"

"Ano?"

"Ang apelido ko."  Malupit na banat ni Kyle na kahit gasgas na ay bumenta pa rin sa mga tao.  "Elisa Garcia, I love you so much.  Will you marry me?" 

"Yes Kyle.  I'll marry you."  Sagot ko agad at saka niya isinuot sa daliri ko ang singsing.  "I love you."  Sabi ko pa habang nakayakap sa kaniya.  Okay na sana ang lahat kaso...

"Hinding-hindi ako papayag na makasal sa'yo ang anak ko."  Si Papa ko na isa pang panira ng moment.  Ang sakit sa bangs ha!  Proposal pa lang ay may tumututol na.  Hanu na!

"Papa please, Mahal ko po si Kyle.  Kung galit kayo sa Daddy niya, huwag niyo po kaming idamay dahil nagmamahalan po kami."  Protesta ko at wala na akong pakialam kahit na magmumukha na kaming lahat dito na tauhan sa isang primetime teleserye.

"How dare you talk to me like that!"  Sigaw sa akin ni Papa sabay baling kay Kyle.  "Tingnan mong ginawa mo sa anak ko.  Tinuruan mo pa siyang lumaban sa'kin.  Uulitin ko Kyle.  Hindi ako makapapayag na makasal kayo!"

"Ayaw niyo po ba talaga sa'kin para sa anak niyo?"  Si Kyle na sa wakas ay nagsalita na rin.

"Oo."

"Hindi kayo papayag na pakasalan ko siya?"

"Hinde!"

"Well, ito lang po ang masasabi ko, MUSIC!"

(Rude by Magic)

Saturday morning jumped out of bed
And put on my best suit
Got in my car and raced like a jet
All the way to you
Knocked on your door with heart in my hand
To ask you a question
'Cause I know that you're an old-fashioned man, yeah

Can I have your daughter for the rest of my life?
Say yes, say yes 'cause I need to know
You say I'll never get your blessing 'til the day I die
Tough luck, my friend, but the answer is 'No'

Why you gotta be so rude?
Don't you know I'm human too?
Why you gotta be so rude?
I'm gonna marry her anyway

Marry that girl
Marry her anyway
Marry that girl
Yeah, no matter what you say
Marry that girl
And we'll be a family
Why you gotta be so
Rude

Hindi malaman ng mga tao kung matatawa ba sila o kikiligin sa song number ni Kyle na imbes na ako ang haranahin ko ay ang Tatay ko ang siyang kinantahan niya.  And the song choice, pak na pak!

"Papa, how do you like my song?"  Ani Kyle habang nakangisi at maya-maya pa'y biglang sumeryoso.  "Papa, mahal na mahal ko po ang anak niyo.  Kaya sana payagan niyo na po akong pakasalan siya."

"Eli please, kung galit ka sa'kin kaya mo hinahadlangan ang mga bata ay ako na ang nakikiusap.  Alam ko malaki ang kasalanan ko sa'yo noon at pinagsisihan ko na 'yon."  Biglang lumuhod si Tito Ivan sa  harap ni Papa saka nagmakaawa.  "Sige na basbasan mo na si—"  Tumigil si Tito sa pagsasalita at agad humawak sa kaniyang dibdib.  Kinabahan naman kaming lahat dahil mukhang inaatake siya.

"Ivan anong nangyayari?"  Bakas ang pag-aalala so boses ni Papa nang daluhan niya ang pabagsak nang si Tito Ivan na ilang saglit lang ay nawalan na ng malay.

---

"How is he?"  Tanong ni Papa kay Kyle na kagagaling lang sa kuwarto ng Daddy nito.  Pagkatapos atakihin ni Tito Ivan ay sumunod kaming lahat dito sa hospital at hindi kami umuwi hangga't hindi namin nalalaman kung okay lang ba ang future biyenan ko.

"Okay lang po, nagpapahinga na siya.  Hindi naman malala."  Tugon ni Kyle sa malumanay na tono.

"Sabihin mo sa kaniyang magpagaling siya dahil marami pa kaming pag-uusapan." 

"Opo, makakarating."

"Kyle."

"Po?"

"Mahal mo ba talaga ang anak ko?"

"Mahal na mahal po."

"Kung gano'n payag na 'kong magpakasal kayo."

"Talaga po, Papa?" 

"Kahit naman hindi ako pumayag, you're gonna marry her anyway 'di ba?  Kaya pumayag na lang ako, ayoko namang maging rude." 

Natawa kaming lahat sa banat ni Papa.  Ibig sabihin lang no'n ay ninamnam pala niya ang bawat lyrics ng kinanta ni Kyle kanina.

"Makakaasa po kayo na gagawin ko ang lahat upang ang anak niyo ang maging pinaka maligayang babae sa buong mundo.  Aalagaan ko siya at mamahalin."

Sa wakas, naging happy ending din ang mala primetime teleserye na kuwento ng pag-iibigan namin ni Kyle.  Salamat naman at natanggap na din siya ni Papa.

Continue Reading

You'll Also Like

Her Greatest Return By m

General Fiction

7.2M 17.9K 5
Her Greatest Return Written by: TheDarkestBlue Highest Rank Achieved - #1 in General Fiction (May 31, 2017) Copyright © 2015 TheDarkestBlue, All Rig...
1M 8.8K 71
Book Two of Trouble Maker : The Cassanova Princess
22.5M 355K 85
Mataba ka na nga, maldita ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya?
79.8K 3.9K 36
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...