My Possessive Yakuza Husband

By qCliodna

877K 14.9K 700

Morgiana Shin Alvares, She is the kind of girl na matapang, palaban at hindi papakabog. Kahit sino ka man hin... More

Synopses
Possessiveness 1
Possessiveness 2
Possessiveness 3
Possessiveness 4
Possessiveness 5
Possessiveness 7
Possessiveness 8
Possessiveness 9
Possessiveness 10
Possessiveness 11
Possessiveness 12
Possessiveness 13
Author's Note
Possessiveness 14
Possessiveness 15
Possessiveness 16
Possessiveness 17
Possessiveness 18
Possessiveness 19
Possessiveness 20
Possessiveness 21
Possessiveness 22
Possessiveness 23
Possessiveness 24
Possessiveness 25
Possessiveness 26
Possessiveness 27
Possessiveness 28
Possessiveness 29
Epilogue
Teaser for Book Two
Teaser for Book 2
Author's Note

Possessiveness 6

27.1K 543 19
By qCliodna

Chapter 06

Morgiana Shin's Pov

PATAY sindi ang kulay dilaw na ilaw. Nanayo ang mga balahibo nya ng may maramdamang nakasunod sa kanya kaya mas binilisan nya ang lakad. Hindi nya maipaliwanag ang kabang nararamdaman.

Kataposan na ba nya ito? Dito nalang ba ang buhay? Tagaktak na ang kanyang pawis at nababalisa na sya ng may biglang humatak sa kanya sa isang madilim na eskinita at tinakpan ang kanyang bibig upang hindi makasigaw.

Gusto nyang magsisigaw at humingi ng tulong pero hindi nya magawa dahil sa kamay ng nakatakip sa kanyang bibig. Siniko nya ito para makawala sya sa yakap ng estranghero, pero para wala lamang dito ang ginawa nya. Para itong pader na di manlang natinag. Nagpupumiglas sya upang makawala. Napatigil lamang sya ng may maramdaman na maiit na malambot na bagay sa tenga nya. "Stay still." Isang pamilyar na boses ang kanyang narinig para magpakalma sa kanya. Its Luxus, ano kayang ginagawa nito sa ganitong lugar sa mga oras na yon? Nasa bibig parin nito ang kamay ng lalaki.

Tahimik lang sila doon sa eskinitang iyon. Gustong-gusto na nyang umalalis dahil hindi komportable ang pwesto nilang dalawa ngayon. Nakayakap ito sa kanya ngayon, magkadikit na magkadikit sila dahil masikip ang eskinita kong saan sila nagtatago. Ramdam nya rin ang mainit ngunot mabangong hininga ng binata. Sino nga naman ang hindi maiilang sa ganong pwesto nila ng binata? Naiilang nga ba o nagusgustohan nya yong pwesto nila?

Pinilig ni Shin kong ano mang iniisip nya tungkol sa pwesto nila ng binata.

"T-tanggalin mo nga yang kamay mo sa bibig ko." Mahinang angil nya sa lalaki.

Hindi ito sinunod ng lalaki, bagkus ay yumuko ito. " A-Y-O-K-O" Mabilis na tumibok ang puso niya dahil sa ginaawa ng binata. Ito ang unang pagkakataon na napatameme si Shin sa isang lalaki.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita ang isang lalaki na may dalang baseball bat. "Binibini lumabas ka kong saan ka man ngayon, lets both enjoy this cold night." Sabi pa nito habang nakasmirk. Patingin tingin ito na parang nasa palagid lang ang hinahanap. Nakahood ito pero may suot itong half mask. Inikot-ikot nito ang hawak na baseball bat. " You can't hide from me Shin Alvarez, I been waiting for so long for this to happen. To finally be with you." May nilabas itong bagay sa bulsa ng hood nya, sandali.... Litrato nya ang bagay na 'yon aa!

Tinitigan nya ito bago idinikit sa mukha na parang isang nababaliw. Nangilabot sya sa ginawa ng lalaki. Para nitong sinasamba ang kanyang litrato. Ilang sandali itong nasa ganoong posisyon ng bumaling sa kinaroroonan nila ni Luxus. "Found you, darling."

Nagulat nalang sya ng makarinig ng parang may hinampas. Nanlaki ang mga mata nya ng makita nya si Luxus na matutumba, agad nya itong sinalo. Dumugo ang noo nito kaya kinabahan sya. Hindi na sya kinakabahan tungkol sa buhay nya kong hindi mas kinakabahan sya sa buhay ni Luxus, nadamay lamang ito dahil nagmagandang loob ito na iligtas sya na hindi naman nangyari. "Nandito sila boss!" Sabi ng lalaki na may hawak rin na baseball bat. Ito ang humampas kay Luxus. Tinitigan nya ito ng masama ngunit humalakhak lamang ito.

Tinali muna ang kamay nya bago sila kaladkarin ni Luxus papunta doon sa lalaki, boss ata nila base narin sa narinig nya sa tawag ng lalaking humampas ng baseball bat sa ulo ni Luxus doon sa psychopat na iyon. Nakaluhod sya ngayon sa harap ng lalaking baliw. Nakatali din ang kanyang mga kamay sa likod kaya hindi nya masapak ang mga lapastangan gumawa sa kanyan nito ngayon, Bukod pa doon ay wala paring malay si Luxus, hindi naman nya pwedeng iwan ang lalaki at baka lalo pa itong mapahamak. " Ano bang kailangan mo sakin?!" Naiinis nyang sigaw dito.

Lumapit ito sa kanya, tapos lumuhod para maging magkasingpantay na sila, binitawan nito ang hawak na baseball bat saka hinawakan ang hibla ng buhok na nakakalat sa mukha nya bago ito inamoy. Pinilig nya ang kanyang ulo para alisin ang mga kamay nga lalaki na hawak-hawak ang hibla ng kanyang buhok. "Oh Darling you forget me already?" Binitawan nito ang hibla ng kanyang buhok sa nito hinaplos ang kanyang pisngi habang tinitigan sya nito. Ang maamo nitong anyo ay biglang bumagsik, kasabay noon ang paghatak nito sa kanyang buhok sanhi para mapatingala sya. "Urgh!" Sigaw nya dahil sa sakit. Ikaw ba naman sabunutan e. Lintek talaga, makaalis lang talaga sya sa sitwasyon niya ngayon at huhuntingin nya talaga ang baliw na to!

"Isn't because of that guy hu darling?!" Nanlilisik nitong sigaw sa tenga nya at mas lalong hinatak nito ang kanyang buhok. masakit!

Gago to aa! Kailangan sa tenga nya mismo! "Kailangang sa mismong tenga kooo?!" Nanggigil na talaga sya sa baliw na to. "I'm so sorry darling, I'm just pissed off when i see you whit this guy-" Someone's hit this psyco in front of me kaya napabulagta ito. Katabi nito ang wasak na phone, ito siguro ang pinambato sa kanya. "I'm fucking pissed off too for touching whats mine." Napalingon sya kong saan nakahiga si Luxus kanina ngunit hindi na ito nakahiga, nakatayo na ito habang may maitim na anyo. His black pearl eyes is glistering anger. Bago pa makabawi sa pagkagulat ang dalawang tauhan ng baliw na iyon ay agad na binigyan ito ni Luxus ng upper cut. Tumalsik ito, mabilis naman sumugod sa kanya ang may hawak ng baseball bat. He move swiftly, he finish him with his final blow.

Napasalampak ito sa kalsada. "Fuck!" Nakangiwi nitong mura. Hinawakan nito yong noo nya na natamaan ng baseball bat.

Umupos sya upang alalayan ang lalaki." Tara na, umalis na tayo sa lugar na to. Baka may kasamahan pa 'tong kasama." Umakbay naman ito sa kanya para makatayo. Samantalang sya ay nakahawa sa likod at sa bandang tyan ng lalaki kaya nahawakan nito ang mapipintog na abs ng lalaki.

Leche! Hindi lang hot, sexy pa na yummy. Erase, erase ano ba tong mga pinagiisip nya. Pinagnanasaan nya ba ang binata?

Umusok ang buong mukha nya dahil sa naiisip.

Hindi no!

Mariing tangi nya sa naiisip. Hindi maiwasang mapakagat sa labi si Shin.

"Stop that"

Napatingala sya sa lalaki dahil sa sinabi nito. " Ha?" Nalilitong tanong nya.

"Stop biting you lips or else..."

Naarko ang kanyang kilay. "Or else, what?"

"I'll kiss you."

---

"O-ouch! Damn, it hurts." Napapangiwing reklamo nito habang iniiwas sa kanya kong saan ito may sugat sa noo.

Sinamaan nya to ng tingin. "Wag ka ngang magalaw. Kaya di tayo matapos-tapos e."

Bumusangot ito. " Betadine nalang ilagay mo. Wag mo na kasing lagyan ng alchohol- Ouch! M-masakit." Inilayo nito ang noo na may sugat.

Hinawakan nya ang ulo nito para hindi na malayo sa kanya at malinisan na nya ang sugat ng binata. "Ilayo mo pa at ibubuhos ko lahat ng alchohol sa sugat mo." Matalim ang mata na banta nya dito. Diniinan nya yong bulak na may alchohol kong saan ito may sugat.

"What the- O-ouch! Ouch!" Lalo nya itong sinamaan ng tingin kaya napatigil ang ito. Saka pasalampak na nag-cross arm. Nakasimangot ito na parang bata na hindi naibigay ang gusto.

"Arte."

Ang arte nito para sa isang lalaki. Hindi na rin ito umangal ng nilinisan nya ang sugat nito. Napapangiwi ito pero hindi na nilalayo ang mukha. Pakatapos malinisan ang sugat ng binata ay nilagyan na nya ito ng betadine bago lagyan ng bandage.

"Tapos na."Anunsyo nya sa lalaki.

Niligpit na nya ang mga gamit na ginamit nya at itinapon sa basurahan ang mga bulak na nagamit. Iniwan nya sa kanyang silid ang lalaki, ibabalik nya kasi ang first aid kit. Samantalang sumandal naman ang lalaki sa headboard bago pumikit.

Matapos ang nangyari ay dinala nya si Luxus sa bahay nila para malinisan ang sugat nito. Baka kasi maimpeksyon. Nagulat ang kanyang ina ng makita ang sugatang si Luxus at tinanong kaagad kong anong nangyari.

"Kamusta na si Mr. Stravinsky, anak?" Nag-aalalang tanong ng kanyang ina habang may bitbit-bitbit na sandok.

Hindi nya napigilang mapaikot ang kanyang mata ng maalala ang lalaki. "Okay na okay ma. Mas malakas pa yon sa kalabaw ng kapitbahay natin kaya wag na kayo mag-alala. Tsaka malayo sa bituka ang sugat non."

Pinalo sya ng ina ng hawak na sandok.

"Aray! ma."

Pinanlakihan sya ng mata ng kanyang ina. "Ikaw na bata ka. Niligtas ka ng tao kaya magpasalamat ka. Hala! sige. Inbigay mo don sa bisita mo ang sopas na 'to ng mahimasmasa, mukang malakas ang pagkakapalo sa ulo non."

"Opo" Napipilitang sunod nya sa utos ng ina.

Wala syang nagawa kong hindi kunin at dahil sa kanyang kwarto ang sopas para ipakain kay Luxus. Ng dumating sila at malaman ng kanyang ina ang nangyari ay dito agad sa kanyang kwarto pinadala ang lalaki kahit pinagpilitan nya na sa sala nalang gamutin ang binata ay di nagpatinag ang kanyang ina at ipinagpilitan na sa kwarto nya para makapagpahinga daw ng maayos ang binata.

Naabutan nyang nakapikit ang binata habang nakasandal sa headboard ang kalahating katawan. Inilapag ang hawak na sopas sa mesa na katabi ng maliit nyang kama. Halos hindi na nga magkasya don si Luxus dahil malaki itong tao.

"Kainin mo daw yang sopas para daw mahimasmasan ka sabi ni mama."

Pero nanatili lang na nakapikit ang lalaki. "Luxus, nakikinig ka ba?"Umupo sya sa kanyang kama sa tinapik-tapik ang pisngi ng binata para magising ito.

Nagulat sya ng biglang pumugil sa kanyang kamay. Nakaramdam sya na parang kinukuryente ang kanyang kamay kaya mabilis nya itong binawi sa pagkakahawak ni Luxus at napatayo. Sobrang bilis ng tibo ng kanyang puso. Para bang kagagaling nya lang sa isang marathon. "K-kainin mo na yong sopas, baka lumamig pa."

Unti-unting nagmulat ang binata kaya nagtama ang kanilang mga mata. Lalong bumilis ang tibok ng puso nya dahil sa pagtama lang na iyon ng kanilang paningin ng binata. Umiwas sya ng tingin sa binata. "Pagkatapos mo pwede ka ng lumayas sa bahay namin." Pagsususngit nya dito para pangangatog nya.

Ano ba tong nangyayari sa kanya? Ang weird.

Pinaikot nito ang paningin sa kabuoan ng kanyang kwarto. Nagsalubong ang mga kilay nito. "Kwarto mo ba to?"

Kusang tumaas ang kanyang kilay. "Oo bakit? di ba halata?" Para kasi nitong iniinsulto ang kanyang kwarto.

Tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Seriously? Anime theme?" He chunckled.

Agad na umusok ang dalawang tenga niya. "Oo. Paki mo ba?!" Saka inismiran ang binata.

Ano naman kasi ang masama kong puro anime ang laman ng kanyang kwarto kahit na college na sya at babae?

Umupo ang binata at kinain ang sopas ng kanyang ina. Sa una pa isa isa lang ang subo ng binata pero maya-maya lang ay sunod-sunod na. Para itong mauubusan kong kainin nito ang sopas na gawa ng ina.

"Wow! Who cook this sopas?" Nilagay nito sa table ang mangkok na pinaglagyan ng sopas.

Nalilito man sa aksyon ng binata ay sinagot nya parin ang tanong nito. "Si mama bakit? Pwede ka ng lumayas." Nakasandal sa hamba ng pinto na sagot nya sa binata."

"That sopas is great." Tumayo na ito. "Papalayasin mo na agad ako after what you've done to me this past 2 days? Where in you kick my dick and now, i get this wound? I think you need to pay for this."

Umasim ang itsura nya dahil s narinig sa lalaki. "Ikaw ang nauna. Nagkabukol kaya ako ng dahil sayo! Bakit kasi basta basta ka nalang bumubukas ng pinto." Sinamaan nya ito ng tingin. "Ginamot ko ang sugat mo kaya quits na tayo."

Namulsa ito sa harapan nya. "Anong patas? Yong ginawa mo nong directors office, pwede na kita tanggalan ng scholarship at tanggalin sa school ng dahil doon." Naguilty naman sya ng dahil doon.

Napahawak ito sa ulo. "And dang it! My head is spinning right now because of that hit." Saka napayuko.

Guilty'ng-guilty sya. Muka kasing hindi talaga nagsisinungaling ang binata. Mabilis na itong inalalayan papunta sa kanyang kama at pinaupo. "Wag ka munang tumayo." Saway nya dito ng magpumilit na tumayo.

"You need to pay you dept or I will remove you to my university?"

Dahil sa naguilty sya at natakot na matanggal sa university ay padabog syang tumayo. Hinarap nya ang lalaki. Sayang kasi kong matatanggal sya sa university. Ilang buwan nalang at gagraduate na sya. Ayaw nya masayang ag pinaghirapan ng kanyang mama. Saka baka lalao pa itong mahirapan kapag natanggal sya sa university. "Fine! Paano ba ako makakabayad sa utang ko?" Labas sa ilong na tanong nya.

Tinignan sya nitong mabuti sa mga mata. "I need you to be my wife."

"Okay. wife lang pala e."

Wait...whut?

"W I F E ?!!!"

---

Zeren Hendrix on the multimedia

Eros Demeter

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 318 26
Ang isang simpleng babaeng nerd ay isa palang Heir ng malaking gang ng Mafia. Im the Hidden Princess ng Montereal Family. 18 years old na ako ng nala...
633K 12.9K 38
Ikaw po si Cassie di'ba? At ikaw naman po si Zacaree. Kayo po ang mommy at daddy ko! Tahimik lang silang nagaalmusal nang dumating ang batang lalaki...
19.3K 297 8
Namuhay mag-isa si Sofie Banquerigo. Isang magandang dilag, subalit sa taglay niyang kagandahan ay may isang estranghero ang siyang mapangahas. Stea...
24.3K 1.5K 63
Is it wrong to love two people? Is it my fault that I love them both? but whatever others say even when others think it is wrong I will fight for my...