Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 15

106K 2.6K 86
By sweet_aria

Chapter 15

"Don't be tensed."

Nilingon ko siya. He was smiling and staring deeply at me. Ramdam ko na kanina niya pa ako tinititigan.

Pinaglaruan niya ang kamay ko at 'di nagtagal ay hinalikan ito. Ngumuso ako at naramdaman ang matinding pag-iinit ng pisngi.

Hinigit niya ako dahilan na kahit kaunting espasyo ay mahihiya nang magpakita.

"You look stunningly ravishing, binibini." Bulong niya sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ang pagtaas-baba ng kanyang kamay sa kaliwa kong braso.

"You're here."

Dumapo ang aking mga mata sa lalaking pababa ng hagdan. Agad nakuha ng kanyang mahabang buhok na lagpas balikat ang aking atensyon. Seryoso ang kanyang mukha ngunit nang makalapit siya sa amin ay nagbago iyon.

Sabay kaming tumayo ni Phoenix.

"Phoenix Elizer Dela Vega." Mahina siyang humalakhak at niyakap si Phoenix. "She's damn gorgeous, P."

Tinapik ni Phoenix ang balikat ng pinsan. Tumingin siya sa akin.

Humugot ako ng hininga at nginitian si Sebastian.

"Sebastian Dawson Dela Vega. " Inilahad niya ang kamay. "Millicent Cortejos, it's a pleasure to finally meet you."

Kinuha ko ito. Malapad at sakop na sakop ng kanyang kamay ang akin.

"Ehem."

Napabitaw ako dahil sa tikhim ni Phoenix. Umangat ang tingin ko sa kanya at nakitang seryoso na ang kanyang mukha.

Humalakhak si Sebastian. "Jealous ass."

"Shut up, Dawson." Hinigit ako ni Phoenix at tumungo kami sa kitchen.

Kanina ko pa pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay at hindi man lang ako nililisan ng paghanga. Sobrang laki at ganda nito.

"I'm hungry." Aniya.

Tinignan ko siya, nakaigting ang kanyang panga. Wala pa sa kusina si Sebastian at hindi ko alam kung bakit. Umayos ako ng upo at hinarap siya.

"Phoenix..."

"You're blushing, binibini." Iniwas niya ang tingin. "I... don't like to see you blushing because of other guys."

Imbes na mainis sa inaasta niya ay hindi ko napigilan ang pagkalat ng saya sa aking dibdib.

"N-nagseselos ka?" I didn't stop the smile forming on my lips.

He shifted his eyes on me. Ibubuka niya pa lamang ang bibig nang biglang may tumili mula sa entrance ng kusina.

"Phoenix! You're really here!"

Tumayo ako nang makilala ang pamilyar na boses. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino ang dumating. Lalapit sana ako sa babae ngunit naunahan niya ako at mabilis na yumakap kay Phoenix.

"Monica..." Sambit ni Phoenix.

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Ngumiti ako ngunit alam kong pilit ang lumarawang iyon sa labi ko.

Kumalas ang babae at bago pa lumipat ang tingin niya sa akin ay dumapo nang muli ang tingin ko sa entrance ng kusina dahil sa mga pamilyar na boses.

"Phoe-Millie?"

Hindi na itinuloy ng isa pang babae ang pagtawag kay Phoenix at dali-daling lumapit sa akin. Niyakap niya ako at ang isa pa ay ganoon din ang naging reaksyon nang mapagtanto kung sino ako.

"Gosh Millicent!" Muling tili ni Geneva. Kumalas siya.

Ibubuka ko pa lamang ang bibig nang yakapin ako ni Cassia. Nag-init ang aking mga mata.

"Ikaw na ba talaga 'yan Millie?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cassia. "Gosh, I miss y-you." Her voice broke. "Anong ginagawa mo dito? Bakit-"

"I didn't recognize her." Putol sa amin ni Monica, ang best friend ko. "Can you please let go of her, Cassia?"

Sinunod ni Cassia ang utos ni Monica.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalaing dito pa kami magkikita-kitang muling magkakaibigan. Pagkalipas ng ilang taon simula noong nagtapos kami ng highschool ay ngayon ko lang ulit sila nakita.

"Millicent..."

Hinarap ko si Monica. Nagtutubig ang kanyang magagandang mga mata.

"Oh my God, it's really you!" Niyakap niya ako at ganun din ang aking ginawa. Humikbi siya at ako ay umiling-iling nang makitang naluluha na din si Geneva. "You're like a ghost after we graduated! Bigla ka na lang nawala! Kapag naman binibisita ka namin sa bahay ninyo-"

"I'm sorry." Putol ko agad sa kanya. Kumalas ako sa yakap at tumungo na sa upuan.

Lumapit silang tatlo sa akin.

Totoo ang sinasabi nila. Hindi na ako nagpakita pagkatapos namin ng highschool. They wanted me to go to college. They wanted to lend me some money. Pero ang pag-iwas sa kanila ang ginawa kong paraan para hindi na nila ako pilitin pang mag-aral. Hindi ko ginustong tumigil pero kailangan. Hindi kaya ng mga magulang ko. Ayaw din ng mga magulang ko ngunit ako na ang nagdesisyon na tumigil muna dahil nagkasakit noon si Nymph at kinailangan pa siyang operahan sa appendix. Ang pang tuition ko ang ginamit para maipagamot siya.

"Ganyan ba talaga kayong apat pag nagkita-nagkita? Everybody would forget that I'm here?" Nakalahad ang mga kamay ni Phoenix habang nakangisi.

Tumayo sina Geneva at Cassia at magkasunod na yumakap sa kanya. Nang lingunin ko si Monica ay nakita ko sa mga mata niya ang isang nakakatakot na bagay. Isang bagay na hanggang ngayon ay hindi pa din ata nagbabago.

She stared at Phoenix. Nag-iwas ako ng tingin at pinakiramdaman ang malakas na pagkabog ng dibdib ko.

"Bakit kayo magkasama ni Millicent? Is this some kind of coincidence?" Kasama na namin si Sebastian nang basagin ni Geneva ang katahimikan. Ang mga mata niya ay nakatutok kay Phoenix na nasa harapan ko.

Pinagsisilbihan kami ng mga katulong para sa hapunan. Nalaman kong kaya sila pumunta dito ay dahil kaibigan din ni Sebastian ang tatlo at dahil na rin kay Hiro na hinihintay din namin ang pagdating. Hanggang ngayon ay patay na patay pa rin si Cassia dito. Halata iyon sa mukha at mga mata niya sa t'wing nababanggit ang pangalan ng nasabing Dela Vega.

"She's my-"

"Maid, Gen." Putol ko sa pagsasalita ni Phoenix.

Umalingawngaw sa buong kusina ang hindi inaasahang pagbagsak ng mga kubyertos na gamit ni Sebastian.

Tumingin ako sa kanya na lumalim ang pagkakakunot ng noo dahilan para datnan ako nang matinding kaba. Hindi ko na din nagawang tignan si Phoenix dahil kinakabahan ako sa maaaring naging reaksyon niya.

"K-katulong niya ako." Ulit ko at tinignan si Monica. Kahit hindi siya nagsasalita ay batid kong kanina pa gumagana ang kuryosidad niya. Kanina ko pa din nakikita sa mukha niya na gusto niyang magtanong.

They saw us together. Kapag sinabi kong coincidence lang ito ay hindi kapani-paniwala. Ayokong isipin nila na may relasyon kami lalo na't nandito si Monica at batid kong sa paglipas ng panahon ay mas lalo pang lumala ang nararamdaman niya kay Phoenix.

Nilingon ko si Geneva at hindi maipinta ang kanyang mukha. Hanggang ngayon ba ay umaasa pa din siya sa amin ni Phoenix?

Nang tumingin ako kay Cassia ay naiiling naman ito.

Pinagpatuloy ko ang pagkain dahil napagitnaan ng katihimikan ang hapagkainan. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang sa matapos kami ay wala nang nagsalita.

Lumabas sila ng kusina at nagpaiwan ako. Narinig ko na nasa sala na sina Hiro at iyon ang dahilan kung bakit nagmamadali si Cassia sa pagkain kanina.

"Why did you say that?" Hindi ko magawang lingunin si Phoenix.

Hinawakan niya ang baba ko at hinuli ang aking mga mata. Kitang-kita ko sa kanya ang halu-halong emosyon. Emosyong hindi ko akalain na magpapakirot sa dibdib ko.

Alam ko na dapat ay hindi ko iyon sinabi pero naaawa ako kay Monica. Hanggang ngayon ay may pagtingin pa din siya kay Phoenix. Ngayon lang ulit kami nagkita at ayokong sirain ang pagkikitang ito.

"Why did you say that?" He repeated.

Bumagsak ang tingin ko sa aking kandungan. Tinanggal ko ang kanyang kamay sa aking baba at humugot nang malalim na hininga.

"She still likes you, Phoenix. At ayokong masaktan-"

"So, it's okay if I'm the one who will get hurt?" Tumayo siya.

Pinanood ko ang pagtalikod niya sa akin.

"I waited so long for this time to come. I really want to tell them that I'm courting you now." Nilingon niya ako. Malamlam ang kanyang mga mata at halata dito ang sakit na idinulot ng ilang salitang binitawan ko. "Binibini..."

"I'm sorry." Tumayo ako at humakbang palapit sa kanya. I hugged him and shoved my face on his chest.

"Simpleng salita mo lang kayang-kaya na akong sugatan." Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Phoenix, hindi ko sinasadya." Kumikirot ang dibdib ko. Pumikit ako sa realisasyong hindi ko na kayang ipagsawalang-bahala. Hinding-hindi ko na talaga kayang takasan pa ito. "I don't want you to get hurt again. But please, can we make this as a secret for now? Kahit sa harap lang ni Monica."

He didn't say a word. He let go of me and started to walk away.

Mas lalong kumirot ang dibdib ko. Sinundan ko siya at awtomatiko namang tumigil sa pagkekwentuhan ang mga kaibigan ko at ilang Dela Vega na narito na din.

Si Jemimah ay tumayo para yumakap kay Phoenix. Si Raxx ay nakaupo sa tabi ni Monica. Titig na titig siya sa akin kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

"Kuya Seb-I mean Dawson. Why did you phone us?" Tanong ni Jemimah.

"I'm gonna get married." Walang kautal-utal na sabi ni Sebastian na bumigla sa lahat.

"What?!" Bulalas ni Jemimah.

"Such a fucker, Dawson." Mahinang mura ni Hiro.

Akmang uupo ako sa tabi ni Phoenix ngunit agad siyang tumayo. Kumunot ang aking noo at napatingin sa mga kasama namin. Si Geneva ay pinanonood ako. Tumaas ang kilay niya at umiling-iling.

"So who's the girl?" Tanong ni Geneva habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"Penelope."

"Ferreira?" Walang ganang tanong ni Phoenix. "Pinsan ni Allison Marquez na bestfriend ni Hera. Pinsan ni Tarryn Ferreira. Am I right?"

"Yeah." Uminom si Sebastian sa kanyang kopitang may lamang wine. Tumayo siya at bago pa siya makahakbang ay may babae nang lumapit sa kanya at walang sabi-sabing sinampal siya.

"Kuya Seb, bullshit!"

Nanlaki ang aking mga mata nang makitang si Hera ito. Kadarating lang niya at nasa likod ang asawa.

Agad siyang inalalayan ni Zeus. "Baby..."

Kilala ko sila dahil napupunta ako noon sa mga party ng mga Dela Vega, kung saan pilit akong sinasama ni Phoenix. Iyong mga pambablackmail niya dati bago ko malamang niloloko lang ako ni Nigel.

"You knocked up Penelope, Kuya Seb? Anong katarantaduhan ito?!" Galit na sigaw ni Hera.

"Baby, calm down."

Wala akong maintindihan sa nangyayari. Tinignan ko si Phoenix at wala ang atensyon niya sa akin. Napagpasyahan kong lumabas na lang ng bahay.

Sumandal ako sa Chrysler niya at ipinagpasalamat na hindi ganoong kalamig ang gabi.

"Phoenix where are you going?" Boses iyon ni Monica.

Kumunot ang noo ko. Nang makitang nasa main door sila ay umikot ako at nagtago sa tabi ng kotse. Luminga-linga si Phoenix na parang may hinahanap.

"I'm going home. Everything that's happening now is bullshit."

"Phoenix, wait." Napatingin ako sa paghawak ni Monica sa braso niya.

Mas lalo pa akong nagtago nang makita ko ang pagdapo ng mga mata ni Phoenix sa kamay ng best friend ko.

"You're avoiding me. Halos isang buwan na."

Kumunot ang aking noo sa narinig.

"I don't know what's happening to us-"

"Walang tayo." Malamig na sabi niya. "Monica, let go of me. I need to go home."

Binitawan ni Monica ang braso niya. "But I thought-"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"You know what I'm talking about. Ayos naman tayo diba? Months ago you were very sweet to me. Why did it change? What happened?"

Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Pakiramdam ko ay namanhid ang mga kamay ko at gusto ko na lang na lapitan si Phoenix.

"I'm your boss so I needed to treat you well. Don't add flavors to my actions." Humakbang si Phoenix ngunit agad siyang napiit ni Monica.

Nanlaki ang aking mga mata nang pagharap niya dito ay walang sabi-sabi siya nitong hinalikan.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko. Napatakip ako sa bibig at nanginig ang aking mga kamay sa hindi malamang dahilan.

"Monica!" Itinulak niya ang kaibigan ko. "You're insane!"

"I'm not insane!"

Kahit madilim ay hindi napalagpas ng aking paningin ang luhang tumulo sa pisngi ni Monica.

"I'm not insane. I'm just damn in love." Pinunasan niya ang luha. "That's the problem. Someone would make you fall but won't gonna save you from that fall." Humihikbi siya.

Sa bawat salitang binitawan niya ay ramdam ko ang sakit. Matagal nang gusto ni Monica si Phoenix at ang masabihan nang ganito ay sobrang sakit.

Hindi nakapagsalita si Phoenix dahil dumiretso na palabas ng bahay si Monica. Sumakay siya sa isang Subaru na batid kong pag-aari niya.

Nang makaalis ang kotse ay umayos ako ng tayo. Tumingin ako kay Phoenix. Nakatutok na ang paningin niya sa akin.

Dahan-dahan siyang tumungo palapit at pinagbuksan ako ng pinto. Parehas na kaming nakaayos ng upo nang tumikhim siya.

"You saw that." Basag niya sa katahimikan. "Aren't you gonna say something."

"She's hurt." I stated. "Bakit ganoon ang mga sinasabi niya? Pinaasa mo ba siya Phoenix?"

"Of course not." Mahina pero madiin niyang sabi. "Una pa lang ay pinaramdam ko na sa kanyang hanggang magkaibigan lang kami. Una pa lang-"

"Then why did she say that? Sweet ka daw sa kanya. Probably, you're going out with her too. But lately you've changed. Why?"

"Hindi ako kailanman naging sweet sa kanya Millicent. Hindi ko kailanman ginawa sa ibang babae ang mga ginagawa ko sayo."

This pinch in my heart was alarming. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo at kung maniniwala ako sa kanya. Natatakot ako. Idagdag pa ang katotohanang hinalikan siya ni Monica! Hinalikan siya ng kaibigan ko!

"L-lumalabas ka ba na kasama siya?" Ulit ko. Gusto ko itong malaman.

Kumurap ako at tinitigan siya.

"Phoenix, answer me."

"Yes." Sagot niya. "Pero hindi lang kami. Madami kami. Ang mga kaibigan namin sa trabaho. Hindi naman masama na makipagsaya ako sa kanila diba?"

Hindi ako nakapagsalita. Iniwas ko ang tingin at bumuntong-hininga.

"Binibini..."

Lumunok ako. Nagulat ako nang maramdaman ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. I heard him gasp. Hinawakan niya ang aking baba at hinarap ako sa kanya.

"You're crying." Umiling ako. "Binibini..."

"Phoenix, I don't wanna see you with other girls. Ayokong may humahalik sayong iba. Ayokong may sumasayaw sayong iba. Ayokong isiping nakikipag-inuman ka sa iba. Phoenix..." Sunud-sunod kong sabi. Tumungo ako at hindi ko na napigilan ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi.

Hindi ko akalaing magiging ganito ako ka-emosyonal sa nakita at nalaman ko.

"I'm selfish. I'm starting to be selfish. I didn't expect this to happen. But... seeing you being kissed by her..."

Hinawakan niya ang baba ko, nagtagpo ang aming mga mata. Halata dito ang gulat at pagkamangha.

Pinunasan niya ang luha ko at umiling-iling. "Seeing me kissed by her.. what did you feel?" Tanong niya. "Tell me. Be honest with me."

Nag-iwas ako ng tingin. "I-I'm jealous." I admitted. "I'm jealous, Phoenix."

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 2.8K 5
COMPLETED STORY ON DREAME APP WEDDING PLANNER SERIES #1 Thalia and Jayden are happily married until a single mistake that destroyed their marriage...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

100K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
7.3K 289 16
Calem Imperial's story. -Some chapters contain mature content.
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy