The Love Project: Make Her Sm...

By WhenSheIsAMonster

1.4K 21 3

She is one hell of a lawyer with a dumb ass jerk of an ex-boyfriend. He is a champion car racer who also happ... More

The Love Project: Make her smile.
Chapter One.
Chapter Two.
Chapter Three.
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven

Chapter Six

81 1 0
By WhenSheIsAMonster

“ATE, WHERE ARE MY KEYS?” tanong ko sa ate kong nakaupo sa sala habang nanunuod ng movie sa Fox. Umupo ako sa tabi niya, napatingin ako sa wrist watch ko.

Magaala una na pala.

 Isinandal ko ang ulo ko at ipinikit ang mga mata ko, naparami ata ang inom ko.

“It’s in your room. Salamat sa pagpapahiram ha li’l brother.” Niyakap niya ako at mukang maglalambing nanaman sa akin. “I had so much fun a while ago. Salamat talaga.”

“Obviously ate, hindi ko pinahiram sayo ang sasakyan ko, you drove off without even asking me. Ni hindi ka man lang nga nagpaalam. Wala naman sakin kung gusto mong gamitin yung sasakyan ko at makipagkarera buong buhay mo. Ang akin lang, hindi mo ko sinabihan, pano kung wala pala sa kondisyon ang sasakyan ko at maaksidente ka. Malalagot nanaman ako kina mommy lalo na kay daddy. Sasabihin nanaman nun kinukunsinti kita. Mapapagalitan nanaman nila ako.”

“That’s not gonna happen. I know that your car is always in a very good condition. And besides, I called you last week to tell you na uuwi kami ni Xiara. I know na inihanda mo ang sasakyan mo.” She gave me a very knowing look. “Ikaw pa? I trust you so much Sergienzo. Manang mana ka kasi sa akin.”

“Oo na ate, pinapatawad na kita, pero sa susunod, magpaalam ka na sakin. Last two months ago, sinabihan din kita ng ganito.” I was talking about what she did the last time na umuwi sila ni Xiara dito sa Pilipinas. She did exactly the same thing. “Tulog na ba si Xiara?”

“She’s in her room, oo tulog na nga ata. Alam mo ba, kanina habang pauwe kami, she told me na gusto rin niyang maging katulad ko. Gusto rin daw niyang magmaneho ng sasakyan at makipagkarera. Haha! Ang batang yun talaga.”

“Don’t let her engage into car racing, delikado.” Tumayo na ako at aakyatin ito sa itaas. Namiss ko ang makulit kong pamangkin. Napakabibo na bata. Nakakatuwa.

“Train her Niel, I bet she’ll be far greater than me.” Pangungulit pa ni Ate.

“No. Tama nang may isang pasaway at sakit sa ulong Xiarina sa race track.” Natawa na lang siya sa akin.

“Ate mo kaya ako! Hindi mo na ko ginagalang ah! Hahaha!” tatawa tawa rin akong umakyat sa taas.

Xiara was already sleeping ng pumasok ako sa loob ng kwarto niya. I covered her with her pink blanket. Kamukhang kamukha talaga siya ni Ate. Parang walang nakuha sa ama niya. I kissed her forehead. Inaantok na rin ako. I turned off the lights and closed the door.

Nahiga na ako sa kama ko pagtapos kong maligo at magbihis. Hindi pa ako makatulog. Nakarinig ako ng katok. Bumangon ako at binuksan ang pinto, si ate pala. Kinuha niya ang susi sa drawer sa gilid ng kama ko.

“I forgot Xiara’a clothes in your car, kukunin ko muna, naitanong ni manang Sita kung may iba pa bang labahan maliban sa nasa laudry basket niya sa kwarto.”

“Okay. Magpahinga ka na pagtapos mo diyan sa gagawin mo. It’s late Ate. Alam kong pagod ka.”

“Yes Sergienzo!” tumawa pa siya at saka umalis. Trip talaga nitong tawagin ako sa pangalan ko. Humiga na uli ako. Napamulat ako when Ate stormed inside my room after ten minutes.

“What happened to my car?! Anong ginawa mo?! Yupi ang unahan ng kotse ko! Bakit hindi mo iningatan? Saan ka nanggaling ha?! Kanino ka nakipagbump car?! You know how much I love that Beetle, Sergienzo Nathaniel!”

Shit! I totally forgot about that. Binuo na niya ang pangalan ko, malalagot nanaman ako kay Ate.

“Ate , huminahon ka muna-”

“Pano ako hihinahon?! Yung unang regalo sa akin ni daddy na sasakyan yupi ang unahan dahil sa kagagawan mo! Ano ba-” naputol ang sasabihin niya ng pumasok sa silid ko si Xiara.

“Mommy what’s wrong? Why are you mad with Tito Pogi? Don’t be mad with him mommy, I love Tito Pogi so you must love him too.” Kinukusot kusot pa niya ang mata niya gamit ang isa niyang kamay dahil hila-hila ng isa niyang kamay ang napakalaking teddy bear na regalo ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at iniupo ko siya sa higaan ko.

“Baby, mommy loves Tito Pogi, I was shouting at him because he wasn’t able to take care of mommy’s car. Sorry I woke you up honey. I love you.”

“I love you too mommy. Tito Pogi, apologize to mommy for what you did. And explain.”

Para kong bata na pinagalitan ng nanay ko.Hahaha!

“ganito kasi yung nangyari ate, palabas na ko ng Towers nung may babaeng basta na lang iniatras yung kotse niya, paalis na din yata. I guess she didn’t notice me. I also wasn’t able to stop kasi  hindi naman siya nagsignal and it was so sudden. I have her number at sabi niya tawagan ko daw siya kapag ipapaayos ko na. Siya daw ang bahala. Natarayan pa nga niya ako eh. Sorry hindi ko naingatan.” Napatingin ako kay ate. Hindi na siya galit. Mukang naintindihan niya naman yung nangyari.

“Okay. Hindi na ako galit. But be sure to fix it first thing in the morning.”

“Ate morning na.” pagrereklamo ko pa.

“Fine. Edi sa hapon. Magpahinga na tayong tatlo. Come here baby.” I kissed Xiara’s forehead.

“Good night baby. Good night ate.” She kissed my cheek and did the same.

“Good night Tito Pogi.” Lumabas na sila ng kwarto ko.

“DAMN YOU, HANG OVER!” napadapa ako sa higaan at tinakpan ng unan ang ulo ko. Pakiramdam ko may pyro musical na nagaganap sa bumbunan ko.

Hindi na ko iinom!!!!..................................ng marami. Hehe!

Gusto ko pang matulog pero ayaw na ng mata ko. Bumangon na lang ako. Nasa guest room ako ng bahay ni Hevn. Kumuha ako ng towel sa cabinet at saka pumasok sa banyo.

Magkalapit lang ang bahay namin ni Bes dito sa Pontesailles. Sabay kaming bumili ng bahay. Hindi kami nakakuha ng magkatabi o magkatapat dahil walang available nung mga panahong yun. Magiisang taon pa lang mula ng lumipat kami rito. Ilang blocks lang naman ang layo ng bahay ko dito sa bahay niya. Pwedeng pwede lakarin.

May sarili akong gamit dito sa bahay niya at ganun din siya sa bahay ko. Ewan ko ba, we just love each other that much. Bumaba ako matapos kong makapagbihis. Wala si Bes sa sala. I looked at the wall clock.

Quarter to eleven.

Dumiretso ako sa kusina at naglabas ng kung anong pwedeng lutuin sa ref niya. Itinapat ko sa bukas na gripo sa lababo yung frozen chicken. Mag pa-fried chicken na lang ako. Hinugasan ko yung manok at nilagay sa kaserola na may tubig at asin. I have a weird way of cooking fried chicken. Nilalaga ko muna yung manok tapos saka ko hihimayin. Ayaw ko kasi ng mga buto. Ang hassle. Gusto ko yung tuloy tuloy lang ako sa pagkagat o paghiwa.

Tapos ibe-bread ko na siya. Hindi ko nilalagyan ng itlog kasi para sakin tortang talong yung kalalabasan. Saka ko idi-dip fry. O diba kakaiba!

Haha! Baliw nga talaga ko.

Tuloy-tuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa mapaisip ako. Bakit kaya hindi ako hinanap ni Apollo. Alam naman niya kung saan niya ko makikita. Kaya nga sa coffee shop ni Bes ako nagpunta eh. Para hindi na siya mahirapang hanapin ako. Hindi na nga niya siguro ako mahal.

But he told you na ikaw lang ang mahal niya.

Pero nang babae parin siya. He slept with some bitch on the night before our anniversary. Hindi ba dapat pinapaghandaan niya yun. And in the first place hindi siya dapat mang babae. Hindi niya dapat ginawa sakin yun.

“Ouch!” hindi ko namalayan na naisandal ko pala sa kawali yung tongs na gamit ko. Basta ko na lang itong dinampot. Mainit na pala. Itinapat ko agad sa tubig ang kamay ko.

“Ayan wala kasi sa isip ang ginagawa. Wag mo na isipin yung walang kwentang lalaking yun. He doesn’t deserve you. Kulugong-lupa siya, remember?”

Nagulat pa ako ng biglang magsalita si Hevn. Siya na ang humango nung huling batch ng niluluto ko. “I wasn’t thinking of him.” Yun lang ang sinabi ko. Defensive ba? Yaan niyo na.

“Really? Kaya pala, maluhaluha ka na diyan. Get over it Lunariss hindi siya bagay sayo. Hindi kayo para sa isa’t-isa.”

“Alam mo ang maldita mo rin e noh? Oo na! hindi na kami bagay!”

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Nagsaing ka na ba?” tanong niya sa akin.

“Not yet.” Oo nga nuh dat pala una ko munang tinignan yung rice cooker sa mesa.

“See! You’re not your usual self. Nagsasalang ka muna ng kanin bago ka magluto para sabay maluto at makakain ka kaagad. Buti na lang nagsaing ako bago umalis. Though bilib din ako sayo, nai-bread mo ng maayos ang chicken.” Tinikman niya ito. “Pwede na. Tara kain na tayo.” Umupo na siya. Nagulat ako ng nakahanda na yung mesa. Tinignan ko siya ng nakakunot noo pagupo ko.

“I prepared the table when you where in the outer space.” Sabi niya at sinandukan ng kanin ang mga plato namin.

Tahimik lang ako habang nakain. Hindi ko kasi maiwasang maisip si Apollo. All I know is mahal ko siya. That’s the only thing I’m sure about our relationship. But the idea of getting back together? I don’t think so. Matinding I’ll-never-get-tired-of-talking power at I-never-liked-Apollo-for-you-because-I-just-don’t attitude nanaman ang ipapamalas nitong best friend kong may sapak sa utak.

Nagulat ako ng ibagsak niya ang kubyertos sa plato niya. “Nakakainis ka na ha! Kung gusto mong umiyak,umiyak ka! Hindi naman kita pinipigilan. Kung nasasaktan ka, ilabas mo lahat! Best friend mo ko Lunariss. Mula bata magkasama na tayo. Kilala na natin ang baho ng isa’t isa. Ngayon ka pa ba magtatago sakin? Ngayon ka pa ba mahihiya? Para kang tanga! Oo anti-Apollo ako. Ayaw ko ang Lunariss-Apollo Forever, pero kung magiging ganyan ka, hahagilapin ko yung kulugong-putik na yun at ipapakasal sayo! Kuya Peter told me na sinabi mo raw na uuwi ka ng Tagaytay kasama ang mapapangasawa mo. You are practically expecting that that jerk will propose marriage to you yesterday. Sinong niloloko mo ngayon Bes? Last night sa bar. Telenobela? Haha! Funny! Umalis ka kasi hindi mo kayang makita na yung ibang tao masaya ang ending samantalang kayo eto, hiwalay na! I saw how wishful your eyes were nung tumapat sayo ang spotlight kagabi. I know you were hoping that it was Apollo. Lunariss naman! That man cheated on you! Wake up! Matalino kang babae. Hindi ka magiging Lawyer kung hindi. Wag ka ngang tanga. Pina-”

“Oo na! tanga na ko! Ang tanga tanga ko kasi kahit noon pa nahuhuli ko siyang may babae pero binaliwala ko lang yun at patuloy siyang binibigyan ng chance at pilit ko parin siyang pinapatawad. Na iniisip kong kausapin siya at sabihing binabawi ko na yung sinabi ko sa unit niya kahapon. Oo naisip ko na kung maibabalik ko lang yung nangyari kahapon, hindi ako makikipaghiwalay sa kanya. Iba ang gagawin ko. Papababain ko yung sarili ko. Oo naiinggit ako kasi yung ibang lalaki, kayang maging sincere sa paghingi ng tawad at magpropose ng kasal sa pinakamamahal nila at si Apollo hindi. Oo baliw ako para isipin na maghihiwalay rin yung dalawang taong nagmamahalan na akala mo telenobela ang buhay at matutulad ang relasyon nila sa amin ni Apollo. Sorry bes kung mahal na mahal ko siya. Sorry talaga!” napaiyak na ako. Tuloy tuloy na naglandas ang luha sa pisngi ko.

I’m so pathetic.

Niyakap niya ako. Alam niyang kailangan ko yun. Iyak lang ako ng iyak sa kanya.

“Bes pangit ba ko? Ang taba ko na ba? Bakit niya nagawa yun sa akin. Nagpakatanga ko sa kanya ng dalawang taon.” Napaiyak ako lalo. Ang sakit sakit na talaga ng puso ko. Parang tinraydor ako ng lahat ng nerve cells ko. Mas gusto ko pang lagnatin,sipunin at ubohin, kahit sabay-sabay pa sila ng trangkaso, ayos lang basta wag lang ganito kasakit at kabigat ang nararamdaman ko.

 “Wag mo sabihin yan bes, ganito talaga pagumpisa, kaya mo yan. Lalaki lang yan. Marami pa jan maghanap lang tayo. Iwasan natin ang mga katulad ni Apollo at Hans na walang kwenta. Ok?”

Tumango lang ako at unti-unti kong pinatahan ang sarili ko. Tama si Hevn, kung magpapakalugmok ako, ako rin ang kawawa. Napatingin kami sa cellphone ni Bes na nagriring sa ibabaw ng mesa. Sinagot niya ang tawag.

“hello kuya…..opo andito po siya ngaun sa bahay. Kakatapos lang naming kumain……..ok po.” Then she handed the phone to me.

“Hello kuya.”

“Kamusta na ang pakiramdam mo?”

“Ayos naman na kuya”

“Good. Pack your things at pumunta na kayo rito, kung hindi mo kayang magmaneho ngayon, mag-commute ka na lang. Susunduin ka namin sa terminal. Ok?”

“Ok kuya. Uuwi na ako diyan.”

Tumayo ako pagtapos naming magusap. “Uuwi muna ako bes. Sunduin kita rito mamayang mga 4pm. Ok?”

“Bes, hindi ako makakasabay sayo ngayon eh, kahapon bago ka dumating may natanggap akong tawag galing sa isang customer, nagorder siya ng iba’t ibang cupcake. Para raw sa tatlong araw na children’s event. Kailangan kong asikasuhin yun eh. Sorry Bes.”

I gave her an I-understand look. She hugged me. “Magingat ha. Call me when you get there. Ok?”

“Yes bes.”  I just smiled and lumabas na ng bahay niya. Palabas na ko ng gate niya ng sumigaw siya ng, “Forget about him. He’s stupid!” natawa ako sa sinabi niya. “I will!” sagot ko at saka kumaway.

“ANSWER YOUR FUCKIN’ PHONE!” nababadtrip na ako dahil hindi niya sinasagot ang tawag ko. Sabi niya tawagan ko daw siya. “Hindi ba marunong gumamit ng cellphone tong babaeng to? Bakit ba hindi niya sinasagot?” nauubusan na ako ng pasensiya. Nasasayang ang Sunday ko dahil sa kanya. Kakatapos lang naming magsimba nila Ate at Xiara pero nagkakasala na agad ako dahil sa kanya.

“Huli na to, paghindi pa rin niya sinagot bahala na siya. Anong akala niya hindi ko kaya magbayad ng pampaayos ng ginawa niyang perwisyo sa kotse ni ate? Pwes! Nagkakamali siya.” For the last time she dialed the girl’s number. After four rings may sumagot.

Sa wakas!

“Hello? Wh-” hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya at basta na lang nagsalita. “I’m the guy you caused trouble yesterday.” Sinabi ko sa kanya kung saan kami magkikita at kung anong oras.

“Wa-wait, ok? I’m not Lunariss, I’m Hevn, her best friend. If you don’t mind, can you call again after five minutes, ihahatid ko lang tong phone niya sa kanya. Naiwan kasi niya dito sa bahay. Kaaalis lang niya, siguro maaabutan ko pa siya. Ok? Bye.”

The next thing I knew, the call was ended. Damn.

Naghintay ako ng another five minutes at tinawagan ulit ang number niya. Isang ring lang sinagot na. Improving. Natututo na ata gumamit ng cellphone.

“Hello, Lunariss speaking.” Pangcall center ang dating.

“Hello Miss, I’m Enzo, remember the car you accidentally bumped yesterday?”

“Crap! I almost forgot. Yeah, I’m really sorry about that, I was just in a-”

I don’t care.

“Just meet me in-”

“Don’t you know it’s rude to cut someone from talking? Meet me at Coffee Kisses, 1pm. You know the place? If not, consult GoogleMaps.”

She ended the call. Talk about manners.

---------------

dahil makulit ako, andito na ang chapter six :)

sorry sa errors ha. edit ko na lang pag magkatime.

VOTE. COMMENT.

whensheisamonster.

Continue Reading