In a REALationSHIT (Trese Ser...

由 chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH 更多

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)

65.6K 1.9K 242
由 chiXnita

Copyright © chiXnita

I AM always beside her, and yet I couldn't reach her. I'm the closest yet the furthest.

Pinakamalayong distansya? 'Yan 'yong katabi mo lang ang taong mahal mo, pero hindi mo masabing mahal mo siya.

Naputol sa paglalakbay ang isip ko nang sipain ni Xhai ang binti ko. "Busog ka ba? Hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo."

Tinitigan ko siya at ngumiti. Kumain na rin ako kahit nakakain na ako bago pumunta kay Mrs. Gallos. Hawaiian pizza lang ang inorder namin at inumin. Pero ¾ ng slices ay naubos na niya.

Kakatapos lang din naming mamili, mga gamit na kailangan sa flower shop. May mga empleyado naman siya kaso ang gusto niya'y lumabas muna dahil ayaw niya ng atmosphere sa loob ng kanyang opisina. Hindi na niya nasabi ang dahilan dahil nakatutok na ang kanyang atensiyon sa pizza.

Naiba rin agad ang topic na pinag-uusapan namin. Nalipat kay Grant. Tungkol sa road trip nila. At dapat sasagutin na niya, pero hindi natuloy kasi may emergency call si Grant n'ong huling beses na magkasama sila. Kaya ang nangyari'y nasa Cebu si Grant ngayon.

Kapag bumalik si Grant ay alam kong wala nang makakapigil sa bagay na iyon.

Wala akong ginawa kung hindi ang makinig. Ang ngumiti. Ang maging masaya para sa kanya. Noon pa man ay iyon lang ang ginagawa ko. Okay na ako sa bagay na 'to... kasi kahit konting oras lang na makasama ko siya'y kumpleto na ang araw ko.

Ang kaibahan lang ay... noon, palagi na lang siyang malungkot at umiiyak kapag nababanggit si Grant. Ngayon, ang saya-saya niya... sobrang saya niya. Hindi na nabura ang ngiti niya't ultimo kanyang mga mata'y nagniningning sa tuwa.

Hindi ko na nabilang kung ilang beses akong napapabuntong-hininga.

Dead end, Brix. Stop! It's over. You need to break, and take a U-turn. 'Wag ka nang maghintay na magkaroon ng street extension dahil hinding-hindi mangyayari 'yun. Move on!

Pero... masaya ako kasi masaya siya.

"So sick of trying. So tired of crying. Damn, I'm still smiling but deep inside I'm dying," bulong ni Xhai.

"Huh..?" Naibaba ko ang kamay na may hawak na pizza na isusubo ko na sana. Nakaawang ang bibig ko habang bahagyang nakakunot ang noo. Hawak-hawak ni Xhai ang iphone niya habang may binabasang kung ano. Pinapatamaan niya ba ako?

Nag-angat siya ng tingin at ipinilig ang ulo. Kinagat niya ang pizza at ibinalik ang iphone sa bag niya. "May nagtweet lang," kibit-balikat niya't ipinagpatuloy ang pagnguya. Nilalaro ng kanyang mga daliri ang straw sa kanyang baso.

"Sino?" Hindi ko napigilang itanong. Kapag hindi mapakali ang mga kamay niya, gano'n din ang nararamdam niya. I know her damn well.

Nagdalawang-isip pa siya bago sumagot. Idinikit niya ang bibig sa straw at sumipsip. Ipinapaikot niya ang dalawang palad sa gilid ng baso. "Si Green."

That idiot! Sinabi ko na sa kanya noon pang tumigil na. Ayaw pa ring magpaawat. Gustong-gusto talaga ng gulo!

*.*.*.*.*

"WHAT ARE you doing?" Napatalon palayo si Ryder sa puno ng bayabas nang tapikin ko siya. Nagtatago. Ang liit-liit naman ng puno. Nakablack swimming trunks lang siya.

Kumunot ang noo ko dahil nilingon niya lang ako saglit at muling ibinalik ang titig sa tinitingnan niya. Tumingin din ako roon para lang matulala.

"What the hell do you think he's doing?" tanong din niya imbes na sagutin ang tanong ko. "It's Xhaiden! Where the hell is Xyrene?"

Kasama ni Xy ang Sexy Chicks sa kabilang pool. Pero hindi ko na siya nasagot.

Ikinuyom niya ang mga kamao. Umamba siyang lalapitan si Grant na nakatayo malapit sa isa sa mga swimming pool dito sa Flores de Trese Resort habang nakatitig sa natutulog na si Xhai.

Nakasuot si Xhai ng manipis na faded red robe, nakahiga sa tilting bed sa gilid ng pool. Natutulog.

Umupo si Grant sa kabilang tagiliran niya at hinawi ang buhok niya sa mukha. Naningkit ang mga mata ko. Humakbang si Ryder palapit sa kanila. Dali ko siyang hinila at sinapak.

"What the fu—" Tinulak ko siya paupo sa gilid ng mga naglalaguang bulaklak at tinakpan ang bibig.

"Shut up!" Mahina pero may diin na sambit ko bago pinakawalan ang bunganga niya. "Mag-isip ka nga muna bago gumawa ng eksena," dagdag ko pa. "And stop stalking Xhai!"

"I am not!" masyadong mabilis na tanggi niya. Napailing ako't hinimas ang batok.

"Sige, lokohin mo lang ang sarili mo." Palagi kong kasama si Xhai at palagi ko ring natatanawan si Ryder sa malayo. Ang gago! "She hates you."

Rude na kung rude pero iyon ang totoo. Inis talaga si Xhai sa kanya. Palagi naman kasing inaasar ng isang 'to kapag sila ang magkasama. Alam ko ang mga iyon dahil wala namang inililihim sa'kin si Xhaiden.

"I know," tanging naisagot niya. Tinitigan ko siya. Hindi ko mabasa ang iniisip niya.

"At wala kang pag-asa sa kanya." Ngumisi siya pero hindi nagsalita. Hindi ko alam kung para ba sa kanya 'yung sinabi ko o sa'kin mismo. "Seryoso, Rydz. Wala talaga!"

"Tangina! Alam ko..." Tumayo siya't tinalikuran ako.

"And when was the last time you've secretly kissed her?" Natigilan siya pero hindi sumagot. Palatandaan na tama nga ang mga hinala ko. Umalis na siya't hindi ko napigilan ang matawa.

Parehas kami. Ang pathetic ng aming sitwasyon.

"Oh, Rydz!" boses ni Serg. Napatayo agad ako. "Where's Brix?"

"And Grant?" si Xyrene.

"At si Xhai? Magkasama sila ni Brix?" Si Angel.

Dali akong sumunod kay Ryder. Nandito na ang lahat ng barkada at kinakabahan akong baka pumunta sila sa De Carpio's swimming pool na siyang pinakamalalim sa labing-tatlong pools. Nandoon si Grant at Xhai.

"Mababatukan ko talaga ang dalawang 'yon. 'Di na naman ako—" Itinaas ko ang nakabukang palad at mahinang pinalo ang ulo ni Gel gamit ang gilid nito. "Tangina!" Humarap siya't pinandilatan ako.

"Problema mo? Si Xyrus?" tanong ko pero binulong ko na sa kanya 'yung huling salita, pero pigil na pigil ko ang tumawa nang malakas dahil sa naging reaksiyon niya.

Pasimple akong sumulyap kay Xyrus na nakatayo sa gilid ni Zyle, nakakunot ang noong nakatitig sa'ming dalawa.

Mahigit isang taon pa lang namin siyang nakilala. Mahabang kwento. Basta anak siya ni Tito Hellix sa ibang babae bago pa sila magpakasal ni Tita Xyria. Tanggap naman ni tita si Xyrus lalo na nina Xy at Xhai.

Nag-aadjust pa si Xyrus sa bagong buhay niya pero madali naman siyang pakisamahan. Bagong myembro siya ng Hot Dogs. Tanggap naman namin siyang lahat.

Si Angel lang yata ang hindi.

Well, nung una... close naman sila. Pero ngayon... halos gulpihin na ni Angel si Xyrus.

Paano... nung nakaraang buwan lang ay sinabi ni Xyrus na may gusto siya kay Angel, sa harapan naming lahat at ni Gel. Birthday debut noon ni Dew, May 5.

"Happy Birthday, Brix!" Binati ako ni Gel, nginitian at mabilis na niyakap. Sumunod naman ang ibang barkada naming babae at pinalibutan ako. Tawa ako nang tawa dahil kinikiliti nila ako.

June 8 ngayon, mag-aalas-siyete na ng gabi. Ako naman ang may debut kaya kumpleto kaming lahat dito sa resort. Pati ang parents ng ilan sa kanila'y nandito rin.

Sina Cyclone, Serg, Dew at Jerson naman ay tinapik lang ako sa balikat at humakbang palapit sa hindi ganoon kalayong pool sa likuran ko. Naalarma ako.

"Ryder!" tawag ko sa kanya dahil hindi ako makaalis sa pagkakayapos nina Irish at Denice. Nakisama pa si Shantal na alam kong ideya na naman 'to ni Angel. Sina Xyrene, Vlaire at Caleigh naman ay nakatingin lang sa'min habang tawa nang tawa. Si Keziah ay kinakausap si mommy.

Tumakbo si Ryder sa likuran ko at hinila si Jerson na malapit na sa pool. Naintindihan niya agad ang tawag ko sa kanya. Kaming dalawa lang ang nakakaintindi nun. Napapamura na ako sa isip dahil hindi niya kayang mag-isa 'yong apat.

"Mom!" agaw atensiyon ko sa kanya. Nakikiusap ang mga mata ko. Dahil magulang ko siya alam kong alam niya ang ibig sabihin ng titig na 'yun. Ngumiti siya, nagpipigil ng tawa. Alam kong pinagtatawanan niya ang sitwasyon ko't naintindihan niya rin ako.

"Kids, hindi pa napupuno ang tubig sa De Carpio's pool. Sa Fulgencio muna kayo magswimming." Ito ang sumunod na malaki't malalim na pool. Nakahinga ako nang maluwag nang bumalik sina Jerson.

Nagulo naman ni Ryder ang buhok at umupo sa gilid. Halatang nabunutan ng tinik. Pasimpleng kumindat sa'kin si mommy.

"Guys, sandali lang," naghahabol ng hiningang usal ko. Lumayo sa'kin sina Irish at Denice. Lumapit si Shantal kay na Caleigh at Vlaire.

Nagsalubong ang mga kilay ko dahil wala na sa tabi nila si Xyrene. Hindi ko rin siya nakita sa paligid. Nasa tabi ko pa rin si Gel. Inilapit niya ang mukha sa'kin at kinagat ako sa gilid ng leeg.

Shit! Ba't ba ang hilig nilang mangagat ni Xhai?

"Hoy... Birthday na birthday mo pero ang lalim ng iniisip mo!" sita niya sa'kin. Wala talaga akong maitago sa kanya.

Ginulo ko ang buhok niya. "Guni-guni mo lang 'yan. Sandali, pupuntahan ko lang si Xhai."

"Nasaan nga kasi siya?"

"Natutulog sa cottage." Nagdududa ang titig niya pero hindi na nagtanong pa. Totoo naman ang sinabi kong natutulog si Xhai. Kaso 'di sa cottage. "Gigisingin ko lang. Diyan ka lang!"

Lumapit ako kay mommy na inaasahan na ako. Itinaas niya ang kilay. Ibig sabihin kailangan kong sabihin sa kanya kung ano'ng nangyayari. Hinalikan ko siya sa pisngi. Para makabulong na rin. "Later, Mom. 'Wag mong papasunurin sa'kin si Angel."

"Why? Payag ka nang ipakasal ko kayo?" aniya nang makalayo na ako. Pinagtinginan tuloy siya ng mga barkada ko.

Sumulyap ako kay Gel. Alam niyang siya ang tinutukoy ni mom. Nakataas ang kanang kamay niya habang nakadikit ang kuko ng hinlalaki sa gitna ng hinliliit. Ibig sabihin gano'n lang kaliit ang pag-asa ko sa kanya. Napaismid ako't inilagay ang kamay sa noo't tumingin sa paligid at umiling-iling. As if!

Dumiretso sa pool. Nakita ko si Xyrene na nakatayo patalikod sa'kin. Nakalagay ang dalawang palad niya sa bibig. Nanginginig ang kanyang mga balikat. Tumakbo ako dahil akala ko'y inaatake siya pero hindi.

Umiiyak siya. Nalipat agad ang tingin ko sa tinititigan niya.

Para akong sinaksak!

Umakyat yata lahat ng dugo ko papuntang ulo nang makita si Xhai na nakahiga sa gilid ng pool. Nakaluhod si Grant sa may tagiliran niya habang magkadikit ang kanilang mukha... hinahalikan siya.

Hindi na ako nagdalawang-isip. Sumugod ako. Hinawakan ko si Grant sa balikat. Bago ko pa siya mahila palayo kay Xhai ay naitulak na niya ako pabagsak ng pool.

Bumalik siya sa ginagawa bago ipupump ang bahagi ng dibdib ni Xhaiden. Nanginginig ang mga kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko't naistatwa.

"Shit! Breathe... P-Please, Heather... breathe," paulit-ulit na sinasabi ni Grant. Paulit-ulit niya rin ginagawa ang cardiopulmonary resuscitation (CPR).

Pero hindi nagrereact si Xhai. Nakahiga lang. Nakapikit ang mga mata. Hindi humihinga. Iyak nang iyak si Xyrene sa gilid habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan niya.

Magaling lumangoy si Xhai. Kaya bakit? Ano'ng nangyari? Malakas ang music sa buong resort kaya tiyak na hindi kami maririnig kahit sumigaw man kami.

Napahilamos ako sa mukha at umahon ng pool. Nanginginig ang buong katawan ko. Napaupo ako sa rough surface ng pool habang hindi kumukurap na nakatitig kay Xhai at kay Grant na sobrang natataranta.

I couldn't do a thing. I was so stunned watching them.

"N-No... God, please..." I saw tears. Namumutla si Grant. This is the first time I've ever saw him crying. "C'mon! B-Breathe..." Gano'n pa rin ang ginagawa niya. Binibigyan ng oxygen si Xhai at ipupump sa may dibdib. Pero walang nangyayari.

"Grant! Grant..." Mas naging hysterical ako. Hindi niya ako narinig. Mukhang hindi niya rin yata ako nakikita. "Tangina! Grant..." Sinuntok ko siya sa panga. "Calm down! Mali ang ginagawa mo. D-Do it again..." Mabilis naman siyang sumunod.

Nang gawin niya ulit ay saka lang umubo nang sunod-sunod si Xhai. Inilabas niya ang mga nainom na tubig. Napaupo si Grant at pinunasan gamit ng braso ang mga mata at noo.

Inilalayan ko naman agad umupo si Xhai pero nakapikit pa rin siya't patuloy sa pag-ubo. Kalaunan ay tumayo si Grant.

"You're the one who saved her," tanging naisambit niya.

"A-Ano?" Gusto ko siyang pagsusuntukin!

Hindi na siya nagsalita at lumapit kay Xyrene na patuloy pa rin sa pag-iyak. Pero nilagpasan siya ni Xy at lumapit sa'min. She will always choose Xhai over Grant.

"Xhai, oh my God. A-Are you okay, Xhai? X-Xhai..." Hindi naman siya masasagot ni Xhai dahil nakapikit pa rin. Pero alam kong okay na si Xhaiden. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakabulagta na rin siya sa sahig.

Agad na dumalo si Grant at binuhat si Xyrene. Gano'n din ang ginawa ko kay Xhai. Saka nagsidatingan ang barkada.

Sinugod namin ang kambal sa pinakamalapit na hospital dahil malayo ang Loriete's Hospital sa resort. Ang dapat na masayang birthday ko ay nasira.

Kaya hindi ko gusto ang may nagbibirthday sa'min dahil simula n'ong magdebut sina Xhai ay kung hindi maganda ay masasamang bagay naman ang nangyayari.

Nang magising si Xhai ay hindi niya alam na muntik na siyang malunod. Kaya itinago na namin ang bagay na iyon sa kanya. Ang alam niya'y nawalan lang siya ng malay kaya siya isinugod sa hospital.

*.*.*.*.*

"B, OKAY ka lang?" Marahan akong siniko ni Xhai sa tagiliran. Naglilibot-libot na kami ngayon sa Trinoma pero lumalakbay pa rin ang isip ko sa nakaraan.

"Kanina ka pa tahimik. Masakit ba tiyan mo? Baka mamaya mangyari ulit sa'yo 'yung nasa high school pa lang tayo." Napangiti na lang ako dahil naalala niya na naman 'yung nagkaLBM ako. Hinding-hindi niya talaga 'yun makakalimutan.

Pero hanggang ngayon hindi niya pa rin naaalala na niligtas siya ni Grant.

Sa totoo lang ay napakarami pa niyang hindi alam.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa may makabangga siyang matangkad na lalaking malaki ang katawan na hindi tumitingin sa dinaraanan.

"Sorry po... Sorry," paulit-ulit na hingi niya ng paumanhin. Hinawakan ko siya sa balikat at hinapit palapit. Sa kabilang kamay ko ang mga pinamili namin.

Tiningnan ako nung lalaki nang matagal. Hindi siya nagsalita bagkus ay may kinuha siya sa kulay pulang pouch niya. Nagsalubong ang mga kilay ko. Red purse? "Hi, Mister. Can I get your number? Oh my... you're so hot and—"

"What the... excuse me?" Bago pa ako makapagsalita ay pumagitna na si Xhai. Hindi ako nakapagreact dahil nagulat ako na bakla ang isang 'to. The fuck? Ang laking tao. "But he's—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tinabig siya nito. Uminit ang ulo ko.

Hinawakan ko ang kuwelyo ng lalaki. Namutla siya bigla wala pa man akong ginagawa. "Don't fuckin' hurt her—" Hinila ako ni Xhai.

"Sorry, pretty. But he has multiple personalities. He's handsome but he's a freak," komento niya. Natulala na lang 'yong bakla habang naglalakad kami palayo.

Pumasok kami sa isang photo booth. 'Tapos tumawa siya nang malakas. Pinapalo ako sa braso at iuuntog ang ulo niya sa dibdib ko. Halos maubusan siya ng hangin. "Hanggang ngayon, B... Hanggang ngayon pala ang lakas pa rin ng alintog mo sa mga bakla." Humawak siya sa tiyan niya. Kulang na lang gumulong siya.

"Xhai..."

"Naalala mo si Cloyd Ernesto? Si Cloyd sa umaga... si Claudia sa gabi. 'Yong baklang naging kaklase namin sa PE dati na sobrang obsessed sa'yo... kaya nagnakaw ng brief mo. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano siya nakakuha ng brief mo—"

"Xhaiden!" Lahat na yata ng dugo ko'y nasa mukha ko na pero nagpatuloy pa rin siya.

"Sayang wala rito si Gel. May kontak siya kay Claudia, eh. Sikat na kayang designer ang baklang 'yon ngayon. Biruin mo, designer siya, artist ka!" Binitiwan ko ang mga dalang paper bags at ginulo ang buhok. Pinindot ko ang camera sa harap namin na nakafixed sa 20 shots. Bigla itong nagflash. Tumili siya. "B, 'di pa ako ready. 'Wag stolen!"

Napailing na lang ako habang panay ang halungkat niya sa mga malalaking head bands sa gilid na iba-iba ang designs. Hindi pa siya nakakapagpose ay nagfaflash na ang camera. Kaya halos lahat ng kuha ay stolen shots. Natawa na lang ako nang ngumuso siya't pinandilatan ang camera. Pati iyon ay nakunan.

Wala na akong suot na necktie kaya hinila niya ang longsleeves ko sa may dibdib dahilan para mapayuko ako. Isinuot niya sa'kin ang kulay pink na head band. Isinuot niya naman ang sumbrero ni Law sa One Piece habang tawa nang tawa sa naging reaksiyon ko. Iyon ang huling shot.

"Ang cute natin dito." Kanina pa niya 'yan sinasabi habang tinititingnan 'yung huling kuha namin. Sa lahat ng shots ay iyon lang ang matino. "Ang tagal ko nang hindi nakakapagpost ng picture natin na magkasama sa Instagram. Sandali... Ipopost ko lang." Kinuha niya ang iphone niya't pinucturan ang hard copy nito. "Iinggitin natin si Angel."

Siguro ito na ang huling beses na makakasama ko siya nang ganito.

Sa susunod na araw ay alam kong maraming magbabago. Kung makakapagsama man kami'y baka sa mga okasyon na lang na meron sa Trese.

Walang permanente sa mundo at lahat ng mga masasayang alaala na meron kami'y mananatili na lang memories.

(ATM. Having fun with this freak.👇👇 Mainggit ka, Gel. Please... 😁😁 BTW, Claudia, namimiss ka na ni Brix. Isuli mo na raw ang kanyang brief! 😂😂) Ayan ang tumambad sa'kin pagkabukas ko ng Instagram ko fifteen minutes matapos niyang maipost ang picture namin.

Nakatag ako, si Gel pati na rin si Cloyd. At ang hindi ko masikmura'y nakapagcomment na agad ito. "Girl, hindi pwede. It's in the ref kasi at nakapreserve, eh. Where ba you? I'm coming!" Nakapagreply na rin si Xhai: "Trinoma. 2nd floor."

"Xhaiden!" Busy siya sa kakatingin ng mga keychains sa loob ng isang shop.

Nalingat lang ako kung saan na nakarating. Bitbit-bitbit ko pa rin ang mga paper bags na habang tumagal kami rito sa mall ay parami nang parami. At lahat ng mga ito'y bawas sa credit card ko. Nginitian niya lang ako.

"Tara na. Ihahatid na kita sa flower shop." Hinawakan ko siya sa siko.

"Bibilhin ko lang 'to." Itinaas niya ang lizard keychain. At dahil wala siyang dalang wallet mabubutas na naman ang aking bulsa.

Napakamot ako sa ulo. "Ano'ng gagawin mo diyan?"

"Panakot kay Grant." Bigla siyang ngumisi nang nakakaloko. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya. Ngayon ko lang nalaman na takot si Grant sa butiki. "Last na 'to. Promise..." Kinuha ko ang keychain at pumunta sa counter.

Paglingon ko sa kanya'y nakangiti pa rin siya. Napangiti na lang din ako. Kung ganito siya kasaya araw-araw ay hinding-hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon ko.

*.*.*.*.*

NAGKAKAGULO SA loob ng ER dito sa hospital ng Isla de Carpio. Inaasikaso si Xyrene ng mga magagaling na doctor sa loob. Nasa kabilang private room naman si Xhai kasi nawalan ng malay.

Si Grant ay umiiyak sa isang sulok. Ikalawang beses na makita ko siyang umiyak nang ganito. Saka ko lang napagtanto na mahal na niya si Xyrene. Engaged na silang dalawa at malapit na ring ikasal nang mangyari 'to.

Busy si Angel sa kakatawag sa mga parents namin. Ang ilang mga barkada ko naman ay hindi rin mapakali at nagsisiiyakan na rin. Pati si Xyrus na sobrang lapit sa kambal. Of course, they love Xyrene. Wala namang hindi.

Sobrang bait na tao at lahat yata ng makausap niya'y matutuwa sa kanya. Wala pa siyang nakaaway sa school. At wala ka ring mababalitaan na may galit sa kanya. Ang problema lang ay ang kanyang sakit.

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Nakaupo lang ako sa bench habang nakayuko. Naghihintay na lumabas ang mga doctor mula sa loob.

Dahil malapit nang ikasal sina Grant at Xy ay nagbakasyon kaming lahat sa Roa Island. Pero kaninang umaga ay niyaya kaming apat ni Xhai na pumunta sa tuktok ng isla. Ako, si Gel, si Grant at si Xy.

Hindi na namin nasama ang iba dahil natutulog pa't ayaw ni Xhai. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw ding sumama ni Grant noon at alam ko ang dahilan pero napilit siya ni Xyrene.

Kung alam ko lang na mangyayari ang aksidenteng ito na tiyak na babago sa takbo ng buhay namin ay hindi na sana kami naghiking.

Tiyak na sisisihin ni Xhai ang sarili niya sa nangyari. Iyon ang sigurado ako. At hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.

Matapos ng aksidenteng iyon ay mas maraming pang nangyari. Comatose si Xyrene at ngayon ay nasa private residence ng mga Roa.

Napagdesisyunan din ng pamilya Roa at Loriete na si Xhai at si Grant ang ipapakasal nila. Maraming hindi natuwa. Kahit si Grant ay hindi iyon nagustuhan.

Alam ko mahal niya si Xhai noon pa pero nang sabihin iyon ni Tito Greg ay nagduda ako kung mahal niya pa rin si Xhai. Pero walang nakapigil sa desisyon ng mga magulang nila. Tumira silang dalawa ni Xhai sa iisang bahay.

Nagbago ang personality ni Grant. Sobrang laki ng ipinagbago niya.

Hindi na siya madalas sumasama sa barkada. Puro na lang negosyo ang inaasikaso niya. Madalas siyang lumuluwas ng bansa para maiwasan si Xhai. O kaya parati ko siyang nababalitaan na pumupunta sa mga sikat na bar o night club. Kapag nagkakausap kami'y simpleng tanguan lang. Tipid na tipid ang mga sinasabi niya at madalas ako ang gumagawa ng topic para lang magsalita siya.

Mas malamig pa yata siya sa yelo.

Gano'n din si Xhai. Iyakin na siya noon pa pero wala na yatang tatalo sa kanya ngayon. Ni hindi ko na siya nakikitang ngumingiti. Madalang na rin namin siyang makasama ni Gel. Nasa bahay lang siya nila ni Grant madalas at hindi rin siya lumalabas. Kami na ang dumadalaw sa kanya at madalas wala si Grant doon. Madadatnan na lang namin siyang umiiyak.

Alam ko sinasaktan siya ni Grant emotionally.

Gusto kong gulpihin si Grant, at sigawan. Pero masyado na siyang basag at nasasaktan din siya. Ayoko nang dagdagan pa.

Sa ginagawa nila'y nagsasakitan lang sila.

Pareho nilang sinisisi ang mga sarili sa nangyari.

Ako lang ang nakakaalam ng mga bagay tungkol sa kanila maliban kay Xyrene. Kaya napagdesisyunan kong sabihin ang mga iyon kay Angel dahil hindi ko na kayang makitang gano'n si Xhai, na gano'n si Grant.

Kaso bago ko pa masabi kay Angel ay tumawag siya sa'kin. Magkita raw kami. Dinukot niya si Xhai at kasama na ito ni mommy. Kahit wala akong maintindihan sa mga nangyayari ay sumunod ako sa mga sinabi niya.

Nang magkita kami'y kinuwento niya sa'kin ang kagagohang ginawa ni Grant. Natulala ako. Hindi ko alam kung paano magrereact.

Isa lang kasi ang alam ko. 'Di kayang gawin 'yon ni Grant. O mali ako?

Pumunta pa ako sa bahay nina Xhai pero hindi ko man lang nahalata ang bagay na iyon. Hindi niya rin sinabi sa'kin kahit nangyari na iyon bago pa ako pumunta roon. Ayaw niya ring tumawag ako sa kanya kaya hindi ko na muna siya kinukulit dahil iyon ang gusto niya.

"Walang hiya talaga ang gagong 'yon! Oo, nasaktan siya sa nangyari kay Xyrene pero hindi naman iyon kasalanan ni Xhaiden. Mahal siya ni Xhai. Mahal niya si Xy. Pero kahit pagbali-baliktarin ang mundo'y ikakasal na sila ni Xhai. Kung hindi lang ako pinigilan ni Xhai kahapon sa hospital, napatay ko talaga siya," gigil na gigil si Gel habang umiinom ng tubig.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. "G-Gel, ano'ng ginawa mo? Don't tell me—"

"Binugbog ko si Grant. Tangina niya—"

"Angel!" Tumaas ang boses ko. Natameme siya. Napatayo ako't napainom din ng tubig. Dito kami ngayon sa condo niya dahil dito niya gustong mag-usap kami. Kakagaling niya lang kay mommy. Hindi niya pa sinasabi sa'kin ang dahilan.

"Oh, ano'ng problema mo? Oo, kaibigan mo siya. Barkada ko rin siya. Pero sumosobra na siya!" Tumaas na rin ang boses niya. Napasabunot ako sa ulo at muling umupo. Katapat ng inuupoan niyang one seater.

Hindi niya kasi maintindihan kasi wala siyang alam.

Ito ang gustong mangyari ni Grant. Ang kamuhian siya ng lahat.

Naiinis siya sa sarili niya kaya ang gusto niya'y gano'n din ang buong mundo sa kanya. Pero hindi naman iyon tama. Hindi na tama ang ginagawa niya kay Xhai. Hindi na tama ang ginagawa niya sa sarili niya.

Nakalimutan na niya kung sino talaga siya.

"Grant loves Xhai—"

"Oh c'mon, Brix, don't give me that shit—"

"Gel..." Tinitigan niya ako dahil ang seryoso ko.

Sinabi ko sa kanya ang lahat. Ang tungkol kay Grant at Xyrene. Pati ang nangyari nung debut ko. Wala akong inilihim kahit isa na dapat noon ko pa ginawa.

Nakikinig lang siya. Nang matapos ako'y hindi siya nakaimik. Nakatitig lang siya sa'kin na parang hindi makapaniwala.

"Nasasaktan din si Grant. Si Xyrene lang ang nakakaintindi sa kanya noon pa. At mahal na niya si Xy pero alam ko mahal niya pa rin si Xhai. Isipin mo na lang kung gaano kakomplikado ang sitwasyon niya. Isipin mo na lang na 'yong nag-iisang taong nandiyan palagi sa tabi mo ay pwedeng tuluyang mawala. Isipin mo na lang kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya."

"Hindi siya maintindihan ng mundo kasi ayaw niyang ipaalam ang nararamdaman niya sa ibang tao. Noon pa lang, gano'n na siya. Okay lang na sarilihin niya ang lahat ng problema. Pero, Gel, katulad ko at mo, tao lang din si Grant. Magiging insensitive ako sa bagay na 'to... pero sa ating dalawa ikaw lang ang nakakaalam kung gaano kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay. At alam ko hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin kapag naaalala si Alex. Malaki ang ipinagbago mo. Katulad ni Grant."

"Kung ayaw niyang maintindihan siya ng ibang tao, bakit hindi tayong mga kaibigan niya ang umintindi sa kanya? Mahal ko si Xhai pero..." Tumayo ako. Sinundan ako ng tingin ni Gel.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Grant. Kakausapin ko siya..." Palabas na ako ng condo niya nang muli siyang magsalita.

"Xhai has OLD." Napalingon ako't kumunot ang noo ko. "Obsessed siya kay Grant, Brix."

Nasa tapat na ako ng pinto ng bahay nina Grant ay nag-eecho pa rin sa pandinig ko ang huling sinabi ni Angel. Pinilit kong ipalis ang ideyang iyon sa isip ko kasi kung totoo man iyon ay hindi ko na mababago. Pupunta ako kay Xhai mamaya matapos kong kausapin si Grant. Alam kong nandito siya dahil wala si Xhai rito ngayon.

Pagbukas ko ng pinto'y napaiwas agad ako nang may lumipad na bote ng alak sa direksiyon ko. Tumama iyon sa pinto pagsarado ko.

Sumalubong sa'kin ang nakulob na amoy ng iba't ibang klaseng alak. May mga nagkabasag-basag din sa sahig. Napahawak ako sa ilong habang naglalakad patungo kay Grant. Nakaharap siya sa pader habang sinusuntok ito.

Hinawakan ko siya sa balikat dahilan para masuntok niya ako sa panga. Sa gigil ay ginantihan ko siya. Napaupo siya sa sahig dahil sa kalasingan.

Umiiyak siya. Ikatlong beses na makita ko siyang umiiyak.

Napahilamos ako sa mukha. Ilang beses pa kaya siyang umiyak nang hindi ko nakikita? Sa harapan ng ibang tao ang tapang-tapang niya. Pero itong mag-isa lang siya mukha siyang tanga. Pariwara!

Umupo ako't hinawakan ang kamay niyang puro galos at binalot na ng dugo dahil sa kakasuntok sa pader. May mga galos din siya sa mukha siguro nang dahil kay Angel.

Bigla siyang tumawa nang mapait pagkakita sa'kin. "Papatayin mo na ba ako? Si Angel kasi hindi pa itinuloy kahapon—"

Sinapak ko siya. "Gago!"

Imbes na indahin ang sakit ay mas lalo siyang tumawa. "Alam mo naman palang gago ako. Bakit hindi mo pa ituloy ang balak mo?"

"Fuck, brad, nandito ako kasi kaibigan mo ako. Hindi kita papatayin kahit na isa kang gago!" Tumawa ulit siya.

Nagulo ko ang buhok. Lasing siya. Sabi nila madaling kausapin ang lasing, eh ba't ang isang 'to ang hirap ispelingin?

"Ang laki ng ipinagbago mo pero may isang hindi nagbago sa'yo, hanggang ngayon sinosolo mo pa rin ang problema mo. Akala ko ba kaibigan mo ako? Eh, bakit ayaw mong magsabi sa'kin ng nararamdaman mo?"

"Genie in a bottle ka ba?" Kumunot ang noo ko. "Hinihiling ko na maglaho ka sa harapan ko kasi nabibwisit na ako sa'yo." Nasapak ko ulit siya. Sakit sa ulo.

"Mahal mo si Xyrene?"

"Tanga! Gago! Papayag pa akong pakasalan siya kung hindi?" Napabuga ako ng hangin. Nagsasabi nga ng totoo ang lasing. Kailangan mo lang magtanong.

"Mahal mo si Xhai?" Napasapo ako sa panga nang suntukin niya ako. The hell!

"Fck you! Mahal? Mahal na mahal na mahal, gago." Para akong sinibat sa sinabi niya. At sa'kin niya lang nasasabi 'to.

Hindi niya masasabi ang ganito sa harapan ni Xyrene, ni Xhai o kahit ng ibang barkada namin. He was so damn good for hiding his feelings. Gago, eh.

"Mahal mo rin siya pero hanggang ngayon wala ka pa ring ginagawa," inis na bulalas niya. Binalak niya ulit akong suntukin. Nakaiwas na ako. Ano'ng akala niya masarap ang suntok niya?

"Sino'ng mas mahal mo sa kanilang dalawa?" Doon ulit siya tumawa.

"Ano'ng akala mo? Lasing ako!? Brief mo mabaho. Matino 'to, Brix." Tinuturo-turo niya ang sarili. "Hindi ako calculator na siyang sasagot sa mga pinoproblema mong tanong—"

Kinuha ko ang pitsel na nakapatong sa mesang may lamang malamig na tubig at ibinuhos sa kanya. Sa inis ay inilalayan ko siyang tumayo at pabagsak na pinaupo sa sofa.

"Ano? Nahimasmasan ka na?" Napaupo rin ako sa isang sofa at napahawak sa noo. Sa lahat ng lasing siya lang ang mahirap kausapin.

Humiga siya sa sofa. Hindi na kami nag-imikan. Naghari ang katahimikan. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya nagsalita. Akala ko tulog na ang gago.

"Bakit hindi ka galit sa'kin?" Napatuwid ako ng upo sa tanong niya. "Lahat ng tao magwawala katulad ni Angel kapag nalaman ang ginawa ko. Pero ikaw mahal mo si Heather pero nandito ka ngayon sa tabi ko't kinakausap ako."

"Ginusto mo ba ang ginawa mo?" Mahinahon na tanong ko kahit humihiwa iyon sa hindi ko malaman na parte ng katawan ko. Alam ko na rin naman ang sagot.

Matagal bago siya muling nagsalita. "S-Sa lahat ng mga maling ginawa ko, iyon lang ang pinagsisihan ko." Nakatagilid siya. Nakaharap sa backrest ng sofa. Gumagalaw ang balikat niya at ayaw niyang makita ko ang kanyang mukha.

"Sinisisi ko siya sa nangyari kay Xyrene pero mas sinisisi ko ang sarili sa mga nagawa ko. Mahal ko siya pero hindi pwede. Pinili ko si Xy noon pa, kahit na mahal na mahal ko siya, at papanindigan ko iyon. Ayokong maging unfair sa kanya. But why the hell did this happen? Xy doesn't deserve this. They don't deserve this. This is all my fault, Brix. At ano bang hindi maintindihan ng mga magulang ko? Ba't kailangan pa nilang ipakasal ako kay Heather? God knows how much I love her... how much I'm crazy about her, but we're not supposed to be together. I already gave her up. I already did the most sickening thing to hurt her. Pero bakit kahit ano'ng gawin ko'y ayaw niyang lumayo? I don't know what to do anymore. Kaya, brad, parang awa mo na, kung mahal mo siya... ilayo mo siya sa'kin—"

Kinuha ko ang living room slippers sa gilid at binato sa kanya. Sapol siya sa likod ng ulo. Napabalikwas siya ng upo.

"Mas mabaho ang brief mo, gago! Bulok ang mga rason mo. Maling-mali. Hindi mo deserve si Xhai kaya gumagawa ka ng paraan para mas hindi ka maging deserving sa pagmamahal niya? Para ilayo ka namin sa kanya? Gago ka talaga! Isang malaking tanga! Mahal mo siya. Iyon ang totoo. Hindi totoong pinili mo si Xy. Kasi alam ko n'ong kinausap mo ako rati... si Xhai ang pinili mo. Pero, dahil sinabi kong mahal ko siya, binago mo ang desisyon mo. 'Wag mong idahilan sa'kin na unfair ka kay Xyrene kasi noon pa lang unfair ka na talaga. Alam niya na 'yun. Unfair ka hindi sa kanya, unfair ka sa sarili mo, Grant! At kung ginagawa mo 'to dahil pa rin sa kanya. Mag-isip ka! Bakit siya nakipagbreak noon sa'yo? Kasi pinili niya si Xhai. Dahil alam niyang mahal ninyo ni Xhai ang isa't isa. 'Wag kang tanga!"

"At 'wag na 'wag mong idadahilan sa'kin na ayaw mo akong kalabanin dahil lang mahal ko ang taong mahal mo, at dahil lang kaibigan mo ako. Gago ka, Grant, mabuti't alam mo. Gago ka dahil ipinaupabaya mo sa'kin ang taong mahal mo rito sa siraulong kaibigan mo. Gago ka dahil noon pa lang sinasaktan mo na ang taong mahal mo. Gago ka kasi pinapahirapan mo ang sarili mo. Gago ka kasi kahit ano'ng gawin mo'y hindi mo na maitatama ang mga bagay na pinagsisisihan mo. Pero desisyon mo na kung mananatili ka pa ring gago."

Tinitigan niya ako nang matagal. Ito na ang pinakamahabang speech na ginawa ko sa buong buhay ko. Bigla siyang tumawa nang malakas. Uminit ang ulo ko.

"Brad, akalain mo 'yun. May talent ka sa mga hugot na linya. Ba't hindi mo subukang magsulat ng libro nang magkaextra ka—" Ibinato ko ang kabilang pares ng tsinelas na hawak ko pa.

Ilang beses akong bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili. Lumabas na ako ng pinto dahil baka mabugbog ko na talaga siya kapag hindi pa tumino. Kung hindi ko siya makakausap ng seryoso ngayon, tingnan lang natin kung makaimik pa siya sa gagawin ko.

Ang gago, kahit kailan, sakit sa ulo.

Kinausap ko si Mang Juanito na asikasuhin ang siraulo niyang amo. Nagpadala rin ako ng maglilinis ng bahay nila. Ayokong gano'n ang madadatingan ni Xhai kapag umuwi siya.

Dumiretso ako sa maliit na clinic ni mommy. Natutulog pa si Xhai. Bukas pa siya siguradong magigising. Sinabi rin ni mom ang kondisyon niya sa'kin.

Kinabukasan ay umamin ako sa kanya. Sinadya kong nabigla lang ako pero iyon talaga ang intensiyon ko. Kahit ineexpect ko na ang sasabihin niya'y nasaktan pa rin ako. Pero ginawa ko iyon para kung sakali man na gagawin ko ang binabalak ko'y wala akong 'doubts' at mga 'what ifs' sa utak ko.

"Brad!" Sabay kaming napalingon ni Xhai nang makababa na kami ng sasakyan nang ihatid ko siya sa kanilang bahay.

Nakita namin si Grant. Presentable na ang ayos niya at parang nahimasmasan na siya. Papasok na yata siya ng opisina. Hindi siya tumingin sa direksiyon ni Xhai. Mukhang nakalimutan na rin yata niya ang naging pag-uusap namin kahapon.

Lasing nga talaga ang gago. Sayang lang ang effort ko.

"Grant." Lumapit si Xhai sa kanya. Nilagpasan niya lang ito.

Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresiyon ng mukha ni Xhai. Ngumiti siya nang pilit pero alam kong gusto niyang umiyak. Sinundan niya ng tingin si Grant hanggang sa tumigil ito sa'king harapan.

"Musta?" tanong ni Grant sa'kin. Pinipilit niyang ipakita na okay lang sa kanya 'to. Ang pagbabalewala kay Xhai, pero alam ko, hindi niya 'to gusto.

Sasabog yata ang ulo ko. Ba't ba ang tanga ng gago na 'to?

Hindi niya nga naalala ang nangyari kahapon o kung naalala man niya'y siguro akala niya'y panaginip lang iyon. Tinapik niya ako sa balikat at hindi na ako nakapagtimpi. Buo na ang desisyon ko.

Masakit para sa'kin 'to.

Balang araw ay maaari kong pagsisihan, pero kung ito lang ang tanging paraan para matauhan si Grant ay hinding-hindi ako magsisisi kailanman. At kung kailangan ko 'tong ulitin sa harapan ng ibang tao, kung kaligayan naman ng taong mahal ko at ng kaibigan kong walang iniisip kung hindi ang kapakanan ko'y gagawin ko nang buong puso.

Sinuntok ko si Grant.

Sinuntok ko siya nang sinuntok pero hindi siya gumanti. Hindi siya pumalag.

Sumisigaw si Xhai. Pinipigilan niya ako. Pero hindi ako tumigil. Gigil na gigil ako at gusto kong ibuhos ang lahat ng frustration na nararamdaman ko.

Gusto ni Grant na may sumuntok sa kanya kaya pagbibigyan ko siya. Gusto niyang may pumatay sa kanya pero hindi ko 'yun magagawa. Gagawin ko ang lahat... matauhan lang siya.

Pumagitna si Xhai sa'min, umiiyak, doon ako natigilan. Pati rin si Grant.

Alam ko si Grant ang pipiliin niya sa 'ming dalawa.

Ang balak ko lang ay umarte sa harapan nila para na rin malaman ni Grant kung gaano siya kaimportante sa taong patuloy niyang itinutulak palayo sa kanya. Pero nang makita ko si Xhai na umiiyak ay nagpipigil na rin ako ng luha.

Tangina! Ang sakit. Sobrang sakit pala.

Naguguilty ako kasi ang dami kong inililihim sa kanya.

At hindi ko talaga kaya iyong sabihin sa kanya hanggang ngayon. Papakawalan ko na nga siya. Hindi na ako aasa. Pero ayokong tuluyan siyang mawala.

Hinawakan ni Grant si Xhai sa balikat at hinawi sa harapan niya. Hinayaan niya lang akong suntukin siya. Mas lalong uminit ang ulo ko kasi hindi niya pa rin binibitiwan ang mga bulok niyang rason at baluktot niyang prinsipyo.

Kaya nang lumuhod ako sa harapan niya'y natigilan sila.

Mas lumakas ang iyak ni Xhai pero hindi na ako pwedeng magback-out pa. Sinabi ko ang lahat ng gusto ko. Sinabi ko ang mga bagay na pinaniniwalaan ni Grant kahit hindi iyon ang totoo; na si Xyrene talaga ang mahal niya't kung ano-ano pa.

Gusto kong ipaunawa sa kanya na hindi lahat ng sinasabi ng isang tao'y tama. Minsan malalaman mo rin iyon sa ikinikilos ng mga ito kahit itinatanggi ng bibig nila mismo.

Nakatitig lang si Grant sa'kin. Hindi siya nagsasalita. Alam kong natatakot siya dahil baka madulas siya't kung ano'ng masabi niya.

Pero wala akong pakialam kahit nakikiusap ang mga mata niyang itigil ko kung ano mang kahibangan ang ginagawa ko. Gusto kong ipakita sa kanyang seryoso ako. Ang gago niya talaga.

Naiinis din ako sa sarili dahil ang buong akala ko'y ang pathetic na ng sitwasyon ko. Pero kung ikukumpara sa pinagdadaanan niya'y talong-talo.

Umupo si Xhai sa tabi ko. Pinipigilan ako. Sinusuntok niya ako sa braso at pinapalo ang dibdib ko. Panay ang sigaw niya ng "Tama na". Hingi rin siya nang hingi ng sorry, pero ano bang kasalanan niya?

Si Grant ay tanging "Brad" lang ang nasabi dahil gulat pa rin siya.

Hinawakan ko ang kamay ni Xhai at inalalayan siyang tumayo. Hinila ko siya palapit kay Grant at inabot ang kamay niya rito. Ang nababasa ko sa mga mata ni Grant ay: "Brad, stop doing this." Pero wala akong balak sundin ang mga gusto niya. Desisyon niya ang palaging nasusunod. Ako naman ngayon.

"Brad, alam kong hindi siya naging akin para ipaubaya ko siya sa'yo." (Pero ikaw ipinaubaya mo siya sa'kin kahit kaya mo siyang kunin nang buong-buo.) "Pero kahit masakit ibibigay ko siya sa'yo nang buong-buo." (Kaya sana sa pagkakataong ito gawin mo kung ano ba talagang gusto mo.) Ang sakit palang gawin ang bagay na 'to pero siya noon niya pa ginagawa dahil lang sa kapakanan ko. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga at pumikit saglit. "Sinabi ko nang hindi mo siya kailangang mahalin." (Kasi noon pa lang mahal na mahal mo na siya.) "Ang sa akin lang pahalagahan mo ang nararamdaman niya para sa'yo." (Gago! Mahal na mahal ka niya. 'Wag ka nang magpakagago pa.) "Dahil sa totoo lang napakaswerte mo dahil ikaw ang taong mahal niya. Kaya 'wag mo na ulit siyang sasaktan." (At 'wag mo na ring pahirapan ang sarili mo. 'Wag ka nang magkapatanga. Parang awa mo na!)

Binitiwan ko na ang kamay nila. Hindi sila nakapagsalita.

Sumulyap ako kay Xhai. Umiiyak pa rin siya. Pilit akong ngumiti at tumalikod. Mabigat ang mga hakbang ko.

Tumigil ako sa tapat ng kotse. Nilingon ko sila. Tumama ang tingin namin ni Xhai pero agad kong nilipat ang titig kay Grant.

"Sa oras na bitiwan mo siya, tandaan mo na nandito lang ako para saluhin siya." (Pero alam ko namang hinding-hindi mo na siya papakawalan pa.) "At sa oras na mangyari iyon, 'wag kang umasa na ibibigay ko ulit siya dahil hinding-hindi na ako magpapaubaya." (At syempre malabo ring mangyari 'to dahil sa lahat ng gago sa mundo... ikaw ang mahal ng taong mahal ko.)

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay hindi ko pa rin maawat ang pagdaloy ng tubig sa mga mata ko. Damn... ngayon lang ako umiyak nang ganito. Pinagtatawanan ko si Grant kasi palagi ko siyang nakikitang umiiyak pero fuck.

Sa huli si mommy lang ang nakakaintindi sa'kin. "What happened, son?" Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi na siya nagtanong ulit. Alam na niya kung ano'ng dahilan. Hinihimas niya lang ang buhok at likod ko. "I told you many times before, you should be with Angel." At sa huli ipinagtutulakan niya pa rin akong si Gel na lang ang ipakasal sa'kin. "Wala kang pag-asa kay Xhaiden."

"Alam ko namang wala talagang pag-asa. Pero bakit 'tong lintek na puso ko, siya pa rin ang idinidikta?"

--

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ★ button.

繼續閱讀

You'll Also Like

16M 74.7K 21
Available na po sa bookstores. NATIONWIDE. Grab your copy now! :) Price: P175.00 175 pages Taglish Psicom Publishing Book 1: Sadist Lover (published...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
19.6K 559 17
If the magic fades away, will you still believe?
11.7K 305 8
What's meant to be will always find a way