Prince of Speed (Published un...

By Whroxie

8M 141K 9.4K

Si Aiken Jimenez ay kilala bilang mahusay na race car driver. He known as "Prince of Speed", but he opted... More

Synopsis
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
Chapter 4
Restricted
CHAPTER 5
Chapter 6
CHAPTER 7
My Bastard Ex
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
CHAPTER 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Epilogue
Book Released

Chapter 18

180K 4.1K 396
By Whroxie


ISANG linggo na ang nakakaraan simula ng pangyayari sa pagitan ni Aiken at Preyh. Inihatid niya si Preyh sa unit nito. Wala silang imikan hanggang marating nila ang unit ni Preyh. Hindi na siya bumababa pa ng sasakyan at pinaharurot ito palayo nang makababa si Preyh.

Ngayon ito siya at mukha siyang stalker na sinusundan si Preyh. Hindi niya matiis na hindi ito makita. Parang may kulang sa pagkatao niya ngayon. Mahal na mahal na talaga niya ito at ayaw niya itong tuluyang mawala sa kanya. Tumawag siya sa opisina nito at sinabi ng sekretarya na nasa sweet bites café ito kasama raw si Mr. Hernandez ang COO.

Ito siya ngayon at nasa hindi kalayuan ng café. Napaayos siya nang upo nang makita niya si Preyh na lumabas establesyemento, kasunod ang isang lalaki. Matangkad at mestisilyo. Hinatid nito si Preyh sa sariling sasakyan. Nakita niyang kinausap ito ni Preyh, ngumiti at nagyakap ang dalawa. Matagal ang yakap nito kay Preyh. Humigpit ang hawak niya sa steering wheel nang makita niyang kinulong ng lalaki ang mukha ni Preyh sa mga palad nito at hinalikan ito noo.

"Precious!" Usal niya at mariing pumikit. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinasibad palayo sa lugar.

IBINAGSAK ni preyh ang pang-upo sa mahabang sofa sa opisina nila ni Andra. Tinawagan siya ni Andra at pinapunta ng opisina dahil may mahalaga raw silang pag-uusapan. Nandoon din si Reghie na nakaupo sa pang-isahang sofa at si Andra ay nasa pang-isahang sofa rin katabi ng kinauupuan ni Reghie.

"Anong pag-uusapan natin?" untag niya dito.

Hindi niya alam pero parang may talim ang titig sa kanya ng dalawa, lalo si Andra na sa matagal na panahong nakakasama niya ito ay ngayon lang siya tinitigan ng ganito. Taliwas sa sweet na aura ng kaibigan ang aura nito ngayon. Napapikit siya nang maisip na mukhang tungkol ito sa kanila ni Aiken.

"Wala ako sa mood para magkuwento ngayon. Please, guys. Next time," isang malawak na buga ng hangin ang ginawa niya.

"Did you see, Aiken?!" Matatag ang tinig ng kaibigan niya habang hindi siya iniiwan ng nanonoot na titig nito.

"He was drunk last night, sinundo ko sa bar. He cried your name. God Precious! What the hell is wrong with you?!" Salubong ang kilay ni Andra.

"Preyh! Kagabi ko lang siya nakitang umiyak. Para siyang bata habang tinatawag ang pangalan mo. My God! You're ruthless!" Oh god! She's hurting him so much. Gano'n ba talaga siya kamahal ni Aiken? She blinked the tears back.

"Bakit mo siya tinanggihan? Imposibleng hindi mo siya mahal. I can see in your eyes that you love him. Your eyes sparkled every time we've talked about him!"

Napahawak sa sentido si Andra dala ng matinding frustration. Si Reghie naman ay tahimik lang na nakamasid sa kanya at nakikinig sa usapan nila.

"Preyh!" Tumaas ang boses ni Andra na para bang nauubusan na ng pasensiya dahil sa hindi niya pagsagot.

"I love him," halos pabulong niyang sagot, pero pinilit tatagan ang boses para hindi pumiyok dahil parang naninikip na naman ang dibdib niya. Napayuko siya.

"Then why?" tumayo si Andra at tumabi sa kanya. Pinilit ni Andra'ng tumingin siya dito. Umiling siya at napapikit naman si Andra sa walang kuwenta niyang sagot.

"Umayos ka Precious! Ako ang sasapak sa 'yo!" Sa wakas ay nagsalita si Reghie sa yamot na tinig.

"May problema ka ba? Ano ba talaga ang dahilan mo kung bakit takot na takot kang magmahal? Takot kang magseryoso! Is this all about, Thomas?! God, Preyh! That was—"

"May anak ako!" Doon na siya bumulalas nang iyak. Natigilan naman ang dalawa na para bang pinipilit ilagay sa utak ang narinig.

"You have what?" Andra asked bewildered.

Hindi sumagot si Preyh at nag-iiyak na lang. Hinawakan siya ni Andra sa magkabilang balikat.

"Preyh! Ulitin mo ang sinabi mo! Stop crying ano ba!?" Andra shouted a bit and shook her shoulders.

"May anak na akooo!!" Lalong lumakas ang iyak ni Preyh. Kinabig siya ni Andra at niyakap.

Hindi pa talaga nag-si-sink-in ang sinabi ni Preyh sa dalawa. Naguguluhan ang mga ito sa sinabi niyang may anak. Hindi rin naman si Preyh makapagbigay ng maayos na sagot dahil sa todong pag-iyak. Pilit siyang pinakalma ni Andra. Hinayaan siya nitong umiyak lang.

Mga ilang sandali lang nang bahagyang humupa ang pag-iyak niya ay inilayo siya ni Andra nang bahagya.

"Now, Preyh, ano ang sinasabi mong may anak? You mean buntis ka." Umiling-iling si Preyh at pinunas ang luha na kumalat sa pisngi. Humugot siya ng malalim na paghinga at muling pinakawalan.

"May anak na ako, Andra..."

Naguguluhan man ay hindi nagsalita ang dalawa at hinayaang ituloy ni Preyh ang mga sasabihin pa. Isinalaysay nga niya ang lahat-lahat sa mga kaibigan. Pati ang huling pag-uusap nila ni Thomas at ang pag-alis niya at paninirahan sa Hong Kong.

"I was a rape victim. A gang rape victim maybe," pagtatapos niya sa kanyang pagtatapat.

"God!" Mahinang bulalas ng dalawa pagkatapos marinig ang kwento ni Preyh.

"Why didn't you tell us? We're your friemds. We're besfriend."

Punong-puno ng awa ang mababakas sa mukha ng dalawa niyang kaibigan pero naroroon ang pagtatampo sa boses ni Andra.

"Dahil ayaw kong kaawan niyo ako. Ayaw kong mag-iba ang pakikitungo niyo sa 'kin, at dahil na rin 'yon ang bilin sa 'kin ni dad!"

Ayaw niyang mangyari ay tratuhin siya ng mga ito na para bang mahina siya. Na kailangan niyang alagaan at kaawaan. She wants a normal life kahit na ang totoo ay malaki na talaga ang pinag-iba ng buhay niya simula nang mangyari sa kanya iyon.

"Iba ang kapalaran natin Andra. You got pregnant because you entered the wrong room. And you're such a lucky dahil pinagtagpo kayo ni Iñigo. Pero ako...." Binitin niya ang pangungusap at yumuko.

"Ginahasa ng mga hayop!" Muli siyang bumulalas ng iyak. Agad naman siyang dinulugan ng kaibigan. Niyakap siya nito. Samantalang si Reghie ay tulala lang sa isang tabi habang nagpupunas ng sariling luha.

"Asan ang anak mo?" untag ni Andra pagkatapos na mahabang katahimikan.

"She's in Bulacan," sa kabila ng sitwasyon ay napangiti si Andra.

"She's a girl. I want to see her," may kalakip na excitement ang boses ni Andra, kaya napangiti na rin siya.

"Next week is her 7th birthday. Isasama ko kayo do'n."

"God! I can't believe this. Mas nauna ka pa palang nagkaanak." Tumingin si Andra kay Reghie na tahimik na nakamasid lang.

"Hoy Reghie! Ikaw ba may anak ring tinatago?"

Lumapad na ang pagkakangiti ni Preyh sa tanong ni Andra. Totoong napangiti at gumaan na ang pakiramdam niya dahil sa wakas ay may napagsabihan na siya ng kanyang sekreto na matagal na panahon niyang itinago.

"How I wish I could have, but sad to say.. wala. Hindi naman ako kasing tatanga niyo." Napasandal si Preyh at marahang natawa sa sagot ni Reghie.

"Hay! Ang swerte niyo nga! Ang saklap nang pinagdaanan niyong dalawa pero kaligayahan naman ang kapalit oh! May mga anak na kayo at may mga lalaking mahal na mahal kayo." Umangat mula sa pagkakasandig si Preyh at tumingin kay Reghie.

"Ikaw Andra, pinakasalan. Ikaw naman Preyh, handang pakasalan. You have to tell him the truth. If Aiken loves you, matatanggap niya ang lahat."

Paano kung hindi? Kakayanin ba niya ang panibagong pagkabigo? Kakayanin niya kaya ang magiging reaksiyon ni Aiken? Pero tama si Reghie. Oras na nga siguro para alisin ang takot. Dahil sa karuwagan niya ay ang sariling anak niya ang nahihirapan.

"Matt loves you, Redge. Why don't you stop taking pills para mabuntis ka na rin." Napasandal si Reghie at pinatirik ang mata sa sinabi ni Andra.

"Tumigil na ako sa paggamit. Ang putang inang 'yon! Kahit alam na nag-pi-pills ako, but still, he spurts his cum all over my belly. Napaka segurista ng hayop. Bwesit! Ang sarap iputok sa bunganga niya ang sarili niyang likido!"

Napangiti si Preyh nang maalala ang mainit na gabing pinagsaluhan nila ni Aiken at hilingin nito na tumigil na siya sa pag-pi-pills at bigyan niya ng anak. She's willing to do that kung wala lang sanang ganitong problema.

PAGKAGALING niya sa opisina nila Andra ay tumuloy na siya sa condominium. Alas-otso na ng gabi. Pero sa araw-araw ay gusto niyang hatakin ang oras para sa mas malalim na gabi. Gusto niyang matulog lang nang matulog. Doon lang siya napapayapa. Nawalan siya nang sigla mula nang umalis sa buhay niya si Aiken. Nangungulila siya dito, gusto niya itong makita, mayakap at hagkan. Nakapag-desisyon na siyang sabihin ang lahat kay Aiken. Bukas na bukas din ay pupuntahan niya ito.

Namimigat ang katawan niyang bumababa sa kanyang sasakyan. Pagbagsak niyang sinara ang pinto. Pero natigilan siya nang makita si Aiken sa kabilang lane ng parking lot. Naka-krus ang mga braso habang nakasandal sa hood ng sasakyan nito. Isang linggo silang hindi nagkita nito. Tinubuan na ito ng balbas na sa tingin niya ay isang linggo nang hindi nag-aahit. Inalis nito ang pagkaka-krus ng mga braso at nagsimulang humakbang patungo sa kinatatayuan niya.

Huminto ito isang metro mula sa kinatatayuan niya.

"Aiken," paanas niyang sambit sa pangalan nito. Muli itong humakbang at huminto ilang pulgada mula sa kanya.

Nangungusap ang mga mata nito. Punong-puno ng kasabikan ang bumabalot sa mata nito. Tumaas ang kamay nito at marahan siyang kinabig. Buong higpit siyang niyakap nito. Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito at mahigpit na napayakap. Sobra niyang namiss si Aiken. Hindi niya mapigil ang luhang naglandas sa kanyang mga pisngi.

"I'm sorry, Preyh. I'm sorry kung minadali kita. Kung hindi mo gustong magpakasal, ayos lang. Hayaan mo uli akong makabalik sa 'yo. Ayos na sa 'kin na makasama ka lang." Kung alam lang sana ni Aiken na gustong-gusto niyang makasal dito.

"We have to talk," kumawala siya mula sa mahigpit na pagkakayakap nito.

"May kailangan kang malaman," hindi na niya inantay na sumagot ito. Nagpatiunan na siya sa paglalakad at sumunod naman si Aiken.

Nang marating nila ang unit ay agad niyang minuwestra sa binata ang sofa. Umupo si Aiken sa sofa at tumabi si Preyh, pinuno niya ng hangin ang dibdib. Nilingon niya si Aiken na matiim na nakatingin sa kanya. Pinagsalikop niya ang mga palad niya sa sobrang kaba. She doesn't know if how and where to start.

Ginagap ni Aiken ang kamay niyang bahagyang nanginginig at nanlalamig. Napayuko siya. Hindi niya kayang salubingin ang titig ni Aiken. A very long silence reigned between them that she could even hear the ticking of her watch.

She cleared her throat.

"I-I can't marry you," simula niya habang nakayuko. Ayaw niyang makita ang reaksyon ni Aiken. Naramdaman lang niyang pinisil nito ang kamay niya.

"May...." Bitin niya at pumatak na naman ang luha niya. Binitawan ni Aiken ang kamay niya at sinapo nito ang mukha niya. Muling nagtagpo ang mga mata nila.

"Oh!" She groaned and tried to avoid his eyes. Sakit ang nakikita niya sa mata ni Aiken at parang nadudurog ang puso niya. Hindi hinayaan ni Aiken na makawala ang mukha niya mula sa pagkakahawak nito.

"Say it!" Utos nito sa mahina pero matigas na tinig. Makailang ulit siyang napabuntong hininga.

"May iba na ba? Hindi mo ba talaga ako minahal kaya gan'on mo ako kadaling napaipagpalit!"

Doon siya tumingin kay Aiken. Doble ang sakit at hinanakit ang mababanaag sa mga mata nito. May mga luhang bumabadya.

Mabilis na umiling si Preyh at hinawakan ang pulupulsuhan ni Aiken na nakahawak parin sa mukha niya.

"Wala. God knows wala. Aiken, listen. After this, tatanggapin ko ano man ang magiging desisyon mo."

Tumayo siya at tumuloy sa silid at binuksan ang ilaw. Kinuha niya ang isang picture frame na nakatago sa isang drawer na nasa closet. Ang picture nilang dalawa ni Izzy. Sinara niya ang closet at lumingon para sana bumalik sa labas ngunit naroroon na si Aiken. Umupo si Preyh sa gilid ng kama at gano'n din ang ginawa ni Aiken na ang mata ay natuon sa hawak niya.

Marahan niyang inabot kay Aiken ang larawan na kinuha naman ng binata. Naguguluhan itong tumingin sa kanya.

"She's Izzy. Seven years old na siya nextweek.... She's my... my daughter."

Muli ang pagbagsak ng luha niya. Kitang-kita niya ang gulat sa mukha ni Aiken habang nakatitig sa kanya. Muli nitong tinignan ang larawan at napahawak pa sa sariling sentido na tila ba sumasakit ang ulo.

Lalo siyang napuno ng kaba at takot. Iyon pa lang ang pinagtatapat niya pero gulat na gulat na si Aiken. Paano pa kapag sinabi niyang isa siyang rape victim.

"Who's the father? Si Thomas ba?" halos pabulong nitong tanong at binaling ang tingin sa kanya.

She shook her head repeatedly as the tears streaming down her face.

"I... I was.. Oh god!" She buried her face on her palms.

"I was a rape victim!" Pilit niyang tinatagan ang kalooban niya at inangat ang mukha niya mula sa pagkakasubsob sa kanyang palad.

Tinignan niya si Aiken na nakayuko habang nakatitig sa larawan. Kitang-kita niya ang paglabasan ng ugat nito sa kamao sa higpit ng pagkakahawak nito sa larawan. Matagal na katahimikan ang naghari sa loob ng kwarto at tanging hikbi lang niya ang maririrnig. Marahang binababa ni Aiken ang larawan sa kama. Napahilamos ito sa sariling mukha at biglang tumayo. Tuloy-tuloy itong lumabas na walang kahit anong salitang lumabas o tapunan man lang siya tingin.

Doon parang binuhusan ng malamig na tubig si Preyh. Namamanhid ang buo niyang katawan lalo ang buong ulo niya. Mahigpit siyang napahawak sa damit niya banda sa kanyang dibdib. Dumaudos siya sa kinauupuan at napasalampak sa sahig. Parang hindi siya makahinga. Her heart skipped a beat as if it was like being squeezed by the giant fist.

Napahagugol siya nang todo. Ang sakit-sakit, para siyang mamatay sa mga sandaling ito. Hindi niya alam ang gagawin. Tanging pag-iyak lang ang kaya niyang gawin. Bakit parang mas masakit ngayon kumpara nang iwan siya ni Thomas? Ito ang mapait na katotohanan kaya ayaw niyang magmahal. Ang iwan siya at paulit-ulit na masaktan dahil sa kanyang nakaraan. Walang tatanggap sa 'kin? Sigaw ng utak niya. At lalo siyang napaiyak dahil sa mapait na katotohang na sumasampal sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

445K 6.3K 24
Dice and Madisson
1.5K 131 38
Everything seems okay until one day, Aleciandra Nicole found herself in the midst of chaos, choosing in between. Thinking what's right for her she de...