The Legendary Dark Demon

By GoofyXycho

3.5M 86.1K 3.5K

Isa ang Otokawa mafia sa kinatatakutang organisasyon sa mundo ng sindikato lalo na sa Japan. Bukod sa marahas... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Last Chapter
Epilogue
Bonus Chapter
Bonus Chapter #2 pt. 1
Bonus Chapter #2- pt. 2
Author's note

Chapter 5

77.9K 2K 31
By GoofyXycho


Venz POV

Sa wakas magsisimula na ang laban, ayos!

Nakita kong dumating na iyong transferee tsaka may pinag-uusapan sila nung head ng assigning department tapos ay maya maya nagsimula na silang maglaban.

Napamangha ako ng mapatumba niya iyong dalawa, noong una ay ilag lang siya ng ilag hanggang sa mapatumba ang isa.

Mukhang malakas din pala iyong babae. Malas lang nila Claude at Angelo dahil di sila sumama sa akin, mga KJ talaga kahit kailan ang mga taong iyon.

Natuon muli ang atensyon ko sa gitna nang sabay nila siyang sinugod kaya umiwas yung babae at muntik na akong matawa dahil nagkabunguan pa iyong mga umatake sa kanya, tae haha.

Agad naman nilang inayos ang sarili nila at sabay namang sinugod yung babae at tulad ng dati ay puro ilag lang siya pero di ko inaasahan ang sunod na mangyayari.

Mukhang hindi napansin nung babae na may isang lalaki sa likod niya at nasuntok ito at doon na siya tuluyang nabugbog, I was really disappointed, tsk akala ko pa naman malakas siya. Pinagtutulungan na siya ng grupo. Napansin ko ring nagsi-alisan na iyong mga manonood. Mukhang alam na nila ang pupuntahan ng babae.

Bakit ba kailangan may ganitong pagsusulit bago makapag-aral dito? Naalala ko tuloy iyong saakin. Sampu rin iyong kalaban ko pero natalo ko naman sila lahat kaya lang isang black eye at baling braso ang natamo ko but it earned me a place sa pinakaunang section ng high class kasama sina Claude at Angelo.

Parang ayaw ko nang tingnan yung sinapit ng babae na ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Tumigil lang sila sa pagbugbog sa kanya noong wala na itong kibo.

Nadismaya ako. For a moment, akala ko talaga may binatbat siya pero nakahiga lang siya doon sa sahig habang pinagsisipa nila.

Tatayo na sana ako para lumabas na nang muntik na akong mapatalon nang mapansin kong nasa tabi ko lang pala si Claude, akala ko di to manonood. May lahing pusa rin pala, pareho ring nacucurious doon sa babae.

Para siyang baliw na nakangisi habang nakatingin doon sa kanila.

Haruka's POV

"Oh ano?! Wala ka palang sinabi eh, weak!" sabi nung lalaki na nasapak ko kanina, pikon parin dahil napuruhan ko siya.

I gritted my teeth and internally tried to contain myself from killing the shit out of them.

My plan was to pretend being weak at mapabilang sa low class, as much as possible I don't want to draw much attention.

Mas madaling kumilos pagdi ka masyadong napapansin, being on the high class will jeopardize my plans at mas mahihirapan ako kong araw araw kong makakasalamuha ang mga malalakas na estudyante dito.

"Haha miss ang hina mo pala" asar pa nito pero nanatiling tahimik ang bibig ko.

May gana pa siyang asarin ako, just wait you moron!

"Okay miss Furuyuki, we'll just notify you later of the results of your performance, for now I'll just send someone to lead you to the clinic." sabi nung nagpakilala head ng assigning department at umalis na siya.

Nabakante na ang arena maliban sa akin at ang Serverus Gang.

"Anong kailangan niyo?" malamig kong tanong.

Tumawa sila at lumapit iyong lider sa akin.

"Maganda ka miss, why don't you come with us at aalagaan ka namin. Nakita mo naman ang ginawa namin kanina diba? Pag umayaw ka mas lalala pa ang aabutin mo. " I always knew these bastards where a bunch of maniacs.

Sinamaan ko sila ng tingin

"I don't associate myself with a bunch of morons." sabi ko at tumayo sa pagkakasalpak sa sahig. Medyo masakit iyong katawan ko pero mas nakaranas pa ako nang mas malala nito, kagat ng langgam lang ito sa akin.

Nagsimula na akong maglakad papunta sa exit ng arena.

"Yan ka magaling eh, puro angas ka lang naman pero hanggang salita lang, siguro walang modo ang nagpalaki sa iyo ano? Bahag ang buntot!" sabi nito at nagtawanan na.

Bigla akong napatigil sa paglakad at napakuyom ng kamay. The last man who insulted my parents had his head separated from his body mukhang hindi siya ang magiging panghuli.

Lumapit iyong lider sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Wag ka nang pahard to get miss--" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay ibinalibag ko na siya sa sahig kahit nananakit ang katawan ko.

"I told you, you touch me, you die." kalma kong sabi at tuluyan nang lumabas.

Hinanap ko ang tinambayan ko kanina, yung mini forest. Doon ako muling umakhat tsaka natulog. It will be just a couple of hours. Ipapahinga ko muna iyong kasukasuhan ko.

--------

Napamulat ako nang maramdamang may gumagapang sa pisngi ko kaya agad akong napabalikwas. It was a spider, dinampot ko ito. I squashed it and flicked it away.

Kung di ko natandaang nasa taas pala ako ng puno malamang nahulog na ako. Napaikot ang tingin ko sa paligid at nakitang gabi na pala, madilim na ang paligid at medyo malamig na.

Bumaba na ako sa puno nagpasyang umuwi.

Habang nagmamaneho ako, namataan ko ang grupong bumugbog sa akin kanina sa so called performance test sa isang eskinita na may binubugbog. Mukhang may bagong biktima naman ang Serverus Gang.

A sly smile formed on my lips.

Kung sinuswerte nga naman bukas ko pa sana sila gagantihan pero mukhang maaadvance ang walang hangganang bakasyon nila sa impyerno.

Ipinarada ko ang sasakyan ko sa isang madilim na bahagi ng lugar at linapitan sila.

Napangisi ako ng makita kong ang kanilang binubugbog ay yung nerd rin kanina, iyong duwag na tingting.

Serves him right for giving me wrong directions.

Tumayo lang ako sa isang tabi habang tahimik na minamasdan sila.

"Enjoying the action?" napatingin ako sa nagsalita at sa kabilang bahagi ng pinagtataguan ko. Madilim masyado at ang naaninag ko lang ay ang anino niya. He's 6 feet tall at nakasandal sa dingding habang nakapamulsa.

"Who the hell are you?" tanong ko na bigla niyang ikinatawa.

Napakunot naman ako ng noo. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"A stranger who just happened to walk by and got curious, how about you, little kitten?"

"Don't call me that." tiim bagang sabi ko.

"So what's your name then?"

"I don't give my name to strangers." malamig na sabi ko. "Why are you here?" dugtong ko naman

Ilang segundo ay di siya nagsalita at muntik na akong mapatalon nang may bunutin siya sa likod niya.

Agad akong napahawak sa baril ko pero agad napabitaw nang malamang chichirya lang pala iyon.

"I just told you didn't I? Napadaan lang, ikaw?"

"None of your business."I said coldly.

Napabaling ang atensyon ko sa kanya nang marinig na humiyaw nang malakas iyung nerd.

Pinapaligiran parin siya ng mga miyembro ng gang at mukha na siyang lantang gulay.

Binalik ko ang tingin doon sa lalaking kausap ko.

"Don't you have so--" napatigil ako nang makitang wala na siya sa pwesto niya at di ko na siya hinagilap pa. He's not part of what I came for.

After I made sure the nerd have suffered enough, lumabas na ako sa pinagtataguan ko at naglakad na papunta sa kanila.

Pinatunog ko ang aking mga kamay.

I'll surely make them pay.

A devilish smile formed in my lips

They sure are one lucky bunch, makikita na nila kung sino ang legendary dark demon....

Continue Reading

You'll Also Like

56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...
2.8M 72.4K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
429K 13.1K 56
• Marrying the Vampire Prince (Novel) • Vampire Prince Series #1 • Wattys2018LongList • Soon To Be Published Under Immac PPH Nicole Jane Parker is an...
13.8K 1K 87
[COMPLETED][With original drawings and sketches made by me ofc] Kung hindi talaga kailangang-kailangan ay hindi maghahanap ang basketball team captai...